LCIF 6
⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Lights! Camera... I've Fallen!
"Galit sa Mundo"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
TATLONG linggo ang mabilis na lumipas. Wala namang naging sagabal sa mga bagay na dapat niyang matutunan, walang gaanong Logan kaya walang tinutoyo.
Natutuwa pa nga ang mga bago niyang katrabaho dahil sa bilis niyang pumik-ap ng gawa at mabilis din siyang magtrabaho.
Kung titingnan mo siya, parang ang tagal na niyang nagtatrabaho sa production side ng advertisement dahil nakakapag-direct siya minsan ng mga 15 seconds commercial na pang websites lalo na kapag wala si Makai.
Katulad na lang ngayong wala na naman ang pinsan dahil nasa malayong dako ito ng location shooting para kay Taser. Para matapos ng maaga at makapagsimula sila sa iba nilang project siya ang isinasama sa location.
Ayaw na ayaw niya ang location shoot pero napilitan siyang gawin yun dahil kung hindi, lahat sila ay malilintikan kay Ella at paniguradong makakarating yun kay Dean Villafuente.
Nakakaapat na TVC project na si Majz at isang beses lang nag-cross ang landas nila ni Logan. Hindi na rin niya nakitaan ng iritasyon sa trabaho si Makai maliban sa paminsan-minsang pagkukulong nito sa kwarto kapag nasa bahay sila ni T'yang Bebeng.
Matapos siyang i-training nito sa mga bagay na dapat niyang matutunan ay bigla na lang itong nawawala uli. Bumalik lang ito kapag kinakailangan na ng schedules nito.
Hindi naman kumikibo si Majz. Alam niyang may kung anong importante itong inaasikaso — sana nga, kahit na alam niyang nagmumukmok lang ito sa bahay ng T'yang Bebeng niya sa umaga.
Kahit alam niyang may kung anong pinagdadaanan ito ay hindi naman niya makausap maliban na lang kung tungkol sa mga TVC shoots at pictorials kaya ibinuhos na lang niya ang atensyon sa trabaho at kung ano ang mas magaan.
May mga binago si Majz sa mga maliit na detalye na nakikita niyang hindi maayos sa mga shootings at tapings nila katulad ng scheduling, editing, call-ins and call-outs.
Inayos niya ang location mapping, na ayon sa karamihan ay hindi masyadong nabibigyan ng pansin dahil mas importante na matapos ang trabaho.
Humingi siya ng dalawang intern kay Ella at least pwedeng hindi ito swelduhan basta may allowance lang at free meal kahit papaano. Dito niya pinagagawa ang mga location mappings.
Natuwa naman ang mga kasamahan nila lalo na si Makai, Tazer, Kuya Dean at Ate Ella. Naging mas efficient ang lahat, naging smooth ang takbo at higit sa lahat naging maayos ang budgeting nila mula sa gas and mileage count, accommodations at location rentals, pati na rin ang city permits at clearances ay naiayos din ng mas maaga.
Nang matapos na maayos ni Majz ang mga maliliit na bagay na inaayos ay ipinasa niya ito kay Melvin ang field works at kay Carol naman ang office works, sila yung mga intern ng Ad Agency. Tinuruan niya ang dalawa na maging effecient sa trabaho.
Nakita ni Ella at Dean ang pagbabago sa kalakaran ng indoor at location shoot. Maganda ang naging resulta, as far as the finance department is concern. Sa loob pa lamang ng mahigit isang buwan ay nakita na ng audit department ang pagbabago.
As far as the accounting departing is concern, masaya sila dahil hindi mahirap ilatag sa ledger ang company expenses dahil sa bawat sentimong lumalabas ay may katumbas itong resibo at kung wala man ay nahuhulog ito sa overhead expense na minsan ay mas malalki pa kesa sa actual expenses na may resibo kaya ang resulta? Hindi balance.
As far as the board of directors are concern, promising ang mga nakikita nilang biglang pagbabago sa kalakaran sa loob ng agency. Maayos ang daloy ng trapiko 'ika nga.
Maliban sa scheduling na kailangan nitong i-monitor at kailangan niya ring siguraduhin na matatapos ang lahat ng tapings/shootings o pictorial ng maaga, kung hindi man, kailangang may accommodation ang mga staff na aabutin ng kinabukasan para hindi naman lulugo-lugo sa pag-uwi ng walang tulog at para maiwasan na rin ng pagkakaroon ng over head expenses na mas lalong sumisira sa budget ng project nila at ang malala, aksidente.
Isa sa trabaho ni Carol ay masigurong maayos ang pag-setup ng call times ng mga staffs mula sa security at housekeeping hanggang sa mga directors at assistants. Kailangang maisama nito ang mga handlers o P.A. ng mga models at artista pati na rin ang mga management nito at hindi rin dapat makalimutan ang mga kliyente ng Villafuente Advertising Company ng mga pagbabago sa schedule, location at kung ano-ano pa.
Makalipas ang tatlo pang linggo ay mas lalo silang naging busy. Marami ang tawag na natatanggap si Ella at Dean. Napilitan si Makai na i-train si Majz na mag-direct ng ibang proyekto, lalo na yung mga maliliit lang. Minsan ay si Taser na rin ang nagte-train sa kanya dahil palagi na lang itong nawawala lalo pa kung nasa malapit lang si Logan.
"MAJZ, sa palagay ko, kailangan mo na talagang mag-enroll sa directing classes." Napalingon si Majz sa pinsan na bigla-bigla na lang nagsasalita. Nagsi-siesta sila ngayon. Maarte kasi ang isa sa endorser ng kliyente nila. Nasa location sila ngayon sa Breakwater.
"Saan naman ako mag-e-enroll, aber?" Tanong niya dito na nakataas ang kilay. Napangiti na lang si Makai. Alam naman niyang imbyerna ang pinsan sa kanya.
"Sa UP Film Institute, sa LSU Saint Benilde, sa SHIFT diyan sa Makati, at kung gusto mo naman sa Cebu. Malapit na ang summer, may mga short term classes kaya sila. Tulungan kita. Pwede mo naman kunin ng weekend lang." Malumanay nitong sabi na parang balewala lang ang pinag-uusapan nila.
Tinitigan niya ang pinsan, hinahanap ang sensiridad sa sinasabi nito, pero pagod, lungkot at pagkabalisa lang ang nakita niya sa mga mata nito. Gusto niya sanang kausapin, tanungin kung ano ang bumabagabag dito pero wrong place, wrong time. Baka mamaya mainis pa itong lalo.
"Ayusin ko muna yung project na ipinasa sa akin ni Ate Ella." Kung gaano kabilis ang sagot niya sa pinsan at ganun kabilis ang paglingon nito sa direksyon niya. "Oh, bakit?" Tanong niya dito. Tinaasan siya ni Makai ng kilay.
"Ano yan, solo project?" Patay-maling tanong nito sa kanya sabay subo ng fishball.
"Hindi, photoshoot lang, sa Tagaytay. Project ni Flash, nag-emergency leave daw kasi, nasa ospital ang nanay." Simple niyang sagot sabay kagat sa bananaque na hawak.
"Marunong ka bang gumamit ng camera?" Tanong ni Makai. Ngingiti-ngiti pa ito na parang nang-iinis. Tipikal na Makai, napangiti siya.
"Kung camera lang ng cellphone ang gagamitin, syempre kaya." Napabungisngis silang pareho. "May freelance photographer akong kinuha, inirekomenda ni Melvin. Magaganda ang portfolio niya, promising. Kaya kinuha ko na." Napatangu-tango si Makai sa sinabi niya.
"Pumayag si Kuya Dean?" Tanong niyang nagtataka. Hindi kasi madaling pabilibin ang main boss nila.
"Pumayag naman kasi parang kilala din ni Flash at Tazer eh." Panguya-nguya niya pang sagot. Tumango-tango lang si Makai na parang may iniisip.
"Spill it." Binangga niya ang balikat ni Makai.
"Sino ang model? Para saan?" Tanong nito. Nilingon niya si Makai para makita ang expression nito bago sagutin. Nakatingin ito sa malayo habang hawak ang baso na puno ng fishballs at hot sauce.
"Isang clothing company from Japan, Singapore and Korea. Hindi ko pa alam kung sino ang model." Nilingon siya ni Makai. Nagtama ang tingin nila. "Nag-aalala ka ba na magkita uli kami?" Wala sa loob na naitanong ni Majz kay Makai. Nakita niya ang pag-iiba ng expression nito na hindi niya mapangalanan.
"Hindi naman sa ganun." Matamlay na sagot ni Makai.
"Kai, kung ang iniisip mong aagawin ko siya sa iyo si Sir Logan, nagkakamali ka. Napakaliit naman yata ng pagkakakilala mo sa akin." May himig hinampo sa tinig na alam niyang napansin yun ng pinsan.
"Majz, hindi naman sa ganun. Nakakapanibago lang kasi siya." Naisip ni Majz na siguro hindi man tamang lugar na kausapin ito tungkol kay Logan Scott, tamang panahon naman na siguro ngayon.
"Ano ba ang iba? Hindi ko kilala ang pamangkin ng boss natin, pero ikaw kilala mo siya, sabi mo nga BFF kayo. Sabihin mo nga sa akin kung ano ang iniba niya ngayon sa noon." Umaasang saad ni Majz. Humugot muna ito ng malalim na paghinga bago nagsalita.
"Hindi ko matumbok eh. Parang siya na parang hindi eh." Sagot ni Makai. Napatuwid ng upo si Majz.
"Anong siya na parang hindi siya?" Tanong niyang muli na naguguluhan.
"Una, hindi na siya kasing kulit ng dati, parang biglang naging seryoso. Wala na yung pagiging playful niya. Oo nga at nakikipagbiruan siya sa lahat, makulit pero iba yung kulit niya, lalo na sa akin." Panimula ni Makai. Tahimik lang siyang nakinig.
"Pangalawa, yung pagtawag niya ng McNight sa akin ay kakaiba. Wala yung signature tone na palagi niyang gamit sa akin. Nakikipagkulitan siya pero hindi Kulit-Logan ang dating eh. Parang bigla hindi niya alam ang mga inside jokes namin." Natawa si Majz sa sinabi ng pinsan kahit na nag-aalala din para dito.
"Tapos?" Tanong niya. Umaasang may maidadagdag pa ito.
"Tapos pangatlo, parang ibang tao siya. Pati ang tawag niya sa akin iba na rin kung kaming dalawa lang. Sabi ko nga kanina yung pagtawag niya ng McNight sa akin walang dalang kilig, tapos wala na rin yung isang pangalang tawag niya sa akin." Nahahalata na naman ni Majz ang bumabangong iritasyon mula dito.
"Makai, di ba kamo, identical triplets sila?" Uminom siya ng softdrink niya. Tumango naman si Makai. "Ikaw na ang nagsabi na bawat isa sa kanila ay may dimple sa parehong side ng pisngi?" Tumango uli ito sa kanya.
"Uhuh. What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Makai.
"Makai, tanga lang?" Hinarap niya ito ng upo. "Ano na ang nangyari sa Maria Kaila Samonte na pinsan ko, na naging salutatorian ng klase natin? Mukha yatang bumaba ang inductive/abductive reasoning level mo." Nananantiya niyang komento. Tinaasan siya ni Makai ng isang kilay.
"Paano namang nasama ang reasoning ko sa usapang ito?" Tanong nito na tinawanan lang ni Majz.
"Pinsan, simpleng deduction lang kasi. Triplets sila 'ika mo, identical at pare-parehong may dimple sa parehong side ng mukha. Nawala kamo ito ng ilang araw tapos nung magbalik ay nag-iba na. Isa lang ibig sabihin nun, hindi yan si Lavs mo." Sabi ni Majz sabay tapik sa balikat ni Makai.
"Tigilan mo ako, Majz sa mga deductive reasoning mong yan. Sinasabi mo lang yan para hindi na ako malungkot." Mas lalong natawa si Majz sa sinabi ng pinsan.
"Natural, Makai. Pinsan mo ako kaya yan ang una kong gagawin, ang alisin ang lungkot mo. Pero aminin mo man o hindi, simple lang ang sagot diyan. Kilala mo ng matagal si Sir Logan. Alam ko na may mga pagkakaiba ang mga yan kahit na xerox copy sila ng bawat isa." Saad niya na tinutusok-tusok ang tagiliran ng pinsan, hanggang sa nahulog sila sa kilitian.
"Maria Jaise Samonte! Tama na!" Sigaw ni Makai na nakaagaw ng pansin ng lahat.
"Oh ano?! Masaya ka na ba?!" Tanong ni Majz sa pinsan.
"Oo na! Masaya na! Masayang-masaya na kaya tigilan mo na ang pangingiliti sa akin!" Bwelta nitong sigaw habang papasag-pasag sa pangingiliti ni Majz.
"Ayan ganyan, hindi yung nakasimangot ka palagi? iritable at mainit ang ulo sa lahat ng kaharap. Maawa ka naman sa iba mong tauhan." Natatawang paninermon ni Majz.
"Whatever, Maria Jaise." Sabi nitong tumatawa pa rin kahit alam at kita niynag hindi yun umabot sa mga mata ni Makai
"Whatever ka diyan." Nakataas ang kilay niyang sabi. "Kai, all you have to do is let it all out just once. Kausapin si Lavs mo ng masinsinan. Malay mo, may pinagdadaanan lang pala siya at nahihiyang magkwento nang hindi mahuhusgahan. Alam mo naman ang mga lalaki, they have problems about opening up. Di ba sila Tatay at si Kuya ay ganyan din?" Sinamatala na talaga ni Majz na sabihin ang gusto niyang sabihin pero pinagagaan niya ng konti ang usapan.
"McNight, pinatatawag ka ng talent!" Sigaw ni Lupita mula sa kabilang panig ng catering tent. "Pakilibing na rin ng buhay!" Dugtong pa nito. Hindi na natuloy ni Makai ang sanay isasagot nito sa kanya.
"Sige, Majz. Punta na muna ako doon." Paalam nito. Tumango naman siya na nakangiti. "Salamat." Simpleng dugtong nito. Bahagya siyang yumukod bilang sagot.
Naiwan siyang nakaupo doon at pinanood ang papalayong pinsan. Ang hirap palang ma-in love. Naiiling si Majz sa tinatakbo ng isip niya. I hope I won't be like this... like her.
Natapos na ang siesta nila at oras nang bumalik sa trabaho. Hindi alam ni Majz kung ano ang nangyari sa talent/endorser kanina dahil nung bumalik na si Makai ay may kasama na itong bagong endorser, nakanguso ito, salubong ang mga kilay at mukhang galit na galit.
Tahimik lang ang modelong kasama nito na parang takot na mapalapit sa dalagang direktor. Wala ring may nagkamaling magbiro o mangulit sa mga staff na nasalubong o nadaanan ng pinsan, napailing siya.
Nagtuloy-tuloy ang trabaho nila ng tahimik. Maging ang secondary talent nila ay wala ding imik at puro take one lang. Kung may take two man ay puro minor glitches lang na pwedeng i-cut sa mismong parte at ituloy kung saan naputol. Mababawi na rin sa editing yun.
Maliban sa walang may gustong huminga ng mali, walang may gustong sumipol, humikab, o umubo ay wala ring may gustong pumalya kahit konti lang. Maging si Majz ay tahimik na ginagawa ang nakatoka sa kanyang trabaho.
"Pack up!" Dumagundong sa apat na sulok ng location area nila ang sigaw ni Makai kahit na open air pa ito. Walang kibo itong tumayo at kinalap ang sariling gamit. Nauna na ito sa kotseng magdadala sa kanila pabalik sa Manila.
"Narinig n'yo, pack up na!" Segunda niya sa pinsan bago pa ito tuluyang nawala sa paningin ng lahat. "Salamat sa inyong lahat." Dugtong pa niya, pampalubag-loob.
"Majz, ayos lang ba si McNight?" Tanong ni Ray nang mapadaan ito sa tabi niya. Sasagot na sana siya nang lumapit naman si Lupita sa kanila.
"Mahigit dalawang buwan ko nang napapansin na ganyan yan. Mainitin ang ulo at parang palaging aburido. Ayos lang ba yang pinsan mo, Majz?" Tanong ni Lupita sa kanya. "Mukhang menopause eh." Dugtong pa nitong muntik niyang ikahalakhak.
"Mukhang naglilihi kamo." Singit naman si Cookie sa di kalayuan. Kung hindi niya kilala ang pinsan ay baka yun na nga ang isipin niya.
"Hayaan n'yo po at kakausapin ko siya." Sagot niya sa mga ito. "May pinagdadaanan lang siguro." Nakangiti niyang dugtong.
"Maaari nga, Majesty. Kasi pansin ko din na hindi na sila masyadong nagkakausap ni Sir Logan." Komento ni Celso na nakikinig pala sa kanila. "Di na katulad ng dati, parang may LQ." Napabuntong-hininga na lang siya. Alam pala ng mga kasamahan nila kung ano ang meron sa dalawa, kaya ayos lang sabihin na tama ang hinala niya na higit pa sa magkaibigan ang tinginan ng dalawa.
"Hoy, tama na yan." Saad ni Ray. "Magligpit na tayo ng makauwi ng maaga at ma-edit na ito. Wag nating hintaying bumaik at mabubugahan tayo ng apoy ng dragon." Dugtong pa ni Ray.
"Nagmamadali lang, Ray?" Pabirong banat ni Lupita.
"Huy, Lupita, tigilan mo ako." Singhal ni Ray. "Kung ayaw mong umuwi, magpaiwan ka rito para mabugahan ka ng apoy ng alaga mong dragon. Pero ako, uuwi ako. Nagluto ng masarap na pesa para sa hapunan ang asawa ko." Singhal ni Ray, tumalikod na rin at kumilos ang mga ito.
Kahit nagsasagutan ang mga ito ay mabilis ding kumikilos ang mga kamay at paa para iligpit ang mga equipment nila at masaya ang boses nila kahit na nag-aasaran.
"Carol, ano ang mga schedule bukas?" Tanong niya sa kanilang senior intern. Nagpilit itong sumama sa kanila ngayon para makita daw kung paano ang location shoot.
"Ate Majz, ikaw wala. Si Ate Makai naman may photoshoot bukas kasama si Kuya Alvin at Ms. Lupita." Sagot naman nito na nakayuko sa tablet na hawak. "Pero may meeting kayo sa Huwebes with Samoñedo Apparel, Inc." Dugtong nito.
"Salamat, Carol. Pwedeng paki-text sa akin ang reminder at ang address ng meeting." Pakiusap niya sa nakababatang dalaga.
"No problem, Ate, sa office lang naman ang meeting kasama si Ate Ella." Sagot nito. Tumango-tango naman siya. "Ite-text ko na rin ba kay Ate Makai ang reminder ng schedule niya bukas at sa Wednesday?" Alanganin nitong tanong.
"Tanungin mo siya kung gusto niya." Sagot niya dito. Nag-alangan itong sumagot. Napansin ni Majz ang pananahimik ni Carol.
"Oh bakit?" Tanong niya dito.
"Mainit po yata ang ulo, Teh eh." Nahihiyang sagot nito. Natawa si Majz.
"Takot talaga kayo sa isang yun, ano?" Wala sa loob na naitanong niya. Tumango naman agad si Carol. "I-text mo sa kanya yan, akong bahala sa'yo. Kapag sinita ka niya sabihin mo inutos ko." Tinapik-tapik niya ito sa balikat, tumango naman.
"Teh, pinapasabi po pala ni Ate Ella na mawawala daw po si Sir Tazer ng mga ilang buwan, kung pwede daw po bago kayo umuwi ngayon ay dumaan daw po muna kayo ni Ate Makai sa opisina." Napalingon ng mabilis si Majz sa dalaga.
"Bakit pati ako? Assistant lang naman ako ni McNight." Mabilis niyang sagot.
"Hindi ko po alam, Teh. Si Ate Ella na lang po ang tanungin n'yo." Makikita ang kaba sa mga mata ng dalaga. Napailing na lang si Majz.
Nagkakaroon na yata ng nervous break down ang mga staff nila dahil sa topak ni Makai. Nagiging madalas na ito lately, nag-aalala na talaga siya.
"Just calm down, Carol, okay. Ako na ang bahala dun." Sabi niya dito. "Pack up ka na. I-check mo mamaya ang status ng mga ginagawa ni Melvin. Hintayin ka namin sa kotse." Mabilis niyang dugtong.
"You got it, your Majesty." Sagot ni Carol na nakangiti na ngayon. "Thanks, Teh." Dugtong nito. Ngumiti siya dito at hinarap na ang iba.
"Tapos na ba kayo diyan?" Tanong niya sa ibang staff.
"Konting kending na lang, Majesty. Isang makeup bag pa tapos na ako." Malantik at pakantang sagot ni Lupita. Natawa siya.
"Cookie, mamaya ka na lumandi diyan, tapusin mo na ang pag-pack up ng mga yan. Iiwanan ka ni Ka Rudy." Sigaw ni Ray. Paalis na ito at hila-hila ang naglalakihang equipment box.
"Tandang Ray, lubayan mo ako. Kailangan kong gawin ito dahil kung hindi mawawala ang three lives ko at baka hindi ko marating ang next level." Natawa si Majz sa sagot ni Cookie kay Ray. Mga bakla talaga. Napailing-iling na lang siya.
Mabilis na ang kilos ng mga ito. Ilang saglit pa ay parang walang shooting na naganap sa bahaging iyon ng Breakwater. Maging ang mga kalat ng catering ay mabilis na nalinis pati basura.
Maya-maya lang ay sakay na ang mga kargada, equipments at ang lahat sa kani-kanilang assigned na sasakyan.
"Makai, natanggap mo ba ang text ni Carol sa iyo?" Tanong niya sa nakapikit na pinsan na alam niyang nagtutulog-tulugan lang. Hindi ito sumagot. Gayun pa man ay naghintay pa rin siya.
Minsan nabubwisit na rin siya dito. Masyadong nang maarte ang pinsan, parang premadonna. Silang tatlo dapat ni Carol ang magkasama sa iisang sasakyan pero dahil nga sa natatakot ang senior intern nila kay Makai ay nagpumilit na makisiksik na lang sa van ng ibang crew kaya nakipagpalit si Ray dito.
"Maria Kaila Samonte! Hindi ka na nakakatuwa!" Singhal niya dito. Dumilat ito at masamang tumingin sa kanya.
"Bakit ba, Maria Jaise? Natutulog ang tao eh." Reklamo nito na parang batang nagmamaktol.
"Natutulog. Kutusan kaya kita?!" Singhal niyang pabalik dito. "Kung ayaw mo akong katrabaho sabihin mo lang nang makahanap ako ng ibang mapapasukan!" Sigaw niya dito. Kanina lang maayos silang nag-uusap na nahulog pa sa pagkikilitian, tapos ngayon ang WORLD WAR 10 pa yata, apocalypse.
"Inaano ba kita, Majz. Natutulog ako dito 'no." Nakikinig lang ang driver sa kanilang bangayan.
"Natutulog? Buong araw kang nakasimangot, hindi ka makausap ng matino, sinisimangutan mo ang mga kasamahan natin na parang ayaw mo silang makasama, tapos ngayon sasabihin mo sa akin na natutulog ka?" Tinanggal niya ang kanyang seatbelt para harapin ang pinsan.
Gusto niya itong kausapin dito kesa sa bahay ng T'yang nila dahil ayaw niyang marinig nito ang pag-uusap at sigawan nila.
"Majz, talk to me some other time but not right now." Matamlay nitong saad.
"Hindi, Makai! Mag-usap tayo ngayon din dahil kung sa palagay mo na hindi nagsasalita ang staff mo, nagkakamali ka! Konting araw na lang ay mawawalan ka na ng grupo!" Sabi niya. Napatingin si Makai kay Ray sa harapan.
"Totoo ba yan, Kuya?" Tanong niya dito na hindi sinagot ni Ray, in short, dedma. "Kuya, tinatanong kita!" Nagtaas siya ng boses, ngunit hindi pa rin ito sumasagot. Nakita ni Majz ang inis sa mata ng pinsan.
"Kita mo? Nakakainis di ba?" Pang-aasar niya dito. Alam niya kung paanong kausapin si Makai. Nagkalayo man sila ng halos limang taon ay alam niyang wala itong gaanong pinagbago. "Nakakainis di ba? Kinakausap mo, tapos hindi sumasagot. Hmm... sounds family?" Pang-uuyam niya dito.
"Tumahimik ka, Maria Jaise, hindi ikaw ang kausap ko!" Singhal nito sa kanya. Nakita ni Majz ang bakanteng lote sa gilid ng highway.
"Manong, paki tabi mo nga." Pakiusap niya sa driver nila. Itinabi naman nito ang sasakyan. May araw pa naman kaya okay lang.
"Hoy, Majz! Saan ka pupunta?" Tanong ni Makai.
"Maghihintay ng van! Dahil at least doon, may matino akong makakausap! At least doon, tao ang trato sa akin! At least doon, I matter!" Napadilat ng mata si Makai. Lumabas din siya ng kotse para kausapin si Majz.
"Majz, wag ka nang maarte! Bumalik ka na sa loob ng kotse nang makauwi na tayo." Gusto na niyang kutusan ang pinsan pero may konti pang katinuan na natitira sa kanyang sarili kaya nagpigil pa rin siya.
"Wag mo akong masabi-sabihan na maarte dahil simula ng nagtrabaho ako dito, ayun sa lahat ng mga kasamahan mo ay naging bugnutin at mainitin na yang ulo mo ng dahil lang sa nagbago yang kaibigan mo! Sino ang maarte?" Singhal niya. "Akala mo ba hindi ko napapansin na pinagseselosan mo ako diyan sa Lavs mo na yan na wala naman akong pakialam kung sino ang gagong yan!" Nagalit na siya.
"Majz..." Pinigil niya itong magsalita.
"Lumuwas ako dito para magtrabaho at maranasan ang Maynila bago ako magdesisyong tumigil sa San Nicolas hindi para maghanap ng lalaki. Kung iniisip mo na aagawin ko sa iyo yang maputlang tuod na yan, nagkakamali ka! Isaksak mo sa baga mo ang Logan mo!" Sabay para ni Majz sa paparating na van. Tumigil ito sa mismong harapan nila.
"Majz..." Nilingon niya ang pinsan.
"I-check mo yang text mo mula kay Carol hindi yung puro na lang text ni Logan ang inaabangan mo at kinakalimutan mo na ang mas importante. Sayang, Makai." Puno ng sama ng loob niyang saad,.pagkatapos ay umakyat na sa van. Isinara niya ang pinto na hindi na hinintay na muli pang magsalita si Makai.
Ayaw niyang mag-away silang magpinsan, pero hindi niya rin naman kakayaning nakikita itong parang buhay na patay na hindi mo mawari na parang namatayan ng asawa na palaging galit sa mundo. Kung ganyan din lang naman ang umibig, di bale nang maging matandang dalaga siya na katulad ni T'yang Bebeng at T'yang Dora.
-----------
End of LCIF 6: Galit sa Mundo
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.
💖 ~ Ms J ~ 💖
07.01.19
Lights! Camera... I've Fallen!
©All Rights Reserved
March 15, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro