Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LCIF 59: It's Time








MAJZ, where are you?" Natatarantang tanong ni Alexa sa kabilang linya. Nag-text kasi siya dito na babalik na siya sa bahay ni Lance kaya mabilis itong tumawag sa kanya.

"Kumalma ka nga. Para kang si Lance." Malambing niyang sagot.

"What do you expect, magkaibigan nga kami, di ba?" May himig pamimilosopong sagot nito. "Ipapasundo kita para dito ka na lang matulog sa bahay namin." Dugtong niyo. Napailing na lang siya. Magkaibigang nga sila.

"Wag na. Dito lang ako. Bukas na ako pupunta diyan pagkatapos kong magsimba." Sagot niya. Kararating lang kasi niya sa bahay ni Lance. Hindi pa nga siya nakakapasok sa bahay ng binata.

"Majz?!" Nagulat na bungad ni Manang Adel sa pinto. "Sino kasama mo? Pagabi na, bumiyahe ka pa?" Sunod-sunod na tanong nito.

"Sandali lang, Alexa. I'll call you back." Sabi niya sa kaibigan.

"No. I'll wait." Mabilis niyang sagot. Napapailing na lang si Majz.

"Manang Adel, pagpasensiyahan n'yo na itong bunso namin." Pahayag ni Manuel na nakasunod sa kanya. "Ayaw nang ipagpabukas pa ang pag-uwi." Sa labas ito ng gate pumarada kaya medyo naglakad sila papunta sa mismong pintuan ng bahay.

"O Manuel, mabuti naman at ikaw ang naghatid dito sa kapatid mo. Bakit sa labas ka nag-park?" Nakakunot-noong tanong ni Manang Adel.

"Sa labas na po para hindi na po maistorbo si Mang Jose." Sagot naman nito.

"Si Panyong nandito ah. Hindi ba kayo pinagbuksan?" Tanong ng ginang na magkasalubong ang kilay.

"Manang, hindi na ho namin inistorbo si Manong Panyong. Magaan lang naman itong dala namin. Backpack ko lang naman po tsaka itong gulay at isda na ipinadala ni Tatay." Turo ni Majz sa styrofoam box na pinagkagyan ng mga isda. Napabuga ng hangin ang ginang sa iniraso niya.

"Nandiyan po si Mang Betong eh. Siya po ang nagbukas ng gate." Salo ni Manuel.

"Kahit pa. Trabaho nila yan. Sinuswelduhan sila ni Lance para gawin ang mga bagay na yan. Dapat dito kayo nag-park sa loob." Mataray nitong saad ngunit hindi naman nakaangil. Inakap na lang ni Majz ang ginang para kumalma na lang.

"Ayos lang po, Manang. Uuwi din naman po ako kaagad habang maaga pa. Ipinahatid lang po ni Tatay itong si Bunso sa akin para hindi na siya mag-commute." Sumaludo si Manuel sa ginang na ikinangiti naman nito.

"Uuwi ka kaagad? Bakit hindi ka na lang magpalipas ng gabi dito?" Tanong nito. Ngumiti muna si Manuel bago sumagot.

"Hindi na po, Manang. Alam n'yo naman na kapapanganak pa lang ni Korina, kahit po kasama niya si Nanay Lagring eh, mas gusto ko pa rin pong kasama ako sa pagpuputat kay Solina." Mas lumapad ang ngiti ni Manang Adel.

"Tatay na tatay ka na nga, Manuel." Naluluha pa nitong sabi. "Siya, sige na. Hindi sa tinataboy kita, ayokong gabihin ka pang lalo sa kalsada. Mag-ingat sa pagmamaneho." Bilin nito kay Manuel.

"Siya, bunso. Alis na ako. Umayos ka dito ha." Bilin nito sa kanya at umakap pa. "Ayusin n'yo yan, huh. Narinig mo ang sabi ni Tatay at nila T'yang. Wag magsayang ng panahon." Paalala niyo sa kanya. Hinalikan siya nito sa noo bago pa tuluyang umalis.

"Bye, Kuya! Ingat ka!" Sigaw niya bago pa ito makalabas ng gate. Isinara naman kaagad ni Betong ito at ini-lock. Siya namang sulpot ni Panyong mula sa gilid ng bahay.

"Panyong, tulungan mo kami dito." Utos ni Manang Adel. Tumango lang ang hardinero at sumunod naman ito kaagad. Sabay na silang nagsipasok.

Hindi pa man din nag-iinit ang paa niya sa loon ng bahay ay nakatanggap siya ng text mula kay Manuel na kalalabas lang nito ng subdivision ng mga Scott. Sasagutin na sana niya nang maalalang nasa telepono pa rin si Alexa.

"Lex?! Nandiyan ka pa ba?!" Natataranta niyang tanong. Pagbungisngis lang ang isinagot nito sa kanya. "Pasensiya ka na ha." Paghingi niya ng paumanhin.

"Okay lang yun." Sagot naman nito. "Ano na? Ipasusundo na kita ha." Excited nitong sabi. Hindi yun tanong kung okay lang bang sunduin siya o hindi. Deklarasyon yun.

"No. You don't have to. Dito ako matutulog. Pupunta na lang ako diyan bukas." Gusto niyang magpahinga na mag-isa para makapag-isip siya ng maayos.

Kailangan niyang linawin ang isip niya bago makabalik si Lance. Kailangan niyang alisin ang inis sa sarili at klaruhin ang kabuuan ng pananaw niya nang maayos niyang makausap si Lance sa pag-uwi nito.

"Are you sure? I was hoping na makasama ka tonight so we can talk more about it." Pansin niya na sabik nga ito sa kaibigan na may direksyon ang buhay. Hindi kasi alam ni Alexa kung saan ilalagay ang sarili ngayon. Nagiging makulit ito at parang batang pinangakuan ng candy.

"Yes, I'm sure." Malambing niyang sagot. "Use tonight to relax your mind and body. Magkita na lang tayo bukas. Maaga akong pupunta diyan." Dugtong niya. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Alexa.

"Okay. Hapon pa naman tayo gustong makausap ni Tita. Gusto niya lang makita tayong magkasama. How our chemistry works when we are in our normal surroundings." Pahayag ni Alexa. Napangiti siya.

"Yun ba ang ini-stress mo? Kaya natin yan, Alexa. Ikaw pa ba? Jologs ka rin naman eh. We just have to act the way we do all the time but of course, seryoso din naman tayo kapag kailangan." Natatawa niyang sabi. Narinig niyang natawa ito. "Kaya natin 'to." Dugtong niya.

"Kaya natin 'to. Goodnight, Majz." Sagot nito. Napangiti na lang siya. Naging close sila ng dalaga sa maikling panahon lamang. Natutuwa siya dahil doon.

"Goodnight, Lex." Sagot niya. "See you tomorrow." Sinabayan ng pagpapaalam. Nagpatay na siya ng tawag. Napahingasiya ng malalim at natingala. Thank you Lord for taking my insecurities away. Pipi niyang panalangin.

Naiwaksi niya ang kanyang takot at pangamba sa tuwing nasa paligid lang si Alexa. Pero ngayong magkaibigan na sila, wala pala siyang dapat na ikatakot o ika-insecure dito. Alexa is just like her, she"s as jologs as everyone she knows. Mayaman man ito at sopistikadang tingnan pero tao pa rin ito na marunong makihalubilo at makisam, down to earth kung tawagin.

Masaya siya dahil kinilala niya ang dalaga at hindi hinusgahan na ayon sa kilos at tindig nito. Tama nga sabi ng karamihan, you can't judge the book by it's cover. Mas maganda talagang basahin at kilalanin.

"Goodnight, Lex." Sagot niya at nagpatay na ng tawag.

Mabilis siyang naligo at nagbihis ng pajama. Pinili niya ang ibinigay sa kanya ni Lance noong minsang pumunta sila ng Japan. Malambot ito kahit may kakapalan ang tela, hindi naman mainit sa katawan.

Matapos siyang magbihis ay bumaba siya para sabayan si Manang Adel maghapunan. Naabutan niya itong nag-aayos ng lamesa.

"Hello, Manang." Bati niya dito. Nilingon siya nito at ngumiti sa kanya.

"Mabuti at nakababa ka na. Sandali na lang ito." Saad nito. Nakita nga niyang malapit na itong matapos.

"Tatawagin ko na lang si Panyong at Mang Betong para sumabay na sa atin." Saad niya. Inilingan siya ng ginang.

"Hayaan mo na yung dalawang yun. Pinadalhan ko na sila ni Betong ng makakain. Sasabayan daw ni Panyong si Betong sa guard house para may kasama daw itong kumain. Pumarine ka na." Ngumiti siya, umupo na lang at tumahimik.

Nagsabay silang kumain, konting kwentuhan, hagikhikan at medyo naging seryoso din sila nang mapunta sa takot ni Lance. Nauunawaan naman niya ang pinagkakaganun ng kasintahan kaya sinabi niya kay Manang Adel ang mga plano niya at desisyon niya. Pati na ang pagharap niya sa bagong negosyo kasama si Alexa.

Natuwa si Manang Adel dahil hindi nagkamali ang alaga niya sa pagpili ng mapapangasawa kahit na bata pa silang pareho. Alam nitong kabebente-uno pa lang ni Majz at bente singko pa lang si Lance. Nakikita nitong parehong mature ang dalawa sa mga pananaw nila sa buhay kaya ang konting takot na nararamdaman ni Lance ay mawawala din ito... in time.

Maaga pa lang gising na si Majz kinaumagahn. Nagulat pa si Manang Adel dahil nakapagluto na siya ng almusal nilang apat. Linggo ngayon at plano niyang magsimba muna bago pa niya gawin ang mga bagay na gagawin pati na ang pakikipag-uusap sa Tita ni Alexa.

"Manang, kain na po tayo. Pakisabi na lang po kay Manong Panyong at Mang Betong na mag-lock na lang ng gate at siguraduhing naka-on ang CCTV. Sabay-sabay na po tayo." Utos man yun ay mas lamang naman ang magalang na pagkakasabi. Ngumiti si Manang Adel dahil sa ugaling meron si Majz.

Pinindot ni Manang ang intercom para sabihin ang sinabi niya. Umangal pa si Mang Betong dahil baka daw dumating ang amo na wala siya guard house ay baka mapagalitan siya. Bago pa nakapagsalita si Manang ay siya na ang sumagot.

"Manong Betong, ako ang sisisante sa iyo kapag hindi ka pumasok dito para mag-almusal. Lock the gate, turn on the camera and bring the remote with you." Malumanay man ang kanyang pagkakasabi, mahihimigan mo naman ang kaseryusohan sa boses niya. Walang nagawa ang gwardiya kundi ang umayon.

"Opo, ma'am." Sagot nitong halata namang napipilitan.

Umupo na si Manang Adel sa tabi niya at tahimik na naglagay ng tubig sa mga baso. Maya-maya lang ay dumating na si Panyong at Mang Betong na magkasunod. Dumiretso si Betong sa TV monitor na nakasabit sa kisame ng kusina. May hapakainan din sa kusina maliban sa komidor na pang-formal dining naman.

Tahimik silang nagdasal bago nagsimulang kumain. Nang matapos ay nag-umpisang mag-urong si Majz at Manang Adel nang magsalita si Betong.

"Ma'am, kami na lang po ni Panyong ang magliligpit dito." Saad ng gwardiya. Tumuwid siya ng tayo at pinagmasdan ito.

"Salamat Manong. Manang, magsisimba po ako ngayon, gusto n'yo po bang sumama?" Tanong niya dito. Umiling ito.

"Mamaya pa akong hapon magsisimba." Sagot nito. Tumango siya at tumalikod na. Pero bago siya tuluyang lumabas ng kusina, nilingon niya muna si Manong Panyong.

"Manong, pwede po bang pakilabas nung isang kotse?" Turan niya. Nagkatinginan sila Manang Adel.

"Anong kotse po?" Mahigit dalawang taon na silang magkakilala ni Lance, ganun na rin sila katagal ng binata, at ilang buwan na rin siyang nakatira dito sa bahay ng kasintahan, hindi man lang niya tiningnan ang laman ng garahe nito. Salitan niyang tinitigan ang tatlo.

"Yung palagi naming ginagamit ni Mang Jose, yung Vios." Sagot niya. May iba pa ba? Meron. Yung itim na kotse, yung Jaguar. Yun lang ang alam niya. "Wag yung Jaguar. Ayokong ako pa ang makagasgas nun." Dugtong niya.

"Ma'am..." Pinutol niya ang sasbihin nito.

"Mang Betong, Majz po. Hindi po ako teacher." Nakangiti niyang turan.

"Betong, ilabas mo yung kotse na dapat sa kanya. Ipinagbilin yun ni Lance bago umalis." Saad ni Manang Adel. Napataas ang isang kilay ni Majz.

"Anong kotse?" Tanong niya.

"Ibibigay sana ni Lance sa iyo yun pagbalik niya mula Hongkong." Napaharap ng si Majz sa kanya. Ayaw niya ang sinasabi ni Manang Adel.

"Mang Betong yung Vios na lang po. Mas gamay ko yun." Simple niyang saad bago tuluyang tumalikod. Dinukot niya ang cellphone at tinawagan ang tiyahin. Sumagot naman kaagad ito.

"Hello." Masayang sagot ni Bebeng sa kanya.

"T'yang, pwede ko po bang gamitin yung Dodge ni T'yong?" Paalam niya dito.

"Bakit mo pa ipagpapaalam? Kaya nga iniwan ng T'yong n'yo yun para may gagamitin ka sa paghahanap ng trabaho at pagbiyahe pabalik-balik mula diyan kay Lance at sa bahay." Pahayag nito. Napangiti siya.

"Salamat T'yang." Sagot niya at nagpaalaman na sila. Bumalik siya sa kusina, naabutan pa niya si Betong at Panyong na kausap si Manang Adel.

"Nevermind na lang po, Mang Betong." Saad niya na nagpalingon sa tatlo. "Nagpa-book na po ako, parating na po. Kukunin ko na lang po yung Dodge sa bahay ni T'yang Bebeng." Saad niya sabay talikod. Walang nagawa sila Manang Adel at ang dalawang lalaki kundi hayaan na lang siya.

Matapos na kunin ang maliit niyang backpack sa kwarto niya, tsinek kung nandun na ang wallet at cellphone nitya ay nagmamadaling bumaba at dire-diretso na sa labas ng bahay papuntang gate. Naabutan na niya ang gwardiya sa guard house.

"Mang Betong, nai-text ko na sa iyo ang information ng kotseng susundo sa akin." Sabi niya sa lalaki. Ngumiti at yumukod ng bahagya ang gwardiya sa kanya.

"Nasa labas na po naghintay. Kinuhanan ko na rin siya ng picture. Ipapasa ko na lang po kay Sir Lance mamaya." Saad nito. Ngumiti lang siya dito at nagpasalamat na. Binuksan nito ang gate para sa kanya.

Sumakay na siya ng kotse. Wala pang twenty minutes ay nakarating siya sa bahay ng tiyahin. Mabilis siyang nagbayad at umibis. Pagsakay niya ng Dodge ng tiyuhin ay nag-text siya kay Betong para ipaalam dito na nakarating siya ng maayos at papunta na siya ng simbahan dahil kung hindi, mag-aalburuto na naman ang mapapangasawa niya. Mas mabuti na itong ganito para wala nang dahilan ang samaan ng loob at mawalan ng puwang ang tampuhan.

Matapos i-lock na muli ang gate ay tumuloy na siya sa simbahan.




"MANG Betong, napatawag kayo?" Tanong ni Lance. Binundol ng kaba ang puso niya pero pinipilit na kalamahin ang sarili. He already learned his lesson. Natutunan niyang wag tatalon sa bangin dahil walang rason para gawin yun. Kailanga na tin niyang matutunan na patayin ang lahat ng takot.

"Nag-text po si Ma'am Majz. Nakarating na po siya sa bahay ng tiyahin niya at didiretso na daw po siya sa pagsimba." Alam niyang umuwi na si Majz sa bahay niya kahapon pa. Mabilis na naipaalm ni Betong yun sa kanya.

"Salamat po, Mang Betong." Sagot niya dito at nagbaba na ng tawag.

"Lance, uuwi na ba tayo?" Tanong ni Mang Jose sa kanya matapos ang tawag ni Betong.

"Hindi pa po." Simple niyang sagot.

"Tapos na ang gagawin natin dito, Lanace. We are done." Sabat ni Ethan. "Ako ay uuwi na. I miss my kid already. Why do you want to stay? Nag-away ba kayo?" Nag-aalalang tanong ni Ethan. Alam niya ang iniisip nito, at leatst, kahit papaano ay may idea siya sa iniisip niyo.

"No, we got that covered bago ako umalis. She's back home now." Ang sarap namang sabihin ang she's home. "I want to go to Singapore. I need to meet with someone." Saad niya. Nagkatinginan si Jose at Ethan.

"Lance, just be sure that, that someone won't hurt Majz and your chance of happiness." Ngumiti lang siya.

"Nah. It won't hurt her and it won't hurt me either. It's pure business." Tumango-tango na lang ang Kuya niya.

"Mang Jose, ikaw na ang bahala diyan sa kudang-kudang na yan." Natatawang naiiling na saad ni Ethan. Napailing na rin lang siya. "Be sure to be safe coming home, okay. Take your meds for your own sake." Tumango siya. "Mang Jose, ingat kayo." Dugtong ng kapatid bago pa ito tumslikod at sumakay sa service na naghihintay.

Kahit na pareho silang patungo ng airport, magkaiba naman ang flights nila at magkaiba din ng oras. Dumaan sila sa isang department store . Namili ng ipapasalubong si Mang Jose para kay Manang Adel kaya napahiwalay ito sa kanya. Ginawa na niya ang dapat niyang gawin, ang mamili rin ng pasalubong para kay Majz.

Matapos ang ilang sandaling pamimili, bumalik na sila ng hotel, nagligpit at kumain. Pagkatapos ay nagpahatid na sa hotel service papuntang airport para sa flight nila papuntang Singapore.

Halos gabi na nang makarating sila. Hindi alam ni Jose kung sino ang kikitain ng amo kaya tahimik lang siyang nakasunod dito. Dumiretso sila sa carousel para kunin ang mga maleta nila. Pagkatapos ay tumayo sa labas ng airport. Naglabas ng cellphone, tumipa, isinilid pabalik sa bulsa at tahimik na naghintay.

Maya-maya pa ay may isang babae at isang lalaking lumapit sa kanila. Parehong mestisuhin at parehong may biloy. May kasama itong batang babae na palinga-linga sa paligid nito na mukhang manghang-mangha. Mestisahin din ang bata ay nag-iisang biloy sa kaliwang pisngi nito. Hawig ng dalawa ang bata.

"Mommy, marami tao oh?" Napangiti ang dalawa. Nakangiti din si Lance dahil nagtatagalog ito. Ibig sabihin mga Pilipino ang mga ito.

"Lance Scott?" Tanong ng lalaki direkta sa kanya. Tumango naman siya at naglahad ng kamay.

"Lance Muriel Scott." Pakilala niya sa sarili. Ngumiti ang lalaki at inabot ang kamay niya.

"I'm Tino and this is Maira." Pakilala nito sa kanila. Nagkamay sila dalawa ni Tino.

"This is Jose Ramos, my assistant." Pakilala niya kay Jose. Ngumiti din ito at nakipagkamay kay Jose.

"Jose na lang, Sir." Pagtatama ni Jose.

"Tino na lang po." Saad naman nito. "And this is Maira, my sister." Dugtong nitong pakilala sa kasamang babay.

"And who is this cute little girl here?" Tanong ni Lance. Palarong kinurot ang pisnging may dimple.

"My name is Ms. Lotti. This is Mommy and this is Daddy." Bibong turo nito kay Maira at Tino.

"Ang cute naman ng anak mo." Puna ni Jose. Ngumiti lang si Maira.

"Salamat po." Simple nitong sagot.

"Tara. Naghihintay na siya sa inyo. Hindi lang maiwan ang mga gawain." Pag-aya ni Tino. Tahimik naman silang sumunod sa dalawa.

Muli, natahimik na silang apat maliban sa ingay na nanggagaling sa gadget ni Lotti. Nanonood ito ng cartoons. Nakaidlip si Jose, habang siya naman ay pinanonood ang maliit ng dot mula sa cellphone niya. Inabot din ng halos isang oras ang biyahe nila bago sila nakarating sa harap ng isang mistulang mansyon na bahay na di hamak na mas malaki sa bahay niya.

"We're here, Ms. Lotti." Sabi ni Maira. Tsaka pa lang parang nabuhayan ng dugo ang kasama nilang bata.

"Mommy! Mommy! Mommy! I will see my Mommy na." Sigaw ng bata. Natawa na lamang silang lahat.

"Mommy??" Tanong ni Lance.

"She calls everyone Mommy and Daddy." Sagot ni Maira. Tumango-tango na lang sila. Nagulat pa si Jose nang makita ang sumalubong sa kanila.

"Makai? Sir Niel?" Gulat na sambit ni Jose.

"Hi, Lance. Hello po, Mang Jose." Bati ni Makai. "Welcome to our home." Dugtong pa nito na ubod ng lapad ng ngiti.

"Hello, Jose. Lance." Bati ni Niel. "Pasok na tayo." Pag-aya ni Niel sa kanila.

"Mommy! Mommy! I saw big buildings. An laki-laki. Andamin airplanes, andamin cars. Damin tao, Mommy." Bibong kwento ng bata kay Makai.

"Really? Come on, let's go inside. Kwento mo kay Mommy lahat." Tugon ni Makai sa bata. Nagkatinginan si Lance at Jose.

"Mommy! Mommy!" Tawag nito kay Maira sabay hila sa kamay nito. "Tell Mommy the airplanes and the cars." Matatas magsalita ng english ang bata na may dalawang taon edad.

"How old is she?" Tanong ni Lance.

"She almost two." Nakangiting sagot ni Maira. "She's our blessing. We are all so sad and devastated about our whole ordeal back then when she came to us. Biglang naging magaan ang lahat sa amin." Parang nananaginip na saad ni Maira.

"Lotti saved us all." May pagmamalaki at puno ng pasasalamat na salo ni Tino.

"Yes, she did. She made everything okay for us. Para bang sinasabi niya na magiging maayos na ang lahat dahil nandito na siya." Sabat ni Makai. Nagniningning ang mga mata nilang tatlo na nakatitig sa nakangiting bata.

"Mamaya na kayo magkwentuhan diyan. Pumasok na muna tayo at kumain." Saway ni Niel sa kanila.

"Mr. Lee, will you help them, please." Utos ni Niel sa butler nito.

Iniwan nila ang kanilang bagahe na kinuha naman ng dalawa pang kasambahay. Sumunod sila kay Niel na dumiretso na sa dining area.

"Lance, babalik ba kayo kaagad sa Pinas?" Tanong ni Niel bago pa naupo sa hapag-kainan.

"Tay, kararating lang nila Lance at Mang Jose, pag-uwi na kaagad ang itinatanong n'yo?" Natatawang saway ni Makai sa ama.

"Batang ito... nagtatanong lang eh." Nakanguso nitong sabi. "Ang sungit mo." Natawa na silang lahat sa komento nito.

"Okay lang, Kaila. Bukas din po kaagad ang uwi namin ni Mang Jose. Sila Manang Adel lang at Jaise po kasi ang nasa bahay. I just have an important business proposal for Kaila kaya ako na mismo ang pumunta dito." Paliwanag niya. Tumango-tango naman ang ama ng dalaga kahit halatang dismayado ito.

"Ganun ba? Akala ko pa naman magtatagal kayo ng kahit na ilang araw man lang." May himig pagrereklamo sa boses nito. Mukhang sabik sa ibanag kasama.

"Pwede naman po sana kung kasama ko Jaise, kahit isang buwan pa, kaya lang wala po kasi talaga ito sa plano ko ngayon, medyo nagkatampuhan po kasi kami ni Jaise before I left for Hongkong." Nag-angat ang nag-aalalang mga mata ng Tito Niel nila. Mabilis na dinugtungan ni Lance ang sinasabi niya. "Nakapag-usap naman na po kami over the phone pero gusto ko pa ring magkausap kami ng harap-harapan. Iba pa rin po kapag magkaharap kayong milulutas ang problema. Kailangan ko lang pong makausap si Kaila." Tumango-tango si Niel.

"Tama yan, Lance." Sang-ayon nito sa kanya. "Wag na kayong tumulad sa aming matatanda na ma-pride kaya kita mo, nagkagulo-gulo kami dahil sa simpleng misunderstanding lang." Naiintindihan ni Lance ang ibig sabihin ni Niel. Pinagdaanan kasi nito ang si pleng tampuhan na nahulog sa tuluyang paghihiwalay at tikisan.

"Tito Niel, kumain na muna tayo dahil pagod pa sa biyahe itong dalawa." Naiiling sa turan ni Tino. "At hindi na rin mapakali itong maliit na prinsesang ito." Inginuso ni Tino ang hindi nga mapakaling alaga.

"Opo, Daddy Tino." Natatawang sagot ni Niel. Natawa sila Tino, Maira at Makai, nahawa na rin si Lance at Jose.

"Hihihi! Daddy, Dada called you Daddy." Mas lalo silang matawa dahil sa tinis at lakas ng boses nitong bumungisngis. Nakakahawa talaga.

"She's too beautiful and too precious." Saad ni Lance. Nakakatuwa naman talaga ang mga batang bibo na katulad ni Lotti. Lalong lumulutang ang natural nitong ganda.

"Thank you." Sabay na sagot ni Maira at Makai.

"Proud yang dalawang yan dahil sila ang napiling maging nanay ni Ms. Lotti. Right, baby?" Masayang pahayag ni Tino.

"Yes, Daddy." Labas ang dimple nitong sagot. "I love Mommy and Mommy. Dada said Mommy and Mommy are my angels." Namamangha si Lance sa tatas nitong pananalita. Parang hindi dalawang taong gulang.

"Lotti, say thank you to Tito Lance for calling you beautiful and precious." Utos ni Tino sa bata.

"Thank you, Daddy." Sabi ni Lotti na kay Lance nakatingin. Natunaw yata ang puso niya.

"Not Daddy. Call him Tito Lance." Pagtutuwid ni Tino.

"I don't want." Nakanguso nitong sabi. "I want Daddy." Dugtong pa nitong humalukipkip at tumagilid. Ipinapakita nito na galit ito dahil hindi napagbigyan sa gusto.

"Lotti, it's okay. You can call me Daddy Lance if that's what you want." Pag-udyok niya sa bata. Tumitig lang ang bata sa kanya. Namumula ang tungki ng ilong nito, noo at mata. Ilang sandali na lang ay magwa-water works na ito. Parang siyang si Jaise, naisip niya. Kaya tunaw ang puso niya palagi sa dalaga dahil sa napaka-inosente nitong gawi.

"Kuya Tino. Hayaan mo na lang siguro si Lotti sa gusto niya." Saad ni Makai na nakatitig kay Lotti.

"Princess, don't cry okay. It is really okay with me if you want to call me Daddy." Saad niya. Nakaramdam siya ng awa para sa bata. Tumitig sa kanya ang bata. Naka-puppy dog face ito. Nakakaawa ang hilog na bilog nitong mata na kulay light brown at nakatibi pa. Paanong hindi mo pagbibigyan ang gusto nito?

"Yey! I have a new Daddy!" Bigla nitong sigaw na may pagpalakpak pang kasama. Nagulat pa siya ng bahagya sa pagsigaw nito. Oh, you're such a sucker for that looks. Natawa siya sa itinakbo ng isip niya.

"Sabik kasi yan sa Tatay." Saad ni Maira. Naubo si Makai. Napatitig siya dito.

"Okay ka lang, Kay?" Tanong niya dito. Tumango lang ito.

"Ang dami ng siling inilagay ni Kim dito." Naluluha-luhang sabi ng dalaga. Natawa si Mang Jose.

"Maanghang ngang masyado, Lance." Itinuro nito ang sour and spicy soup na nasa maliit na bowl sa harap nito. Napailing na lang si Lance.

"Nasaan ang magulang ni Lotti?" Kibit-balikat lang ang naging sagot nila Maira at Tino sa tanong ni Jose.

"Bilisan na ninyong kumain dahil palalim na ang gabi. May kailangan pa kayong pag-usapan nitong si Lance. Kung plano niyang umuwi kaagad bukas, kailangan nilang makapagpahinga ni Jose ng maaga." Makikita ang pagiging malungkot ng mata ni Niel. Nagtaka siya, pero hindi na nagtanong.

"Dada sad." Sambit ng bata. "Dada, finish na po Ms. Lotti." Anunsyo ng bata. Napangiti si Niel. Binuhat nito ang bata matapos inumin ang tubig nito.

"Lance, doon tayo sa study mag-usap." Panimula ni Makai nang matapos silang kumain. "Kuya Tino, pakisamahan si Mang Jose sa kwarto niya." Pakiusap ni Makai sa lalaki. Tumango naman si Tino.

"Sasamahan ko si Tito kay Ms. Kulit." Paalam ni Maira. Tumango naman si Makai.

"Lead the way." Paanyaya ni Lance. "Sino sila, Kai." Sa wakas natanong na rin niya sa dalaga ang kanina pa gustong malaman.

"Sino? Sila Maira at Tino?" Tumango si Lance. "Anak sila ng pinsan ni Tatay sa side ni Lolo. Namatay ang parents nila nung mga bata pa sila sa isang hiking accident. Simula noon naging kasama na sila nila Lolo, Lola at Tatay sa states. Si Kuya Tino ang panganay at si Maira naman ang bunso." Kwento niya. Binuksan nito ang pinto ng study.

Namangha si Lance sa napakalaking silid na bumungad sa kanya. Hindi ito basta-basta study lang, para itong buong establisamento sa loob ng bahay. May apat na lamesa na magkakalayong nakapwesto na magkakaharap, may conference room sa kabilang panig nito na crystal ang nagsisilbing dingding na humahati sa kabuuan ng malaking silid na ito. Ang ganda at ang luwag tingnan. Nice.

"Kai, I need you to do something for me." Straight to the point na na panimula ni Lance.

"What is it, Lance." Direktang nakatitig si Makai sa mga mata ni Lance.

"It's time." Simple niyang sagot sa dalaga. Napatras ito na parang di makapaniwala.

"L-lance..." Panimula nito.

"I'm serious, Maria Kaila. It is time." Determinado siyang ipaintindi sa dalaga ang ibig niyang mangyari.

"I... I don't... I don't know Lance." Halatang nalilito ito.

"Think about Jaise."









--------------
End of LCIF 59: It's Time

Thank you for reading.the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
11.23.19

Lights! Camera! I've Fallin...
©All Rights Reserved
March 15, 2016

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro