Chapter 08
Hinawi ni Sunny ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa kaniyang mukha saka inipit iyon sa likod ng tenga niya. Tahimik niyang nilibot ang paningin sa paligid hanggang sa napatingala siya sa makulimlim na langit na tila ba nagbabadya ng malakas na ulan.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa magkabilang strap ng suot niyang backpack nang humangin ng malakas. Muli siyang lumingon sa kaliwa niya, sumisilip kung mayroon na bang paparating na jeep.
Ang hassle naman!
Her eyebrows furrowed when there was still no vehicle in sight. She even kicked the air in frustration. Malapit nang bumuhos ang ulan at wala siyang dalang payong. Siguradong basang sisiw ang aabutin niya 'pag nagkataon.
Nasa may paradahan pa rin siya ng jeep na malapit sa eskwelahan nila at naghihintay ng masasakyan nang may maramdaman siyang tumabi sa kaniya. Binalingan niya ito at napatingala nang makita ang matangkad na lalaki.
"Kairos!" Her face brightened when she saw him beside her.
Nilingon naman siya nito at bahagyang nginitian.
"Papasok ka na ba sa part time mo?" tanong niya rito pero natigilan siya bigla dahil sa napagtanto. "Teka," aniya na ikinabaling sa kaniya ni Kairos. "Ngumiti ka ba?"
Napatikhim ito sa sinabi niya kaya iniba nito ang usapan. "Pauwi ka na ba?"
She nodded. "Kaso ang tagal ng jeep. Uulan na at wala akong dalang payong."
"Ahh," tanging nasabi nito saka namutawi na naman ang ilang minutong katahimikan bago ito tila may naalala.
Pinagmasdan ni Sunny si Kairos habang may kinakalkal ito sa bag. Nang makuha ang hinahanap nito, ibinigay ni Kairos ito sa kaniya. Iyon pala ang librong pinahiram niya kay Kairos kanina.
"Salamat," anito nang tanggapin niya ang libro.
"You're welcome," nakangiting sagot niya saka napatingin sa kalsada nang may pumaradang jeep malapit sa kanila.
Mabilis niyang hinila si Kairos patungo roon para maunahan ang iba. Hindi niya napansin ang pagkabigla sa mukha nito.
Dali-dali silang dalawa na makasakay dahil marami ring tao ang naghihintay roon. Halos nagtutulakan ang mga tao para makasakay pero hindi niya iyon maramdaman nang papaakyat sa jeep dahil sa dalawang brasong nakapalibot sa kaniya.
Tahimik siyang napangiti nang masulyapan ang seryosong mukha ni Kairos sa likuran niya at ang mga kamay nito ay mahigpit na nakahawak sa magkabilang gilid ng pintuan ng jeep para proteksyunan siya sa pagtutulakan ng mga tao.
Nang makaupo ay hinila niya ang papasok nang si Kairos para umupo sa tabi niya. Nagpatianod na lamang ito at matapos ang ilang minuto ay umandar na ang jeep.
Sunny gasped when the rain started to pour. "Umuulan na," bulong niya sa sarili saka binalingan ang katabi. "May payong ka ba?"
"Wala," sagot nito na ikinadismaya niya.
Napabuntung-hininga siya. "Parehas pala tayong magiging basang sisiw nito."
Pareho silang tahimik lang sa loob ng sasakyan samantalang ang isip niya ay napadpad na sa kung saan. Naalimpungatan na lang siya ng marinig ang baritonong boses ng katabi.
"Para po!" sigaw na nito dahilan para tumigil ang jeep sa tabi.
Hindi pa rin humihina ang ulan sa labas pero wala na siyang ibang mapagpipilian kundi ang lumusong rito. Alangan naman hintayin niya pang tumila ito bago siya bumaba, di'ba?
Bumuga ng malakas na hangin si Sunny saka ginamit na panukbong ang backpack niya. Mabilis siyang bumaba ng jeep at dali-daling tumakbo papunta sa convenience store sa kanto nila. Kasunod niya lang si Kairos na tumatakbo ngunit hindi man lang ito nag-abalang gumamit ng panukbong.
"Hindi ka ba papasok?" tanong ni Kairos nang marating nila ang convenience store.
She was just seeking shelter by the canopy of the store, not intending to go inside.
"Hindi. Okay lang," aniya. "Malamig sa loob. Baka sipunin ako."
Tumango na lamang ang lalaki at walang sabi-sabing pumasok na sa loob.
Sunny pouted when he left her. Ni hindi man lang siya nito sinamahan sa labas o kaya pinilit na pumasok.
Ano pa bang aasahan niya sa lalaking 'yon? Swertehan na lang kung mag-usap sila ng limang minuto. Kadalasan pa nga isang tanong, isang sagot pa ito.
Sunny held her hand outside, feeling the drops of rain on her palm. She didn't realize she smiled while doing this.
Gustung-gusto niyang maglaro sa ulan. Wala siyang pakialam kung magkasakit man kinabukasan basta makapag-enjoy lang.
Matagal na kasi nang magawa niya 'yon. O kahit anumang mga simpleng bagay na nakakapagpapangiti sa kaniya. Nawalan na kasi siya ng gana noon na kahit mga maliliit na bagay ay nahihirapan na siyang gawin.
Nabaling ang tingin niya sa maliliit na bulaklak malapit sa kinatatayuan niya. Bahagya ang mga itong sumasabay sa ihip ng hangin.
"Mas mainam na ibalik mo ang bagay na matagal ng nasa sa'yo bago tuluyang malanta ang bulaklak."
Biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ng babae sa flower shop. Kinutuban si Sunny nang maalala ang mga misteryosong kinilos at sinabi nito.
Kung tutuusin, nagsimula lang ang mga kakaibang pangyayari sa kaniya magmula nang mapadpad siya sa flower shop na 'yon.
Hindi kaya tama ang hinala niya na may kinalaman ito sa nangyayari sa kaniya?
Ang ibig ba nitong sabihin sa kaniya, kaya siya bumalik sa nakaraan dahil kailangan niyang maibalik ang mp3 player sa totoong may-ari? Iyon ba ang paraan para makabalik siya?
Napailing si Sunny.
Pa'no kung ayaw niya pang bumalik? Ngayon pa na napagdesisyunan niya ng baguhin ang takbo ng buhay niya.
Patuloy niyang nilalaro ang ulan sa kamay niya nang may tumabi sa kaniya. Kahit na hindi niya ito lingunin, alam niyang si Kairos ito base sa presensya nito.
"Sabi mo ayaw mong magka-sipon," bungad ni Kairos sa kaniya nang mapirmi ito sa tabi niya.
Tulad niya ay pinagmamasdan din nito ang pagbuhos ng ulan.
"Hindi naman ako magkakasakit dito," pagrarason niya saka binalingan ang katabi. Napunta naman sa kaniya ang titig nito.
Those eyes. Those familiar gaze. Those emotions trapped inside. Sunny knows them well.
"Bakit?" pukaw nito sa kaniya. "May dumi ba sa mukha ko?"
Umiling siya. "May nagsabi na ba sa'yo na maganda ang mga mata mo?"
His eyes widened slightly as he was taken aback . Marahan nitong hinaplos ang sariling tenga na namumula na.
Sunny smiled inwardly.
Binawi niya ang titig rito saka ito muling tinuon sa ulan. "Alam mo ba ang kasabihan na, eyes are the windows to a man's soul?"
"H-huh?"
Muling inilahad ni Sunny ang mga kamay at dinama ang patak ng ulan sa palad niya. "Lahat ng tinatago mong emosyon, lumalabas sa mga mata mo. Frustration, galit, lungkot, sakit, pagod..."
Tahimik lang siyang pinakikinggan ng binata. Kinakabisa bawat salita na lumalabas sa bibig niya.
"May kilala kasi akong kapareho ng emosyon ng mga mata mo," patuloy pa niya.
Binalingan siya ni Kairos. "Sino?"
My 26 year old self.
"Kamusta siya?" muling tanong ni Kairos nang hindi niya ito sinagot.
"Okay naman. Sinusubukan pa ring malaman ang mga bagay-bagay. Pero hinahanap niya ang isang bagay na nawala sa kaniya - ang dating siya."
Sunny didn't know when she lost herself. She just realized one day, while seeing herself in the mirror, her eyes weren't the same anymore. The sparks that were once there were already gone.
At hindi niya malaman sa sarili kung bakit niya sinasabi ang lahat ng 'yon kay Kairos.
Maybe it's because of the rain.... or the calmness that comes with him... or his eyes that eminates the same feeling as hers.
She may never know.
"Maraming mangyayari sa buhay mo. At habang lumalaki ka at sumasabay sa pagbago ng mundo, unti-unti ka ring magbabago."
Nilingon niya si Kairos na taimtim pa ring nakikinig sa kaniya.
"At sa tuwing pinagmamasdan kita, naiisip ko kung katulad ka rin ba niya? Nawawala rin ba ang dating ikaw?"
Napaismid ang katabi. "Ang dating ako?" mahinang sambit nito sapat lang na marinig niya. "Hindi ko na maalala kung ano ba ako dati."
Her eyelids drooped when she saw the sadness painted on his face. He's just 16, but she can tell that he's going through something difficult.
"Hindi ko sasabihin sa'yo na kung ano man ang pinagdadaanan mo ay lilipas din, na ayusin mo ang sarili mo kasi lahat naman ng tao may pinagdadaanan. Dahil higit sa anuman, valid ang nararamdaman mo. Walang karapatan ang iba na husgahan ang sakit na nararamdaman mo," aniya rito.
"At hindi ko rin sasabihin sa'yo na magiging maayos din ang lahat dahil hindi ko nasisiguro 'yon. Ang tanging magagawa ko lang para sa'yo ay iparamdam na may kaibigan ka."
Hinarap niya ito at sinalubong ang titig.
Then, she gave him a reassuring smile. "Na nandito lang ako para sa'yo, para makinig, at suportahan ka. Hindi ko man maalis kung ano 'yong sakit na nararamdaman mo ngayon, pero nangangako ako na hindi ka mag-iisa."
A split second - It was just a split second, but Sunny saw a glint on his eyes.
Pero sapat na 'yon para sa kaniya. Ang ibig sabihin lang no'n ay may pag-asa pa para sumaya ito. Kagaya niya ay kailangan lang nitong hanapin muli ang sarili.
Hindi niya alam kung bakit para siyang tinutulak patungo kay Kairos. Magmula nang makita niya ito sa library, ramdam niyang kailangang mapalapit siya rito.
Dahil ba sa nag-iisa lang ito? Naaawa ba siya rito?
Alam ni Sunny na higit pa sa awa ang nararamdaman niya sa binata. Parang may kung anong koneksyon ang naglalapit sa kanila na hindi niya maipaliwanag.
"Tumila na ang ulan," halos pabulong na sabi nito na ikinapukaw niya.
Napatingala si Sunny sa kalangitan. Humina na nga ang ulan ngunit may onting ambon pa.
"Tingnan mo oh, may rainbow," aniya habang tinuturo ang bahaghari sa langit.
Dumako naman doon ang tingin ni Kairos.
"There's really a rainbow always after the rain."
Muli siyang binalingan ni Kairos nang sabihin niya iyon.
"Pwede ba tayong maging magkaibigan?"
Lumaki ang mga mata ng lalaki at umawang ang mga labi nang tanungin niya ito. Sinuklian niya ito ng isang matamis na ngiti.
"Silence means yes," saad niya nang hindi pa rin ito kumikibo.
Tinapunan niya ito ng isa pang ngiti saka patakbo nang umalis sa convenience store. Pero bago pa siya makalayo, nilingon niya itong muli saka kumaway.
"Kairos!" sigaw niya na ikinalingon nito. "See you tomorrow!" huling sabi niya saka tuluyan nang umalis.
Kaya hindi na niya napansin ang matamis na ngiti na sumilay sa mga labi ng bago niyang kaibigan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro