Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LCIF 54: Young Heart




Walang tigil sa pag-iyak si Majz. Paulit-ulit nitong sinasabi ang mga katagang "ginawa niya akong tanga".

Tahimik na lamang nilang hinayaang umiyak ito kahit awang-awa na sila sa dalaga lalong-lalo na si Makai at Alexa.

Dumating si Dr. Marquez. Kinausap ang pamilya Scott at ganun din si Makai. Inubserbahan lang nito si Majz na tatahimik habang patuloy ang pagdaloy ng luha.pagkainis at pagkalito ang rumirehistro sa mga mata ni Majz hanggang sa nakatulog na ito.

"Doc, what is happening to Majz?" Tanong ni Makai. Masayahing tao ang pinsan kaya nag-aalala siya. Hindi siya sanay na nakikita itong malungkot at ganitong walang kibo.

"Psychologically? Nothing. Physically? A lot. Stress, lack of sleep or rest, good thing Lance was feeding her right. Napagod lang yan. Sabi mo nga kanina, Aaron. Marami silang ginawa, inasikaso, bumiyahe pa sila ng paroo't parito kaya ganyan. She'll be okay kapag nakapagpahinga siya." Paliwanag ni Dr. Marquez. Nakahinga ng maayos si Makai.

"Does she needs to take any meds to calm her down or anything we can do to help her out?" Nag-aalalang tanong ni Alexa. Na-stress out din kasi ang Ate Maelee niya dati dahil sa bestfriend ng Kuya Ethan niya pero okay na rin naman ngayon.

"Mukhang worried ka kay Majz ah, Alexa." Turan ni Aaron.

"Oo naman po. Naalala ko lang ang Ate Maelee noong nagde-date pa lang sila ni Kuya Ethan. She was stressed out dahil kay Ate Bianca at sa Mommy ni Ate Bianca dati, I just don't want her to experience that." Mahaba nitong sagot. Tumango-tango si Aaron at Dr. Marquez.

"I remember that. I had the chance to speak to her a few times before." Sagot ni Dr. Marquez nang maalala ang case ng Ate niya. "How is she?" Tanong nito.

"Okay naman po, Doc. Dalawa na ang anak nila ni Kuya Ethan." Nakangiti nitong sagot.

"Mabuti naman kung ganun. But this young lady over her is not like that. She was just physically exhausted at napuno na lang siguro kanina tapos sinabayan pa ng atake ni Lance kaya nagkaganyan siya." Pahayag ng duktor.

"Bakit po siya natulala kanina? Kung hindi pa siya sinampal ni Ate Brynn kanina ay hindi siya nakaiyak." Si Makai naman ngayon ang nagtanong.

"Natural reaction yun ng mga nabigla. Natulala lang siya kasi hindi kaagad ng nakuha ng utak niya ang tamang stimilant para makapag-response sa limang senses niya. Yung pagsampal ni Brynn sa kanya kanina ay parang naging daan para ma-reboot o mag-process ang utak niya. Para din kasing computer ang utak natin, nagba-backlog din kung minsan kaya kailangan ng konting jolt, push or reboot." Paliwanag nito. "She'll be okay when she wakes up." Dugtong pa ng duktor.

Napasandal silang dalawa ni Alexa at nagkatinginan, halos magpanabay pa silang ngumiti sa isa't isa. Para nabuo ang instant friendship sa pagitan nilang dalawa at ganun din sa pagitan ni Alexa at Majz.

Magkapanabay din silang napalingon kay Leland dahil ito namang lalaking ito ay paroo't parito at hindi mapakali. Pupunta sa Mommy niya na nasa private room na nakalaan para kay Lance tapos babalik sa kanila sa waiting area ng mga ilang minuto. Hindi uupo at palakad-lakad lang. Wala pa uling limang minuto ay aalis na naman, ten minutes after, babalik uli ito sa waiting area tapos Hindi uupo at palakad-lakad lang. Napipikon na si Makai at Alexa. Nahihilo na rin.

"Umupo ka nga, Leland. Para kang pusang di maanak!" Singhal ni Makai. Napahagikgik si Alexa na nakaupo sa bandang paanan ni Majz at nakapatong sa kandungan nito ang paa ng dalaga.

"Shut up, Makai!" Sikmat nito sa dalaga. Inarkuhan nito ng kilay ang binata.

"Feeling boyfriend ni Majz?" Bweltang sikmat ni Makai sa binata.

"Why do you guys always ask that? I am not trying to be the feeling boyfriend to you two Samontes. I just have a responsibility with my brothers, so cut the crap." Seryoso nitong sabi. Natahimik naman ang dalaga.

"Eh pa'no kasi ang over acting mo eh." Si Alexa na ang sumagot. Naiiling ito.

"Over acting? For the both of your's information, and I hope you haven't forgotten yet, kafo-forty days pa lang ng isa kong kapatid, tapos si Lance ay nakasalang pa sa cardio table, tapos itong si Maria Jaise ay nagkakaganyan. Ngayon sabihin n'yo nga sa akin, saan banda diyan ang hindi ko ipag-o-over acting?" Nakakuyom ang kamao nitong nakaharap sa dalawang dalaga, galit. "Alexa, you should know how we are." Dugtong nito. Tumahimik si Alexa. Nagkatinginan na lang ang mga ito at hindi na kumibo. May punto ang binata.

"Leland, relax lang, okay. They are just trying to calm themselves down." Paalala ng kanyang ama. "A lot has happened." Dugtong nito.

"I know, Dad. Keyword: has happened. Hindi ako nag-aalala sa mga nangyari na, it was done and over with. What I'm worried about is when he wakes up and when she wakes up. What then?" Humalukipkip itong humarap sa ama. Nagkatinginan sila Alexa at Makai na parang nagkakaintindihan at sabay na natahimik.

"What do you mean, son?" Tanong ni Siege. Tahimik lamang si Dr. Marquez na nakikinig at pinanonood lang silang lanat

"Lance's love for Majz is so strong, that for some odd and weird reason, triggered his arrythmia and that is why he is going through that. Instead of telling her what is going on with him, he wasn't true to her. He loves her, we all know that, but what do guys think will happen when they both wakes up and finally sees each other? Would Majz wants to see him? Would she even want to talk to him again after he lied to her?" Panandalian silang natahimik sa mga punto ni Siege.

"Magagalit siya kay Lance at alam kong magagalit din siya sa akin." Napatingin ang lahat kay Makai.

"Ano ang ibig mong sabihin, Kai?" Tanong ni Alexa. Nakangiti si Leland dahil nakikita niya ang pagkakasundo ng dalawa. Dalawang taong parehong nagmahal kay Logan.

"Logan told me about his brother na may sakit sa puso nang dahil daw sa babae. He was not specific to which brother. Now that it happened, it just occurred to me that it was Lance that he's referring to. Hindi ko kaagad naisip dahil masyado akong kinain ng mga nangyari sa pamilya namin, ang pagbabalik ni Tatay, tapos ang pagkawala ni Logan. Natakot akong malaman ang maaaring nangyari kay Logan dahil na rin sa..." Humugot ito ng malalim na paghinga. "Mas pinili kong sumama kay Tatay to deal with other things and take my mind off of Logan. Start a clean slate." Malungkot na salaysay ni Makai. "Hindi ko tuloy nasabi kay Majz ang tungkol kay Lance." Matamlay nitong dugtong.

"I just had the chance to chat with Majz today and what I have gathered about her is that she is a very reasonable person. Easy to get along with, simple, down to earth, smart and loving. She really cared about everything and everyone around her. So I'm sure she will be forgive him. She'll be upset but she'll forgive him. Magiging maayos din ang lahat." Napatingin sila kay Alexa.

"She's right. She will be disappointed that she was the last one to know but she will understand hin as soon as he gives her his explanations as to why he didn't tell her about his conditon in the first place." Dugtong ni Dr. Marquez. Sabay silang napalingon dito.

"I told him too many times to tell her already." Nanggigigil na saad ni Leland.

"Okay. Nangyari na ang nangyari. Nalaman na ni Majz. Tapos na, pero eto tayo, still continuing to argue on the matter." Mabilis silang napalingon sa pintuan ng waiting area.

"Brielle!" Mabilis na sambit ni Siege, sabay tayo para lapitan ang asawa. Hinalikan ito sa noo.

"Mom! Are you okay now?" Tanong ni Leland na lumapit na rin sa ina at hinalikan ito sa noo.

Napangiti si Makai. Ganitong-ganito si Logan sa kanya at ganyan din ang nakita niyang ginawa ni Lance kay Majz. Nagmana sila sa Tatay nila. Ang sweet.

"In a few minutes, he will be sent up to his room." Saad ni Brielle sabay turo sa monitor. "Nasa recovery room na si Lance." Mabilis nilang nilingon ang screen monitor.

"Well, tara na." Utos ng Lolo Grams nila. Siya namang pasok ni Sepring at Manuel sa waiting area.

"Sorry, ngayon lang kami nakarating." Nakangiting inabot ni Siege ang kamay ni Sepring.

"Ayos lang, balae. Naiintindihan namin." Napalingon ng mabilis si  Makai kay Siege at napangiti. Natutuwa siya sa tawagan ng dalawang ama sa buhay ni Lance at Majz.

"Hinatid na muna namin ni Manuel sila Bebeng at ang mga bata. Napapagod na rin kasi si Korina, alam mo na. Iniwan na lang namin si Romano para May kasama silang lalaki." Pagpapaliwanag ni Sepring. Tumango at ngumiti lang si Siege. "Kamusta na pala si Lance? Ano na ang balita?" Dugtong nito.

Nilingon muna ni Siege si Majz na nakahiga sa sofa sa harapan nila. Nakaulo ito sa hita ni Makai at nakapatong naman ang mga paa nito sa hita ni Alexa. Ingat na ingat ang dalawa na wag magising ang dalaga. Napangiti Sepring.

"Nasa recovery na si Lance.  Inire-ready nila para madala na sa kwarto nito. Paalis na nga sana kami eh." Salaysay ni Siege.

"Eh di, tara na pala kung ganun." Saad ni Sepring.

Lalapit sana si Leland para tulungan si Makai at Alexa nang lumapit si Manuel.

"Kuya, pakikuha nga nitong babaeng ito." Pagtataray kunwari ni Makai. Napapailing na lang si Manuel. Napatanga naman si Leland at Alexa.

"Umayos ka nga, Macaria. Kakauwi mo lang nagtataray na kaagad." Mahinang singhal nito sa pinsan. "Pero na-miss kita." Malambing nitong dugtong sabay halik nito sa ulo ng dalaga.

"Talaga? Kahit na may Ate Korina ka na, loves mo pa rin kami ni Majz?" Nakanguso nitong tanong. Hinalikan ni Manuel ang noo ni Makai bago muling nagsalita. Nakatunghay lang si Leland at Alexa sa kanila, nakangiti.

"Syempre naman. Maliban kay Nanay, kayong dalawa lang ni Majz ang mga naunang babaeng minahal ko." Napangisi ng malapad si Makai sa pinsan. Inakap niya ito sa leeg ng mahigpit. Napaubo tuloy ang lalaki.

"M-macaria Sacay! P-pwede ba wag mo akong patayin? M-mabubyuda si Korina, kawawa yung magiging anak ko." Hirap nitong sabi. Binitiwan naman kaagad ni Makai ang nakatatandang pinsan. Nag-peace sign ang dalaga dito.

"Sorry, Kuya. Love you." Sabi pa nito at hinalikan ang pinsan sa pisngi. Napailing-iling na lang si Manuel. Nagkaedad man ang pinsan ay naroon pa rin ang pagiging isip-bata at makulit pa rin ito.

"Umayos ka nga." Nakangiti nitong singhal kay Makai. Mabilis na kumilos si Manuel at binuhat ang kapatid.

"Brod, sunod ka sa amin." Sabi ni Leland. Nagulat pa sila ni Manuel dahil may isang bakanteng stretcher ang nakaantabay sa labas ng waiting area. Itinuro ito ni Dr. Marquez.

"Manuel, dito mo na pahigain si Majz. Medyo malayo-layo pa ang kwarto ni Lance mula dito. Aakyat pa tayo ng fourth floor." Sabi ni Brielle.

Tumango naman ang ama niya bilang pagsang-ayon dahil alam ni Sepring na bubuhatin ng panganay niya ang bunso niyang anak kahit saan pa ito dadalhin, kahit gaano pa kalayo, at kahit pa may kabigatan na si Majz.

Maingat na inihiga na nga ni Manuel ang kapatid. Kinumutan ito kaagad ni Makai. Itinaas naman ni Leland ang isang sidebar ng stretcher para hindi ito mahulog. Nang maiayos nani Manuel si Majz ay itinaas naman ni Alexa ang kabilang sidebar.

Sabay-sabay at tahimik na nilang tinungo ang elevator. Nauuna si Manuel at Leland na hawak ang magkabilang sides ng stretcher at tulak-tulak ito. Nakasunod nila si Makai at Alexa na magkahawak kamay, tapos sa likod nila ay si Dr. Marquez at mga nakatatanda nila.

Nakarating sila ng fourth floor na walang masyadong imikan o kibuan sa loob ng elevator puro ngiti at tinginan lang ang namagitan sa kanila. Bawat isa sa kanila ay nag-iisip. Ano nga ba ang mangyayari kapag nagising na si Majz at Lance. Sila ang nakararamdam ng tensyon na wala pa man ay namumuo na.

NAGSIUWIAN na rin ang mga Samonte, Villasis t Scott, tanging si Makai, Alexa at Leland na lang naiwan. Nailipat na rin si Lance dito sa kwarto ngunit tulog pa rin ito dahil sa sedative na ibinigay dito matapos ang recovery period. Sinadya ni Dr. Tuazon na gawin yun.

"Ayaw mo pang umuwi, Alexa?" Tanong ni Leland dito na pahigang nakaupo sa isahang sofa sa isang bahagi ng kwarto. Umiling ito.

"Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" Tanong naman ni Makai. Umiling uli ito.

"No. Kuya Aldrin, told my dad what happened. Sabi ni Mommy, samahan ko na lang daw kayo. Wala naman akong lakad at gagawin ngayon." Saad nito.

Nakataas ang paa ni Alexa na parang inupuan nito ang binti at mukha namang relax ang dalaga sa pwesto nito sa kabilang dulo ng sofa habang halos ganun ang posisyon ni Makai sa kabilang dulo nito. Nasa Isabang sofa naman si Leland at nakapatong naman ang Paa nito sa maliit na lamesa. Mukhang bored silang tatlo.

Malapit sa pintuan ang stretcher na hinigaan ni Majz at nasa kabila lang niya si Lance.

Lumipas ang buong magdamag na tulog pa rin si Majz. Sa sobrang pagod siguro nito ay hindi na kinalaban pa ng utak nito ang haba ng pamamahinga ng katawan.

Maya-maya lang ay natahimik na muli silang tatlo. Ilang sandali pa, nakatulog na ang tatlo. Wala pang isang oras na nakakatulog ang tatlo nagising naman si Majz.

Nag-inat siya at pinakatitigan ang kisaming nakatambad sa kanya. Puti ito at malamlam na nasisilayan ng ilaw na mula sa apat na recessed lights sa kisame. Ipinalibot niya ang paningin, tsaka niya lang naalala na nasa ospital pala siya pero hindi ito yung kwarto na kung nasaan sila kanina.

Umupo siya sa kama. Nakita niyang nasa iisang sofa si Alexa at Makai at parehong nakaupong natutulog, ganun din si Leland. Naalala niya si Lance.

"Lance—" Tatayo na sana siya para lumabas nang makita niya ang binata na nakahiga sa kabilang gilid lang niya. Tumayo siya at nilapitan ang binata.

Mapaiyak siya nang makita niya ang heart monitor sa bandang ulunan nito na permanenteng nakapwesto doon, mga wires na nakakabit sa dibdib ng kasintahan. Normal ang heartbeat nito at panatag naman ang pagtaas baba ng dibdib ng binata. May nakalagay din na nasal insert o yung tinawag na nasal cannulae ng oxygen sa ilong ni Lance para tumulong sa oxygen intake nito. Hindi naman mukhang delikado ang kalagayan ni Lance.

Magaan niyang hinaplos ang pisngi ng binata. Mainit ito kahit na malamig sa loob ng kwarto.  Naiinis pa rin siya sa binata dahil hindi nito sinabi sa kanya ang karamdaman nito. Nagagalit siya dahil hindi niya alam na may dapat pala siyang pakaingatan sa binata.

"I trusted you to be honest with me. Akala ko nasabi mo nang lahat, yun pala may itinatago ka sa akin." Mag-isa siyang nagsasalita.

"Alam mo bang naiinis ako sa iyo? Pinaglihiman mo ako. Pinagmukha mo akong tanga sa harap ng pamilya mo. Ito yung mga bagay na dapat alam ko para maiwasan ang mga ganito." Patuloy lang sa pagtagas at pagtangis si Majz.

"Ang unfair mo sa akin, Lance. Sabi mo mahal mo ako pero hindi mo ako pinagkatiwalaan. Akala mo ba hindi ko maiintindihan ang bagay na ito? Akala mo ba iiwanan kita dahil may sakit ka sa puso?" Humugot muna siya ng paghinga ay bahagyang pinunasan ang luhang pumatak sa kamay ni Lance. Hinagap niya ito.

"Alam mo naman na mahal na mahal kita. Kahit na anong mangyari ay hindi kita iiwan, kahit na hilingin mo pang umalis na ako sa buhay mo, mamahalin pa rin kita." Lalo na lamang umiyak si Majz. Nasasaktan siya kasi parang walang tiwala si Lance sa kanya.

"Alam mo ba, noon pa man ay napansin na kita? Akala mo lang hindi. Alam mo rin ba na noon pa man minahal ka na ng puso ko. Sabi ko sa sarili ko nung una kitang makita, kung magkakaroon ako ng boyfriend paglaki, gusto ko sana ikaw yun. Ipinagdadasal kita palagi sa Diyos. Nalungkot ako nung hindi ka na nakabalik kasama ng medical mission ng mga taga Manila. Nalungkot ako. Naisip ko na kakalimutan na muna kita. Mag-aaral muna ako ng mabuti para makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho, para yumaman din akong katulad mo, para bumagay ako sa iyo. Para kapag nagkita tayong muli ay papansinin mo na ako." Pinahid na muli ni Majz ang kanyang luha. Hindi naman mapatid-patid ang pagdaloy nito. Mapait siyang ngumiti ng may isang bagay siyang naalala.

"Natuwa ako nung sinabi nila na may essay contest sa school namin at ang foundation n'yo ang sponsor, pinagbuti ko ang essay ko para sana kung makita mo ang pangalan ko ay babalik ka sa San Nicolas sa final awarding, pero hindi. Ang mga Lolo mo lang ang dalawa mong kapatid ang kasama." Patuloy niyang pagkukwento kahit alam niyang heavily sedated ito.

"Naalala mo noong nakikita mo ako sa liwasan?" Tanong niyang natatawa kahit na masayang umaagos ang luha niya. Pinahid niya ito bago nagtuloy sa pagsasalita. "Sinadya ko talagang doon mag-basa ng libro kahit wala naman sa libro ang atensyon ko, kasi gusto kitang nakikita tuwing hapon. Nag-volunteer ako sa school namin kahit summer para may dahilan ako kanila Tatay at Kuya kung bakit mapapadalas ang pagpunta ko sa liwasan. Ang rason ko para sana makatulong sa teachers ko, pang-extra credit. Pero ang totoo, para makita kita. Alam kong may kapatid kang kamukhang-kamukha mo pero yung puso ko, magaling talaga, kasi hindi siya nalito kung sino ka sa inyong tatlo." Nakangiti siya sa kanyang sinabi.

"Hindi ko alam ang pangalan mo noon, pero sabi ng kadalagahan doon na Lance daw ang pangalan mo. Nalilito man sila sa dalawa mong kapatid pero sa iyo hindi, kasi ikaw daw yung loner. Hindi ako sumasali sa kwentuhan nila pero sinagot ko sila sa isip ko. Sabi ko, hindi ako malilito kung sino ka sa inyong tatlo kasi yung puso ko makakakilala sa iyo at hindi ka 'magiging loner forever' kasi nandito lang ako. Hindi pa nga lang ako pwede kasi bata pa ako, kasi sabi ni Lord, 'hindi pa daw ako ready', hindi pa daw siya tapos sa akin. Pero bakit ganun, bakit hindi mo sa akin sinabi na may sakit ka?" Nagpahid siya nang luha at matamang tinitigan ang binata tsaka tumayo

Inilibot niya ang paningin para hanapin ang kanyang sapatos. Isinuot niya kaagad ito nang mabilis at mabilis ring lumabas ng kwartong. Malamig ang simoy ng hangin ng gabing yun. Sapo ang dibdib niya na tumawag ng taxi na paparating.

Hindi niya alam na napadpad na pala siya sa Divisoria. Hindi niya alam kung ano ang ginawa niya dito. Alas tres ng madaling araw ay nandito siya lugar na maya-maya lang ay puno na ng tao. Bakit ba ako nandito sa Divisoria? Nagulat siya nang masagi siya ng isang lalaki.

"Ay, sorry Miss." Sambit nito na hahawakan sana siya nito ngunit umatras siya.

"Anton! Umayos ka kasi! Tumingin ka naman anak kung saan ka pupunta, nakakasakit ka ng tao eh." Saway ng babaeng kasama pala nung lalaking may takip sa mukha. Pinakatitigan niya ito. Mapait siyang napangiti. Pati ba naman dito nasusundan ako ng mata ni Lance.

"Okay lang po yun, Ate." Sagot naman niya.

"Naku, Hija. Madilim pa, nasa parte ka ng Divisoria na hindi kagandahan. Sumabay ka na sa amin at doon ka sa maraming tao maglakad, delikado dito, ineng." Saad ng babaeng kaedaran lang ng Tatay niya.

"Okay lang po ako." Sagot naman niya nag-aalanganin.

"Sigurado ka?" Paniniguro ng ginang.

"Ma, mas mabuti pa siguro mauna na lang tayo, pwede naman siyang sumunod sa atin kung ayaw niyang magtiwala." Suhestiyon nung Anton.

"Mabuti pa nga. Yan naman kasi pustura mo, anak eh, nakakatakot." Sang-ayon ng ginang. Nagpatuloy itong naglakad, sumunod naman ang anak nito, kaya sumunod na rin siya sa dalawa dahil ang totoo ay natatakot din siya sa binabaan niya.

"Ma, ano naman kasi ang nakakatakot sa mukha ko? Nakatakip na nga eh." Narinig pa niyang reklamo nito sa ina.

"Tingnan mo naman kasi yang porma mo." Humarap ang ginang sa anak at napatigil ito kaya napatigil din siya. "Naka-black hooded jacket ka, may takip yang mukha mo na para kang holdaper. Natural na matatakot siya sa 'yo." Sabay turo sa kanya. Napakamot ng ulo ang lalaki. Lumingon ito sa kanya.

"Sorry, Miss. Mas nakakatakot kasi ang mukha ko kung walang takip." Saad ni Amton. Napaatras si Majz.

"Okay lang. Gusto ko lang maglakad at mag-isip." Wala sa loob niyang nasabi.

"Ganun ba? Mas mabuti kung doon ka sa matao o di naman kaya diyan sa may mga kainan mag-stand by. Mas safe doon at siguradong walang babastos sa iyo doon." Turan ni Anton. Ngumiti siya.

"Salamat." Simple niyang sagot. Nagsimula na muli itong maglakad, mabilis. Sumunod na rin siya hanggang sa marating nila ang sinasabing kainan. Doon na sila naghiwalay. Tahimik na lamang siyang nagpasalamat sa mag-ina dahil hindi na niya nagawa. Mabilis na nawala ang mag-ina sa kanyang paningin.

Nagpasalamat siya sa dalawang yun dahil nawala sa isip niya panandalian si Lance at ang pagsisinungaling nito sa kanya.







--------------
End of LCIF 54: Young Heart

Thank you for reading.the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
11.06.19

Lights! Camera! I've Fallin…
©All Rights Reserved
March 15, 2016

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro