LCIF 53: Fool
"Ano ba ang laman ng utak mo huh, Cammi?! Alam mo ba na nag-umpisa ka ng gulo!?" Hindi mahagilap ni Ethan ang tamang salita. Gusto niya itong murahin pero po ipigilan niya dahil sa respeto sa tiyuhin. "Kapag may nangyari sa mommy at kapatid ko, magtago ka na sa pinanggalingan mo, Martha Camilla!" Sigaw ni Ethan. Gigil na gigil itong tinalukuran ang pinsan at hinarap ang walang malay na ina.
"Virgil! Erica! Kausapin n'yo yang panganay n'yo! Baka hindi ako makapagpigil, hindi ko matantiya yan!" Galit na galit na saad ni Siege. "Ilayo n'yo ang bayang yan sa akin!." Hindi na nakasigaw na dugtong ni Siege.
Sa hindi nakakaalam at nakakakilala ka Siege, pagdating sa aswa niya ay super over protective ito, over acting na nga kadalasan at maswerte si Cammi dahil pamangkin niya ito.
Hinarap na nito ang asawa na ngayon ay buhat-buhat ng panganay na anak na si Ethan palabas ng hall at mabilis na isinunod kay Lance.
Habang natataranta ang mag-aamang Scott sa labas kasama ni Majz, nagkakagulo din sa loob. Nagkakainitan si Alexa at Cammi dahil sa pamamahiya ng kaibigan kay Majz. Hindi nito gusto ang ginawa nito sa kasintahan ng kaibigan.
"You are so ridiculously unbelievable, Cammi!" Napataas ang boses ni Alexa sa kaibigan.
"What? What so ridiculous about it? Sinabi ko lang naman kasi ang totoo! Hindi siya bagay sa family namin, mas bagay kayong dalawa!" Pagtataray nito. Walang pakialam sa mga nangyayari labas ng event hall.
"You are not getting the point here, Cammi. You are not even trying! I don't like him like that and he doesn't too." Frustrated nitong singhal sa kaibigang may katigasan ng ulo.
"Anong doesn't like-doesn't like ang pinagsasabi mo? In denial lang kayo. And what point ang sinasabi mo? Yung point na na in love siya sa imaginary-ng dalagitang yun? If I didn't know them any better, maniniwala na sana akong tunay ang lahat but knowing them, imbento lang nilang tatlo yan. Parang prank that gone wrong tapos pinanindigan na lang nila at para hindi mapahiya si girl, nag-propose na lang si Lance because of pity. You know them, Lex, they are so makulit and magulo." Pangangatwiran pa nito.
Lingid sa kaalamanng lahat kanina pa pala dumating si Makai at Niel. Tumuloy ito sa lamesa nila Sepring at Makai naman ay sa lamesa nila Majz tumuloy.
Napahinto lang si Makai nang makita nito ang asiwang expression ng pinsan. Narinig din nitong lahat ang mga sinabi at ibinato ni Cammi kay Majz ng mga nakakainsultong salita.
Isa sa ugali ni Makai ay ang sobrang pagmamahal sa pamilya nito. Nalalayo man ito kadalasan sa mga ito pero mahal sila ng dalaga hindi dahil sa rason na ito lang ang meron siya kundi dahil sa iyon ang lang ng puso niya. Umalis ang dalaga ng San Nicolas dahil ayaw niyang nasasaktan ang mga ito sa tuwing tahimik siyang kinukutya ng mga kababayan nila.
"Martha Camilla, that girl was not made up. She's not an illusion or imaginary. She's real. Lance has told about her a while back and Majz told me the same story." Malumanay na turan ni Alexa. "Lance is really in love with her, it is not a joke. And you will be very sorry kung hindi mo babawiin ang lahat ng sinabi mo against Maria Jaise." Naiinis nitong dugtong. Pinamewangan siya ni Cammi.
"Pati ba naman ikaw ay naniniwala sa kalokohan ng tatlong yun? Kung hindi ko pa alam baka binayaran lang nila ang babaeng yun para umakting na fiance ni Lance para lang sabihin na may girlfriend siya. Or better yet, they were just doing that to make you jealous." Napahalakhak ng hilaw si Alexa.
"Wow! Saang teleserye mo naman na kopya yang ideya na yan, Cam?" Pasinghal nang saad ni Alexa. "Mahiya ka nga! There's nothing to be jealous of dahil wala akong gusto kay Lance and vice versa. Lance truly, deeply, madly loves Majz and you need to accept that!" Pikon na pikon na si Alexa sa pagiging saliwa ng paniniwala ng kaibigan at pagiging unreasonable na ito.
"No. Hindi ako naniniwala!" Bwelta nito kay Alexa.
"My God, Cam! Everyone in the family believe they are real, even Logan's girlfriend, Majz' cousin is real. I believe that what they have is real. Tita Brielle believed they're real and she loves both of them. Why can't you see that?!" Kung pwede lang itakwil ang kaibigan niyang ito ay ginawa na niya, kaya lang hindi pwede eh. Wala itong ibang kaibigan kundi siya at ngayon alam na niya kung bakit.
"Dahil hindi ako uto-uto na kagaya ninyong lahat para maniwala sa gold digger na yun." Nandiyan ang mga mata ni Alexa sa narinig mula kay Cammi. "Lex, Lance is a multi-millionaire guy at a young age of 16, and out of the three of them, he was the first one to make his first 50 million. Logan made his first 60 million at 17 and Leland made his first 50 million right after Logan. Ano sa palagay mo ang habol ng Maria Jaise na yan huh?! Malay mo, magkakuntyaba pala ang dalawang yan sa pagkamatay ni Logan!" Pasigaw nitong sabi. Nagpanting ang tenga ni Makai sa mga naririnig mula sa pinsan ng boyfriends nila.
Ayaw sanang ilabas ni Makai ang ugaling yun dahil nakakasakit siya ng tao. Wala siyang pakialam kung guluhin at pagsalitaan siya ng iba, sanay na siya doon. Kinakain niya ang pang-iinsulto ng tao mula almusal hanggang midnight snacks. Sanay na siyang inaapak-apakan, pero ang kantiin ang pinakamamahal niyang pinsan at pamilya, ito ang hindi niya mapalalampas. Maghahalo ang balat sa tinalupan 'ika nga. Lalo pa ang pagbibigay tangan sila ng kasinungalingan.
Mabilis pa sa sipol ng alas kwatrong uwian ang kilos ni Makai. Inilang hakbang niya lang ang distansiya niya kay Cammi at mabilis na inilingkis sa kanyang mga daliri ang buhok nito at patayong hinila ito.
Walang nagawa si Cammi kundi ang bumitaw ay magpalabas sa sakit. Pati na rin si Alexa ay napatda at hindi nakahuma dahil pagkabigla sa bilis ng pangyayari.
"Gold digger huh!" Nanggigigil niyang sabi. Nagtatagisan ang kanyang mga bagang. "Sa susunod na ibuka mo yang mabaho mong bibig, pipiliin mo ang kakalabanin mo." Dugtong ni Makai. Hindi sumisigaw pero puno ng galit at pagtitimpi. Nirerespeto pa rin niya ang pamilya Scott.
"Martha Camilla!!" Dumadagundong sa loob ng event hall ang boses ng galit na galit na Leland. Nagtayuan lalo ang mga nakatatanda kung sinuman ang naiwan.
Mabilis kasing sumunod ang mga magulang ni Siege at Brielle nang marinig nila ang pagsigaw ng saklolo ni Majz para daluhan ito. Bumalik lang si Leland dahil kailangan niyang harapin ang matabil niyang pinsan at siguraduhing hindi madedehado ang biyuda ng kapatid.
"L-leland." Halos mabulol na sambit ni Cammi.
Masakit na nga ang anit nito dahil sa higpit ng pagkakasabunot ni Makai. Inaawat na ang dalaga ng ama at mga tiyuhin at tiyahin nito pero hindi ito nagpaawat. Maging ang mga magulang ni Cammi at pilit na inaalis ang kamay Makai, hindi nila ito matinag.
"Maria Kaila Mundoñedo! Bibitawan mo ba siya o bibitawan mo?!" Galit na sikmat ng T'yong Sepring nito.
"Anak, please. Bitawan mo na ang buhok niya." Pagsaway ni Niel sa anak.
"I love you, Tay. I love you, T'yong pero patawad hindi ko kayo susundin." Kalmado at mapagpaumanhin nitong sagot pero naroroon pa rin ang galit sa mga mata nito. Napabuntong-hininga na lamang ang dalawang lalaki.
"Ano ang sinabi mo kay Majz?" Nabaling na muli ang atensyon ng lahat kay Leland.
"Wala akong sinabi
sa kanya! I wasn't even talking to her!" Sigaw nitong nakangiwi at umiiyak.
"Please, Miss, will you let go of my daughter's hair." Naiiyak na pakiusap ni Erica kay Makai.
"Miss? Hindi n'yo pala kami kilala eh pero husgahan kamo nitong anak n'yo akala mo ay kilalang-kilala kami." Matapang na hinarap ni Makai si Erica. "Alam n'yo po ba kung ano ang mga pinagsasabi nito tungkol sa akin at sa pinsan ko? Lalong-lalo na sa pinsan ko." Napakunot ng noo si Erica at Virgil.
"Ang sabi niya ay binayaran lang daw kami ni Lance para umakting girlfriend nila. And to top it off, tinawag pa po niyang gold digger si Maria Jaise." Magalang na pahayag ni Makai ngunit punong-puno ng galit para sa dalaga.
"You did it this time!" Rinig ang pagsigaw ni Leland. Galit na galit ito. "I'm not done with you. Ipagdasal mo na walang mangyaring masama kay Lance. Pray so hard that whatever you did and said to Majz won't be the reason why Lance will hate you for the rest of your pathetic and lousy life." Dugtong ni Leland.
"At kapag may nangyaring masama kay Lance na ikaluluungkot ng pinsan ko, tandaan mo ang mukhang ito!" Singhal ni Makai sa pagmumukha ni Cammi. "Nagkakaintindihan ba tayo? O kailangan ko pang i-tranlate para maintindihan mo?" Simpleng pang-iinsulto ni Makai kay Cammi.
Nakasabunot pa rin ang kamay ni Makai sa buhok ng dalaga. Naiinis lalo si Makai dahil maarteng pagpupumiglas nito.
"Tang-ina naman Cammi! Look what you did?! Hindi mo ba alam na isinugod sa ospital si Lance at Tita Brielle? Ang gago mo lang kasi. Napaka-self-centered mo!!" Galit na rin si Theo dahil napamura na ito.
"You done it this time. You went overboard!" Sobra na ang pagkapikon ni Alexa sa kaibigan kaya nilayas nito ang dalaga. Hindi pa rin binibitawan ni Makai si Cammi.
Natataranta naman ang mga magulang ni Cammi pero hindi talaga nila maihiwalay ang kapit ni Makai sa buhok ng anak. Tumawag pa sila ng guard na wala ring nagawa dahil pinandilatan lang sila ng galit na mga mata ni Leland.
Galit na galit at nag-uumusok ang bumbunan ni Brynn. Mabilis niyang naabot si Cammi at malakas na sinampal ang pinsan. Nagulat ang lahat. Ni minsan kasi, kahit na mataray ang unang prinsesa ng Scottsdale Empire, hindi ito nananakit physically. Pero ngayon ay iba. Namumula ang pisngi ni Cammi. Bakat na bakat ang palad ni Bruno sa pisngi nito. Walang nagawa ang dalagang mapagtulungan ng lahat kundi ang umiyak na lamang. Wala na ring nagawa si Erica dahil nakikita nito ang nagpupuyos sa galit na asawa.
"You better pray to all the gods you know na walang masamang mangyari kay Lance. Dahil kapag nangyari yun, isusunod kita kay Logan bago pa magbabang-luksa!" Gigil na gigil na pahabol ni Brynn.
"Cammi, anak, ano ba ang ginawa mo? Hindi mo ba alam na may sakit sa puso si Lance?" Gulat ang rumehistro sa luhaang mukha ni Cammi sa pinagtataguan ng ina.
"S-sakit sa puso? S-si Lance?" Nauutal nitong bigkas. "Paano? Kelan pa?" Hindi magkandaugaga ito sa sunod-sunod natanong. Hindi yata rumirehistro sa utak nito ang mga nalamana dahil sa lakas ng sampal na natangap mula sa nakatatandang pinsan.
"Yes, sakit sa puso!" Halos sabay-sabay na sagot ng mga nakakaalam. Napapikit ng mariin si Cammi. What have you done, Idiot?! Sigaw ng isip nito.
"Did you now that Majz is the only reason why he is so determined to get better?" Ini na turan ni Theo. "Ang kitid kasi ng utak mo, Cam. Napaka-one sided mo." Dugtong pa nito.
"Erica, take her away and do not make me see her when I get home. Kapag may nangyari sa kapatid ko, God forbid, Erica. Anak ko man siya, pipilipitin ko pa rin ang leeg niya!" Nabigla at napasinghap ang mga umaawat kanila dahil sa sinabi ni Virgil.
Maging si Erica ay nagulat ngunit pilit na kinakalma ang sarili. Alam niyang galit lang ang asawa. Alam niy aksi ang history ng pamilya ni Virgil kaya hindi niya ito masisisi na maging ganito ito ka overacting. Maging siya ay naranasan ang sobrang kabaitan nito. Isusugal nito ang sariling buhay pra sa iba, lalo na at pamilya.
"Babe, wag naman ganyan. Anak mo pa rin siya." Umiiyak na saway ni Erica sa asawa. Hindi sa kanya nakatingin ang asawa, alam niya kung bakit kaya tumahimik na lang siya.
Hinawakan ni Leland ang kamay ni Makai at pinisil ito. Sinenyasan na bitawan ang dalaga. Labag man sa loob ay unti-unti niyang niluwgan ang hawak sa buhok nito hanggang sa tuluyan na itong bumitaw. Napailing siya sa nakitang mga hibla ng buhok ng dalaga na nakapulupot sa mga daliri niya.
Alam na ng lahat ang pinagdaanan ni Lance at kung sino talaga si Majz sa buhay ng binata, kung sino ito noon at kung sino ito ngayon.
"I just got upset kasi he ignored my friend Alexa. Tapos the next thing I know, nangligaw na pala siya ng iba after he said that he will never fall in love again, not unless it's to the girl who broke his heart in the first place." Saad nito. Napadapa ng noo niya siya si Virgil, Leland at Brynn.
"Gaga! Boba!" Hindi napigil ni Brynn na hindi magsalita. Naiirita siya katangahan ng pinsan. "Have it occurred to you na baka nga itong na yung babaeng yun?! Atribidang Paepal ka kasi. Ewan ko ba at bakit parang kulang ka sa pansin palagi. Puno ka naman ng attention mula kanila Tito Virgil at Tita Erica and everyone else." Dugtong pa nito.
"That was a stupid answer, Cammi! What's it to you kung magmahal uli siya ng iba? What's it to you kung hindi si Alexa yun? It doesn't give you the right to insult Majz!" Nagpipigil sa galit na saad ni Theo.
"And for your little brain's information, Maria Jaise was that girl." Saad ni Leland. Napanganga si Cammi.
"Si Majz at si San Nicolas girl ay iisa?" Walang alam si Cammi sa mga nangyayari pamilya niya dahil kung hindi rin lang naman niya mapapakinabangan ay wala siyang pakialam. In short, if it doesn't pertain to her, it is not relevant nor important.
Hawak kamay si Makai at Leland na tumalikod na para umalis. Sumunod din sa kanila ang pamilya ni Majz. Pero bago tuluyang lisanin ang lugar ay hinarap nila ang dalaga. Pinaghalong awa at inis ang makikita sa mga mata nila.
"Alam mo, hija, sayang ka. Ang babait ng mga magulang, apuhan at kamag-anak mo. Ikaw lang ang namumukod tanging ganyan ang ugali." Malumanay ngunit malinaw na pagkakasabi ni Bebeng.
"Kaya nagtataka kami kung kanino mo namana yan. Isisisi ko pa sana sa mga magulang mo kung hindi ko sila nakilala. Ang babait nila eh, kaya... ay ewan." Sabat ni Doray. Napapailing-iling itong hinihimas na namimintog na tiyan.
"Mabuti na lang at mayaman kayo, at least may mabibili kang kakausap sa iyo." Napapailing na turan ni Sepring. "Pero sa susunod na pagsabihan mong bayaran at gold digger ang anak ko, makikita mo kung paanong tratuhin ng mga probinsiyanong mahihirap na katulad namin ang mayamang matapobreng katulad mo, kaya mag-iingat ka." Pagtatapos na pahayag ni Sepring. Salitan nitong tinitigan ng diretso sa mata ang mga magulang ni Cammi bago ito tumalikod.
"Pinag-aral kita sa matinong paaralan at tinuruan ka namin ng magandang asal at pagpapakumbaba, pero ano itong ginagawa mo? What have Maria Jaise ever done to you, for you to make her feel unwelcomed at harap-harapan mo pa talagang binastos? Who are you to judge whether their relationship is real or not? Who are toy judge her na bayaran siya at gold digger? Have you even tried knowing her? Did she ever tell you or show you that she's up to no good? Martha Camilla, galing din sa hirap ang Lola at Mommy mo." Nanggagalaiti nitong turan. Kulang na lang ay lunukin nito ng buo ang anak.
"I'm sorry, Dad." Iyak nito. Pilit na inaabot ni Cammi ang ama pero lumayo ito.
"Hindi na kita kilala, Cammi." Singhal nito sa anak. Makikitang namumula ang mga mata nito. "Alisin mo na siya sa harapan ko, Erica habang kaya ko pang magtimpi." Matigas nitong saad.
"MAKAI, get in the car. Sundan natin sila sa Saint Luke's." Utos ni Leland. Hindi naman pumalag si Makai.
"Hey, wait for me!" Sigaw ni Brynn na nakasunod din sa kanila.
"You stay her and help Kuya Aldrin." Magkasalubong ang kilay na sagot ni Leland sa kapatid.
"Hayaan mo, Land. Hindi rin naman mapapakali yan dito." Sabay ni Aldrin. "Ako na ang bahala kay Maelee at sa mga bata. Isabay n'yo na ang Ate n'yo. Susunod na lang kami mamaya." Wala nang nagawa si Leland kundi sundin ang nakatatandang bayaw.
Lulan ng kotse, nilisan nila ang hotel. Hindi na nila alam kung ano pa ang nangyayari sa loob event hall at wala silang pakialam.
SA HOSPITAL. Galit na sumalubong si Dr. Tuazon sa kanila.
"Ano namang nangyari dito?!" Bahagyang sinulyapan ang stretcher kung saan nakahiga si Lance at nakasunod naman ang stretcher na hinihigaan ni Brielle. Pareho itong naka-oxygen.
Sasagot na sana si Siege at Ethan. Sinaway sila nito. "Mamaya na." Dugtong nito at binalingan na ang mga staff.
"Prepare for cardioversion." Simple nitong saad na nakaturo kay Lance. Tumango naman ang mga nurses at staff at mabilis na itinulak ang stretcher ni Lance papuntang kaliwa at si Brielle naman ay sa ER lang.
Walang nagawa ang mag-ama at si Majz kundi ang umupo at maghintay. Hindi na makakausap ang doktor ng matino dahil galit ito sa kanila.
Walang kibuan na umupo sila sa waiting area. Mamaya lang ay dumating si Alexa.
"Majz." Tawag nito sa dalaga at umupo sa tabi nito. Walang salitang lumabas sa bibig nito, basta nandun lang ito sa tabi ni Majz. Tahimik lamang si Majz, walang kibo. Tulala.
Makalipas ang lampas kalahating oras ay dumating na rin sila Leland sa ospital. Naabutan nilang pabalik-balik si Ethan at Siege. Balisa at hindi mai-drawing ang mga mukha. Nakaupo lamang si Majz sa tabi ni Alex, tahimik at tulala.
"Dad, how's Lance?" Maagap na tanong ni Leland.
"Hindi pa namin alam." Sagot ni Siege.
"How's mom? Where is she?" Tanong ni Leland.
"Nasa ER pa rin. She's still out." Sagot uli ng ama. "Nandun ang mga Lolo n'yo." Dugtong nito para mapalalampas ang mga anak.
"Is there any news about Lance? Lumabas na ba si Doc Tuazon?" Tanong ni Brynn. Umiling lang ang ama.
"Nurse lang ang lumabas kanina para papirmahan kay Daddy ang waiver." Sagot ni Ethan sabay lingon kay Majz na tahimik pa rin.
"Majz, nandito na ako." Malambing na pagbati ni Makai sa pinsan. Hindi ito sumagot, ni hindi rin siya nilingon nito. Napatingin si Makai kay Ethan, Alexa at Siege. Nagkatinginan ang mag-aama.
"Majz?" Yinugyog ito ni Brynn. Wala itong kibo. Blangko ang mga mata nito. Parang gising ngunit walang buhay.
"Dad, what's wrong with her?" Nag-aalalang tanong ni Brynn.
"Tito, okay lang po ba siya?" Tanong din ni Makai. Napailing si Siege.
"I'm not sure. Hindi ko napansin na natulala na pala siya. Akala ko ay tahimik lang siya diyan." Nag-alala na rin si Siege.
Lumuhod sa harap ng dalaga ang pinsan para kunin ang pansin nito. Talagang tagusan ang tingin sa kahit kanino sa kanila. Nag-alala na si Majz.
"Majz? Majz... Please, Majz. Huy! Ano ba ang nangyayari sa iyo, insan?" Naiiyak na si Makai. "Pansinin mo naman ako oh. Huy!" Dugtong nito. Kababalik lang nito tapos ito na naman ang problema.
Pak!
Lahat sila ay nagulat sa lakas ng tunog na nanggaling sa palad ni Brynn sa mukha ni Majz.
"Brynn!" Sigaw ni Siege sa ginawa ng anak.
"Aaaaah!" Sigaw ni Majz sabay hugot ng malalim na paghinga, sininok ito at malakas na humagulgol. Mabilis na inakap si Makai. Alerting kumuha ng tubig si Leland.
"Kai, si Lance." Sabi ni Majz at nagpatuloy sa paghagulgol. Hinaplos ni Brynn ang likod ng dalaga. Awang-awa ito sa future hipag niya. Lumapit na rin si Alexa para alalayan na rin ang dalaga.
"Ssshh. Magiging maayos din ang lahat. Napagod lang siya siguro tapos na-overwhelmed. Alam mo naman ang adrenaline di ba. Minsan nakakabuti sa tao, minsan naman ay hindi." Pagpapaliban mood nito sa pinsan.
"Ethan, call Dr. Marquez." Utos ni Siege kay Ethan. Si Dr. Marquez ay psychologist/psychiatrist ng pamilya, kaibigan din ito ng pamilya.
"Majz, he will be alright. He was okay then, he will be okay too this time." Malambing na sabi ni Alexa. Lumingon si Majz dito.
"Alexa. H-hi." Bati ni Majz dito sa mababang boses. "A-ano ang ibig mong sabihin?" Nagtataka at nalilitong tanong Majz. Parang may itinatago ang mga ito.
"Few years ago, about eight years, nadiskubrihan namin na may heart arrhythmia pala itong si Lance. Na-trigger daw ito ng biglang pagiging malungkutin nito at isolated sa lahat. He got to the point of going to seminary to become a priest but went against it after." Humugot muna ng malalim na paghinga si Siege at umupo..
"He was advised to undergo a cardioversion after three times experiencing severe shortness of breath attacks where his lips, turned blue and one onset Afib while at the doctor's office for his check up." Panimula ni Ethan. "But Lance refuse to... many times. Ang rason niya, he was taking medications to regulate his heartbeat at hindi mahulog sa mas malalang sitwasyon." Dugtong nito. Huminga ito ng malalim at umupo din sa tabi ng ama.
"His heart beat irregularly." Napalingon sila sa nagsalita. Ang Lolo Aaron pala ni Lance. "Natatakot ang doktor niya na baka mag-clotting ang dugo niya at bumara sa kanyang mga arteries, which later on may cause a more serious health problems kapag hindi niya ito pinagtuunan ng pansin ngayon... dahil kung hindi, something worst could happen, death." Napasinghap si Majz. Natatakot siya sa naririnig.
"Ano po ang ginawang aw ng doktor niya?" Wala siyang maitanong na matino sa mga ito. Nao-overwhelmed pa rin siya.
"He was prescribed a low dose of blood thinner. Hindi siya pwedeng masugatan kahit gasgas man lang dahil mabilis siyang magbi-bleed out. He is also taking a low dose of aspirin to help out his heart. Lahat ng yan ay monitored ni Dr. Tuazon. May monthly check ups din siya, which later on became every three months then naging every six months na lang." Patuloy nito. Ang daming impormasyon siyang naririnig. Nahihirapan siyang intindihin ang lahat.
"What the heck is cardioversion? Maooperahan ba siya? Invasive ba ito? Masasaktan ba si Lance?" Wala sa loob niyang tanong. Hindi pa niya naririnig ang salitang ito na tumutukoy sa isang surgical operation para sa puso o isa nga itong invasive surgical procedure. Naguguluhan siya.
"It is not invasive. They use a synchronized defibrillator na parang katulad din ng regular na defibrilator. It's a more simple procedure using electric shock across the chest into the heart to make the heart's irregular rhythm back into a normal rhythm. Pero dahil medyo matagal na yang kay Lance, kailangang pahintuin ang pagtibok ng puso niya then patitibukin uli." Paliwanag ni Siege. Kinabahan man ay may na-realize siyang isang bagay.
"Alam n'yong lahat ito?" Tumango ang mga ito.
"Oo at hindi." Sagot ni Leland. Napakunot ang noo ni Majz. Napatingin siya kay Makai. Nakakunot din ang noo nito.
"Alam namin, pero hindi niya alam na alam na naming lahat." Huminga ng malalim si Aaron. "Lance had an attack one time. Jose panicked but took him here in the hospital. Sa katarantahan nito, tinawagan kaming lahat. Halos magwala pa nga si Brielle noon dahil naging malihim ang anak sa kanya, but later on hinyaan na lang namin na siya mismo ang magsabi nito sa amin... kung kelan niya gusto sabihin." Patuloy nito.
"Pero naisip din namin na baka hindi pa siya handang magkwento kaya wala pa siyang nasasabihan." Salo ni Siege.
"Maliban sa amin ni Logan." Muling sumabat si Leland.
"He woke up 24 hours later na si Jose lang kasama niya sa ospital. Hindi namin pinaalam sa kanya na alam na namin. Pag-uwi niya, he acted as if nothing happens. Magwawala sana si Mommy pero pinigil siya ni Lola Grams." Salaysay ni Leland. "After dinner, he told me all about the arrhythmia, the atrial fibrillation and the cardioversion. I begged him to tell our parents but he simply told "in time, I will." Paulit-ulit niya itong sinabi." Patuloy ng binata.
"Ano ang chances niya na gumaling?" Napapangiti si Makai dahil bumabalik na ang pagiging mausisa ni Majz. Maaaring momentary shock lang ang dinanas nito.
"Kung susuwertehin at mag-reaponse ang puso ni Lance positively, he won't have another cardioversion." Sagot ni Siege.
"And if not?" Patuloy na pag-uusisa ni Majz.
"Then he have to go through another cardioversion." Simple at direktang sagot ni Leland.
Natahimik si Majz kaya natahimik din sila. Hindi nila alam ang tumatakbo sa utak ng dalaga. Masyadong malalim ang pag-iisip nito na ikinatatakot nila.
Apat na oras nang nasa loob si Lance, wala pa rin silang naririnig maliban sa nakikita nila sa screen monitor sa waiting area. Sinasabi doon kung ano na ang nagawa at kung nasaan na ang binata. Hindi nila maintindihan ang mga number na nakalagay sa ibang mga codes na naroroon maliban sa isang bagay na alam nila, wala pa sa recovery area ang binata.
Maliban sa iniisip nila si Lance, mas lalo naman silang nag-aalalang lahat, pati na si Alexa ay nag-aalala dahil sobrang katahimikan ni Majz. Nag-aalangan naman silang kausapin ito at maging si Makai ay nag-aalangan din kaya nagulat sila nang bigla na lang itong magsalita ng may kalakasan at galit.
"Ginawa niya akong tanga!"
--------------
End of LCIF 53: Fool
Thank you for reading.the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.
💖 ~ Ms J ~ 💖
11.05.19
Lights! Camera! I've Fallin…
©All Rights Reserved
March 15, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro