Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LCIF 4






⚠️ UNEDITED ⚠️




🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Lights! Camera... I've Fallen!

"Wrong Timing"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





TINAWAGAN ni Majz ang kanyang T'yang Bebeng para ipaalam dito na hindi sila makakauwi ng Makai dahil gabi na matatapos. Nagtaka ang T'yang Bebeng nila kung bakit kami ang sabi niya.

"Maria Jaise, first day mo sa trabaho overnight na kaagad? Baka kung ano na yan ha? At sinong kami?" Alam ni Majz na nag-aalala lang ang kanyang tiyahin kaya ipinasa niya kay Makai ang cellphone niya.

"T'yang Bebeng, pasensiya na po kayo." Mukhang nagulat ang tiyahin sa narinig. Panandaliang hindi ito nakapag salita.

"Makai??!! Maria Kaila, anak, ikaw ba yan? Paanong..." Hindi na natuloy ni T'yang Bebeng ang sasabihin dahil ngumawa na lang ito. Hinayaan na muna nila itong umiyak hanggang sa medyo maayos na ito.

"T'yang, wag naman po kayong umiyak." Pakiusap ni Makai. "naiiyak din tuloy ako." Dugtong pa niya.

"Oh, Makai, ang tagal kitang pinahanap." Pasinghot-singhot pa nitong sambit.

"Po? Ipinahanap n'yo po ako?" Mahahalata sa boses ni Makai ang lungkot, galak at pagkasabik.

"Oo naman at bakit hindi? Anak ka ng bunso naming si Aning, kaya mahalaga ka sa amin. Kayong tatlo ni Manuel at Maria Jaise lang ang pamangkin ko, natural na mahalaga ka, kayo." Suminghot uli si T'yang Bebeng. "Paano mo nga palang nahanap ang pinsan mo. Maria Jaise?" Nagtatakang tanong nito sa kanila.

"T'yang, aksidente lang po kaming nagkita ni Majz." Mabilis na sagot ni Makai.

"Aksidente? Paano?" Muling tanong ni T'yang Bebeng.

"Nagkataon pong iisa lang po ang pinapasukan namin. magkatrabaho po kami." Sagot ni Majz.

"Ah ganun ba? Mabuti naman." Magaan na ngayon ang boses ng T'yang Bebeng.

"Siya po pala ang boss ko." Bungisngis na saad ni Majz. Napabungisngis na rin si T'yang Bebeng kahit pa halatang naiiyak pa rin.

"Ganun ba? Bakit hindi pa kayo umuuwi? Gabing-gabi na ah." Gayun pa man ay dinig ang pag-aalala sa boses ng tiyahin.

"T'yang, kaya nga po kami tumawag sa iyo kasi nag-usap po kami ni Makai na bukas na lang po ng hapon kami uuwi diyan dahil katatapos lang po ng trabaho namin dito ngayon at medyo alanganin na kaming bumiyahe ngayong gabi. Dito na lang po muna kami matutulog sa crew's quarter." Paliwanag ni Majz sa tiyahin.

"Tumawag lang po kami para hindi po kayo mag-alala sa akin at para ipaalam na rin po sa inyo na kasama po ako ni Majz." Magaang na pahayag ni Majz.

"Ganun ba? O siya sige. Mag-iingat kayong dalawa diyan." Paalala ni T'yang Bebeng sa kanila. "Makai, kung ganyang pareho naman kayo ng pinapasukan ni Majz, pwede bang pumarine ka na rin? May isa pang silid-tulugan dine sa aking bahay." Napangiti si Majz. Alam naman niyang sasabihin yun ng tiyahin nila kaya pumayag siya na sa advertising agency na matulog.

"Salamat po, T'yang./Salamat po, T'yang." Sabay nilang sabi.

"T'yang, matulog na po kayo. Magtrangka po kayo ng bahay." Nag-aalalang paalala ni Majz.

"Wag n'yo akong alalahanin at nandito si Muriel ngayon. Kaya lang ay maaga aalis ito bukas at maaga daw ang trabaho niya." Napatangu-tango na lang si Majz na akala mo ay nakikita ni T'yang Bebeng.

Marami pang bilin ang tiyahin bago sila tuluyang nagpaalaman. Napahugot siya ng malalim na paghinga at panatag na bumuga. Natutuwa siya dahil sa wakas ay magkakasama na rin sila ni Makai uli, parang katulad lang noong mga bata pa sila.

"Tara na, matulog na tayo. Maaga pa ang dating ng model natin bukas." Sabi ni Makai. May shooting sila na TVC para sa isang gamot. "Nag-text na ba si Lavs?" Sa tuwing bibigkasin ng pinsan ang pangalan ng model nila ay natatawa siya.

"Walang may nag-text maliban doon sa unknown number na nagpakilala na model endorser bukas." Sagot ni Majz.

"Hmmn. Hindi nag-text si Lavs?" Napatingin siya sa seryosong mukha ng pinsan.

"Lavs ba talaga ang pangalan nun?" Hindi niya napigil ang sarili na itanong yun. Natawa at napailing si Makai.

"Ako lang ay may tawag nun sa kanya. Sa aming dalawa lang yun." Paliwanag nito. Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon.

"Ano ba ang pangalan niya?" Pabagsak siyang umupo sa kabilang bahagi ng pull-out sofa bed na inihanda ni Makai kanina. Pinahiram din siya nito ng pantulog at ilang gamit na personal na hindi pa nagagamit ng pinsan.

"Logan Aaron Villasis Scott ang pangalan niya. Initial niya yung LAVS." Umupo din ito sa kabilang parte ng pull-out bed. Nahulog sa pag-iisip si Majz. "Ang lalim yata ng iniisip mo ah. Familiar ba sa iyo ang pangalan niya?" Napalingon siya sa pinsan. Nagsalubong ang kanyang mga kikay dahil hindi naintindihan ang tinutukoy nito.

"Familiar? How? Eh hindi ko nga kilala yun." Kailangan ba niyang makilala ito. "Requirement ba dito na kilalanin ko ang mga models natin bago ko sila makatrabaho?" Tanong niya. Natawa si Makai dahil sa kainosentihan ng pinsan.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin. Tinatanong ko kung familiar ba sa iyo ang pangalan, I mean apelyido ng model natin." Nakangiti pa rin ito na parang nakakaloko. Iningusan siya ni Majz.

"Familiar yung last name napag-usapan sa isa kong klase, pero di ko kilala yung pangalan." Nakangusong sagot ni Majz sa pinsan na alam niyang iniinis lang siya, katulad lang nung mga bata pa sila. "Ewan ko sa iyo, Makai. Nang-iinis ka na naman eh." Nakanguso siyang dumapa sa sofa bed. Natawa naman si Makai.

"Majz, natural na familiar ang apelyido ng mga yan, sila lang naman may-ari ng mga naglalakihang Scottsdale Hotels sa buong Pilipinas, ang Towers, Castles at Fortress. Isa yan sa mga tagapagmana ng Scottsdale Empire. Si Lavs ang pinaka seryosong model ko. Pilyo, makulit at maloko yun pero kapag trabaho, trabaho talaga. Kapag siya ang nakasalang puro one shot-one take lang. Tapos may pakain pa yan sa mga crew ko pagkatapos." Nagkwento na si Makai.

"Mayaman pala eh, bakit nagmo-model pa?" Nalilito niyang tanong sa pinsang direktor.

Ngiti lang ang isinagot ni Makai sa tanong ni Majz. Napapansin niyang pumupuso pa ang mga mata nito habang nagkukwento. Napapailing na lang siya. Pinagmamasdan niya ang kislap sa mga mata ni Makai. Matamis itong napangiti na parang nangangarap habang nagsasalaysay. Makwela ito sa pagkukwento tungkol kay "Lavs" niya. Palihim siyang nakaramdam ng lungkot para sa pinsan.

Naisip niya, baka magaya ito sa T'yang Bebeng nila na umibig sa mayaman na tao, nabigo, kaya hindi na nag-asawa. Ayaw din niyang matulad ito sa nanay nito na hindi napanindigan ng lalaking minahal na sanhi ng pagkabigo nito sa pag-ibig. Iniwan itong buntis dahil hindi nakayanang ipaglaban ang T'yang Aning niya sa mga magulang nito.

Ayon sa kwento ng Tatay niya nung minsang napag-usapan nila ang T'yang Aning nila. Mayaman daw ang pamilya ng ama ni Makai. Hindi daw nagustuhan ng mga magulang nung lalaki ang T'yang niya kaya iniwan daw ito at hindi na nga naipaalam ang tungkol kay Makai.

Ang sabi naman ng T'yang Dora nila, hindi daw nakayang ipaglaban nito ang kapatid nila sa mata-pobreng mga magulang nito.

Ang sabi naman ng T'yang Bebeng niya, ang T'yang Aning daw mismo  nila ang lumayo sa tatay ni Makai sa hindi malamang dahilan taliwas sa mga usap-usapan sa bayan nila ay sa kwento ng Tatay niya.

Ipinakalat kasi ng T'yang Aning niya ang ibang kwento tungkol sa kanya para masabing walang kwentang lalaki at minalas lang na nakapili ng hindi matino ang tiyahin kaya pinalayas o umalis ito. Yung ang nakalakihan nilang kwento, na kahit na alam nila ang totoo ay alam niyang nasasaktan pa rin ang pinsan.

"Mabait sa labas at sa loob si Lavs, kailangan lang talagang kilalanin mo ito. Makulit kasi ito minsan at may pagka-troublemaker din, kaya palaging napapagalitan ni Kuya Dean." Humugot muna ng malalim na paghinga si Makai. "Namimiss ko na nga siya eh." Nabalik si Majz mula sa paglalakbay ng isip niya sa kung saan.

"Magkikita naman kayo bukas di ba?" Tumango ito ngunit nakita niya ang lungkot sa mga mata nito.

"Tara. Tulog na tayo. Marami ang gagawin bukas at mahaba-habang editing ito pagkatapos." Pag-iwas nito ng tingin sa kanya. Napahugot siya ng malalim na paghinga bago pa siya nagsalita. Nakatalikod na si Makai sa kanya.

"Goodnight, Kai." Ang tangi niyang nasabi.

"Mmm... 'night, Majz." Sagot nito. Hinayaan na lang niya ito at tahimik na ring napapikit.

"MCNIGHT!!!" Malakas na boses ang gumising sa kanila sabay ng malakas na kalampag sa pinto.

Mabilis siyang mapabalikwas, nataranta pa siya nang mamulat sa hindi pamilyar na kwarto. Biglang kinabog ng kaba ang kanyang dibdib dahil sa nakagisnan. Nagpalinga-linga siya habang kinakapa at pinakikiramdaman ang sarili.

Nakahinga siya ng maluwag nang napagtantong may damit pa siya at maayos naman ang pakiramdam niya.

"Anak naman ng pitong pu't pitong puting pinagsakluban ng langit na tupa naman, Lupita laman lupa!!!" Nagulat siyang bigla sa pagsigaw ng isang pamilyar na tinig sa loob ng kwartong yun. Tsaka niya lang naalala na magkasama nga pala sila ni Makai at sa trabaho nila sila natulog kagabi.

"Gumising ka na kasi! Alas kwatro na!" Narinig muli ni Majz ang pagkalabog ng pinto sa labas at ang tunog ng paghampas ni Makai sa side table. Alas sais ang call time nila.

"Intrimitida ka talagang bakla ka!" Antok na palhaw ni Makai. "Hindi mo ba alam na naka-set ang alarm ko at inihanda mo pa ito?!" Patuloy na sigaw ni Makai. Napangiti na lang si Majz.

Ang natatandaan niya sa pinsan noong mga bata pa sila ay masama itong ginigising ng wala pa sa oras ng gising nito dahil hindi maganda ang magiging araw nito. Napangiti siya. Something's never change. Naisip niya.

Bumangon na siya at nilapitan si Makai. Katulad ng dati, inakbayan niya ang pinsan at hinalikan ito na mabilis sa pisngi. Maliksi itong umiwas sabay siksik sa isang kanto ng quarter.

"Relax, Makai. Ako lang 'to." Natawa siya dahil nakatanga lang ito sa kanya na parang hinahamig ang isip, ginigising ang utak. Mahirap talaga ang maalimpungatan ang bagong gising. Tatawa-tawa niyang isip.

"Putsa naman, insan Majz oh. Ginulat mo ako." Kinakabahan man ay mahinahon naman itong nagsalita. Pinunasan ang bahagi ng pisnging hinalikan ni Majz. "Ewww! Kadiri kang babae ka! Nag-iwan ka pa ng panis na laway sa pisngi ko!" Patuloy nitong tili. Napalakas ang tawa ni Majz. Namiss niya ang ganitong maliliit na bagay sa pinsan.

"Maligo ka na." Utos niya dito. "Ikaw na ang unang lumabas mamaya dahil kilala mo yang mga yan. Susunod ako sa iyo." Umiling si Makai sa suggestion ni Majz.

"No. Dito ka maligo, doon na lang ako sa kabila. Uupakan ko muna yung baklang tikbalang na yun." Nanggigigil nitong sambit. Iiling-iling niyang isinara ang pinto pagkalabas ni Makai.

Bitbit ang tuwalya at sipilyo, lumabas si Makai ng quarter na umuusok ang bumbunan at ilong. Narinig na lang niya ang malakas ng tili ng isang tao sa labas at ang boses ng pinsan na pinagbabantaan ang buhay nito. Nailing na lang siya at mabilis na ring kumilos para makapaligo na.

Mabilis niyang inihanda ang sarili para sa pangalawang araw ng trabaho niya. Nakaramdam siya ng excitement sa pagkakaisip ng kanyang trabaho. Napaka-swerte niya natanggap kaagad sa unang trabahong inaplayan niya. Hindi madali ang makahanap ng trabahong ganito pero siya ay pinagpalang matanggap kaagad at naging kasama pa sa trabaho ang pinsan.

"Maria Jaise! Tapos ka na ba?" Nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Makai.

"Yup. Tapos na. Tinatapos ko na lang itong ponytail ko." Nakita nga ni Makai na nagtatali na siya ng kanyang buhok. Ngumiti ito sa kanya at bahagya siyang sinipat nito.

"Wow. Tight jeans, fitted V-neck tank top, top-sider canvas Sperry, ponytail?" Sabi nito na nakataas ang isang kilay. Sinipat niya ang sarili sa maliit na salamin at nilingon ang pinsan.

"May mali ba?" Tanong niya. "Magpapalit ako, sandali. Mabilis lang 'to." Dugtong niya.

"No!" Mabilis sa sigaw ni Makai. "You got the OOTD down good to the tee." Sabi nito. Malawak ang ngiti nito.

"Maka-OOTD ito akala mo artista." Sabi niyang nang-iinis sa pinsan. Pabiro siyang sinuntok ni Makai sa braso.

"Tara na para makapagkape pa tayo ng konti bago maging hectic ang lahat." Paanyaya nito. Tumango siya at sumabay dito.

Magkaabre-siete silang dalawa na naglakad sa hallway patungong cafeteria. Napansin ni Majz na nakatingin ang mga tao sa kanila at nagbubulong-bulungan. Hinigit niya ang braso ni Makai para makuha ang atensyon nito. Nilingon siya ng pinsan nang may pagtataka.

"Ano yun, Majz?" Tanong nito bago pa sila nakarating sa coffee counter.

"Bakit nila tayo pinagtitinginan?" Bulong niya sa pinsan. Hindi naman ito sumagot bagkus ang ipinalibot ang tingin sa paligid. Ngumiti ito at hinarap ang mga ito.

"Announcement!" Sigaw ni Makai. "Off limits ito. Ang lumapit at manligaw sa kanya ay mananagot sa akin. Nagkakaliwanagan ba tayo?" May himig pagbabanta ito. Ngumiti na lamang siya. Tumango naman ang karamihan sa mga kalalakihan.

"Bakit ayaw mong paligawan, McNight? Kayo na ba?" Tanong nung Lupita. Nilingon ito ni Makai.

"Kung oo ang sagot ko, paniniwalaan mo ba, Lupita?" Mataray na tanong nito sa kasamahan.

"Hindi." Direktang sagot nito. "Dahil alam kong ako lang ang nag-iisang Diyosa at rainbow colored being dito!" Nagtawanan ang mga kasama nila. Napangiti din siya sa pinahayag ni Lupita.

"Gayun pa man..." Napalingon sila sa pinanggalingan ng boses.

"Ate Ella!?" Sabay-sabay na bigkas ng mga taong nandun sa cafeteria. Para tuloy silang nasa loob ng isang classroom.

"I don't condone to company dating. Makakasira lang yan sa trabaho kapag nagkakatampuhan at mas malala kapag nag-break up, kaya McNight, tantanan mo yang bago nating empliyada." Seryosong utos ni Ella sa kanila.

"Ate Ella, hindi ko po siya pwedeng hiwalayan. Magkakamatayan muna tayo bago ko gawin yun!" Mabilis pa sa kisap ng mata ni Majz na nilingon ang tinamaan ng lintek niyang pinsan.

"Makai!" Saway ni Majz sa pinsan, ngunit hindi pa rin ito nagpaawat.

"Hindi ko siya pwedeng hiwalayan, Ate. Paano na lang ang dinadala niyang bunga ng aming pagmamahalan?!" Madrama nitong sabi. Dahil sa inis niya ay nakutusan niya ang pinsan. Nawala sa isip niya na nandito ang boss niya at nakaharap ang pinaka boss sa lahat.

"Majz!!" Sigaw ni Makai.

"Ikaw kasi eh, kung ano-ano ang sinasabi mo. Kikidlatan ka na't lahat-lahat patuloy pa rin sa pagsibad yang bibig mo sa bilis na 100 kmph." Walang patid na litanya ni Majz.

"Maria Jaise Samonte! Batukan talaga?! Di ba pwedeng kalabit lang?!" Kita sa mukha ni Makai ang inis sa pinsan.

"Kanina pa kita kinakalabit, your highness!" Singhal niya sa pinsan. Magsasalita pa sana ito nang marinig na nilang magsalita ang boss nila.

"Ano ang ibig sabihin nito, McNight?" Seryoso ngunit hindi galit na tanong ni Ella. "I already said no dating in the company let alone fighting. Eh ano itong ginagawa n'yo?" Napalunok si Makai. Minsan din kasi wala sa lugar ang pagkamabiro ni Makai. Lihim na napangiti si Majz pero nandun yung takot na first day niya pa lang, at nang dahil sa kalokohan ng pinsan ay last day na rin pala niya. At lahat ng yan ay dahil sa matabil nitong bibig.

"Makai, umayos ka naman. Baka yung first day ko maging last day ko na rin." Bulong niya sa pinsan.

"Gaga! Second day mo na ngayon!" Singhal nito na nakabulong din.

"McNight? I am waiting?" Pareho silang napalingon sa boss nila.

"Ate Ella, ang totoo po niyan, pinsang-buo ko po itong si Majz, I mean si Maria Jaise. Kahapon din lang po kami nagkaalaman na dito din siya magtatrabaho." Abot-abot sa langit ang kaba ni Majz.

Hindi niya alam kung saan ilalagay ang sarili. Hindi niya kilala ang mga tao dito. Nakatitig lang sila sa kanya, habang ang pinsang si Makai ay kalamado lang ang mukha.

Naramdaman niya ang pagpisil ni Makai ng kanyang kamay, lihim niya itong nilingon. Nakita niya diretso nitong sinalubong ang mga mata ni Ella. Ginaya na rin niya ang pinsan. Kung sakaling huling araw na niya ang pagtatrabaho dito ay aalis siya na may dignidad.

"Kayo!" Turo nito sa lahat maliban sa kanilang dalawa. "Balik trabaho! Get the set ready. Parating na si Logan." Utos nito sa iba habang sila ay naiwan doon. Nakita ni Majz ang kakaibang kislap sa mata ni Makai. Lihim siyang nangiti.

"McNight." Baling nito sa kanila nang makaalis na ang pinakahuling tao, si Lupita. "Bakit hindi ninyo sinabi na magpinsan kayo? Eh di sana hindi na kita ininis kahapon na sa iba ko ibibigay itong si Majz." Nakangiti na ito sa kanila, gayun pa man ay kinakabahan pa rin siya.

"Hi, Tita!" Sabay-sabay silang napalingon sa bagong dating.

Natulala si Majz sa harap ng lalaking bagong dating. Mapupula ang mga labi, mapangusap ang mga mata, may nag-iisang dimple na talaga namang nakakahila ng atensyon niya.

"Hi, La— I mean Logan." Bati ng boss nila. Humalik sa pisngi ng boss nila ang lalaki. Mas lalo pa itong ngumiti. Oh shit! Ang gwapo ng animal. Sigaw ng isip ni Majz.

"Logan, kilala mo naman na si McNight di ba?" Panimula nito na pinutol ng pinsan.

"Ate Ella,  kilala ko na siya." Malungkot nitong sambit. Nalungkot din ang mga mata ni Ella. Inis naman ang makikita kay Logan ngunit nawala ring bigla at napalitan ng awa.

Magaling mag-obserba si Majz. Pansin niya ang kakaibang kilos ng pinsan at boss nila. Alam niyang marami pa talaga siya hindi alam pero ayos lang naman dahil bagong-bago pa siya. Hindi rin naman niya ugaling alamin ang mga bagay na hindi dapat sa kanya at hindi na dapat pang alamin.

"Trabaho lang 'to, Kai." Malambing na saad ni Ella. Sabay silang napabuntong-hininga. Nagtaka man si Majz ay tahimik pa rin siyang nakamasid lang.

"I know, Ate Ella. Ayos lang." Makahulugang sagot ni Makai na ikatingin niya dito. Puna niya ang lungkot sa mga mata nito bagaman nakangiti. Nakita niya sa mga mata ni Logan ang hindi umaalis na awa. Mas lalo siyang nagtaka.

"Makai." Pabulong niyang tawag niya dito. Lumingon ito sa kanya at mapaklang ngumiti.

"McNight..." Sambit ng lalaki na hindi naituloy ang sasabihin. Hindi ito pinansin ng pinsan at humarap ito sa kanya.

"Ayos lang, Majz. Trabaho lang ito." Saad ni Makai.

Marami na nga siyang kailangan matutuhan sa trabaho, idadagdag pa niyang alamin ang nakikitang lungkot sa mga mata ng pinsan? Ano ba ang meron sa dalawa at nagkakaganito si Makai?

"I already said no dating in the company let alone fighting."

"I already said no dating in the company let alone fighting."

"I already said no dating in the company let alone fighting."

Yan ang mga katagang biglang umalingawngaw sa utak ni Majz. Tinitigan niya si Ella na seryoso ang mukha, si Makai na kahit nakangiti ng bahagya ay puno ng lungkot ang mga mata nito, si Logan... hindi niya mawari kung ano ang nasa isip nito. Mataman itong nakatingin sa kanya. Iniwasan niya ito ng tingin.

"I already said no dating in the company let alone fighting."

"I already said no dating in the company let alone fighting."

"I already said no dating in the company let alone fighting."

Kung ito ang dahilan ng pinagkakaganyan ng dalawa, malamang tama lang ang mga expression na nakikita niya. Biglang tinambol ang puso niya, naawa siya sa pinsan. Iibig na nga lang ay sa bawal pa. Hay, puso. Bakit ka tumibok sa wrong timing.













--------------
End of LCIF 4: Wrong Timing

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
02.04.19

Lights! Camera... I've Fallen!
©All Rights Reserved
March 15, 2016

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro