Kabanata 3: Birhen
Bakit ako iiyak?
Bakit pa ako iiyak?
I should have known better.
Dapat pala ay pinag-isipan ko muna ng isang daang beses kung magpapatali ako sa taong yun. Kung sana hindi ako nagpadalos-dalos at nagpadala sa aking emosyon, mas marami sana akong pagpipilian ngayon.
Dalawang gabi na ang lumipas ngunit hindi ko pa rin mawaglit sa isip ang naging sagot ni Lejandro sa katanungan ko.
'Patawarin mo ako, mahal. Nagawa ko lamang iyon dahil sa labis na pagkasabik ko saiyo gawa ng hindi mo pagpapaunlak sa aking pag-iinit. Sa katunayan, ikaw lamang ang nasa isip at puso ko kahit pa iba ang kasiping ko. Natukso lamang ako dahil sa pamimikot ng babaeng iyon. Hindi ko sinasadya.'
Ni hindi man lamang niya itinanggi bagkos ay nakuha pa niyang isisi sa akin ang pagiging hayok niya sa laman at pangangaliwa.
'Alam mo naman na kahit noon pa man ay maraming mga seksing babae ang ipinipilit ang sarili sa akin, ngunit ikaw ang pinakasalan ko. Patawarin mo lamang ako, misis ko, hindi na ko ulit magpapatukso sa iba. Ikaw lang ang tanging mahal ko.'
Akala ko nung una ay kaya ko siyang patawarin kapag nalaman ko ang panig niya, ngunit mali ako.
Dapat na ba akong matuwa dahil ako ang 'pinili' mo? Sa paningin ata nito ay napakaswerte ko at isang malaking utang na loob na ako ang pinakasalan nito.
Natawa ako ng mapakla.
Kung alam ko lang kung anong klaseng lalake ka talaga nungka akong nagpakasal sayo.
Naalala ko ang litratong ipinadala ni Margo at ang babaeng kasama ng asawa ko kamakailan lang. Kahit saang anggulo ay kitang-kita ang ganda ng hubog ng katawan ng babae.
Malaking hinaharap, manipis na tiyan at malapad na baywang.
Kinagat ko ang aking labi para iwaglit sa isipan ang insekuridad na unti-unting lumalamon saking pagkatao. Mariing naipikit ko ang mga mata.
Sa tono ni Lejandro ay parang wala lamang sa kanya kung mahuli ko man ang pagtataksil niya o hindi.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago dinukot ang telepono na kanina pa tumutunog, senyales na may mga mensahe itong natanggap.
"Gago ka ba talagang hayop ka?"
Hindi ko maiwasang magpakawala ng malulutong na mura matapos kong mabasa ang mga mensahe.
'Isang pagkakamali lamang iyon alam kong mapapatawad mo ko kaya patawarin mo na ko. Hindi naman ako babaling sa iba kung pinagbigyan mo ako, lalaki lamang ako, nagkakamali din, mahal. Hindi ko kayang mawala ka.'
Ang kapal din naman ng apog.
"Isang pagkakamali? At ano ngayon kung lalake ka? Ibig sabihin ba nun may karapatan ka ng mangaliwa?"
Agad kong binuksan ang iba pang mensahe na sana ay hindi ko na ginawa.
'Miss na miss na kita, kumain ka na ba?'
"Baliw ka bang kupal ka?"
Walang mintis pa rin ang pagpapadala ng kung ano-anong matatamis na salita si Lejandro. Para bang madadala ng lahat ng iyon ang pait na idinulot niya sakin.
Kung dati rati ay sumasayaw ang puso ko tuwing natatanggap ko ang mga chat nito ngayon ay puro na lamang pandidiri ang nadarama ko.
Naluluha na lamang ako sa mga oras na sinayang ko sa taong ito.
Ilang taon akong nagpaka Maria Clara para sa kanya. Maski ang pagka-taklesa ng bunganga ko ay pinigil ko sapagkat nahihiya ako sa kanya at sa pamilya niya.
May kaya ang pamilya ni Lejandro at lahat ng kapatid niya ay propesyonal. Samantalang noong magnobyo at nobya pa lamang kami ako pa lamang ang nakakapagtapos ng kolehiyo sa aming pamilya.
Isang hamak na mananahi lamang ang Inay at magsasaka naman ang Itay. Hirap man pagkasyahin ang sahod nila ay sa awa ng Diyos naitaguyod nila kaming magkakapatid.
Bilang panganay at bread winner ng pamilya, naghanap agad ako ng trabaho pagkatungtong ng kolehiyo, para makatulong sa pagpapaaral sa apat ko pang kapatid. Magpahanggang ngayong nakapagtapos na ko ay tuloy-tuloy pa din ang pagsuporta ko sa aking pamilya.
Kaya naman ng magbigay ng proposal si Luis ay hindi ako nagpatumpik-tumpik pa at kinuha agad ang trabaho. Maayos naman ang naging pag-uusap namin ni Lejandro ukol sa pangingibang bansa ko kaya hindi ko lubos maisip na magagawa niya sa akin ang bagay na ito.
Nagpalinga-linga ako sa paligid upang siguruhing walang sinuman ang makakakita sa akin.
"Gago ka pala talaga. Bwisit."
Napahagulgol ako ng iyak. Hinayaan ko lamang ang luha kong tumulo hanggang sa naubos ito. Ayoko man ay animo'y pelikulang bumabalik ang mga masasayang pinagsamahan namin kasabay ng sakit ng pagtataksil niya.
Taimtim na pinanood ko lamang ang bawat paghampas ng tubig sa dalampasigan. Sa bawat pag-ihip ng hangin animo'y paunti-unting nababawasan ang bigat sa aking dibdib.
Sa mga oras ding ito ay napagpasyahan kong gumawa ng bagay na ipinangako kong hindi ko pagsisihan magpakailanman.
"Akala mo ikaw lang ang pwedeng magkamali? Kung ganitong klaseng pagsasama pala ang gusto mo, pagbibigyan kita."
I decided to once again to entrust myself to fate. To be cheated again and again by different people, I decided to try it too.
"Maghahanap din ako ng lalakeng mas gwapo, mas matangkad at mas mabango. Ipapakita ko sayong kaya rin kitang ipagpalit kapag ginusto ko."
Anong meron sa pakikipagtalik at animo'y drogang nakakaadik ito sa iba?
Ang sabi nila: hindi maitatama ng isa pang pagkakamali ang isang mali.
But I want to challenge that.
Sa islang kung tawagi'y 'The land of the Howling Winds' bubuo ako ng mga alaalang dadalhin ko hanggang sa hukay.
"Sa ibang lalake ko ibibigay ang pagkabirhen ko."
Then I will show him how it feels to be treated like a shit by the roadside.
Noon pa man ay napansin ko na kung gaano kataas ang tingin nito sa sarili. Lejandro is a prideful man, and now I know he's also a complete hypocrite.
Inipon ko ang dalawang bote ng alak sa paanan ko at tumayo mula sa malaking bato.
Marahil ay napadami ang nainom kong alak, dumodoble at ang bawat madaanan ng aking paningin.
Maingat na tinawid ko ang kabilang bato ngunit tanging marahas na paghampas ng hangin lamang ang huli kong narinig.
Maybe I shouldn't drink too much atop a big rock by the sea. My sluggish brain fails to wrap around the situation.
Ramdam ko ang patuloy na pagbaba ng aking katawan sa kailaliman ng tubig kahit pa ilang beses akong nagpumilit ikampay ang mga braso ko.
And then I remember: hindi nga pala ako marunong lumangoy.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro