PANIC 1: WELCOME TO SAPPHIRE ACADEMY
Chastity's POV
Why do I need to leave? Damn it! This is so frustrating, I don't want to leave but I need to.
I love Geoffrey and god knows how much I love him and I'm really really sorry if I need to leave him.
Napatigil ako sa pagtipa ng mga letra sa keyboard ng aking laptop ng matuluan ko ito ng aking butil na mga luha. Nadadala na pala ako ng sarili kong storya.
Huminga ako ng malalim at tsaka pinunasan ang aking luha bago muling nagtipa sa keyboard.
So where I be? Naliligaw na ba ako?
"Miss pwede ba magtanong?" I just nod at that guy who suddenly asked me.
"Ano po yun?"
"Alam mo ba kung san yung sakayan ng pa bagong silang?"
That made me frown. My god! Didn't he know to read? Duh! The vehicle that he need was right on his back!
"Ewan ko lang kung tang---- Gosh! Magnanakaw! Tulong! Yung bag ko!" I'm such an idiot! Why didn't I think that it was just a scam!
Damn!
"Malas"
"Damn it! Writer's Block!"
Nangiwi ako. Hype naman oh! Di ko na alam kung anong isusunod kong ilalagay.
Napatingin ako sa itaas tsaka pumikit, I always do this kapag nawawala ako sa concentration. Minsan nakakatulong siya at minsan din hindi. Gaya ngayon. Wala na kong maisip!
"KAASAAAAAAAAAAR!" hiyaw ko. Shems! I need to finish this mga atat na atat na yung readers ko! "Okay, Chastity, breath! Marami ka pang oras, isip ka lang ng ideya o inspirasyon. Kaya mo yan!" I said cheering myself, mukha na nga kong tanga o mas prefer baliw.
I close my eyes and feel the atmosphere. Mga ilang minuto din ang lumipas tsaka ako dumilat, agad tumutok ang aking mga mata sa laptop. At dun, gumalaw ang aking mga daliri para magtipa ng ilang salita.
'WELCOME TO SAPPHIRE, CHASTITY'
Napatigil ang aking kamay sa aking natipa sa keyboard ng aking laptop.
"Oh. My. God."
I gasped and screamed in horror. HINDI PA NGA TALAGA AKO HANDA.
"What should I do?!" Halos maiyak kong sabi sa sarili ko. "My god! Ano bang naisip ko bakit ko tinanggap yung alok niya?" Kinaltukan ko ang sarili ko habang sinisisi ang sarili "Gaga Chastity! May baril at mga tauhan nga di ba? tsaka kaya mo yan! Mag-aaral ka lang naman hindi papatay, just do it for your family na lang"
"A-Ano yun, Don?" Tanong ko
Ngumisi siya sa akin.
"I wanted you to enroll Sapphire Academy for me Miss Rivera"
And that. I panicked.
"B-Bakit po a-ako?"
"Don Guevarra, b-bayaran k-ko kaya wag ang a-anak ko, p-pakiusap" singit ni papa sa akin yumuko pa ito at parang hahalikan na ang papa ng matandang mataba.
"Manahimik ka nga, Rivera! Hindi ko naman hinihiling maging drug pusher ang dalaga mo, kung tutuusin nga pabor pa ito sayo at sa pamilya mo. Pag-aaralin ko lang ang anak mo ron ganon kasimple at ang kapalit? Ay maging isa siyang sikat na artista kung kaya habang nag aaral siya. Quits na tayo! Sisikat siya at ako naman magkakaroon nang bagong talents at syempre" ngumisi ang Don Guebaba "Pera, oh ano Rivera? It's a deal or" tumango ito sa mga tauhan niya at sabay sabay silang nagtutok ng baril sa amin, nanginig naman kaming mag-anak sa takot "kill"
Hindi naman makapag isip si dad dahil alam niya na malaki ang takot ko sa teatro, mahabang kwento pero alam ko nagdadalawang isip siya, ayaw na ayaw kasi niya kong nahihirapan.
Pero do we have a choice? Kung tutuusin tama si Don Geuba---I mean Don Guevarra, pabor sa amin ang kundisyon niya, siya ang magpapa-aral sa akin sa SAPPHIRE hanggang sa makapagtapos ako, ang gagawin ko lang naman ay maging sikat pero yun na nga ang problema.
PANO KO NAMAN YUN GAGAWIN??
Kung sa pag akyat pa nga lang sa stage naiiyak na ko pano pa kaya kapag umarte ako sa harap ng madla?
AISH! WAG KA NA NGA MAG-ISIP, CHASTITY!
"Ano? Muk---"
"Don Guebaba pumapayag po ako!" Mabilis kong sabi
Pinutol ko na din ang sinabi niya, aish! PAGSISISIHAN MO TO CHASTITY! MAKIKITA MO! MAGSISISI KA! Aish again! Tumigil ka nga self! Hindi to oras para awayin mo ko!
"Well, good choice, Miss Rivera. Madali ka naman palang kausap. Men! Umalis na tayo" nakangising sabi ni Don Guebaba, Hooo! Buti di--- "By the way Miss Rivera" napatigil ito sa paghakbang palabas ng masyon namin
"B-Bakit po?"
"Expect to be prepare next saturday, susunduin ka ng chauffeur ko at ihahatid ka sa sapphire, don't even think na magback out. Ayaw kong may sumisira sa salita, naiintindihan mo?" Sabi nito sabay harap sa aming mag anak. "At tsaka miss Rivera"
"Po?"
"It's Guevarra not Guebaba" ngisi nito bago umalis kasama ang mga tauhan nitong men in black.
Nang makaalis sila ay nagulat ako ng yakapin ako ni papa.
"Chastity salamat, salamat anak" umiiyak nitong pasalamat sa akin
Niyakap ko naman ito pabalik.
"Walang problema, walang problema basta promise mo dad na last mo nang utang yan"
Tumango tango naman si dad habang naiiyak at dun kami natawa kasi para siyang batang uhugin
"Tsk! Dad talaga parang bata"
Kinaltukan naman siya ni mom.
"Hoy Charles Rivera! Subukan mo pa ulit umutang utang at hindi na kita kakausapin pa kailanman!" Biglang banta ni mom kay dad, akay akay ni mom yung bunso kong kapatid, pinatatahan pa ito dahil natakot kanina.
Hindi ko na nakita si kuya pati na yung asawa't anak niya. Nasa kanilang kwarto na ata at pinatatahan ang anak nilang si shann.
"Mahal naman!"
"Che! Matanda ka talaga! Patahanin mo tong anak mo!" Sabay bigay ni mom kay dad ng bata. Si Chance. Ang bunso namin, six years old hindi nalalayo sa edad ng anak ng kuya namin na si Shann, four years old.
Akalain mo nga na kahit matanda na si mom at dad nakaisa pa sila ng anak?
"Mahaaaaaaal, naihi na naman si Chance!" Tawag ni dad kay mom na paakyat sa hagdan, pupunta na ata sa kwarto.
"IKAW ANG MAGLINIS SA KANYA, MATANDA KA!" Balik sigaw naman ni mom.
Napailing na lamang ako sa kanila. Jusme! Magulang ko ba talaga tong mga to? Parang walang nangyari kani-kanina lang ah kung makapag usap sila ng ganyan.
Matanda na sila para magpabebe.
"Hindi bagay." pagngiwi ko "Kadiri"
"Nahanda mo na ba ang mga gamit mo, Chasty?" Bumalik ang aking ulirat ng tawagin ako ni mom. Nakapasok na pala siya ng kwarto ko hindi ko man lang namalayan.
"Mom, I'm scared" halos maiyak kong sabi sa kanya "Parang hindi ko ata kaya"
Agad naman niya akong niyakap.
"Oh, Chasty baby" sabi niya habang yakap yakap ako "It's okay baby kung gusto mo magback out, okay lang I know it's a big decision for you, maliit man tignan sa iba pero alam naming lahat na takot ka sa teatro. You almost died because of that kaya habang nandito ka pa, I would wish na wag ka ng tumuloy, hindi mo kaya"
Naiyak ako sa kanyang sinabi. For almost milli---No Trillion peoples in the world bakit sa akin pa napunta ang bwisit na takot na yun. No! Hindi ako magpapatalo! Kaya ko to! Patutunayan ko!
"No mom" humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya sabay punas ng ilang butil na luhang kumawala sa aking mga mata. "I need to go, hindi lang para sa atin, mom at sa kumpanya. Think of it baka malabanan ko din ito"
She sighed.
"Ba—"
"Mah, nasa labas na yung chauffeur na pinadala ni Don Guevarra" pagsingit ni Kuya Chase sa amin ni mom.
"Chase, tell the chauffeur na hindi na tutuloy si Chasty baby ko. She can—"
"No mom! I said I will go!"
"Chastity, kung hindi mo kaya wag mo na ipilit, alam kong napilitan ka lang sa pabor ni Don Guevarra. Kaya ko namang mag-trabaho, palalaguin ko lang ang negosyo ni dad at ang lahat ng investment pwede nating ibigay sa Don." Sabi naman ni Kuya Chase.
"Kuya, Mom, thanks for the concern at mahal ko kayo pero I grown enough para malaman ang gagawin ko. Para sa atin naman ito at walang kahit anong sakit ang makakapagbagsak sa akin. Just keep supporting me, tandaan niyo na si Chastity Harmony Rivera ay magiging isang tanyag at sikat na artista ng bansa, pinapangako ko yan"
•••
"Miss narito na po tayo" pagpapaalam sa aking ng chauffeur ni Don Guevarra, lumabas pa ito ng limousine at pinagbukasan ako ng pinto, bahagya pa itong yumuko sa akin.
Agad ko naman kinuha ang aking dalawang bagahe sa tabi ko, di naman masyadong mabigat dahil laptop, damit at ilang importanteng dokumento dahil sabi ni Don Guebaba na lahat ng kakailanganin ko ay nandun na daw mismo sa sapphire kung tutuusin nga hindi na daw ako nagdala ng gamit which I prefer not. Kailangan pa din.
Bababa na dapat ako ng sasakyan ng biglang may mukhang mataray na babaeng sumalubong sa akin, napahawak pa ko sa aking puso dahil sa gulat. Muntik na kong atakihin sa puso! Although na walang naman talaga akong sakit sa puso.
Maganda naman siya wag lang sanang manggugulat.
"Lady Chastity?" Pormal nito bati, poker face pa rin si madame.
"A-Ako nga po"
Tumango naman nito.
"Maligayang pagdating sa Sapphire Academy, ako nga pala Guadalupe Cruz, ang head mistress nang paaralang ito."
Nagkatitigan naman kami, gosh! Magsalita ka Chastity! WAG KANG PIPI DYAN!
"K-Kamusta po?"
God! Nakakahiya ako!
"Sumunod ka sa akin, Lady Chastity" sabi nito at naglakad papasok sa eskwelahan.
Napakalaki pala talaga ng Sapphire although na napakagwardyado ng lugar. Agad naman ako natarantang bumaba ng sasakyan bitbit ang dalawang maleta ko, akmang aakyat na ko ng may humila sa mga bagaheng dala dala ko.
Mabilis pa sa alas kwatro ang reflexes ko na napatingin sa mga humila ng bagahe ko. Nakasuot sila ng blue maid uniform, ang kaibahan lang sa normal ay parang cosplayers tong mga nakasuot.
"Lady, amin na po ang inyong bagahe, sumunod na po kayo kay Mistress Guada." Sabi ng isang katulong.
Hindi naman ako nag-hesitate na ibigay sa kanila ang mga maleta ko at agad sumunod kay Miss Guada. Shet! Anlayo niya na!
Agad akong tumakbo para habulin siya at salamat sa diyos nahabol ko naman.
"At Ito naman ang hallway," turo niya sa mahabang pasilyo ng paaralan. Good thing na sabado ngayon kaya walang klase at wala masyadong istudyante. "Ito naman ang tinatawag na Training Center" turo naman niya sa medyo malaking mini stadium, "Dito sinasanay ang mga istudyante para matuto sa larangan ng pag arte, dito namin hinuhubog lahat ng may potensyal maging isang artista."
Tumango naman ako at inilabas ang memo ko. Need to take down notes ika nga.
Naglakad lakad pa kami hanggang sa makarating kami sa isang malawak na field.
"As you can see, hindi lang puro sa pag arte ang pinag aaralan dito, This field and this school has many potential athletes too, hindi porke pag aartista ay hindi na marunong sa sports." Tama naman siya "Malawak na malawak ang academyang ito halos lahat na ata ng athletic games meron kami, basketball, football, volleyball, soccer, golf, track ang field, badminton, tennis, table tennis, cheerleading, gymnastics and arche---"
"Oh my god! Archery po?!"
Napatingin naman siya sa akin ng sabihin ko.
"Yes, Lady Chastity meron kami nun" sabi niya "At unfortunately kailangan mo talagang piliin ang track ng sport na gusto mong pag aralin ang looks like meron ka ng nagugustuhan"
Tumango tango naman ako sa saya. Who wouldn't?! Pangarap ko yan mula pa noon ayaw lang ni dad kasi daw delikado pero ngayon wala ng makakapigil pa sa gusto ko.
"Kunin mo ito at pakisagutan, bibigyan kita ng limang minuto"
Halos maduling naman ako ng itapat niya mismo sa mukha ko yung piraso ng papel na hawak niya, kinuha ko at binasa.
SAPPHIRE ACADEMY
SURVEY FORM
"Ahm Miss Guada, ano po itong lyre?"
Class O, B at F lang kasi ang nakalagay sa form, hindi ba dapat Class, A, B at C?
"Katayuan mo iyan dito sa eskwelahan, ang Class O sila ang mga nasa itaas o mas tinatawag na royalty at dyan, ay yan Lady Chastity ang katayuan mo dito sa eskwelahang ito"
Halos manlaki naman ang aking mata sa kaniyang sinabi.
"Ipagpatuloy ko, ang Class B naman sila ang nasa pantay na sitwasyon na O at F, sila din ang tinatawag na hunters dahil karamihan sa kanila matatalino at magagaling, at panghuli ang lower o mas tinatawag ng lahat na Class F. Ang totoo niyan ay wala pang napupunta sa Class dahil karamihan sa mga naging istudyante dito ang wala pang isang araw ay umaalis na ng sapphire, tinuturing ng lahat na ang Class F ay isang sumpa. Wala pa ni isang istudyante ang napunta roon na nakasurvive sa paaralang ito kaya kung ako sayo Lady Chastity kung isa ka man sa mga tamad na istudyante mas mabuti pang mag alsa balutan ka dahil sa Class F lang din ang bagsak mo pag nagkataon"
Napalunok naman ako ng laway sa kaba.
Muli, ay bumaling ang mga mata ko sa form.
"Miss, ano po tong acting rehearsal?"
Tumaas naman ang kilay niya sa tanong ko, bakit? Masama na ba magtanong?
"Just put one to ten"
Tumango na lamang ako. sungit!
"Put the thing that you really wanted to dance sa sunod na tanong, dyan namin malalaman kung ano hilig o klase ng sayaw na gusto mo" sabi ni miss guada kahit di ako nagtanong, nahiya na kasi ako eh, atleast nakaramdam na siya. "And lastly the song book, ikaw na bahala alam mo na yan"
"Tapos na" nakangiti ko sabi
SAPPHIRE ACADEMY
SURVEY FORM
Name: Chastity Harmony Rivera
Sports Track
• ARCHERY
LYRE
• CLASS O
ACTING REHERSAL (1-10)
1 Fairytales
2 Romantic Comedy (Romcom)
4 Drama
10 Horror
7 Comedy
3 Fantasy
8 Tragic
5. Play
6 Melodrama
9 Opera
DANCE REHEARSAL
-Ballet
SONG BOOK
List the song you been like:
-Kiss and Make up by Dualipa ft. Blackpink
-Kill this Love by Blackpink
-The Eve by EXO
-Bad boy (English Version) by Red Velvet
-Lil Touch by Girls Generation
"Hmm, very interesting. Mahilig ka sa ballet pero mukhang kpopper ka din?"
Nahiya naman ako. Oo na! Kpop is life kasi!
"Sumunod ka sa akin" naglakad siya at muling pumasok sa loob. "Mula rito sa mahabang hallway ulit dito ay makikita mo ang ilang tv na nakakabit dyan lahat makikita ang kaganapan sa loob at labas na mangyayari sa sapphire, lahat ng floor sa eskwelahang ito even faculty rooms ay meron nito. This is one of the most important here na dapat lagi kang update sa mangyayari."
Tumango naman ako at muli siyang sinundan.
"Next room dear, this is the art gallery. Dito sa bawat pasilyong ito ginagawa lahat ng magaganda obra maestra"
"Napakaganda"
"Indeed" sagot naman niya sa akin. "At mula sa art gallery dito naman makikita ang art museum lahat ng nariritong nakadisplay ay mula sa mga istudyante ng sapphire lahat ng nakadisplay na makikita ng iyong mata ay umaabot ng isa hanggang limang daang milyong piso" what?!
Nakita naman ni Miss Guada ang itsura kong hindi makapaniwala kaya napangisi siya sa akin.
"Totoo ang aking sinabi, lahat ng nariyan ay nais na bilhin ng mga iba't ibang negosyante ang kaso nga lang ayaw nila kaya ang mga nariyan ay yung pinakamaganda nilang mga gawa. Talamak na yan sa mga auctions kaso ayaw nilang ipagbili at nais na lamang nilang I display na lang dito" ani niya " Kilala mo ba si Harold Kim?"
"Opo, Miss Guada" sabi ko "Siya yung sikat na artista sa korea, yung nanalo ng best acting award nung makalawa sa USA"
Tumango tango naman si Miss Guada sa sinabi ko
"Siyang tunay" sagot niya sa akin, agad siyang pumasok sa art museus at lumapit sa isang display roon, sumunod naman ako ulit "Lady Chastity, nakikita mo ba ang obra maestrang ito?"
Napatitig naman ako sa nakasilyadong bagay na naka-display. Bato ba iyan? Napakaganda naman.
"This is called the sapphire's heart." Tukoy nito sa kulay asul na bato "At ang bagay na ito Lady Chastity ay gawa mismo ni Harold Kim"
Nanlaki ang aking mata sa aking nalaman.
"Ang bagay na ito ay umaabot ng sampung milyon pataas, nais na ng sapphire ipagbili ang bagay na ito ang kaso lang ayaw niya" ani ni Miss Guada "Hindi lamang ito simpleng bato, Lady Chastity, ang malaking batong ito ay mula sa purong diamante na may nakalagay na malaking bato ng sapphire, kaya di mo aakalain na ganyan kalaki ang presyo ng batong iyan"
Magko-comment pa sana ako ng lumabas ito ng art museum, napatakbo naman akong sumunod dito.
"Next stop, Sapphire Library" sabi niya at agad kaming pumasok, nakita ko ang buong laman nito at halos mapanganga ako sa lawak ng kwartong ito. "Hindi ko na kailangan pang ipaliwanag ang lugar na ito, alam mo naman kung ano ang ginagawa dito"
Tumango ako.
"Opo"
"Sumunod ka ulit sa akin"
***
"Ito ang tinatawag na music gallery, as you see maraming instrumental things ang naririto at isa sa mga yan ay ang iyong dapat matutunan bilang isang indibiduwal na artista"
Muli ako ay tumango. Shems! Ang lawak lawak naman pala ng sapphire, pagod na ang mga paa ko.
Gusto ko man magreklamo, kaso nahihiya ako.
"Kung gusto mo namang maliwaliw, Lady Chastity meron ang Sapphire na tinatawag na Night Widow"
Napakunot ako ng noo sa sinabi niya, huh? Hindi ko na nasusundan yung nga sinasabi niya, ang gulo na!
"Night Widow po?"
Tumango siya at muling naglakad and again sumunod naman ako. AYAW KO NA NG TRIP TRIP NA TO!
"Dito Lady Chastity ang Night Widow isang Nightclub for students, allowed sa amin ang alcohol pero mabababa lang ang alcohol content. This place is only open friday night to Saturday night, ayaw na ayaw kasi naming napapabayaan ang pag aaral ng aming istudyante kaya ganung araw lamang ito bukas. Hindi naman KJ ang sapphire para di bigyan ng ganitong lugar ang mga istudyante kasi dito na rin naman sila namamalagi" mukhang napansin ni Miss Guada ang pagkabagot ko "Hmm, mabuti pa at samahan na kita sa dormitoryo mo, gusto ko pa sana ilibot ka sa FireSaph Garden, AlumRoom, Cafeteria, Mall Wave, Swimming Galore, Mini Stadium, Theater Movie Gallery, Racing Ground, Pet Haven, Broadcasting Room, at sa Sapphires Stadium" god! Ang dami pa pala! "Hmm, ibibigay ko na lamang sayo ito para malaman mo ang pasikot sikot dito" sabay abot niya sa akin ng mapa ng sapphire, at wait! Brochure? MAY BROCHURE?! DAPAT BINIGAY NA LANG NIYA HINDI YUNG LAKAD KAMI NG LAKAD!
Kahit naiinis ako ay nginitian ko pa rin si Miss Guada.
"S-Salamat po"
"Seeking for Mistress Guadalupe, Seeking for Mistress Guadalupe. Pinapatawag po kayo sa faculty, pinapatawag po kayo sa faculty" biglang sabi ng tao sa speaker.
Kunot noo namang napahawak sa bewang si Miss Guada.
"Iha, mukhang hindi na kita masasamahan, pumunta ka na lang sa dormitoryo mo, numero 529," sabi niya sabay abot sa akin ng isang susi "Wala kang kasama ron kaya you are free to Rome around your room"
Kinuha ko naman ang susi sa kanyang kamay. Hayy! Loner ang peg pala ako? Pero okay na yun! Choosy pa ba?
"Thank you po"
Tumango naman si Miss Guada at agad humakbang paalis.
Tinignan ko ang mapa.
"Mahabang lakaran pala to"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro