Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LCIF 45: Babies









"Mang Jose? Si Majz?" Inagaw ni Aaron ang cellphone ng binata at ito ang kumausap sa lalaki.

"Don't mind him. Diyan ka lang wag mo silang iiwanan. Tumawag ka sa Towers at magpahatid ka ng makakain. Papunta na kami diyan." Pinatay na nito ang tawag at iniabot sa apo ang cellphone nito.

"Natataranta ka na naman. Yang puso mo, dahan-dahan." Paalala ni Aaron sa apo. Naiiling na lang ito dahil sa inaasal nito.

"Lance, ano ang ginawa mo kahapon bago ka inatake?" Tanong ni David na nakaarko ang kilay nito. Natahimik sila at nag-aabang ng isasagot nito. Humugot muna ito ng malalim na paghinga. Kinuha ang gamot na nakalagay sa loob ng isang maliit na dixie cup at ininom yun. Umupo sa gilid ng kama bago pa nagsalita.

"We were in the livingroom talking to T'yang Bebeng, more like convincing her rather than talking. We were trying to talk her into getting someone to stay with her lalo na nga at hindi siya komprtable kahapon pa ng tanghali. Nagkasagutan silang dalawang magtiyahin, napikon si T'yang Bebeng, nagalit si Jaise, iniwang kami ni T'yang sa sala." Humugot uli ng malalim ngunit banayad na paghinga si Lance bago itinuloy ang kwento.

"When it was just us, T'yang Bebeng and I, I somewhat begged her na sana ay pagbigyan niya kayo ni Jaise, which is for her own good naman. You just wanted to make sure she and the baby are safe as much as possible. I think talking to her went well since hindi naman siya nagalit at tahimik lang naman siyang nakatingin sa pinto ng kwarto ni Jaise." Muli ay humugot si Lance ng malalim na paghinga. "After a while, I got up and followed Jaise, kasi alam ko talagang nagtampo siya kay T'yang Bebeng. When I got to her room she was folding her clothes that we had washed earlier and she was... very quiet. Almost scary quiet. We started to---" Hindi na nadugtungan pa ng binata ang sasabihin dahil nag-react na kaagad si Aaron.

"Lance Muriel Villasis Scott! I know you love her very much and ready to marry her. They are letting you spend some nights with her but that doesn't mean you will abuse the trust they gave you! We are deeply disappointed with you young man! Kaya ka siguro inatake ano?!" Galit ang tono ng pananalita ni Aaron.

Maging si Martin ay parang nainis ding isipin na nilabag niya ang ipinangako nito sa bayaw niya. Magsasalita na sana siya nang itinaas ni Lance ang kamay para patigilin sila.

"Over reaction, Lolo? Idadamay n'yo pa si Tito Martin." Napapailing siya sa reaction ng dalawang Lolo pari na rin sa nakikita niya sa mata ni Martin. *Jaise and I started talking and we discussed Charizard and Pikachu. That's it." Saad nito na magkasalubong ang kilay. Nagkatinginan ang magnakaw at si Martin.

"Charizard?" Kunot noong tanong ni Aaron.

"Pikachu?!" Nagtaka naman ni David kung ano ang koneksyon ng Pokemon sa usapan.

"Pokemons? Bakit?" Litong-lito si Martin.

Napailing-iling na lang si Lance. Pigil ang ngiting binalewala ang tanong ng tatlo. Inayos ang manggas ng t-shirt na suot.

"Hindi ako pinalaki ni Mommy na katulad ni Daddy. No offense Lolo Pops." Umiling naman ito na parang sinasabing "none taken". "I did not cross the line nor have a plan of crossing that line kahit ganito ako kaharot, na kadalasan ay gahibla na lang ng buhok ni Lola Gramps at Lola Moms ang natitirang katinuan sa amin ni Jaise ay hindi namin inisip na lampasan ang alam naming hindi namin kayang gawin." Napailing itong nakatitig sa mga Lolo niya. Salitan nitong pinagmamasdan na may sakit at sama ng loob sa mga mata niya.

"I'm sorry, apo. We were just worried, that's all." Mabilis na sagot ni Aaron.

"Who do you think is standing in front of you? Leland? Viper?" Naglakad siya palapit sa maliit na fridge. Binuksan ito at kumuha ng malamig na tubig. Binuksan ang bote at tinungga nang walang tigil hanggang sa naubos ang laman.

"Lolo Gramps, Lolo Pops, I know that me and my triplets had pulled so many crazy stunts and pranks before, but never once played one on any women, not even Ate Brynn nor Cammi. We never did and we will never do anything to disrespect any women. We wanted them to scream our names in pleasure pero hindi namin ginawa dahil sa respeto namin sa babae. Kahit pa siguro ang isang babaerong katulad ni Leland ay hindi niya gagawin yun, not unless of course doon sa mga babaeng walang magawa sa buhay, but not definitly the women we want to marry." Inilaglag nito ang basyong plastik na bote ng tubig sa basurahan sa tabi niya. Hindi nakakibo ang mga Lolo niya. Nakikinig din lang si Martin na napapangiti.

Alam ni Martin na hindi lang simpleng halik sa noo ang nagawa ng dalawang ito dahil maging sila ni Bebeng noon ay ganun din, hindi nga lang lumampas sa halikan dahil na rin sa laki ng pagmamahal at respeto niya kay Bebeng.

Ilang sandali ng nakabibinging katahimikan ang bumalot sa gitna nilang apat. Walang maapuhap na sasabihin o ikokontra sa sinabi ng binata. Natameme ang mga ito. Mana nga sila sa Tatay nila dahil maging si Siege noon ay iisang babae din lang ang nilandi at yun din ang pinakasalan.

"Lo, paki paasikaso na lang po kay Mang Jose ang bills ko sa ospital. Pupuntahan ko lang si Jaise. Makikipagkita na lang ako kay Dr. Tuazon mamaya." Sabi ni Lance. "Don't worry, I wom't leave the hospital till she said it's okay." Dinampot ng binata ang pitaka at susi ng kotse na nasa ibabaw ng lamesita at lalabas na sana ngunit mabilis na napigilan ng mga lolo.

"Lance... we are just making sure that you do not forget your manners and values that you were taught." Napangiti si Martin sa narinig. Kumaway lang si Lance at nagtuloy nang lumabas.

Totoo ang sinabi ni David. Hindi lahat ng mga mayayamang kabataan ay ganito lumaki. Ang iba ay pinapangaralan ng maayos ng mgaahulamg pero mas pinili pa ang magpasaway at yung iba naman sa bandang huli, kinukonsinte ng mga magulang o di naman kaya ay mga apuhan.

Alam naman ni Martin kung bakit nag-react ng ganun si Lance dahil nakaharap kasi siya. Ramdam niya na wala nga sa plano ng binaya ang mga iniisip nila. Nagi-guilty din siya kasi hindi naman nalalayo ang nasa isip ng mga ito sa iniisip niya.

Tumayo na siya at nagpaalam na rin sa magbalae at sumunod na kay Lance. Hihingi siya ng sorry sa binata. Hindi niya ito dapat na pinag-isipan ng mga bagay na alam niyang hindi naman talaga gagawin ni Lance dahil malaki ang pagtitiwala ng bayaw sa binata. Kung si Bebeng nga ay nagtitiwala sa binata sa ipinangako nito, dapat siya ay ganun din.

Tatawagin na sana niya si Lance ng may marinig niya ang P. A. System ng hospital.

"Paging Dr. Glianne! Paging Dr. Glianne! You are needed in room 301!"

Napatigil siya. Kwarto ng asawa niya yun. Tuloy-tuloy lang ang lakad ni Lance patungong elevator. Wala itong pakialam sa PA system. Tsaka niya lang naalala na wala nga pala itong alam.

"Lance!" Tawag niya sa binata. Mabilis naman itong lumingon.

"Tito Martin, bakit po?" Sagot nito na nagtataka.

"Si Bebeng!" Sagot niya dito. Nilampasan niya ang binata at naunang pumasok sa kakabukas lang na pinto ng elevator cabin.

Mabilis namang sumunod si Lance sa tiyuhin ng kasintahan ng hindi na ito kumibo. Gusto man niyang magtanong ay hindi na niya ginawa. Malalaman din naman niya mamaya, kailangan niya lang kumalma dahil hindi pa siya naire-release ni Dr. Tuazon kaya hindi pa niya alam kung okay na ba siya o hindi pa.

Walang naman siyang balak na umalis kaagad hangga't hindi pa nakakausap ang doktor niya pero medyo napikon siya sa mga Lolo niya kaya siya nag-walkout na hindi alam ang patutunguhan.

Naalala niya ang sinabi ng Lolo Aaron niya. Siya pa ba talaga ang pag-iisipan ng ganun? Sa kanilang tatlo, siya pa nga ang masasabing pinaka seryoso sa likod ng mga kalokohan nila noong high school pa sila at pumapangalawa sa kanya lang si Leland, pero ito ang ponaka babaero sa kanilang tatlo kahit na sinakop ni Logan ang pagiging pilyo at pasaway sa kanilang tatlo. Gayun pa man, ayon nga sa nakararami, puro naman daw sila magagalang, matulungin at malalambing.

Alam niyang ilang beses na silang muntik-muntikan ni Majz na lumampas sa boundary na sila rin mismong dalawa ang naglagay, pero hindi naman ibig sabihin nun dahil sa muntik-muntikan na ay itutuloy na nila. May konting katinuan pa namang natitira sa kanilang pareho at yun ang ipinagpapasalamat niya, dahil naiiba siya sa mga kaibigan niya at sa mga kakilala niya.

Gusto niyang maglakad si Majz sa altar na malinis at puro, hindi dahil sa yun ang gusto niya kundi dahil yun ang gusto ni Majz, at kung ano ang gusto at hilingin ng isang Maria Jaise Ilagan Samonte sa kanya ay ibibigay niya kasama na ang buhay niya.

Kapag mahal mo ang isang tao ay ibibigay mo kung ano ang makapagpapasaya dito. Ibibigay mo ang lahat ng pinaka maganda at pinaka mahal at pinaka importante para dito. Mahal mo kasi kaya pati ang sarili mong kaligayahan ay isasantabi mo dahil yun ang dapat, yun ang tama.

Bumukas ang elevator door kaya mabilis na lumabas si Martin. Sumunod na rin lang siya dito. Gusto man niyang magtanong bakit nandito si Bebeng at kung nasaan si Majz ay hindi na muna niya isisingit ang usapang yun. Hihintayin na lamang niya na kumalma ang lahat, hindi niya hahayaang kabahan siya ngayon. Wag muna.

"Majz, anong nangyari?" Natatarantang tanong ni Martin sa dalaga. Nakahinga siya ng maluwag nang makita ang minamahal na dalaga. Naging iratiko na naman ang pintig ng puso niya pero alam niyang magiging maayos lang siya dahil nakainom na siya ng gamot at alam niya nasa hospital siya.

"Nagising po siya na umiiyak. Hawak po niya ang gilid ng tiyan niya. Nung tinanong ko po siya, sabi niya ang sakit-sakit na daw ng tiyan niya at naninigas pa. Tapos sabi niya para daw may pumutok sa loob niya tapos naihi na siya." Naiiyak na pahayag ni Majz. "T'yong natatakot po ako." Halatang pinipilit na kumalma. Mabilis na lumapit si Lance sa kasintahan at inakap ito.

"Ssshh... she will be okay." Malambing niyang sabi dito. Nagulat pa ito nang mapansing siya pala ang nakaakap dito.

"Lance?! Nandito ka? Alam mong nandito kami?" Tumango na lang siya.

"Si Mang Jose." Simple niyang sagot dahil hindi naman niya alam ang sasabihin sa ngayon.

"Majz! Nasaan na ang T'yang mo ngayon?" Tanong ni Martin. Hindi man ito nakasigaw ngunit tama lang na mapukaw silang dalawa.

"Ay sorry po, T'yong. Dinala na po ng dalawang nurse at ni Dr. Glianne ang T'yang. Papunta na po talaga daw siya dito para bisitahin ang T'yang bago daw po siya umalis nung i-page siya." Kahit na natataranta si Majz ay nakikitaan ni Lance ng presence of mind ito. Maiba-iba lang ito, baka nauna pa itong naghisterya. Pero iba si Majz, kaya nga niya minahal ito dahil kakaiba ito.

"Majz!" Muling pagtawag ni Martin sa dalaga, malakas ngunit hindi naman nakasigaw ang boses nito. "Saan nila dinala si Benita?" Tanong nito.

"Sa delivery room po. Hinahanap nga po kayo ni Duktora eh." Saad ni Majz sabay turo sa kung saan ang direksyon ng delivery room. "Tatawagan ko na nga po sana kayo eh." Dugtong pa nito.

"Thank you." Hinalikan ni Martin ang noo ng dalaga. "Kumain ka. Mag-relax ka lang dito. Tatawagan kita kung ano ang mangyayari." Bilin ni Martin. Tumango lang si Majz at parang pagod na sumandal sa kanya ang kasintahan. "Lance, wag na wag mo siyang iiwanan ha. Dito lang kayo, wag kayong aalis, lalo ka na." Turo nito sa kanya kaya mabilis na lang siyang tumango. Umalis na si Martin. Wala naman siyang balak na umalis ng hospital. Wala siyang balak na iwan na muli ang dalaga.

"Let's just sit here and relax." Paanyaya niya sa dalaga. Pumayag naman ito at tahimik na umupo sa sofa at sumandal ito sa kanya pagkaupong-pagkaupo pa lang niya. Napangiti siya. Mamaya, matapos ang lahat ng ito ay sasabihin na niya kay Majz ang sitwasyon niya at sasabihin na rin niya dito na papayag na siya sa cardioversion na inirerekomenda ni Dr. Tuazon noon pa man.

Pinakiramdaman niya ang sarili. panatag ang tibok nito. Banayad ang daloy ng alaala sa mga nangyari kahapon. Maayos ang gising niya, may bahagyang bigat pero maayos. Ipinapanalangin niya na sana ay hindi siya ipagkanulo ng puso niya ngayon, huwag muna ngayon, hindi ito ang tamang oras at lugar. Si T'yang Bebeng ang importante at hindi siya.

"Jaise, binyag ng anak ni Kuya Ethan at Ate Maelee next week, will you come with me?" Nilingon siya ni Majz na nakataas ang kilay. "What?" Tanong niya dito.

"Wow. Walang explanation kung bakit bigla-bigla kang nawala kahapon. Pagkatapos ngayon, may I invite you lang ang trip mo?" May himig pagtatampo sa boses nito. Nainis siya sa sarili na isiping nagtatampo ito sa kanya.

Hindi dapat ito nakakaramdam ng ganito ngayon dahil wala naman ito sa plano niya. Ang plano niya ay palaging pasayahin ang dalaga sa kahit na anong paraan na kakayanin niya at hindi kasama ang mga ganitong emosyon. Hindi kasama ang magalit o magtampo ito, dapat palagi lang itong nakangiti at hindi stress.

"Hon, wag ka nang magtampo, okay. I'm sorry kasi hindi ako nakapagpaalam ng maayos sa iyo kahapon, hindi na mauulit. I'm here now." Saad niya. Hindi niya masabi ang dahilan ng pagkawala niya dahil hindi niya alam kung ano ang sinabi ng mga Lolo niya at ni Mang Jose sa dalaga.

"Mabuti na lang at dumating si Mang Jose kahapon." Himig magmamaktol na sabi ni Majz. Napangitii siya. "Naipaliwanag naman niya sa akin kaagad kung bakit bigla ka na lang nawala." Nandun pa rin ang tampo sa boses nito.

"I hope maayos na naipaliwanag ni Mang Jose sa iyo kung bakit ako biglang nawala kahapon." Nginitian niya si Majz kaagad at pilit pinagagaan ang boses niya. Hindi niya gustong paglaruan ang dalaga ngayon pero hindi pa sila nagkakausap ni Jose, hindi niya alam kung paanong ipapaliwanag sa dalaga ang lahat. It's not the time yet. Pilit niya pinapaalala sa sarili.

"Sabi niya na may emergency nga daw ang Lolo mo sa isang investor. Since wala daw si Leland or Logan na usual niyang natatawagan, ikaw daw ang tinawagan at pinakiusapan." Sumandal si Majz sa dibdib niya. Hinapit niya ito palapit lalo sa kanya at hinalikan sa tuktok ng ulo. Medyo nawawala na ang tampo sa tinig nito.

"Ano pa ang sinabi ni Mang Jose?" Tanong niya habang hinaplos niya ang balikat ni Majz. Humugot muna ito ng malalim na paghinga.

"Well, nothing really much. After daw na hinatid ka niya sa Lolo mo, you called up sa Towers for delivery at bumalik na siya sa bahay para samahan kami. But still... I was hoping kahit ganun pa man, sasabihan mo pa rin ako, yung ikaw mismo ang tatawag." Sagot naman nito. Napangiti tuloy siya.

"I'm sorry na, Hon. It won't happen again. I am just glad na binalikan kayo ni Mang Jose." Saad niya sabay halik sa gilid ng ulo ni Majz. Naging tahimik silang magkayakap. Cherishing the moment ang porma nilang dalawa.

"Alam mo bang siya ang nagdala sa amin T'yang Bebeng dito kahapon? Awang-awa ako sa T'yang eh. Hindi man lang siya makapagpahinga ng maayos." Isang halik uli ang iginawad ni Lance sa ulo ni Majz. Masaya siya na hindi pinabayaan ni Jose ang kasintahan niya.

"I know, kaya nga I am happy na bumalik siya sa bahay ni T'yang Bebeng, at least may nakasama kayo at may nagdala dito sa inyo." Kailangan niyang magpasalamat kay Jose dahil sa mga ginawa nitong extra para sa kanya. Nagpali-linga siya. "Nasaan na nga pala si Mang Jose?" Tanong niya sa dalaga. Ngunit bago pa nito masagot ang tanong ay sumulpot sa pintuan ang lalaki kani-kanina lang ay pinag-uusapan nila na may dala-dalang maliliit na bento boxes.

"Good afternoon, Sir Lance. Mabuti at nandito na po kayo." Tinanguan niya lang ito. "Mam Majz, ayos na ba si Aling Bebeng?" Tanong nito habang inilalatag sa maliit ng lamesa ng hospital room ni Bebeng ang pagkain.

"Nasa delivery room kasama ng T'yong Martin." Maikli nitong sagot sabay hikab. Malamlam niyang tinitigan ang dalaga. Ayan na naman yung pakiramdam na sasabog ang puso niya.

"Delivery room? Eh di ibig sabihin niyan manganganak na siya?" Tanong nito. Nagkibit-balikat si Majz.

"Hindi ko pa po alam Mang Jose. Hindi ko naman po alam kung paano ang nanganganak." Napasinok si Lance dahil sa pagpipigil na tumawa. "Ayos ka lang ba?" Napatingala ito sa kanya.

"Okay lang ako." Sagot naman niya, ngunit mabilis na inabutan siya ni Jose ng isang bote ng tubig.

"Salamat po, Mang jose." Simple niyang sabi. Tumango naman ang lalaki.

"Ay Sir Lance, pinasasabi po ng Lolo n'yo na kung pwede daw ay i-meet mo daw po siya mamaya sa private room." Napalingon siya kay Jose. Tinitigan lang siya nito ng makahulugan bago ibinalik nito sa paghahanda ng pagkain ang atensyon.

"Sige. Tatawagan ko siya mamaya pagkatapos naming kumain ni Jaise." Tumango lang ang lalaki.

"Pinasasabi din po niya na kailangan n'yo daw na mapirmahan yung acknowledgement of release form daw po bago kayo pumunta sa kung saan." Tumango lang siya at tumayo para tulungan si Jose. "Mang Jose, not here, not now." Dugtong niyang sabi sa lalaki pagkalapit na pagkalapit niya dito.

"Ang kulit naman kasi po ng mga Lolo n'yo eh." Naiiling na sagot ng lalaki. Aminado siya na makukulit talaga ang Lolo niya pero alam din naman niyang nag-aalala lang ang mga ito sa kanya. Hindi nga lang talaga ngayon ang araw na sabihin niya kay Majz ang nangyari sa kanya kahapon.

"Hon, kain na tayo." Pag-aya niya kay Majz para maiba lang ang usapan. "Sumabay ka na rin sa amin, Mang Jose." Paanyaya niya sa lalaki. Umiling ito.

"Sa bahay na lang Sir, naghihintay si Adel sa akin eh." Napamaang si Lance sa sinabi ng driver. Nilinhon niya iyo nang nakataas ang noo.

"Si Aling Adel? Naghihintay?" Nginitian niya ito ng nakakaloko. "Bakit?" Dugtong pa niya na punong-puno ng kakulitan.

"O bakit naman hindi, Sir?" Tanong nito. Nanlalaki ang butas ng ilong ni Jose. Pigil naman ni Lance ang sarili na wag matawa.

"Wala lang. I was just thinking... she really is waiting for you?" Nagulat pa siya sa malakas na tapik sa balikat, hindi yata tapik yun kundi hampas. Nilingon niya ang humampas sa kanya. Sinalubong siya ng magkasalubong at nakaarkong kilay ni Majz. Nag-peace sign siya dito.

"Nakapa-bully mo talaga kay Mang Jose!" Singhal ng dalaga sa kanya na ikinalakas ng tawa niya. "Wag mo na siyang intindihin Mang Jose. Akong bahala sa kanya." Dugtong pa nito kaya kinabig niya ito paakap. Natutuwa siya na kasundo ito ng driver niya. Maging si Aling Adel ay magiliw din kay Majz. Lahat yata ng miyembro ng pamilya niya mula sa mga apuhan niya, magulang at mga kapatid ay magiliw sa kasintahan na mas ikinatataba ng puso niya.

"Sige, Mam. Makaalis na nga po baka ako pa ang papakin ng hantik dito." Panunukso naman ni Jose sa kanila. "Si Adel lang ang mga karapatang pumapak sa akin." Dugtong pa nito na nakatikim ng mahinang suntok sa balikat ang driver mula sa kanya. Napabungisngis tuloy si Majz kaya natawa na rin sila.

"Mang Jose, kinampihan na nga kita, inilaglag mo naman ako." Malakas na tawanan ang pumuno sa pribadong kwarto ni Bebeng. Alam niyang masaya ito para sa kanya pero mas magiging masaya ang lalaki kung masasabi na niya kay Majz at sa buo niyang pamilya ang matagal na nilang tinatago, ang kanyang sakit sa puso.

Umalis na si Jose kaya silang dalawa na lang ang naiwan. Magaan silang kumain at masayang nagkukwentuhan. Ikinuwento ni Majz ang nangyari simula ng umalis siya kahapon hanggang kagabi at kanina ngang magising ito sa iyak ng tiyahin at wala ang T'yong Martin niya. Hindi pa ito nakakabalik mula sa pagbili ng pagkain.

Ikinuwento ni Majz sa kanya ang ayos ni Bebeng nung magising siya sa paghihilab ang tiyan nito. Awang-awa ito sa tiyahin at hindi alam kung paanong mapagagaanin ang pakiramdam. Nung sinabi ni Bebeng na pakiramdam nito ay may pumutok na kung ano sa loob nito at ang pag-ihi nito nang wala sa oras, at ang patuloy na paghilab ng tiyan nito, minabuti na daw ni Majz na tumawag ng tulong mula sa doktor nito.

Habang nagkukwentuhan sila na magkaharap sa maliit na lamesa ay dumungaw ang ulo ni Martin sa kwarto at excited ito. Napapasigaw pa nga ito eh.

"Majz, pakitawagan sila Kuya. Ilalabas na nila ang babies namin ni Bebeng. Gusto ng T'yang mo na nandito ang buong pamilya." Nakangiting sabi ni Martin. Napakunot na sabay ang mga noo nila at nagkatinginan. Para bang kay apit lang ng San Nicolas para maabutan ang paglabas ng kanilang mga babies. Babies??

"Babies?" 







--------------
End of LCIF 45: Babies

Thank you for reading.the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
10.02.19

Lights! Camera! I've Fallin…
©All Rights Reserved
March 15, 2016

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro