Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LCIF 48: Discovery










SA BAHAY ni Lance sila tumuloy. Doon na nila tinawagan si Leland. Nagulat sila sa mga nalaman nila mula kay Lance. Naiyak si Lance, hindi niya akalain na ganun ang maaaring sinapit nito.

"Lance. I think we need to go there to see it ourselves bago natin ipaalam sa mga parents n'yo." Turan ni Majz. Awang-awa ito sa kasintahan.

"I don't know how to tell my parents, Hon." Sabi nito sa pagitan ng mga hikbi. Inakap na lang Majz si Lance. Tahimik silang umiyak.

Nagplano sila na pupunta ng Cagayan kinabukasan para tingnan ang sinasabi ni Leland na kotse. May nadiskubrihan kasi ang mga pulis na nasunog na kotse at isang kalansay na sa hinagap ng mga pulis ay nagmamay-ari ng naturang kotse at nabaril.

Ang sabi pa ay biktima daw ito ng mga highway rangers, biktima daw ito ng highway robbery gone wrong, Yun bang pumalag at nanlaban kaya binaril yung. Matapos makuha ang mga mapapakinabangan, sinilaban ang kotse at itinulak sa bangin. Dahil siguro sa impact ay tumilapon ang biktima palabas ng kotse nang hindi na napansin pa ng mga tulisan at iniwan na lang doon hanggang sa madiskubrihan ng mga nagkakaingin sa lugar na yun. Ang mapait na parte ay huli na rin naman dahil may ilang buwan na ang nakakaraan ayon sa forensic autopsy ng lungso bago nadiskubrihan ang insidente.

Iniwan ni Majz si Lance sa kwarto para magpatulong kay Aling Adel at Mang Jose. Tumalima naman si Mang Jose at umakyat sa ikalawang palapag kung nasaan ang kwarto ni Lance at tinulungan ang amo habang tinutulungan ni Majz si Aling Adel sa paghahanda ng hapunan at ng dadalhin nila bukas para hindi na sila magluto pa pagdating doon sa tutuluyan sila sa Cagayan

Nang matapos sila ay tapos na rin si Lance at Mang Jose sa paghahanda ng mga gamit ni Lance na kakailanganin nito sa apat na araw. Plano nilang magtigil sa isang maliit na bayan sa Cagayan Valley. Nasasakop ng bayan na yun ang lugar na napagkitaan ng nasunog na kotse at launan ay ang labi ng isang lalaki. Hindi kaagad naibalita o naitawag sa nagmamay-ari ng nasunog na kotse ang pangyayari dahil hindi kaagad ito naiahon sa bangin na kinahulugan nito. Lumipas pang muli ang isang buwan bago pa nila nabalikan ang kotse at doon pa nakita ang agnas na labi ng isang lalaki na ayun kay Leland ay tumutugon sa deskripsyon ni Logan.

Plano nilang umuwi sa bahay ni Bebeng para kumuha ng gamit ni Majz matapos maghapunan at doon na rin magsimula kinabukasan. Tinawagan ni Majz ang pamilya para ipaalam ang nangyari at plano. Sinabi ng dalaga na bibyahe sila kinabukasan papuntang Cagayan Valley para makita ang natitira sa labi ng kapatid ng binata, kung kapatid nga ito ni Lance, at kung ano pang  mga gamit ang natira na hindi kinuha ng mga salarin.

"Hon, nakatawag ka na ba kay Ate Ella?" Tanong ni Lance habang ibinubulsa nito ang cellphone at pitaka.

"Hindi pa eh. Hindi ko alam kung paanong magpapaalam sa kanya na hindi ko masasabi ang dahilan." Sagot ni Majz na napahugot ng malalim na paghinga. Napapadalas ang paghugot at pagbubuntong hininga nilang dalawa. Dama nila pareho ang bigat ng sitwasyon. Pakiramdam nila ay wala silang maabutan doon kundi isang malaking masamang balita.

"I'll call her." Pagpipresinta ni Lance. Napaisip pa si Majz kung papayag ba siya o hindi kasi siya ang empliyado at hindi ang binata. Ayaw niyang sabihin ng boss niya na umaabuso siya.

"Ako na lang. Total linggo naman ngayon, wala rin kaming schedule ng taping bukas at edits, photoshoot lang.  Tatawagan ko si Kuya Ray na siya na muna ang bahala sa lahat. Ipapalipat ko kay Connie ang mga appointments ko kay Kuya Ray, alam na nila Kuya Celso ang kalakaran. Sa pagbabalik natin, I will tender my resignation letter to Ate Ella, effective immediately." Kinabig siya ni Lance para yakapin.

"I'm sorry, Hon. Your job is being affected with my family's troubles." Ramdam sa boses ni Lance ang panghihinayang at lungkot.

"Hey! Knock it off." Tinulak ni Majz ng bahagyang palayo si Lance sa kanya para harapin ito, mata sa mata. "Ano ba ang sabi ni Tatay?" Humugot muli ng malalim na paghinga si Lance bago nagsalita.

"We're all in this together." Mahina at laglag balikat nitong sagot.

"Yun naman pala eh. Bakit ganyan ka magsalita?" Turan ni Majz na may bahagyang katarayan. "Umayos ka nga. Wag kang pa-depress-depress-an diyan. Hindi uso yan ngayon." Paninermon niya dito. Mapait na ngumiti si Lance ngunit kinalma ang sarili. Pilit inaalala na hindi na siya mag-isa, na may karamay na siya.

"I know, Hon. But I can't help it." Sagot naman ni Lance. Pareho lang naman sila ng nararamdaman, kinakabahan at nao-overwhelm sa mga tumatakbo sa isip nila.

"Okay. Fine. Nandun na ako." Saad ni Majz. "Look at me. Hindi ko sinabing magpakabato at magpakamanhid ka, ang sa aking lang naman ay kumalma ka muna. Hindi pa naman natin sigurado na si Logan nga yun, di ba?" Napatitig si Lance kay Majz. May punto ito. Bakit nga ba sila nagpapakalugmok gayung hindi pa naman sila sigurado? Tumango-tango ang binata.

"You're right. We son't know anything yet and I am just payching myself. Thank you." Matapat na pag-amin ni Lance. "I'm sorry for acting like a baby. I don't know why I did that. I was usually the calm one out of the three of us. I didn't even stop fo a while to think and look at the bigger picture." Patuloy ni Lance na sabi. Bahagyang ngumiti si Majz. Napapansin niya ang unti-unting pag-aliwalas ng aura ng binata.

"First, you need stop over thinking things. Let's tackle one situation at a time, a day at a time. Hindi ka makakapag-isip ng maayos kung gusto mong isipin ang lahat ng sabay-sabay." Malumanay na paalala ni Majz kay Lance.

"I'm sorry, I can't really help it." Bumuntong-hinga ito. "But I'll try a little harder to keep calm." Dugtong nito. Ngumiti si Majz sa kasintahan. Mas lumambot naman ang aura ni Lance kaya naging maayos na ang pakiramdam ni Majz kahit papaano.

"Tayo na. Baka gabihin pa tayo. Magliligpit pa ako ng ilang gamit." Tumango naman si Lance at binuksan na ang pinto ng kotse. Nakahinga naman ng maluwag si Majz.

"Kailangan ko nga palang tawagan si Ate Maelee kung pwede siyang mag-reserve ng isang rental para sa atin." Napalingon ng mabilis si Majz sa binata. Gaano ba kabilis makakuha ng rental ang mga ito? Naisip niya dahil ora-orada naman magpa-reserved ng sasakyan.

"May tutuluyan na ba tayo doon?" Tanong ni Majz. Tango lang ang isinagot ni Lance at hinarap ang pagtawag sa hipag.

Gamit ang handsfree ng sariling sasakyan, tinawagan nito ang hipag. Ilang ring lang ay sumagot naman ito kaagad.

"Hello." Napakalambing nitong bati. Dahil handsfree ang gamit, naririnig ni Majz ang malambing nitong boses.

"Ate Maelee, si Lance po ito." Pakilala ni Lance sa sarili.

"Oh Lancelot, napatawag ka." Panimula nito. Halata mong masaya ito sa boses pa lang.

"Ate, pwede po bang maka-avail ng isang rental? I need it tomorrow early morning. Biglaan lang, Te." Hindi naman na pinaghintay ng sagot ni Lance.

"Where do you want it delivered?" Tanong nito. Hindi man lang nagtanong o nagtaka kung bakit ora-orada ang pangangailangan ni Lance ng kotse.

"Tonight sana, Ate." Sagot ni Lance. Umuo naman kaagad si Maelee sa kabilang linya. Sinabi ni Lance dito ang address ng pagdadalhan ng kotse.

"Lance, saan ka ba pupunta?" Tanong nito na may pag-aalala. Isang malalim na paghinga at malungkot na pagbuga ng hininga ang maririnig mula kay Lance bago nagsalita.

"Sa Cagayan Valley."







DUMATING silang dalawa ni Majz sa maliit na baranggay sa bayan Lasam. Malinis at maluwag ang kalsada kahit na may karamihan ang mga I

Una nila ginawa ay hanapin ang kanilang tutuluyan na naipa-book ni Mang Jose. Hindi lang driver ni Lance si Mang Jose, sekretayo niya rin ito at lahat-lahat na. May pinag-aralan din naman si Mang Jose kahit papaano, hindi nga lang makapagtapos dahil kapos sa pera ang mga magulang at hindi sapat ang kinikita ng mga ito lalo na nang igupo ang ama nito sa sakit na sanhi ng ikinamatay nito at sumunod  naman ang ina. Nabaon sa utang ang pamilya kaya walang nakatapos sa kanilang tatlong magkakapatid sa kolehiyo.

Nakita nila ang Casa Esperanza B&B na napili ni Jose para sa kanila. Madali lang nila itong nakita dahil malapit lang ito sa highway. Namangha si Majz sa ganda ng Casa Esperanza B&B, parang hindi probinsiya. Hindi ito yung nakasanayan ng karamihan na B&B dahil nga may mga villas sa likod na nakahiwalay sa mismong bahay na nagsisilbing bed and breakfast.

Isang maliit villa sa likod ng malaking B&B na may dalawang kama sa loob. Katamtaman lang ang laki ng lababo. May coffeemaker, micromave sa counter top sa tabi nito at double-burner electric stove katabi ng 3-cubic ft personal refrigerator na nakalagay sa pinaka dulo. Ang pinto ng banyo naman ay nasa gilid lamang ng fridge. Sa harap nito sa di kalayuan ay ang lamesa na nakadikit sa dingding na may tatlong upuan.

May maliit ding sala na adornuhan ng isang rattan loveseat, center table at TV na nakabitin sa gitna na pwedeng ikutin ng 360°. Pwedeng paharap sa dalawang kama o paharap sa loveseat o sa hapag-kainan. Hindi ito maaabot ng kahit na sino dahil may remote control naman. Ang ganda ng dating, maliit man ito ay maaliwalas naman sa loob.

Kaninang dumating sila ay napakwento ang dalagang naabutan nila sa reception desk. Ayun dito, dati daw itong tirahan ni Señor Delgado at Señora Florencia del Serrano na nakilalang mabait sa bayang ito ngunit hindi pinagpalang magkaanak.

Nung magkasunod na mamatay ang mag-asawa, may dumating daw na isang babae at nagpakilalang anak ng Señor sa ibang babae na pinatunayan namqn daw ng abogado. Isa itong matandang dalaga na kilala sa pangalang Lilyana. Wala itong ibang pamilya dahil hindi naman ito nag-asawa.

Maganda daw itong si Lilyana kahit may edad na, mabait din at tahimik lang. Hindi rin gaanong lumalabas ng bahay ang babae. Hindi nakikisalamuha sa mga taga-roon pero hindi rin naman masungit. Lumalabas lang ito kung mamamalengke kasama ang mayordoma ng mansyon. Masyadong misteryosa ito at mukhang istrikta. Tapos isang araw, bigla na lang itong naglaho sa bayan nila. Walang may nakakaalam.

Ilang buwan ang nakalipas ay umalis na rin ang hardinero at ang naiwan ay ang mayordoma na napag-alaman ni Majz na Nanay nung receptionist. Nai-podlock ng mayordoma ang bahay dahil siya na lamang ang natitira sa manyon dahil isa-isang umalis ang kasambahay. Matapos ang ilang buwan mula nang mawala si Lilyana ay may dumating na abogado na taga-Maynila, kasama ang ilang pulis, nabuksan ang bahay sa utos daw ng bagong may-ari at ipinaayos ito.

Makalipas ang pitong buwan na pagpapaayos ay binuksan ito sa publiko at pinangalanang Villa Esperanza na ang ibig sabihin ay pag-asa. Simula noon ay naging kilala ito sa mga karatig bayan at naging bukambibig na rin ng mga napapadaan sa bayan nila bago dumiretso ng Batanes o Aparri.

Natuwa si Majz sa kwento ng dalaga habang busy si Lance sa cellphone nito. Mahaba ang naikwento ng receptionist bago pa nagdesisyon si Lance na pumunta sa villa na naka-reserve para sa kanila sa likod ng dalawang palapag na B&B.

Ngayon nga ay naliligo na ang binata at si Majz naman ay naghahanda ng merienda nila. Naalanganin ang pananghalian nila kanina kaya tumigil na sila panandalian sa isa sa mga nakahilirang kainan sa highway bago pa sila tumuloy dito. Nakabili din sila ng mga prutas at ilang sariwang gulay katulad ng malunggay, sitaw at talong. May na ili rin silang kamatis sibuyas, itlog na puti at itlog na pula.

Natutuwa naman si Majz dahil hindi pihikan si Lance sa pagkain basta mineral water o alkaline water lang ang iinumin nito ay ayos na kaya dumaan sila sa grocery store kagabi para bumili ng dalawang case ng alkaline water bago pa sila tumuloy sa bahay ni Bebeng. Sandali lang sila naghintay at dumating si Jose kasunod ang driver ng mga Richards para ihatid ang kotseng ipinadala ng Ate Maelee nito.

Nagulat pa siya nang lumabas ng banyo ang binata. Mukhang preskong-presko ito. Napalunok tuloy siya sa ayos nito at bahagyang natulala sa lalaki. Napaka-hot naman kasi ng kasintahan sa suot na faded ripped jeans at white t-shirt na hapit sa katawan at talaga nga namang namumutok ang dibdib nito at braso, bumabakat din ang rolyo ng tinapay sa tiyan nito.

Mabilis na tumalikod si Majz at tumungo sa kama nang ma-realize na halos maglaway na siya sa kasintahan, kaya hinarap ang sariling gamit pra mailayo ng sarili sa kahihiyan. Maliligo na lang siya. Mainit ang loob ng villa, masyadong mainit.

Lingid sa kaalaman niya, nakita ni Lance ang kanyang pagkatulala at ang pagtitig niya dito. Lihim itong nakangiti at kunwari may ibang pinagkakaabalahan. Kung nakita lang sana ni Majz ang pilyong kislap sa mga mata ni Lance ay baka buhatin niya ang buong kama para lamang ibalibag ito sa binata.

"Are you going to take a shower, too?" Simpleng tanong ni Lance. Tumango siyang hindi nag-aangat ng tingin kaya hindi niya nakita ang lapad ng ngiti nito.

"Yeah." Sagot niya nang hindi ito nililingon. Nagkunwari siyang busy sa ginawa. Busy sa pagpili ng damit na susuotin.

"Sana sumabay ka na lang sa akin kanina para nakatipid tayo sa tubig." Napatigil siya sa kanyang ginagawa at mabilis na tinapunan ng nakakamatay na tingin ang binata. Naniningkit sa inis at galit ang kanyang mga mata. Pagkapikon at pagkaasar ang nakarehistro sa mukha ni Majz. If looks could only kill lang talaga, baka bumulagta na si Lance at pinaglalalamayan na kaagad.

"Lance Muriel Scott! Ang harot mo!" Ang tangi niyang naisigaw. Wala siyang maisip na ibang pwedeng sabihin. Malakas na tumawa ang binata sa kanyang naging reaction. "Ang harot-harot mo!" Mabilis niya itong tinalikuran at agad na pumasok sa banyo. Walang lingon-talikod niyang isinara ang pinto.

Mabilis pa sa alas kwatro niyang ini-lock ang tarangkahan at sinigurong hindi ito makakapasok sa loob ng banyo. Dinig pa niya ang malakas at malutong na tawa ng kasintahan dahil sa kalokohang ginawa. Susmaryosep, Lord! Konti pang lakas ng loob po. Kailangan ko po ng tulong N'yo. Pleeeaaase. Pipi niyang panalangin. Madiing napapikit si Majz para burahin ang imahe ng magandang katawan ng lalaki sa kanyang utak.

Naiinis siya sa lalaki hindi dahil sa kaharutan nito, naiinis siya dito dahil mabilis ang pagresponde ng katawan niya sa bawat sabihin ng kasintahan. Kahit nga hindi na ito magsalita ay ganun pa rin ang reaction ng katawan niya sa presensya nito. Paano na lang ang kaluluwa niya?

Nagagalit siya sa sarili kasi parang uhaw siya palagi para sa kasintahan, parang hindi siya pwedeng kumilos o gumalaw nang wala ito sa tabi niya. Parang hindi siya pinalaking matino ng Nanay at Tatay niya. Yun ang ikinabubwisit niya. Yun ang ikinagagalit niya.

Aburidong naligo si Majz. Iniiwasan niya makanti ang dibdib dahil nag-iiba ang pakiramdam niya at nahihiya siya sa sarili. Mas minabuti niyang buhusan na lang ng buhusan ng malamig na tubig ang katawan para maibsan ang init na nararamdaman niya. Kasalanan mo itong lahat, Lance. Paninisi niya sa lalaki sa kanyang isip. Napabuga na lang siya ng hininga. 

Nang mahimasmasan ay ipinagpatuloy ni Majz ang paliligo. Alam niyang matagal na siya sa loob ng banyo. Wala siyang pakialam sa oras ngayon basta ang importante sa kanya ay maiayos niya ang sarili bago humarap kay Lance. Bibilisan na lang niya ang pagbibihis mamaya.

Naiiling siyang nagbibihis. Dalawampu't isang taon pa lang naman siya, hindi naman siya nagmamadaling mag-asawa at dapat ganun din ang katawan niya, pero hindi eh. Katulad ngayong nagbihis siya, naiisip niya lang ang binata ay eto na naman katawan niya. Napaupo siya ibabaw ng aniduro para payapain ang sarili. Dios Mio! Saan ako dadamputin ngayon sa mga pinaggagawa ng katawan ko.

Sa wakas ay lumabas na rin siya dahil alam niyang may hinahabol silang oras. Ngayon sila makikipagkita sa mga pulis na namuno ng imbestigasyon sa nasabing nasunog na kotse at labi ng isang hindi pa nakikilang lalaki.

Kumain sila ng tahimik. Walang kibo si Majz kaya walang kibo din si Lance. Alam niya na mainit ang ulo ni Majz dahil sa pang-se-seduce niya dito kanina kaya mas minabuti na lang niya na tumahimik na rin. Mas mabuti pa na ganito si Majz kesa mag-ala-tigre ito. Mas mahirap itong suyuin dahil baka palayasin siya nito sa villa nila mamaya.

Ilang sandali pa ay nakarinig sila ng katok at pagtawag mula sa labas. Nagkatinginan silang may pagtataka. Sabay silang napatingin sa mga relo nila.Wala naman silang inaasahang darating ngayon dahil mamaya pa yun.

"Sir?! Sir Lance?!" Tawag ng isang boses ng lalaki mula sa labas ng pinto. Tumayo si Majz para alamin kung sino at ano ang pakay nito. Mabilis na pinigilan ni Lance si Majz. Sumunod naman kaagad ang dalaga sa binata ng walang tutol.

Tumayo si Lance para pagsinuhin ang kumakatok. Nagtaka siya dahil isa ito sa mga naghatid kanina sa kanila dito sa villa. Siguro mga kaedaran lang nila o baka nakatatanda lang ng ilang taon sa kanila ang lalaki. Nilingon niya si Majz. Tahimik lang naman itong nakamasid sa kanya at naghihintay. Ilang sandali pa ay pinagbuksan na niya ito.

"May problema po ba, Kuya?" Magalang na tanong ni Lance sa lalaki. Para namang napahiya ang lalaki at napakamot ang batok.

"Eh Sir, pasensiya na po at naistorbo ko kayo. Alam namin na nagpapahinga po kayo ngayon, pero may dalawang pulis po sa lobby. Hinahanap po kayo. May meeting daw po kayo ngayon sa kanila." Saad nito. Sinipat ni Lance ang relo bago tumango at ngumiti sa lalaki.

"Okay lang po yun, Kuya. Salamat po. Pakisabi na lang po sa kanila na hintayin kami doon sa lobby." Tugon niya dito. "Meron po ba kayo na pwede naming pwestuhan para makapag-usap kami ng pribado?" Tanong niyasa lalaki. Tumango at ngumiti ang lalaki.

"Meron po. Sir. Doon ko na lang po pahihintayin sila Sarge." Ngumiti ito at sumaludo pa. "Ipatawag n'yo na lang po ako kay Nene mamaya." Dugtong pa nito. Tumango si Lance at nagpasalamat.

"Salamat, Kuya." Yumukod ang lalaki at mabilis na umalis. Napailing si Lance.

Bumalik siya sa maliit na lamesa kung saan naiwan si Majz. Nagkatinginan silang dalawa. Nagkaintindihan naman sila kaagad sa kung ano ang pakaibig sabihin ng isa't isa. Mabilis na tinapos nilang dalawa ang pakain at sabay lumabas para harapin ang sinasabing naghahanap at naghihintay na kanilang pulis.

Ano ang matutuklasan nila sa pangyayaring ito? Si Logan nga ba ang labi na natagpuan ng mga ito na ngayon ay isa ng kalansay? Paano maipapapaliwag ni Lance sa kanyang ina ang nangyari sa kapatid? Nasaan si Makai? Matatanggap ba ng dalaga ang balita tungkol sa kasintahan? Abangan.







--------------
End of LCIF 48: Discovery

Thank you for reading.the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
10.17.19

Lights! Camera! I've Fallin...
©All Rights Reserved
March 15, 2016

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro