Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LCIF 47: Pamilya

Owtor's Nowt: Maraming salamat po sa pagsubaybay.









Sakay ng kotse, parehong may bigat na bumabalot sa puso nila. Laglag ang balikat ni Lance. Palingon-lingon lang naman si Majz sa binata.

Ang tanong na bumungad sa kanilakanina ay ang bagay na iniiwasan nilang pareho. Wala pa rin silang balita kay Logan. Kung noon ay nag-aalala lang sila, ngayon ay talagang nababahala na sila. Kinakabahan. Nananalangin na sana ay buhay ito at nakatuwaan lang na wag magpakita sa pamilya, sa madaling salita, Logan being Logan. Yun lang.

"Lance, wala pa ba talagang lead kay Logan?" Hindi na nakatiis si Majz na itanong ito sa nobyo. Sobrang katahimikang bumabalot sa kanila sa loob ng kotse, sa kapal ng tensyon ay hindi siya makahinga.

"I don't know. I really don't know." Sagot nito na may konting pagpiyok. Alam ni Majz na nagpipilit lang itong magpakatatag, nagtatapang-tapangan sabi nga nila. "Ang sabi ni Leland, few months back, may lead na daw siya pero hindi pa niya pwedeng sabihin sa amin dahil hindi pa siya sigurado. He said, there are pieces that doesn't add up." Sambit ni Lance sa pagitan ng nag-iihtingang bagang.

"Pwede mo namang tawagan si Leland, di ba?" Tanong ni Majz kay Lance. Tumango ito. Inabot ng dalaga ang kamay ng kasintahan na nakahamboy sa gear shift ng kotse.

"Nakalimutan ko na ngang i-follow up sa kanya dahil masyadong akong maging busy sa personal kong buhay, nakaligtaan ko ang kapatid ko." Malungkot na saad ni Lance, nakikita ni Majz ang namumuong galit sa mga mata nito at ang pamumula ng mga mata nito kahit na nakatagilid ito at nakatutok lang sa kalsada ang mga mata.

"Wag ka na magalit, hindi naman kasakiman kung pagtuunan mo konting pansin ang personal mong buhay kahit sandali lang." Pahayag ni Majz. Hindi nito alam kung paanong paglulibagin ang loob ng kasintahan, pero dama niya ang nararamdaman nito.

"I can't help it. Theo raised a concern and it really bothered me that I didn't pay attention to it, even for a little." Laglag ang balikat nito.

"Lancelot, don't beat yourself up too much. May sarili ka ring buhay at hindi mo kailangan ang masyadong nai-stress. Hindi mo kakayanin." Naalala niya ang paalala ni Theo kanina bago pa sila nghiawa-hiwalay. Hindi pa rin gumagaan ang tingin niya dito.

Maayos naman kanina ang mood nito, nasira lang dahil sa inosenteng tanong ni Theo, ngayon hindi na maibalik ang ngiti sa mga labi ng binata. Kahit na nga nung dumating ang pinsang si Cammi at kaibigang Si Alexa Deanne.

Una silang nagpaalam sa mga ito bago pa makipagkwentuhan ng mahaba-haba lalo pa at dumating na ang in-order nilang boxed coffee. Napapansin kasi ni Majz na maliban sa lumamlm na ang mood ni Lance ay parang iniiwas siya nito sa dalawang babae at yun ang hindi niya maintindihan kahit na okay lang naman sa kanya na hindi makausap ang mga ito.

"Do you want me to call Leland?" Pag-aalok ni Majz. Maaaring pumayag si Lance, maaaring hindi rin pero yun ang risk na gusto niyang subukan, baka sakaling gumaan ang mood nito kahit konti lang. Humugot muna ng malalim na paghinga si Lance bago bahagyang tumango.

Binunot niya ang cellphone ni Lance na nasa cupholder. In-unlock at hinanap ang pangalan ni Leland. Pinili ang pangalan nito at pinindot ang call icon. Panandalian itong katahimikan ang narinig niya bago ito nag-ring. Mamaya-maya ay may sumagot na... babae? Napatingin siya sa kasintahan. Inilagay ito sa speaker phone.

"Hello?" Pag-ulit na sabi ng isang american accent na babae sa kabilang linya.

"Hi, may I please speak to Leland?" Pakiusap niya sa malambing na boses na natural na sa kanya.

"Who are you?" Mataray na sagot ng nasa kabilang linya. Umarko ang kilay niya Majz. Umusbong ang inis. Sino ba itong babaeng ito na akala mo ay kung sino.

"Who are you?" Balik tanong ni Majz sa babae. Pinaka diin ang salitang 'you'

"I'm his girlfriend. Who the hell are you?" Patuloy nitong pagtataray. Naiinis na si Majz. Humugot siya ng malalim na paghinga at galit itong bumuga.

"Now, young lady. Are going to wake him up or you will face my anger." May bahid ng pagbabanta. Napalingon siya kay Lance na sumulyap ito sa kanya panandalian. May sumisilay na ngiti sa mga labi nito at bahangyang kumislap ang mga mata ng binata. Hindi niya alam, pero mas lalo siyang nainis dahil doon.

"I don't have time to play around. Leland is asleep and he is tired..." Hindi na pinatapos pa ni Majz sa pagsasalita ang Amerika ang pakialamera sa phone ni Leland.

"Okay. You'd done it! I don't care if he is tired or not, you wake up my husband or I will send a police there to put you both in jail for adultery!" Nagngingitngit siya dahil sa atribidang amerikanang ito. Wala siyang pakialam sa ginagawa nito at ni Leland dahil mas concern siya sa nararamdman ng kasintahan ngayon at gusto nitong makausap ang kapatid, period.

Natawa ng malakas si Lance dahil sa kabaliwan ng kasintahan mabuti na lang at hindi narinig sa kabilang linya ang tawa nito. Tinapunan niya ito ng matalim na tingin. Itinaas nito ang kamay na parang sumusuko

"May I know who's on the line please." Biglang bumait ang tono nito. Napangiti silang pareho ni Lance. Napailing na lang si Majz.

"It's Majz. His brother Lance, wants to speak to him." Simple ngunit seryoso niyang sagot.

Wala na siyang iba pang narinig sa kabilang linya kundi ang panandaliang kathimikan. Maya-maya ay may pagtatalo, tapos natahimik na muli. Hindi niya maintindihan kung ano ang pinagtatalunan basta ang narinig niya lang ay---

"You are not fucking funny, Asshole!" Singhal ni Leland sa kabilang linya. Mabilis na napatingin si Majz kay Lance. Okay lang expression nito, hindi malungkot, hindi rin masaya.

"Watch your mouth, Leland Aaron. My girlfriend is hearing your uneducated words." Pigil ang tawang sabi ni Lance. Narinig nila ang pagbuntong hininga nito.

"What do you want, Lance? This better be good. You know what time is it here?" Tanong nito. Napailing si Lance.

"I know and I don't care." Direktang sagot nito. "Any news?" Isang buntong hininga uli at may kahabaang katahimikan ang bumalot sa kanilang tatlo.

"Mamaya na tayo mag-usap. Medyo mahaba eh. I know you are driving right now. Tawagan mo uli ako mamaya." Sabi nito.

"Tawagan ka mamaya? Tapos babae na naman ang sasagot, nagtataray pa sa girlfriend ko, then Majz has to pretend to be your wife---" Hindi natapos ang sasabihin ni Lance dahil sumingit na si Leland.

"Fine. Fine. Fine. Shut up, Lance!" Singhal nito. Nagtaas ng kilay si Lance. "Ang daming sinabi." Dugtong pa nito sa aburidong tono. Sinupil ni Majz ang ngiti niya. Magkapatid nga sila.

"Then don't let your lady toy answer your damn phone and act like a stupid bimbo!" Nagalit na talaga si Lance. Pinisil niya ang kamay nito. Kumalma naman kaagad ito kahit napipilitan lang.

"Alright! Alright! I got it!" Pikon na sagot nito. "Call me in three hours. I'll be up and showered by then." Dugtong pa nito.

"Be sure to be available." Saad ni Lance. Hindi na ito sumagot. Narinig na lang nila ang pagbubusa nito at ang pagbagsak ng pinto sa kabilang linya.

"Get the fuck out!" Dinig nilang singhal nito sa kung sino man yun nasundan ng parang pagmamakaawa ng babae at isa pa uling singhal ni Leland at pagbagsak ang muling pagbgsak ng pinto.

Kinuha ni Lance ang cellphone niya at pinatay na ito. Inilagay pabalik sa cupholder at natahimik na uli sila. Ilang saglit pa ay nasa parking lotl na sila ospital.

DUMATING sila na nagkakatuwaan ang buong pamilya dahil sa kambal ang ipinanganak ni Bebeng, isang babae at isang lalaki na pinangalanan nilang Betina Grace Samonte Ricaforte at Angelo Mart Samonte Ricaforte.

Tuwang-tuwa si Majz para sa tiyahin at tiyuhin. Sino ba ang mag-aakala na sa edad na kwarenta y nueve ay mabubuntis pa ito at maipanganganak nito nang malusog ang mga sanggol kahit hindi full term ang mga ito. Mabuti na lang at kompleto sa pasilidad ang hospital kaya nairaos ni Bebeng ang dalawang sanggol sa pamamagitan ng caesarean section ng walang gaanong komplikasyon maliban sa muntikang preeclampsia. Kaya kinakailangan niyang magtigil ng dalawa pang linggo sa ospital para masigurong hindi siya magkakaroon ng iba pang komplikasyon at walang mamumuong impeksyon sa sugat nito.

"Ang saya, sana nandito si Makai." Biglang natahimik ang kapatid at hipag na malapit sa kanya. Nagkatinginan ang mag-asawa.

"Majz, hayaan mo na muna yun. Busy lang siguro dahil nga nagbalik ito sa pag-aaral. Pasasaan ba at tatawag din yun, makikibalita." Pagpapalubag sa loob niya ni Manuel.

"Wag ka nang malungkot, Majz. Bumabawi lang sila ni T'yong Niel sa isa't isa." Pangungumbinsi ni Korina. Tumango na lang siya.

"T'yong, kelan pa namin makikita ang T'yang?" Tanong niya. Sineryoso si Martin.

"Maya-maya siguro pero isa-isa lang muna ang bisita. Inilagay siya muna ICU kasi muntik daw nag-preeclampsia. Bahagyang tumaas ang blood pressure niya kanina. Sinisiguro lang nila na okay siya at hindi na muling tataas ang blood pressure niya." Tumango-tango lang si Majz.

"Bakit ang lungkot n'yong dalawa?" Napatingin silang dalawa kay Sepring at nagkatinginan. Ganun ba sila kahalata kahit na nakikisali sila sa katuwaan ng tiyuhin ay pansin pa rin na may bumagabag sa kanila?

"Hindi naman Tay. Masaya nga kami eh." Sagot ni Lance na pilit na ngumiti. Hindi naman mahirap ang makitang masaya ito kasi konting ngiti lang ay lalabas na ang simple nito. Si Majz naman ngiting mayumi lang ayos na.

"Pag-untugin ko kaya kayong magkasintahan diyan." Pagbabanta nito.

"Tay naman eh. Ayos nga lang kami. May konting inaalala lang pero pwede namang pag-usapan sa mga susunod na araw. Importante masaya tayo para kay T'yang Bebeng." Pilit na pinasasaya ni Majz ng boses. Pero sino nga ba ang niloloko niya? Ang ama niya ito, na kahit kelan ay walang nakalusot dito. Hindi man naninita kaagad pero alam ang kaganapan sa paligid at nakapaligid dito.

"Upo." Utos ni Martin. "Tulog pa si Bebeng ngayon. Inaasikaso pa nila ang tahi ni Bebeng at mamaya pa yun magigising. Hindi pa naman handa ang mga babies para makita natin kaya umupo kayong dalawa. Pag-usapan na natin ito ngayon." Mahabang dugtong ni Martin.

"Sige na. Makinig na kayo sa T'yong n'yo. Upo." Hirit naman ni Doray na isa ding buntis ngunit nasa second trimester pa lang ito. Nakaalalay lang naman si Romano sa asawa.

"Go." Sabi ni Romano nang makaupo na ang lahat sa kani-kanilang napiling pwesto.

Huminga muna ng malalim si Majz, pilit kinakalma ang sarili at tumikhim naman si Lance, pilit niluluwagan ang kung anong nakabara sa lalamunan para hindi pumiyok.

"Nasalubong po kasi namin kanina sa mall yung mga pinsan ni Lance. Natanong ni Theo kanina ang tungkol kay Logan, nangagnmusta sa development ng paghahanap dito. Medyo naungkat lang yung nananahimik na pag-aalala ni Lance sa kapatid niya." Panimula ni Majz. Nagkatinginan naman ang pamilya niya.

"Hanggang ngayon ba hindi pa rin nauwi ang kapatid mo?" Tanong ni Sepring. Nawala na nga rin sa isip nila ang tungkol dito dahil halos isang taon na rin na hindi nila nakakausap si Makai.

"Hindi pa po eh. Ang huling sabi ni Leland may lead na daw. Kay lang may kulang pa. When Theo asked me earlier about Logan parang naisip ko dapat pati ako kumikilos din para hanapin siya. Leland may have found some leads but he's not here. Siguro po, it is up to me to do the leg works." Halata ang pagsisisi at panghihinayang sa boses nito.

"Bakit hindi n'yo sinasabi sa amin ang mga bagay na ito? Importante ito ah. Natulungan mo kaming maayos ang gulo sa pamilya namin. Bakit hindi mo kami hayaan makatulong sa inyo kahit sa maliit na paraan lang." Tanong ni Sepring na may kasamang paalala. Napailing lang si Majz, nagkibit balikat naman si Lance.

"Ilang panahon na lang magiging lubos na tayong magkapamilya, Bayaw. Siguro naman sapat nang dahilan yun para sabihin mo rin sa amin nang makatulong din kami kahit papaano." Pahayag ni Manuel. Tahimik pa rin silang dalaw ni Majz.

"Hindi rin kasi namin alam kung saan kami mag-uumpisa. Lahat ng CCTV na meron dito sa kabuuan ng Metro Manila and neighboring cities ay napanood na yata lahat namin ni Daddy. It only showed a little. Paglabas niya ng Manila, wala na." Napasandal ng wala sa oras ang tatlong nakatatandang lalaki.

"Yun nga lang. Diyan tayo talo. Wala CCTV, walang lead." Sabat ni Romano. Bahagya silang natahimik, nag-iisip.

"Anong sabi ng kapatid mong FBI Agent?" Tanong ni Martin. Umiling si Lance.

"May lead daw siya pero di pa sigurado, may mga kulang at may hindi tugma. He wants me to call him in two or three hours." Kahit kelan naman ay hindi siya nagsinungaling sa mga ito. Hindi basta-basta nagkukwento pero hindi ang magsinungaling sa mga ito. Kung tatanungin siya ng mga ito ng kahit na ano ay sasagutin naman niya ng buong katotohanan.

"Kelan niya 'to sinabi sa inyo?" Salitan silang tinitigan ng Sepring.

"Kanina pa po sa telepono bago kami makabalik dito." Simpleng sagot ni Majz. Tiningnan ni Sepring ang relo sa bisig nito at tiningnan ang dalawa.

"Ano pang ginagawa n'yo dito?" Tanong nito sa dalawa. Nagkatinginan sila ni Lance, naguguluhan.

"Hinihintay po ang T'yang." Sagot ni Majz. Napailing na lang si Sepring.

"Sige na. Lumakad na kayong dalawa. Harapin n'yo ang problemang yan at kami na ang bahala dito kay Benita." Mabilis na sabat ni Doray. "Mas importante yan. Miintindihan kayo ng T'yang n'yo." Dugtong pa nito.

"Unahin n'yo yan. At alam kong marami pa kayong dapat na pag-usapan." Makahulugang saad ni Martin. Tumango lang si Lance.

"Salamat po." Sabay nilang sagot.

"Humingi ka na rin ng bakasyon sa trabaho mo, Maria Jaise. Importante na ma-follow up n'yo kung ano mang lead meron ang kapatid ni Lance." Seryoso at determinado si Sepring na bigyang pansin nila ang paghahanap kay Logan.

Isang taon mahigit nang nawawala si Logan. Hindi ito basta lang nakalimot na umuwi pagkatapos nitong mag-ocular o ano man ang ginawa nito sa liblib na lugar na kung saan papuntang north. Iisa lang ang iniisip ng lahat... may hindi magandang nangyari sa binata kaya hindi pa ito nakakauwi. Dalawa lang ang iniisip nila, kung na-kidnap ito dapat noon pa ay nakatanggap na sila ng tawag o nakatanggap ng ransom notes, pero wala eh. Ang pangalawa ay maaaring patay na ito, na hindi kayng tanggapin ni Lance at ng buong pamilya nito

Kung nasaktan man ito ay sana buhay ito sa kung saang panig ng Pilipinas. Hindi rin naman kasi nila matanggap na patay na ang binata dahil imposible kahit pa sabihing walang activities na nagaganap sa mga accounts nito. Intact ang pera ng binata sa bangko at walang makakapagsabing namumuhay ito sa kung saan at mahigpit din na pinababantayan ng mga Scott kung saka-sakaling may magaganap na withdrawals o deposits. Wala din kasing ibang charges na naganap sa credit card nito.

Huling nakitang ginamit ng binata ang credit card at ATM card nito ay sa Shell sa sa isang bayan sa Pampanga kung saan nagpa-gas at kumuha ng cash. Pagkatapos nun ay wala nang ibang transaksiyon pa.

"Tay, hindi ganun kadaling kumuha ng bakasyon lalo pa at kulang kami sa tao." Mahinahong pahayag ni Majz.

"Eh di mag-resign ka. Kailangan ka ng fiance mo. Kung hindi mo mahanapan ng paraan na damayan siya dahil sa trabaho mo, ano pa ang silbi mo para maging fiance ka niya?" Napanganga si Majz sa tinuran ng ama.

"Tay, seryoso ka?" Hindi siya makapaniwalang napakadali lang na lumabas yun sa bibig ng ama. Natawa si Lance. Pinanlisikan niya ito ng mata nang lingunin niya ang binata. Itinaas naman ng binata ang mga kamay bilang pagsuko.

"Tay, salamat po sa concern, pero hindi naman na po kailangan ni Jaise na gawin yun. Okay lang po ako, kaya na po namin ni Leland ang paghahanap kay Logan." Mahaba niyang pahayag. Pero hindi nagpatinag si Sepring, lalo na nang sumagot si Martin sa usapan.

"Lance, kailangan mo ng kasamang aalalay sa iyo. Hindi magandang solohin mo ang lahat ng yan." Nandiyan na naman ang makahulugang tingin ni Martin sa binata na napansin ni Majz.

"Alam ko po yun, Tito Martin. I don't feel right if Jaise will quit her job just for me." Magalang nitong sagot sa lalaki.

"Alam ko, pero sino ang makakasama mo sa mga biyahe? Sino ang magluluto ng kakainin mo. Wag mong alalahanin si Majz. May trabaho siya sa pagbabalik niya, pangako yan." Alam nilang dalawa na hindi sila mananalo sa mga ito. Matagal na nilang napatunayan na sukdulan sa tigas ng ulo ang mga taga-San Nicolas lalong-lalo na ang pamilyang ito kaya tumango na lang si Majz at Lance.

"Lakad na. Tawagan n'yo na ang kapatid mo nang malaman na natin ang natuklasan niya." Iwinawasiwas pa ni Sepring ang kamay.

"Paano ang T'yang?" Tanging naitanong ni Majz.

"Anong paano ang T'yang mo?" Sabat ni Doray. "Nandito kami, Maria Jaise at nasa ospital siya.." Dugtong pa nito.

"I guess, we have no choice but to call Leland and find out what's going on." Suko na si Lance. Mahirap makipagtalo sa pamilya ni Majz. Kahit na may rason pa sila ay hindi rin naman ito mapakikinggan dahil naka-set na ang mga isip ng mga ito sa kung ano sa palagay nila ang tama.

"Salamat, Tay." Saad na lang ni Majz. Inakap na ang ama, ang kapatid at hipag, at ang mga tiyuhin at tiyahin. Nagpaalam na sa pamilya.

"Wag mo nang alalahanin si T'yang. Kami na ang bahalang maghanap ng makakasama ni T'yang." Salo ni Manuel.

"Wag na kayong maghanap. Meron na kaming nakita." Sagot ni Majz bago pa tumayo. "Si Jillyan, yung pamangkin ni Aling Adel." Dugtong pa niya.

"Ipapahatid ko kay Mang Jose dito si Jillyan mamaya. Si Mang Jose n po ang bahala sa kanya." Si Lance naman ang dumugtong.

"Mainam naman kung ganun. Siya lakad na." Inakap ni Majz ang ama at ganun din ang ginawa ni Lance. Lumabas na sila at walang kibong bumiyahe papunta sa bahay ni Lance.

















--------------
End of LCIF 47: Pamilya

Thank you for reading.the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
10.11.19

Lights! Camera! I've Fallin…
©All Rights Reserved
March 15, 2016


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro