Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LCIF 51: Alaala






Nakalatag ngayon sa harapan nila ang mga gamit na nakuha nila mula sa Cagayan, or whatever was left of it. Nakapalibot ang pamilya ni Logan sa lamesa sa private garden ng Fortress. Kung si Lance ay may Scottsdale Towers, si Logan naman ay may Scottsdale Fortress at Scottsdale Castle naman ang kay Leland.

Hawak ni Leland ang cellphone nito na halos sunog ang kalahati at hindi na mapapakinabanagan ngunit nagawan ni Leland ng paraan para matukoy kung sa kapatid nga ito o hindi at kung ano at sino ang mga huli nitong tinawagan at t-ini-ext. Dead end ang resulta. Dahil silang pamilya ang nasa call logs nito.

Nasa kanila din ang ilang gamit ng binata na nakuha sa loob ng trunk na halos buo pa. Ilang pirasong damit at mga pasalubong. Nandun din ang wallet nito na nakuha ng mga pulis sa di kalayuan. Buo pa naman ito, nuo din ang mga credit card ng binata ngunit wala ng cash maliban sa unang P1,000.00 na kinita nito na nakaipit sa secret slide ni wallet.

Kahit na nakapagtataka para sa kanila na nawawala ang driver's license ni Logan ay hindi na nila binigyan ito ng pansin. Hindi na rin naman na importante yun.

Hawak ni Brielle ngayon ang wallet ng anak na may nakaipit na litrato. Nakangiting nakatitig siya sa litrato ni Makai at Logan. Kitang-kita sa mga mata ng anak ang pagmamahal nito sa dalaga. Kung titingnang maigi parang wala nang iba pang hinahanap ang binata dahil nasa harap na nito ang buhay niya, si Makai. Napaluhang muli si Brielle, natutuwa siya para sa anak.

Ipinagbalewala na lang nila ang mga maliliit na bagay na hindi na angkop na pag$usapan pa dahil hindi naman na importante pang makita ang mga ito, wala na si Logan. Ang tangi na lang nilang magagawa ngayon ay alalahanin ang mga magagandang alaalang iniwan ng mahal na kapatid, anak, apo, pamangkin at pinsan... si Logan.

Logan David Villasis Scott ay isang mabait na anak at tao kahit na makulit ito. Matulungin at maalalahanin na kapatid at kaibigan. Magaling at magalang na duktor sa kanyang mga pasyente at katrabaho. Minahal at patuloy na minamahal ng lahat na nakakakilala sa binata, lalong-lalo na ng isang Maria Kaila Samonte.

Nagkaroon ng pagkakataon na mahanap ni Majz at Lance si Makai sa tulong na rin ni Leland. Gamit ang koneksyon ng binata ay nakuha nila ang contact number nito kaya nagtawagan nila si Makai para maiparating ang masamang balita.

Naging busy daw ito sa Singapore dahil nagbalik ito ng pag-aaral para kunin ang master's degree nito sa business management at tumutulong din sa ama sa negosyo nito na muntik nang mawala sa kanila dahil sa isang kasosyo ni Niel na magpahanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ng Singaporean Authority.
  
Wala silang ginawang magpinsan kundi ang mag-iyakan sa telepono habang nagkukwentuhan hanggang napagpasiyahan ni Makai na uuwi ito para maihatid ang labi ni Logan sa huli nitong hantungan.

Silang tatlo ni Lance at Leland ang sumundo sa dalaga. Nalaman nilang susunod din ang ama nito dahil may mahalagang bagay itong aasikasuhin na hindi pwedeng iiwan ng basta-basta na lang bago ito makasunod sa kanya.

Sa airport,  nagyakapan agad silang magpinsan nang magkita sila. Nasabik sila sa isa't isa. Kung hindi pa sa ganitong pagkakataon ay hindi sila muling magkikita na magpinsan.

"Paano na ako, Majz? Wala na si Lavs." Pagtangis ni Makai. Nasasaktan si Majz para sa pinsan pero wala siyang magawa kundi ang damayan ito sa pag-iyak.

Kung ibang bagay lang sana ito ay pwede pa niyang magawan ng paraan, pero hindi eh, buhay kasi ang pinag-uusapan, buhay na hindi niya kayang palitan, buhay na kinitil ng mga halang ang bituka dahil sa pagiging makasarili at kasakiman.

Galing sa airport, dumiretso sila ng Fortress dahil doon gusto ni Lance at Leland na ,agsimula ang lahat para sa lining ng kapatid at doon din babalik pagkatapos ng libing.

"Makai, are you staying fo a few days?" Naglakas loob na si Leland na magtanong sa dalaga. Umiling si Makai nang hindi sinusulyapan ang binata.

"Mo. I have to go back after the funeral. Someone important is waiting for me and Tatay."  Maiksi nitong sagot. Napatango-tango lang si Leland.

"Kahit na ilang araw lang sana, Mac." Sabat ni Lance.

"Hindi pwede eh. Si Maira at Tino lang naiwan doon, hindi nila kakayanin yun." Napakalungkot ng boses ni Makai. Parang hinihiwa ang puso nilang tatlo lalong-lalo na ang puso ni Majz.

"Na-miss kita." Malambing niyang sabi. Nag-angat ng tingin si Makai at sinunggaban siya nito ng akap at muling humagulgol. Walang nagawa si Majz kundi ang yakapin din ito at umiyak na rin.

Hindi niya nakilala sa personal si Logan pero ayun sa kwento ni Lance at Leland ay isang napakabait na tao at napakamapagmahal na kapatid ito kahit pa ubod ito ng kulit. Masayahing tao si Logan at walang itong sinasayang na oras para sumimangot, kaya nakalulungkot na dumanas ito ng ganung uri ng katapusan.

Nakatulugan nila ni Makai ang pagkukwentuhan ng mga pinagdaanan niya, nila ng Tatay niya pagdating nila ng Japan. Nasabak kaagad sila sa trabaho, ni hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na mamasyal na mag-ama. Matapos ilang linggo sa Japan ay nagpunta sila ng Korea, ilang araw lang sila doon dahil kailangan uli nilang umalis papuntang Singapore. Naloko ang Tatay niya ng kasosyo nito.

MAAGA silang ginising ng dalawang binata para mag-almusal at makipagkita muna sa pami-pamilya nila. Bahagyang na-excite si Makai nang sabihin ni Lance na dumating na ang T'yang Bebeng at T'yong Martin nila kasama ang kambal na sanggol ng mga ito.

Nakita ni Majz na napaluhang muli si Makai habang akap nito si Betina Grace, isa sa sanggol. Nagtataka man si Majz sa nakikitang pagkasabik sa bata mula sa pinsan ay binalewala na lang niya dahil alam niyang mahilig ito sa bata.

"Ang ganda at pogi nila, T'yang. Itong si Betina ay parang anghel." Puri ni Makai sa pagitan ng paghikbi at ngiti. Ngumiti lang ang tiyahin.

"Maria Kaila, salamat naman at nandito ka, na-miss ka namin." Usal ng Tatay ni Majz.

Iniabot ni Makai ang sanggol pabalik sa tiyahin para yapusin ang tiyuhin, matagal din kahit walang salitang lumabas sa bibig ng dalaga. Ganun din ang ginawa nito kay Doray at Romano, Korina at Manuel.

"Kuya, na-miss ko itong yakap mo." Saad ni Makai kaya hinigpitan pa ni Manuel ang yakap sa makulit na pinsan. Na-miss din nito si Makai at ang pagtawag dito ng Macaria.

"Na-miss din kita, Macaria." Napabuga ng tawa silang pareho.

Naging maayos ang palitan nila ng kwentuhan. Bahagya nitong naikwento ang dinanas nilang mag-ama. Muntik pa silang di makapasok sa bahay ng ama dahil pinalitan ng walanghiya nitong kasosyo ang lahat ng padlock. Mabuti na lang at dumating ang pinsan nito sa ama na si Maira at Tino at ang kaibigan ng mga ito na si Craig.

Marami pang naikwento si Makai sa kanila, pati na ang muntikang pagkaospital ni Niel dahil na-higblood ito sa sobrang, kulang sa tulog at matinding pagod.

Ilang saglit pa ay dumating na ang isa sa mga hotel staff ni Logan para tawagin sila. Nasa private area na daw ang pamilya Scott at Villasis, sila na lang ang hinihintay. Napapaniyang nagkatinginan ang Pamilya Samonte bago pa isa-isang lumabas ng penthouse ni Logan.

Hindi masasabing masayang almusal ang pinagsaluhan nila pero hindi naman puro pag-iyak ang ginawa nila. Mas marami silang nalaman tungkol sa tatlong magkakapatid, tanging pamumula ng tenga at pisngi ang makikita sa dalawang binata. Naging maayos naman ang lahat hanggang sa natapos silang kumain.

Maya-maya lang ay nagsibalikan na sila sa kani-kanilang mga kwarto para maghanda na. Ngayon nila ihahatid ng pormal si Logan sa huli nitong hantungan.

Nailibing na si Logan. Sa wakas, nabigyan din ito ng tamang pamamaalam ng pamilya. Nakakalungkot talagang isipin na ganun lang kadaling mawala ang isang tao sa pamilya, na ganun lang kadaling sayangin ang buhay ng tao.

Nakakakilabot na isipin na ganun-ganun lang pagdaanan ang isang karumaldumal na krimen, ni hindi man lang ito nakatawag ng tulong, ni hindi man lang nagkaroon ng pagkakataong makapagpaalam kahit sa huling sandali sa mga minamahal nito.

Walang humpay ang iyak ni Makai. Walang magawa si Lance, Majz, Leland at ang buong pamilya nila kundi ang hayaan itong umiyak. Wala ring nagawa ang mga tiyuhin at tiyahin, maging ang ama ni Makai na humabol kaninang umaga para sa libing ni Logan. Isang napakalunglot na tanawin ang nasaksihan ng lahat ng tanghaling yun sa Himlayan.

Lumapit si Brielle kay Makai at binigyan nila ito ng daan. Niyapos ni Brielle si Makai ng ubod higpit na para bang kay Makai kumukuha ng lakas si Brielle, na para bang siya si Logan. Nakakadurog-puso na pagmasdan ang dalawang babaeng nawalan ng minamahal, si Brielle, ang makulit ngunit malambing niyang anak, si Makai, ang masayahin at mapagmahal na kasintahan. Tanging alaala na lamang nito ang meron sila at yun ang pagyayamanin nila, aalagaan at isasapuso.

Halos gabi na nang mapakalma nila ang dalawa sa pagtangis. Wala na ang mga bisita at tanging pamilyang Scott, mga Lolo at Lola at Samonte na lamang ang naroroon. Maging ang mga pinsan nila at kaibigan ay wala na rin.

"Maria Kaila, pwede bang sa akin ka na sumabay?" Himig pagmamakaawa ni Brielle kay Makai. Hindi ito nagdalawang-isip na tumango.

"Yes po, Tita." Mabilis na sagot ni Makai sa ina ng yumaong katipan. Hinayaan naman ng pamilya ang dalaga dahil naiintindihan nila ang pinagdadaanan ng dalawa dahil yun din ang nararamdaman ng lahat.

"Kay Kuya Sepring na lang ako sasabay, Kaila." Turan ng ama nito. Tango lamang ang isinagot ng dalaga.

"Maria Jaise, sa amin ka na rin sumabay." Saad nito. Tumango naman kaagad si Majz.

"Kami na ang bahala sa sasakyan ni Lance." Sabat ng Kuya niya.

"Doon na lang tayo magkita-kita sa prominade ng Fortress." Nakangiting saad ni Brielle kahit na namamaga ang mga mata nito.

Tumango ang lahat at nagkanya-kanya na sila ng sakay sa mga sasakyang nandun.

Naghahapunan ang mga ito at nagkukwentuhan. Halatang pinipilit na maging masaya dahil pinili nilang puro mga masasayang alaala na lang pag-uusapan. Inaalam ng mga Scott at Villasis kung paanong naitawid ng mga Samonte ang pagkawala ng dalawang mahal nila sa buhay na pareho pang ina nang sabay na mawala ang mga ito sa kanila.

Inamin ng mga Samonte na mahirap. Hindi nila basta-basta nalampasan dahil kahit ngayon ay hindi pa rin sila sanay na wala na si Soling at Aning. Pinipilit nilang mabuhay sa mga magagandang alaala nung kasama pa nila ang dalawang ginang.

Patuloy nilang inaalala ang mga masasayang ganapan na kasama ang mga ito at ganun din ang gagawin nila kay Logan. Lahat ng magagandang alaala na meron ang bawat isa

Mas maraming kwento si Lance at Leland tungkol sa mga kakulitan at kalokohan nito na kasama sila. Puno ng tawanan ang loob ng private dining area hanggang sa naging seryoso ang usapan.

"Mom. Dad. Tatay Sepring. Jaise and I decided to get married as soon as we will be able to. Hindi naman kami nagmamadali, kaya lang mas gusto naming sabihin sa inyo kaagad." Pahayag ni Lance. Masaya silang binati ng pamilya nila.

"Okay lang sa amin apo ang plano n'yo ni Maria Jasie basta matapos na muna natin ang 40 days at babang-luksa ni Logan." Saad ng Lola Mams niya.

"Ganun din sana ang hiling namin sa inyo, parang respeto na rin kay Logan." Malumanay na saad ni Sepring. Nagkatinginan si Majz at Lance at ngumiti sa isa't isa.

"Katulad nga po ng sabi ni Lance kanina, Tay, Lola Mams, hindi po kami nagmamadali. Gusto lang po naming ipaalam sa inyo ang future plans namin." Pahayag ni Majz. "Tay, gusto ko lang pong malalaman ninyo na handa na po akong lumagay sa mas magulong buhay..." Napapangiti niyang saad. Tiningnan niya muna ang pamilya ni Lance. May lungkot ito sa mga mata ngunit may ngiti sa mga labi nila maliban kay Brielle. May pag-aalala ito sa mukha.

"Mas magulo?" Nagtatakang tanong ni Brielle. "Bakit mas magulo?" Patuloy nito.

"Mas magulo po lalo na kapag nagkaroon na kami ng sarili naming pamilya." Sagot niya. Natawa ang mga apuhan dahil sa isinagot niya.

"Totoo nga naman, magiging mas magulo nga lalo na kung kasing gulo ng triplets n'yo." Nagtawanan sila ngunit makikita ang lungkot sa kanilang mga mata.

"Kai, pwede bang ikaw ang Maid of Honor ko pagdating ng panahon?" Baling ni Majz sa pinsan na ngayon ay nakasiksik sa tabi ng ama.

Nakikita ni Majz na naging close na talaga si Makai sa ama. Nagmumukha na nga itong Daddy's girl eh pero okay lang, masaya siya para dito.

"Tawag ka lang sa akin kung kelan, uuwi ako." Simple nitong sagot sabay halukipkip sa ama. Natutuwa siya at si Manuel pati na ang mga tiyahin at ama dahil sa masyado nang malapit ang mag-ama sa isa't isa. Bagay na ipinapanalangin nila palagi.

Maya-maya lang ay naging seryoso na uli ang usapan. Halatang ginagawang busy ang mga isip sa ibang bagay wag lang mapunta kay Logan ang usapan. Hindi sa binabalewala nila ang usaping yun o si Logan, mas minabuti na lang muna nilang alalahanin ito sa masasayang bagay. Ayaw na mun nilang malungkot.

Dahil sa nangyari, hindi nila alam kung dapat nga bang magpabinyag sila o maghintay kung kelan pwede. Kailangan nilang pag-usapan ang tungkol sa binyag ng anak ni Ethan at Maele, kaya napagkasunduan na iusog ang binyag sa susunod na buwan matapos ang forty days ng pagkakalibing ni Logan. Kahit na yun man lang.

Alam ng lahat na may isang taon nang namatay si Logan kung babasihan ang forensic tests, ngayon lang naiuwi ang labi ng binata sa kanila kaya bibigyan nila ito ng tamang atensyon. Wala namang reklamo ang kahit na sino sa naging desisyon ng mga nakatatanda.

"Tita Brielle, Tito Siege, aalis na po kami ni Tatay." Pagpapaalam ni Makai kahit gabi na. Nataranta si Brielle.

"No. No. No. You can't leave yet. We want you here." Naiiyak na saad ni Brielle. "Kaila, ikaw na lang ang meron kaming naiwan ni Logan." Umiiyak na ngayon si Brielle, ganun din si Makai. Parang sinasakal si Majz sa nakikitang paghihirap ng dalawang babae sa harap niya.

"Alam ko yun, Tita, but I can't stay here long. May importanteng tao na naghihintay sa akin, sa amin ni Tatay sa Singapore, nangako po kaming babalik po kaagad pagkatapos na pagkatapos ng libing ni Logan." Umiiyak na rin si Makai.

"Mas importante pa ba sa amin at sa alaala ni Logan?" Tanong ni Brielle. Tumango si Makai.

"I'm sorry, Tita. Tito." Pagpapaumanhin nito sa pagitan ng bawat patak ng luha at hikbi. "I would love to stay longer, but there are things that I need to get done first and get ready with bago ako bumalik dito for good." Dugtong ni Makai. Bumakas ang pang-unawa sa mga ito kaya nakahinga ng maluwag si Makai.

"Pasensiya na kayo. Hindi lang talaga namin mahindian ni Kaila ang taong ito. Pipilitin naming makabalik sa mas lalong madaling panahon." Si Niel na ang sumagot. Nakikita nito ang paghihirap ng anak.

"Promise, Kaila, babalik ka ha. Wag mo kaming kakalimutan." Umiiyak na saad ni Brielle. Alam naman nito na hindi niya kayang pigilan si Makai dahil may buhay din ito. Pero hindi talaga nito mapigilan ang sarili.

"Tita, mahal ko po si Logan. Mahal na mahal. Pangako po, matapos lang po ang lahat ng mga hinaharap namin ni Tatay, babalik kami dito sa Pilipinas. Kayo po ang una kong pupuntahan." Puno man ng luha ang mata ni Makai ngunit may ngiti sa labi itong nagsasalita.

"Promise mo yan huh." Sunod-sunod na tumango si Makai.

"Promise po. Hindi man po agad-agad pero babalik po kami kapag naisaayos ko na po ang lahat at nakaya ko na po, babalik po ako dito. Dadalhin ko ang lahat ng alaala na meron ako ni Logan." Saad ng Makai. Ngumiti naman ang mga ito.

"Maria Kaila, ilang buwan kayong naging magkasintahan ni Logan bago ito... you know." Tanong ni Brielle na parang hindi rin naman nagtatanong.

"Mga apat-limang buwan. But we dated for about six months bago ko siya sinagot." Nakangiti ang mga matang sagot nito. Natuwa si Brielle. Nagyakapan muli ang dalawa.

"Alam kong hindi ka makakalimutan ang anak ko kung nasaan man siya ngayon at alam ko rin na palagi siyang nakamasid sa iyo." Tumango-tango siya.

"Thank you, Tita for understanding." Sabi nito sa ginang bago hinarap ang pamilya. "Mga T'yong, mga T'yang, Kuya Manuel, Ate Korina, Majz, pasensiya na sa hindi ko pagpaparamdam sa inyo. Marami lang po talaga kaming hinarap ni Tatay pagdating namin doon. Marami po ang nangyari tapos sumabay pa ang..." Humugot ito ng malalim na paghinga bago tumuloy na magsalita.

"Sisikapin ko pong mas madalas na tatawag sa inyo." Namumula ang mga mata ng bawat isa, hindi dahil sa ano pa mang dahilan kundi na-miss lang talaga nila ang dalaga.

"Pangako?" Tanong ni Sepring.

"Opo, T'yong, promise po." Sagot naman nito.

Kinarga ni Makai Angelo Mart at hinalikan ito sa noo at ilong bago ibinalik kay Martin ang sanggol. Tapos ay kinuha niyang muli si Betina Grace at hinalikan ito sa noo, sa ilong at sa pisngi bago ibinalik sa tiyahin ang bata. Lumapit naman ito kay Doray at hinimas ang ngayong namimintog nang tiyan at hinalikan ito.

"I will see you when I get back." Nulong nito sa tiyan ng tiyan. Napangiti ito sa ginawa ng pamangkin.

"Dati-rati, T'yang, anim lang tayo. Ako, ikaw, si Majz, si T'yong Sepring at T'yang Bebeng." Panimula ni Makai habang nakamasid sa kanilang lahat. "Pero ngayon may Tatay ako, may T'yong Martin at T'yong Romano, tapos may Ate Korina pa at may Betina at Angelo na rin tapos dalawa pang parating." Hinimas niya ang tiyan ni Korina.

"Lumalaki na ang maliit nating pamilya, Kai." Sabat ni Majz.

"Ilang buwan na lang madadagdag na sa atin si Lance." Sinulyapan nito ang binata at matamis nanginitian.

"Kung hindi lang sana..." Hindi na natuloy sabihin ni Bebing ang gustong sabihin dahil sa ayaw nitong umiyak na muli ang pamangkin.

"Matapos lang ang lahat ng gulong iniwan ng kasosoyo kong walanghiya, madagdagan pa ang ating pamilya." Sabat naman ni Niel. Ngumiti silang lahat. Gusto nila ang usapang ito. Binalingan ni Doray si Makai.

"Kelan ang balik mo n'yan?" Tanong ni Doray.

"Hindi ko pa po alam, T'yang. Masyadong magulo ang iniwan ng kasosyo ni Tatay. Halos nilimas nito ang pera niya at nag-iwan pa ng sangkatutak na utang." Nasabi din nito sa wakas ang problema.

"Wow. Ano ang sabi ng Si pngaporean Authority?" Sabay-sabay silang napalingon sa nagsalitang lalaki, si Leland.

"Wala. Hindi nila mahanap eh." Simple nitong sagot. "Ilang buwan na rin naming pina-follow up, pero mahirap talaga. Wala naman kaming magawa." Laglag ang balikat ni Makai na parang nagsusumbong.

"Leland..." Sambit ni Brielle. Tumango lang si Leland sa ina. Nagkaintindihan na ang mga ito.

"Before you and your dad leaves, give me the name of that person. I'll see what I can do." Saad nito sabay about ng isang notepad at ballpen.

Inabot ito ni Makai ang ballpen at papel. Ibinigay ito sa ama. Isinulat naman ni Niel ang pangalan ng kasosyo at ibinalik ito kay Makai na iniabot naman ni Makai kay Leland angballpen at notepad. Yumukod lang ang binata at bigla na lang itong tumalikod.

"Paano ba yan, Mary Kay?" Panimula ni Lance na nakangiti. Ngumiti na rin ito. "Don't be a stranger to us, okay." Dugtong nito. Tumango naman ang dalaga.

"Kai, wag mo na uling uulitin na hindi tumawag o magparamdam sa amin, nakakatampo eh." Namumula ang mga mata ni Majz dahil sa pagpipigil na maiyak. "Na-miss ka kaya namin." Dugtong niya. Yumakap si Makai sa kanya.

"Sorry, Majz. Masyado kaming naging busy ni Tatay. Pero promise ko,tatawag ako sa iyo paminsan-minsan, kung hindi man maging madalas." Tumango-tango si Majz na umiiyak. Talagang na-miss niya ng sobra ang pinsan, walang biro.

"I understand." Nagyakapan uli silang magpinsan. Halos ayaw na nilang nitawan ang isa't isa.

"Sir. Ma'am. Nandiyan na po yung shuttle na maghahatid kanila Ma'am Kaila at Sir Niel." Anunsyo ng hotel staff.

"Shuttle?" Sabay na sambit ni Makai at Niel.

"Pwede naman kaming mag-lyft na lang?" Pagtutol ni Niel.

"Nonsense. Take the shuttle dahil ihahatid kayo ng pamilya n'yo." Sabat ni Siege. Wala nang nagawa ang mag-ama kundi ang pumayag na lang dahil makakasama ang pamilya nila.

"Maraming salamat sa inyo." Nahihiyang saad ni Niel.

"Don't worry about it. Pamilya na rin namin tayo. At kung nabubuhay lang si Logan hindi yun papayag na hindi kayo naalalagaan." Garalgal ang boses ni Siege. Nagdaop-palad ang dalawang lalaki ng mahigpit. Parang ibinuhos doon ang lahat ng pasasalamat.

Nagpaalaman na ang lahat. Balik sa dating lungkot ang mga ito ngunit masaya naman kahit papaano. Hanggang sa muling pagkikita.









--------------
End of LCIF 51: Alaala

Thank you for reading.the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
10.28.19

Lights! Camera! I've Fallin…
©All Rights Reserved
March 15, 2016

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro