LCIF 58: Future
Walang nagawa si Lance nang magpaalam si Majz sa kanya na uuwi ng San Nicolas ng araw din yun kahit pagabi na. Tahimik na lamang niyang inihatid ang dalaga sa gate kung saan naghihintay ang van na sumundo kay Bebeng, Jillyan at sa kambal. Mabuti na lang at nagloko si Betina, hindi kaagad nakaalis ang mga ito, kaya nakapagpasundo pa siya sa Kuya Atong nito.
Hindi siya nakipagtalo o nangulit man lang sa dalaga kahit na alam niyang may sama ito ng loob sa kanya. Alam niyang wag kulitin ito habang ganitong masama ang loob sa kanya, nagtatampo o di naman kaya ay galit dahil hindi ito kikibo at magmumukha ka lang tanga na kumakausap dito.
Natutunan niya sa mga nakaraang pagkakatampuhan nila na hindi magandang kausapin ito na ganito ang nararamdaman ng dalaha dahil siguradong tutulugan lang siya nito kesa makipagtalo sa kanya.
Ayaw na ayaw kasi ni Majz ang nakikipagdiskusyon na mainit ang ulp o may sama ng lood dahil baka makabitaw ng salitang nakakasakit ng loob nilang pareho. Kapag lumamig naman na ang ulo at humupa na ang galit o tampo ay ito na ang kumukusa g makipag-usap sa kanya at bumabawi ang dalaga ng todo.
Umakap si Majz sa kanya ng mahigpit bago ito nagpaalam, ganun din ang ginawa niya, hinalikan pa siya nito sa labi at sinabihan pa siya ng I love you at isang mapag-alalang be safe and don't forget your meds bago ito sumakay ng van. Ayaw man niya sanang pumayag na umalis ang dalaga ngayong gabi ay wala siyang nagawa kaya tinanaw na lamang niya ang papalayong sasakyan.
Isang matalim na kirot ang dumapo sa puso niya. Huminga siya ng banayad at pilit pinakakalma ang sarili. Marami pa siyang dapat na ayusin sa sarili niya kung gusto niyang wag mawala nang tuluyan si Majz sa kanya, kung gusto niyang sumaya.
"Lance, mas mabuti pa sigurong hayaan mo muna siya. Ayusin mo din yang sarili mo at yang takot mo na mawawala siya sa iyo. Susmaryosep kang bata ka!" Tumalon man ang puso niya sa kaba sa biglang pagsulpot ni Mang Jose sa tabi niya ay hindi niya pinahalata.
Humugot siya ng malalim na paghinga at maragsang bumuga. Inulit niya uli ang paghinga ng malalim at banayad na ngayong ibinuga ang hangin hanggang sa umayos na uli ang pakiramdam niya.
"I can't understand myself, Mang Jose. Alam ko naman na hindi ganyan si Jaise. Alam kong hindi niya ako iiwan. Alam ko ring ako lang ang mamahalin niya. Pero bakit ganun? Bakit ako nakakaramdam ng ganitong takot?" Laglag ang balikat na hinarap ang assitant/driver.
"Ganyan ang nararamdaman mo dahil ilang beses ka nang nawalan ng mahal, naiwan ka. Siya noong bata ka pa lang at ngayon naman ay ang ikatlong bahagi mo, si Logan." Bahagya nitong paliwanag. "Tara. Pumasok na tayo sa loob dahil aalis kayo ng madaling-araw mamaya ni Sir Ethan." Nagpahila naman siya sa lalaki.
"Anong nangyari diyan at parang pinagsakluban ng langit at lupa na kasamang pang alagad ng kadiliman?" Pareho sila ni Mang Jose na napahinto sa kanilang paglalakad papasok ng bahay. Nagkatinginan sila at sabay ding nilingon ang dinaanan nila.
"Mahal, ano na naman yang mga pinagsasabi mo?" Pareho silang kinilabutan sa sinabi ng ginang pero pareho din silang natawa.
"Wala naman. Sinabi ko lang ang napapansin kong aura na nakapalibot sa inyong dalawa. Para kayong mga natalo sa piko at luksong-tinik." Paliwanag nito. "Magsipasok na nga kayo at umakyat sa taas dahil aalis kayo bukas ng maaga pa. Tumawag si Ethan, pinasasabi na pati daw ikaw, Jose, sasama sa kanila. Hindi dadalhin ni Ethan si Gilbert dahil manganganak yung kapatid at natataranta daw ang asawa nitong doktor." Naiiling na sabi nito. Tinalikuran sila nito na parang walang nangyari o sinabi. Nagkatinginan silang dalawa ni Mang Jose.
"What? How??? He's a doctor for crying out loud." Duktor siya tapos natataranta siya? Naiiling na lang si Lance ngunit hindi na lang nag-elaborate pa.
"Lance, ang alam ko, inayos na ni Majz ang mga gamit at maleta mo. Uung laptop mo at mga dokumentong kakailanganin n'yo ni Ethan bukas ay nasa ibabaw ng kama mo. Yung isusuot mo raw bukas ay nasa ibabaw na ng sofa mo, kaya utang na loob, maghapunan na tayo nang makaligo at makatulog na tayo. Kung inaalala mo siya, wag na muna. Tawagan mo na lang mamaya at umayos ng pakikipag-usap sa kanya. Ewan ko ba sa iyong bata ka." Dugtong pa nito bago tuluyang nawala sa paningin nila.
"Oh, narinig mo ang amo. Tara na!" Natatawang saad ni Mang Jose na halos pabulong na dahil takot na marinig ito ng asawa.
"Sige. Akyat na muna ako. Sisilipin ko lang kung may kailangan pa akong idagdag sa inihanda ni Jaise." Saad niya dito. Kakalimutan na muna niya ang inis sa sarili. Itatabi na muna niya ang takot dahil wala naman itong basehan at senseless lang.
"Bumaba ka rin kaagad para sabay-sabay na tayong kumain. Luto ng matampuhin mong kasintahan ang ulam ngayon." Natatawang bigkas ni Mang Jose. Napangiti siya dahil sa komento nito. Naiiling siyang umakyat sa kwarto.
Pagpasok sa loob ng kwarto niya ay malawak siyang napangiti dahil kompleto na talaga ang kakailanganin niya. Nakalagay na ang damit niya sa loob ng maliit na rollout luggage na nakabukas pa sa ibabaw ng kama. Ang mga personal hygiene items naman niya ay nakapaloob na sa isang item na pouch. Ang mga folder na inuwi niya na iniakyat ni Mang Jose kanina ay masinop na nakasalansan sa tabi ng laptop na nakapatong sa ibabaw ng leather case nito. Nagcha-charge na rin ito kasama ng cellphone niya.
Laglag balikat na umupo sa bedroom sofa si Lance. Napansin niya ang damit na pinili para sa kanya ni Majz. Napangiti siyang napapailing-iling. Ang laki niyang gago para matakot nang walang dahilan. Tumayo siya para kunin ang kanyang cellphone, tinawagan ang dalagang pinasama ang loob. Sumagot naman ito sa unang ring lang.
"Lance? May nangyari ba?" Tanong nitong puno ng pag-aalala sa boses. Napangiti siya. Hindi ito galit, nagtampo lang talaga ito.Gago lang kasi, Lance?
"Nothing happened here. I just wanted to say thank you and I love you." Halos hindi pa niya naitawid mula sa lalamunan ang pangalawang pangungusap. Napalunok siya at mapatikhim pati.
"You're welcome and I love you, too." Sagot naman nito. Parang kiniliti ang puso niya. Masaya na siya sa ganun kanya nga dapat wag na siyang matakot.
"Call me when you get home at Tatay's." Paalala niya dito kasi hindi namn niya alam kung pwede na ba niyang kausapin ang dalaga tungkol sa nangyari kanina.
"Ay Hon, hindi ko pala naisama yung toothpaste diyan sa hygiene pouch mo. Hindi kami nakabili ni Manang Adel ng travel sized toothpaste kahapon. Paki paalala na lang kay Mang Jose na dumaan sa Seven-Eleven bago kayo dumiretso ng airport." Pahayag nito. Napatalon ang puso niya dahil parang walang nangyari kanina, parang hindi ito nagtatampo.
"Don't worry about it. Ako na ang bahala doon." Simple niyang sagot. Naiiyak siya dahil napaka-unreasonable at napaka-irrational naman kasi niya at nakapalambing at napaka-understanding ng finace niya.
"Tawagan mo ako bukas bago ka umalis, huh." Malambing nitong hiling. Nangingiti na naman siya. Kahit may tampo sa kanya, malambing pa rin ito.
"We leave at dawn. Baka tulog ka pa niyan. I don't want to wake you up." Narinig niya ang paghagikhik nito.
"I won't sleep till you call me or wake me up." Matigas nitong sagot sa kanya.
Wala siyang nagawa kundi ang umoo na lang kesa makipagtalo. Ano pa nga ba gagawin niya? Kumontra? Tapos ano? Magtatampo uli ito sa kanya? Eh di pumayag na lang para tapos na ang laban. Siya na ang gago kapag paiiralin pa niya ang katigasan ng ulo niya na ipilit ang kapakanan nito. Uulitin pa ba niya na maging tanga uli?
Tumayo siya pagkatapos nilang mag-usap. Ibinalik niya sa charger ang kanyang cellphone. Isa-isa niyang isinilid ang apat na folder sa loob ng leather case, maliban sa laptop na nagcha-charge pa rin. Ipinasok na rin niya sa loob ng maleta ang mga lahat ng naihanda ni Majz na gamit niya kasama ang kanyang toiletries at personal stuff na nasa itim na pouch.
Napangiti siya kasi napansin niya ang kanyang pill box na nakalagay sa ibabaw ng kama. Nakaayos na rin ang mga gamot na iinumin niya sa loob ng limang araw at ang oras ng pag-inom niya. Mas lalo siyang napangiti dahil limang araw talaga ang nakahanda, eh tatlong araw lang naman sila sa Hongkong. Mas lalo tuloy siyang nagalit sa sarili.
Matapos isara at ikawit ang kandado ng maleta ay itinabi niya ito sa gilid ng sofa. Pumasok siya closet para kumuha ng pajama, naligo at nagmadaling bumaba na naka-pajama na. Nakasabay niya si Mang Jose pagpasok sa kainan ng mansyon. Nagtanguan ang mag-amo at tahimik na nilang pinagsaluhan ang maagang hapunan na inihanda ni Majz bago pa ito umalis.
"TATAY." Panimula ni Majz sa ama nang nasa harap na sila ng hapagkainan. Kahit madilim na, nakaabot pa rin sa hapunan si Majz. Doon sila dumiretso sa Hacienda Ricaforte.
"Ano yun, Maria Jaise." Nakatingin ang ama sa kanya pati na rin ang kapatid at hipag, kasama na ang dalawang tiyahin niya at mga asawa nito.
"May gusto sana akong pasipuking negosyo, Tay. Kaya lang yung naipon ko habang nagtatrabaho ay medyo nabawasan na." Kinakabahan siya, hindi dahil natatakot siya kundi dahil sa bago itong kahaharapin niya. "Pero hindi pa naman final lahat." Dugtong pa niya.
Kinausap ni Majz ang Tatay at Kuya Manuel niya kung meron ba itong mga pera na pwedeng ipahiram sa kanya kasi gusto niyang siya na lang ang bumili ng ikatlong bahagi ng events business ng tiyahin ng kaibigan.
Ipinaliwanag niya sa mga ito na sayang ang mga clientele nito kung isasara na lang o mapunta sa iba. Ayaw naman daw nitong ibenta ang negosyo kung kani-kanino lang dahil nga sa mga staff nito. Ayaw na niyang magtrabaho sa ibang tao. Napatango-tango lang si Manuel at Sepring. Natapos ang gabi na tanging yun lang napag-usapan nila. Naging maayos naman dahil wala naman palang problema para sa ama at kapatid.
Ngayon niya lang madiskubrehan na malaki pala ang kita ng bagsakan at taniman nila na halos kalati ng laki ng hacienda. Ipinakita sa kanya ng kanyang pamilya ang kung ano ang meron sa pamilyang Samonte. Hindi lang sila kumikita maluwag kundi pumapantay na ang yaman nila sa pamilya ng mga Ricaforte, ang T'yong Martin nila at ng mga dela Cruz sa kabilang bayan, ang T'yong Romano nila.
Napasandal siya na parang pagod na pagod ng maintindihan niyang ganun na pala sila kayaman. Ngayon naman inisip niya na sana ay hindi niya yun nalaman. Naiiling siya sa sariling isipin.
Bago siya tuluyang nakatulog ay tumawag pang muli si Lance sa kanya. Mahaba ang naging usapan nilang dalawa. Nagkaiyakan pa sila. Hindi nila naiwasang pag-usapan ang nangyari kanina. Alam naman niyang hindi maiiwasan na mapag-usapan ang mga bagay na bumagabag sa kanila kahit ayaw pa nila.
Naisip niya, mabuti na rin yun kasi nailabas niya ang kanyang hinaing at ang sarili niyang takot na hindi niya naipapakita kahit kanino dahil sa singsing na pinanghahawakan niya, dahil sa engagement ring nila kaya nawawala ang insecurities niya at yun din ang dahilan kung bakit siya nagiging kampante sa likod ng agam-agam na maraming mas higit sa kanya, pero siya ang pinili.
"I'm really sorry, Love." Sabi nitong umiiyak. Nakaramdam siya ng awa.
"I'm sorry din. I didn't mean to react the way I did." Umiiyak din niyang sagot. Alam naman niyang nag-over react lang siya pero gusto niya ring turuan ng leksyon ang fiance niya.
"Hindi ko alam ang gagawin ko, Jaise. Hindi ko naman iniisip na iiwanan mo ako dahil alam kong hindi tayo aabot sa ganun. Pero hindi ko talaga mapigil ang aking sarili na hindi matakot kapag hindi ko alam kung nasaan ka." Mas lalo tuloy siyang naawa sa kasintahan. Mas naiintindihan na niya ito ngayon.
"You know I will never do that you, right? I could never leave even if you ask me to." Napasinghot siya. Hindi na niya alam kung ano pa ba ang pwede niyang gawin para mapanatag ang loob at isip ng binata.
"I know. I want to stop this sudden and irrational feeling of being left behind. I hate it, but I don't know how." Napahugot siya ng malalim na paghinga.
"Lance, I love you with all my heart, I know you know that, right? But what can I do to make you feel secure and not be afraid anymore? Kulang pa ba ang pagmamahal ko sa iyo?" Wala sa loob niyang naitanong na walang pinatutukuyan.
May kahabaang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Isang malakas na pagsinok ang narinig niya sa kabilang. Pagsinok ba yun o hikbi? Naisip niya.
"Jaise, your love is more than enough for me. Your love is the only thing that keeps breathing. It made me feel so alive and hopeful, but I can't shake this feeling of being left behind. I don't know but I always see these scenarios in my head of falling off a dark pit and I see my loved ones faces one by one leaving, disappearing. I can't stop them, I can't do anything because I am stuck inside that deep pit with nowhere to go and nothing to hold on to." Parang nilamutak ang puso ni Majz sa narinig mula sa binata.
"You know what, why don't we sleep it off tonight and get ready for tomorrow. I need you to relax, to calm down. We will talk more about this when you get back." Saad niya.
Hindi sa pinuputol niya ang usapan dahil ayaw niyang marinig ang mga sasabihin nito, ayaw lang niyang mag-iyakan sila na malayo sa isa't isa, isang oras at kalahati ang aktwal na layo, na kahit 52 km lang naman yan ay papatayin ka naman ng trapik at dodoble ang tagal mo.
"Will you be home when I get back?" Parang sinuntok ang puso niya. Mapait siyang nakangiti.
"I can't promise you but I will try. Gusto ko sanang magtagal ng kaunti dito kanila Tatay." Natahimik ang kabilang linya.
Hindi niya alam ang iniisip nito pero hindi niya pwedeng bitawan si Lance dahil lang sa irrational na takbo ng isip nito. Ganun din naman siya sa binata. Natatakot din siyang mawala ito sa kanya. Sino bang hindi matatakot na mawala ang isang Lance Muriel Scott, ang tinaguriang youngest businessman at youngest millionaire.
"I'll see you when you get home. I love you, Jaise." Halos malunok niya ang kanyang puso sa narinig mula sa binata. Sa tuwing sasabihan siya nito ng I love you ay ganito ang nangyayari sa internal organs niya natataranta, naghuhuramentado
"I love you more, Lance. Always remember that." Sagot niya na pinipilit na maging normal ang boses niya.
"Goodnight, my love." Napangiti siya dahil normal na ang boses ng binata.
"Goodnight, dream of me tonight, okay." Napahagikhik siya sa kalokohan niya. Napatawa na rin si Lance. Tumalon muli ang puso niya ng marinig ang baritonong boses nito.
Sino ba naman ang isang Maria Jaise para pagtuunan ng pansin ng isang Lance Muriel Scott, a good catch para sa kahit na sinong babae. Kumpara sa ibang mga kadalagahan sa mundo ng mga mayayaman katulad nito, isa lang naman siyang probinsyana na nakipagsapalaran sa lungsod ng Maynila at nakasalubong ang isang mayaman, gwapo at mapagmahal na lalaking katulad ni Lance. Kaya lang naman siya hindi gaanung apektado sa magkaibang nilang katayuan sa buhay dahil hindi hinayaan ni Lance at ng pamilya nito na maramdaman niya yun. At higit sa lahat, sa kanya ito nag-propose, siya ang pinili, siya ang ginusto nitong mapangasawa, makasama habang-buhay, wala nang iba.
Nakatulugan ni Majz ang pag-iisip ng paraan para maipanatag ang isip at puso ng kanyang fiance.
"MAJZ, nakausap ko na si Tita Alaina. Guess what!" Halos mabingi si Majz sa pagtili ni Alexa sa kabilang linya. Mabuti na lang at sa cellphone lang sila nag-uusap kaya pwede niyang ilayo sa kanya.
"Alexa. Pwede ba? Makatili naman ito." Saway niya sa kaibigan. Nabasag yata ang eardrum niya.
"Sorry. Sorry. I'm so excited to tell you the good news." Panimula nito. "I spoke to my Tita, and she is so excited to find out na gusto kong saluhin ang business niya. Mas naging excited siya nung sinabi ni Ate Maelee na gusto mong pumartner sa akin." Dugtong pa ni Alexa.
"Teka. Bakit mas na-excite siya, eh hindi naman niya ako kilala." Napaisip siya. Si Ate Maelee lang nito at si Alexa ang kilala niya sa pamilya ng mga Richards.
"Ate Maelee and I told her that you are my bestfriend and you are as ecxited as I am to take over for and she will be our consultant. And you happened to be Lance's girlfriend. Tita Alaina laughed and told me that I got her with you are my bestfriend." Kung nakikita lang siya ni Alexa, makikita nito ang pag-iba ng expression niya.
"Bakit kailangan pang banggitin na girlfriend ako ni Lance?" Napansin niya ang pagtahimik ng kabilang linya. "Hello? Alexa, andiyan ka pa ba?" Tanong niya.
"Ah yeah. I'm still here." Sagot nito. Narinig niya ang paghigot nito ng malalim na paghinga. "Majz, I understand what you mean, bur I told Tita that you are Lance's girlfriend after she agreed for us to take over her company. You being Lance's girlfriend has nothing to do with it." Pahayag nito.
"Sana nga, Lex. Ayoko lang isipin ng tao na dahil sa mga Scott kaya ako nakasali o nakapagsosyo sa iyo." Paliwanag niya. Mahirap naman kasi ang ganun. Alam na... matalas ang paningin ng tao, pero mas matalas ang dila ng mga ito. Magsasalita at magsasalita sila ng wala namang basehan at walang alam, may masabi lang, mali naman.
"No. She called Mr. Dean Villafuente and asked what kind of a person and a worker you are. Ate Maelee was the one that gave her your former employer's name. Lance's name came up dahil si Mrs. Villafuente ang nagsabi but it wasn't the reason she agreed for you to be our partner." Panimula ni Alexa.
"Hindi sa ikinahihiya ko ang maging finace ni Lance, butI alao don't want anyone to get any idea that I am using him to get what I want. You know people." Matapat niyang pahayag. Natawa si Alexa sa kabilang linya.
"You don't have to worry about that part. The reason why she said yes in a heartbeat was the fact that you have made a good impact on your last employer. They were so happy about the changes you made that profited them. Tita Alaina is expecting you to do the same on the company since it's going to be ours and we can change the way she ran it to make it better for us." Nakahinga siya ng maluwag. Ngayon, kailangan nilang pag-usapan ang presyo.
"Salamat, Lex." Saad niya.
"You're welcome." Sagot naman nito na kung nakaharap lang sa kanya ang dalaga ay siguradong kita niya ang malapad at matamis nitong ngiti.
"So, magkano daw ang share natin?" Tanong niya. Napansin niya ang biglang pagtahimik nito. "Lex? May problema ba?" Tanong niya.
"Well, there's a catch." Panimula nito.
"What's the catch?" Tanong niya. Kinakabahan siya baka kasi hindi niya kaya.
Nagulat sita kinalabit siya ng Kuya Manuel niya. Nasa tabi pala niya ito at tahimik na nakikinig. Hindi man lang niya ito napansin o naramdaman na umupo sa tabi niya. Sumenyas itong i-on ang speaker phone na ginawa naman niya.
"Alexa?" Panimula ni Manuel. "Magkano ang share ni Majz?" Dugtong nitong tanong.
"Hi, Kuya Manuel." Bati ni Alexa. Nakiki-kuya din ito dahil nga sa nakatatanda naman talaga sa kanila si Manuel. Yun na nga po, Kuya. May catch lang na maliit. Networth ng company ni Tita is about 7M. Tita would want to keep the 2.5M as her part, kasi pa rin naman ni Tita na maging bahagi ng ALR Events, Inc., at paghahatian namin ni Majz ang remaining 4.5M which total to 2.25M each. Ang catch... ang gusto niyang mangyari ay ayusin namin ni Majz ang pamamalakad nito. Hindi kami maglalagay ng pera ngayon, pag-iipunan namin ang share namin sa pagpapalakad nito and she is giving us one to two years to make it happen. Ayaw ni Tita na humingi ako ng tulong kay Mommy at Daddy to be fair for myself to be fair to her. Tita Alaina started her business on her own just using her own allowance and pushing herself to better all the time." Napahaba nitong paliwanag. Nakangiti naman si Manuel.
"May pera naman si Majz na sarili niya. Itinabi ito ni Tatay para talaga sa panimula namin, pwede naman niya sigurong gamitin yun?" Suhestiyon ni Manuel.
"That's the thing, Kuya Manuel. Hindi papayag si Tita na gawin namin yun. Kung nakapagsimila daw siya sa papucho-pucho at halos hirap siya budgeting noon na wala pa siyang clientele at hindi pa kilala ang business niya... and to top it off, hindi niya ginamit ang pagiging Richards niya non, makakaya din daw namin yun ni Majz yan ngayon lalo na't kilala na ang ALR Events." Napatango-tango si Manuel.
"She got a point." Sagot ni Manuel sabay baling sa kanya. "Ano sa palagay mo, Majz? Kaya n'yo ba ni Alexa?" Tanong ng kapatid sa kanila ni Alexa. Pareho silang bahagyang natahimik.
"Makakaya ko yan Kuya basta kasama ko si Majz. She keeps me focus." Sagot nito. Napangiti si Majz at Manuel.
"Ikaw, Majz? Kaya mo ba?" Ngumiti si Majz sa tanong ng kapatid.
"Ano naman ang palagay mo sa akin Kuya?" May pagmamalaking sabi niya. Natawa si Manuel.
"Well, in that case, I need you to be here tomorrow morning. Flight ni Tita sa gabi pabalik ng Newark." Natigilan siya. Wala pa siyang palming bumalik sa Manila. Gusto pa niyang magtigil sa San Nicolas para makasama pa ang cute niyang pamangkin at pinsan.
"Next week pa sana ako babalik diyan eh." Natahimik na pareho ang kausap niya.
"Majz, alam ko kung bakit ayaw mo pang bumalik. Umayos ka at hindi ka na bata. Harapin mo ang problema mo." Saad ni Manuel. Nakalimutan yata nila na nasa kabilang linya pa si Alexa.
"Kuya, hinaharap ko naman ah, per ayoko pa muna siyang makita." Sagot niyang pamaktol sa kapatid.
"Sige, kung yan ang gusto mo, pero eto lang ang masasabi ko sa iyo, ganyan nagsimula ang buhay ni T'yang Aning. Diyan sa mga maliliit na pagtatampo na nahulog sa tikisan hanggang sa tuluyan na sila g nagkahiwalay ni T'yong Niel. Yan ba ang gusto mo? Ayos lang naman yan kasi wala naman kayong anak ni Lance, pero yan ba ang gusto mong klase ng pagharap sa problema? Paano mong mapapatakbo itong negosyo na gusto mong pasukin ngayon kung itong personal mong problema ay hindi maharap ng harapan? Oo nga at nag-uusap kayo nagkakapaliwanagan, nagiging sweet afterwards pero ano? Usap-usap na lang sa telepono, walang harapan. Nakikita mo ba ang sakit na nararamdaman niya? Nakikita din ba niya ang sakit na nararamdaman mo? Grow up, Majz. You are not the 10-12 year old na pinuprotektahan ko noon. You need to face your own demons para maayos mo ang relasyon kay Lance o kahit na kanino pa." Mahabang pahayag/paliwanag ni Manuel na kasama na ang paninermon sa kanya.
"Majz, I'm sorry to hear that and to butt in. Lance is a very strong and loving person. I can not blame him for feeling the way he does kasi naging close silang tatlo. Ang pagkawala mo noon sa kanya at ang pagkawala ni Logan ngayon ang nag-trigger ng bago issue — mentally sa kanya. Can you blame him though? What he needs is understanding and someone to be there for him, na kahit nakakapagod, but always there to make him feel needed and wanted. Ang kasalanan lang naman ni Lance ay magmahal ng isang independent na taong katulad na hindi natatakot na mabuhay na mag-isa. Hindi natatakot na suungin ang buhay na malayo sa pamilya, Lance is the same way, too but to some extent only. When it comes to you, Lance will lose everything including his sanity and rational reasonings. I don't know if I am making any sense here. He lost you one, takot siyang mawala ka uli dahil baka this time, hindi ka na niya makitang muli and that fear escaladed when he lost Logan." Ngayon niya lang naintindihan ng maayos ang buong larawan. Nakikita na niya ngayon ng buo ang lahat.
"Kuya, pwede mo ba akong ihatid ngayon din pauwi sa bahay ni Lance? I want to go home." Nagulat man si Manuel ay nginitian apna lang kapatid.
"Yey!" Natawa siya sa sagot ni Alexa.
Matapos magpaalaman ng dalawa ay nagligpit na siya ng gamit niya. Nagpaalam siya sa Tatay niya babalik na siya. Sinabayan siya ni Manuel na mahpaliwanag kung bakit nagmamadali siya. Si Korina na mismo ang nag-utos kay Manuel na ihatid siya pabalik. Nagkatiginan silang magkapatid at sabay na natawa.
Pinabaunan siya ng T'yang Doray at Tatay niya ng mga gulay at sariwang isda. Inilagay ni Sepring sa isang malaking styrofoam box at nilagyan ng yelo at dry ice para mapanatiling sariwa ito hanggang sa makarating sa Makati. Hindi na niya tinawagan si Lance. Susurpresahin na lamang niya ito.
Maagap siyang nag-text kay Makai na handa na siyang gawin ang susunod na hakbang sa buhay niya. Natutuwa naman itong sumagot sa kanya at binati siya sa bago niyang susuungin. Natiwa siya dahil masya ang pamilya niya para sa kanya.
Naisip niya, ito ang ganitong suporta ang kailangan ni Lance na kahit hindi sila magkasama ay mawawala ang takot nito na mawala siya. Nakapagdesisyon na siya, ibinigay niya ang lahat kay Lance, ang buong niyang pagmamahal. Buburahin ng pagmamahal na ito ang takot sa puso ni Lance, sigurado siya dun.
Sumakay si Majz sa kotse ng kapatid na may masayang ngiti sa labi at puno ng determinasyon. Excited siya sa darating na mga bukas kasama ang mahal na fiance at ang bago niyang negosyo kasama ang mahal na kaibigang si Alexa.
"Okay ka lang, Majz?" Tanong ni Manuel. Sinisipat ang kapatid.
"Yes, Kuya. Thank you." Nalulunod ang puso niya sa sayang nararamdaman. Wala na siyang mahihiling pa. Handa na niyang harapin ang bukas ng mas masaya at maaliwalas.
--------------
End of LCIF 58: Future
Thank you for reading.the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.
💖 ~ Ms J ~ 💖
11.15.19
Lights! Camera! I've Fallin...
©All Rights Reserved
March 15, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro