Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LCIF 7




⚠️ UNEDITED ⚠️




🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Lights! Camera... I've Fallen!

"Nagdahilan Lang"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍








NAGTATAKA man si T'yang Bebeng kung bakit parang hindi masyadong nag-uusap ang dalawang pamangkin ay hinayaan na lang nito. Meron lang sigurong pinagkatampuhan ang dalawa na dati nang nangyayari nung mga bata pa ang dalawa. Magkakaayos din ang mga yan katulad noon. Pagkumbinsi nito sa sarili.

"Maria Jaise, hindi ba kayo magsasabay ni Maria Kaila ng pasok?" Tanong ni T'yang Bebeng. Nagbabakasaling magkwento si Majz sa kanya.

"Hindi na ho, T'yang. Kailangan ko po kasing magmadali. Si Makai naman po ay mamayang tanghali pa ang call time niyan." Magalang niyang sagot sa tiyahin.

"Oh siya, kumain ka na pala." Sabi naman nito.

"T'yang, yung boarder n'yo ba umuuwi pa dito?" Tanong niya sa tiyahin para maiba ang usapan.

"Nung isang buwan nandito, kaya lang isang gabi lang." Sagot naman nito. "Umalis din ito pagkatapos ng trabaho nito. Dumaan lang dito at nagpaalam na babalik na lang daw siya kapag may ipagagawa na naman daw sa kanya." Patuloy nitong kwento.

"Ipagagawa sa kanya? Ganun lang yun, tapos buwan-buwan nagbabayad?" Namamangha niyang tanong sa tiyahin. "Ano ba talaga ang trabaho ng boarder n'yong yan? Hala ka, T'yang, baka mamaya nagpapatira ka na pala ng hired killer dito, di mo pa alam. T'yang, paano pala kung nagpo-pose lang yan na boarder mo kunwari tapos may kontrabando na pala siyang iniimbak diyan sa kwarto niya? T'yang, delikado yan." Dugtong pa ni Majz habang sumusubo ng pagkain.

"Itong batang ito, kung ano-ano ang inisip. Tigilan mo yang kapapanood ng mga crime shows. kumain ka na lang diyan at nalilipasan ka na yata ng gutom." Saway nito sa kanya. "Hindi porke ganyan ang setup niya ay may masama nang ginagawa, ganun lang siya talaga palagi. Kaya pasalamat na rin ako, kasi may nakakasama ako paminsan-minsan dito." Dugtong nito bago sumubo ng kanin.

"Ang sa akin lang naman T'yang, sa panahon po ngayon, hindi po malabong may ganun nga. Hindi n'yo naman po kilalang lubusan yang taong yan." Mahihimigan mo ang pag-aalala sa tono ng pananalita ni Majz. Napangiti si T'yang Bebeng sa takbo ng isip ng kanyang pamangkin.

"Alam ko yun. Tsaka kung gagawa ng masama ang batang yun ay baka ang ina pa noon ang unang humambalos sa kanya bago pa siya mahuli ng pulis." Napatingin siya kay T'yang Bebeng na parang nagtatanong. Ngumiti naman ito at nagpatuloy.

"Bakit naman, T'yang?" Tanong na parang hinde naman niya alam ang ibig sabihin ng tiyahin.

"Kilala sa alta-sosiudad ang pamilya nila Muriel at kilala din ang nanay niya na sobrang bait at ganda ngunit tigre din naman at hindi hahayaang gumawa ng kalokohan ang mga anak niya. Minsan magbasa ka nga ng mga business magazine. At kung maabutan mo minsan, kilalanin mo siya. Siya mismo ang magkukwento sa iyo." Namamangha siya sa pagkaaliw ng tiyahin sa lalaking boarder.

"Giliw na giliw ka sa boarder mo, T'yang ah." Puna niya.

"Mabait siya, Majz. Gwapo na, mayaman pa." Humagikhik si T'yang Bebeng. Nagtaas ng kilay si Majz.

"Ikaw, T'yang ha. Mukhang may tama ka na diyan sa boarder mong yan. Kailangan n'yo munang ipaalam yan kay Tatay." Sansala niya dito na may halong panunukso.

"Umayos ka nga, Maria Jaise Samonte." Nanggigigil na sambit ni T'yang Bebeng na ikinatawa ni Majz.

"Naku, T'yang, paano pala yan kapag bumalik si Senyorito Martin? Paano n'yo ipapaliwanag na meron na kayong iba." Natatawang sambit ni Majz. Pinalo siya ni T'yang Bebeng ng tinidor na ginagamit sa kamay. Natawa siyang lalo.

"Kurutin kaya kita sa singit, Maria Jaise?" Pananakot na muli nito sa kanya.

"Ang T'yang oh, di na mabiro." Saad niya. Nakakatuwa silang pakinggan na magtiyahin.

"Sayang din naman kasi yung binibigay niyang upa buwan-buwan, maliit lang naman ang pensyon ko." Napatango-tango naman siya dahil totoo naman ang sinasabi ng tiyahin.

"Sabagay, sayang din naman ang pera niya." Wala sa loob na usal ni Majz.

"Ayos lang naman daw yun sa kanya. Ang rason niya, inukupa daw niya ang isang kwarto na pwedeng akupahin ng iba, pero mas gusto na rin naman niyang siya na lang ang umuupa para daw hindi ako maging delikado at madehado ng iba." Paliwanag ni T'yang Bebeng. Napatango-tango na lang siya. "Lahat ba ito niluto ngayon mo lang umaga?" Dugtong na tanong ng T'yang niya. Tumango siya at tahimik nang kumain.

Maagang nagising si Majz para magsangag ng natirang kanin kagabi, nakapagprito ng tinapang tilapia at naggayat ng kamatis at itlog na maalat at inilagay sa magkahiwalay ng mangkok. Pagkatapos niyang makaligo ay mabilis na nagbihis. Kailangan nasa ad agency na siya para sa meeting na pinapaasikaso sa kanya ni Ella.

"T'yang, nag-aalala pa rin ako kasi baka kung sino lang yan. Nakakadalawang-buwan na kami rito ni Makai sa inyo pero hindi pa rin namin nakikita o nakikila man lang yang misteryosong boarder n'yo." Nag-aalala niyang sabi.

"Wag mo nang alalahanin yun, Maria Jaise. Mabait na bata si Muriel. Maliban sa may pinag-aralan ay gwapo rin, may biloy pa." Pag-ulit nitong papuri sa lalaking sinasabi. Nagpataas-baba ang kilay niya sa pinagsasabi ng tiyahin at may pakilig pa itong nalalaman.

"Naku, T'yang, huh. Kung ako sa inyo, ipaalam ko muna kay Tatay at T'yang Doray yan bago kayo pumasok sa pagbo-boyfriend." Pag-ulit niyang saad. Napaubo si T'yang Bebeng sa sinabi ni Majz. Nataranta naman siya at mabilis na inabutan ng isang baso ng tubig ang tiyahin.

"Dahan-dahan naman kasi T'yang ng lunok. Uso ang pagnguya, T'yang. Wala naman tayong kaagaw sa pagkain." Dugtong pa niya. Hinihimas niya ang likod ng tiyahin.

"Dyaske kang bata ka!" Binatukan siya ni T'yang Bebeng.

"Aray naman, T'yang. Ang aga n'yong manakit." Reklamo niya. "Wala naman sigurong masama sa sinabi ko. Nag-aalala at nagpapaalala lang naman po ako." Dugtong pa niya. Pinandilatan siya nito.

"Hindi lang yan ang aabutin mo sa akin, Maria Jaise kung hindi ka magtitino sa mga pinagsasasabi mo!" Singhal nito sa kanya. Naguguluhan siya sa tinutukoy ng tiyahin.

"T'yang, ano naman po ang masama sa sinabi ko?" Natigilan si T'yang Bebeng at pinagmasdan ng maigi si Majz. Tsaka lang nito napagtanto na seryoso nga ang pamangkin. Hindi ito nagbibiro.

"Seryo ka nga sa iyong sinasabi." Napahalakhak siya. Napatitig naman si Majz sa kanya.

"Ay, T'yang masama na yan. Kung hindi kita kilala, iisipin ko na ikaw ay nasisiraan na ng kabaitan. Mabuti na lang at alam ko rin na hindi kayo nagdodroga." Saad pa ni Majz. Mas lalong natawa ng malakas ang tiyahin dahil sa kanyang tinuran.

"Ay naku, Maria Jaise. Bilisan mo na diyan at nang makapag-imis na ako." Sabi na lang ng tiyahin.

"Patapos na po ako dini. Ako na lang po ang mag-uurong ng mga ito, T'yang. Paki gising na lang po si Makai." Pakiusap niya sa tiyahin. Tumango naman ito.

"Itong batang ito, kung ano-ano ang pinagsasabi." Natatawang saad ng tiyahin. Hindi na niya ito sinagot pa hanggang sa natapos silang kumain.

Nakapagligpit na rin siya ng pinagkainan at nakapaghugas na rin, nilinis ang lamesa at naghugas ng kamay. Nang matapos siya ay tahimik na tinungo ang kanyang kwarto. Sinipat ang sarili sa salamin. 

Nakapaglagay na rin siya ng mapusyaw na lip tint pagkatapos magsipilyo. Dinampot na niya ang kanyang bag bago pa lumabas ng kanyang kwarto. Wala sa sala ang tiyahin nang siya'y dumaan kaya sumigaw na lamang siya bilang pagpapaalam.

"T'yang, alis na po ako!" Sigaw niyang nagpalinga-linga sa bahay.

"Kaawaan ka ng Diyos, Majz!" Sigaw naman ng tiyahin mula sa kung saang panig ng bahay.

Tahimik na siyang lumabas ng bahay at pinara ang bakanteng padyak na dumaan sa harapan nila.

"Sa sakayan po." Maikli niyang sambit. Tumango lang ang binatilyo at pumadyak na ng tahimik.





"MAJZ, this is Mr. Niel Mundoñedo. He is the owner of Samoñedo Apparel, Inc." Pakilala ni Ella sa bago nilang kliyente.

"Maria Jaise Samonte po, Majz na lang po ang itawag n'yo sa akin, Mr. Mundoñedo." Pakilala ni Majz sa sarili.

"Just call me Tito Niel. Masyado nang pormal ang Mr. Mundoñedo." Maganda ang ngiti ng may kaedarang lalaki. Kung hindi siya nagkakamali ay kaedad ito ng Tatay niya. Bigla ay namiss niya ang kanyang Tatay Sepring, pati na rin ang Kuya Manuel niya.

"Nakakahiya naman po yata. Kliyente po namin kayo at parang hindi akma na basta ko na lang po kayong tawaging Tito." Matapat niyang saad. Titig na titig si Majz sa mukha ng lalaki na parang pamilyar ito sa kanya at pilit na kinikilala. Matangos ang ilong nito at may katangkaran. May pagka-mestizo pero lamang ang pagiging kayumanggi nito.

"Ella, I like her. She's not afraid to speak her mind at gusto ko ang pagiging diretso niya." Nakangiting sambit ni Mr. Mundoñedo, maging ang mga mata nito ay nakikitawa din sa kanila. Magaan ang aura ng lalaki na parang ang sarap nitong kasama.

"Yes, that's why I hired her right away when I saw her walked into my office, Tito Niel. She's a ball of sunshine, parang katulad ng kanyang pinsan na si McNight." Walang kagatol-gatol na saad ni Ella. Hindi naman sa pagyayabang, pero magyayabang na rin siya, dahil yan ang palaging sabi ng Nanay Soling niya noon.

"Yan lang naman po ang meron ako, Ate Ella." Nakangiti niyang saad.

"And humble." Masiglang dugtong ni Mr. Mundoñedo. Napangiti siyang lalo. "Well, I would be the happiest if you call me Tito Niel, just how Ella here calls me." Nakangiti man ito habang nagsasalita ay para namang nagsusumamo ang mga mata nito.

Naalala niya tuloy si Makai. Sa mata kasi nito nakikita ang isip at damdamin ng pinsan, ganun din ang kaharap. Masyadong expressive ang mata ng lalaki.

"Tito Niel it is." Saad ni Majz. Biglang nagliwanag ang mukha ng lalaki at ubod tamis ang ngiting iginawad nito sa kanya ngunit mas matamis ang ngiti ng mga mata nito. Meron palang ibang tao na katulad ni Makai sa pagka-expressive ng mga mata? Naisip niya.

"Well, that settles then." Parang nakahinga ng maluwag ang lalaki dahil sa sinagot niya. "What's our plan?" Biglang tanong nito, masigla pa rin at nakangiti.

"First, we need to know what is your vision. What do you want people or consumers to see or expect from your product? How do you want people to perceive your product as? Who are your target audience? Who do you want to buy your product? Would it be the few population which  or the masses like Juan and Maria dela Cruz? Where do you want it sold? Tutuban or stalls in the mall." Tatango-tango lang si Mr. Mundoñedo. Hangang-hanga sa takbo ng utak niya.

"Majz, you tell me what is best and who do you think that would give me a good returns of my investments?" Tanong nito sa kanya. Mataman lamang na nakikinig si Ella.

"Tito Niel, ano po ba ang gusto n'yong gawin? As I have read your company's profile..." Nag-pause panandalian si Majz. Naghahanap siya ng tamang salitang gagamitin. "Your company is on the top already, internationally. You are doing well abroad. Bakit po ninyo naisip na iuwi dito sa Pilipinas ang produkto n'yo? Baka ho hindi kayanin ng isang simpleng Juan at Maria ang presyo ng produkto n'yo." Diretso niyang saad. Natahimik si Mr. Mundoñedo, napaisip ito.

"Majz—" Saway ni Ella. Napalunok naman si Majz. Naisip niya, sumobra na nga kaya siya?

"No, Ella. She's right, and besides, I asked her for her opinion." Sansala nito sa boss niya. "I don't know what I was thinking. I want to stay here in the Philippines and I don't care if I start at the bottom of the ladder going up, kahit midway lang." Puno ng lungkot ang mga mata nito. May napansin si Majz na sa palagay niya ay napansin din Ella dahil nagkatinginan sila.

"Tito Niel, kung gusto po ninyo, si Majz na po ang bahalang mag-isip ng concept para sa pictorial at kung gusto n'yo ng TV commercial, si McNight na ang bahala." Pahayag ni Ella. Nagliwanag ang mukha ni Mr. Mundoñedo sa narinig mula sa boss niya.

"You think you could do that?" Tanong nito. "I am targeting department stores like SM or have my stalls sa iba't ibang malls, kahit sa Tutuban pa, kung saan uso ang tawaran." Matapat na pahayag ni Mr. Mundoñedo na parang nangangarap. Napangiti si Majz sa enthusiasm na nakikita niya sa aura ng may kaedarang kliyente.

"Tito Niel, if it is okay with you, hintayin na lang po natin si McNight na dumating, medyo na-late lang siya ng kaunti." Saad ni Ella na sa kanya nakatingin. Napayuko siya. 

Alam naman niyang kasama si Makai sa meeting na ito at dahil hindi sila nag-uusap ng pinsan ay inunahan niya ito ng layas.

"It is very okay. When I heard from Aaron Scott that his son, Siegfried, have a friend whose been on advertising business, I did not think twice." Pahayag nito. "I trust Aaron and his son. They have a reputation that no one can measure up to, kaya alam kong ganun din ang mga kaibigan nito." Malapad ang ngiti ni Ella na puno ng pagmamalaki. Mas lalong humanga si Majz nang magsalita ito.

"Maraming salamat po, Tito Niel sa tiwalang ipinapakita ninyo. We will try our best to live up to your expectation." Saad ni Ella na puno ng kompyansa ngunit may pagpapakumbaba.

"Tito Niel, ano po ba ang collection na gusto ninyong i-advertise?" Tanong Majz para maiba naman ang usapan nila dahil parang end of conversation na datingan.

"Well, we just finish manufacturing our summer line and we are starting with our fall line and winter line. At dahil nasa Pilipinas tayo, siguro fall na lang with a hint of spring or summer dahil sa klase ng climate na meron tayo dito." Sagot naman nito. Nakaisip siya ng ediya.

"Ate Ella, bakit hindi tayo pumunta sa factory ni Tito Niel at tayo mismo ang tumingin ng collection nila. We can actually bring Cookie and Makai." Pahayag niya. Natuon ang tingin ng dalawa sa kanya. Hindi naman nagkomento ang kahit na sino sa dalawa kaya sinamantala niya. "At pwedeng doon na rin natin gawin ang pagpili ng mga isi-ship ni Tito dito nang naaayon sa klima natin." Nagtinginan si Ella at Mr. Mundoñedo.

"Pwede naman nating gawin pero baka di kayanin ng budget natin ang travel, Majz." Alam niya na kaya ng Fuentes Advertising ang gastos at hindi naman mahirap yun kaya lang kailangan nilang magtrabaho within the client's budget.

"I like her idea." Mabilis na salo ni Mr. Mundoñedo.

"Pero Tito Niel, masyadong magastos sa airfare." Pagtutol ni Ella.

"I'm sorry po, Tito Niel. I got too excited nakalimutan kong it is out of the country nga pala." Mapagpaumanhin niyang sambit.

"Oh no, I can actually call for a charter plane that would take us there. Ilan ba ang kasama?" Nagkatinginan silang dalawa ni Ella. Sasagot na sana siya ng may mahinang katok silang narinig.

"Come in!" May kalakasang sabi ni Ella. Bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang ulo ni Makai.

"Good morning, Ate Ella." Bati ni Makai. "Pasensiya na na-late ako. May dinaanan lang." Pinaningkitan ni Majz si Makai. Alam niyang nagdadahilan lang ito. Maagang siyang nagising at hindi niya nakitang lumabas ng kwarto nito.

"Good morning din sa iyo." Sagot ni Ella na walang bahid ng pagkainis, taliwas sa makikita sa kanya. Lumingon si Makai at ngumiti sa kanya na ikinagulat niya. Humila ito ng upuan at tumabi sa kanya.

"Sorry, Majz." Sabi nitong pabulong at puno ng lungkot.

"Usap tayo mamaya." Sagot niya dito. Hindi rin naman niya kayang tiisin ang pinsan. Kailangang hayaan niya muna si Makai na makapag-isip ng maayos at magdesisyon para sa sarili.

"McNight, siya nga pala si Tito Niel." Pakilala ni Ella. "Siya ang kliyente natin mula sa Samoñedo Apparel, Inc. Siya naman po si Maria Kaila Samonte. We call her McNight, ang babaeng walang pahinga all night." Natawa si Majz sa pagpapakilala ni Ella sa pinsan, ganun din siya. Napapakamot naman ng noo ang pinsan.

"You know what, I have been hearing Samonte since earlier. I was wondering, taga-saang Samonte ba kayo?" Tanong ni Mr. Mundoñedo.

"San Nicolas po." Sabay na sagot ni Majz at Makai. Nagkatinginan silang dalawa at sabay na tumawa ng malakas at nag-high five pa.

Yun ang sagot na bumasag ng kanilang tampuhan. Parang nagdahilan lang sila sa hindi pagkikibuan ng mga nakaraang linggo.

"Huy, umayos kayong dalawa! Nasa harap kayo ng kliyente!" Kalmanteng saway ni Ella pero ramdam ang diin. Nag-peace sign silang magpinsan.

"It's okay, Ella. They are so natural and they don't pretend to be someone in front of anybody. I like that." Sansala ni Mr. Mundoñedo.

"Ano po ba ang pag-uusapan o napag-usapan n'yo na?" Tanong ni Makai para maiba na ang usapan.

"Gusto ni Tito Niel na magbukas ng outlet ng clothing comany niya dito sa Pilipinas kaya nagpapatulong siya sa atin na mai-advertise yun." Sagot ni Majz.

"Ano ba ang concept?" Tanong niyang muli na walang tinutukoy kung sino ang tinatanong.

"Well, katatapos pa lang daw ng production ng summer lines nila, at nag-uumpisa na ang production ng fall line at isusunod daw kaagad ang winter line." Siya uli ang sumagot. Humarap si Makai sa pinsan.

"Asan ba ang production sight ng Samoñedo Apparel?" Tanong uli ni Makai na ngayon ay nakaharap na sa kanya.

"Ayun doon sa company profile na nabasa ko at tiningnan ko rin ang website nila, sa Morocco ang factory." Sagot ni Majz. "Suggestion ko kanina na pumunta tayo doon, isama natin sila Cookie para makita natin kung ang ano ang pwede nating gawin, kaya lang nakalimutan ko na sa labas nga pala ng bansa ang pagawaan nila at nag-aalala rin si Ate Ella sa budgeting, which I agree." Tuloy-tuloy na sagot ni Majz na parang wala silang ibang kasama.

"Well, it will cost so much kung tayo ang lilipad, but we can lessen the travel expenses kung mabibigyan nila tayo ng full sample mula catalog kahit one each of the design lang. That way, we can see everything and we can work on it. We can also choose kung anong klaseng models ang kukunin natin at kung anong concept ang magagawa natin." Nagtuloy-tuloy na nga ang pag-uusap nilang dalawa ni Makai. Tuluyan na nilang nakalimutan kung sino ang kasama nila at kung nasaan silang dalawa.

"Alam mo, Kai, mas magandang idea yan. Pero syempre ang sa akin lang, paano natin makikita ang ibang materials at color palette kung aasa lang tayo sa ipapadala nilang sample sa atin. Isipin mo, Kai, Pilipinas ito, mainit. At kakaiba ang taste ng Pilipino sa kulay at uri ng telang gagamitin." Napapatango-tango naman si Makai sa eksplenasyon ni Majz.

"May point ka, Majz. Pero baka nakakalimtan mo rin na Morocco yun, mainit din doon." Panandalian silang natahimik na parang nag-iisip. 

" I agree. But of course, mas darker ang kulay ng balat nila doon compare sa atin dito sa Pinas, at yung ibang models pa ay fair skinned. Lam na." Pahayag ni Makai. Tumango-tango naman siya.

"Gotcha!" Sang-ayon niya dito. "Then there's marketing." Dugtong niya.

"Yes, marketing. Sino ang target audience at buyer?" Pagsang-ayon din ni Makai habang nakaharap kay Majz.

"Yun nga, Kai, kaya ba ng simpleng Juan at Maria dela Cruz ang presyo ng mga yun?" Nahulog sila sa malalim na pag-iisip.

"Pwede na ba kaming sumali sa usapan n'yo?" Natatawang basag ni Ella. Sabay silang napalingon sa dalawang paris ng mga mata na puno ng tuwa na nakatingin sa kanila. Parehong nakangiti at parang aliw na aliw sa pag-uusap nilang dalawa.

"Ay, sorry po." Naka-peace sign na sabi ni Makai.

"Pasensiya na, Ate Ella, Tito Niel, na-carried away lang po kami ni Insan." Mabilis ding sagot ni Majz.

"Are they always like this? Them two?" Namamanghang tanong ni Mr. Mundoñedo. Masayang tumango si Ella.

"Always." Simple sagot ni Ella. "Matagal ko ng direktor itong si McNight at ganyan na siya dati pa kahit mag-isa, pero mas naging maganda at magaan ang lahat simula ng dito na rin nagtrabaho ang pinsan niya, two months ago." May pagmamalaking sagot ng ginang sa kliyente.

"Well, if you two are done delibirating, may we go to lunch at doon na natin pag-usapan ang ibang detalye?" Salitang tiningnan ni Mr. Mundoñedo ang tatlong babae. "I am starving." Dugtong pa nito.

Napatawa si Ella. Napakamot tuloy ng noo ang lalaki. Bahagya pang napatda si Majz dahil sabay at pareho ang ginagawa ng lalaki at ni Makai. Ay, wow. Nasabi niya sa sarili.

"Okay, then. Let's go." Saad ni Ella sabay tayo kasunod si Mr. Mundoñedo. Sumunod na rin sila.


















-----------
End of LCIF 7: Nagdahilan Lang

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖

Lights! Camera... I've Fallen!
©All Rights Reserved
March 15, 2016

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro