Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LCIF 62: Stress








Isang event ang pinuntahan ni Majz na inabot siya ng alas dos ng umaga bago nakauwi. Hindi naman big deal yun kasi minsan inaabot din sila ng ganong oras. Pero iba ito ngayon kaya nagalit si Lance. Hindi lang si Lance ang nagalit pati na rin si Sepring, Martin at Bebeng.

Alas siete y media na siya ng umaga nakarating. Naabutan niya si Sepring na palakad-lakad sa loob ng salas ng bahay ni Bebeng at Martin. Tahimik lang itong nagmamasid sa bawat kilos niya. Nagulat pa nga siya nang makita ito ngunit hindi niya na lang ipinahalata sa ama.

"Ang aga mo namang umuwi. Wala ka bang trabaho ngayon, Maria Jaise." Tanong ng ama na nakataas ang isang kilay nito.

"Pasensiya na Tay. Pauwi pa lang po ako, galingnpa onako ng biyahe." Matapat niyang sagot. Kahit kelan ay hindi siya naglihim o nagsinungaling man lang sa ama at hindi niya uumpisahan ngayon.

"Alam ko. Dumating ako kahapon ng hapon. Sabi ng T'yang mo na maaga kang umalis at iniiwasan mo daw si Makai. Buong maghapon yun naghintay sa iyo dito. Umuwi na lang nang maggabi na dahil pinauuwi na ni Niel. Dapat nga ay sasama ako sa kanya sa kanila pero pinagpaliban ko na lang dahil hindi ka pa nauwi." Malumanay ngunit puno ng kaseryosuhang salaysay nito. Napahugot siya ng malalim na paghinga.

"Alam naman niyang may trabaho ako. Nag-text pa siya sa akin at sinagot ko siya. Sinabi ko sa kanya na gabihin ako, or worst, uumagahin na." Malumanay niyang sagot sa ama.

"Ma'no ba namang tinawagan mo na lang siya nang nakapag-usap kayo kesa diyan sa text-text na yan." Mabilis na salo ng ama. Nainis siya dahil simula ng dumating si Makai, isang buwan na ang nakakaraan at alukin siya nito sa model-model na kalokohan nito ay halos linggo-linggo siyang nag-aalmusal ng sermon sa Tatay niya, minsan naman hapunan sa tiyahin siya. Napabuntunghininga siya.

"Wala na ba talaga akong nagawang tama, Tay?" Mahina niyang saad sabay pasalampak na upo sa sofa. Napansin niyang maaga din palang nagising ang mag-asawang Ricaforte. Kadalasan kasi doon ito sa kwarto ng kambal tumutuloy at baba lang kung kakain na ng agahan.

"Majz, hindi ko naman sinabi na mali ang ginagawa mo, pero sana tumawag ka man lang para hindi nag-aalala ang yang mapapangasawa mo, lalo na ako." Nilingon ni Majz ang ama.

"Una Tay, simula nang dumating si Makai, woaa na kayong ginawa kundi sermunan ako at hindi ko mapagbigyan ang kapritso niya. Nakakapagod din Tay minsan." Pag-amin niya. Hinilot niya ang kanyang sentindo.

"Pangalawa, alam ni Lance kung nasaan ako, alam din niya na minsan inaabot kami ng ganitong oras. Dapat masanay na siya dahil ako sanay na palagi silang lumalabas ng bansa ni Kuya Ethan at hindi ko siya tinatanong. At hindi ako nag-aalala dahil may tiwala ako sa kanya. Ma'no bang ganun din siya?" Pansin na sa boses niya ang iritasyon.

"Nag-aalala lang yan na may mangyari sa iyong hindi maganda lalo na pagmamaneho." Turan ni Sepring na ngayon ay medyo lumalambot na. May rason din ang anak.

"May driver po kami, Tay. Hindi ako nagmamaneho nang malayuan. Tungkol naman kay Lance, wala namang nabago eh. Matakpan lang ako ng pinto o ng anino ng puno naghuhuramintado na dahil "nawawala" na naman ako." Nag-air quote pa siya pagkasabi ng salitang nawawala. "Tay, kayo po ba ay ganyan din sa Nanay?" Hindi kaagad nakasagot si Sepring. Tumikhim ang T'yang Bebeng niya.

"Ang Kuya Sepring ay napakaselosong manliligaw yan. Alam mo ba na may binugbog na taga atin yang Tatay mo dahil niligawan ang Nanay mo nung nililigawan pa niyan ang Ate Soling. Nung naging sila na ni Ate Soling may ginulpi din yan sila. Tanungin mo ang T'yong Roman mo at si Tomas. Kasama din nila si Gustin na asawa ni Alona. Magkakakuntsaba yan sila, kaya nga nung bandang huli ay itinanan na ng Kuya Sepring ang Ate Soling." Natawa si Majz at Martin.

"Grabe ka pala Kuya." Natatawang sambit ni Martin. Napailing si Sepring na May ngiti sa labi sa pagkakaalala ng nakaraan.

"Ang ibang lalaki kasi hindi alam magmasid sa paligid. Basta tumayo si Manoy nila, susugod na. Kesihodang may ibang ng napupusuan ang babaeng tinitingala nila." Nag-init ang mukha si Majz.

"Kuya!" Saway ni Bebeng sa nakakatandang kapatid. Para itong naiiskandalo sa kakulitan ng bibig nito.

"Matatanda na tayong lahat dito. Mag-aasawa na nga itong pamangkin mo, ngayon pa ba tayo magkakailangan?" Nanunudyo nitong tanong, kahit na hindi bagay kay Sepring ang magbiro ng ganitong klase sa edad nito.

"Por Dios, por santo, Kuya. Tayong dalawa, oo. Pero yang anak mo, hindi." Nakapamewang nitong turan.

"Mahal, wag kang exaggerated diyan. Nagbibiro lang ang Kuya Sepring." Singit naman ni Martin. Nakikinig lang siya.

""Hindi ako nagbibiro, Martin. Totoo ang sinasabi ko. Ilang buwan bang tumira yang si Maria Jaise sa bahay ni Lance? Sa palagay n'yo ba ay hindi pa sila naglaro ng bahay-bahayan sa mansyon?" Napamulagat si Majz sa sinabi ng ama. Hindi akalaing iisipin yan ng ama sa kanya.

"Yan po ba ang akala n'yo sa akin, Tay?" Tumayo siya at dinampot ang maliit niyang backpack. "Kung alam ko lang po na pag-iisipan n'yo ako ng ganyan Tay, hindi na lang pala sana ako pumayag na doon tumira ng ilang buwan. Sana pala ay nagmungha na lang ako ditong mag-isa sa bahay ni T'yang at ni T'yong." Aalis na sana siya matapos magsalita ng taasan siyan ng boses ng tiyahin.

"Maria Jaise! Baka nakakalimutan mo kung sino yang kausap mo? Ama mo pa rin yan." Napabuga ng hangin si Majz.

"Yun na nga po T'yang eh. Tatay ko po siya, dapat kilala niya ako. Dapat alam niya na hindi ganyan ang ugali ko. May respeto ako sa sarili ko at ganun din sa akin si Lance. Open kami sa isa't isa at handa siyang maghintay kung kelan po ako handa." Nakatitig lang si Sepring. Hindi naman yun ang ibig nitong sabihin pero yun ang lumabas sa bibig niya. Pero wala na eh, nasasabi na niya at nasira nang lalo ang mood ng anak.

"Pasensiya na anak. Hindi ko naman sadya na ganyan ang lumabas sa bibig ko. Pagpasensyahan mo na ang Tatay." Parang napapahiyang turan ni Sepring.

"Kahit na noong nandiyan pa si Lance natutulog at minsan na magkatabi kami, ni minsan ay hindi tinangka ni Lance na samantalahin ang pagkakataon na kung tutuusin ay madali niya magawa." Tinitigan niya ang mata ng ama at mapait na ngumiti. "Buong-buo pa rin po ako, Tay. Wala pang nababawas sa akin." Dugtong niya.

"Tama na yan." Saway ni Bebeng sa mag-ama na nagtatagisan ng titig. "Bakit ka nga pala inumaga ng uwi? Bakit galit na galit si Lance? At bakit hindi mapakali si Makai?" Sunod-sunod na tanong ni T'yang Bebeng. Pilit na inilalayo ang usapan sa makapal na tensying nabuo sa pagitan ng mag-ama.

Nabaling ang tingin ni Majz sa tiyahin. Humugot siya ng malalim na paghinga bago sinagot ng isa-isa ang mga tanong nito.

"Madaling araw na natapos ang event. Hindi ko naman po maiwanan kay Lily ang pagliligpit dahil mahihirapan siyang mag-isa. Silang dalawa lang ng driver ang naiwan dahil kailangan umalis ng maaga ni Alexa para sa event naman sa Taguig." Malumanay niyang sagot.

"Saan ba ang event na yan at inumaga ka na ng uwi?" Tanong ni Martin.

"Sa Honey Beach Resort po." Maikling niyang sagot. Panandaliang natahimik ang lahat. Alam niyang iniisip ng mga ito kung saan ang resort na yun.

"Teka. Malayo yun ah." Si Martin ang sumagot.

"Gaano kalayo?" Matipid na tanong ni Sepring na sa kanya nakatingin.

"Lobo, Batangas po." Seryosong sagot ng isang pamilyar na tinig. Nilingon niya gawi kung saan nanggaling ang nagsalita.

"L-lance." Gulat niyang sambit kahit kilala na niya ang boses nito.

"Batangas?!" Sabay na sambit ng tatlong nakatatanda. Mariin siyang napapikit.

"Mamaya na po tayo mag-usap. Antok at pagod pa po ako." Tikom ang bibig ni Lance. Hindi ito sumagot at hindi rin ito ngumiti ngunit hindi naman mukhang galit. Blangko lang itong nakatingin sa kanya. Inirapan niya ito.

"Okay. Eh bakit hindi mo sinasagot ang text at tawag ni Makai?" Tanong ni T'yang Bebeng. Hindi siya sumagot.

"Maria Jaise, tinatanong ka ng T'yang mo." Puna ng ama. Laglag ang balikat niya p. Alam niyang hindi siya makakatulog hangga't hindi niya nasasagot ang mga ito.

"Hindi ko sinasagot ang mga tawag at text ni Makai dahil ngayon may kailangan siya ay kilala niya ako. Gusto niya ako sa proyekto niya dahil ayaw niyang magbayad ng mahal." Wika niya. Bumalik siya sa pagkakaupo dahil alam niyang matagalang kuwentuhan ito. Alas otso na ng umaga.

"Ano bang proyekto yang sinasabi niya. Pinsan mo naman bakit hindi mo siya tulungan. Magtulungan kayo." Turan ng ama. Isa na namang malalim na paghinga ang hinugot ni Majz.

"Halos araw-araw po n'yo akong tinatawgan at sinisermunan tungkol sa hindi ko patulong kay Makai, hindi n'yo naman po pala alam kung anong klaseng tulong ang hinihingi niya sa akin?" Hindi makapaniwala si Majz sa naririnig.

"Kahit ano pa yan, bakit hindi mo na lang pagbigyan." Saad ng ama. Determinado itong hindi siya papagpahingain at patulugin.

"Tay! Hindi po ganun kadali yun." Nauubusan na siya ng pasensiya. Kahit kelan ay hindi niya gagawin ang gusto ng pinsan. Una hindi siya sanay. Pangalawa, nakakahiya at hindi siya sanay. Pangatlo, hinding-hindi siya sanay. Muling napabuntong-hininga si Majz sa mga tumatakbong sagot sa isip niya.

"Ano ba ang ihinihinging tulong sa iyo ng pinsan mo at hindi mapagbigyan?" Tanong ni Martin. Muli, humugot siya ng malalim na paghinga.

"Ganun kabigat?" Napansin niya ang pagngiti ni Bebeng.

"Para sa akin T'yang, ganun kabigat." Sagot niya sabay pagnguso ng labi.

"Eh ano nga?" Muli tanong ni Martin. Maiintindihan pa niya kung ang T'yong Martin niya ang magtatanong eh, pero ang T'yang at Tatay niya? Imposibleng hindi alam ng mga ito.

"Gusto niya akong kuning modelo sa gagawin niyang bridal fashion gala." Sumandal siya para ma-relax. Umupo si Lance sa armrest ng sofa sa tabi niya.

"Model lang naman pala eh. Maganda ka naman." Sabi ng T'yang niya na umupo sa kabilang gilid niya. Tumango din ang ama bilang pagsang-ayon

"Ang dami naman pong iba diyan. Nandiyan yung pinsan niyang si Maira, nandiyan din si Alexa na gustong-gusto maging bahagi ngmga paganyan niya. Tapos pati pa po yung anak ng ka-business partner ni Tita Maine na si Jeany at pinsan ni Lance na si Theo, gusto rin po. Kahit na nga walang bayad pumayag na eh. Kukunin pa nga niya si Lance at Kuya Manuel eh. Pati pa nga po yung Kuya Tino niya. Isinama pa po niya sa kalokohan ang Ate Korina. Bakit pati pa ako idadamay niya?" Nangungunsumisyon siya sa pinsan niyang si Makai. Nangungunsimisyon din siya sa Tatay niya.

"Why don't you want to?" Seryosong tanong ni Lance. Tiningala niya ito.

"Ayoko kasi ayoko. Hindi pa ba sapat na rason yun at kailangan pa niya akong pilitin at kunin pa kayong lahat na padrino niya para papayagin ako?." Padabog niyang sagot niya. "Matutulungan ko siya sa ibang bagay pero hindi sa mga ganyan." Tumayo na siya para pumasok sa kwarto niya pero natigil lang dahil sa pagsasalitang muli ang Tatay niya. Gusto niyang sumigaw. Magbiro na kayo sa lasing, wag lang sa inaantok.

"Nagkaayos na ba kayo ng business partner mo?" Biglang naitanong ng Tatay niya. Hinarap niya ito at nginitian ng tipid.

"Kinausap na po ako ni Tita Joyce. Siya po ang nagpaliwanag ng lahat sa akin. Sinabi niyang siya ang may kasalanan. Hindi daw niya naisip na hindi lang si Alexa ang magdedesisyon. Si Tita Alaina pa rin po ang may huling desisyon." Kwento niya. Naiinip na siya. Gusto na niyang magpahinga at matulog.

"Pero nagkaayos na kayo ni Alexa?" Pagpipilit ng T'yang niya.

"Opo. Nagkausap na nga po kami nung gabi ding yun mismo. Ako na po ang tumawag sa kanya. Humingi ako ng sorry dahil umalis na lang ako bigla. Nagpaliwanag na din po ako ng dahilan ko kung bakit ako nag-walkout sa showroom. Naintindihan naman niya at nag-sorry rin po siya sa akin. Kinausap niya si Tita Alaina, then kinausap naman ni Tita Alaina si Tita Maine kaagad." Kwento niya. Minamadali na nga niya para matatulog na siya. Simpleng sinipat ang relo niya. Alas nueve na.

"Tinawagan naman po ako ni Tita Joyce kinasumunuran na araw para mag-sorry. Nawala daw sa isip niya na hindi na lang basta si Tita A lang ang may-ari kundi tatlo na kami. Tumawag din si Tita Maine sa akin, nag-sorry din siya dahil hindi daw niya naisip na may maapakan siya. Sino ba naman ako para hindi sila maintindihan?" Pag-uulit niya. Sandali pa siyang tumayo doon na nakaharap sa kanila.

"Pwede po bang mamaya na lang natin siya kausapin uli?" Pakiusap ni Lance. "She looks so sleepy and tired." Puna nito. Tumango naman si Sepring.

"O siya, sige." Iwinasiwas pa ni Sepring na pakrus ang kamay nito. Bahagyang yumukod si Majz. Tumalikod na ito para pumunta sa kwarto niya.

Tahimik siyang pumasok sa kwarto niya. Alam niyang nakasunod si Lance sa kanya ngunit hindi niya ito kinikibo. Ibinaba niya ang kanyang maliit na backpack sa maliit na sofa set.

Didiretso na sana siya sa closet para kumuha ng pambahay nang tahimik na iabot sa kanya ni Lance ang isang set ng pambahay. Nginitian niya ito ng pahapway. Hindi kumibo ang binata. Tahimik na siyang pumasok sa banyo at naiwan si Lance sa labas.



LUMABAS si Lance sa kwarto ng dalaga na iiling-iling. Kailangan niyang humanap ng paraan na mailayo si Majz kahit dalawang araw lang mula sa trabaho nito. Masyado itong busy at alam niyang nai-stress na ito at hindi rin niya ito masisisi dahil alam niyang nakakadag din siya sa stress nito.

"Oh, kamusta na ang isang yun?" Tanong ni Sepring sa kanya.

"Naliligo na po. Alam n'yo naman po yun, hindi makakatulog yun ng hindi naliligo kaya kahit pagod ay maliligo muna talaga." Saad niya. Alam ng pamilya ni Majz ang pagiging OCD niya kaya napailing si Sepring.

"Mas lalo siyang matatagalan sa pagtulog niyan." Komento ng ama.

"Don't worry, Tay. I will just blow dry her hair habang natutulog siya." Napailing si Sepring sa sinabi niya.

"Kaya nagkakaganyan yan eh, masyado mong ini-spoil." Komento nito. Nakangiti siya.

"Alam ko na kung bakit minsan may topak yan lalo na kapag gabing pagod siya at nagpapatuyo ng buhok sa kusina." Komento din ni Bebeng.

"O siya. Ako'y tutuloy na. Susunduin daw ako ni Niel ngayon dahil hindi kami natuloy kahapon. Kayo na ang bahala dito." Paalam ni Sepring sa kanilang tatlo. "Lance, yang nobya mo, wag mong paaalisin hangga't hindi ako nakakabalik. Sabihin n'yo diyan na kakausapin ko pa siya." Paalala pa nito. Tumango lang ang binata.

Lumabas na ng bahay si Sepring nang makarinig ng busina. Naiwan si Martin, Bebeng at siya sa sala. Maya-maya lang ay umalis na rin ang mag-asawa dahil narinig na boses ng dalawang bata.

Nagpasya na lang siyang balikan ang dalaga sa kwarto nito. Naiiling na lang siya dahil nakatulog itong nakaupo sa maliit na single sofa, nakabalot pa ng twalyanang ulo, at nakatapis din ng twalya ang katawan, may hawak ng brush sa buhok sa kabilang, kipkip naman sa kabila ang pamalit.

Kinuha niya ang damit na pamalit ng dalaga na kipkop nito pati na ang hawak na brush. Binuhat niya ang dalaga at maingat na ihiga sa kama nito. Naiiling siya. Maaari ngang pagod na pagod ito dahil hindi man lang ito nagising sa ginawa niyang paglipat dito.

Alam niyang may panloob na ang dalaga kahit na nakatapis ito, kita niya kasi ang strap ng bra nito.

Bago niya tinanggal ang nakatapis na tuwalya dito ay isinuot na muna niya dito ang pang-ibabang bahagi ng pajama nito. Tapos ay isinunod niya ang pang-itaas nito. Medyo nahirapan at natagalan siya dahil maingat niya itong binibihisan. Nang matapos niyang maisuot ang damit sa dalaga, maagap siyang lumabas para makatulong sa mag-asawa sa paghahanda ng almusal. Wala kasi ang isang kasambahay.p ng mga ito.

"Nasaan na si Majz?" Tanong ni Martin sa kanya.

"Tulog na po." Maiksi niyang sagot. Binuksan niya ang drawer na nasa malapit lang sa kanya. Doon kasi nakalagay ang placemats at coasters.

"Basa pa ang buhok nun ah." Komento ni Bebeng. Napatingin siya sa ginang at mabilis na ibinaba sa lamesa ang placemats at coasters. Tumalikod at mabilis na bumalik sa kwarto ng dalaga.

Hindi na nakuhang magsalita ni Bebeng kaya sumunod na lang ito sa binata, ganun din ang ginawa ni Martin. Naiwan sa kusina ang dalawang bata kasama si Jillyan.

Mabilis ngunit maingat na kinuha ni Lance hairblower na binili niya noon sa Japan. Nagalit pa nga ang dalaga ng binili niya ito dahil masyadong mahal pero wala rin itong nagawa dahil kailangan nito minsan, lalo na siya.

Inayos niya ang higa ng dalaga para maibaba niya ang buhok nito sa gilid ng kama. Natawa siya dahil tulog pa rin ito. Kinuha niya ang brush ng dalaga na naiwan sa sofa. Inumpisahan niyang suklayan ang buhok nito habang maingat niyang binu-blow dry ang buhok nito.

Napatingin siya sa pinto sa biglang pagbukas nito. Nakitang napanganga ang mag-asawa sa ayos nilang dalawa ni Majz.

"Ssshhh!" Saway niya mag-asawa. Napatakip si Bebeng ng bibig at nasupil naman ni Martin ang sariling bibig.

"Ano yang ginagawa mo?" Tanong ni Bebeng. Nakabulong ito.

"I'm blow drying her hair." Normal niyang sagot. "I do this to her all the time." Dugtong niya. Napahalukipkip ang ginang. Natutuwa ito sa ginagawa ng binata sa pamangkin. Alam naman kaya ito ni Maria Jaise? Naisip niya.

"Alam ba ni Maria Jaise ang mga ginagawa mo sa kanya habang natutulog siya?" Tinitigan niya ang ginang na napakunot ang noo. Hindi niya naintindihan ang tanong nito.

"T'yang??" Hindi niya alam ang isasagot. Nabubuko na ba sila sa mga "Me-time" nila? Napansin siguro ni Martin ang rason ng gitla sa noo niya kaya ito ang sumalo.

"Umm... Lance, ang ibig sabihin ng T'yang Bebeng mo ay kung yan bang pinaggagawa mong yan ngayon ay alam ng babaeng yan?" Palihim siyang napangiti at nakahinga din ng maluwag.

"Do I have to let her know everything I do for her?" Nalilito niyang tanong.

"Hindi naman. Maganda nga yan eh. May mga bagay kang nagagawa sa kanya na hindi niya alam." Sambit ni Martin. "Things that only you knew." Tumango-tango naman si Bebeng.

"Ang sweet nga eh." Sabat naman ni Bebeng. "Ang swerte talaga ng pamangkin ko sa iyo." Napangiti siya sa idinugtong ng tiyahin ni Majz.

"I just want her to be comfortable and safe. It's just that, she is so stubborn and strong-willed." Napapailing na lang siya. Naiisip niya na habang inaalis niya sa sarili ang takot na ito ay parang si Majz naman ang naghahanap ng paraan para hindi ito mawala. Minsan talaga nakakasakit ng bangs ang magkaroon ng fiancee na strongheaded at driven na katulad ni Majz.

"Hayaan mo. Magigising din yan sa mga dapat niyang i-prioritized." Saad ng tiyahin ng dalaga.

"You just need to be patient with her." Sabat ni Martin. "Everything has it's perfect timing." Dugtong nito. Napatango-tango siya.

"I know naman po. Kaya nga hindi ko siya minamadali. Hindi ko siya kinukulit tungkol sa kasal nasa kanya pa rin ang huling desisyon. I told her that she can just tell me whenever she's ready and I will be happy to oblige, anytime, anywhere." Pahayag niya. Hinaplos niya ang malambot na buhok ng dalaga. "Well, her hair is dry now." Dugtong niya.

"Kelan ba ang balak n'yong magpakasal? Tanong ni Martin.

Itinabi niya ang blowdryer at brush ng dalaga. Binalikan, inayos ang higa ng dalaga, kinumutan ito hanggang dibdib at sinet niya ang thermostat para hindi ito mainitan.

"Nasa kanya po kung kelan. Hindi ako nagmamadali kahit alam niyang ready na ako noon pa." Malambing niyang sagot habang mapagmahal na nakatitig kay Majz.

"Kasarap kurutin sa singit yang anak ng Kuya Sepring. Ang arte!" Pabalang na saad ni Bebeng. Tumalikod na ito. "Sumunod na kayo sa akin at kakain na tayo. Tanghaling almusal na ito. Naririnig ko na si Betina. Maaaring nagugutom na yun." Dugtong pa nito habang palayo sa kanila.

Nilingon niya ang dalagang natutulog at mahinang ipininid ang pinto hanggang sa marinig niya ang mahinang paglagitik ng lock.

"You are really in love with her huh." Patawa-tawang sambit ni Martin. Napailing siya. Hindi naman maipagkakaila na mahal nga niya ang dalaga.

"Yes. Yes, I am." Sagot niya. "And I won't change it for the world." Pagtatapos niya. Tahimik na silang nagpunta sa kusina.

Wala siyang trabaho ngayong araw na ito dahil tinapos niya lahat kahapon. Gusto niya kasing dalhin si Majz sa Zambales para mag-overnight sila doon. Gusto niya itong kausapin tungkol sa iinihihingi ni Makai ng tulong.

Tinawagan niya si Alexa nang makita niya sa Trak!t app kung nasaan si Majz. Galit na galit siya nang malaman niya na iniwan nito ang fiancee niya sa Lobo na tanging isang assistant at driver lang ang kasama. Mangani-ngani niyang murahin ang kaibigan.


GABI na nang magising si Majz. Nataranta siyang napabalikwas. Mabilis na tinungo ang banyo para mag-toothbrush at maghilamos. Manilis din siyang nagbihis ng simpleng pantalon at t-shirt lang. isinuot niya ang kanyang Sperry canvas shoes at mabilis na dinampot ang kanyang maliit na backpack pati na cellphone.

Nagmamadaling siyang lumabas ng kwarto para lang bumanga sa matigas ng dibdib ng kasintahan.

"Oh good you're awake and dressed." Sambit nito. Nagsalubong ang kilay niya dahil nagtataka siya.

"Bakit?" Tanong niya. "Late na nga ako eh. Walang may gumising sa akin. Pati alam ko di tumunog." Naiinis nitong sabi. Nakangiti lang siya.

"Ano yang tinatawa-tawa mo diyan?!" Masungit niyang tanong na mas lalong nagpalaki ng ngiti niya. Kinabig niya ito at niyakap.

"Alexa said that you have no event from today till wednesday, so I took upon me to take you on a date." Labas ang dimple nitong nakangiti sa kanya. Paano niya sasabihing ayaw niyang sumama dito? Napabuga na lang siya ng malalim na paghinga.

"Fine." Sagot niya. Mas lalong lumapad ang ngiti nito.

Aalis sila, silang dalawa lang? Ano pa nga ba ang ginagawa niya? Sa pamatay pa lang nitong mga ngiti ay talo na siya, sinabayan pa ng nag-iisa nitong dimple na nagsasabing "don't say no.". Dadalhin siya ni Lance sa isang bakasyon na para lang sa kanilang dalawa. Susulitin niya ito. Gagawin niya ang matagal na niyang plano kahit na magalit pa si Lance sa kanya.

Napatitig na lang siya duto. Napakagwapo talaga nito. Masasabi ngang nasa dugo ni Lance ang pagiging modelo, dahil kahit saang anggulo ito tingnan ay talaga naman nakakaakit at nakakaagaw ito ng atensyon ng kahit na sino.

Para kang nahihigop ng aura nito lalo ng mga mapangusap nitong mga mata. Para bang kahit saan ka lumingon ay may camera na nakatututok dito at sinasabing... Light! Camera! Yun nga lang iba ang nairinig niya. Hindi Action! na manggagaling sa director ng commercial kundi I've fallen! na sigaw na nanggagaling sa puso niya. Mahal niya ang lalaki, mahal na mahal, walang duda.

Sa unang sigaw ni Makai ng Light! Camera! Action!, noong unang araw niya sa trabaho na inaakala nilang si Logan ito, alam niyang hindi lang siya basta naakit sa binata kundi na-in love siya dahil alam ng puso niya kung sino talaga ang binata para sa kanya.









--------------
End of LCIF 62: Stress

Thank you for reading.the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
12.02.19

Lights! Camera! I've Fallin...
©All Rights Reserved
March 15, 2016

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro