LCIF 61: Model
Otor's Nowt: Pasensiya na sa mga typos. Have fun reading.
“Alexa, yung client ba natin sa Antipolo naka-set na lahat?” Tanong ni Majz mula sa kanyang lamesa.
Kumuha ng isang building si Alaina para meron na silang opisina o showroom para sa mga walk-in clients nakakatuwang sabihin na mas maraming walk-in inquries ang naging successful booking nila.
Natutuwa si Alaina sa naging revenue na events business niya na pinalitan nila ng pangalan, ginawa nilang Mémoire Élégante Events, Inc. Mula sa isa o dalawa sa tatlong buwan na booking ni Alaina noon hanggang sa naging halos buwan-buwan na booking sa iba’t ibang panig ng Manila at mga kalapit na siyudad ngayon. May mga provincial bookings din sila pero hindi pumapayag si Lance at ang Daddy at kapatid ni Alexa na lumakad silang dalawa para gawin yun kaya kadalasan ay kasama si Theo na pinsan ni Lance o di naman kaya ay si Lance mismo.
“We got that all set-up, it’s done. We are just waiting for theM to finalize the cake order with Mom. Theo said he’ll help out with this one since he is on vacation and Jeany, Tita Joyce daughter is on it, too.” Nag-angat siya ng tingin. Napakunot ang noo niya. May bagong pangalan na nabanggit si Alexa, hindi niya kilala.
“Nag-hire ka ng bagong tauhan?” Tanong niya sa dalaga. Tumingin ito sa kanya, napangiwi.
“I’m sorry. I wasn’t thinking right. Na-pressure ako ni Mommy kahapon na kunin si Jeany kahit part time lang muna.” Napahugot siya ng malalim na paghinga.
“I am not saying na tama o mali ang ginawa mo pero di ba partner tayo? Bakit hindi mo na lang sinabi kay Tita na tatanungin mo muna ako bago ka umuo. We don’t have time to train people right now. Theo would be okay kasi palagi yung nakabuntot sa iyo. And he knows what he’s doing.” Pahayag niya. Natahimik si Alexa. Napapikit na lang si Majz.
Hindi niya akalain na ganito pala ang may partner na magkakamag-anak. Pakiramdam niya ay talo siya at wala siyang masabi, wala siyang say.
“You know what, that’s fine.” Saad niya. Isinara ang kanyang laptop at ipinasok sa loob ng case nito at mabilis na tumayo. “May kakausapin akong kliyente sa Pasig. Don’t wait for me. Didiretso na ako ng uwi.” Dugtong niya. Hindi niya matingnan si Alexa. Ayaw nitong makita ang inis sa mga mata niya. Hindi naman na ito nagsalita. Hindi niya rin alam ang iniisip nito dahil hindi nga niya ito sinulyapan.
Bago pa siya tuluyang makalabas ng showroom ay tumunog pa ang phone niya. Dinukot niya ito habang naglalakad palapit sa kotse niya. Ibinigay ng T’yong Martin niya sa kanya ang Dodge. Mini SUV ito kaya okay sa kanya. Napaglalagyan niya ng mga kung ano-anong kailangan niya.
"Hello." Mabilis niyang sagot. Bagong number kaya hindi niya kilala.
"Majz." Bungad ng kausap. Na-excite niyang marinig ang boses nito.
"Makai?!" Pasigaw niyang sambit. "Kamusta. Ang tagal na mula nung huli nating pag-uusap." Nalungkot siyang maalala ang huli nilang usapan.
"Yup. And don't you worry palagi na tayong magkakausap.We are staying for good.” Masaya nitong balita. Naiyak si Majz nang marinig ang balita ng pinsan.
"Oh gosh Makai, talaga? Ang saya-saya ko." Ang tangi niyang nasabi. Natawa si Makai sa kabilang linya. "Na-miss kita ng sobra." Kung nakikita lang siya ni Makai maaaring pagtawanan siya nito.
“Inayos na naming lahat ang dapat na ayusin at gawin, ang factory na paglilipatan ng mga makinaryang panahi, hiring tao at pati na ang matitirhan namin. Majz, nandito na kami ngayon sa Pinas, bumalik na kami. Nakabili ng bahay dito si Tatay, yan ang surprise ko sa iyo." Tuluyan na siyang umiyak, as in, todo iyak na.
“Grabe ka mangsurpresa.” Nakangusong niyang sabi.
"Huy! Ano ka ba? Bakit ka umiiyak? ” Natatawa si Makai sa kanya.
“Gaga. Na-miss lang kita ng sobra. Hearing you voice, telling me you’re here, parang biglang akong nakahinga ng maluwag.” Umiiyak pa rin niyang sabi. Patuloy pa rin sa pagtawa si Makai.
“I sense something.” Sabi nito. Napaisip siya. “Wag ka nang umiyak. Ganito na lang, papunta ako ng MOA gusto mo bang magkita tayo?” Syempre gusto niya yun pero malayo siya sa MOA. Paapunta siya sa opposite direction.
“Mapapalayo ako sa pupuntahan mo kung pupunta pa ako ng MOA eh.” Sagot niya. Bahagyang natahimik si Makai.
“Nasaan ka ba ngayon?” Tanong ni Makai.
“Papunta akong North EDSA eh.” Sinabi niya sa pinsan kung nasaan siya. “Eh di magkita tayo sa By The Bench.” Mabilis nitong sinabi kung saan sila magkikita nito. Natahimik siya panandalian. Alam niya kung sino ang may-ari nun.
“Sige. Okay na siguro doon.” Sagot naman niya at pinaandar na ang sasakyan. “Sige. Bye na.” Sabi niya at nagpaalam na.
Itinuon na lang niya ang atensyon sa pagmamaneho. Inabot din ng halos forty-five minutes sa pagmamaneho bago niya narating By The Bench Cafe. Ipinark niya ang sasakyan sa pinaka ungad nito. Timing naman walang naka-park. Usually kasi puno ang lugar na ito kahit na anong oras pa ng araw, walang pili.
Inilibot niya ang pangin sa loob pagkapasok niya. Inaalam kung pamilyar bang mukha siyang makikita. Nakahinga siya ng maluwag nang wala siyang makita. Pinili niya umupo sa pinakadulo kung saan kita niya ang lahat ngunit siya ay hindi.
Tahimik siyang nakaupo nang lumapit sa kanya ang isang may kabataan na crew ng coffee shop, mukhang mas bata pa ito sa kanya.
“Ma’am, do you want anything from our menu?” Tanong nito. Tiningnan niya ang mukha nito, bata pa nga ito. “Kurbin.” Pabulong pagbasa sa name tag nito.
“Mamaya na siguro. May hinihintay kasi ako.” Sagot niya dito. Humukod naman ito.
“Babalik na lang po pala ako, Ma’am.” Sagot naman nito.
“Uhm… Kurbin?” Tawag niya dito. Para pa siyang nag-alanganin.
“I’d like to know if the owners or any of them are here today?” Naglakas-loob na siyang nagtanong. Ngumiti muna ito.
“Wala po sila, Ma’am. Minsan lang po dito pumunta sila Tita Maine at Tito Alden. Mas gusto po nilang doon sa Main St. mag-stay.” Napataas ang isang kilay ni Majz.
“Tito? Tita?” Wala sa loob niyang tanong. Hili na para mabawi niya ito.
“Yes, Ma’am. Tita ko po si Tita Maine, kapatid po niya ang Daddy ko, Nikko Mendoza.” Nagpatango-tango na lang siya at nagpasalamat. Nakangiti siya. Mukhang mabait yung bata at magalag, masipag din, hindi mukhang anak mayaman.
Binalik niya ang atensyon sa kanyang cellphone nang mag-vibrate ito. Nakita niya na may message na pumasok… galing kay Makai.
“I’m three minutes away. Sorry, got stuck in traffic? Bender-fender lang, mga shunga-ers.” Napailing siya nabasa. Kung maririnig lang siguro ng mga taong yun ang nasa isip ng pinsan, maaaring mapaaway ito. Kahit kelan talaga tactless talaga ito, walang buto ang dila. Napapailing na lang siya sa takbo ng isip niya.
Mamaya lang ay may biglang umupo sa kaharap niyang upuan. Pabagsak itong umupo kaya nakagawa ng ingay.
“Iskandalosa!” Mahina niyang singhal dito.
“Ikaw kaya ang makipaglaban sa traffic dito sa Pilipinas, di ka kaya mapagod?” Mataray nitong turan.
“Maria Kaila, baka nakakalimutan mo, ako naiwan dito sa Pilipinas habang ikaw ay nasa ibang bansa. Just reminding you who drive the most here.” Napatulala si Makai sa seryoso niyang pagsahot dito.
“Ayos ka lang ba?” Tanong niyo. Hindi siya sumagot, nakatutok lang siya dito. “May problema ka nga.” Dugtong nito sabay taas ng kamay. Mabilis namang lumapit si Kurbin.
“Yes, Ma’am.” Sagot nitong nakangiti.
“Pogi, paki bigyan nga ito ng iced caramel mocha, non-fat, no whip cream. Tapos isang peppermint mochaccino naman sa akin. Dalawang velvet chocolate swirl muffin.” Saad nito. Ngumiti lang ang server.
“Ano ka ba, Makai. Ikaw ang pupunta doon sa counter at doon ka um-order, doon ka na rin magbayad.” Nanlalaki ang mata niyang sabi dito. “Walang fine dining dito! Arteh nito!” Paasik niyang dugtong.
“Ay, oo nga pala.” Nag-peace sign ito sa server. Ngumiti naman ito.
“Okay lang po, Ma’am. Pinapasabi po ni Ate Maele na kapag nandito kayo ay asikasuhin namin kayo.” Napatanga si Majz sa sinabi ng binata.
“Ay hala ka. Kurbin, ano… uhm… hindi pwede.” Natataranta niyang saad. Nahihiya siya. Kaya tumayo na siya. “Just go anout wihpth what you need to do, ako na ang bahala. Tamad lang masyado itong pinsan kong maarte eh.” Mahaba spniyang turan sabay tapon ng masamang tingin kay Makai. Napabungisngis na lang ito.
Bago pa siya tuluyang lumapit sa counter ay binato niya si Makai ng nakabilot na tissue. Tumawa lang ito ng malakas na mas lalong nagpainit ng mukha niya. Nakakahiya ka talagang babae ka. Naisip na lang niya. Nakangiti siyang lihim dahil wala pa ring nagbago sa pinsan. Ito pa rin ang makulit at matanil na Makai na kasabay niyang lumaki.
“Next please.” Saad ng kahera. “What can I get for you, ma’am?” Dugtong nito.
“Will you please give me one iced caramel mocha, non-fat, no whip cream. Tapos isang peppermint mochaccino with whip cream, two velvet chocolate swirl muffin and two bottled water, please.” Inilit niya ang sinabi ni Makai kay Kurbin kanina. Hinugot niya ang wallt para magbayad.
“It’s all taken care of, Ma’am.” Sabi ng kahera. Ipinilit niya ang kanyang bayad ngunit nginitian lang siya nito sabay tawag ng kasunod na costumer. Naiinis siyang tumalikod. Kakausapin niya ang hipag ng kanyang fiance na hindi uso sa pamilyang Samonte ang libre.
Mabait si Majz, malambing, mapagmahal pero may prinsipyo din siya at paniniwala. At naniniwala siyang lahat ng bagay ay pinaghihirapan at pinagsisikapang maabot.
“Bakit nakasimangot ka?” Tanong ni Makai sa kanya.
“Hindi nila ako pinagbayad.” Nakanguso niyang saad. Natawa si zmakai ng tahimik.
“Yun lang ba?” Panunukso nito. Tinapunan niya ng matalim na tingin ang pinsan.
“Eh bakit? Hindi ko naman sila kamag-anak para ilibre ako. Si Lance lang kamag-anak nila at hindi ako.” Napaalkas ng bahagya ang pagtawa ni Makai. Humalukipkip siya dahil naiinis siya parang hindi siya siniseryoso nito.
“Nakapamaprinsipyo mo kasi, kaya ganun. Konting baba ng korona, Majz. Hindi mo ikamamatay kung paminsan-minsan kang nalilibre ng pamilya ng mapapangasawa mo. And besides, you need to get used to it. Fiance mo na siya at malay mo, lalo na ngayon nakapagbabang-luksa na sila, baka bigla ka na lang ayaing pakasal ni Lance.” Napatitig siya dito. May punto ang pinsan… but still.
“Ano naman ang koneksyon nun? Si Lance lang ang pakakasalan ko at hindi ang pamilya ng hipag niya. Kakausapin ko si Ate Maelee na wag akong bigyan ng special treatment dahil hindi kasama doon.” Napapailing si Makai. Hindi nito maintindihan kung ano ang pinagsisinter niya dahil siya ay hindi niya rin alam.
“O siya sige. Tama na ang pagmamarakulyo mo dahil alam ko na may iba kang dahilan kaya lahat na lang napapansin mo.” Turan ni Makai. Hindi siya nagsalita. “Spill!” Dugtong nito.
“Wala ito.” Sagot niya.
“Spill it, Maria Jaise. Don’t me.” Saad niyang nakataas hanggang 13th floor ang kilay nito. Wala siyang nagawa kundi ang magkwneto.
Ikinuwento niya kay Makai na mag-umpisa ang masamang timpla niya kaninang nabanggit ni Alexa na nag-hire ito na bagong tauhan na hindi man lang siya nito nasabihan. Nainis siya kasi nga tinanggap kaagad ni Alexa ang dalaga dahil inutos lang Maine. Napailing si Makai.
“She should have told her Tita Maine that she’ll talk to you first. Being a partner, you have an equal say on the matter. Did you ask her why?” Alam niyang hindi siya ginagatungan ng pinsan pero yun din ang gusto niya sanang mangyari. Kaya nga siya umalis kanina para makaiwas muna siya na makipagtalo kay Alexa. Mainit pa ang ulo niya kaya hindi rin siya makakausap ng mayino nito.
“Hi di. Nag-init na ang ulo ko kasi. Alam mo naman lapag mainit ang ulo ko nagsa-shut down ako. Baka magkagulo lang kami ni Alexa. She may be my friend but I still don't know her that well.” Pahayag niya. Panandalian silang tumahimik ng dumating ang order nila.
Pinagbigyang daan nilang mailagay ang kanilang mga i umim sa lamesa pati na rin pastry n in-order niya.
“Hindi mo pa pala natatanong kung ano ang dahilan bakit niya tinanggap yun. Malay mo ipinilit lang ni Tita Maine yun sa kanya. Parang hindi ka sanay sa mga magulang. Sila T’yang di ba ganyan din noon? Kadalasan nga ay sila pa ang nagboboluntaryo sa atin sa kung ano-anong programa sa probinsiya.” Natawa siya dahil sa pagkakaalala niya ng mga pagkakataon na nagpapainit ng ulo nilang dalawa ni Makai sa umpisa pero naging maayos na sa kanila sa bandang huli.
Nakatulong din naman sa kanila ang mga yun dahil natuto silang magbalanse ng oras nila. Natuto silang pahalagahan ang kung anong meron sila ngayon dahil ang ibang mga batang kaedaran nila noon ay wala ng ibang meron sila. Natuto silang maging masinop sa pera dahil hirap na dinanas nila sa bagsakan ng isda. Natutunan nilang magpalakad ng negosyo ng pamilya sa batang edad pa lang.
“Anyway, hayaan mo na muna yun.” Pag-iiba niya ng usapan. “Kelan pa kayo dumating ni T’yong Niel?” Tanong niya. Ayaw niyang alagaan ang init ng ulo dahil tama ang sinabi ni Makai, hindi pa niya alam ang puno’t dulo ng kwentong Jeany.
“Matagal na kami nandito.” Magsasalita na sana siya pero hinarang ni Makai ang kamay nito sa harap niya para tumahimik siya at makinig. Iminuwestra niya ang pag-zipper at pagkandado ng bibig niya at pagtapon kunwari ng susi sa kawalan.
“Like I said, matagal na kaming nakanalik. Nung tumawag ako sa iyo, nasa sementeryo kami noon. Ipinakilala ko si Tatay kay Logan ay naglagay din kami ng bulaklak at nagsindi ng kandila.” Humugot ito ng malalim na paghinga.
“Inayos muna namin ni Tatay ang lahat ng mga bagay na dapat naming ayusin para hindi maantala ang production ng mga garments. Habang inaasikaso ni Maira ang garment factory sa Singapore, inaasikaso naman ni Kuya Tino at Tatay ang magiging factory dito. Nahirapan lang kami sa ibang mga heavy duty sewing machine at surgers na makuha sa customs kasi akala nila smuggled equipments yun. Mabuti na lang at may kaibigan si Tatay na dati niyang kaklase nung high school na nasa customs kaya naayos namin yung mga hinihingi nilang papeles patunay na galing yun sa factory namin doon sa Singapore at ililipat lang dito.” Salaysay nito. Kinuha ni Makai ang kanyang mochaccino at uminom mila dito.
“Buti hindi kayo hiningian ng pera? Dinig ko yung iba sinasadya daw nilang i-hold yan nga ganyan para maperahan nila.” Umiling si Makai sa sinabi niya pero alam niyang may kasunod pa ito.
“Well, at first they did, pero nung aksidenteng makasalubong ni Tatay yung kaibigan niya. Natulungan siyang idaan sa legal na paraan. Medyo natagalan nga lang dahil hinanap pa ni Maira ang original na resibo ng mga makina. Mabuti na lang at naitago nung dating sekretarya ni Tatay sa iisang box. Bale, walong surgers, sampung heavy duty sewing machine para sa denims at ibang makakapal na tela, tapos may sampu din para sa mga medium to light fabrics. May anim na second hand kami na bagong bili para sa mga gowns naa gagawin namin ni Maira.” Napapatunganga siya kay Makai dahil kakaiba na ito ngayon.
Well, kakaiba na parang pareho pa rin, si Makai pa rin naman pero mas sigurado ito sa lahat ng sinasabi nito, mas may kumpiyansa sa sarili. Higit sa lahat, parang mas nag-mature na ang takbo ng isip nito, mas matapang pero guarded. Nanghihinayang lang siya dahil ang aga nitong nawalan ng minamahal kaya siguro parang guarded ito.
“Alam na ba nila Tatay na nandito na kayo ni T’yong, na permanente na kayong dito titira?” Tanong niya sabay higop ng kanyang mocha coffee.
“Umuwi si Tatay ng San Nicolas nung nakaraang buwan ay kinausap si T’yong. Gusto kasi ni Tatay na sa San Nicolas kumuha ng mga mananahi at trabahador para sa factory.
“Grabe ka. Ang tagal n’yo na pala dito pero hindi man lang kayo nagpakita sa aming lahat.” May himig pagtatampo siya.
“Hindi kami nagpakita kasi gusto muna naming ayusin ang buhay naming mag-ama bago kami pa ang lahat. Ngayong maayos na, natapos na ang training ng mga manggagawa sa TESDA, nag-umpisa na rin ang production ng factory.” Saad nito. Sumubo ito ng velvet muffin kaya sinamantala ni Majz na magtanong.
“Ginastusan ninyo ang magpapaaral sa mga trabahador?” Kung kakailanganin talaga ng T’yong Nathaniel niya ang maayos na takbo ng factory nito dapat ngang ganun ang gawin nito.
“Hindi naman na kasi mahirap gaiwin dahil mga mananahe na dati pa yung iba katulad ni Aling Alona na asawa ni Mang Gustin na supulurero. Si Mang Russo na taga kabilang baranggay, mananahi din pala yun ng pantalon. Yung si Aling Caridad at yung kapatid niyang matandang dalaga? Sino nga yun?” Tanong nitong papitik-pitik pa ng daliri.
“Si Aling Mayi.” Sagot naman niya.
“Tama. Yun nga. Tapos may mga kaedaran din tayo na taga Babatnin pero palaging nakatambay sa bagsakan. May nakuha din sila T’yong sa San Nicolas mismo yung iba mga naging kaklase nila Ate Korina at Kuya Manuel.” Patuloy na kwento ni majz. “Si Aling Lagring pala ang namamahala ng mga mananahe.” Nakangiti si Majz.
“Lahat yan sila bibyahe ng Maynila para lang magtrabaho sa factory n’yo?” Tanong niya. Napaka-impraktikal naman siguro kung ganun nga.
“Nakakuha ni Tatay yung bakanteng warehouse na malapit sa San Nicolas, makukuha lang ng isang sakay sa jeep, pwede din ng tricycle, pwede nga png padyak lang eh. Naipaayos niya yun, may warehouse din dito sa Manila nilang imbakan ng mga yati na, quality control approved and ready para sa shipment.” Napangiti siya. Naging busy ang mag-ama sa negosyo nila.
Walong buwan siyang walang narinig sa pinsan yun pala ay humahataw ito ng todo para sa negosyo nila ng Tatay nito. Ni hindi man lang siya nakatulong dito. Kaya siguro naging mature sa pag-iisip ang pinsan kahit na nandiyan pa rin ang taglay na kakulitan at katarayan.
“Teka, nalalayo na ang usapan natin sa pakay ko sa iyo.” Bigla nitong sabi. Tsaka niya lang naalala na may na anggit nga pala itong ipapatulong sa kanya.
“Ano yun?” Tanong niya. Excited din siyang malaman kung ano ang inihihingi nito ng tulong.
“I need help on building up my formal gowns and dresses. Meron na rin akong na-design na mga wedding gowns.” Saad nito, pero biglang ring natanimik at parang nag-aalangang nag-iisip.
“Pwede ba, wag ka nang mag-inarte. Sabihin mo na. Ang dami pang pasakalye.” Dinampot niya tissue na gamit na, i i ilot ito at ibinato sa pinsan. “Wag mo akong ibitin dahil matagal kang hindi nagpakita.” May himig panunumbat niyang dugtong.
“Fine.” Pabuntong-hininga nitong panimula. “I need a model for my wedding gown collection… and I also need an input from you para doon sa isa kong design. Naubusan na ng juice ang utak.” Dugtong pa ni Makai.
“Naubusan ng juice? Ikaw? Meron ka ba nun?” Natatawa niyang tanong. Makai never ran out of idea, pero bakit parang bigla naman.
“Bakit hindi mo tanungin yung isa mong pinsan since you’d rather bond with her than me.” Ayun na nga. Parang word vomit lang na lumabas yun sa bibig niya p. Huli na para bawiin.
“Nagtampo agad?” Mataray nitong saad.
“Ano sa palagay mo?” Pinanindigan na lang niya. “Umalis ka. Sumama ka kay T’yong Niel, tapos ni minsan ay hindi ka tumawag. Ni Hindi mo nga nasa i kung nasaan ka. Parang bigla ka na lang naglaho na parang bula. Walang ni-hay ni-hoy, basta ka na lang hindi nagparamdam na parang hindi na kami parte ng buhay mo. Ni hindi namin nalalaman kung ano ang nangyayari sa iyo parang katulad lang ng lumuwas ka ng Maynila matapos ang graduation natin sa college. Kung hindi pa ginamit ni Leland ang intel resource niya, hindi pa namin malalaman kung nasaan ka.” Mas mabuti nang mailbas niya ito kasi napapahod na siya npsa kakikimkim ng mga bagay-bagay
“Tapos ngayon naman bigla kang susulpot para sabihin na kailangan mo ang tulong ko dahil naubusan ka na ng juice? Ano naman sa iyo kung nagtatampo ako?” Namumula na ang mga mata niya.
“Majz, hindi mo alam ang mga pinagdaanan namin ni Tatay. Hindi mo alam kung ano mga nangyari sa akin doon.” Matiim nitong sagot.
“Tama ka. Hindi ko alam ang mga pinagdaanan at paghihirap mo doon. Bakit nga ba?” Tanong niyang nananantiya. Bakit nga ba wala akong alam, Maria Kaila?” Dugtong niyang tano na hindi nito nasagot. Panandalian silang natahimik.
Hindi na niya alam ang gagawin. Para ngang hindi na niya kilala ang pinsan. Mahigit dalawang taon itong nawala, hindi tumatawag. Ung magsimula itong tumawag sa kanya, palagi pang kasama si Maira. Napabuntong-hininga siya. Alam niya nagseselos siya pero niya mapigil eh.
“Kalimutan mo na ang mga sinabi ko. Tapos na, nangyari na. Gawin na lang natin ang project mo habang hindi pa kami busy.” Malambing ngunit seryoso niyang saad.
“I’m sorry. You're right.” Paghingi niyo ng paumanhin. “Pinutol ko nga ang koneksyon natin dahil akala ko yun ang tama. Akala ko kasi kapag ginawa ko yun, makakalimutan ko si Logan ng madali. Ang alam ko kasi noon ay basta na lang niya akong iniwan. Maloko at pilyo si Logan. Mahilig siyang mang-prank joke sa amin sa agency noon. Bago kayo tumawag para ipaalam sa akin na natagpuan n’yo na si Logan, I was barely nursing a broken heart and trying to fix myself.” Tahimik lang siyang nakikinig dito.
Ganito naman sila kapag may napagkakasunduan. Magsasalita ang isa, makikinig ang isa at kapag naglaon ay palitan sila, yung isa naman ang makikinig habang nagsasalita yung isa.
“Galit na galit ako nang sinabi mo na nakita na siya. Naisip ko, pinagtaguan niya lang ako kasi nagkamali lang siya na ligawan ako. Na napasubo lang siya nung maging girlfriend niya ako. Naalala ko tuloy si Nanay noon at ang mga kwento niya na ang mga mayayaman ay hindi tumitingin sa mahihirap na katulad natin. Na laruan lang tayo para sa kanila.” Napahikbi ito. Hindi niya napansin na umiiyak na pala ito dahil nakayuko lang ito habang nagsasalita.
“Kai, you’ve seen and became close with Lance. Nakita mo kung paano niya ako inalagaan at kung paano niya nirespeto si Tatay. Iisa ang hulam nila, iisa ang pinanggalingan nila. Nakita mo naman kung gaano kabait si Tito Siege at Tita Brielle, sila Lolo Gramps, Lolo Pops, sila Lola Grams, Lola Moms, kahit na yung mga kapatid nila, si Kuya Ethan at Ate Brynn, si Sage. Wala akong masabing hindi maganda sa pamilya nila.” Pahayag niya. Pilit na pinapaglubag ang loob ng pinsan.
“Don’t you think I don’t know that?” Muling umiyak si Makai. “When you told me that you had found him, I was mad at him. But when Leland added that his dead body will soon be arriving at the funeral homes, I was mad at myself. Alam mo ba kung ilang kilometro ng mura ang inabot ni Logan sa akin? Lumampas na ng Aparri at Jolo pero lahat ng yun ay hindi ko na mababawi, hindi ko na mababago. Hindi na ako makakahinhi na sorry sa kanya. I think so little of him, while when he was alive, he spoke highly of me. He put me up on a pedestal. Nawala lang siya, nawala na rin lahat ng mabuting ginawa niya sa akin.” Patuloy sa pagluha si Makai. Hinahayaan lang ni Majz. Kailangan niyong ilabas ang lahat ng sakit na meron ito sa puso.
“Nung nagkita tayo sa ad agency, hindi naman ako pinatapon ng landlord ko noon. Nagpaalam ako sa kanya kasi pinalilipat ako ni Logan sa condo unit na malapit lang sa trabaho dahil mas safe nga daw doon kesa sa dati kong tinitirhan, nakita mo naman di ba? Yun yung panahon na hindi na siya napagkikita, at dahil mag-i-expire na ang 30 days notice na ibinigay ko sa kanya, I have to move out dahil kung hindi, panibagong lease na naman ang papipirmahan sa akin.” Naalala niya ang panahon na yun.
Yun yung time na lumipat na ito kasama niya sa bahay ni T’yang Bebeng. Ilang buwan nga lang pagkatapos nun ay sumama na ito sa Tatay niya at hindi nagparamdam pa. Halos isang taon bago sila muling nagkita. At ngayon nga, pabkatapos ng mahigit dalawang taon, magkaharap si Makai at ngayon niya lang nalalaman ang mga nilalaman ng puso nito at ang kinikimkim na galit sa nobyo. Ngayon niya mas naintindihan kung bakit galit din ito kay Lance bago pa nagkaalaman na hindi si Logan ang binata.
“Anyway.” Pagbawi ni Makai. Wala na ang bakas ng luha nito maliban sa namumulang tungki ng ilong at mata nito. “I need to get a hold of that one freelance photographer ng ad agency Kuya Dean. I need models for photoshoots.” Pinilit nitong ngumiti.
“Kelan yan? Tanong niya.
“I’m hoping to get it done within three months. Pero syempre wala ring maisusuot ang model kung hindi kompleto ang gown collections, and that’s where I need your help.” Napatitig siya dito.
“Bakit ako? Hindi naman ako photographer.” Pagtutol niya.
“I know.” Sagot nito.
“At hindi rin ako designer.” Pagpipilit niya.
“I know.” Muli nitong sagot.
“At higit sa lahat, wala akong alam diyan sa ginagawa mo.” Pagtatapos niya. Alam niya kasing pinagloloko lang siya nitong pinsan.
“I know, Majz.” Pag-ulit nito.
“O, eh bakit ako ang hinihingian mo ng tulong?” Humalukipkip siya. Nakita niya ang pagsilay ng pilyang ngiti sa mga labi nito kahit na malungkot ang mata.
“Because I need you to be my model.”
--------------
End of LCIF 61: Model
Thank you for reading.the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.
💖 ~ Ms J ~ 💖
11.28.19
Lights! Camera! I've Fallin…
©All Rights Reserved
March 15, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro