LCIF 30: Gentleman
Nang pumarada sila sa harap ng bahay nila Majz ay nag-alangang bumaba si Lance. Bigla ay parang naasiwa ito. Nagtaka siya kaya tinanong niya ang binata.
"Hindi ka pa ba bababa?" Tanong niya. Nakita niya ang pag-aalalangan ng binata.
"Jaise, honey. I don't think this will be a good idea for us to be spending the night together at an empty house... just you and me." Mabilis siyang napalingon dito. Tinitigan maigi ang mukha ng binata na masisilayan ng malamlam na ilaw ng poste.
"Bakit naman?" Inosente niyang tanong. Bahagya pa siyang napikon dahil sa uri ng titig na ibinigay nito sa kaniya. "Ano yang tingin na yan, Lance Muriel?" Tanong niya. Napaubo si Lance. Medyo natagalan bago ito nagsalita, binubuksan na niya ang bahay nila.
Bumaba nga ng kotse ang binata at umikot papunta sa kabila malapit sa kanya pero tumayo lang ito sa doon at sumandal. Nilingon niya ito.
"I won't do that if I were you, Maria Jaise." Saad ni Lance, bahagyang nakasandal na parang nakaupo sa hood nito. Mukha tuloy iminu-model nito ang sariling sasakyan.
"Bakit nga kasi?" Halata nang iritado na siya sa binata ngunit ngumiti lang ito sa kanya. Inang ko po, inging kanin! Dimple pa lang ulam na!
"It will be fine right now since no one is around to see us coming inside your house. But what about tomorrow when everyone wakes up?" Panimula nito. Alam niyang may idudugtong pa ito kaya humarap siya dito, hawak ang susi sa kanang kamay, humalukipkip siya. "What will be your dad and the rest of your family say when people start talking about you bringing a man to your house without your dad and your brother? What would you think they will feel about you breaking your promise kahit na wala ka pang ginagawa?" Kung nakikita man ni Lance ang mukha niya siguro ay nakita nito ang pagkapatda niya sa mga salitang sinabi nito. Is he a saint or what? Gusto niyang sabihin yun ng malakas ngunit pinigil ang sarili.
"Naisip mo pa yun?" Mangha niyang sabi. "Akala ko ba antok ka na at pagod pa? Wala naman tayong gagawin ah. Doon ka sa kwarto ni Kuya at doon ako sa kwarto ko." Narinig niya ang mahinang tawa ni Lance. Puputulin ko kaya ang vocal chords nito eh.
Gumapang ang kilabot sa likod niya paakyat sa kanyang batok, pagkatapos ay bumaba sa kanyang sikmura at parang mga bulate at dagang sumabog at nag-marathon pa.
Tingin pa nga lang ay natataranta ang puso niya, tapos sinamahan pa ng simple, ngayon naman tumawa pa ng nakakahiyang, ano na ang mangyayari sa kanya?
Kapag ngayon siya hinalikan ng lalaking kaharap, paniguradong guguho ang sentro ng Bataan. Isusuko ang bandera matagal niyang iniingatan. Please Lord, wag muna ngayon. Marupok po ako.
"I was just thinking of you, Jaise." Nabalik sa katinuan ang mahalay niyang utak. "People talk, and when they talk, harsh things will be said. People will assume the worst for you. In case you don't realize, babae ka, lalaki ako." Saan ba niya pwedeng ilagay ang binata para hindi mabagok at magbago ng tingin sa kanya? Nahuhumaling na siya ng todo sa binata, hindi ka ito maganda.
"Wala naman sigurong masama kung lalaki ako at babae ako." Pilit niyang pagrarason. Pagod na siya. Isa lang ang gusto niya, ang makatulog pero hindi yata posible yun ngayon.
"Walang masama kasi wala namang tayong gagawin. Jaise, hindi tayo magkadugo pero may relasyon tayo, and me coming out of your house, without your dad and brother, in the morning, what would you think will be the talk of the town? Just you and I, coming out of that house, when the daylight comes, where do you think the people's imaginations fly?" Malinaw sa isip niya ang tinitumbok ng pananalita ni Lance. For God's sakes, lampas hatinggabi na, antok na ako, nagpapaka-gentleman pa rin siya?
Mas lalo yata siyang na-in love sa lalaking kaharap. Hindi katulad ng ibang mga kabataan dito sa kanila na nakakabuntis ng babae dahil hindi iniisip ang iba kundi ang sarili lang pangangailangan lang.
Naiintindihan niya ang sinasabi ng gwapong lalaking kasama niya, pasalamat siya dahil kanya ang lalaking ito, hindi siya makapaghintay na maikwento ito sa pinsan, kapatid at Tatay niya ang sinasabi nito ngayon. Proud siya dahil mataas ang respeto nito sa babae at ito ang naging boyfriend niya.
"Fine!" Kunwari ay galit at padabog siyang sumagot. "Tara na! Doon tayo mambulabog sa bahay ni T'yang Doray." Pabalang niyang binuksan ang pinto pabagsak siyang umupo. Narinig pa niya ang baritonong boses ng lalaki na tumatawa.
"Kung hindi ka lang gwapo at kung hindi ka lang mahal nitong puso ko baga dito ka sa labas matutulog!" Pagbubusa ng utak niya. Nanggigigil siya dahil una, pagod na siya, pangalawa, inaantok pa siya. Pangatlo, nagugutom siya. Hindi nga lang niya masabi ng malakas dahil kasalanan naman niya kung bakit nandito sila sa San Nicolas sa ganitong oras ng gabi.
Ikalawang pagkakataon sa buhay niya na ginawa niya ito. Ang kaibihan lang ng ngayon ay may kasama siyang matinong tao at hindi siya napahamak. Hindi katulad ng dati na kaklase siya ang kasama at nagsama pa ng boyfriend.
Balik-tanaw...
Masama ang loob niya noon na hindi na niya maalala ngayon kung kanino siya may sama ng loob at ano ang dahilan basta ang natatandaan niya ay kakamatay lang noon ng Nanay niya. Nagpasama pa siya sa isang kaklase niya para pumunta ng sementeryo, pumayag ito pero isinama ang nito ang kasintahan.
Okay naman na sana yun at least kung abutin man sila ng gabi ay may kasama silang lalaki. Pero ang hindi niya alam ay may kaibigan din pala itong inimbitahan na sumunod sa sementeryo.
Taimtim siyang nagdadasal nang magsidatingan ang mga ito at medyo may kadiliman na rin. Napansin niya na parang may kakaiba sa mga kilos ng dalawa pang kabataang lalaki kaya maingat at tahimik siyang umalis. Halos nasa bungad na siya ng sementeryo nang biglang siyang tinawag ng isa sa mga lalaki.
"Maria Jaise, saan ka pupunta?" Parang lasing o ihgh nitong tanong.
"Uuwi na ako sa amin. Tapos ko ng bisitahin ang nanay ko." Sagot niya habang patuloy sa mabilis na paglakad.
"Maria Jaise." Sambit ng lalaking biglang sumulpot sa harapan niya kaya napaatras siya. Siya namang daklot sa kanya ng lalaking sumusunod sa kanya.
"Bitawan mo ako!" Sigaw niya. Pero parang mga binging tumawa lang ang mga ito.
"Hindi ka pa pwedeng umuwi. Hindi pa nga tayo tapos mag-e-enjoy eh." Saad ng lalaking sumulpot sa harap niya.
"Oo nga naman, Maria Jaise. Kaya nga kami pumunta dito dahil sabi ni Pards may good time daw dito at kasama ka." Sabi ng lalaking may hawak sa kanya sa tenga niya. Kinilabutan siya at natakot.
"Bitawan mo ako, manyak ka!" Muli niyang sigaw. Ngunit katulad kanina ay hindi siya pinansin ng dalawang binata.
Niyapos siya ng isa at pilit na hinahalikan sa labi kaya mas lalo siyang nanlaban. Sinuntok siya ng isang lalaki sa tiyan kaya siya natumba sa lupa.
"NAY!!! TULUNGAN NÝO KO, NAY!!!" Malakas niyang sigaw. Ngunit hindi sapat para marinig ng mga dumadaan sa labas ng sementeryo. Hindi rin sila nakikita lalo na ngayon na nakahiga na siya sa lipa at bahagyang natatakpan ng nitso at halamanan. Nanlaban siya kahit pa masakit ang parteng sinuntok sa kanya.
Siguro nga totoo ang sinasabi ng mga matatanda na ang mga mahal natin sa buhay na pumanaw na ay nakatunghay at nakikinig sa atin. O mas magandang sabihin na tama si Gary Valenciano sa tanong niya, Natutulog ba ang Diyos? Ang sagot, HINDI.
"HOY!!!" Malakas na sigaw ng isa pang boses ng lalaki. Mabilis na napalingon ang dalawang lalaki bago pa mapunit ang damit niya.
"Kuya!!!" Sigaw niya. Ibinuhos niya ang huling lakas na natitira sa pagtawag sa kapatid.
Nagulat ang mga lalaki sa pagdating ni Manuel kaya mabilis na nagpulasan ang mga tampalasan. Mabilis na tinulungan ni Manuel ang kapatid at inayos ang damit nito.
"Bakit ka pumunta dito na mag-isa? Bakit hindi mo sa akin sinabi?" Tanong nitong galit na galit. Hindi siya makasagot dahil sa pinaghalong takot at ginhawa. Takot dahil sa muntik-muntikang nangyari sa kanya at ginhawa sa pagdating ng Kuya niya, ang kanyang tagapagtanggol.
Kinabukasan nun ay nasa principal office na ang apat na estudyante, siya, ang Tatay niya na kalmado lang mukha ngunit seroyo, at ang Kuya niyang galit na galit. Nandun din si Mang Agustin na takot na takot sa pagiging seryoso ni Sepring. Maging ang prinsipal ay parang naiihi na di mawari dahil sa katahimilan nito. Dumating din ang dalawang advisers ng mga estudyante. Kahit na pareho sila ng taon at magkaibang section naman sila. Si Majz at yung isa pang dalagita ay nasa iisang klase at ang tatlo naman binatilyo ay nasa kabilang section.
"Mrs. Ocampo, nais ko lang malaman n'yo na kapag hindi ninyo ginawan ng paraan ang mga bagay na ito, may susunod sa asawa at kapatid ko na paglalamay."Nagdilim ang mukha ni Sepring pagtapos sabihin yun. Nahintakutan naman ang mga kabataan.
Ilang sandali pa ay dumating na rin ang mga magulang ng apat na kabataan. Ipinaliwanag ni Mang Gustin ang nakita niya, ikinuwento din ni Manuel ang nadatnan niya. Nagbigay din si Majz ng sarili niyang salaysay. Sinimulan niya sa pagkausap sa kaklase niyang babae, at pagsama ng boyfriend nito.
Kuntodo deny pa ang mga ito noong una, pero hindi rin ito pinaniwalaan ng mga advisers nila at principal dahil kilalang maloko ang tatlong binatilyo. Napagalitan ang kaklase niyang babae at sinabing ililipat ito ng ibang eskwelahan para mailayo sa nobyo nitong bad influence sa babae. Suspendido naman ang tatlong binatilyo at hindi makakabalik sa eskwelahan nila hangga't hindi napapa-rehab ito ng mga magulang.
Napag-alamang high pala sa droga ang apat na kabataan na hindi man lang napansin ni Majz. Wala si Makai dahil isinama ng adviser nila sa isang journalism seminar na nauna nang puntahan ni Majz, kaya nung kinausap nga siya ni Majz na kung pwede siya nitong samahan sa sementeryo para dalawin ang ina at tiyahin dahil nga masama ang loob nito ay pumayag siya.
Matapos ang klase nila ay sumaglit daw muna ito sa tambayan nila ng boyfriend niya at barkada nito. Hindi naman daw nito akalain na may session pala ang mga ito kya naki-session narin. Pero mali nga ang ginawa ng mga ito.
Nang dumating sila sa sementeryo, dumating din yung dalawa binatilyo, hindi daw nito akalain na darating din pala yun dalawa. Wala daw itong nagawa nung sundan nung dalawa si Majz. Gusto man daw nitong tulungan ito pero pinigilan siya ng kanyang boyfriend dahilan pra mag-away sila at maghiwalay.
Suma-tutal ng nangyari. Expelled yung tatlong binatilyo, nalipat ng eskwelahan yung babae, at hindi na nakipagkaibigan pa si Majz kahit na kanino kaya mas naging protective si Manuel sa kapatid na hindi rin naman niya tinutulan. Naging over-protective din ito kay Makai.
Katapusan ng pagbabalik-tanaw...
"Are you okay, hon?" Tanong ni Lance sa kanya. Napabalik siya sa kasalukuyan nang marinig ang boses nito.
"H-ha?" Balik tanong niya dito.
"I asked if you're okay? You zoned out for quite a while tapos bigla ka na lang namutla. Is everything okay?" Puna ni Lance nang may pag-aalala.
Inabot ni Lance ang pisngi niya pababa sa panga niya. Napakislot siya sa masarap na init ng palad nito kaya napalingon siya si Lance at umiling. Hindi niya tuloy ang alalm ang gagawin mabuti na lang tinanggal din naman kaagad nito ang kamay.
"W-wala ito. I mean, I'm fine. Antok at pagod lang ito." Mabilis niyang sagot. Nagpalinga-linga siya. "N-nasaan na tayo?" Tanong niya para maiba ang usapan.
"Umaandar lang ang makina, Jaise, hindi pa tayo umalis. Nasa harap pa rin tayo ng bahay n'yo." Sagot ni Lance na nasa harap ang tingin. Tsaka pa lang niya napagtanto na naka-park pa rin sila sa harap ng bahay nila.
"I'm sorry." Sagot niya. "May naalala lang kasi ako." Nahihiya niyang sagot sa binata.
"Is it bad or good?" Seryoso nitong tanong nang hindi siya nililingon ng binata. Nag-aalala siya. Humugot siya ng malalim na paghinga para makalma ang mga muscles at nerves niya.
"Seriously, Lance. I am fine. Nandiyan ka naman eh." Malumanay at may lambing niyang saad. Lumingon ito na puno ng pang-unawa at tuwa. Nagngitian sila sa isa't isa.
"Well, good. What I need you to do is put whatever is bothering you aside first, pag-usapan natin yan mamaya. Antok ka na at pagod pa, you need a rest." Paalala nito sa kanya. Eto na naman ang masarap na pakiramdam niya.
"Alam ko kung saan nakatira ang T'yang Doray mo at kaya kong puntahan yun kung araw lang, pero gabi na at madilim pa, hindi ko rin gaano pang kabisado ang mga daan dito. So, please, I know that whatever you are thinking right now can wait until tomorrow." Ilang araw pa lang sila pero halos oras-oras siyang pinahahanga ni Lance.
Kakaibang nilalang ang binata, parang galing ito ng ibang planeta dahil kakaiba ang takbo ng utak nito.
"Ikaliwa mo diyan sa kalsadang yan. Pagdating sa ikalawang kanto kumaliwa ka uli." Sumunod naman si Lance.
Iniliko nga nito sa kalsadang itinuro niya at pagdating sa ikalawang kanto ay kumaliwa nga ito. Hindi mabilis ang pagmamaneho ni Lance, hindi rin mabagal, tama lang.
"Ikanan mo diyan sa parating na kanto." Utos niya. Kumanan nga ito. "Nakikita mo yang malaking bahay na yan na may maliwanag na ilaw?" Turo niya sa isang parte ng kalsada ni di gaanong kalayuan mula sa kanila. Tumango siya.
"Yeah?" Patanong niyang sagot. "What about it?" Balik-tanong nito sa kanya.
"Yan ang bahay ni T'yang Doray." Saad niya. Napalingon ang binata sa kanya at bumaling sa bahay na itunuro niya.
Nandiyan na naman yung kabang naramdaman niya kanina pagparada nila sa harap ng bahay nila Majz. Hindi bahay ni T'yang Bebeng ang pupuntahan nila kundi kay T'yang Doray. Kita ni Lance sa mata nito ang disgusto sa kanya nung isang araw.
"The house has a different look at night." Sabi nitong halata namang pinipilit na iwinawaksi ang kakaibang damdamin. Sinilip nito ang harap ng bahay mula sa loob ng sasakyan.
Hindi maliwanag ang kahabaan ng kalsada kahit na ngunit hindi rin naman madilim. Hindi ka matatakot na maglakad kahit sa alanganing oras ng gabi kasi nga maayos namang naiilawan ang kalsada. Namangha lang talaga siya dahil mas maliwanag ang bakuran ng bahay ni Rhodora Samonte.
Mabilis na pumarada sa harap nito ang binata at mabilis na umibis at umikot sa kabila para pagbuksan siya ng pinto. Gentleman. Usal ng mapagmasid niyang isip.
We're here." Saad nito. Napalingon siya dito dahil sa lambing nitong magsalita. Dios mio, Lance. Stop doing that. Nag-aalburuto ang utak niya pati na ang sistema niya.
"Ang tahimik pala ng baahy ni T'yang sa ganitong oras kapag wala kami nila Tatay." Wala sa loob niyang komento.
"Yeah, sound like no one's there." Pag sang-ayon ni Lance sa kanya kaya nilingon niya ito at inirapan. "What? I was agreeing with you." Natatawa nitong dugtong ngunit hindi niya pinansin ito.
"Tulog na yata si T'yang Doray." Wto na naman siya sa mga komento niyang obvious naman ang sagot. Huli na niya na-realize ang sinabi, hindi na niya mabawi pa. Ang tanga lang, Majz! Natural, lampas hatinggabi na! Gigil na sigaw ng natitira niyang matinong isip.
Narinig niya ang bahagyang pagtawa ni Lance. Nilingon niya ito para lang irapan uli. Napalakas tuloy ang tawa nito sa kanya.
"You're too cute." Simple nitong saad sa katamtamang lakas ng boses.
"Che!" Singhal niya na nagmamadaling lumabas ng kotse. Kailangan niyang lumabas dahil kung hindi ay baka maiskandalo ang buong San Nicolas sa maaari niyang gawin sa binata.
Pasimple niyang nilingon si Lance pagdating niya sa taas ng hagdan sa tapat mismo ng pinto, pangiti-ngiti pa ito. Mas lalo lamang siyang naiinis. Hindi niya alam kung kanino, pero basta naiinis siya.
Bumaba na ng kotse si Lance pagkatapos nang i-park ito ng maayos sa pinakagilid ng kalsada. Sumunod na siya kay Majz.
"T'yang Doray! T'yang Doray!" Sigaw ni Majz nang may kalakasan sa labasan ng bahay ni Doray pero hindi naman nakakabulahaw sa mga kapitbahay nito.
"If you called out one more time and no one answers, babalik na lang tayo ng Manila." Nag-aalalang saad ni Lance dahil baka magising ang mga kapitbahay nito. Tumango siya. Magandang suhestiyon naman yun pero syempre alam niyang pagod na rin ang binata.
"T'yang! T'yang!" May kalakasang tawag ni Majz na may kasabay pa na pagkatok, medyo malakas na rin. Nakailang ulit din siya ng katok at pagtawag sa tiyahin bago pa sila napagbuksan ng pinto.
"Maria Jaise?!" Nagkagulatan pa sila nung bumukas na ang pinto. Isang lalaki, naka-boxer shorts ito at walang suot na t-shit kaya kita ang banat na katawan nito, nakayapak at sabog ang buhok.
"Mang Romano?! Anong... Bakit..."
--------------
End of LCIF 30: Gentleman
Thank you for reading.the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.
💖 ~ Ms J ~ 💖
08.30.19
Lights! Camera! I've Fallin...
©All Rights Reserved
March 15, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro