LCIF 5
⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Lights! Camera... I've Fallen!
"Assistant"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"LOGAN, this is Maria Jaise Samonte. Siya ang bagong assistant ni McNight." Pakilala ni Tita Ella sa binatang bagong dating sa kanya. "Majz, this is Logan Aaron Scott, my nephew, our model." Pakilala ni Ella sa dalawa.
Hindi siya makatingin ng diretso sa binata. Ayaw niyang salubungin ang mga mata nito. Nakatitig kasi ito sa kanya na parang binubutas ang pagkatao niya, parang inaarok ang kaloob-looban niya.
"H-hello po, Sir Logan." Timikhim siya bago nagsalita. Nabubulol pa rin siyang bumati dito. Nakita niya ang pagtaas ng kilay ng lalaki at mukhang magsasalita pa ngunit hindi natuloy dahil sa pag-ring ng cellphone ni Makai.
Pinagmasdan niya ang kilos ni Makai. Sinilip lang nito ang cellphone at binalewala ang tawag. Rejected? Sino kaya yun? Tanong niya sa sarili.
Nagtaka man si Majz ay binalewala na lang niya muna. Itatanong na lang niya pag-uwi nila sa bahay ng tiyahin mamaya.
"Ate Ella, alis na po kami." Paalam ni Makai sabay biglang hila sa kanya.
Ang laki ng pagpapasalamat niya sa ginawa ni Makai na paghila sa kanya, kaya hindi na rin naman siya nagreklamo dahil hindi na rin naman siya mapakali na kaharap ito. Hindi na nagawa pang magsalita ng boss nila at ng binatang pinakilala sa kanya.
"Ano ang gagawin natin ngayon?" Pag-iiba niya ng usapan.
"Pupunta na tayo sa fourth floor. May ginawang set ang design team dun kahapon para sa TVC shoot ngayon. Doon ko na rin ipapaliwanag sa iyo ang trabaho mo." Kalmadong saad ni Makai sa kanya pero halatang tensyunado ito at wala sa mood. Tumango na lang siya at tahimik na sumunod sa pinsan.
"McNight, mukhang mainit ang ulo ni Ate Ella ngayon ah." Bungad ni Ray na isang lightman.
Matanda ito ng di hamak sa kanilang magpinsan. Matangkad at may pagkabalingkinitan ang porma nito. Inismiran lang ito ni Makai. Napangiwi siya sa inasal ng pinsan, napakamot na lang ng batok ang lalaki.
"Si Lupita ang tanungin n'yo! Siya ang may sala!" Sigaw ni Makai. Naiiling na lamang si Majz sa kakulitan ng pinsan, kung kakulitan pa nga ba ang ginagawa nito ngayon.
"Siraulong kampon ng kadiliman na yan! Pati tayo dinadamay sa paghahasik niya ng lagim." Tuluyan nang natawa si Majz sa sinabi ng lightman. Hindi man niya ipinarinig ang tawa sa mga bagong kasamahan pero hindi niya maiwasang mapahagikhik.
"Tantanan n'yo ako ha. Sa ganda kong ito, kampon ng kadiliman?" Sigaw naman ni Lupita mula sa make-up area sa kabilang gilid ng set. "Hoy, isa akong Diyosa na ipinadala mula pa sa mahiwagang bundok ng Olympus, for your information, tikbalang!" Sumabog ang masayang tawanan.
Nakita niyang nangiti din si Makai pero hindi umabot sa kung saan dapat aabot ang ngiting yun. Pigil, ngunit ngumiti pa rin. Napangiwi siya. Mukha kasing constipated ang mukha ng pinsan.
Napansin ni Majz ang mga itim na backdrop na ginawang cubicles, parang makeshift na mga dressing room kahit alam niyang may dressing room talaga ang palapag na ito dahil nadaanan nila yun kanina paglabas ng elevator.
Sa pinaka gitnang bahagi ng palapag at ay may backdrop din green na kurtina. Eto siguro ang tinatawag na green screen. Isip niya.
Lahat ay may ginagawa kahit na nagdadaldalan at nagsisinghalan.
"Gaga! Anong diwata! Nasaan?!" Singhal ni Makai. "Umayos na kayo kung gusto n'yong maisama pa kayo sa payroll ngayong linggo." Dugtong pa niya.
Nakita ni Majz ang simpleng tinginan ng mga kasamahan nila. Mukhang kilala nila ang topak ng pinsan niya. Nakita niyang sumenyas si Ray sa iba ng tahimik na. Laglag naman ang balikat ng iba. Tumahimik na rin lang siya.
"Majz." Lumingon siya sa tumawag sa kanya. Si Ray, isa sa cameraman. May kaedaran na ang lalaki. Para ngang kuya ito ng mga katrabaho nila. Nakasuot ito ng headset. Nakatakipmsa tenga ang at ang isa naman ay hindi.
"Ano po yun, Kuya?" Sagot niya ng humarap siya dito. May alanganing ngiti ito. Parang may gustong sabihin sa kanya o itanong.
"Ikaw ba ang magiging assistant niyang si McNight?" Mababa ang boses nitong tanong sa kanya. Ngumiti muna siya bago sumagot.
"Opo. Bakit po?" Tanong niya. Nilingon muna niya si McNight na busy sa pagbubutingting ng kung ano-ano at kulang na lang ay ibalibag ang mga nahahawakan nito. May sayad nga. Nangiti niya.
"Ngayon tahimik yan, mas mabuti pang wag kang aalis sa tabi niya. May sumpong eh. Late na naman siguro yung model natin." Makahulugang sabi nito sabay kindat sa kanya.
"Opo. Salamat po, Kuya." Sagot niya dito. Inabutan siya ng headset at lumapit na ito kay Makai. "Ahm, Kuya Ray?" Pahabol niya sa lalaki.
"Ano yun?" Tanong nitong may ngiti sa labi. Napangiti siya, naalala niya ang kanyang Kuya sa lalaki.
"Pansin ko lang po, bakit parang hindi maganda ang salubong ni Makai sa model natin?" Hindi na niya napigil ang sariling magtanong.
"Alam mo, hindi rin namin alam,eh. Magkaibigang matalik naman silang dalawa ni Sir Logan. Madalas nga silang nagkikita, nagdi-dinner sa labas. About few weeks ago, napansin na lang namin na hindi na sila nag-uusap at nag-iinisan katulad ng dati. Dedmahan na ngayon." Tinapik siya sa balikat ng lalaki pagkatapos umalis. Mas lalo siyang naguluhan. Ipinilig na lang niya ang ulo. Kailangan niyang iwaglit muna ang maaaring dahilan ng pagbabago ng mood ng pinsan.
Ibinaling niya ang tingin sa pinsan at pinagmasdan niyang mabuti ang mga ginagawa nito para makuhanan niya ng ideya kung paanong gawin ang trabaho kapag siya na ang pinaasikaso ng mga bagay-bagay. Isinusulat niya sa notepad na inipit niya sa clipboard na ibinigay nito sa kanya kanina.
Hanga siya sa bawat kilos ng pinsan. Mabilis ito ngunit kalkuladong-kalkulado ang bawat galaw. Kalmado man ang bawat kilos ni Makai ay napapansin niya na ang mga kasamahan nila na parang natataranta, parang hindi magkandaugaga.
Yung iba ay napapalingon kay Makai at sa kanya, yung iba naman ay mas ginusto pang tumutok na lang sa kanilang ginagawa para hindi magkamali o umiiwas na lang na ma-pressure sa kakaibang mood nito at ang iba naman ay tinalikuran na lang ang nakasimangot na pinsan.
"Makai, hindi ka kaya matisud diyan sa ginagawa mo?" Pasimple niyang tanong sa pinsan nang hindi na niya matiis ang kumakapal na tensyon sa set. Pakunwaring dinampot ang clipboard na may script schedule. Napatuwid ng tayo si Makai at hinarap siya.
"Bakit naman ako matitisud, aber nga, Majz? Nandito lang naman ako sa kinatatayuan ko?" Nakakunot ang noo nitong sagot sa kanya. Halata pa rin ang inis sa mga mata nito.
"Yun na nga eh, nandiyan ka lang sa kinatatayuan mo pero..." Hindi niya matuloy ang sasabihin. "Bakit ba kasi ang init ng ulo mo? Tapos nagkakandahaba pa yang nguso mo? Ano bang meron?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Ako nga, Maria Jaise Samonte ay tigilan mo diyan sa mga kalokohan mo!" Singhal nito sa kanya na ikinalingon ng mga kasamahan nila. Nakaramdam ng pagkapahiya si Majz. Nainis siya dito.
Simula nung makita nito ang model nila kanina ay bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin at takbo ng utak nito at pinasok na yata ng hanging Habagat kaya nabubuong na.
"Hoy, Maria Kaila Samonte!" Malakas niyang tawag dito. Napatingin ng wala sa oras si Makai sa kanya pati na ang mga kasamahan nila. Halos hindi matanggal ang mga mata ng mga ito sa kanila.
"I'm warning you, Majz. Not here and not right now." Mainit ang ulo nito. Natawa si Majz. Kumunot ang noo nito sa kanya.
"Are you for real, Makai?" Nakataas ang kilay niyang sabi. "Your threat has no effect on me, Maria Kaila. Kung galit ka sa isang tao, wag mong idamay ang buong mundo dahil wala itong ginagawa sa iyo. Look around you." Mahina at makahulugan niyang saad.
Natahimik si Makai at nilingon ang paligid. Lahat ay nakatitig sa kanilang magpinsan. Itinaas niya ang kamay para makipagtalo pa sana kay Majz ay hindi na nito nagawa, inirapan na niya ang pinsan.
"McNight!" Tawag ni Celso. Isa sa kanilang soundboard technician.
"Ano yun, Kuya Cels." Magaan niyang sagot kahit halatang pilit lang. Napangisi si Majz.
"Umpisa na ba daw? Nandito na kasi si Sir Logan." Anunsyo nito. Mas lalong nainis si Makai at kitang-kita ni Majz yun.
Hinaplos na lamang niya ang likod ng pinsan at alanganing nginitian. Nakita pa niya ang pagtaas ng kilay ni Makai.
"Kuya Celso? Tama po ba?" Paninigurong niyang tanong sa pangalan ng lalaki. Tumango naman ito. "Sige po, ready na tayo. Pakihanda na po ang dapat para makapagsimula na po tayo. Ako na po ang bahala kay Makai." Ibinulong niya ang huling bahagi. Tumango naman ito at ngumiti. Napangiti na rin ang lahat.
Nakahinga ng maluwag ang mga ito. Sa wakas, pagkatapos ng ilang linggong topak, may kasangga na sila
"Audio ready!" Anunsyo ni Celso na may himig tuwa.
"Lights! Camera!" Sigaw ni Ray. Nakita niya ang simpleng pagngiti ng mga kasamahan nila. "Isisigaw mo ang mic check, lights check, clapper on cue, para malaman mo kung ready na ang lahat." Pabulong na turo ni Ray kay Majz. Napabungisngis siya.
"Thanks, Kuya Ray." Ganting bulong niya dito. Ngumiti ito sa kanya at tinapik na muli ang balikat sabay balik sa ginagawa nito. Nakaramdam siya ng lakas ng loob. Easy piecey! Pagbubunyi ng isip niya.
Second day niya sa trabaho, sasabak na kaagad siya sa production floor na dapat ay training niya muna, na dapat ay piggy backing muna, na dapat ay si Makai ang gagawa, at dahil may sapak ang pinsan, siya ang gagawa. Nakakaawa ang mga kasamahan nila kung hindi niya sasaluhin ang pinsan.
Kailangan niyang matutunan ng mabilisan ang ginagawa nito dahil kung hindi ay aabutan sila ng hanggang sa susunod na taon o baka hanggang sa kabilang buhay pa nang hindi pa nakakapag-umpisa dahil parang walang gana itong magtrabaho.
Gusto niyang umuwi ngayong gabi sa bahay ng T'yang Bebeng nila. Hindi niya kayang matulog uli dito.
"Okay guys, I'm new here, please be nice." Sabay lingon niya sa pinsan na halos hindi na ma-drawing ni Pablo Picasso ang mukha. Maging si Michael Angelo at Juan Luna ay hilahod na rin.
Hindi niya alam kong ano ang ipinaglalaban ng toyo nito. Tumingin pa siya kay Ray. Nag-thumbs up ito sa kanya bilang pampalakas-loob. Humugot siya ng malalim na paghinga na parang doon siya makakakuha buwelo.
"Mic check!" Nagulat ang mga sound tech sa lakas ng sigaw niya. Buo ito ngunit mahahalata ang natural na lambing. Napangiti ang lahat at nakakita ng paghuhugutan ng sigla.
"Mic checked!" Masiglang sigaw naman ng lalaki sa kaliwa ni Celso di kalayuan sa camera na nasa kabilang bahagi at nakatutok sa set. Ngumiti siya dito.
Nasa isang bahagi ng malawak na palapag ang setup nila. Dalawang mamalaking camera sa magkabilaan ng bahagi na nakaharap sa "stage", yung green screen. Sa gitna nito ay ang soundboard mixer, may apat na maliit na TV monitors, dalawang laptops at sari-saring cable plugs at prongs, nakaupo sa gitna nito si Celso.
May isang babae na nakaupo sa kanan nito na may suot na headset at yung lalaking sumagot ka Majz ay nasa kaliwa naman ni Celso. Lahat sila may head set, medyo maliit lang yung sa kanya at puro may mga mic pieces din.
"Lights check!" Muli niyang sigaw. Natawa ang lalaki sa kaliwa ni Ray dahil may konting piyok na nanggaling sa kanya.
"Lights checked!" Sagot naman nito na magana at magaan. Malalapad na ang ngiti ng mga ito.
Nakakalat ang mga naglalakihan studio lights, reflectors, wires, flashers... hindi niya akalain na ganun pala karaming components ang kakailanganin para makabuo lamang ng isang commercial na kadalasan ay 30 seconds to 60 seconds lamang ang haba at kung minsan ay 15 seconds na nga lang.
"Clapperboard on cue!" Ngayon naman ay pumiyok na talaga si Majz. Bahagyang natawa si Ray sa kanya. Napahawak siya sa kanyang lalamunan at nangiti na rin. Napangiti na rin si Makai.
"Clapper cued!" Ganting sigaw na halatang pinapiyok ang boses nung halos kaedaran nilang lalaki na nakatayo lang sa kabila ng camera sa kanan niya.
Naging magaan na ang ambiance pagkatapos nun. Magaan na rin ang kilos ni Makai. Hindi man ito nagsasalita ay ayos na rin yun para sa kanya, at least hindi na ito sinusumpong at hindi na rin nate-tense ang lahat.
Hinihintay na lang nila na ilabas ni Cookie ang wardrobe rack para maihanda na ang maliit na bahagi na ginawang makeshift dressing room na di nalalayo sa isang lighted up na vanity mirror kung saan naroon si Lupita na ihahanda si Logan.
Maya-maya lang ay natahimik na ang lahat. Nagpalinga-linga si Majz, hinahanap ang dahilan kung bakit biglang natahimik ang lahat. Natuon ang pansin niya sa lalaking paparating. Napangiwi siya dahil napakaseryoso ng mukha nito. Parang galit sa mundo. Parang si... napalingon siya sa nakabusangot na naman na pinsan. Bahagya siyang napangiwi. Okay na sana eh. Takbo ng naiinis niyang isip.
Alam na niya kung bakit ito nakasimangot. Maaaring dahil ito sa kararating na binatang pamangkin ng may-ari, si Logan.
"Let's start!" Napatalon siya sa gulat nang biglang sumigaw si Makai. Sinulyapan niya ito dahil akala niya ay nagloloko ito ngunit sinalubong siya ng seryoso nitong mukha. Nataranta naman ang kasamahan nila pero parang sanay na rin ang mga kahit may konting tension sa set dahil sa pagbabago ng mood ni McNight.
Laglag ang panga ni Majz ng ma-realize niya na sumasalamin ang expression ni Logan at Makai. Kung tama ang naaalala niya sa kwento ni Makai kagabi at sa nasaksihan niya kanina, ito yung lalaking crush na crush ng pinsan o maaaring higit pa roon.
Wala sa loob na napatingin siya sa binata. Nagulat pa siya nang makita niyang direktang nakatingin ito sa kanya.
Hindi lang tingin, titig na titig talaga ito sa kanya. Pinamulahan siya ng mukha, alam niya yun dahil nanginit ang mga pisngi niya pati tenga.
Matiim itong nakatitig sa kanya kaya bigla siyang nakaramdam ng pagiging balisa, di siya mapakali. Kung ito ang lalaking gusto ng pinsan niya ay mas mabuting iwasan niya ito. Hala! Baka nagseselos si Makai. Takbo ng isip niya.
"Sir Logan, makeup na po tayo." Pag-agaw pansin ni Lupita.
Nilingon ito ni Logan panandalian at ibinalik ang tingin sa kanya. Napairap siya dito ng hindi sinasadya. Nakita pa niya ang pagngiti nito. Parang biglang tinambol ang puso niya dahil sa ganda ng ngiti na sinamahan pa ng dimple nito. Hindi man siya nagpahalata pa pero yung kabog ng dibdib niya ay grabe.
Kakausapin niya si Makai mamaya pag-uwi nila. Hindi pwedeng ganito palagi. Abot-abot langit ang kaba niya sa sobrang kapal ng tensyon na bumabalot sa dalawa at alam niyang hindi lang siya ang nakakaramdam nun.
Pagkatapos na pagkatapos ng makeup at nabihisan na rin ito ng naaayon sa tawag ng script at request ng product client nila ay nagsimula na rin ang taping ng TV commercial.
Naging maayos ang lahat at tuloy-tuloy lang ang shooting nila dahil puro take one lang ang mga eksena. Puro action at cut lang ang isinisigaw ni Makai. Ni wala siyang narinig na retake o ulitin o rehearse uli, basta Tuloy-tuloy lang.
"Cut!" Sigaw ni Makai. "Sige. Pack up na." Simple at malakas ang boses nito. Tumayo na si Makai at inilapag ang clipboard na may script sa side pocket ng director's chair, ganun din ang ginawa niya. Handa na siyang sumunod sa paalis ng pinsan nang agawin ni Logan ang pansin ng pinsan.
"McNight, wait up." Sabay na napatingin si Makai at Majz sa tumawag.
"Ano yun, Scott?" Malamig pa sa yelong tanong ni Makai. Napatingin siya sa pinsan. Nagbago na nga yata ito o baka ganito lang talaga ito sa trabaho
"Scott? Akala ko ba Lavs ang tawag mo sa kanya?" Pabulong niyang tanong.
"Tumahimik ka, Maria Jaise." Ganting pagbulong din nito.
"Pwede bang break muna? Nauuhaw kasi ako eh." Sabi ng binata pero ang tingin ay nasa kanya.
Lumingon siya sa likod niya para siguraduhin kung may tao sa likod niya o wala. Magsasalita na sana siya para masigurong siya nga ang kausap nito nang biglang sumigaw si Makai.
"Scott, mag-break ka kung hanggang kelan mo gusto. Pack up na di ba?!" Masungit ngunit malumanay na sagot ni Makai. Siya ang nininerbiyos para sa pinsan. "Jelay, ikuha mo ng merienda si Mr. Scott." Walang ganang utos ni Makai sa set P.A. nila.
"McNight, sino ba ang assistant mo? Si Jelay ba o siya?" Tukoy ng binata sa pinsan sabay turo sa kanya. Mabilis siyang napalingon kay Makai.
"Tama ka, Mr. Scott, assistant ko siya. Akin, hindi sa iyo, kaya wag mo siyang uutusan na parang assitant mo. wag kang umarte diyan. Pamangkin ka man ni Ate Ella, model lang kita!" Mataray na saad nito. Nagtitigan ang dalawa. Parang si Majz ang nailang para sa pinsan.
"Okay lang, Kai, ako na ang kukuha ng—" Sagot ni Majz. Baka mamaya ay matanggal pa ito ng may-ari dahil pamangkin nito.
"Maria Jaise Samonte, umupo ka diyan!" Singhal nito sa kanya. "Malaman ko lang na nagpapaalila ka sa kahit na sino sa mga ito, lalo na sa mga models at sa kanya, malilintikan ka sa akin. Ako mismo ang magtatanggal sa iyo sa trabaho." Nalilito at naiinis man si Majz kay Makai ay tumahimik na lang siya. Boss niya ang pinsan at hindi ito kokontrahin sa trabaho, pero yari ito mamaya sa kanya pag-uwi.
"McNight—" Panimula ni Logan.
"Jelay!" Sigaw ni Makai kaya hindi na naituloy pa ni Logan ang sasabihin.
"Night, nandito lang ako." Mabilis na sagot ni Jelay, halatang kinakabahan.
Napahugot na lang siya ng malalim na paghinga, ganun din si Logan. Nakaramdam naman ng awa si Majz sa binata dahil sa ginawa ng pinsan, ayaw naman niya itong kontrahin, ayaw niya itong makialam. Bago lang siya, di pa niya alam ang mga kwento ng bawat isa. Mamaya na niya kakausapin ito na silang dalawa lang.
Nakita niya ang tinging puno ng awa mula kay Logan para kay Makai. Napapailing na lamang siyang tumalikod at iniwan ang dalawa. Hindi niya alam ang nangyayari sa isip ng dalawa. Lover's quarrel yata. Sigaw ng isip niya. Kaya mas mabuting lumayo na muna.
Umupo na lamang siya sa bakanteng upuan sa tabi ni Ray at tahimik na naghintay sa pagsisimula ng pagliligpit.
--------------
End of LCIF 5: Assistant
Thank you for reading.the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.
💖 ~ Ms J ~ 💖
05.21.19
Lights! Camera! I've Fallin...
©All Rights Reserved
March 15, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro