LCIF 39: Huli Na
"Singapore? Agad-agad?" Gulat na tanong ni Sepring. Hindi makapaniwalang mabilis ang desisyon ng bayaw.
"T-tay... ughm... baka pwedeng pag-usapan muna natin ng maayos, Tay." Nag-aalanganing saad ni Makai. "Pag-iisipan ko muna, Tay." Dugtong pa nito.
"Bakit pag-iisipan mo pa?" Nag-aalalang tanong ni Majz.
"Oo nga, Makai. Sumama ka na kay T'yong Niel." Sabat ni Manuel.
"Nag-aalangan ka pa ba sa intensyon ng Tatay mo?" Tanong Korina. Napatitig dito si Makai. Ngumiti ang dalaga sa pamilya niya.
"Hindi. Wala na." Tiningnan niya ang ama, inabot ang kamay nito, mahigpit na pinisil sabay nginitian ito. "Marami pa po akong commitments sa Villafuente Ad Agency. Hindi ako pwedeng umalis agad-agad. And besides, kapag umalis ako, ililipat ang account ni Logan kay Taser de Santino dahil halos sabay kaming pumasok sa agency. Ang masama pa niyan, mabubuko ng board na hindi si Logan ang kasama natin. May natitira pang isang TVC, dalawang pictorial at isang spread si Logan." Naintindihan agad ni Majz ang ibig sabihin ng pinsan.
"Oo nga po pala. Kahit na saluhin ko ang mga yun, hindi rin nila ibibigay sa akin kasi baguhan lang ako. May seniority si Sir Taser sa akin. Kahit pa sabihing kaya ni Kuya Ray yan ay hindi pa rin pwede. Si Taser lang kasi ang may legit na karapatang kumuha nito kapag umalis si Makai, unless ayawan niya." Magulo man ang paliwanag ni Majz ay parang naintindihan na rin ng lahat.
"Meron na bang product endorsee na naka-line up para diyan kay Logan?" Tanong ni Niel. Nagkatinginan si Majz, Makai at Lance.
"Ang alam ko po ay wala pa. Pero minsan na pong na-mention sa akin ni Tita Ella na ire-recommend daw po niya ako sa Samañedo Apparels but I haven't heard of anything yet." pahayag ni Lance. Natahimik si Niel, parang nag-iisip ito.
Nakita niya ang mga commercial videos at headshots ni Logan. Hindi masasabing magkaibang tao si Logan at Lance. Parang may isang maliwanag na bombilya ang biglang lumitaw sa ulo ni Niel. Napangiti itong nakatingin sa tatlo.
"Do you mind doing the commercial for my company? Name your price." Napatuwid ng upo si Majz at Makai.
"Tay, bago ang kompanya n'yo, high paying model ng Villafuente's si Logan, kaya nga puro high end fashion at tanyag na mga produkto lang ang ipinapa-endorse dun. Baka po hindi natin kayanin sa unang quarter pa lang." Nag- aalalang saad ni Makai.
"Tito Niel, hindi naman sa dini-discourage namin kayo ni Makai, nagsasabi lang po kami ng totoo." Dugtong ni Majz bilang pagsang-ayon sa pinsan.
"Ay wag n'yo namang maliitin ang kompanya namin ng Nanay mo." Nagulat sila sa sinabi ni Niel. "Kahit naman papaano ay napalago ko ito ng maayos, may sinuweldo din ang Nanay mo na hindi niya nakukuha. Lahat ng yun ay direktang nakadeposito sa bangko at hindi nagagalaw. Kung sakaling kakailanganin natin ang back up sa financing, na alam kong hindi mangyayari, Kaila, pwede mong makuha yun dahil ikaw ang beneficiary ng Nanay mo. Pwede mong ipasok yun bilang investment mo. Alam kong lalakas ang Samoñedo Apparels, lalo na kung si Lance... I mean, si Logan ang magmo-model para sa atin dito sa Pilipinas." Nagkatinginan an tatlo. Mataman lang na nakikinig ang iba.
"Tito, as a stand in for Logan, I can negotiate Logan's talent fee to have it reduced pero dun ka nga lang sa porsiyento ng ad agency matatalo dahil binabase nila yun sa original base pay ng modelo." Paliwanag ni Lance. Tumango si Majz at Makai. Ngumiti lang naman si Niel.
"I don't care. Hahanap ako ng bagong investors sa Singapore o di kaya sa Morocco." Kampante nitong saad. Bagsak ang balikat ni Makai at Majz.
"Tito Niel. Mauubos ang pera mo." Saad ni Majz. Nakangiti si Niel sa concern na ipinapakita ng magpinsan at Lance sa kanya.
"Baka nakakalimutan n'yong dalawa ang mga nai-research n'yo tungkol sa kompanya na ito. This is a multi-million dollars company dahil hindi lang dito sa Asia ang Samoñedo Apparel, meron din itong dalawang shop sa Europe at may tatlo sa America." Paalala ni Lance sa dalawa. Namamangha pa rin si Makai at Majz kahit na alam nila yun. Nai-research na niya ito noong unang nabanggit ito ni Ella sa kanya kaya alam niya na kayang nitong magbayad. Hindi lang yun, may nakita kasi siyang mabigat na partner nito. Napangiti tuloy siya.
"His company can afford to pay three or four high paying talents, there's no doubt about that." Nakangiti saad ni Lance. "I know, kasi partner rin ni Tito si Lolo Aaron at yung isang international fashion designer from New york." Nilingon nila si Lance. Ngumiti ito.
"And you know all of this just by reading the company's files? Ang haba nun huh." Manghang saad ni Majz. Puno ng paghanga sa mga mata nito.
"Sorry, hon, I have a photographic memory." Dugtong nitong kalmado.
Kung sa iba manggagaling ang sinabi ng binata ay mayabang ang dating nun pero sa kanya parang balewala lang. Parang normal lang na usapan. Napapangiting namamangha si Majz kay Lance.
"So, what are we going to do? We are going back to work tomorrow. Hanggang ngayon lang ibinigay ni Ate Ella na bakasyon sa amin ni Makai." Simpleng sabi ni Majz. Pinisil ni Lance ang kamay nito.
"You guys proceed to you original schedules tomorrow. Meet up with whomever you need to meet up. Pag-usapan n'yo. After all that, si Tito Niel pa rin ang masusunod kahit i-lock ako ni Tita Ella... I mean, si Logan sa isa pang kontrata para hindi kaagad ito mawala sa kanila. Tito Dean may raise Logan's fee para tumaas din ang percentage share ng ad agency. Pero kung ipipilit ninyo na si Logan ang gusto n'yong model then yun ang gagawin nila." Paliwanag ni Lance. "Tito Niel, show Tito Dean and Tita Ella that you won't take no for an answer but DO NOT give them a price. Ako na ang bahala kapag ako ang kinuha nila." Pahayag ni Lance. Nagkatinginan sila Majz at Makai.
"Ate Ella is a reasonable person pero syempre, business is business, kaya lahat gagawin nila para kumita ang agency nila." Saad ni Majz.
"There is another way to get them to say yes, Niel." Sumingit na si Martin.
"I can use my friend's ad agency based in Hollywood, California. We will throw in a competitor. Let's say, they offer a more reasonable price, more benifits and lesser commission. Kung anko ang tatanungin n'yo. Susulutin ko kayo mula sa kanila and be the first Asian account." Napatitig ang lahat kay Martin. Hindi kumukurap at hindi makapag-salita. Nagkakasulyapan lang.
"What??" Tanong ni Martin sa mga kasama dahil hindi makakibo ang mga ito. "I am a part owner of Amp Trends. Isa yan sa mga una kong investments sa states nung dumating ako doon." Paliwanag nito.
"Bakit hindi mo kaagad sinabi?" Hayag ang pagkamangha ni Niel sa bilas. "May tinatago ka palang pwede sa family business na ito." Dugtong pa nitong malapad ang ngiti.
"Eh wala naman kasing nagtatanong sa akin kung ano ang pinagkakakitaan ko eh." Nakangiti nitong sagot.
Napapatitig lang si Bebeng sa asawa. Kahit siya ay hindi man lang niya naitanong dito kung ano nga ang trabaho nito doon sa America maliban sa natitirang bahagi ng hacienda na kumikita naman pero hindi ganun kalaki. Spat lang para ibayad sa amilyar at pasahod sa mga tao at syempre parada maintenance and repair ng mansyon at ng buong hacienda.
"That may actually work. Why don't we draw a mock documents showing them all that?" Sabi ni Lance. Nagkatinginan si Makai at Majz.
"Well, if it works, then why not, basta ba kanila Ate Ella pa rin ang final contract signing ni Logan." Mabilis na sagot ni Majz. Alam niya kasing nakapirma na ng one-commercial contract si Niel.
"Or... I can just tell Tita that I will do it. Total napag-usapan naman na namin ang tungkol dito last week bago ako sumunod sa inyo sa San Nicolas." Mabilis na nag-angat ng tingin si Majz at Makai kay Lance. Kumindat naman si Lance kay Majz at pinisil ang kamay nito. Pinaningkitan siya ng nobya.
"Yun naman pala eh!" Sabay sabi ni Majz at Lance. Natawa tuloy ang binata. Mataman lamang nakikinig ang iba sa kanila.
"Pinag-iisipan pa lang niya." Mabilis na sagot ni Lance.
"If it don't pan out, I'll call Tamara tonight para makausap ko siya and so she can draw the documents and send it to me as soon as possible." Napapangiti si Majz dahil hindi halata ang katungkulan at business aura ng mga tiyuhin kung hindi lang kakambyo ng usapan at magte-take charge ng desisyon.
"Pero una sa lahat, tanungin n'yo muna si Majz at Lance kung okay lang sa kanila kasi kapag nagkataon, sa America ang bagsak ninyong tatlo." Singit ni Sepring sa kanilang usapan.
"Anong itatanong namin kay Majz at Lance." Napatitig si Niel sa dalawa.
"Ipagpalagay nating ganun nga. Naipakita na ninyo ang kakompitensiya pero hindi nila kinagat, binitawan pa ito ng Villafuente, ano ang gagawin n'yo? Hindi n'yo na mababawi pa yan. Ang tanong sasaluhin ba naman ng agency mo sa America ang paggawa ng kung ano man yang pinag-uusapan n'yo?" Paalala ni Sepring. Nagkatinginan si Martin at Niel.
"May punto ang Kuya Sepring, Niel?" Sagot ni Martin.
"Oo nga." Natahimik si Niel. Parang ang lalim ng iniisip. "Naiintindihan ko ang sinasabi mo, Kuya. Pero ang tanong ko, bakit ko tatanungin si Majz at si Lance? Di ba dapat si Kaila ang dapat kong tanungin?" Naguguluhan ito sa parteng yun. Ngumiti lang ang panganay ng mga Samonte at nailing.
"Ipagpalagay na nating nakuha ng kompanya ni Martin ang commercial na yan at si Lance talaga ang magmo-model, eh di isasama n'yo ng America yan." Tumango-tango si Martin at Niel. "Eh di maiiwan si Majz dito." Napakunot ang noo ng dalawang bayaw.
"Kuya, ano ba ang pinupunto mo?" Tanong ni Bebeng. Mataman lamang na nakikinig si Manuel pero nakuha na ang punto ng ama.
"Papayag ba naman itong si Maria Jaise na malayo kay Lance? Ganun din si Lance. Papayag ba siyang mawalay diyan sa kapatid ko?" Singit ni Manuel. Napalingon si Lance kay Majz. Napatuwid naman ng upo si Majz.
"Hala Tay, bakit ako? Hindi ko naman hawak ang gusto ni Lance. Trabaho kaya yan." Mabilis na sagot ni Majz. "At saka jindi naman ako ang manager ni Lance." Dugtong pa niya.
"Okay. Yun naman pala eh. Eh di ituloy n'yo na yan." Nakangiting sabi ni Sepring pero na kay Majz ang titig niya. Hindi nakawala yun sa pansin ni Lance. Naiintindihan nito ang pinupunto ng ama ng kasintahan. Ganun din si Niel.
"Kung sakali naman siguro Kuya, dito naman sa Pilipinas ang shooting ng TVC kasi pang-Pilipinas ang collection na i-endorse niya." Simpleng sagot ni Niel para hindi na mag-alala si Sepring.
"Sa gandang yan ni Majz, makukuha pa bang lumingon ni Lance sa iba?" Natatawang panunukso ni Korina. Napalingon si Majz kay Lance na nakatitig pala sa kanya. Pinamulahan tuloy siya ng pisngi.
"Yan ba ang ibig mong sabihin Kuya?" Natawa si Martin nang maisip niya ang inaalala ng bayaw. "Madali na lang yan. Maraming independent videographer at photographer dito sa Pilipinas, pwede tayong mag-hire ng mga yun, mas makakamura tayo. May director na tayo at meron pang isang in- training. Kung hindi man ay magtayo tayo ng sarili nating family run ad agency." Masayang saad ni Martin. Nagkatinginan ang mga ito.
"Puro kayo kwentuhan." Salag ni Bebeng. "Wala pa nga eh, ang layo na ng napuntahan ng usapan n'yo. Di ba sinabi naman ni Lance na pag-uuspaan pa ng ad agency yan? Tsaka hindi n'yo ba alam na may right si Niel na pumili ng talent o model na gagamitin sa project na yan?" Nakangiting nakatitig si Majz sa tiyahin.
"Ang galing mo na T'yang ah." Bilib na saad ni Makai.
"Siraulo! Sa inyo din nanggaling yang mga usapan na ganyan, nakikinig lang ako sa usapan n'yong tatlo sa kusina, lalo na kayong dalawa ni Madz., Halos kabisado ko na ng ang mga gawain ng bawat isa sa inyo." Natatawang pahayag ni Bebeng.
"Oh siya, ganito na lang." Panimula ni Niel. "Pumasok kayo bukas, at saka na lang natin pag-usapan yan sa meeting." Napatango naman si Majz at Makai. Napansin ni Majz ang pananahimik ni Makai.
"Makai, okay ka lang ba?" Tanong niya sa pinsan. Tumango naman ito.
"Okay lang ako. May naalala lang kasi ako sa sinabi ni Logan sa akin noon." Saad ni Makai.
"Ano yun?" Tanong ni Lance.
"Sabi niya kasi sa akin, dapat daw noon pa natapos ang kontrata niya sa Villafuente, kaya lang nagtaka daw sila ni Ate Ella kung bakit tumagal yun ng ganito. Dapat daw kasi apat na TVC lang, tapos naging pito. Dapat daw isang taon lang niyang gagawin ang pagmo-model pero nagulat na lang daw siya na umabot na ng tatlong taon na dati naman daw ay pa-isa-isa lang at kung kelan niya lang gusto." Nagkatinginan ni Lance at Majz.
Muling lumungkot ang lamesa dahil natahimik ang lahat. Hindi alam ang sasabihin o hindi alam kung paanong babaguhin ang usapang nasimulan.
"Tama na yan. Tara na magsiuwi na tayo. Hapon na. Mas mabuting sa bahay na lang ni Bebeng tapusin ang usapang ito nang makapagpahinga na ng diretso ang lahat pagkatapos. Masyado nang mahaba ang oras at panahon na ginugol natin sa problema." Tumayo na si Sepring. Dinukot nito ang pitaka para magbayad na ng kinain nila.
"Kuya, bayad na po." Simpleng sansala ni Niel sa bayaw.
"Bayad na? Sinong nagbayad?" Hindi kasi nila napansin na tumayo ito o may lumapit na waiter sa kanila para kumuha ng bayad.
"Inabot po ng wiater kanina ang bill, ibinigay po ni Romano itong credit card niya kanina na ibinigay nung isang waiter na naglagay ng tubig sa lamesa natin." Paliwanag ni Niel. Hindi napansin ni Sepring ang sinasabing waiter ni Niel pero tumango na lang.
"Kuya." Sabay-sabay silang napalingon sa tumawag kay Sepring.
"Doray. Romano." Tumayo si Sepring para sana daluhan ang kapatid. Ngumiti ito sa kanya.
"Okay ka lang ba, kapatid ko?" Nag-aalalang tanong ni Bebeng.
"T'yang..." Sabay na sambit ni Majz, Makai at Manuel. Inilahad lang ni Doray ang kamay sa kanila.
Umupo ang mga ito ng maayos at sinisipat ang babae. Pinakatitigan nila ito. Seryoso ang mukha nito ngunit hindi galit. Seryoso at tahimik din lang na nakatayo si Romano sa tabi ni Doray. Kitang-kita ang sinusupil na ngiti.
"Kuya, huli na ba?"
--------------
End of LCIF 39: Huli Na
Thank you for reading.the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.
💖 ~ Ms J ~ 💖
09.20.19
Lights! Camera! I've Fallin…
©All Rights Reserved
March 15, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro