Chapter 19
"Tapos ihalo mo 'tong gatas d'yan sa tsaa," utos ni Sunny kay Kairos.
Tinuturuan niya itong gumawa ng milk tea na ititinda nila sa intrams.
Matapos ang ilang pangungumbinsi, pumayag rin itong samahan siyang magtinda.
Desidido siyang isama si Kairos sa field trip nila. Iniisip niya pa lang ng mapapahamak ito sa araw na 'yon, nahihirapan na siyang huminga. Kaya hangga't maaari, didikit siya rito para masiguro ang kaligtasan nito.
"Tama ba 'tong ginagawa ko?" pukaw ni Kairos sa kaniya.
Tinabihan niya ito at pinakatitigan ang inumin sa harap nila. Mukha na rin naman itong milk tea kung pagbabasehan ang itsura.
Nahirapan pa nga silang maghanap ng mga ingredients nito. Buti na lang at tinulungan sila ng lolo at lola ni Elias. Kilala kasi ng mga ito ang mga nagtitinda sa market kaya kahit papa'no ay naka-tawad sila.
"Oo," tugon niya rito. "Ang galing mo!" puri niya pa na may kasama pang dalawang thumbs up.
Marahan itong napakamot sa tenga. "Magaling ang teacher, eh."
"Sus, nambola ka pa. Tabi na. Ako naman ang gagawa ng dalgona," aniya saka nagpalit sila ng pwesto ni Kairos.
Balak nilang dalawa ang menu para may pagpilian rin ang bibili. Si Kairos ang gagawa ng milk tea at siya naman sa kape.
Mas alam niyang gawin 'yon dahil sobrang hilig niya ring mag-kape. Kahit sino naman atang architect ang tanungin, hilig talaga ng mga ito ang kape.
Sunny suddenly felt conscious as Kairos stared earnestly at her while she mixed the recipe.
Binasa niya ang pangibabang labi at tinuon ang pansin sa ginagawa.
"Charan!" masigla niyang sabi na may kasabay pang pagwagayway ng kamay sa malaking basong may laman na dalgona.
Magiliw siyang pinalakpakan ni Kairos na mas lalo niyang ikinasaya.
Even though what she did was just a small thing, she feels giddy whenever Kairos appreciates her work.
"Tama ba 'yang sagot mo?" boses iyon ni Coffee.
"Malay ko. Iko-correct naman 'yan ni sir sa Lunes," pabalang na sagot ni Elias.
"Akala ko ba, Math ang sinasagutan natin?" ani naman ni Sean.
Nagkatinginan sila ni Kairos at sabay na napatawa ng mahina.
Nasa bahay sila ngayon nila Elias. Tuwang-tuwa silang pinayagan nila Lola Goyang nang magpaalam sila rito na kung p'wede ay pupunta sila sa bahay nito ngayong Sabado.
Simple lang ang bahay pero komportable. Gawa ito sa kahoy at ang bubong ay nipa kaya naman napaka-presko roon.
Nasa sala ang tatlo samantalang nasa kusina naman sila ni Kairos. Kasama nila roon sina Lolo Nestor na inaayos ang ititinda ng mga itong meryenda sa palengke.
"'Lo," tawag ni Sunny sa matandang nagtatakip ng dahon ng saging sa bao. "Gusto ni'yo po ng kape?"
"Iyan ba ang nagawa ni'yo? Parang mamahalin, ah," puri nito sa kanila.
Nagsalin si Kairos sa isang tasa pagkatapos ay binigay iyon kay lolo.
Kagat-labi niyang pinagmasdan si Lolo Nestor habang iniinom nito ang kape na gawa niya. Hinihintay niya kung ano ba ang magiging reaksiyon nito.
"Aba't napakasarap naman nito!" puno ng galak na sabi ng lolo at muling uminom.
Napa-apir siya kay Kairos dahil sa tuwa na may kasama pang paglundag. Hindi naman nito binitawan ang kamay niya at hinayaan na lang siya na magtatalon sa saya.
"Ipa-taste test na rin natin do'n sa tatlo," aya niya sa lalaki pagkatapos.
Tumango ito at agad na kumuha ng limang baso at pinatong iyon sa malaking plato. Siya naman ang nagdala ng dalwang malaking baso na may lamang kape at milk tea na gawa nila.
"Pakikuha na rin ng sago," pahabol niya pang sabi sa binata.
Naabutan nilang nag-aasaran ang tatlo at halos hindi nagalaw ang mga papel sa maliit na mesa. Bumaling sa kanila ang atensyon ng mga ito nang ilapag niya roon ang mga dala.
"'Yan ba ang sinasabi mong milk tea? Parang tinimplang gatas lang, ah," puna ni Elias na ikinatalim niya ng tingin rito.
"Lasahan mo muna kaya bago mo i-judge," pambabara niya rito.
"Eto na," ani Kairos at binigay sa kaniya ang lagayan ngsago pagkatapos ay tumabi sa kaniya ng upo.
Ibinaba nila Sean at Coffee ang mga papel sa mesa na siyang paglapag niya naman ng mga baso.
"Lagyan mo ng sago ang kada baso," utos niya kay Kairos na sinunod nito. "Tapos ibuhos mo 'tong ginawa mong inumin."
Nang mailagay na ni Kairos ang milk tea, isa-isa niyang tinulak ang mga baso sa mga kasama para inumin. Tahimik lang na pinagmamsdan ni Sunny ang apat habang hinihigop ng mga ito ang milk tea.
Napansin niya nag pagkunot ng noo ni Sean kaya napaisip siya kung may mali ba sa recipe na nahanap niya. Tama naman ang mga tinuro niya kay Kairos at nilista rin nila ang mga sukat sa paghahalo.
Unti-unting napalitan ang mga ekspresyon sa mukha ng mga ito. Malalaki ang mga matang nilapag ng mga ito ang baso matapos uminom.
A muffled sound escaped from Coffee's lips as she chewed the boba.
"Masarap," sabi ni Sean na patango-tango pa.
Napa-thumbs up naman si Elias habang inuubos ang milk tea nito.
"Sabi na sa inyo, eh," natutuwang saad niya saka binalingan si Kairos.
She froze when he fixed her bangs.
"A-ano," bawi nito sa kamay at nilipat iyon sa tenga nitong namumula na. "Nakaharang na kasi sa m-mata mo."
Bumalik ang tingin niya sa tatlo nang may maubo sa mga ito. Nakaramdam siya ng hiya nang mapansing pinagmamsdan sila ng mga ito.
She just awkwardly laugh. "Kailangan ko ng i-trim ang bangs ko."
Buti na lang at dumating si Lola Goyang kaya naagaw nito ang atensyon nila.
"Kainin ni'yo ito habang gumagawa kayo ng mga assignment ninyo," nakangiting saad nito matapos ilapag ang isang plato ng limang banana-que.
"Salamat po," sabay-sabay nilang sabi.
Mainit-init pa ang banana-que. Bagay na bagay ito sa ginawa nilang milk tea at kape.
"Elias," tawag ni Coffee sa lalaki. "Ba't 'di mo subukang itinda rin ang luto ni Lola Goyang sa intrams? Itabi mo ro'n kina Sunny."
"Oo nga," pagsang-ayon niya.
"P'wede ba 'yon?" nag-aalangang tanong ni lola.
"P'wede 'yan, 'la. Ako bahala," sagot ni Elias. "Gusto ni'yo ng milk tea, 'la?" dugtong pa nito habang binibigay rito ang basong ininuman.
Natutuwang humigop roon si Lola Goyang. "Aba't kay sarap naman nito."
"Gawa po 'yan ni Kairos, 'la," aniya na tinuturo ang katabi.
Nahihiya nitong binaba ang kamay niya.
"Pupunta na po kayong palengke?" tanong ni Sean.
"Oo, apo."
Tumayo si Elias. "Hatid ko na kayo."
"Sama rin po ako," turan ni Sean saka tumayo na rin.
"Kailangan ni'yo pa po ba ng isa pang magbibitbit?" alok ni Kairos.
"Ayos na, apo. Sapat na 'tong dalawa. Samahan mo na lang itong dalawang babae rito," sagot ni Lola Goyang kapagkuwan ay tinungo na ang kusina.
Sinundan niya ng tingin ang dalawang lalaking nag-presinta saka dumukwang palapit kay Coffee.
"Anong sumapi sa dalawang 'yon?" magkasalubong ang kilay na bulong niya sa katabi.
Nagkibit-balikat ito. "Malay ko. Baka nauntog."
"Ang lakas naman ng pagkakauntog nila."
Ang layo kasi ng mga ugali ng mga ito kumpara sa unang beses na nakilala nila ang mga ito. Napakalaki ng pagbabago ng mga ito.
Lalo na si Elias.
Natutunan ng dalawa na rumespeto at ayusin ang sarili. Hindi na rin ito mga basag-ulo at bihira niya ng makita itong nagka-cutting classes.
Halos buong araw silang nasa bahay nila Elias. Tinapos nila ang mga assignment at projects na may pinaghalong kwentuhan at asaran.
Magga-gabi na nang makauwi si Sunny sa kanila. Diniretso niya ang kwarto para makapagpalit na ng damit at makapag-pahinga na.
As she was about to open her closet, a yellow thing on her bed caught her attention. Her eyebrows furrowed, but her eyes slowly circled from shock.
It was the dandelion!
"Anong ginagawa nito rito?" tanong niya sa sarili.
Sa pagkakatanda niya, nilagay niya iyon sa box na nasa ilalim ng kama niya.
Pa'no iyon nakarating sa ibabaw ng kama niya? May naglabas ba nito mula roon?
Dahan-dahan niya itong nilapitan saka maingat na kinuha. Buhay pa rin ang bulaklak kahit na tatlong buwan na ito sa kaniya.
Hindi ba dapat ay nalanta na ito?
Namutla siya nang mapagtantong wala na ang ilang petals nito.
May ipinahihiwatig ba ito sa kaniya?
Hindi kaya sinasabihan siya nito na bilang na ang oras niya sa panahong 'yon?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro