Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LCIF 8



⚠️ UNEDITED ⚠️



🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Lights! Camera... I've Fallen!

"Triplets"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍







"MAY lead na ba kayo kung nasaan na yang anak mong magaling, Siege?" Tanong ni Brielle sa asawang kapapasok lang sa bahay nila.

Nakaupo sa sala sina Lance, Leland, ang mag-asawang Brynn at Aldrich, at ang mag-asawang Maelee at Ethan. As usual, seryoso na naman ang aura ni Ethan at mataray ang dating ni Brynn. Tahimik lang ang mga asawa sa tabi nilang nakatitig sa kapapasok lang na biyenang lalaki at naghihintay din ng sagot.

"Mom, Dad just got in. Can he, at least, sit down before you bombard him with 41 million questions?" Si Leland na ang nagsalita. 

Umuwi ito ng wala sa oras upang malaman at marinig mismo mula sa pamilya ang tungkol sa nawawalang kapatid. Nakasimangot na humalukipkip ang kanilang Mommy dahil alam niyang alam nito na tama si Leland. Hindi pa nga naman nakakapasok ng buo sa bahay nila ang amang galing pa sa trabaho at pakikipag-meeting sa kaibigan nilang general ng PNP.

"Leland, it's been a long time since he's been gone!" Ang kapatid ngayon ang hinarap ng ina. "Wala akong balita sa kapatid mo kaya hindi mo ako masisisi kung bakit masyado akong anxious!" Mataray nitong singhal sa anak.

"Kung ako ang tatanungin n'yo, ang taong ayaw magpahanap, kahit kailanman ay hindi makikita o magpapakita." Halata mo ang galit sa tono ng pananalita ni Ethan. "Pasaway kasi kaya hindi na ako magtataka kung napaano na yun." Dugtong pa nito.

"Ethan, bite your tongue!" Galit sa saway ng ina sa Kuya niya, nakaturo ng tuwid ang hintuturo nito sa kay Ethan.

"What, Mom?" Inis na sambit ni Ethan. Halatang nagpipigil lang na wag makapagsalita ng hindi ikatutuwa ng ina.

"Love, stop it." Malumanay na saway ni Maelee sa Kuya nila. Malamyos na hinawakan nito ang braso ng asawa. Lumamlam naman ang tingin nito sa Ate Maelee nila sabay haplos sa namimintog nitong tiyan.

Naiiling na lang si Lance. Natutuwa siya kahit papaano ay hindi na gaanong seryoso at suplado ang Kuya nila. Malaki ang ipinagbago nito simula ng mag-asawa at ganun din ang Ate Brynn nila. Nakukuha ito ng Kuya Aldrich nila sa tingin lang at syempre sa halik na rin. Ke haharot! Isip niya.

"Mom, I don't know why are you so worried about Logan. He had done this twice or more before and this is not new." Sabat naman ni Brynn. Sinamaan ito ng tingin ng ina. "Uuwi din yun kapag napagod sa kakagala. This is not an amateur moment for all of us." Dugtong pa ng Ate nila.

"You are all just saying that kasi kapatid n'yo lang siya. I am his mother, of course I'll be worried sick dahil ganun ang nararamdaman ng isang ina para sa mga anak niya!" Naiiyak na sabi ng ina. Naaawa man si Lance dito ay ayaw niyang ipinahahalata. Mas lalo siyang nagngingitngit sa kapatid. Napaka-iresponsable nito.

"Mom, we are not just saying that kasi wala kaming pakialam sa kanya. What I was trying to say is, he is in his twenties. For God's sakes, Mom, Logan knows what he's doing." Pahayag ni Brynn. Naririnig ni Lance ang punto ng bawat isa at nakikita din niya ang lungkot sa mga mata nito.

"The first time he did this, he was gone for four months. We all got worried, the few days after reporting it to Uncle Bert, he was waltzing down that door as if he was never gone with a wide smile on his face, like he just left yesterday." Paalala ni Ethan.

"Then, the following time he left, he was gone for five months. He didn't say where he came from or what he did on both times he was gone." Si Brynn uli.

"Then, there's that other time he was gone for three month, and where was he? He went to Bali, Indonesia." Sabat ni Lance, hindi kummibo ang ina nila.

"Hon, Logan is only gone for almost three months, malay mo bigla na lang umuwi yun bukas." Pagpapalubag ni Siege kay Brielle.

Naalala niyang lahat ng yun dahil nung unang beses nitong ginawa ay nagkasuntukan sila ni Logan dahil sa inis niya. Pareho silang naospital dahil parehong putok ang labi nila at putok ang kanang kilay niya. Pinagtakpan sila ni Ethan at Maelee.

Pangalawang beses namang ginawa ni Logan yun ay si Leland naman ang nakasuntukan nito. Wala panama si Logan dahil hasa sa hand combat si Leland at batak ang katawan sa military training. Naospital si Logan ng dalawang linggo na pinagtakpan ng Ate Brynn nila dahil puro pasa ito. Putok ang magkabilang labi, parehong mata ang nagka-blackeye at kaliwang kilay nito ay putok din. Katulad niya noon, tinahi din ito kaya pareho silang may pilat sa kaliwang kilay.

"Mom..." Malambing na panimula ng Kuya Ethan niya na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. "We are not trying to disregard the fact that there's something bad may happen to him, of course we don't know that, but are we going to kill ourselves with worrying and stressing? Tapos siya nagpapasarap sa kung saan?" Tanong nito. Point taken, pero hindi ng Mommy nila kaya naiinis siya.

"Mom, I will do this one last contract for him, after this, bahala na yang anak n'yo sa buhay niya." Walang gana niyang sagot. Nakita niyang pabagsak na umupo ng ama sa tabi ng ina.

"Lance Muriel!" Saway ng ina.

"Brielle, you can't tell them what to do, what and how to feel about your missing son." Pigil ni Siege sa asawa. "They are right. We can not stress ourselves on this matter. Naipaabot na natin kay Bert ang lahat, nandiyan din si Leland and I know he won't let anything happen to his brother. Also, do not disregard what Lance has been doing for Logan. Ethan is talking to a friend of a friend who's known to find someone remotely. Lahat may ginagawa." Paliwanag ni Siege, may diin ngunit may lambing.

"Mom, Kuya Logan knows that you'll get worried about him but he does what he does anyway, why? Because Kuya Logan is an idiot." Sabat ng sampung taong gulang na si Sage na kapapasok lang galing ng kusina at pasalampak na umupo sa tabi ni Lance. Sumandal ito sa kapatid na parang pagod na pagod.

"Sage, don't say that, he is still older than you." Saway ng Mommy nila. Napailing si Lance sa ginawa ng ina.

"Mom... I love you and all but I will not take back what I said." Nakangusong saad ng bunso nila. "Si Kuya Logan lang ba ang anak n'yo?" Tanong nito na nakapagpatahimik sa kanila, maging sa ina nila.

Kompleto na silang magpamilya maliban kay Logan. Mabuti na lang at wala ang mga apuhan nila. Kung nagkataon na nandito yung mga yun ay marami pa silang iintindihin. Mahina at matanda ang Lola Grams nila at ganun din ang Lolo Gramps nila. Ang Lolo Pops at Lola Moms nila ay ganun din kaya kung pupwede lang na walang malalaman ang mga ito sa mga ganitong pangyayari ay pagtatakpan nila hangga't hindi sigurado ang nangyayari.

"Ilan pa ba ang TVC at pictorials na natitira sa kontrata niya sa Tita n'yo?" Pagbabalik ni Siege sa usapan bago pa ito mapunta sa ibanguspaan.

"Three, maybe four. Tita Ella and Tito Dean were trying to persuade the legal department para i-release na lang sana yung natitirang TVC total marami namang ibang models na makukuha, pero ayaw pumayag ng kliyente. Gusto talaga nila ang pasaway n'yong anak." Sagot ni Lance.

"Why?" Tanong naman ni Leland.

"Their reasoning is, nagawa naman na daw ni Logan ang karamihan, bakit ngayon pa titigil kung kelan huling dalawa o tatlong TVC at isang pictorial nal ang?" Sagot niya. "And you know what really bothers me the most, may iniwan si Logan na palaging umiiyak at nagagalit sa akin dahil akala niya ay binabalewala ko siya as Logan, for Christ's sakes, I am not Logan." Wala sa loob na naibulalas ni Lance ang detalyeng dapat ay hindi niya nasabi.

"Logan left a girldfriend?" Bulalas ni Brielle. Nakangiti ito. Sa dami ng sinabi niya yun talaga ang natandaan ng mommy nila?

"Not exactly a girlfriend, Mom, but someone special and close to him. Ang sabi nga ni Tita Ella, bestfriends daw sila nung director namin." Wala nang nagawa si Lance kundi ikwento ang alam niya.

"Is she pregnant?" Muling tanong ni Brielle na may ningning sa mata.

"Mom!!" Sabay-sabay nilang sambit. Mukhang nahindikan pa sila sa tinuran ng ina.

"Ang Mommy talaga, BFF pa lang buntis na kaagad?" Natatawang puna ni Sage.

"What?" Inosenteng tanong nito na para bang walang mali sa sinabi niya. "Matulis din yun katulad ng ninyo at ng Daddy n'yo." Brielle stated as a matter of factly.

"No one is pregnant, Mom." Sagot niya. "She's not and she won't, I hope." Dugtong pa niya.

"You said someone special." Pamimilit ni Brielle.

"Yes, I said someone special, but I didn't say girlfriend." Sagot niyang naiiling. Nahulog sila sa malalim na katahimikan.

"Mom, hindi ibig sabihin na special para kay Logan ay girlfriend na kaagad, ni wala ngang nililigawan yun eh." Saad ni Brynn.

"How do you know na wala nga?" Pagpipilit na tanong ina nila. Totoo nga naman. Wala silang alam sa personal na bagay tungkol dito kahit na close pa sila sa isa't isa.

"There's one way to find out and end this things." Saad ni Leland. "I'll help find him, but Mom, I need you to leave it to me. No asking me things about it, no bugging, no calling me, I will call you." Dugtong nito na sa ina nakatingin.

"But son—" Pinigil na lang ng Daddy nila ang Mommy nila. Alam ni Lance na labag iyon sa gusto ng ina pero mas mabuting si Leland na ang bahala doon.

"Mom, we love you so much and we will do everything for you but there are times that you need to let off the leash on things, on us. We need to do things our way or we can not do it at all. We are not saying that we don't need you, Mom, because we do. But these are one of those things that we want to do on our own... without you hovering over shoulders. Logan may be in trouble, not that I am saying he is. But if he does, I am his only hope. I will keep in touch." Kahit na dati pang seryoso si Leland, first time lang na nakita ni Lance na ganito ito kaseryoso, kakaiba ngayon. Masama ang dating sa kanya. Hindi nakakibo ang mommy nila. Maging ang daddy nila ay tahimik lang din.

"Lancelot, I need you to keep doing what you're doing. Ayokong mabago kung ano man yang ginagawa mo to cover up for him. We need to have everyone as calm as possible. Kung may hindi magandang nangyayari kay Dr. Logan, we don't want to rattle people out. About that girl, let her be her, but if you can talk to her as you and not as Logan, do it. Make her understand the situation. Kung yang babaeng yan ay special kay Logan, we want it to stay the same para sa pagbabalik niya." Paliwanag ni Leland.

Napapangiti ang mga magulang at kapatid nila sa usapan nilang dalawa ni Leland ngunit may lungkot kasi dati ay tatlo silang nagbabatuhan ng idea hindi lang dalawa. Kahit na mga propesyunal na silang mag-triplets ay hindi pa rin nawawala ang ang tawagan nilang tatlo. Lancelot kay Lance bilang knights of the troubled round table; Dr. Logan kay Logan, hinango sa X-men; at Agent Scott naman kay Leland dahil sa pangarap nitong maging field agent ng FBI o CIA o NCIS na katulad ng mga paborito nilang palabas sa TV hanggang sa ngayon.

"No problem, Special Agent Scott." May himig pagmamalaki niyang pagsang-ayon sa kapatid.

"Anong special agent? Sira ka talaga." Natawa silang pareho at pareho ding nalungkot. Kulang kasi sila. Nami-miss nila ang pinaka makulit sa lahat, si Logan.

Matapos silang mag-usap sa sala ay tumuloy silang maghapunan na magpamilya. Magaan naman ang kwentuhan ngunit masasabi mong malungkot kahit paano. 

Mamaya-maya lang ay aalis na uli si Leland para bumalik ng Virginia kung saan tatapusin ang pagte-training niya. Pinayagan lang daw ito ng academy dahil nga sa pakiusap niyang alamin at tulungan ang mga magulang sa paghahanap ng nawawalang ka-triplets.

Natuwa ang mga magulang nila dahil considerate din ang TI ni Leland, si Cmmdr Anderson. Hindi na nga daw nagdalawang-salita si Leland nang ipaalam nito na nawawala nga si Logan. 

Pinakita niya ang litrato nilang magkakasama at mukhang natuwa naman ito. Tutulong daw ang grupo niya sa abot ng kanilang makakaya para sa paghahanap kay Logan, mga bagay na hindi na niya sinabi sa ina at Brynn. Tanging silang lima lang ni Ethan, Aldrin, Leland, siya at ang Daddy nila ang nakakaalam ng plano.





ORAS ng pag-alis ni Leland ay halos ayaw pang bitawan ng Mommy nila ang kapatid, kung hindi pa umarteng masakit ang balakang ni Brynn ay hindi pa nito bibitawan si Leland. Natawa na lang ang bayaw nilang si Aldrich dahil sa ginawa ng asawa at sa pagkataranta ni Brielle. Naiiling na lang ang Kuya Ethan at ang Daddy nila.

Kumaway at nag-flying kiss pa sila Brynn, Sage at Maelee sa kanilang dalawa bago sila tuluyang lumabas ng bahay ng mga magulang. Natawa tuloy silang sabay dahil sa kakulitan ng Ate Brynn nila, at least kahit papaano ay nakawala si Leland kay Brielle.

"Boys..." Napalingon sila sa pinaggalingan ng tawag.

"Kuya Ethan." Sambit niya.

"Please find Logan and beat the crap out of him for me for making Mom worried." Panimula nito.

"Nah... it's you turn to make him bleed in regret." Sabat niya sa nakatatandang kapatid.

"Glad to do it, when the time comes." Sagot naman ni Ethan. "Have a safe flight, bro. Ikaw din, Lance, mag-iingat ka sa mga ginagawa mo. Baka mamaya iba na pala talaga ito. Let's not disregard Mom's intuitions." Tumango silang dalawa paalala ng Kuya nila.

"We got it, Kuya." Sabay nilang sa sagot. Tinapik silang pareho sa balikat ni Ethan, bahagyang yumukod sila at pareho nang tumalikod.

Lulan ng kotse ni Lance na Charger, binagtas na nila ang direksyon patungo sa airport kung saan naghihintay ang charter plane papuntang Maryland, then magda-drive ito patungong Virginia diretso sa apartment nito.

Siya naman, pagkagaling ng airport didiretso sa inuupahang kwarto para makamusta narin ang landlady niya.

Marami silang napag-usapan ni Leland. Ikinuwento nito ang iba't ibang pinagdaanan nito sa training, hindi lang naging mahirap yun para kay Leland kundi mahirap na mahirap. Bugbog ang katawan nito kadalasan. 

Pagdating sa umaga ay halos hindi daw nito maikilos ang katawan pero kailangan niyang bumangon dahil kung hindi ay mas lalo siyang mapaparusahan. Natawa siya dahil alam nilang pareho na hindi sila sanay sa mga ganyang bagay.

Yung pagdyi-gym nga nila ay sapilitan pa kung minsan dahil nga masakit sa katawan sa paggising nila sa umaga, yan pa kayang rigorous training na inabot ni Leland sa kamay ng well-trained Navy Seals at Marines. Yun kasi ang dating career ng ibang FBI agent na Training Instructors nila.

Narating nila ang airport pagkatapos ng sampung taon mahigit dahil sa higpit ng traffic. Hinatid niya ang kapatid hanggang sa hangar ng Scottsdale Empire. Bagay na hindi alam ng ibang mga kasamahan ni Leland maliban sa malalapit dito. 

Alam ng mga ito na negosyante ang pamilya nila at may ilang hotels pero hindi alam ng mga ito kung gaano kalaki ang net worth ng bawat isa sa kanila maliban sa mga superior nito.

Malaking pasasalamat nila dahil magaling ang Tito Alvin, Tito Dean at Daddy nila sa pagba-block ng karamihan sa mga personal information nilang lahat sa internet, more thanks to their Tito Dean.

"I'll call you as soon as we land in Maryland." Paalam ni Leland. "You do what needs to get done." Yumukod siya nang bahagya bilang sagot.

"Find our brother, bro." Galit at puno ng emosyon niyang sambit. "I don't know what to do without him." Parehong namumula ang mga mata nila.

"I promise you, I will find Logan Aaron, till my last breath. Come hell and high waters, I will find him for us, bro." Sagot nitong nagtatagisan ang mga bagang.

They are only 24 years old pero malayo na ang narating ng mga ito kumpara sa mga kaedaran nila, marami na ang nagbago sa kanila, may sari-sarili silang negosyo na sinimulan nila mula sa baba hanggang sa kumita na ito. Pero iisa lang ang hindi nagbago sa tatlong magkakambal, ang pagmamahal sa isa't isa.

Sa ngayon, kailangan niya munang harapin ang obligasyong iniwan ni Logan, sa pagitan ng sariling negosyo niya at ng negosyo ni Logan, kailangan niya ring magpakita sa tauhan ni Leland paminsan-minsan.

"I have to go, bro. Lumalalim na ang gabi. May kailangan pa akong puntahan at bisitahin." Paalam niya sa kapatid.

"Sure. No problem, Bro." Ngumiti naman ito na may kasamang malisya. Otomatikong tumaas ang isa niyang kilay.

"Not like that." Sansala niya. "She's an elderly woman that lives by herself. I met her when we made a wrong turn on her street and it happens na nakita naming inaakyat ang bahay niya ng tatlong bangag na teenagers. Mabuti na lang at hindi ko pa naibaba yung ibinigay mo sa akin na fog horn." Natawa si Leland sa kwento niya.

"Ang ibig mong sabihin ay binulabog mo ang buong kakapit-bahayan niya para lang mataranta ang mga akyat-bahay na yun?" Natatawa nitong tanong. Ngumiti siya ng nakakaloko bago sumagot.

"Yup. You got that right." Natawa na rin siya. "I know I won't be able to take them down on my own, even if Kuya Jose helped me... still. I wasn't sure if they were armed but they sure were dangerous looking to me." Natawa na silang pareho. "So I took a drastic measures." Tuluyan ng nawala ang reservation nila at bumunghalit na ng tawa bago parehong naging seryoso.

"What? Blow the neighborhood's eardrum out?" Tatawa-tawang saad ni Leland. Tumawa din lang siya. "What's her name?" Balik seryosong tanong ni Leland.

Nakikita niya ang curiousity ni Leland sa buhay niya. Ganun naman sila palagi, nitong mga nakaraang buwan na lang walang maayos na communication sa pagitan nilang tatlo, siya busy sa negosyo niya, nawawala si Logan kaya kailangan niyang magpanggap, at nasa ibang bansa si Leland at kailangan niya ring magpanggap minsan para dito.

"Her neighbors call her Aling Bebeng. She's a retired school teacher, matandang dalaga at mabait, may pagka-cool for her age. She wants me to call her T'yang Bebeng." Napatango-tango si Leland. Iniba nito ang usapan para magpaalam.

"I'll see you when I see you, bro. Stop worrying about Logan. I got this." Napatingin siya sa kapatid. "Let me worry about him, okay. You had so much on your plate already pretending to be him, being you and standing in for me. Let me get this out of your hands." Nag-fist bump silang magkapatid.

"I can feel that he is okay and he is alive. I just don't know where or what's the reason why he left." Matapat niyang sagot sa kapatid. Ngumiti si Leland.

"I feel the same way, too, Lance. Don't think about it too much. You do you and let me do this for us." Kinabig siya ni Leland at nag-akap silang dalawa. Lingid sa kanilang dalawa, sabay na tumulo ang mga luha nila. Nalulungkot at nag-alala para sa ka-triplet.

Naghiwalay silang magaan ang mga dibdib kahit papaano. Kulang man sila ng isa, masasabi pa ring buo sila dahil sa puso at isip ng bawat isa sa kanila ni Leland ay nandun si Logan.

Gabing-gabi na nang dumating siya sa bahay ni T'yang Bebeng. Nag-aabang ito sa pagdating niya. Alam niya yun kasi bukas pa ang ilaw sa kusina. Inilabas ang susi mula sa bulsa at binuksan ang pinto. Muntik pa siyang mapatalon ng makita niya ang matanda na nakaupo sa sala at nanunood ng TV.

"Magandang gabi po, T'yang." Bati niya dito. Malapad na ngiti ang sumalipubong sa kanya.

"Magandang gabi din. Mabuti naman at nakarating ka na, patulog na sana ako dahil katatapos lang nung pinanunood ko." Saad nito. Ngumiti din siya.

"T'yang, nauuhaw po ako pwede po bang makainom ng tubig?" Paalam niya.

"Dyaskeng bata ito at nagpapaalam pa, parang hindi ka dito nakatira." Tumayo si T'yang Bebeng at nagpatiuna nang maglakad papasok sa kusina. Sumunod na lang siya.

"T'yang, bakit gising pa kayo?" Narinig niyang tanong ng isang boses ng babae mula sa loob ng kusina.

"T'yang, feeling teenager lang?" Sabi ng isa pang boses. Parehong malambing pero alam niyang puno ng kalokohan dahil ganun silang tatlong magkapatid.

"Letsugas kayong dalawang magpinsan, puro kayo kalokohan. Magtino nga kayo at may kasama tayo." Sinadya niyang magpahuli para mapakinggan ang boses na yun na parang minsan na niyang narinig pero hindi maisip kung saan.

"T'yang! Hatinggabi na tumatanggap pa kayo ng manliligaw?" May kalakasang sambit ng isang tinig. Hindi niya alam kung bakit pero parang may haplos yun sa puso niya kaya bigla na lang itong tumalon. Napasapo siya sa dibdib.

"Naku, T'yang Bebeng, alam ba yan ng T'yong Sepring at T'yang Doray?" Tanong isang pang pamilyar na boses.

Sumilip siya ng bahagya pero hindi niya makita ang kausap ng kasera. Kailangan niyang pumasok talaga sa loob ng kusina para makita kung sino ang dalawang nagmamay-ari ng boses na yun. Bago pa man siya makakilos ay tinawag siya ni T'yang Bebeng.

"Uy, Muriel, pumarini ka." Tawag nito sa kanya. Humugot siya ng malalim na paghinga dahil pakiramdam niya ay nasasakal siya sa kabang nararamdaman. Why?! Reklamo ng isip niya.

Dahan-dahan ay humakbang siya papasok sa loob ng kusina. Nakita niya ang isang dalaga na nakaupo sa counter at ang isa naman ay nasa high stool sa tabi nito at parehong kumakain ng ice cream. Laking gulat niya ng makilala kung sino ang dalawang kausap ng kasera.

"Ikaw?/Sir Logan?/You?" Sabay na sambit nilang tatlo.















-----------
End of LCIF 8: Triplets

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
07.03.19

Lights! Camera... I've Fallen!
©All Rights Reserved
March 15, 2016

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro