Chapter 16
"And here's our Myx Daily Top 01..."
Tanging boses lang ni VJ Nikki sa TV ang naririnig sa buong bahay nila Sunny. Walang kibo ang mga magulang niya pati na rin ang mga auntie niya habang kumakain sa hapagkainan. Hindi niya alam kung nasaan ang mga uncle niya at wala siyang balak magtanong.
Ang mga bata naman ay tahimik lang din na nag-aayos sa pagpasok ng eskwelan.
Gano'n palagi ang pangyayari pagkatapos ng gulo sa kanila. Ni wala man lang isa sa mga matatanda ang gustong magpaliwanag at umayos ng problema.
Sa tingin ng mga ito, kapag kalmado na ang lahat, maayos na at pwede ng magmove-on na para bang walang gulong naganap.
Kaya gano'n na lang ang hinanakit niya sa mga ito. Dahil sa loob ng maraming taon, wala ni isang humingi ng tawad dahil sa traumang naidulot ng mga ito sa kanila.
Bumaling sa kaniya ang tingin ng mga magulang nang itulak niya ang upuan saka tumayo na. "Aalis na po ako," walang ganang imporma niya.
"S-sige. mag-iingat ka," mahinahong bilin ng mama niya.
Hindi na niya nilingon ang mga ito. Dumiretso na siya sa sala nila at kinuha na ang bag niya pagkatapos ay lumabas na ng bahay.
Mabigat ang loob na pumasok siya sa eskwelahan nila. Ito palagi ang iniiwasan niyang mangyari, ang madala ang sama ng loob sa ibang lugar.
"Sunny!"
Napalingon siya nang marinig ang pagtawag sa kaniya ni Kairos. Tumatakbo ito palapit sa kaniya kaya natigil siya sa paglalakad.
While staring at him, the world seemed brighter. His bright smile miraculously erased all the displeasure she's feeling. It was as if everything blurred around Sunny and the only clear thing is the man running towards her.
"Kararating mo lang?"
Nagising siya sa kaniyang gunita nang mapansin na nakatayo na pala si Kairos sa harap niya.
"O-oo," nauutal na sagot niya rito.
Iniwas niya ang tingin sa lalaki at pekeng napaubo.
Ano bang nangyayari sa'kin? Si Kairos lang naman 'to.
She flinched when he suddenly put his hand on her forehead.
"Masama ba ang pakiramdam mo?" inosenteng tanong nito. "Namumula ka."
Malalaki ang matang inalis niya ang kamay nito saka niya hinawakang ang magkabilang pisngi. Mainit nga ito.
"A-ayos lang ako," aniya saka tumalikod na at nagsimula nang maglakad papuntang open field para sa flag ceremony.
Sumabay naman sa kaniya si Kairos.
Is it because of what happened last night? Does she feel embarrased after hugging Kairos? Or because she opened up to him?
Mabilis na umiling si Sunny para alisin ang mga tumatakbo sa isip niya. Kaibigan niya si Kairos kaya hindi siya pwedeng mailang rito.
Matapos ang flag ceremony, kani-kaniya nang puntahan ang mga estudyante sa mga classroom. Hindi niya nakita si Coffee, Elias, at Sean. malaamng ay late na naman ang mga ito.
Tulad ng nakasanayan niya, nilapitan niya si Kairos na hinihintay siya. Sabay na rin silang naglakad papuntang 3rd floor.
She does not know why but whenever she roams her eyes, it was as if she was always looking for him. And whenever their eyes met, a feeling of relief washes over her.
Hindi alam ni Sunny kung kailan nagsimula pero nasanay na siya sa presensya ni Kairos. At ayaw niyang magbago ang pakikitungo nila sa isa't isa.
"Sige. Mamaya na lang na lunch," saad nito nang makarating sila sa harap ng classromm nila Sunny.
Nginitian niya ito saka tumango. Sinundan niya pa ng tingin ang papalayong likod ng lalaki bago pumasok na rin sa classroom nila.
*****
"Malapit na pala mag-exam," sabi ni Coffee na ikinabaling ng mga kaklase nila.
"First grading pa lang naman," sagot ni Eunice.
Magta-tatlong buwan na pala mula nang makabalik siya sa taong 2013. At sa loob ng tatlong buwan na 'yon, marami na ang nangyari.
Nakilala niya si Kairos. Naging malapit rin sila kina Elias at Sean. At ang mahalaga sa lahat, nasabi niya sa mga magulang ang mga kinimkim niyang sama ng loob.
Ano pa kayang mababago niya?
"Settle down, class," malakas na wika ni Sir Dons nang makarating sa may bleachers.
Dumiretso ito sa may unahan at ipinatong ang dalang mga papel sa mataas na mesa sa harap nito. Sila naman ay umayos na ng upo at tinuon ang atensyon sa guro.
Mabilis lang nagdaan ang oras. Nasa multi-purpose hall sila dahil ito ang panghuling klase nila sa araw na 'yon.
"I'm already done grading your project. Pero bago ko sabihin kung sino ang may pinakamataas ang grades, I'll inform you that the play that you will be doing will be graded by other teachers as well."
Nasabi na 'yon sa kanila ng dalawa nilang teachers, sina Ma'am Masaca at Sir España. Project na raw nila 'yon sa English at Filipino.
"Kaya, do your best. Baka mamaya n'yan, kokonti lang ang mag-participate. Teamwork is also part of the criteria," pagpatuloy pa nito saka inabot ang nasa pinakaibabaw na papel sa mesa.
Sa tingin niya ay iyon ang may pinakamataas na grades sa kanila. At alam niya ring si Erica ang makakuha no'n.
"Severio," tawag ni Sir Dons sa kaniya kaya napatayo siya. "Your story got the highest grade."
Nagsalubong ang dalawang kilay niya at naguguluhang tiningnan ang guro. "Po?"
"I must say, you got a talent in writing. Habang binabasa ko ang sinulat mo, para bang dine-describe mo ang quarter-life crisis which is relatable for people at my age," sabi nito na binalewala ang pagkalito sa mukha niya. "The feeling of being trapped, uninspired, and the anxiety were written in a creative way. Sa mga batang tulad ni'yo, it is impossible to demonstrate this kind of emotions."
Teka... Bakit niya nakuha ang pinakamatas na grades? Ang gusto niya lang ay makapasa siya rito.
Pa'no 'yong gawa ni Erica? Ibig bang sabihin nito, ang sinulat niya ang iro-roleplay nila?
"I really want to watch you act this," ani Sir Dons na para bang nababasa ang iniisip niya. "Great job, Miss Severio."
Inilahad nito ang papel sa kaniya at kahit na naguguluhan pa rin, tinanggap niya ito. "T-thank you po."
Kunot-noo siyang umupo. Hinayaan niya nalang si Coffee nang agawin nito ang papel sa kaniya at binasa iyon.
"Taray, Sunny. Para ka ng writer sa wattpad," bulong nito sa kaniya.
Tinapik ni Sir Dons ang mga papel sa mesa. "Mendoza, pakibalik na ang mga papel na 'to sa mga kaklase mo. I'll let you have this period para pag-usapan ang gagawin ni'yong play. Walang uuwi hangga't 'di pa tapos ang time."
May ilang bilin pa ang teacher nila pagkatapos ay umalis na ito sa bleachers para bumalik sa opisina nito.
"Shine," Erica called. "Do'n ka na sa unahan. K'wento mo sa'min 'yong sinulat mo para may idea kami."
Napakabait talaga ni Erica. Kahit noon pa man. Hindi ito tulad ng ibang honor students na nagtatanim ng galit sa kapwa estudyante na minsan ay nalalamangan sila.
Napakamot na lang siya sa batok saka tumayo at tinungo ang pinagpu-pwestuhan ni Sir Dons sa tuwing nagtuturo.
Umupo siya sa railings ng bleachers at pinatong ang mga kamay sa mataas na mesa. Kitang-kita niya roon ang mga kaklase at tanaw niya kung sino ang interesado sa hindi.
The boys at the back are, as usual, on their own world while the other students are listening to what she will say.
Kung noon ay siguro pawis na pawis na siya dahil sa hiya. Ayaw niyang nasa unahan at nagsasalita sa harap ng mga tao. Pakiramdam niya ay magkakamali siya palagi at pagtatawanan siya ng mga ito.
Pero iba na ngayon. Siguro ay nakapag-ipon na siya ng confidence sa haba ng piangdaanan niya kaya maliit na lang na bagay ang pagharap sa mga tao.
"Uhh... So 'yong story ko is titled "Like Yesterday". It is about a girl in her twenties who wants to feel happiness again."
Oo. Sinulat niya ang buhay niya at kung ano ang mga napagdaanan niya.
She also wrote the miracle that happened to her. Though, the story was open ended as she still does not know how her life will turn out in the end.
"Ikaw na lang ang main character, Shine," suhestiyon ni Blue matapos niyang mag-kuwento.
She crinkled her nose. "Ba't ako?"
"Mas alam mo 'yong sinulat mo kaya madali na lang 'yan sa'yo. Ako na bahalang gumawa ng script," sabi ni Erica.
"Ikaw na rin maging leader," nakangiting aniya rito.
"Okay," mabilis na sagot nito. "I-divide na natin 'yong mga gagawin. Leslie, ikaw na ang bahala sa mga characters. Tapos 'yong iba, iyon na ang i-tokang gumawa ng props."
As expected, ang mga honor students ang nagkanda-ugaga sa pag-aayos ng play. Samantalang ang iba nama'y may kani-kaniya nang pinagkakaabalahan.
"'Wag n'yong i-kwento kung ano ang sa'tin sa kabilang section, ah. Baka gayahin tayo," paalala pa ni Blue.
"Kahit crush ka pa," nakangising asar ni Erica saka ngumuso para ituro ang nasa likuran niya.
Kunot-noo niyang nilingon ang tinutukoy nito at nakita sa may court si Kairos. Nakatingin ito sa pwesto niya at nang magtama ang tingin nila, kumaway ito dahilan para mapuno ng hiyawan ang buong klase nila.
"Wooh! Sunny and Kairos," sigaw ni John na nasa gilid ng bibig ang dalawang kamay para mapalakas ang boses. "SuKa!"
"Ang asim naman ng loveteam ni'yo," malakas na komento ni July.
"Pero anong laban n'yan sa tamis ng tinginan nila?" hirit naman ni Coffee.
Her eyes widened in shock! Did he just create a couple name for them?
"SuKa! SuKa!" sabay-sabay na cheer ng mga kaklase nila.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya dahil sa hiya. Sa mga oras na 'yon, parang gusto niya na lang kunin ang gamit niya at tumakbo papauwi.
Pati si Coffee ay nakisabay na rin sa panunukso ng mga kaklase nila. Kahit 'yong ibang mga babae na kaklase niya ay nakisakay na rin pero may iba na ang sama ng tingin sa kaniya.
"Tumigil nga kayo," saway niya sa mga ito.
Nunkang makikinig naman ang mga kaklase niya. Mas lalo pang nilakasan nito ang mga boses, lalo na 'yong mga lalaki.
She just shook her head at their childishness.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro