LCIF 65: Pictorial
Owtor's Nowt: I am still very much inspired by MaiChard. Nobody can bring this ADN down. Naging busy lang po nitong nakaraang pasko between IGlive, newly born apo #4, then taking my. Mom on a date hindi ko lang po maisingit ang pagsusulat. Sana magustuhan n'yo ang update na ito. Laban lang.
ISANG maayang araw ng sabado, ngayon gaganapin ang pictorial sa taniman ng mga Samonte na malapit lang sa kamalig na ginawang maliit na getaway house ni Manuel.
Hindi pa gising si Haring Araw ay nagdatingan na ang mga camera crew at glam team na binubuo nila Ray, Celso, Lupita, Cookie at Click na may kasamang extrang tauhan para mas mabilis ang gagawin, isang araw lang plano ni Makai na pictorial kasama na ang tvc para sa apat na kompanya ng pamilya nila.
Halos magkapanabay na dumating ang van ni Ray at ang trailer van ng cartering service na kinuha ni Martin bilang tulong kay Makai na pag-aari ng BTS Events & Equipments na pag-aari naman ni Brielle at Siege Scott.
Kasunod nito ay ang trailer naman ng mga equipment na galing sa production building ng RicaMonte Filmland, Inc. Isa itong equipment rentals at minsan ay video coverage.
May kanya-kanyang pwesto ang bawat grupo kaya mabilis ang kilos ng lahat. Itinayo ang pop-up tent na ginawang dressing room sa kanlurang bahagi ng taniman, mabuti na lang at kaaani lang ng lugar na yun kaya ipinagamit sa kanila ni Sepring, habang sa silangan bahagi naman ay ang canopy na pinaglalagyang ng pagkain.
Nagkalat naman ang mga lamesa na napapalibutan ng upuan sa di kalayuan at nakasentro sa likuran ng mga ito ang buffet table at sa pinaka gitna ng ay ang isang maliit ng round table na may five-tier na cake na napakaganda ang pagkakagawa. Para ngang tunay na kasalan ang pictorial project ni Makai.
Sa di kalayuan ng malapad na lupain na may mga puno ng mangga na naghihiwalay sa ari-arian ng mga Samonte at Ricaforte, doon naglagay ng arko na pinalamutian ng iba't ibang uri ng mga ligaw na bulaklak na iba't ibang kulay. May mga rosas, sunflowers, daisies at orchids din. Puro detachables ang mga decoration dahil sa iba't-ibang wedding themes at motifs.
Sa harap nito ay may dalawang hilira ng mga upuan. Nalalatagan ng mabigat at makapal na klase na kulay puting tela na sumasalamin ng maliit na pasilyo patungo sa altar.
Kung nakatayo ang isang tao sa di kalayuan na makikita ang kabuuan ng set-up at pagmamasdam maigi ang disenyo ng lugar ay parang may kasalan na gaganapin; altar, mga hilirang ng mga upuang nakahanay sa magkabilang gilid ng tela, arko sa likuran na natatabingan ng manipis na kurtina kung saan kunwari palabas ang bride para sa kanyang grand entrance march, ang ganda, simpleng engrande ang dating.
Seryoso si Makai na gawing all out wedding scene ang pictorial na ito. Sayang ang pagiging director niya sa mga naging TVC ng kompanyang pinagtatrabahuan kung hindi niya magagawa yun sa sariling negosyo, ni Majz at ng T'yong Martin nila; 3-in-1 'ika nga. Gusto nitong bumawi sa mga pagkukulang kay Majz at sa buong pamilya.
Makikita ang tuwa sa mga mata nila Sepring, Martin, Romano, Niel, Bebeng at Doray dahil pati sila ay may parte sa pictorial at video na gagawin. Sa tulong ni Celso, Click at Ray, alam ni Makai na magagawa niyang lahat ng yun at mahigit pa, habang nasa background naman ang kanilang loyal na mga kaibigan na si Lupita at Cookie.
"Parang kasalan talaga ah." Puna ni Lupita nang lumapit si Makai dito. Napukaw ang paglalakbay ng diwa ng dalaga.
"Isang buong catalog at apat na video clips ang gagawin ko. After ng pictorial na ito ay maipi-print na siya habang ini-edit nila Kuya Ray, Click at Celso ang lahat ng video." Nakangiting komento ni Makai. Nag-cross-finger pa ito
"Wow! Bonga na si McNight, bakla." Sagot naman ni Cookie. Nasa loob sila ng isa sa mga pop-up tent na ginawang dressing room para sa mga babae.
"Ano naman ang ibininongga nun?" Tanong nitong nakataas ang kilay.
"Bongga kasi may pa-catalog ka na ngayon, may pa-video clippings pa. Wala pa ngang Kliyente, may TVC na." Mataray ngunit masayang turan ni Cookie.
"Yang video coverage na yan ay hindi para sa akin. Ang advice ni Tatay at ni T'yong Martin na kung ito ang magiging pinaka sentro ng negosyo namin, mas mabuti pa daw i-all out ko na para isang bagsakan na lang, pero syempre kasama na rin sa catalog yung mga pang-casual. Para bang after the wedding honeymoon clothing na pwede ring pang-araw-araw." Sagot ni Makai sabay upo sa upuang nasa harapan ng lighted vanity mirror.
"Simona, ayusan mo itong designer natin." Sigaw ni Lupita sa isang baklang kapapasok lang sa loob ng tent. Mabilis naman itong tumalima sa utos ni Lupita.
"Nasaan na si Majestic?" Tanong ni Lupita. Bahagyang natahimik muna si Makai, hindi niya kaagad nagawang makasagot. "Naku! Ayan na naman po tayo sa pananahimik na yan eh. McNight kilala na kita huh. Nag-away kayo 'no?" Dugtong nito kaya napahugot na lang si Makai ng malalim na buntong-hininga.
"Hindi kami nag-away ni Majz, nagkatampuhan lang." Pag-amin nito. Nagkatinginan ang dalawang bakla.
"At bakit naman kayo nagkatampuhan?" Walang pakyeme at mataray na tanong ni Cookie.
"Mahabang kwento eh." Sagot ng dalaga.
"Mahaba ang oras namin, di ba Simona?" Tumango naman ito.
"Trulili." Makwelang sagot nito.
"Lights. Camera. Kwento." Utos ni Lupita. Walang nagawa si Makai kundi ang magkwento ng mga nangyari habang naging busy na uli ito sa paglilinis ng mukha ng dalaga at paglalagay ng moisturizer.
"Grabe ka naman pala eh. Kung ako ang pinsan mo, baka nasabunutan na kita." Halata ang panggigigil sa boses ni Cookie.
"Hindi lang yun, baka isinumpa na kita." Matabang na dugtong ni Lupita.
"Hindi ko naman sinadyang wag magparamdam sa kanya. Nagkataon lang yun." Pahayag ni Makai. Nagtaas lang kilay pareho ang dalawang bakla.
"Weh. Nagkataon nga lang ba?" Susog ni Cookie. Tahimik lamang na nakamasid at nakikinig si Lupita sa palitan ng usapan nilang dalawa. Tahimik din lang si Simona.
"Hindi nga. Nasubsob kami ni Tatay sa pagharap ng problema namin sa Hongkong bago kami lumipat sa Singapore. Kabilaan ang mga meeting namin sa mga investors, accountants at abogado ni Tatay dahil sa pera ng kompanya na itinakbo ng kasosyo niya, kaya hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na matawagan siya para kamustahin o magkwento ng mga nangyari sa amin ni Tatay." Mahaba niyang pahayag. Umiling-iling lang si Lupita na nakikinig lang sa palitan nila ni Cookie.
"Ikaw din naman pala ang may sala eh." Turan ni Lupita. "Yan ang opinyon ko." Magkapanabay na lumingon si Makai at Cookie sa makeup artist.
"Ang lupit mo namang, Lupita." Nakataas ang kilay na saad ni Cookie.
"Nasaan banda ang lupit doon? Pamilya niya yan na kasama niya simula ng ipinanganak siya tapos yun pa ang kinalimutan niya dahil oang sa naging busy siya? Dapat nga si Majestic ang una niyang nilapitan dahil si Majestic lang ang nagpapakalma sa kanya." Mabilis na pagsasalita na halos walang prenong litanya ni Lupita. "Baka nakakalimot ka na rin Cookie, si Majz lang ang nagpapakalma sa set dati." Dugtong a nito. Napatango-tango naman si Cookie.
"Sabagay, hindi ko nakitang kumalma tayo sa set nung tayo-tayo pa lang, pero nung dumating na ang Majestic, pati buong kompanya naging kalma at organized na." Pag-aalala nito sa mga naganap sa ad agency na dating nilang pinapasukan. Tumango-tango si Lupita bilang pagsang-ayon.
"Alam kong mali ako... maling-mali. Alam kong naging unfair ako sa kanya, sa kanila. Alam ko rin na dapat nilang malaman ang nangyari at nangyayari sa buhay ko, namin ni Tatay, pero mas pinili kong maging makasarili at hindi ibahagi sa pamilyang nag-aruga at nagpalaki sa akin ang mga bagay na dapat." Naiiyak na saad ni Makai. Mabilis namang humugot ng tissue si Cookie.
"Kaya nga naman pala may tampo." Saad ni Lupita.
"Aminado naman ako na kaya may tampo si Majz sa akin ay dahil initsa-pwera ko siya sa buhay ko, kung tututusin para ko na nga siyang kapatid eh. Magpinsan man kami pero yan ang tingin ko sa kanya, kapatid. Buong buhay namin magkasama kami. Sabay kaming lumaki, sabay kaming maligo, kumain, mag-aral. Sabay kaming nalungkot at nagluksa nung pinatay sila Nanay at T'yang Soling. Kami ang naging lakas ng isa't isa noon tapos bigla kung pinutol. Kaya naiintindihan ko kung bakit malayo siya sa akin ngayon." Pinahid ni Cookie ang luhang pumatak sa mga mata ni Makai.
Maaari ngang lehitimo ang dahilan ng dalaga kahit na hindi nila makita ang punto nito, nakaramdam naman ng awa ang dalawang bakla sa dalaga. Naiintindihan nila ang sentimyento ni Majz kay Makai kaya lang ay hindi rin nila maibuhos ang sisi sa ginawa ni Makai. Siguro nga ganun talaga ang buhay,
""Pit, parating na raw si Sir Lance at Majestic." Saad ng isa ding makeup artist.
"O sige, ihanda mo na ang pwesto niya at ako na ang bahala sa kanya. Cookie, hayaan mo na diyan si Simona na mag-makeup kay McNight." Utos ni Lupita. "Kailangan maayos na ang mga wardrobe." Dugtong pa nito.
"Sige, iwan ko na kayo diyan. Baka naloka na si Maira doon." Sagot naman ni Cookie. "Yang pinsan mong yan, walang ka-humor-humor. Ang nakagandq lang sa kanya ay yang anak-anakan n'yong si Lotti. Mabuti na lang at napaka-cute ng batang yan. Sige na, babay na." Saad nito habang papalayo sa kanila.
"Cookz, salamat ha." Sigaw ni Makai ang kamay ni Cookie. Kumaway naman ito patalikod. Ngumiti namang pareho si Lupita at Simona.
"Tsaka ka na magpasalamat kapag natapos na ang lahat." Saad nito bago pa tuluyang nakalabas.
Bumalik ang katahimikan sa loob ng tent. Maya-maya lang ay pumasok na si Majz, kasama ang dalawa nilang tiyahin at si Alexa.
"Majestic, kamusta na?" Bati ni Cookie. Bumalik pala ito. Inirapan ni Lupita ang kaibigan.
"Ochosera!" Singhal ni Lupita na ikinangiti ni Majz. Napanguso ito, natawa naman si Simona.
"Hello po, T'yang." Tahimik na bati ni Makai sa mga tiyahin.
"Hi Pit, Cookie, Mona." Bati ni Majz sa tatlo dahil yun lang naman ang kakilala niya.
"Upo ka dito." Turo ni Lupita ng upuan sa harap ng lighted vanity. "Sino naman itong mga mestizang ito?" Dugtong nito. Ngumiti si Majz bago sumagot.
"Siya si T'yang Bebeng, yung may-ari ng bahay na tinitirhan ko at tinirhan ni Lance dati." Turo niya sa tiyahin. "Ito naman si T'yang Doray. Siya yung tumayong magulang ni Makai nung pumanaw sila Nanay at T'yang Aning, kapatid silang pareho ni Tatay. Ito naman si Alexa. Bestfriend siya ni Lance na naging bestfriend ko na rin." Turo niya kay Alexa na nasa tabi lang ni Doray.
Mabilis na napalingon si Makai nung binanggit niya ang salitang bestfriend. Napansin naman kaagad ni Lupita ang lalong paglungkot ng mga mata ni Makai, ganun din ang kay Majz. Napailing na lamang ito.
"Hello po, mga T'yang Beauties. Kaya naman pala super gaganda ng dalawang ito, eh ang gaganda n'yo naman pala." Puna ni Lupita na puno ng paghanga. "Ako nga po pala si Lupita Diyosa." Pakilala nito. nakangiti ang magkapatid. "At ito naman po si Cookie. Siya ang wardrobe specialist namin." Ngumiti uli ang magkapatid sa dalawang bakla.
"Hello po, mga Titas. Maiiwan ko na po kayo dahil baka nagpapakamatay si Maira sa wardrobe tent." Pamamaalam ni Cookie.
"Salamat, Cookz." Mabilis sa turan ni Makai. Ngumiti na lang ang bakla bago tuluyang umalis.
Naiwan si Majz, Makai, Bebing, Doray at Alexa sa kamay ng makeup team ni Lupita. Mabilis ang kilos ng bawat isa sa mga tauhan nito ngunit metikulosong isinasagawa ang pag-aayos sa kanila.
Natapos nang ayusan si Alexa at Makai kaya mabilis na umalis ang dalawa para lumipat sa tent ng mga damit na disenyo ni Makai dahil dun sila magpapalit ng outfits all through the pictorial session.
May limang wedding gowns, limang set ng bridal entourage outfits, ganun din sa grooms ang naka-setup, lahat ay design ni Makai, lahat ng yun ay naka-color motif hanggang sa flower arrangements. Mabilis kumilos ang mga tauhang nakuha ni Lupita at Cookie, lalo pa at puro kaibigan at tauhan ni Cookie at Lupita ang mga ito, pati na rin ang nakuhang production crew.
Ang mga lalaki naman ay nasa kabilang tent din na inaayusan ng ibang grupo ni Lupita. Kasama ni Lance si Manuel, Tino, Theo, Leland na bagong dating lang at ang mga asawa ng mga tiyahin ni Majz pati na ang Tatay niya. Gusto kasing gawing makatotothanan ni Makai ang lahat sa payo na rin Ray. Sa pangatlong tent naman ay mga naghahanda rin para sa pictorial.
Nakakatuwang tingnan na ang busy ng bawat isa, lahat may ginagawa, lahat ay pabalik-balik, lakad dito, check doon, kumpuni dito, lakad doon, pero walang may nagbabanggaan o nagkakasagian man lang. synchronize ang kilos ng bawat isa kahit na magkakaibang kompanya at grupo galing ang mga ito.
Ang una sa schedule ni Makai ay ang nuptial coverage na gusto niya mai-feature sa kanyang catalog na pwedeng i-connect kay Click at sa RicaMorte Filmland, lalo na sa Mèmoire Èlègante ni Majz at Alexa. Kung baga, hitting a flock of birds with one stone.
Pangalawa, gusto niyang i-feature ang Goddess Salòn ni Lupita at galing ni Cookie sa pagbuo ng ensemble dahil ito ang naging katulong niya sa pagbuo ng lahat ng formal at bridal gowns niya.
Pangatlo, gusto niyang magpasalamat sa pamilya ni Logan na kahit na wala na ang binatang minamahal ay daughter in law pa rin ang tawag sa kanya ni Brielle at Siege. Sila ang nag-suplly ng lahat ng paper product, stationary, invitations, RSVP at catering services para sa araw na ito kahit na sinagot pa ni Martin ang bahaging ito.
Talaga ngang bumabawi si Makai at alam lahat ni Lance yun kaya todo-suporta siya sa pinsan ng kasintahan. Gusto din niyang matulungang matupad ni Niel ang kagustuhan nitong manirahan sa Pilipinas kung saan malapit sa pamilya ng anak na tinuturing na rin nitong pamilya.
Nagsimula na ang pictorial at naging abala na ang lahat sa kani-kanilang gawain. Unang kinuhanan ang grupo ni Maira at Theo. Nagsimula sila sa prenup papunta sa kasal, reception hanggang sa honeymoon travel outfit. Pinag-isipan talaga ang production na ito. Karamihan sa ginagawa nila ay suggestion Majz na mabilis na inaprubahan ni Niel at Tino. Walang nagawa si Makai dahil ganun na din ang desisyon ni Maira na sinabayan pa ni Lance. Ikinatuwa na lang nito na naging involve na rin si Majz at kahit papaano ay nagkakausap sila ng pinsan.
Peach o yung tinatawag na salmon ang unang color motif na sadyang bumagay kay Maira. Tuwang-tuwa si Niel habang pinapanood ang lahat. Naging maayos at madali ang lahat. Kung titingnan silang kabuti, parang matagal na nilang ginagawa ito dahil sa ngiting nakapaskil sa mukha ni Click. Ngiting-kontente at ngiting-wagi.
"I never had a pictorial like these before. Walang nasayang na oras." Masaya niyang sambit.
"Why is that?" Tanong ni Lance na nakatayo pala sa tabi nito.
"One click-one shot lahat." Saad nito. "They are more professional looking compare to the professional models I encountered in my lifetime." Matapat nitong saad.
"Wow. Isa ba ako sa kanila?" Wala sa loob na tanong ni Lance. Mabilis na napalingon si Click sa kanya.
"You? Are a model, too?" Tanong nito. Napatingin si Lance sa kanya. Gusto pa sana niyang mag-deny pero syempre nasabi na niya. Nadulas na siya.
"Yeah. Once or twice." Simple niyang sagot. Hinarap siya nito.
"Oh yeah? When?" Tanong nitong may makahulugang ngiti.
"O few times. I stepped in for Logan, my triplets, while he was missing." Matapat at malungkot niyang sagot.
"I thought so." Sagot naman nito. "I kinda knew it wasn't Logan that I was dealing with at that time. Logan was a happy-go-lucky dude, not that you're not, but Logan was more of a breath of fresh air. He have the kind of sense of humor like no other have. I don't, but I see him that way but he was a one shot-one click model, too. Parang ikaw. Masayahin pero seryoso kapag kailangan na." Pahayag nito.
"You knew but you didn't say anything?" Nagkibit-balikat lang si Click sabay tapik sa balikat niya.
"Get yourself ready we are going shot your set. If Ms. Richards' group are as quick and fast as Ms. Mundonedo's group, we are going to get done before nightfall." Saad nito na ikinatawa na lang ni Lance.
Tinapik niya ang balikat ng photographer at tumalikod na. Dumiretso siya sa dressing tent para sa mga lalaki. Naabutan niyang busy ang lahat sa pagpapalit ng damit. Nakita niyang tapos na Manuel at hinihintay na lang ang iba pang kasama sa pictorials. Magulo, ngunit masaya ang mga mukha ng mga ito.
Sa kabilang tent, sa tent ng mga babae, nandun ang mga tsikiting na kasali sa pictorial bilang mga flower girls at ring bearer maging ang isang taon na anak nila Bebeng at Martin. Nandun din ang anak-anakan ni Maira na sa Lotti bilang flower girl sa final bridal shoot. May mga bata din silang kinuha mula na mga taga-San Nicolas. Kasama din syempre ang anak ni Brynn at Aldrin na si Beau.
"Lance. Kayo na yata ni Majz ang kasunod." Nagulat pa siya sa biglang pagpasok ni Manuel. Kasundo nito si Theo at Tino.
"Tapos na kayo?" Gulat niyang tanong sa mga bagong dating.
"Katatapos lang. Sinunod-sunod ni Click ang pagkuha. Tuwang-tuwa nga eh." Saad ni Theo.
"Kukunin niya daw kami ni Tino at Theo na mag-model sa susunod niyang project." Dugtong ni Manuel.
"Ang bilis daw namin kunan at hindi man lamang daw siya nahirapang magbigay ng instructions sa amin." Saad ni Tino na ubod lapad ng ngiti.
"He said we were all natural at we do. And Alexa is way too beautiful for a bride." Pagtatapos ni Theo.
"What about Cammi?" Bwelta ni Lance na may malapad na ngiti. Nagkatinginan si Manuel at Tino. Umismid lang
"Sino si Cammi?" Tanong ni Tino. Nakangiti si Manuel.
"Pinsan ni Lance." Sagot ni Manuel.
"Eh di pinsan din Theo?" Tanong ni Tino. Umiling si Lance. "Hindi? Eh di ba magpinsan kayo ni Theo?" Nalilito nitong tanong.
"Yup. We are cousins and they're not. Theo is on my Dad's side, anak siya ni Tita Quinn and Cammi is on my Mom's side, anak naman siya ng Tito Virgil ko." Paliwanag ni Lance. Nagpatango-tango naman si Tino.
"Mag-ready ka na, Lance. Kayo na ang kasunod." Paalala ni Manuel.
"Break a leg, couz." Saad naman ni Theo. Ngumiti si Lance sa kanila.
Sa totoo lang, kinakabahan siya. Sanay siya sa ganito pero first time niyang gagawin with Majz. Sanay siyang mag-pose for pictorials and act for commercials, pero syempre iba ito ngayon. Maliban sa kasama niya si Majz, para sa bridal catalog ang project na ito. Ini-imagine niya tuloy ang hindi dapat imagine-in ngayon, ang kasal sana ni Majz. Kelan? Hindi niya alam.
"Sir Lance! Casuals daw po para sa prenup!" Sigaw ni Patti sa labas ng tent. Isa sa mga tauhan ni Cookie
Lumabas na rin siya. Nakasunod si Cookie sa kanya na karay-karay ang roll out clothes hanger ng mga damit na para kay Majz at tulak-tulak naman ng isa sa mga tauhan nito ang isa pa.
"Saan mo dadalhin yan?" Tanong ni Lance kay Cookie. Tinawanan lang siya ni Cookie.
"Wag kang ano, Lance. Dadalhin ko lang ito doon sa makeshift dressing room para hindi na magpabalik-balik dito si Majestic." Paliwanag nito.
"Bakit? Everybody comes back here to change their outfit bakit yan doon?" Turan niya. Nailing lang si Cookie.
"Yes, pero utos ito ni McNight. Ayaw daw niyang mahirapan pa kayo ni Majestic na maglakad pabalik dito dahil doon niya sa kamalig planong mag-pictorial ng prenup. Yun daw ang background scene n'yo." Umalis na ito matapos magsalita. Walang nagawa si Lance kundi ang tumahimik na lang.
"Go for it, bayaw. It's now or never." Panunukso ni Manuel.
"Yown oh!!" Sigaw naman ni Theo.
"Bayaw?" Sambit ni Tino.
"Bayaw. Engage na kasi sila ni Bunso." Maiksing turan ni Manuel.
"Oh yeah. That's right. Nasabi nga pala ni Makai na engaged ang pinsan niya sa ka-triplet ng dead bf niya." Wala sa loob na sambit ni Tino. Nilingon lang ito ni Lance na may inis ngunit hindi nagsalita.
"Wow, bro. Ang tagal mo nang kilala si Majz at Lance, you just figure that out right now?" Tumalikod na kaagad si Theo, inis din ito. Hindi na pinansin ni Lance ang patutsada ng pinsan kay Tino.
"Tama na yan. Tara na, magsibihis na tayo." Dinig niyang saway ni Manuel sa dalawa. Nakaramdam nng konting tensyon.
"Sir, eto daw po ang mga susuutin n'yo." Lumapit si Patti sa kanya, ipinakita ang mga damit na nakapaloob sa magkakahiwalay na cloth bags sa kanya. Tumango si Lance.
Tahimik na lumabas ng tent si Lance. Nakita niyang sobrang busy pa rin sa labas, ngunit hindi na kasing busy katulad kaninang umaga. Napatingin tuloy siya sa kanyang relo. Alas tres y media pa lang ng hapon. Napangiti siya dahil maaga silang matatapos at maaaring maabutan pa nila ang paglubog ng araw para sa planong picnic para sa knilang dalawa ni Majz.
Sa kabilang maliit na tent, nagre-retouch si Lupita ng makeup ni Majz. Nauna na siyang kuhanan ni Click ng mga litrato habang nagre-retouch siya ay si Lance ang kinukuhanan.
"Ang ganda mo talaga. Ni hindi ako nahirapang makeup-an ka." Puno ng paghangang sambit ni Lupita.
"Salamat, Pit." Simpleng sagot ni Majz.
"Masaya ka ba, Majz?" Tanong nito. Matamis siyang ngumiti sa makeup artist nila.
"Sobra." Sagot niyang naluluha. Napasalo si Lupita ng dibdib at masayang ngumiti sa dalaga. Maging ito ay naluluha na rin. Tanging mata at emosyon nilang dalawa ang nag-usap sa tahimik na dressing room na hiwalay sa lahat.
"Diyosa, tapos na po si Sir Lance. Sila na pong dalawa ni Ma'am Majz ang kukunan ni Sir Click." Nilingon ni Lupita ang nagsalita at tumango.
"Sige, Nila. Pakisabi parating na." Sagot ni Lupita sa babae at maarte nitong iwinasiwas ang kamay sa ere.
"Kinakabahan ako, Pit." Matapat na saad ni Majz
"Bakit ka naman kakabahan?" Malambing na tanong ni Lupita habang naglalakad sila palabas ng tent.
"Ewan ko. Hindi ko alam. Basta kinakabahan lang ako." Matapat niyang sagot.
"Mawawala din yan mamaya." Saad nito. Tinapik ang balikat niya. Huminga siya malalim bago tuluyang lumapit kung nasaan ang kasintahan.
Nagsimula na ang pictorial nila Lance at Majz ng maayos. Tuwang-tuwa si Click. Di akalain ng lalaki na dito sa pamilyang ito makakakita ito ng kakontentuhan sa potograpiya. Sa sampung taong pagiging photographer ni Click ngayon niya lang nasalubong ang ganitong klase ng mga tao at naipon pa sa iisang pamilya. Pati na ang babaeng matagal na niyang iniisip ay nandito rin.
Natapos ang prenup na tuloy-tuloy lang hanggang sa bridal pictures na kung saan ay nailabas ni Click ang totoong nararamdaman ni Lance at Majz sa litrato. Makikita sa monitor ang nag-uumapaw na pag-ibig sa pagitan ng dalawa na ramdam ng bawat isa na nakapaligid sa kanila.
"Never in my life have I come face to face with love. Never have I though look love right in eye until I met them." Wala sa loob na wika ni Click. Parang napapantasyahan ang binata.
"Wag kang mag-alala. Hindi lang ikaw ang nakakakita ng pag-ibig na yan, kami din." Sagot ni Lupita na nasa likod niya lang pala kasama si Cookie. Tumatambay lang ang dalawa kung nasaan malapit lamang kay Majz para mabilis nila itong maalalayan sa pagpapalit.
Nang matapos na ang prenup shot, umusad na sila actual na wedding gown na siyang featured gown para sa catalog ni Makai. Katulong ni Lupita si Simona para sa pagpalit ng makeup ni Majz at si Cookie at Nila para sa pagbibihis ng outfit ng dalaga kaya mabilis ang transition ng lahat. Kasama naman ni Lance si Patti na isa sa tauhan ni Cookie at Lupita para alalayan ito sa pagpapalit ng damit at retouch ng makeup para hindi naman mukhang hulas ang mukha ni Lance sa harap ng camera.
Nang lumabas na si Majz mula sa tent ay natigil ang lahat at napatitig na lang sa kanya. Mula sa catering crews hanggang sa camera crews, lahat ay nakatulala sa kanya. Nakaalalay si Cookie at Lupita sa kanya hanggang sa makarating siya sa arko.
Hindi napansin ni Lance ang paglabas ni Majz ng tent nito basta ang alam niya ay biglang natahimik ang paligid, walang tunog o kahit na konting piyok na nanggaling kahit kanino at saan, pati yata ang mga ibon na kanina lang na maingay ay bigla ring natahimik.
Nagpalinga-linga siya para alamin kung bakit ubod tahimik ng paligid ngunit wala siyang makitang dahilan. Kinapa ni Lance dibdib, bigla kasing parang tinambol ito na hindi niya mawari. Nangyayari lang yun kapag nas amalapit lang si Majz.
Naghintay siyang nakatayo sa kabilang bahagi ng arko. Napalitan na ng mga pinaghalong dilaw na rosas, sunflowers, baby's breath, green ivy at iilang maliliit na wild flowers ang mga dekorasyon na nakasabit sa gilid ng mga upuan at altar.
Maya-maya lang ay may umalingaw na malamyos na musika mula sa mga speakers na nakakabit puno ng mangga para dagdag effect para sa video coverage. Nauna siyang pinalakad sa harap kasabay ang Mommy at Daddy niya na para nga siyang ikinakasal.
Maya-maya lang ay pumasok na ang flower girl na si Lotti na kanina pa tinititigan ni Siege at Brielle. Karga naman ni Martin si Matt dahil nag-tantrum na ito na ikinatuwa ng lahat. Magkasabay na nagmartsa si Alexa at Tino, sumunod si Maira at Theo, tapos ay si Korina at Manuel na sinundan naman ni Makai at Leland.
Nagpalit ng musika ang sound crew, isang bridal march. Nakita ni Lance naglalakad na si Majz sama si Sepring palapit sa kanya. Natulala siya na parang namatanda. Di siya makahuma at makahinga. Naninikip ang kanyang dibdib. Tinapik siya ni Leland sa balikat at inabutan siya ng tubig. Napangiti siya't ininom na ang tubig. Nakagunhawa naman yun kahit papaano.
Natuwa si Ray at Celso lalo na si Click dahil hindi na kailangan pang umarte ang lahat lalo na ang dalawa na nagmamahalan sa camera dahil kitang-kita sa monitor ang pagmamahalan nilang dalawa. Nararamdaman nila sa bawat kilos at kisap ng mga mata ni Majz at Lance. Maging ang crew ay napatulala kasama na ang pamilya nilang nanonood sa di kalayuan.
Talagang pinagtulungan ng buong pamilya na matupad ang pangarap na ito ni Makai kaya todo-buhos din ang effort ng dalaga na mapaganda ang lahat ng ito para na rin sa pamilyang dati nitong tinalikuran. At sa parti ni Majz, may tampo man siya kay Makai, hindi naman kasali ang negosyo nito kaya ibubuhos niya ang lahat para dito, pati na ang kanyang sarili.
Napaluha si Makai, hawak ang sariling cellphone at kinukuhanan ng video si Lance at Majz.
Nagulat ang lahat maging ang caterers at production crew nang biglang lumuhod si Lance sa harap ni Majz. Napatda ang dalaga sa ginawa ni Lance. Titig na titig si Majz sa kasintahan. Magiging si Click at Celso ay napatigil sa pagkuha ng picture at video footage.
"Ano 'yang ginagawa mo?"
--------------
End of LCIF 65: Pictorial
Thank you for reading.the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.
💖 ~ Ms J ~ 💖
12.21.19
Lights! Camera! I've Fallin...
©2016 All Rights Reserved
March 15, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro