Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LCIF 42: Charizard & Pikachu

Owtor's Nowt:  Since today is my actual birthday, Isa pang update. Next update in in four days. Kitakits😊😍. Happy reading to all.











"MAJZ, nag-text si Lance kay Ella. Susunduin ka daw." Napatanga siya. Nagkatinginan ang mga naiwan lalo na si Ray, Celso at Cookie.

"Paano?" Napatuwid siya ng tayo. Di ba kagagaling lang dito nun?

Nagkatinginan ang tatlo. Napatigil naman si Lupita at mabilis na pumihit paharap sa kinalalagyan niya ngunit walang may naglakas loob na magsalita. Alam niyang pinakikiramdman siya ng mga ito.

"T-thank you po, Ate Cherrie." Simple niyang sagot sa ginang. Tumango lang ito at umalis na rin kaagad. Hinarap na lang ang ginagawa hanggang sa natapos.

Sinabayan siya ng apat na kasamahan pababa ng building hanggang sa may labasan kung saan naghihintay si Lance na nakabihis Lance na at syempre nasa backseat si Makai ng fully tinted na black Tesla. Napamaang siya. Bago na naman?

Nilapitan siya ng binata at niyakap. Hinalikan siya nito sa noo at kinuha ang dala-dala niyang maliit na backpack. Inilalayang makasakay ng kotse at kumaway na sa apat na walang nagawa kundi ang pagmasdan sila nang may ngiti sa labi.



NAGING maayos naman ang takbo ng araw-araw nila. Nasanay na rin ang mga empliyado ng Villafuente Ad sa mga bulaklak na nag-aabang kay Majz at pakain na dumadating sa tuwing may trabaho ang grupo ng magpinsan.

Walang may nakakapansin sa kakaibang aura ng mezzanine minsan kung saan sila nagkakaumpukan para magkwentuhan ng kahit na ano. Kilala nang buong agency na walang pakialam at may sariling mundo ang grupo ni McNight kaya hindi na rin sila pinapansin ng ibang grupo. Wala rin naman kasi silang inaapakan at kung may nangangailangan ng dagdag na tao sa ibang grupo ay tumutulong sila o di kaya ay sila na mismo ang magpipresinta.

Patuloy ang hatid-sundo-sundo-hatid na kaganapan. Nasanay na rin na "nakikitang" naghihintay sa labas si Lance para sunduin siya o sila ni Makai pati na rin ang pagsho-shooting ni "Logan" ng TVC.

Minsan dumadalaw din si Niel para sunduin ang anak (na hindi alam ng lahat) lalo na kung may shoot ng produkto nito, o di naman kaya sa photoshoots para sa mga magazine pages, spreads, billboard at syempre teaser photos para sa social media.

Naging matiwasay din ang pagre-resign ni Makai nung matapos ang trabaho nila kay Niel na inabot din ng mahigit isang buwan. Nagpaalam si Makai kay Ella na may job offer sa kanya sa Singapore with matching paaral pa, which somehow ay bahagyang may katotohanan dahil yun naman ang plano ng Tatay nito para sa dalaga. Talagang todo bawi ni Niel sa anak.

Napunta kay Majz ang karamihan sa account ni Makai, lalong lalo na ang SAI, Irishguard soap, Manila denim, at may anim pang account na puro malalaking kompanya. At ang iba? Napunta kay Taser at ngayon ay kay Flash lalo pat puro photoshoots lang ang mga ito.

Natapos na rin ang kontrata ni "Logan" at hindi na muna ito nag-renew. Gusto daw nitong magbakasyon muna at mag-concentrate sa sariling negosyo at pagdu-duktor. At sa "girlfriend' nitong mangingibang bansa.

Naging maayos na ang pamilya ni Majz. Naikasal na rin sa wakas si Manuel at Korina at wala nang nagawa si Tomas. Pinilit nitong pinigilan ang kasal ng anak sa kapatid niya, hindi rin ito nagtagumpay dahil na rin sa tulong ng t'yong Martin at T'yong Romano nila. ung ano-ano pa ang eksenang ginawa ni Beatriz sa simbahan na pinagtawanan lang ito ng mga dumalo.

Tuluyan ng pinalayas ni Lagring ang dating asawa sa tulong na rin ni Atty. Gaines at Atty. Mijares. Napunta ang lahat ng naipundar nito kay Lagring at Korina na ngayon ay si Manuel na nag tumutulong sa mag-ina at paminsanang tulong ni Sepring. Ibinenta ni Lagring ang dati nilang bahay kay Romano. Ngayon, tahimik na siyang namumuhay kasama ni Manuel at Korina sa bahay na pinatayo ng manugang sa hilaga.

Pinagawan ni Martin ng kalsada ang parteng yun ng hacienda para may maayos na madadaanan ang mga ito patungo sa mansyon dahil doon pa rin nagtatrabaho si Lagring.

Naipa-renovate na ni Doray ang bahay niya. Nadagdagan ang mga kwarto at napabakuran na rin ito ng maayos. Maayos na rin sila ni Romano. Ang totoo nga niyan, matapos ang hapunan na yun ay humabol pa sila sa city hall ng Maynila bago pa ito magsara para magpakasal sa sala ni Mayor Isko. Nakakatuwa nga dahil ang tanyag na aso't pusa ng San Nicolas ay palaging may nakasunod na prosisyon ng langgam, hantik at bubuyog.

Ang bahay naman nila Majz ay naipaayos na rin ni Sepring. Ginawan ng pangalwang palapag sa payo na rin ni Bebeng at nagdagdag na rin ng mga kwarto para sa mga susunod ng medical mission. Napagkasunduan nila na sa tuwing magsasagawa ng mission sa kahit na saan mang bayan basta malapit lang sa San Nicolas ay dito lahat tutuloy. Parang Magiging B&B ito. Doon pa rin naman titira si Sepring kasama si Atoy. Umuuwi-uwi pa rin si Majz sa bahay nila tuwing walang ginagawa

Sa loob ng halos isang taon na lumipas, naging kontento na si Majz sa kung ano ang meron sila ni Lance. Hindi gaanong umuuwi si Lance sa bahay ni Bebeng ngunit minsan naman ay doon natutulog ang binata, may sariling kwarto pa rin ito doon. Minsan nakakatulugan nila ang kwnetuhan pero hinahayaan nilang nakabukas lang pinto para na rin sa kanilang dalawa. Gentleman talaga ito sa kanya. Sweet and cuddly si Lance pero ni minsan ay hindi nito sinubok na lumampas sa boundary na ito na rin ang naglagay, kahit na paminsan-minsan at muntik-muntikan sila. Minsan ito ang makakakontrol, minsan naman ay si Majz.

Ipinaayos ni Martin ang mga kwarto at pinalagyan ng sari-sariling banyo ang mga ito. Ang dating kwarto ni Lance na ngayon ay kwarto na ni Majz, ang kwarto ni Majz na kwarto na ng mag-asawang Manuel at Korina sa tuwing bumibisita sila sa tiyahin, ang ni Makai na ngayon ay kwarto na Sepring dahil madalas na ito ng nagpupunta sa kapatid, ang kwartong inukopa ni Manuel noon na ngayon ay naging kwarto na rin ni Doray at Romano. Meron pang isang kwartong inilaan si Martin para sa bibisita.

Natuwa si Majz at Bebeng nang bilhin ni Martin ang bakanteng lote sa likod ng bahay nito kung saan sila dumadaan dati kapag ayaw nila sa harapan, mas maganda kasi ang kalsada sa kabila at walang gaanong tambay.

"T'yang! Magdahan-dahan nga kayo! Isusumbong ko kayo kay T'yong." Pagsaway ni Majz na may kasamang pagbabanta pa. Sinamaan siya ng tingin nito.

"Ako nga tigilan mo!" Mataray nitong bwelta kay Majz. "Matanda na ako, alam ko na ang ginagawa ko." Patuloy nito pagbubusa.

Natatawa na lang si Majz dahil kung kelan pa nagkaedad ang T'yang niya ay tsaka pa naging sobrang pasaway. Minsan tuloy naaawa siya sa T'yong Martin niya. Wala rin naman siyang magagawa dahil sa pang-i-spoil nito. Pati yata langit ay ibibigay ni Martin kay Bebeng kung pupwede lang eh.

"Yun na nga T'yang eh, matanda na kayo. Kung anong mangyari sa inyo, hindi n'yo na maibabalik ang nawala na. Narinig n'yo ang sinabi ng doktor n'yo! Dahan-dahan lang ang kilos dahil kung hindi sa ospital ka titira hanggang sa maging okay ka na. Hindi na rin kayo bata na katulad ng dati madaling gumaling." Paalala niya dito. Natahimik naman bigla ang tiyahin at dahan-dahang umupo. Mgumiwi pa ito.

"Letse! Ang sakit ng balakang ko pati tuhod ko sumasabay pa." Reklamo nito. Napapailing na lang si Majz dahil sa pag-iiba nito ng tema ng usapan.

Alas singko ng hapon ngayon at sabado. Umuwi ng San Nicolas si Martin noong biernes pa ng umaga dahil ipinatawag ito ni Sepring. May mga taong naghahanap sa kanya para daw upahan ang mansyon para sa isang romantic movie na sinaunang panahon pa ang tema at ang mansyon nila Martin ang napiling gamitin. Natuwa naman si Bebeng kaya ora-oradang pinauwi ang esposo para kausapin ang mga yun.

Ang alam nila ay bukas pa ng umaga babalik si Martin kaya si Lance ang kasama nila mula pa nung biernes ng tanghali. Maagang tinapos nito ang mga gawain sa opisina para makauwi at masamahan sila sa bahay.

"T'yang, bakit hindi pa kasi kayo kumuha ng makakasama dito sa bahay?" Tanong ni Lance. Nandito ito ngayon para samahan ang magtiyahin.

"Bakit pa? Kaya ko naman ang mga gawain." Magkasulubong ang kilay na sagot ni Bebeng. Napabuntong hininga si Lance. Tumaas naman nag kilay ni Majz. Magsasalita na sana siya ngunit pinigil siya ng binata.

"Kasi T'yang, sa palagiang pagsakit ng balakang at tuhod n'yo ay baka bigla na lang kayong ma-out balance. Kapag wala ang T'yong Martin, sino ang tutulong sa inyo? Palaging nasa trabaho si Jaise at ako naman ay minsanan na lang napupunta dito." Malumanay na paliwanag ni Lance.

"Ay, ayoko ng mga ganyan. Wala akong kakilala na pwede kong pagkatiwalaan kahit na sabihin ninyong sa San Nicolas pa kumuha, mas lalong hinid.." Nagkatinginan silang dalawa ni Lance. Tumango si Majz.

"T'yang, kung papayag po kayo, yung pamangkin ni Manang Adel, naghahanap ng trabaho bilang kasambahay. Nasa bahay ko po siya ngayon, pwede ko po siyang ipahiram sa inyo. Natatakot lang kasi si Manang Adel na sa iba makapasok si Jillyan." Mahabang pahayag ni Lance. Nakikinig lang si Majz sa dalawa pero talagang nag-aalala siya para sa tiyahin.

"T'yang, sa totoo lang, mas gusto ko pong may kasama kayo dito sa bahay na bata-bata para naman may mauutusan ka para sa mabibigat na bagay." Hindi niya alam kung magsusumamo ba siya sa tiyahin o ano. "Please lang T'yang pumayag ka na. Di ba sabi mo aalis ang T'yong Martin at pupunta ng America para maibenta niya yung isa nilang bahay doon? Ilang linggo din siyang mawawala bago pa maisara ang escrow. May location shoot po ako sa susunod na mga linggo at may kaalayuan din po yun. Hindi rin po agad ako makakauwi kahit na dalhin ko pa ang kotse ni T'yong Martin." Napasandal si Majz kay Lance. Parang pagod na pagod ito sa pakikipagtunggali. Nag-iisip ng kung ano pa ang pwedeng gawin.

"Wag n'yo na kasi akong iniisip. Kaya ko na ito. Ilang taon din akong mag-isang nakatira dito at kinaya ko naman." Pagrarason ni Bebeng. Napa-iling na muli lang si Lance at Majz. Sumasakit naman ang ulo niya sa katigasan ng ulo ng tiyahin.

"T'yang! Utang na loob naman, please! Wag na nga matigas ang ulo mo. Hindi na po kayo bata na katulad ng dati na pwede lang ang ganyan. Hindi na rin kasing tibay yang tuhod at ang mga reflexes n'yo katulad ng dati. Kung sakaling bumagsak kaoy, hindi na rin mabilis na gumaling ang pilay at bali ng buto katulad nung bata-bata pa kayo." Paninermon ni Majz sa tiyahin.

"Forty-eight pa lang ako, Maria Jaise hindi ako ganun katanda para alagaan!" Pasinghal nitong saad. Napikon na si Majz. Padabog siyang tumayo. Nataranta naman si Lance.

"Hindi ko naman po sinabing alagain na kayo, ang sa akin lang po, paano kung may mangyari sa inyo na wala kami, walang tatawag ng doktor at walang tatawag sa amin para ipaalam na sumirko kayo sa hagdan." Halata na ang galit sa boses ni Majz at halatang nagpipigil rin lang siya.

"Maria Jaise, wag mo akong mataas-taasan ng boses mo. Tiyahin mo pa rin ako!" Nanlilisik ang mga mata nitong nakamasid sa kanya. Ipinikit niya ng madiin ang mga mata. Hinahamig ang isip at puso para makapag-isip at mapakalma ang sarili, pero hindi na talaga kaya pa.

"Fine! Anak nga kayo ni Lolo Manolo! Puro kayo matitigas ang ulo, kayo nig T'yang Doray! Bahala na nga kayo!" Galit niyang saad. Napanganga si Bebeng sa sinabi ni Majz. Nag-iinit ang ulo nito pagpipilit ng pamangkin. Nag-iinit naman ang ulo ni Majz dahil sa katigasan nito.

"Wag mo akong pagtataasan ng boses mo, Maria Jaise! Wala akong pakialam kung Kuya ko ang Tatay mo, mapapalo kita!" Singhal nito sa kanya.

"Okay, Fine! Kung ayaw n'yo, wag n'yo! Pero kapag kayo ay natalisod o nadulat at may nangyari diyan sa dinadala n'yo dahil sa katigasan ng ulo n'yo, wag n'yong sabihin na pinabayaan namin kayo!" Galit na tumayo at tumalikod si Majz sa tiyahin. Natatakot siya na sa sobrang galit niya ay makapagsalita siya ng hindi maganda at pagsisisihan niya sa bandang huli.

"T'yang, I'm sorry but I have to take Jaise's side at the moment. Sa amin kayo ibinilin ni Tito Martin. At kung ano ang mangyari sa inyo, si Jaise ang mananagot sa asawa n'yo." Mahinahon na paliwanag ni Lance. "Susundan ko lang po muna si Jaise." Paalam niya sa ginang na hindi naman na kinontra nito. Ni hindi na nga ito nakasagot sa sinabi ng dalawa.

Tahimik na lang niyang pinagmasdan ang kasintahan ng pamangkin na sumunod dito. Napahaplos na lang siya sa namimintog niyang tiyan. Nagpapasalamat silang mag-asawa dahil kahit na may edad na siya ay nabiyayaan pa siya na magbuntis.



SA KWARTO ni Majz...

"Hon, are you okay?" Tanong ni Lance sa kasintahan. Nagtutupi ito ng nilabhan kani-kanina lang. Doon yata ibinubuhos ang init ng ulo.

"Ayos lang ako." Sagot nito ngunit muling tumahimik. Dumampot na rin siya ng nilabhan nito ay tinupi.

"You know, it is better to let out what you think instead of bottling it in." Mahina niya sabi. Tinatantiya ang mood ng dalaga. "I have read from somewhere that bottling in those emotions are not really good for health, not good for the heart." Pigil ang ngiting dugtong niya. Nilingon siya ng dalaga.

"You think I didn't know that? It was just so frustrating kasi. Think about it, buntis siya, tapos muntik pang mawala ng dalawang beses ang ibinubuntis niya. Hon, at her age, the risk is so high, hindi lang para sa kanya kundi para na rin sa baby." Naiiyak na ito. Para namang dinaklot ang puso ni Lance sa nakikitang lungkot sa mata ng kasintahan.

"I know, Hon. Just pray that everything will be okay. God's on it. Iiyak mo lang yan, mahirap naman kung iipunin mo yan baka sa ibang paraan pa lumabas yan." Nangingislap ang mga mata niya ng titigan siya ni Majz. Naningkit ang mata nito.

"Puro ka naman kalokohan eh. Magseryoso ka nga kasi." Pagmamaktol nitong turan.

Napatawa siya ng mahina dahil kahit kelan talaga sa loob mag-iisang taon nilang pagiging magkasintahan ay hindi pa rin alam ng dalaga ang epektong dulot ng pagmamaktol, pagnguso o pagmamangol na parang bata sa kanya. Kinabig na lang niya ito at hinalikan ang ito sa sentido.

"I am very serious about you, Jaise. Kelan ba ako nagbiro sa iyo. I was just trying to make you laugh. You need to lighten up a bit, easy on T'yang Bebeng. Lahat ng ito ay bago sa kanya. She'll be celebrating her birthday in a week or two. Another year is added on her, then she's having this weird mood swings, which I've seen from my mom when she was pregnant with Sage, fifteen years after us. Hormones and aging doesn't go too well together." Paliwanag niya sa dalaga. Napabuntong hininga na lang si Majz. Alam niyang naniniwala ito sa kanya. Alam din niyang napakamaunawain nito sa kahit na anong bagay, naunahan lang ito ng pag-aalala para kay Bebeng.

"I know that. Ni-research namin ni Makai yan bago pa siya umalis papuntang Singapore. Pero hindi naman sinabi sa pregnancy books na nabasa namin ni Makai na kasama ang tigas ng ulo doon." Napangiti siya sinabi ng dalaga. Kung tanungin kaya niya ito ngayon ng tungkol diyan ano kaya ang isasagot nito? Hinalikan niya uli ito sa sentido.

"Hon, if I ask you to bear my child, will you do it?" Tanong niya rito. Mabilis siyang nilingon ni Majz.

"What do you mean bear your child? Like right now, right now?" Natatawa siya sa dalaga. Para itong natataranta. Sino ba naman ang hindi?

"Yes and no." Mabilis niyang sagot dahil malapit ng lumuwa ang mga mata ng reyna niya. "Yes, because as you know, I've been ready since the day I saw you. No, kasi alam kong ayaw mo pa. But just in case, I can persuade you, papayag ka ba?" Sabay buhat sa dalaga para iupo ito sa kandungan niya paharap sa kanya. Sa takot na mahulog ay mabilis na kumapit si Majz sa leeg niya kaya magkaharap sila ngayon.

"I don't know. Ang alam ko, gusto kong maging katulad ni Nanay. Alagaan ang magiging asawa at mga anak ko. Yun nga lang hindi ko alam kung kelan." Sagot nitong nakatitig lang mga mata niya. "Bakit? Naiinip ka na ba?" Malambing nitong tanong. Eto naman po ang mga paru-parong hindi mapakali. Nagliliparan na naman ito as loob ng sikmura niya. Naglapat ang mga labi nila.

Ganito naman sila palagi. Konting pagdadaiti lang o konting kibot lang, nagtutukaan na kaagad. Parang habit na nilang dalawa. Kaya tuloy natutukso siya nila Ray, Celso, Lupita at Cookie dahil palaging namamaga ang mga labi niya, nilang dalawa, dahil sa hindi mapigil na gigil. Susmaryosep!

"No, I'm not in a hurry." Sagot niya sabay pasok ng kamay niya sa loob ng t-shirt ng dalaga para madama niya ang init ng likod nito. "I just wanted to know if you are ready, that's all." Turan niya na dinadampian ng maliliit na halik ang labi ni Majz. Napaungol si Majz ng malumanay niyang kinagat ang ibabang labi nito. "You like that huh?" Tanong niya.

"Hmm... yeah. I do." Sagot naman nitong na parang pumapapak lang ng chocnut.

"And this?" Dinila-dilaan pa ni Lance ang ibabang labi ni Majz paakyat sa taas na labi, sabay hagod sa malabot na likuran ni Majz. Napakislot ang dalaga dahil sa bolta-boltahe ng kuryenteng bumabalot sa kanyang katawan pababa sa kung saan hindi pa dapat.

"Hmmm... that's good, too." Paungol na saad ni Majz. Naghuramintado na ang buong sistema ni Lance, bigla ay naging alert na ang BFF niya. Inayos niya ang upo ng dalaga palapit sa BFF nito.

"L-lance." Narinig niyang sinambit ni Majz ang pangalan niya. Nag-init ang tenga niya at nanayo ang mga balahibo sa batok niya dahil sa tono ng boses nito. Mas lalong sumikip ang kanyang pantalon.

"L-lance." Paungol na ulit ni Majz.

"Yeaah..." Nawawala na siya sa wisyo. Baka nga maging nanay na itong si Majz ngayon araw na ito.

"Lance, naninigas yata ni Charizard." Bahagya siyang natigilan sa sinabi ni Majz. Muntik siyang mapabunghalit ng tawa. Ngayon niya lang narinig na nagsalita ng ganito si Majz at tinukoy sa ganyang pangalan ang BFF niya.

"Nasasaktan ka ba?" Pigil ngiti-tawa niyang tanong. Hinahamig ang sarili para wag pumiyok.

"Hindi naman." Malambing at paungol nitong sagot. Sinakop niyang muli ang labi ng dalaga bago pa ito muling makapagsalita o baka may masabi pa ito na mas lalong magpalabas ng kanina pa niyang pinipigil na pagtawa.

"It's okay. He's just saying hi to you." Saad niya matapos na halos makapugto-hiningang halik na kanilang pinagsaluhan.

"Umm.. I don't think he's saying hi to me." Bahagyang napahiwalay siya sa kasintahan. Sinipat niya ito. Napangiti siya ng makita ang ginawa niya sa labi ng dalaga, namamaga na naman ito. Mabuti na lang at walang pasok bukas.

"What do you mean he's not saying to you? Who is he saying hi to then?" Tanong niya ditong may pagtataka. Napalingon pa siya sa pinto, hindi man naka-lock yun ay sarado naman.

"He's saying hi to Pikachu." 









--------------
End of LCIF 42: Charizard & Pichachu

Thank you for reading.the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
09.24.19

Lights! Camera! I've Fallin…
©All Rights Reserved
March 15, 2016

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro