LCIF 41: Sundo
Owtor's Nowt: Isa pa pong update, pa-birthday ko sa inyo. 😊😍😘 Sorry po sa typo.
"IBANG talent? Bakit? May talent na ba silang nakuha?" Tanong naman niyang nagugugluhan. Ang alam kasi niya ay wala pang talent na nakukuha para sa TVC ng Samoñedo Apparels.
"Ako ang talent." Sagot nito sa kanya.
"Ikaw? Akala ko ba, ine-negotiate n'yo pa kay Ate Ella ang tungkol dito?" Naguguluhan man siya ay nakakaramdam naman siya ng tuwa dahil si Lance ang nakuha nila. Ibig sabihin may location shoot sila.
"Tumawag ako kay Tita Ella pagdating ko kahapon sa bahay ko. I ask her kung napag-isipan na ba niya yung napag-usapan namin. I asked her to expedite finishing Logan's contract dahil kung hindi ako na mismo ang pupunta sa board." Nakita ni Majz ang inis sa mga mata ni Lance.
"Lance..." Sambit niya sa pangalan nito.
"I'm tired doing things for everyone. I love my brothers, I love my family but I can only do so much." Napayuko si Lance. Kita ang pagod sa mga mata nito.
Sino ba naman ang hindi mapapagod? Ginagawa niya ang trabaho ng tatlong tao tapos dumudoble pa siya bilang si Logan at Leland tapos ngayong may girlfriend na siya, nahahati na nag oras para kay Majz at yun ang ayaw niya. Kahapong umuwi siya sa bahay niya ay kinailangna niyang uminom ng isa klase niyang gamot dahil bumilis na naman ang tibok ng puso, Muntik na naman siyang isugod ni Mang Jose sa hospital.
Hinaplos ni Majz ang pisngi ni Lance. Hinawakan naman niya ang kamay ng dalagang humahaplos sa pisngi niya at dinala ito sa bibig. Dumampi ang mainit na labi ng binata sa kamay ni Majs, napapikit na lang ito. Lingid sa kanila ay masayang nakamasid lamang si Makai, Lupita at Cookie sa kanilang dalawa.
"Lance, magiging okay din ang lahat. Maluluwagan ka rin. Tatapusin natin ito ng madali lang pero banayad para hindi mabitin ang iba mong trabaho. Okay." Malambing saad ni Majz kay Lance. Tumango naman ito at kinabig ang siya payakap dito kaya napadikit ang pisngi niya sa dibdib ng binata. Naririnig niya ang iratikong tibok ng puso ng binata.
Nagtataka siya. Kinakabahan din naman siya sa tuwing nalalapit ang binata sa kanya, pero hindi ganito kaoratiko nag pagtibok ng puso niya kumpara sa puso ng binata. Magtatanong pa sana siya pero nagsalita na ang binata... pabulong.
"I love you, Jaise." Nanayo ang mga balahibo niya sa batok sanhi ng pagbulong nito sa kanya. Napangiti siya ng lihim. Hindi maitago ang saya niya sa tuwing ipapahayag nito ang damdamin sa kanya.
"I love you, too, Lance." Ganti niyang sagot sa binata. Hinalikan nito ang tuktok ng ulo niya. Hinigpitn niya ang yakap sa binata.
"Let's go. We need to take this seriously para matapos na natin." Ito ang gusto niya sa binata. Kahit kasi nag-e-emote ito, nasa isip pa rin nito ang trabaho at seryoso ito sa ginagawa. Isa sa mga bagay na minahal niya sa binata. Nawawala nga lang ito sa konsentrasyon kung minsan at yun ang hindi niya alam kung bakit.
"Yes, we do. At kailangan naming tawagan si Tito Niel na wag nang mag-abala sa pinaplano nila ni T'yong Martin." Nagliwanag ang mukha ni Lance, natawa.
"Oo nga pala." Sabay silang tumayo ni Lance at lumapit kay Makai. "We need to let them know bago pa ma-execute ang well-planned strategy ng dawlang yun.
"Kai!" Tawag pansin niya sa pinsan. Nagulat naman ito at napatuwid ng tayo.
"You need to call your dad." Nagpalinga-linga si Makai sa tinuran ni Lance. Nag-aalalang may makarinig sa ibang mga kasamahan. Busy naman ang lahat. May dumating na rin iba pang kasama sa grupo ni Makai.
"Sshh!" Saway niya kay Lance kahit na halos pabulong na itong nagsalita. Sasagot pa sana si Lance ng tawagin ito ni Lupita.
"Sir La-Logan!" Tawag nito na nagpalingon sa kanila. "Make up time na. Dumating na ang mga collection na kailangan natin." Dugtong nito. Tumango si Lance sa makeup artist nila. Tumango naman kaagad ang binata at nagpaalam na sa kanila. Mabilis nitong hinalikan si Majz sa gilid ng noo. Nahampas niya tuloy ang binata sa braso.
"Maharot ka." Singhal niya dito.
"Boy Tuka nga." Panunukso ni Makai na silang tatlo lang ang nakarinig.
"Is that what it was?" Balik-tanong nito sa dalaga. Natawa na lang si Majz at tumango.
"Ah ganun. You just wait when you Lavs comes back, I will get even." May himig pagbabanta na turan ni Lance kay Makai na ikinatawa naman nito at ikinabungisngis ni Majz. Simple niyang nilingon ang kasintahn. You, my sweetheart, will pay for it later." Dugtong pa ni Lance na sinabayan nito ng pagkindat kay Majz na nagpabuhol ng hininga ng dalaga. Napatikhim siya ng wala sa oras dahil parang biglang nanuyo ang lalamunan niya.
"Go, Lupita needs you." Saad ni Makai. Napapailing na lang siyang umalis sa harap ng magpinsan.
"NAKU, Sir Lance, dahan-dahan lang po, marami nang mata sa paligid. Masyadong malalim ang dimple mo, kapansin-pansin. Sinasabi ko sa inyo, marami din ang bibig na maaaring mag-uusap-usap mamaya." Saway ni Lupita sa kanya. Napangiti siya.
"I'm sorry, Lupe. Di na mauulit." Paghingi niya nga pasensiya. "But you need to call me Logan instead... for now." Tumango ito at ngumiti ito sa kanya. Nagpatiuna na rin itong maglakad. Sinundan naman ito ni Lance hanggang sa station nito.
"Sir Logan talaga ang itatawag ko sa iyo para hindi ako malito." Sabi ni Lupita nang makaupo na siya sa upuuan sa harap ng malaking salamin na napapalibutan ng ilaw na nagre-resemble sa natural na sikat ng araw sa labas. Tinapik-tpik nito ang balikat niya.
"Salamat, Lupita." Malambing ngunit seryoso niyang turan. Tinapik-tapik din niya ang kamay nito na nasa balikat niya.
"Kailangan ko lang siyang malagyan primer ang mukha mo at manipis na liquid foundation para hindi ka gaanong mamutla sa camera. Mas maputi ka nang bahagya kay Sir Logan eh." Dugtong nito.
"Dati naman ay hindi n'yo ako nilalagyan ng masyadong ganyan. Nilalagyan mo lang ako ng pressed foundation, bakit ngayon me ganyan na?" Tanong niya dito. Napangiti lang si Lupita.
"Sir, mula ng mapansin ko kanina ang pagkakaiba n'yo, tsaka ko lang naalala na kailangan pa kayong gamitan ni Click ng katakot-takot na photoshop effect para maging okay ang kulay n'yo sa mga pictures. Mas maputi kayo kesa kay... sa kapatid n'yo." Pagbawi nito sa pagtukoy kay Logan.
"Okay. That's fine with me." Sagot naman niya. Umayos na siya ng upo.
"Paano po bang nawala ang kapatid n'yo." Simpleng panimula ni Lupita. Dahil may tiwala naman siya dito ay ikinuwento niya ang huli nilang pagkikita na magkapatid. Pati na rin ang dating pag-alis-alis nito, pati ang suntukang nagaganap sa tuwing uwi ito matapso maglagalag ng hindi nagpapaalam sa Mommy nila. Natatawang nasisindak si Lupita sa mga sinasalaysay niya.
"Grabe naman pala kayong magmahalan na magkakapatid." Nahihintakutan nitong sabi. "Mabuti na lang at hindi n'yo ako kapatid. Sa ayos kung ito baka araw-araw n'yo akong najujumbag dahil naging sireyna ako." Sapo-sapo nito ng dibdib. Natawa si Lance.
"I don't think so. Kung sakaling naging kapatid ka namin, siguro at first we wanted to kill but later on, we may be able to accept you lalo na kung nakikita naman namin na diyan ka masaya at wala kang inaapakan na tao ay okay na rin siguro." Sagot niya dito. Napapangiwi siya dahil binubunutan siya ni Lupita ng ligaw na kilay. Kailangan daw alisin yun dahil nakapa-untidy tingnan.
"Kahit na Sir, mabuti na rin na hindi n'yo ako naging kapatid." Natawa si Lance sa pagiging seryoso nito sa usapan nila. Palagay na ang loob niya dito noon pa man pero mas naging palagay ang loob niya rito ngayon.
"Anong klase ng tao katrabaho si Logan dito?" Tanong niya matapos ang ilang sandaling katahimikan.
"Si Sir Logan? Makulit, mabiro pero seryoso sa trabaho. Wala naman kayong pinagkaiba eh. Ang kaibhan n'yo lang ay may pagka-moody si Sir Logan lalo pa at palaging indoor ang shooting ni Sir Taser. Pero nung maging talent siya ni McNight at naging malapit na siya diyan sa babaeng walang pahingan a yan, nag-iba na ang moods niya. Palagi na itong nakangiti na labas ang makalunod at makalaglag panty na dimple niya, parang katulad ng sa iyo pero pakiramdam ko mas malalim yung sa iyo ng bahagya. Kaya simula bukas maglalagay na ako ng pardible sa panty ko." Masaya nitong kwento tungkol sa kapatid niya. Natawa naman si Lance sa kakulitan nito at kaparangkahan.
"Tapos lumabas na yung kakulitan niya na dati lang naming nakikita kapag kasama niya si Ate Ella o s Ms Cherrie o si Ms. Cleo at yung isang magandang kaibigan ni Ms. Cleo, pero kapag kami na ang kasama niya, nagiging seryoso na siya. Katulad nga ng sabi ko kanina, iba ang kamandag ng mga Samonte, na-love at first sight yata yung kapatid n'yo kay McNight, naging masayahin na ito. Nakikipagkulitan na sa amin. Kadalasan, hihintayin niya si McNight kahit madaling araw na hanggang sa matapos ang editing nila. Magugulat na lang sila Celso at Ray na may pagkaing inihahatid yung messenger namin. Tapos nakikita naghihintay siya sa labas ng gate." Patuloy ito sa pagkwento habang sinisipat nito an mukha niya. Nang matapos ito ay umupo sa isang silya sa tabi nito.
"I knew that my brother had fallen in love kasi kakaiba ang dating ng aura niya noong birthday ni Brynn. Then after that, nakatanggap kami ni Leland ng tawag mula kay Tito Dean na hindi sumipot si Logan na usually naman kahit na umaalis yun, bumabalik din in time sa mga appointments niya at responsibilities. Naalarma kaming magkapatid kaya hindi namin pinaalam sa Mommy namin. I was mad and angry but I was thankful in a way kasi nakilala ko si Jaise." Ngumiti siya nang hindi niya napapansin.
"Sir Lance." Tawag ni Lupita sa kanya. Parang siyang biglang natauhan, nanaginip yata siya. Nilingon niya ito nang may pagtataka.
"Bakit?" Sagot niya na nakakatitig kay Lupita.
"Wag n'yong paiiyakin si Majestic ha. Hindi pa gaanong matagal na nakilala namin ang batang yan pero napamahal na yan sa amin. Binago niya ang kalakaran dito sa Villafuente sa maikling panahon na nandito siya. Inayos niya ang schedule ng lahat para maging efficient kami at hindi gaanong Hagardo Versoza, tapos pati pa yung project budget at out-of-town travel expenses ay inayos niya rin, kaya amy fix budget na kami. Wag mo siyang sasaktan ha." May himig pakikiusap ang hatid ng boses nito. Ngumiti siya kay Lupita at nginitian din siya nito.
"Yan tayo, Sir eh. Daanin ba ako sa ngiti na lang." Sabi nito na napapakamot sa ulo. "Sir, bakla ako. Ibig sabihin may puso akong babae. Yang pangiti-ngiti mo na yan baka maging mitsa pa yan ng pagkibigo ni Majestic sa pag-ibig." Napakunot ang noo niya sa sinabi nito.
"Bakit naman. Ano ang koneksyon ng ngiti ko sa puso niya?" Tanong niya habang patayo na mula sa kinauupuan.
"Kasi po, Sir. Yan ngiti na yan ang maglalapit sa kahit na sinong babae pati na mga baklang katulad ko sa into at mai-in love kami sa iyo. Eh di kawawa si Majz. Sasakit ang ulo niya sa dami ng magnanasa sa iyo." Tsaka pa lang niya nakuha ang koneksyon sa sinabi nito.
"It is not going to happen. Alam mo kung bakit?" Umiling si Lupita sa sinabi Lance. "Dahil sa ngiti lang ni Jaise, ang puso ko ay kanyang-kanya." Dugtong niya. Nandilat ang mga mata ni Lupita.
"Kahi na Sir. Meron pa ring may matitinding magnasa na gagawin ang lahat mapansin at masilo ka. Paano na lang ang Reyna?" Pagpipilit ni Lupita. Umiling siyang mga malapad na ngiti at puno ng kompyansa.
"It will never happen because they are not Jaise." Sagot niyang puno ng kaseryosuhan ngunit labas ang nag-iisa at walang patawad na dimple niya.
"Ay putang-amang bakla! Hustisya sa mga pusong may pagnanasa at masaasawing aasa na mamahalin mo!" Nabigla siya sa sigaw ni Lupita. Napatingin siya sa paligid nila. Nakatingin sa kanilang lahat na mga kasamahan nila. Tsaka palang niya napansin na naka-set na ang green screen sa kabilang bahagi ng floor at nakahanda na rin ang mga ilaw at cameras. Pati na rin monitors.
"Yan bibig mo ha." Pinandilatan niya ang bakla. Pinagtawanan lang siya ni Lupita at iwinasiwas nito ang kamay na parang tinataboy na siya nito.
"Ay naku, Sir Logan, kinulang ka lang sa kape. Lumapit ka na doon kay Cookie para sa wardrobe mo." Natawa nitong sabi habang kumukumpas ang kamay nitong itinuturo ang pwesto ni Cookie.
Tinalikuran na niynag tuluyan si Lupita. Nadaanan niya si Makai pero hindi niya nakita si Majz.
"Where is she?" Pabulong niyang tanong sa dalaga. Tumuwid ng tayo si Makai at inilibot ang tingin. Hinahanap siguro si Majz.
"Ewan ko. Nandiyan lang kanina eh." Sagot naman nito. "Mamaya mo na hanapin dahil naghihintay na si Click." Yun ang tawag ng mga ito sa photographer na palagi nilang nakukuha para sa mga ganitong pictorial, minsan naman ay si Flash. Hindi available si Flash ngayon dahil sinusolo si Taser ito ngayon at nasa kung saang isla ng Bohol ang mga ito.
"I got to go." Paalam niya sa dalaga.
"Ay putang-amang bakla! Hustisya sa mga pusong may pagnanasa at masaasawing aasa na mamahalin mo!" Nagulat si Majz sa biglang pagsigaw ni Lupita. Nilingon niya ang dalawa, nasa makeup pa rin ang binata at kaharap ang overly melodramatic na makeup artist at kaharap pa rin nito si Lance. Ano na naman kaya ang dinadrama nito?
"Dinig ko, may girlfriend na daw yang si Sir Logan." Dinig niyang sabi ng isa nilang kasama. Baguhan lang ito pero mukhang maraming alam.
"Anong nadinig mo?" Pang-uusisa ng isa ring ochusera.
"Sabi sa kabilang grupo, hindi naman kagandahan ang girlfriend niyan, nagfe-feeling lang daw." Napataas ang kilay ni Majz. Ipinagpatuloy niya ang paghamig ng sequencing mamaya para hindi na mahirapan pa si Makai. Maganda kaya si Makai. Sabat ng isip niya
"Ano naman ang sabi ng grupo si Sir Taser?" Halata ang iritasyon sa boses ng kausap nito. Nilingon ni Majz para malaman kung sino. Nakita niya ang baguhang si Pamela ang kausap nito, bagong tauhan ni Ray ang dalaga. Kilala na rin niya ito kahit papaano pero hindi ang kausap nito.
"Ang sabi taga-rito daw sa grupo n'yo ang girlfriend ni Sir Logan, pero ang totoo may girlfriend talaga itong iba. Mukha nga daw binabahay na nito yung babae." Napatuwid ng tayo si Majz para sana magtanong kung saan niya nakita si Logan nang magsalita si Pamela.
"Alam mo, kung ang pag-pick up mo ng dagdag na oras ay para magchismis lang ng kung ano-ano sa akin, utang na loob, wag ka nang magtrabaho dito sa grupo namin." Hindi man yun pasigaw ay klarong narinig ni Majz ang pagkainis ni Pamela sa kausap.
"Eto naman. Nagkukwento lang ako ng mga narinig ko doon. Hindi naman yun tsismis dahil feeling ko naman kilalang-kilala niya ang model n'yo." Normal sa turan ng babaeng kausap ni Pamela.
"Excuse me po." Singit niya sa usapan ng dalawa. Napatingin si Pamela at nandidilat ng mata. Kinindatan niya ito. "Sino po ba ang sinasabi nila na girlfriend dito ni Sir Logan?" Tanong niya na simpleng sinulyapan si Lance.
"Si Direk McNight daw po." Sagot naman nito. "Hindi naman siya kagandahan di ba?" Sinipat ni Majz ang pinsan. T-shirt at pantalon nag lagi nitong suot pero kahit papaano ay may porma naman ang pinsan, maganda at matalino din.
"Eh sino naman daw yung girlfriend na binabahay ni Sir Logan?" Muli niyang tanong. Gusto niyang tarayan ito pero hindi niya kaya, hindi naman kasi siya si Makai na kayang magtaray para sa ekonomiya.
"Mag-ingat ka sa pagsagot, Teh. Pinsan ni Ms Majz si McNight." Nandilat ang mata nito sa sinabi ni Pamela. Napatihimik tuloy itong bigla.
Lingid sa kanilang kaalaman, narinig palang lahat ng yun ni Ray dahil sa inaayos nito ang koneksyon ng mga wire at itini-tapes sa sahig para walang matisod. Napapailing na lang ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila malaman kung sino ang pasimuno ng mga tsismisan dito sa trabaho nila. Humugot ito ng malalim na paghinga at simpleng tinawag si Majz.
"Psst! Majestic." Nagpalingon-lingon si Majz sa kung sino ang tumatawag sa kanya. Alam niya isa yun sa dalawa, si Celso o si Ray.
"Psst! Majestic!" Umikot siya sa likuran niya. Nakita niya si Ray na nakaluhod ang isang tuhod sa sahig at may hawak na rolyo ng duct tape.
"Bakit, Kuya?" Tanong niya dito. Inilapag ang clipboard na hawak niya at lumapit sa lalaki.
"Wag kang magpapakinig sa ganyang tsismis dito. Yang mga yan ay alipores ni Taser na kailangang makausap ng maayos at mapalo sa puwet." Pahayag nito. Alam niyang pinagagaan nito ang pakiramdam niya, kaya lang hindi naman siya apektado dahil kung sakali man ay si Logan nga yun at hindi si Lance. Maaaring may maayos itong eksplinasyon.
"Ayos lang ako, Kuya. Hindi naman ako apektado dahil alam kong hindi si Lance yun." Nakangiti niyang sagot sa lalaki. Napatayo si Ray at pinakatitigan siya nito.
"Ang swerte ng lalaking yan sa iyo. Napaka maunawain mo." Napapailing nitong turan. Ngumiti na rin lang siya.
"Swerte din naman po ako sa kanya, Kuya Ray." Nangislap ang mata ng lalaki habang nakangiti ito sa kanya.
"Sige na. Babalik na ako sa trabaho ko, baka mamaya ay maiyak pa ako diyan sa sobrang pagmamahal na nakikita ko sa mga mata mo." Natawa silang pareho at bumalik na siya sa kanya-kanyang ginagawa.
Hindi na rin naman niya narinig pa ang dalawang nag-uusap. Mukha ngang umiiwas na yung isang babaeng makalapit kay Pamela.
Maya-maya ay may dumating na grupo ng tao na may dalang pagkain. Mabilis ang kilos ng ibang crew na maglagay ng lamesa at natakpan kaagad ito ng table cloth. Kung saan nanggaling ang mga yun ay parang hangin lang na dumaan sa harap ni Majz dahil sa bilis ay parang mga magicians ito sa bilis ng paghugot sa kung saan-saan at nailaapg na ang mga mga naka-chafing dishes na mga pagkain. May mga disposable plates na rin at utensils.
"Maria Jaise Samonte?!" Malakas na tawag ng isang lalaki na kasama ng mga dumating. Nag-aalanganin man ay sumagot na rin siya.
"Ako po yun." Sabay taas niya ng kamay na parang nasa classroom lang.
"Hello po, Ma'am. Paki pirma na lang po dito na na-receive n'yo ang catering service at ito din po." Sabay abot nito ng isang malaking bouquet ng iba't ibang kulay ng rosas. Napansin niyang mas lamang ito ng dilaw na rosas. Halos lumuwa ang mata ni Majz sa ganda. Pakiramdam niya ay limang dosenang rosas ang laman ng bouquet na ito at mabigat.
Pinirmahan niya ang maliit na clipboard na may lamang resibo at mabilis na ring umalis ang lalaki at ang mga kasama nito. Kinuha niya ang maliit na card na nakaipit sa pagitan ng mga bulaklak.
"Ay, may secret admirer si Majestic. Bongga ka, your highness." Natawa siya sa sinabi ni Cookie. "Your Majesty, kanino galing yan?" Nag-init ang mukha niya dahil nasa kanya ang attention ng lahat. Iniiwas na lang niya ang kanyang tingin sa mga kasamahan at hinarap ang tarheta.
"To my queen, my honey, my Jaise, I hope that this flower may lighten up your day. Pakabusog ka ha, wag kang magpapagod. Love, LMVS." Mahina niyang basa.
Kinilig siya kung yun ang itatanong sa kanya ng mga nakatunghay ngayon sa harapan niya, pero mas gusto niyang makita ang mukha ng nagpadala nito. Mabilis niyang nilingon si Makai na ngingiti-ngiti lang. Pinaningkitan niya ito ng tingin. Maya-maya lang ay lumapit si Lance sa likuran ni Makai. Kitang-kita niya ang pilyong ngiti nito sabay kindat nito sa kanya. Napapitlag naman ang puso niya.
Ibinalik niya sa loob ng maliit na sobre ang card at akma na sanang lalapit sa kasi tahan nang tumikhim si Cookie na nasa tabi pa rin niya.
"Mamaya mo na lapitan si secret admirer mo, umpisahan na natin ito." Tsaka pa lang sila nabalik sa tamang wisyo. Napapailing siya.
"Hindi kayo aabutin ng alas tres ng hapon malalaman na ng lahat na hindi siya Logan." Pagbulong ni Celso ng dumaan ito sa tagilaran niya. Kinuha naman ni Cookie ang bouquet sa kamay niya naglakad ito ng diretso na kitchen counter kung saan sila nagkape kanina at maingat na inilapag ang mga bulaklak.
"Okay, let's get back to work. Be inspired." Sigaw ni Ray. "Maging masipag dahil may pakain ang secret admirer ni Majestic." Napaubo siya dahil ipinangalan sa kanya ni Ray at Celso.
Naging busy na nga ang lahat. Kanya-kanya nang harap sa mga tungkulin nito ang mga naroroon, lahat ay may ngiti sa mga labi dahil sa nakakakilig na pangyayari. Parang balewala lang naman kay Lance ang circus na ginawa nito. Malapad ang ngiti nito at bigay na bigay sa harap ng camera. Nagpasirko-sirko tuloy ang puso ni Majz. Mabuti na lang at hindi siya natatalisod o nadadapa o nagkakamali sa mga ginagawa niya.
Ilang sandali pa ay natapos na ang pictorial. Nakahinga na rin ng maluwag si Majz dahil sa wakas ay magsusuot na ng t-shirt ang kasintahan. Ilang oras ding nabilad ang katawang nito sa liwanag ng ilaw dahil wala itong pang-itaas kadalasan dahil sa jeans na imino-model nito mula sa isang bagong saltang kompanya ng pantalon.
Alas sais ng hapon. Nagkanya-kanya ng ligpit ang crew ni Makai. Hinarap naman niya ang flow of work sa araw na iyon. Siniguro niya nakapasok na sa computer ang nakarating sa call time nila nang on time. So far, wala namang late. Nakangiti siyang nakatutok sa Macbook niya. Inayos na rin niya nag schedule nila ni Makai kinabukasan para maipasa ang kay Carol.
Maliban sa maliit na insidente kanina bumulabog sa kanila ay wala naman nang ibang naging backlog pa. Tuloy-tuloy lang ang trabaho kaya maaga silang natapos.
Nang mailigpit na ni Click ang equipment nito ay nagpaalam na sa kanila at dahil photoshot ito, hindi na nila kailangang mag-edit, si Click na nag bahala doon.
"Majz, ako ang kunin mong photographer sa kasal n'yo ni secret admirer ha." Natatawa nitong panunukso sa kanya. Napailing na lang siya.
Alam niyang pulang-pula na ang pisngi niya dahil nanginginit ang kanyang pisngi na abot hanggang tenga niya. Hindi tuloy siya makatingin ng diretso kay Lance dahil kanina pa ito titig na titig sa kanya. Alam niya yun dahil kung hindi ba naman obvious ang lalaking yun, hindi ito magsusuot ng shades sa loob ng building.
"Grabe, insan. Girlfriend ka na at lahat, kuntodo ligaw pa rin?" Nanunudyong turan ni Makai. Inirapan niya at sabay nguso.
"Sige ka lang diyan. Mang-inis ka lang. Kapag nakauwi na si Logan, hindi rin kita tatantanan." Natawa ng malakas si Makai. At para itodo pa ang panunukso sa kanya. Tinawag pa nito si Lance.
"Lavs! Tara uwi na tayo! Ipapasundo mo na lang si Majz sa secret admirer niya!" Dinig sa buong palapag ang boses ni Makai dahil nag-bounce back pa ang boses nito. Naiinis na siya sa pinsan. Malilintikan talaga ito pagdating nila sa bahay ng tiyahin.
"Bye, Jaise." Tulong panunukso naman ni Lance sa dalaga. Alam ni Lance na lagot siya mamaya sa kasintahan pero okay lang. Mamaya na niya susuyuin ang dalaga.
"Ewan ko sa inyo. Madapa sana kayo pababa." Pagbubusa niya na narinig ni Makai.
"Elevator, Majz. Sa elevator kami sasakay pababa." Dagdag pang-iinis pa ni Makai.
Bago pa tuluyang makaalis sila Makai at Lance. Bumukas ang pinto ng elevator at iniluwa nito si Cherrie. Napansin nito si Lance, at dahil pormang Logan ito, hindi nahalata na hindi siya si Logan.
"Saan ang punta ng lovebirds na ito?" Turo nito sa dalawa. Bago pa humaba ang usapan ay pumasok na ang dalawa nakabukas na elevator cabin.
"Uuwi na. May dinner date yata yung dalawang yun eh." Si Lupita na ang sumagot habang tulak nito ang cart at hila naman ang de-gulong na maleta ng puno ng makeup, hairstylers at kung ano-ano pang ginagamit nito para sa pag-aayos ng mga modelo.
May mangilan-ngilan pang natitira sa mga tauhan ni Makai na nagliligpit ng mga nai-setup nila Ray at Celso kanina.
"Majz, nag-text si Lance kay Ella. Susunduin ka daw." Napatanga siya. Nagkatinginan ang mga naiwan lalo na si Ray, Celso, Lupita at Cookie.
"Paano?"
--------------
End of LCIF 41: Sundo
Thank you for reading.the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.
💖 ~ Ms J ~ 💖
09.23.19
Lights! Camera! I've Fallin…
©All Rights Reserved
March 15, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro