Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

"Shine, kain na," alok ng mama niya matapos nitong makita siya sa may harap ng bahay nila.

Nilukob ng kaba ang dibdib niya nang makita ang papa at mga uncle niya na nag-iinuman na naman. Alam na alam niya ang kahihinatnan kapag nalasing ang mga ito... at hindi ito maganda.

"Bless po," walang gana niyang sabi sa mga ito kapagkuwan ay nilampasan na.

Wala siyang balak na marinig ang mga pinag-uusapan ng mga ito lalo na at maya-maya lang ay mag-aaway na ang mga ito.

Diniretso niya na ang kwarto at mabilis siyang nag-bihis kapagkuwan ay tinungo ang kusina para kumain. Naabutan niya roon ang bunsong kapatid at ang tatlo niya ring pinsan na mas bata sa kaniya.

Extended family kasi sila. Magkakasama sa isang bahay ang tatlong pamilya kaya napaka-ingay nila. Pero ngayon, tanging ang mga boses lang ng mga magulang nila ang naririnig.

Tahimik ang mga bata at pinapakiramdaman ang pwedeng mangyari anumang oras.

Ano bang ginagawa ng mga nanay ni'yo?

Bigla na lang susulpot ang mga ito kapag nagkakagulo na samantalang ngayon na kailangan sila para sawayin ang mga asawa nito, wala.

"Sama kayo sa'kin pagkatapos nating kumain," aya niya sa mga bata. "Bibilhan ko kayo ng ice cream."

Gumuhit ang mga ngiti sa labi nito sa narinig. Balak niyang ilayo ang mga ito sa bahay dahil alam niyang natatakot ang mga ito.

Sino ba namang bata ang hindi?

Kahit na hindi sila nito direktang sinasaktan, binibigyan naman ng mga ito ng trauma ang mga buhay nila na hanggang sa pagtanda ay dala-dala nila.

Kaya naman no'ng tumanda na si Sunny ay todo iwas siya sa alak lalo na sa mga taong umiinom. Pakiramdam niya may masamang mangyayari sa tuwing nakakakita siya ng alak.

Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nang mapatayo sila sa gulat dahil sa pagkalabog sa labas.

Mukhang nagsisimula na ang bangungot.

Napako sa kinatatayuan ang mga bata at nagpipigil ng iyak. Marahan niyang iginiya ang nga ito palapit sa kaniya saka pinakalma ang mga ito. Siya namang paglabasan ng mga asawang kanina niya pa hinahanap para awatin ang mga lalaki.

"Ano ba, Jose! Tumigil na nga kayo! Nakakahiya sa mga kapitbahay!" rinig niyang sigaw ng tiyahin niya.

Kani-kaniyang awat ang mga ito sa asawa nila samantalang ang mga ama naman ay patuloy pa rin sa pagwala. Habang pinipigil ang mga ito, lalo namang lumalakas ang mga sigawan nito.

Mas lalo pang umingay ang bahay nang magsi-iyakan na ang mga bata.

Sunny's breathing became ragged because of anger. Ang pagtitimpi niya sa mga matatanda sa matagal na panahon ay unti-unti ng napupuno.

Napapitlag sila nang marinig ang paghampas ng kahoy sa dingding kasunod ng hiyawan sa labas. Doon na naputol ang pasensya niya.

Mabilis niyang tinungo ang pinagtataguan ng kutsilyo saka kinuha ang mga iyon. Kahit na nakalapit na siya sa mga tao sa labas na may hawak na patalim, nasa pag-aaway pa rin ang atensyon ng mga ito.

Huminga muna siya ng malalim at inipon ang lakas-loob.

"Tama na!" buong lakas na sigaw niya na maaaring rinig hanggang kanto ng kalye nila.

Natigilan ang mga matatanda sa ginawa niya kaya naman pinagpatuloy na niya ang sasabihin.

"S-Shine," impit na tawag ng mama niya.

Binalibag niya ang mga kutsilyo sa gitna ng mga ito. "Magpatayan na kayo ngayon pa lang para matapos na 'to!"

Nanatiling na-estatwa lamang ang mga matanda sa harap niya habang pinagmamasdan pa rin siya.

"B-bastos ka ah!" sigaw ng tiyahin niya sa kaniya na mas lalong ikinagalit niya.

Naikuyom niya ang kamao. "Bastos na ho kung bastos! Sa tingin ni'yo, pipigilan ko kayo? Pagod na 'kong sumuway! Kaya parang awa ni'yo na, magpatayan na lang kayo para isahang bagsak na lang ang dadanasin namin!"

Natameme ang mga ito sa narinig sa kaniya. Alam niyang naguguluhan ang mga ito sa kilos niya pero wala na siyang pakialam. Kung suwail at masamang bata ang tingin nila sa kaniya, hahayaan niya ang mga ito matapos lang ang gulo.

Isa-isa niyang pinukol ng matalim na tingin ang mga kaharap. "Hindi niyo man lang ho ba nakikita ang panginginig ng mga bata kapag nag-aaway kayo? Hindi ni'yo ba alam na sa tuwing may magtaas lang ng boses ni isa sa inyo, natatakot na kami? Hindi niyo man lang ho ba naiisip ang mararamdaman namin sa tuwing nakikita namin kayong halos magpatayan? Ano nga bang alam ni'yo? Eh mga sarili ni'yo lang ang iniisip ni'yo."

"Anak, l-lasheng lang kami," pagdadahilan ng ama niya.

"Lasing?" Napaismid siya. "Hindi ho 'yan dahilan para bigyan ni'yo kami ng trauma na dadalhin namin hanggang sa pagtanda. Bakit niyo ho ba pinaparanas samin 'to? Mga magulang namin kayo. Hindi ho ba dapat pinoprotektahan niyo kami? Bakit kayo pa mismo ang nagbibigay ng pasakit samin?"

Halos maubos ang hininga ni Sunny pagkatapos ilabas lahat ng hinaing niya sa pamilya. Sa loob ng mahabang panahon, tinago niya ang galit sa mga ito. Pero ngayon na nabigyan siya ng pagkakataon na bumalik ng panahon, hindi na niya hahayaan ang mga ito na sirain ang buhay nila.

Nang ilang segundong hindi umimik ang mga kausap, tinalikuran na niya ang mga ito. Diniretso niya ang kwarto saka mabilis na kinuha ang wallet at ang mp3 player na nakalapag sa mesa niya.

"Mag-tsinelas na kayo," utos niya sa mga batang kanina pa nakatayo sa may kusina.

Pero imbes na sumunod ang mga ito, nagulat siya nang yakapin siya ng mga bata.

"Ate, tahan na," sabi ng kapatid niya sa maliit nitong boses.

Wala sa sariling napahaplos sa mukha si Sunny. Doon niya lang napagtanto na tumutulo na pala ang mga luha niya.

Kailan ba siya nagsimulang umiyak?

Hindi na mahalaga 'yon. Ang importante, nai-boses niya ang sa tingin niya'y gusto ring sabihin ng kapatid at mga pinsan niya.

Mabilis niyang pinahid ang mga luha sa mukha niya at pinakalma ang sarili.

Pilit siyang ngumiti. "Hindi na 'ko umiiyak. Tara na't mag-ice cream."

Humawak sa magkabilang kamay niya ang kapatid at isang pinsan samantalang ang dalawa nama'y sumunod na sa kaniya.

Nadatnan nila ang mga matatanda na nakatayo pa rin sa labas at hindi nag-iimikan. Hindi niya ito pinansin at nilampasan lang ang mga ito.

Nagsalubong ang dalawang kilay niya nang makita ang iilang kapitbahay nila na sumusilip sa kani-kaniya nitong mga bahay at nakiki-chismis sa kung ano ang nangyayari sa kanila.

Patay-malisya niya lang na dinaanan ang mga ito.

"Tumingin kayo sa kaliwa't kanan bago tumawid," paalala niya sa mga bata nang makarating sila sa kanto.

Mabuti na lang at walang dumadaan na sasakyan kaya ligtas silang naatawid. Hindi niya na napigilan pa ang mga ito nang tumakbo ito papasok sa convenience store.

Kaagad na pinuntahan ng mga bata ang counter at um-order ng mga ice cream. Buti na lang at hindi si Kairos ang nakatayo doon.

Ayaw niyang makakita muna ng mga kakilala sa oras na 'yon.

Nang mabayaran ang biniling ice cream, inalok niya ang mga bata na pumunta sa malapit na playground para magpalipas oras.

Naisip niya na mas maganda kung bumalik sila ng bahay na tulog na ang mga tao. Nang sa gayon ay hindi na nila makaharap ang mga ito.

Habang naglalaro ang mga bata sa playground, naghanap siya ng pwedeng maupuan. Hindi naman gaanong marami ang tao roon lalo na at papalubog na ang araw.

Binalingan niya ng pansin ang hawak na mp3 player. Ito pa rin talaga ang magiging takbuhan niya sa tuwing nalulungkot siya.

Kung sana ay may earphones lang akong dala.

That's when she realized.

She started wearing earphones to drown people's voices around her to isolate herself from the noisy world.

Hindi mahalaga kung anong klaseng genre ang tumutugtog basta kaya nitong patahimikin ang ingay ng mga taong nakapaligid sa kaniya at kaya nitong pakalmahin ang gulo sa dibdib niya.

Sunny was so deep in her thoughts that she didn't notice the guy standing behind her. It took her by surprise when an ice cream suddenly popped up beside her.

Mabilis siyang lumingon at nakita roon si Kairos na hawak-hawak ang ice cream na nasa apa. Naguguluhan niyang tinanggap iyon nang ilahad ito sa kaniya ng binata.

"P'wede ba kitang tabihan?" tanong nito makaraan ang ilang sandali.

"O-oo naman," aniya na sinundan ng tingin ang lalaki hanggang sa makaupo ito sa tabi niya. "Salamat nga pala."

"You're welcome," nakangiti nitong sagot.

Binalik niya ang tingin sa mga bata na naghahabulan na saka sinimulang kainin ang ice cream. "Pa'no mo nga pala nalaman na nandito ako?"

"Nakita kita kanina sa convenience store," sabi nito na ikinatigil niya.

Malamang ay nakita rin nito ang pamumugto ng mata niya. Sa liwanag ba naman ng lugar na 'yon.

Ilang sandali silang natahimik kaya naubos na niya ang ice cream.

"Okay ka lang ba?" putol ni Kairos sa katahimikang bumabalot sa kanila.

Kahit na gusto niya itong ngitian at sabihin na okay lang siya, hindi niya magawa. Para bang napakahirap nitong gawin.

Umiling siya. "Hindi. Hindi ako okay," pag-amin niya.

"Gusto mo bang i-k'wento?" pag-aalo nito. "Pero kung ayaw mo, ayos lang naman."

Tinapunan niya ito ng tingin. Taimtim lang itong nakatitig sa kaniya at puno ng pag-aalala ang mukha.

Ito ang unang beses na nakita ni Sunny ang ekspresyon na 'yon mula kay Kairos. Madalas itong poker face o kaya naman ay may konting ngiti.

"Napapagod lang ako," maikling sagot niya.

"Saan?"

"Sa buhay." Binalik niya ang tingin sa mga batang naghahabulan. "Everything just moves so fast, and so slow at the same time. Para bang nakikipag-marathon ako. Sa sobrang focus ko na makarating sa finish line, hindi ko namalayan na kasabay ko rin palang tumakbo ang oras. Hanggang sa isang araw, paglingon ko, andami nang nagbago; ang dami nang nawala - pati sarili ko."

Hindi alam ni Sunny kung maiintindihan ba ni Kairos ang mga pinagsasabi niya. Gusto niya lang namang ilarawan ang pinagdaanan niya pero kung sasabihin niya rito direkta na nakabalik siya ng panahon, baka mas lalo lang itong maguluhan.

"Gusto ko lang namang bumalik sa mga panahong masaya pa ako. Pero bakit kailangan ko ulit danasin 'yong hirap at sakit?" Kasabay ng huli niyang salita ang pagpatak uli ng luha niya.

Hindi niya ito pinunasan bagkus ay hinayaan niya lang na tumulo ang mga ito. Pagod na rin siyang kimkimin lahat ng sama ng loob. Ayaw niya nang itago ang nararamdaman niya.

She stayed strong for a long time. Gusto niya na lang na ubusin ang mga ito para kahit papaano maibsan ang sakit.

Her feelings just went all out when she felt Kairos silently caressing her back.

Ang paghikbi niya ay nauwi sa pag-iyak hanggang sa naging hagulgol na ito.

Sunny doesn't need any advice nor any white lies. She just needs someone who will listen to her without judgement or pity... like the man beside her.

"P'wede ba kitang yakapin?" tanong niya matapos patahanin ang sarili.

Maluha-luha niya itong tinitigan habang humihikbi at hinihintay ang sasabihin nito. Nilayo nito ang tingin sa kaniya saka hinawakan ang sariling tenga.

Kahit na madilim na sa lugar, alam niyang namumula ito.

"S-sige," nahihiyang sabi nito sa mahinang boses.

Pagkasabi ni Kairos no'n, agad niyang sinara ang distansya nilang dalawa.

She encircled her arms around his waist, and she felt him flinch. Kahit na naiilang ito, hindi naman siya nito itinulak palayo.

Inihilig niya ang ulo sa dibdib ng lalaki kasabay ng pagpikit ng kaniyang mga mata. Dahan-dahan namang hinaplos nito uli ang likod niya.

Kanina lang ay ayaw niyang makakakita ng kakilala pero ngayon na kasama na niya si Kairos, gumaan ang pakiramdam niya.

Laking pasasalamat niya na hinanap siya nito. Kung hindi dahil rito, baka hanggang ngayon ay nagtatago pa rin siya ng nararamdaman.

Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ang mp3 player o ang boses ng lalaki sa loob no'n ang kailangan niya.

Sa mga sandaling 'yon, sapat na ang presensya ni Kairos para sa kaniya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro