Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LCIF 31: Blessings




"Mang Romano?! Anong... Bakit..." Hindi talaga mawala ang pagkagulat niya. Mabilis naman siyang kinabig ni Lance. Umatake na naman ang pagka-over protective nito sa kanya.

"Ano po ang ginagawa n'yo dito?/Anong ginagawa mo dito?" Pareho nilang tanong sa isa't isa. Gusto niyang ngumiti ngunit pinipigil niya.

"Bahay ito ng T'yang ko kaya ako nandito." Mabilis niyang sagot ngunit nag-aalala. "Nasaan ang T'yang?" Dugtong niya g tanong na pilit na sinilip ang loob ng bahay mula sa awang pinto.

"Maria Jaise, magpapaliwanag kami. Sandali lang. Hali kayo at pumasok na kayo dito. Malalim na ang gabi at makapal na ang hamog." Nilakihan nito ang bukas ng pinto para makapasok sila. Halatang pinipilit na pinakakalma ni Romano ang sarili kahit na halata mo namang natataranta ito.

Pumasok silang dalawa ni Lance sa loob ng bahay ng tiyahin na magkahawak-kamay, ngunit nandun ang pagkalilito, pagod at antok. Lihim siyang napapangiti dahil sa nasaksihan. At kung tama ang kanyang hinala, maaaring may ikakasal na naman sa pamilya niya at paniguradong masusukob sa taon ang mga ito.

"Who was that?" Pabula ng na tanong ni Lance. Nilingon niya ito para lang biglang mapaatras ng bahagya. Napakalapit kasi ng mukha ng binata sa mukha niya. Halos mag-meet and greet ang mga labi nila. Ngumiti ito sa kanya ng nakakatunaw undergarment kaya mabilis niyang iniwas ang tingin.

"Ano ba? Bakit ba ang lapit-lapit ng mukha mo?" Mahina niyang singhal dito. Ngumiti lang ito sa kanya na puno ng kapilyuhan. Unti ay nakikita niya ang makulit na side ng binata. Ang cute ng halimaw na ito! Por Diyos, por Santo!

"Malay mo maka-score bago tayo matulog. Hindi ko magagawa yan mamaya kapag lumabas si T'yang di na ako makakalapit sa iyo." Hinampas niya sa balikat si Lance dahil sa kung ano-anong kaharutang pinagsasabi nito.

"MANYAK!!!" Pabulong niyang singhal dito na ikinatawa naman ng pilyong binata. "Umayos ka, Lance Muriel, kung hindi, doon ka sa kotse mo matutulog! Or worse, uuwi kang mag-isa ngayon din!" Dugtong pa niya kaya kinabig na lang siya ng binata sa isang mabilis na yakap at halik sa noo. Binitawan na siya ng binata at tumayo na lang sa likod niya. Kita mo 'to, hampasin ko ito ng labi ko?

"Maria Jaise? Anong ginagawa mo dito?!" Pagalit na bungad ng tiyahin mula sa kwarto nito kung saan nakasunod din si Romano dito. Kahit pa kalmadong nagtatanong si Doray ay halata ang pagkagulat dito kaya parang ang taray ng dating.

"Dumalaw lang kami kay Nanay at T'yang Aning. Ipinakilala ko lang si Lance sa kanya. Nagpaalam din siya kay Nanay na mangliligaw sa akin. Hindi na po namin napansin na inabot na pala kami ng gabi sa sementeryo. Pinalabas na nga kami ni Mang Gustin eh." Sagot niya.

Umatras siya papunta sa sofa at pabagsak na umupo. Naiwang nakatayo lang si Lance sa kung saan nakatayo si Majz kanina. Dahil sa hindi pa siya inaalok ng maybahay na umupo. Napatingin si Doray sa binata, ganun na rin si Romano, pagkatapos ay galit siyang hinarap ni Doray.

"Bakit kasama mo ito?" Tukoy ni Doray kay Lance. May pagtataray sa tuno ng pananalita nito. Humugot ng malalim na paghinga si Majz. Pinipilit na kumalma.

"Pumunta nga po kami ng sementeryo dahil may ihihinga ako kay Nanay, wala po akong ibang nahila kundi siya. Ipinakilala ko na rin po siya kay Nanay. Ayun nga po, nagpaalam din siya kay Nanay na mangliligaw sa akin." Sinabayan pa niya ng ngiti. Pilit na pinasisigla ni Majz ang kanyang boses. Ito siya, gabi na, oo nga at may kasama siyang lalaki pero hindi naman katulad ng T'yang niya na naglilihim sa mga kapatid. Pero dahil mas matanda ito sa kanya kaya ititikom niya ang kanyang bibig, magpapakumbaba siya at lulu ukin niyaang mga sasabihin nito hangga't makakaya niya.

"Bibisita ka lang sa Nanay mo, kasama mo pa yan?!" Pasinghal nitong saad. Inipit ni Majz ang kanyang mga palad sa ilalim ng mga hita, semyales na nagpipigil siya ng kanyang inis at umuusbong na galit. Nakita niyang nakamasid lang si Lance. Madiing ipinikit ni Majz ang kanyang mga mata bago pa muling nagsalita.

"T'yang, sabi ko nga po kanina, wala po akong ibang nahila nung nagdesisyon akong umalis sa bahay ni T'yang Bebeng. Hindi na po namin napansin ang oras dahil sa pagkukwento ko kay Nanay at T'yang Aning ng mga hinaing ko. Pati nga po sila Lolo at Lola ay kinausap ko na rin, hanggang sa lumalim na ang gabi. Kung hindi pa kami pinuntahan ni Mang Gustin para paalalahanan ng oras ay baka nandun pa ako hanggang ngayon kausap si Nanay." Seryoso at himig galit na rin ang pananalita niya.

"Nandun na ako, pero bakit karay-karay mo pa ang lalaking ito? Magkaroon ka naman sana ng konting delikadesa!" Singhal nito sa kanya. Nagtaas siya ng tingin. Tinitigan niya ang tiyahain na ngayon ay tinabihan ni Mang Romano at mulhang tinatapik-tapik pa nito ang balikat na may kasamang himas. Tumayo siya at lumapit kay Lance.

"Uulitin ko po T'yang, kasama ko po si Lance dahil siya lang po ang nahila ko nung umalis ako sa bahay ni T'yang Bebeng dahil hindi ko po kinaya ang mga nalaman ko mula kanila Tatay at T'yong Nathaniel." Kalmado ngunit puno ng sama ng loob na saad niya., gayun pa man pataray pa tin ang labas nito.

"Wag mo akong pakitaan ng katarayan mo, Maria Jaise! Nagkaroon ka lang ng manliligaw naging bastos ka na!" Pasigaw nitong sabi sa kanya at tiningnan ng tiyahin si Lance ng masama. Dahil siguro sapinagsamang sama ng loob, pagod at antok, hindi na nakapagpigil

"Delikadesa, T'yang? Bastos? T'yang, sino po ba sa atin ang may kasamang lalaki sa bahay niya sa ganitong oras ng gabi, habang ang Tatay ko ang humaharap sa problemang dapat po ikaw ang humaharap dahil sa iyo ibinilin ng T'yang Aning si Makai. Dapat T'yang, ikaw ang kaharap ni T'yong Nathaniel ngayon at ipinapaintindi kay Makai na walang kasalanan ang Tatay niya. Pero hindi po eh. Nandito po kayo at kasama n'yo si Mang Romano na kung tarayan at pagsalitaan n'yo sa harap nila Tatay at ng ibang tao ay parang siya na ang pinaka masamang tao sa mundo." Patuloy niya. Hindi niya napigil ang sarili. Bahala na bukas.

"Patawarin n'yo po ako, T'yang Doray pero hindi ko babawiin ang sinabi ko. Akala ko pa naman T'yang ay matutuwa kayong malaman na ginamit ko ang utak ko kasi imbes na sa bahay namin kami ngayon natutulog ay nandito kami sa bahay n'yo dahil ipinaliwanag sa akin ni Lance na hindi yun maganda sa babaeng katulad ko na magpatutulog ng lalaki sa bahay na wala ang magulang lalo at hindi pa kasal kaya po dito kami sa bahay n'yo napadpad. Pasensiya na T'yang kung nagulo namin ang pagtulog n'yo ni Mang Romano." Galit na talaga siya pero pinipilit pa rin niya ang maging magalang sa tiyahin. "Lance, tara na. Tatawagan ko na lang si Tatay kung nasaan tayo. Bahala na." Hila ang kamay ni Lance ay lumabas sila ng bahay. Naiwang napatunganga si Doray.

"Majz!" Habol ni Doray na hindi na niya nilingon, bagkus ay binilisan pa niya ang lakad para marating agad ang sasakyan ni Lance.

Malayo pa lang ay in-unlock na ni Lance ang kotse niya. Tahimik at galit na binuksan ni Majz ang passenger side ng kotse at mabilis na pumasok. Tumahimik na rin lang si Lance. Pinaandar ang kotse nito pero hindi sa bahay nila Majz ang tumbok ng binata kundi sa highway.

"Saan tayo pupunta? Madaling araw na. Baka makatulog ka at maaksidente tayo." Gulat niyang saad nang may pag-aalala kahit mahihimigan mo pa rin ang galit sa tono nito.

"It's okay. Mas mabuti nang bumalik na lang tayo sa bahay ni T'yang Bebeng. Go to sleep, I'll just drive slow and safe." Malambing niyang saad. Hindi na umimik si Majz. Ipinaling na lang ang tingin sa kalsada at ganun na rin ang ginawa ng binata. Nag-concentrate na lang ito sa pagmamaneho.

ILANG saglit pa ay mas lalo silang natahimik. Nilingon niya ang dalaga at nakita niya ang panatag ng paghinga nito. Ibig sabihin ay tulog na ang dalaga. In-on niya ang radio at pinahinaan lang ito. Masyado kasing tahimik, kahit papaano ay may konting ingay na ngayon.

Naalala niyang tawagan si T'yang Bebeng dahil yun lang ang numero meron siya. Mabilis naman itong sumagot sa unang ring. Parang inaabangan talaga ang tawag nila.

"Hello, Lance. Nasaan kayo ni Majz?" Nag-aalalang tanong nito. Tumikhim muna siya bago nagsalita.

"Pauwi na po kami." Maikling niyang sagot. Hingang-ginhawa ang narinig niya mula dito.

"Saan ba kayo galing? Ang akala namin ay nasa labas lang kayo." Nandun pa rin ang pag-aalala sa tining ng ginang.

"Pasensiya na po, T'yang. Nagpasama po kasi si Jaise sa sementeryo. Gusto daw po niyang kausapin ang Nanay niya at ang Nanay ni McNight. Inabot po kami ng gabi sa pakikipag-usap niya puntod nila. Pinalabas na nga lang po kami ng bantay." Sabi niya dito sa magaang na tuno.

"Uuwi? Aba'y madaling araw na. Eh bakit hindi na lang kayo sa mansyon tumuloy o di kaya sa bahay nila Kuya Sepring. Pwede din doon bahay ng T'yang Doray n'yo magpalipas ng gabi." Pahayag nito. Yun naman lahat ang ginawa nila pero minalas sila ngayong gabi. Pero syempre, hindi niya ikukwento. Bahala na si Majz doon.

"Si Jaise na lang po ang magkukwento sa inyo tungkol sa mga bagay na yan. Tulog na po siya kaya ako na lang tumawag para di kayo mag-alala sa amin." May kahabaan niyang sagot. Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Bebeng.

"Lance?" Nagulat pa siya nang marinig ang boses ng Tatay ni Majz. Hindi ito galit pero seryoso. Palagi naman eh.

"Po." Simple niyang sagot.

"Ayos lang ba si Majz? Sabi kasi ni Manuel umalis daw kayo na galit at umiiyak si Majz" Ang kaninang seryoso nitong bungad ay napalitan ng pag-aalala. Nakangiti siya.

"Okay lang na po siya, Mang Sepring. Nakarating po kami ng San Nicolas nang maayos. Kinausap po niya ang Nanay niya at ang Nanay ni McNight kaya inabot po kami ng lampas hatinggabi na sa pakikipagkwentuhan niya sa puntod nila. Pinalabas na lang po kami ng bantay kaya ngayon lang po uli kami nakatawag." Paliwanag niya. Kinakabahan siya kasi baka mapagalitan din si Majz ng Tatay ng dalaga katulad ng T'yang Doray nito.

"Salamat, Lance. Mag-iingat sa pagmamaneho." Saad nito.

"Opo." Simple niyang sagot. Nagpatay na ng tawag ang kabilang linya kaya itinabi na ang cellphone niya. Naging tahimik na muli ang loob ng sasakyan. Okay na rin yun at least nakatulog na si Majz.

Ilang sandali, liko at diretso pa ay nakarating na rin sila sa bahay ni Bebeng. Ipinark niya ang kotse sa tapat mismo ng gate nito. Mamaya lang ay nagbukas na ang kabilang bahagi ng bakal na pintuan. Iniluwa nito si Sepring, Manuel at Martin.

"Ano ba ang pumasok sa utak ng babaeng ito at nagpa-drive hanggang San Nicolas?" Komento ni Manuel. Ngumiti lang siya.

Mabilis siyang umikot sa kabila para buhatin si Majz. Hinayaan naman siya ng pamilya nito. Ini-lock ni Manuel ang kotse niya habang inaalalayan ni Sepring si Lance. Inalalayan nitong wag mauntog ang ulo ng dalaga at hawak naman ni Martin ang gate para hindi bigla sumara sa mga pumapasok. Nakaantabay naman si Makai at T'yang Bebeng sa pintuan ng bahay.

Tuloy-tuloy lang si Lance sa kwarto ni Majz at inihiga ito sa kama. Alam niyang nasa pintuan lang ang Tatay ni Majz pero wala siyang pakialam.

Hinubad ni Lance ang sapatos ni Majz pati na ang medyas nito. Pumasok siya sa banyo nito at kumuha ng dalawang dilaw na bimpo na nakalagay sa maliit na basket. Binasa niya ang mga ito at bumalik sa kwarto ng dalaga. Pinunasan niya ang mukha nito. Napangiti siya dahil hindi man lang ito nagising.

Matapos niyang punasan ang mukha ng dalaga ay sinunod niya ang paa nito. Matapos niyang punasan ang parehong paa ng dalaga, inilapag niya ang bimpo sa sanig at kinumutan nito ang dalaga.

Inilibot niya ang tingin sa buong kwarto nito bago niya nakita ang hinahanap, electric fan. Nilapitan niya ito at inilipat sa side table, isinaksak sa pinakamalapit na outlet at pinaandar ng mahina. Muling inayos ang kumot ng dalaga.

Dinampot niya ang bimpo at dinala sa banyo. Pinatay ang ilaw at sinara ang pinto ng banyo. Bago pa tuluyang lisanin ang kwarto, sinulyapan niyang muli ang dalaga bago nilampasan si Sepring na nakatayo sa pintuan.

"Lance, maraming salamat sa pagrespeto sa anak ko." Usal ni Sepring. Nilingon siya ni Lance.

"Mang Sepring, mahal na mahal ko po ang anak n'yo. Nangako po ako sa inyo, sa sarili ko, sa kanya at ngayon ay sa puntod ni Aling Soling na hindi ako gagawa ng bagay na magpapababa ng pagkatao ni Jaise dahil siguradong papatayin ako ng Mommy ko." Usal ni Lance, umaasang maintindihan ni Sepring na hindi niya tatawirin ang kabilang bakuran ng walang pahintulot ni Majz.

"Maraming salamat. Pinahanga mo ako." Matapat na saad ni Sepring. Kimi siyang ngumiti sa lalaki. "Simula ngayon ay ibinibigay ko sa iyo ang aking basbas. Ipangako mo sa aking poprotektahan mo siya ano man ang mangyari." Madamdaming pahayag ni Sepring. Tumango siya.

"Makakaasa po kayo, Mang Sepring. I would give her my life if I have to." Ngumiti si Sepring. Inilahad nito ang palad sa kanya. Malugod namang tinanggap yun ni Lance at nag-hand shake sila. Napansin niya ang pagngiti si Bebeng na matagal na palang nakatayo sa di kalayuan sa kanila.

"Tatay na lang ang itawag mo sa akin."  Saad niya. Pareho silang na gito sa isa't isa.

"Salamat, T-tay." Nabubulol na pagpapasalamat ni Lance. Nilapitan sila ni Bebeng na may matamis na ngiti sa labi.

"Ano ang sabi ko sa iyo, Kuya?" Puno ng pagmamalaking saad nito. Tumango lang si Sepring. "Tara. Magtsaa na muna tayo." Pag-aya nito. Sumunod sila ni Sepring sa babae.

Naabutan nila sa kusina si Korina, Makai, Martin, Manuel at Niel. Nakapalibot ang mga ito sa lamesa. Mabilis silang nilingon ng mga ito. Nakabakas sa anyo nito ang maraming tanong.

"Umupo ka na muna, Lance." Hinila ni Makai ang upuan sa pagitan nila ni Manuel.

"Saan kayo nakarating?" Tanong ni Korina habang ibinababa ang tsasa ang tsaa sa harapan niya. Nakita sa kanyang gear watch ang oras. Alas tres ng umaga.

"Hindi pa ba kayo matutulog?" Tanong niya. Umiling ang mga ito.

"Nawala ang antok namin. Masyado kaming nag-alala kay Majz." Si Manuel na ang sumagot. Tumango at ngumiti siya.

"Pasensiya na nga pala kayo at hindi ako kaagad nakatawag. I was pretty occupied on how to calm her down. Hindi ko rin naisip na tumawag sa inyo pagdating namin ng San Nicolas." Mahaba niya paghingi ng paumanhin. Ngumiti lamang ang mga ito sa kanya.

"So, anong nangyari? Bakit kayo bumyahe ng alanganin ang oras. Mabuti at hindi kayo naaksidemte." Mababatid mo rin ang pag-aalala sa boses ni Niel.

"Nung dumating kami sa SanNicolas, dumaan kami ng mansyon, pero walang taong magbubukas ng gate. Mang Tomas was there. We were kind pf creeped out kasi parang hibang siyang nakatanghod sa bahay ni T'yong Martin kaya naisip niyang tumuloy na lang ng sementeryo. When we got there, she went straight to Aling Soling's grave and started talking to her. Pinakilala niya ako at nagtuloy siyang kinausap ang puntod nito. I iust let her. Nakalimutan namin ang oras." Salaysay niya.

"Sementeryo? Tay! Naalala mo noong unang beses niyang ginawa yun?" Napatingin si Lance kay Manuel.

"Bakit. Anong nangyari sa kanya sa sementeryo?" Tanong niyang puno ng kyuryosidad. Nagkwento si Manuel kahit na masama ang tingin ni sepring sa anak.

"Salamat sa pagkwento sa akin ng nangyari noon. I will protect her more now than I planned to do." Determinado niyang pahayag. Ngumiti naman ang mag-amang Samonte kasama si Korina, ganun din ang mag-amang Mundoñedo at ang mag-asawang Ricaforte.

"Ang tanong ko naman ay ganito, nandun na kayo sa San Nicolas bakit hindi na lang kayo tumuloy sa bahay nila Kuya. Bakit bumiyahe pa kayong pabalik dito?" Tanong ni Bebeng. Humugot muna ng hininga si Lance. Ayaw niyang siya ang magkwento sana pero kailangan na siguro.

"Doon ang plano ni Jaise na matulog sa bahay n'yo pero umayaw ako. Okay naman doon, but we're the only people at your house. It was fine at night because everyone was asleep, and no one saw me coming. What will happen today? This morning? Makikita ng mga taga-San Nicolas na nagdala ng lalaki si Jaise sa bahay nila nang wala ang Kuya at Tatay niya? I don't want people to gossip. I'm sorry but I might burn down the whole town." Natawa si Martin. Napatingin sila sa dito.

"What?" Painosenteng tanong nito na parang walang masamang sinabi si Lance. "What he said was funny." Dugtong pa nito.

"Ikaw talaga, puro kalokohan." Natatawang sabat ni Niel.

"Okay, nandoon na ako. Pero bakit hindi kayo tumuloy sa bahay ni Doray?" Nakakunot ang noo ni Sepring na nagtatanong. Ito ang katanungang hindi niya sasagutin kahit itali pa siya ng apat na lalaki at i-torture para paaminin.

"Si Jaise na lang po ang kausapin n'yo tungkol diyan." Maikli ngunit malinaw niyang sagot. "I am not the right person to tell the story." Dugtong pa niya. Napakunot ng noo si Sepring at Bebeng. Siguro silang may hindi magandang nangyari, pero ano? At yan ay hindi manggagaling sa kanya.

"Ano ang nangyari sa San Nicolas na nagpauwi sa inyo pabalik dito sa Manila?" Wala sa loob na naitanong ni Bebeng. Maging ito ay nakakunot din ang noo.

"Yan ang one million dollars na tanong, Beh." Napapaisip na saad ni Martin.

"Mawalang-galang na 'no. Kung tama ang nasa isip ko, at kung close masyado si Doray kay Aning, maaaring katulad ni Aning ay may tinatago din itong si Doray?" Napatingin silang lahat kay Niel dahil sa sinabi nito.

"Hindi naman po siguro ganun." Mabilis na sabat ni Makai. Ayaw niyang maging lapastangan pero nag-init ang ulo niya sa tinuran ng ama, pero sino ba siya para husgahan ito kung ito mismo ay dumaan sa impyerno sa kamay ng ina.

"Manuel, kunin mo ang phone ng kapatid mo." Utos ni Bebeng.

"Ako na po." Singit ni Lance. "Naiwan sa sasakyan ang maliit niyang backpack." Dugtong ni Lance at mabilis na tinungo ang kotse.

Naiwan niyang nag-uusap ang mga ito ngunit hindi na niya pinansin pa. Iisa lang ang alam at nararamdaman niya ngayon. May galit siyang nararamdaman sa puso bago pa sila umalis sa bahay ng tiyahin ng kasintahan. Hindi niya gusto ang sinabi nito kay Majz ngunit hindi man lang siya kumido o nagpakita ng pagkadisgusto bilang respeto.

Matapos makuha ang maliit na backpack ni Majz ay mabilis niyang ini-lock ang kotse at pumasok na uli sa bahay. Dinukot ang cellphone nito mula sa bulsa kung saan niya huling isinilid kanina matapos kausapin si Manuel. Nakita niya na may anim na miss calls mula sa tiyahing naiwan sa San Nicolas.

Iniabot niya ang cellphone kay Bebeng. Nangunot muli ang noo nito nang makitang may mga miss calls ito mula kay Doray.

Hindi maintindihan ni Bebeng kung bakit tatawagan ni Doray si Majz pagkatapos paalisin, kung yun nga nangyari. Pero syempre, hindi rin aalis si Majz kung walang nangyaring hindi maganda sa pagitan ng magtiyahin. Minsan na rin kasi itong nangyari, ilang buwan matapos ang libing ni Soling at Aning.

Pinindot niya ang numero ni Doray gamit ang cellphone ng pamangkin at in-on ang speaker. Nag-ring. Hinintay nilang sumagot si Doray.

"Hello?" Gulat sila nang marinig ang boses ng isang lalaki. Walang may nakahuma kahit na isa sa kanila. Para pang mga naumid ang dila ng mga ito. Nagkatinginan sila.

"Ninong Roman?!"








--------------
End of LCIF 31: Blessings

Thank you for reading.the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
09.01.19

Lights! Camera! I've Fallin...
©All Rights Reserved
March 15, 2016

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro