Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LCIF 44: Trust








"T'yong, pasensiya na po at hindi ko kayo tinawagan kaagad." Bungad na paliwanag ni Majz sa tiyuhin. "Ayaw po pumayag ng T'yang eh." Tumango-tango naman ito habang tinatapik ang balikat niya.

Madaling araw na nakarating si Martin. Nalaman nito mula kay Manuel na dinala ni Majz si Bebeng sa ospital para masigurong okay ito. Hindi naman Rio nagmadaling mag-drive dahil alam niyang maayos ang eaposa kasama ang paboritong pamangkin. Gusto pa nga sanang sumama ni Sepring pero dahil kay tatapusin ito sa bagsakan ngayon umaga, napagkasunduan ng mga kapatid na susunod na lang matapos ang pananghalian at doon na lang didiretso sa bahay ngag-asawa.

"Hayaan mo na, nandito na ako ngayon." Nakangiti ito sa kanya pero nag-aalala pa rin siya.

"Pero tinawagan ko naman po ang Kuya Manuel para may nakakaalam din po kung nasaan kami ni T'yang." Mapait niyang saad. Nilingon siya ni Martin. May pag-aalala sa.mga mata nito.

"May nangyari bang hindi maganda, Majz?" Malambing man itong nagtanong ay parang may pananantiya din. Napalunok muna si Majz, nininerbiyos siya.

"Wala naman po, T'yong. Sobra lang akong nag-aalala sa T'yang kahapon kasi napaka-uneasy na po niyang tingnan. Kahit anong gawin niyang pagre-relax hindi siya maging kumportable, kaya nakiusap na ako sa kanya na dito na lang kami sa ospital magpalipas ng gabi para kung sakali man ay mas maaalagaan siya dito, hanggang sa dumating lang naman kayo, tapos kayo na po ang bahala kung ano ang mas makakabuti sa kanya." Kinakabahan niyang pahayag. Napangiti si Martin.

Hindi siya makatingin ng diretso sa tiyuhin dahil iniisip niya na baka isipin nito na pinabayaan niya ang asawa kaya kay Bebeng na lang niya ipinaling ang paningin na mahimbing pa rin na natutulog. Kung sinulyapan man lang sana niya si Martin ay maaaring nakita niya kampante ito sa naging desisyon niya.

Alas onse na ng umaga ay tulog pa rin si Bebeng. Binigyan ito ng doktor ng gamot para makatulog. Sa awa ng Diyos ay bago pa man ito makatulog ay nakaramdam na daw ito ng ginhawa. Halos naubos na ni Bebeng gawin ang lahat ng relaxing at sleeping position na naitala sa libro ngunit hindi pa rin nito makakuha ng tamang posisyon para makatulog na ng mahimbing. Sa awa sa tiyahin ay tinabihan niya ito at hinimas-himas niya ang tiyan nito na sa kung anong kadahilanan ay nawala ang pananakit at paninigas ng tiyan nito hanggang sa nakatulog na.

Sa totoo lang, dahil sa puyat kagabi ay hindi niya namalayang dumating na pala ang T'yong Martin niya. Kung hindi pa siya nagising para umihi ay hindi pa niya malalamang nandito na pala ito.

"Wag mo nang alalahanin yun. Tama lang naman ang ginawa mo na dalhin siya dito." Saad ni Martin na nagpabalik sa kanya sa ngayon. Napatingin siya dito. Maaliwalas naman ang mukha nito mula pa kanina, parang wala lang sa lalaki na nasa ospital ang asawa, para pa ngang nakahinga ito ng maluwat.

"T'yong Martin, hindi po kayo galit?" Tanong niya dito. Nilingon siya nito at nginitian, kinabig siya payakap nito at hinalikan sa gilid ng ulo.

"Hindi. And why would I be mad? Inaalagaan at inasikaso mo siya. Napapayag mo pa nga siyang pumunta ng ospital nang hindi ka nakukurot sa singit. Samantalang ako ay tinatarayan niyan at sinisinghalan kapag nababanggit ko ang doktor o hospital." Napatawa siya sa tinuran nito..

"True." Saad niyang patawa-tawa. Sabagay totoo ang sinabi ni Martin. Kaya hindi siya magtataka na pasaway silang magpipinsan lalo na si Makai dahil nagmana sila sa mga ito

"And she did not kick and scream and be dragged here. Kusa siyang nagpahatid." Malambing na saad nito na kahit na nakaakbay pa sa kanya ang asawa ng tiyahin ay kay Bebeng ito nakamasid na puno ng pagmamahal. Nakangiti siya. Napakaswerte ng tiyahin niya. Takbo ng isip niya.

"T'yong, nag-offer nga pala si Lance na ipahiram sa atin yung pamangkin ni Aling Adel na galing sa probinsya. Masipag daw po ito at naghahanap ng mapapasukan para daw po makaipon ng pera para maituloy daw po ang pag-aaral. Sinabi namin kay T'yang kahapon ng hapon sa bahay. Nagtalo pa nga kami hanggang sa nagkainitan. Talaga pong napakatigas ng ulo ng T'yang." Kwento niya dito. Mataman lang naman itong nakikinig habang hawak ang kamay ng asawa.

"Ayaw talaga niyang kumuha ng makakasama sa bahay. Hindi ko na nga rin alam ang gagawin. Hindi na kami bata katulad ng dati. Singkwenta'y uno na ako, siya naman ay kwarenta'y nuebe. Hindi na kasing-tibay ng dati ang mga buto namin." Aminado naman ito sa totoo. Alam din naman niya yun. Kaya nga siya tumutulong na ipaintindi dito ang sitwasyon.

"Napagsalitaan ko nga po kahapon ng hindi maganda ang T'yang. Nainis na po kasi ako eh." Panimula niya. Natawa naman si Martin.

Ikinuwento ni Majz ang pagtatalo nila ng tiyahin kahapon sa sala ng bahay nito. Pati na nga si Lance ay tumulong na rin na kumbinsihin ito pero ang tigas talaga ng ulo kaya iniwan niya ito sa sala panandalian dahil sa takot na mas maging mainit pa ang kanilang pagtatalo. Sumang-ayon naman ang tiyuhin sa sinabi niya.

"Sa palagay ko kaya pumayag si Bebeng na magpadala dito sa ospital kagabi because that is her way of saying sorry. Ganyan yan kahit na noon pa man. Magtatalo kami, hindi magsasabi ng sorry yan kahit kasalanan niya, but she have her way of apologizing by showing you how sorry she is with her actions. Babawi siya sa ibang paraan alam niya na hindi sinasabi ang "sorry"." Salaysay nito. "Palagay ko, paggising niya ay papayag na yan na magkaroon ng kasambahay pero may mga kondisyones." Natawa silang pareho ng tiyuhin dahil totoo ang sinasabi nito.

"Sa palagay ko nga, T'yong." Sang-ayon niya dito. Sandali niyang pinagmasdan ang tiyahin. Nakaramdam siya ng pangangalay ng binti. Tsaka pa lang niya naalala na nakatayo lang pala silang magtiyuhin sa harap ng kama ng tiyahin. "Nagugutom po ba kayo?" Tanong niya dito. Bago pa man nakasagot ito ay narinig niya ang pagmamarakulyo ng tiyan nito. Natawa sila ng sabay.

"Umupo ka na lang dito at ako na ang bibili ng pagkain sa labas ng ospital. Wala pa man din si Lance ngayon. Baka magwala yun kapag may hindi magandang nangyari sa iyo diyan sa labas." Saad nitong nakangiti. Alam niyang tinutukso siya nito pero may lungkot siyang naramdaman.

Kagabi pa niya hindi nakakausap ang nobyo. Nag-aalala siya ng hindi niya mawari. Hindi niya alam kung bakit pero may hindi maganda sa kutob niya.

"Nasaan nga pala yun at itong driver niya ang nandito?" Tsaka niya pa lang naalala na kasama nga pala nila si Jose mula pa kagabi.

"Ay, oo nga pala." Sambit niya. "Pinasamahan kami ni Lance sa kanya. Pinatawag daw po kasi ito ng Lolo niya kahapon para sa isang meeting. Dapat po kasi yung kapatid nitong si Leland o si Logan ang tatawagan kasi yun naman daw po ang dapat na humarap sa mga investors na yun kaya nga lang parehong wala dito si Leland at Logan kaya si Lance ang pinatawag ng Lolo niya." Tumango-tango naman itong si Martin.

"O siya, sige na. Baba na ako para makabili ng pagkain. Ano ba ang gusto mo?" Tanong nito. Sinabi naman niya kung ano ang trip niyang kainin ngayon at nakiusap na rin na gawing dalawa ang order nung gusto niya para kay Jose yung isa. Ngumiti naman ito at ginulo ang buhok niya bago masayang lumabas.

Inayos niya ang kanyang tinulugan sa tabi ng tiyahin. Umaga na sila ni Jose nakatulog dahil nga sa hinintay muna nilang makatulog ang ginang bago pa sila nakatulog.

Napalingon siya sa driver kasintahan na nahiga sa maliit na sofa, tulog pa rin ito. Maaaring napagod din itong katulad niya

Matapos ayusin ang mga dapat niyang ayusin ay umupo siya sa sofa at sumandal. Alam niyang pagod at puyat siya kaya mas minabuti na lang niyang mag-relax sa sofa habang hinihintay ang pagbabalik ni Martin. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya uli.

SA ELEVATOR pababa, nagulat si Martin ng makita ang magbalaeng Aaron at David pagbukas ng cabin door. Nagkagulatan man ay hindi rin naman umiwas ang mga ito sa kanya kahit halata namang nataranta itong pareho.

"Aaron? David? Anong ginagawa n'yo dito? Ayos lang ba is Margaret at Amanda?" Tanong niya. Nagkatinginan ang dalawa. May hindi maganda sa kutob niya.

"Saan ang punta mo?" Kalmadong tanong ni Aaron.

"Sa baba sana, bibili ng pagkain. Kagabi pa sila Bebeng dito eh." Saad niya. Ayaw niyang banggitin ang pangalan ni Majz dahil baka makarating kay Lance at kung nasa investor's meeting ito, ayaw niyang maistorbo yun.

"Total, baba din sana kami para kumuha ng makakain pero nandito ka, tara, may ipapakita kami sa iyo." pumasok sila sa isang elevator cabin na paakyat ngayon.

Nag-aalanganin man si Martin ay nagpatianod na lang. Gusto niya rin namang malaman kung ano ang ipapakita ng mga ito sa kanya.

Tahimik lang siyang sumunod sa magbalae hanggang marating nila ang pinakadulong kwarto. Alam niyang mga pribadong silid ang mga hilirang ito at alam din niyang puro cardio-pulmonary ang mga pasyente sa palapag na ito at nandito din ang ICU kaya kailangan naka-disposable hospital gown ang dadalawa, naka-gloves at shoe covers. Tumigil ang dalawa sa mismong harap ng isang pinto.

"Martin, hindi namin alam kung paano naming sasabihin kay Maria Jaise kagabi kung bakit hindi siya makausap ni Lance kaya hindi namin sinasagot ang mga tawag at text niya kay Lance." Panimula ni David.

"Ano ba ang nangyari?" Nag-aalalang niyang tanong.

"Mas mabuting ipakita na lang sa iyo." Binuksan ni Aaron ang pinto. Bumungad sa kanya ang nakahigang Lance na may takip ng oxygen mask sa ilong at bibig. Natulos siya. Hindi siya makakilos. Napansin din niya na may heart monitor na nakakabit dito.

"A-anong nangyari?" Tanong niyang wala sa loob. Nakatutok siya kay Lance, medyo maputla ito. Panatag ang paghinga na at.mukhang hindi naman hirap sa.paghinga.

"He has Atrial fibrillation which is caused by cardiac dysrhythmia or arhythmia o yung tinatawag na irregular heartbeat. Kadalasan kay Lance ay masyadong mabilis ang tibok ng puso niya. It is not really life threatening basta maagapan lang ng gamot at pahinga." Maagap na paliwanag ni Aaron. Nakatayo na pala ito sa likod niya.

"Alam ba ito ni Majz?" Tumahimik lamang ang mga ito. "Your silence made me assume that she doesn't have a clue." Matiim nitong saad.

"Martin, Lance doesn't need pity. He needs understanding." Sabat ni David sa likuran niya.

"You're right. He doesn't need pity, he needed understanding, pero paano siyang maiintindihan ni Maria Jaise kung wala itong alam? Paano n'yo naman nasisiguro na hindi maiintindihan ni Majz ang apo n'yo kung hindi naman binibigyan ni Lance ng pagkakataon na intindihin siya nito? Ang gulo n'yo." Saad ni Martin na hindi man lang nilingon ang mga lolo ni Lance. May namumuong galit sa dibdib niya para kay Lance. Siya ang nagagalit para kay Majz.

"Only Lance can decide on that. Ayaw namin siyang panghimasukan sa mga desisyon niya." Nilingon niya ang dalawa at matiim na tinitigan ang mga ito ngunit kay punto naman ang.mga ito.

"Well, you all better hope that by the time Majz finds out about this ay may natitira pang pang-unawa sa utak ng pamangkin ng asawa ko dahil kapag nagkataon, hindi ko alam ang mangyayari sa apo n'yo." Matiim niyang saad. Galit man ay nagbaba pa rin siya ng boses.

Hindi siya pwedeng magtaas ng boses, hindi dahil nasa hospital sila kundi dahil sa naiintindihan niya ang.mga ito at ang binata. Mahirap ang sitwasyon ni Lance pero syempre hindi niya hahayaang masaktan din si Majz..

"Kami na ang bahalang magpaliwanag kay Lance, pakiusap lang namin na wag mong sasabihin kay Majz ang tungkol dito hangga't hindi pa nakakapagdesisyon si Lance." Nagtiim muli ang bagang ni Martin. Ibang klaseng pangloloko ito pero iintindihin niya. Wag lang sanang maulit ang kwentong Aning at Niel.

"Hindi ako makakapangako. Obligasyon kong pangalagaan at protektahan ang asawa ko at kasama doon ang pamilya niya. Maria Jaice is my wife's favorite niece, at kung masasaktan ito dahil diyan sa apo n'yo, masasaktan din ang asawa ko. At kapag nasaktan nag asawa ko, ako makakaharap ng apo n'yo." Matigas niyang saad na may himig pagbabanta. Nasira ang magandang araw niya. "Sabihin n'yo diyan sa apo n'yo, hangga't hindi pa niya napapagdesisyunan ang pagsasabi ng kondisyon niya kay Maria Jaise ay wag na muna siyang magpakita." Pinal na pagkakasabi niya. Bahagyang napaatras ang magbalae dahil sa tinuran niya.

Totoo naman kasing hindi siya makakapayag na masaktan si Majz ng kahit na sino. Ipinangako niya kay Sepring at Manuel na aalagaan nilang mag-asawa ang pamangkin sa abot ng kanilang makakaya at alam niyang abot pa ito ng makakaya niya. Tumalikod na siya para umalis nang may tumawag sa kanya.

"T-tito Martin, p-please." Mahina at walang lakas ang boses ng binata. Halatang bagong gising o nagsisikap ng makapagsalita. Alam niyang si Lance yun kahit na hindi pa niya lingunin ito.

Alam niyang napakalupit ng mga binitawan niyang salita pero yun lang ang kaya niyang gawin. Hindi naman nagloko ang binata para maging ganun siya katigas dito pero para naman sa ikaaayos ng pamangkin ng asawa na kanina pa niya nahihimigan na parang may dinadala, hindi lang masabi ang mga ito. At ganito nga ang madidiskubrihan niya. Nagsinungaling ang mga ito... hindi. Naglilihim ang mga ito. Panloloko pa ring matatawag yun.

"You lied, Lance. You lead her to believe that you are somewhere else dealing with some business. What if may masamang mangyari sa iyo at hindi ka na naka-recover? What if worst, you'll be gone without giving her that chance to know your condition? Are you afraid that she will leave you dahil diyan sa sakit mo? How could you know when you didn't give her the chance to? You think that is fair for her?" Hindi sumasagot ang Lolo ni Lance. Tinanggal ni Lance ang oxygen mask bago pa ito nagsalita.

"Tito, ako ang magsasabi sa kanya. Wala lang akong chance na sabihin dahil masyado pang maraming nangyayari sa pamilya n'yo para isingit ang karamdaman ko hanggang sa hindi ko na naalala until yesterday dahil inatake uli ako." Napatingin si Martin sa mga Lolo ng binata. Tumango ang mga ito'y bilang pagsang-ayon sa sinabi ng apo.

"The last attack that he had was almost a year ago. He was at the hospital overnight for observation. That was the night na nakita niyang may kayakap si Majz sa San nicolas nang sinundan niya ang mga ito para magtapat at magpakilala sa pamilya n'yo, which came to find out na kapatid pala ito ni Majz na si Manuel." Napailing si David.

"Before that, it was some eight or nine years ago. That was his first attack. We don't know what happen pero bigla na lang. We were in San Nicolas, too. It was one of the last times that we did some medical mission sa bayan n'yo. He was rushed to the nearest hospital for first-aid bago siya nailipat dito." Salo naman ni Aaron sa kwento.

"We kept it for him from his family for a while then the two Lolas found out kasi something triggered it then his dad found out about the way you did. We were here in this hospital with one of his mini episodes tapos nawala rin lang matapos makapagpahinga." Napapailing na kwento ni David.

"Wala bang paraan para magamot at gumaling ng lubusan?" Tanong niya na kay Lance lang nakatingin. Humugot ng malalim na paghinga si Lance

"Meron naman. His condition is not a life-threatenig one, kaya lang nagiging ganito ay kung nagti-trigger tapos nakukuha sa gamot at pahinga after niyang parang wala na. But he sometimes has to take a small dose of blood thinner dahil nga sa takot ng doktor na mag-blood clot." Mahabang pahayag ni Aaron. "Like last night, nakapgpahinga na siya, mamaya-maya lang ay maayos na siya." Dugtong pa nito.

"Ano ba ang mga triggers at symptoms niya?" Tanong ni Martin. Nagagagalit man ay nag-aalala din naman siya para sa binata, yun nga lang hindi pa rin ito lusot sa galit niya.

"Dahil mabilis ang pagtibok ng puso niya kesa sa normal na 60-100 beats per minute habang nasa resting state siya. Ang kanya ay may kataasan na umaabot hanggang 270-275 beats per minute. Hindi pa naman umaabot ng 350, which ang pinakamataas na masasabing danger zone, pero syempre inaasahan pa rin namin na bumaba ito pabalik kahit 100 na lang." Paliwanag ni Aaron.

"There's a cure right?" Muli niyang tanong. Yung sagot ng mga nito ang gusto niyang marinig.

"Cardioversion." Isang salitang sagot mula kay Lance.

Nakaupo na ito ngayon sa kama nito. Medyo may kulay na rin ang mga pisngi at labi nito. Natuwa naman siya kahit papaano dahil bumalik na nag bahagyga ang natural ng kulay nito. Hindi na ito namumutla.

"Cardioversion? Ano yun?" Nakakunot ang noo na tanong ni Martin. Alam niya kung ano ang cardioversion pero gusto niyang marinig ang sagot sa mga ito.

"The doctor may use an electric shock o gamot lang para i-reset yung beating ng puso ko to it's regular rhythm." Sagot ni Lance. Napataas ang isa niyang kilay sa narinig. Parang balewala na ditong pinag-uusapan ang kondisyon ng puso niya pero hindi nito masabi kay Majz? Ano yun?

"Meaning..." Pabitin ni Martin. Gusto niyang maintindihan kung bakit simpleng tachycardia ay hindi pa nito masabi sa kasintahan.

"Meaning... the heart is shocked to convert it from an irregular rhythm back into a normal rhythm. Since my doctor knew the irregular rhythm of my heart, they can easily spot if it goes back to being normal." Maliwanag na pahayag ni Lance.

"Ibig sabihin, parang computer na ire-reboot ang puso niya para maging normal uli ang takbo." Dugtong ni David. Nilingon niya ito.

"Success rates?" Nakita niyang napapangiti si Aaron at David sa mga simple niyang tanong.

Alam naman niya ang ibig sabihin ng mga ito dahil sinubukan nilang gawin ito noon sa mama niya pero hindi naging successful dahil matagal na napabayaan nito ang sarili at casual drinker din ang Mama niya kaya lumala ang sakit nito sa puso hanggang sa pumamaw ito.

"90 percent." Simpleng sagot ni Lance.

Tumayo ito, dinampot ang damit na nakatipid sa gilid ng counter, pagkatapos ay pumasok na ng banyo. Tahimik lamang itong sinundan ng tingin ni Martin. Nagtataka man siya dahil parang balewala na lang ito sa binata.

Tinanggal nito ang mga patches ng heart monitor na pinatay naman kaagad ni David. Halatang sanay na ang mga ito sa ganitong pangyayari. Parang bahay na nga nila ang pribadong silid na ito dahil kompleto ito sa gamit na parang araw-araw ay may pasyente sila dito.

Kaninang pagpasok niya habang tulog ito ay mukhang walang kulay at walang buhay itong natutulog at makikita mo sa heart monitor ang iratikong tibok nito ngunit normal na. Ngayong nagising ito ay parang nagdahilan lang ito, nagbalik na ang kulay sa mukha, nakipag-usap, nagawa pa nga nitong tumayo at magbanyo ng walang nakaalalay.

Alam niyang hindi delikado ang ganitong lalo pa at naaalagaan at naaagapan, gayun pa man ay alam din niyang hindi pa rin ito ligtas dahil sa possibility ng clotting na maaaring bumara sa mga major arteries nito.

Sa nakikita at mga narinig niya ay wala namang dapat na ikabahala. Nakikita niyang alam ni Lance ang ginagawa nito, wala pa nga lang siguro ito sa isip ng binata noon dahil wala naman inaalalang iba kundi ang negosyo at sarili, pero iba na ngayon... may Majz na ito.

Ilang sandali pa ay lumabas na ang binata at bihis na bihis na at mukhang nakapaligo kaagad ito. Ngumiti ito sa kanya. Humalik ito sa mga Lolo nito at inilahad ang kamay sa harap niya.

"I'm sorry dahil nakita mo ako sa ganitong sitwasyon. Hindi ko naman sinasadyang atakihin ng Afib kahapon." Kaswal lang itong nagsasalita. Napaghugot siya ng malalim na paghinga bago nagsalitang muli.

"You have to tell her." Saad ni Martin. "Kung mahal ka niya katulad ng nakikita ko sa mga mata niya palagi, I know she'll understand you. Wag mong isipin na kaawaan ka niya, nagkakamali ka. Hindi ganung tao si Majz. You, of all people, should know na hindi siya ganoong klase ng tao." Dugtong niya. Tumango ito.

"I know and it was and is my plan to tell her, hindi pa nga lang naabot ng usapan namin." Saad nito ngunit biglang natigilan. Nagpalinga-linga, parang may hinahanap. "Teka. Ano po ang ginagawa n'yo dito?" Bigla ay parang may umilaw na bumbilya sa ulo nito at mukhang biglang kinabahan. Hinugot ang cellphone at may tinawagan.

"Mang Jose?! Si Majz?!"
















--------------
End of LCIF 44: Trust

Thank you for reading.the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
10.02.19

Lights! Camera! I've Fallin...
©All Rights Reserved
March 15, 2016

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro