Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LCIF 28: Relax











"Siya si Nathaniel Mundoñedo. Makai, siya ang tatay mo." Gulong-gulo ang isip ni Makai.

Noon pa niya gustong makilala ang Tatay niya. Noon pa niya hinahanap ito. Noon pa niya gustong makaharap ito, pero ngayong nandito na ito sa harap niya, bakit parang ang hirap tanggapin? Bakit parang ang hirap lunukin? Bakit mas gusto pa rin niyang paniwalaaan ang Nanay niya? Bakit maraming bakit ang buhay? Bakit hindi na kang pwedeng wala na yung bakit at puro sagot na lang? Bakit nakahirap tumanggap ng katotohanan? Napakamot siya ng noo sabay hilamos ng mga kamay sa mukha. Ano ba ang talaga ang katotohanan?

"Hindi po totoo yan. Hindi Nathaniel ang pangalan ng Tatay ko." Umiiyak na saad ni Makai. "Ayon doon sa sulat na binigay ni Nanay sa akin bago siya..." Hindi niya maituloy. Tatayo na sana siya pero pigil siya ng mga pinsan.

"Wag kang tumulad sa Nanay mo na tinatakasan ang problem imbis na harapin!" Mabilis na saad ni Bebeng na medyo napataas pa ang boses nito.

"T'yang, paano akong maniniwala na siya ang Tatay ko? Ang pangalang nakalagay doon sa sulat na yun ay iba sa pangalan niya." Hindi nakasigaw pero may diing saad ni Makai.

"Ano ba ang nakalagay sa sulat na yun at mas pinaniniwalaan mo yun kesa sa diyan sa katotohanang nasa harapan mo na?" Tanong ni Bebeng sa kanya sabay turo kay Niel. Napatingin dito si Makai, nagtagpo ang kanilang sa unang pagkakataon simula ng sinabi ni T'yong Sepring na Tatay niya ang tinatawag nilang Tito Niel.

"Makai, sa amin ka maniwala." Saad ni Sepring. Maging siya natetensyon na rin. "Ano naman ang makukuha namin kung magsisinungaling kami sa iyo?" Tanong nito na titig na titig sa pamangkin. Ilang taon kang binuhay ng Nanay mo sa kasinungalingang walang puso ang ama mo. Ganyan din ang mga sinabi niya sa Tatang kaya galit na galit ang tatang kay Nathaniel." Nagpupuyos ang damdamin ni Makai, kita yun sa mga mata nito at sa pagkakakuyom ng mga kamao nito.

"T'yong, hindi n'yo ko naiintindihan eh. Ang sabi sa sulat ni Nanay, kung gusto daw makilala ang Tatay ko, hanapin ko daw si Angelito Asadon."  Nangunot ang noo ng mga kasama niya maliban kay Niel.

"Nak, si Angelito at Rebecca Asadon ay ang katiwala ng lumang bahay namin sa Forbes. Sila yung mag-asawang nagkakalakal na nagdala sa akin sa ospital nung pinagulpi ako ng Tatang sa tatlong maton ng San Nicolas." Nakangiti niyong kwento. Napamaang si Makai. Sa lahat ng tao g nagdaan sa ganun katindi katulad ng sinasabi nilang

"Oh my God. Kaya pala katakot-takot na pagtanggi ang ginawa ni Koyang nung tinanong ko kung kilala ba niya si Anita Samonte. Pinagtabuyan pa ako." Naiiyak na kwento ni Makai.

"Kuya Sepring, namumuro na talaga yang si Aning sa akin!" Nanggigigil na saad ni Bebeng na akala mo ay buhay pa ang pinanggigigilan nito.

"Anak, hindi ko ipagtatanggol ang sarili ko dahil hindi maganda na kay Anita ko isisisi ang lahat." Panimula nito pero tumigil din. Muling napatingin si Makai sa ama. "Kuya, nasaan nga pala si Anita? Siguro naman ngayong malaki na si Kaila ay maaayos na namin ang relasyon namin." Nakangiti ito na puno ng pag-asa. Nakaramdam naman ng awa si Makai sa lalaki

"Ang ibig n'yong sabihin, wala kayo talagang alam sa mga nangyari sa amin?" Umiling ito, "Hindi n'yo talaga alam kung nasaan na si Nanay?" Umiling uli ito na puno ng lungkot at pagsisisi. Kung kanina ay pakiramdam niya lang na naaawa si Makai sa lalaki, nagyon naman ay awang-awa na siyang talaga. Maaaring totoo nga ang sinasabi ng mga tiyuhin at tiyahin sa kanya ngayon. "Wala talaga?" Tanong niya sa mga tiyahin. Umiling ang mga ito.

"Mahigpit na bilin ng nanay mo pmg baliw diyan sa mga tiyahin mong konsintidor at uto-uto na katulad ni Tatang na wag ipapaalam kahit na kanino lalo na sa iyo at kay Nathaniel ang tungkol sa isa't isa." Sagot ni Sepring.

"Eqan ko sa iyo, Kuya!" Patampong singhal ni Bebeng sa kapatid. "Wala rin naman kaming magagawa dahil pina-blotter ni Tatang sa istasyon ng pulis ang, qoute-unqoute, pangwawalanghiya ni Nathaniel sa kanya. Pinaniwalaan namin ang kwento ng Nanay mo kasi kapatid namin siya, kaya ayun, ang buong bayan ng San Nicolas ay ganun din ang paniniwala. Sa tulong na rin ni Mayor, nagawan ng T'yang Doray mo ng paraan na naipatala sa korte na habang nabubuhay siya ay hindi pwedeng umapak sa San Nicolas ang Tatay mo. Nagdala ng abogado ang mga Mundoñedo noon. Wala ang Tatay mo, ang Lolo mo lang at abogado nila pero binalewale ng korte ang petisyon nila na kunin ka." Namamangha si Makai sa mga naririnig na kakayahan ng Nanay niyang paikutin ang lahat pero di niya akalain na ganun kabaluktot ng pag-iisip nito.

"Nasaan ka noon?" Tanong ni Makai kay Nathaniel. Humugot muna ito ng malalim na paghinga bago nagsalita.

"Nasa ospital siguro ako noon." Naguguluhang panimula ni Niel. "Wala akong alam sa mga nangyari sa inyo ni Aning. Labas-pasok ako sa operating roon kada dalawang buwan-tatlong buwan. Nangako ako sa sarili ko na hinding-hindi ako magpapakita dito sa San Nicolas hangga't hindi ko nailalakad ang mga paa ko dahil alam kong gagamitin iyon ng Tatang Manolo laban sa akin. Ipapamukha niya sa akin na hindi ko kayang buhayin ang pamilya ko katulad ng dati dahil hamak lang akong manggagawa sa pabrika na pag-aari ng pamilya ko. Hindi ko raw mabubuhay ang Nanay mo at ikaw dahil lang sa ako ay anak mayaman." Nagtagis ang bagang ni Makai.

"Bakit hindi ka nagpaliwanag sa Lolo." Mataray na atake ni Makai.

"Hou, Macaria Sacay! Ang arte mo!" Singhal ni Majz. Inirapan niya lang ito.

"Kahit naman kasi magpaliwanag ako sa Tatang hindi pa rin yun maniniwala hangga't hindi ang Nanay mo ang magsasabi sa kanya ng bersyon niya ng totoo." Singit ni Bebeng sa palitan nilang mag-ama, intense masyado.

"T'yong, last na 'to. Yung totoo po. Baliw ba ang nanay ko? Totoo po bang siya ang naging dahilan ng pagkamatay nila ng T'yang Soling?" Tanong niyang nagpamulagat kay Nathaniel.

"Si Aning, patay na? Pati si Ate Soling?" Nagulat man ay laglag pa rin ang balikat ni Nathaniel sa narinig. Yumuko ito at tumangis na lang.

Naawa ang mga Samonte sa kanya ngunit wala naman silang magawa, na kay Makai na ang huling desisyon. Naipakilala na nila ang mag-ama sa isa't isa sa napaka-awkward na paraan ngunit kailangan na eh, kahit naman siguro buhay pa si Anita ay wala na itong magagawa pa, magkikita at magkikita ang mag-ama, tadhana ang nagpatagpo sa mag-ama.

Umiiyak na rin si Makai. Lalong-lao na si Majz at Manuel. Nanariwa sa kanilang isip ang sinapit ng ina sa kamay ni Aning. Alam nila ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng dalawa noong mga bata pa sila maliban kay Makai dahil nasa field trip ito kasama ang mga kaklase nito sa isang subject.

Mabilis na inalo ni Lance si Majz. Itinayo ito at bahagyang dinala sa gilid ng lababo para mabigyan ng pwesto si Bebeng. Tumayo si Manuel dahil naninikip ang dibdib nito. Mabilis namang kumuha ng isang basong tubig si Korina at maingat na ibinigay kay Manuel iyon. Maagap din nitong inabutan ng isang basong tubig si Lance para kay Majz.

"Ano ba ang ikinamatay ni Aning." Paglalakas loob na tanong ni Nathaniel.

"Pagpapakamatay." Simpleng sagot ni Sepring.

"Bakit?" Naguguluhan si Nathaniel. Alam niyang may problema si Aning sa puso at sa pag-iisip. Kaya nga hindi ito basta-basta pwedeng bumiyahe papuntang Amerika noon dahil ayaw itong payagan ng doktor nito na malayo sa kanyang treatment, idagdag pa na lampas na sa bilang ng buwan ang tiyan nito para makabiyahe pa. Bagay na hindi niya nasabi sa pamilya nito.

Noong unang umalis sa puder nito ang asawa at umuwi sa San Nicolas, mabilis siyang naghanap ng doktor doon na pwedeng umalalay kay Aning habang nandun ito sa pamilya, rekumenda na rin ng duktor nito sa Manila. Malaking pasalamat naman niya at hindi ito inayawan ng asawa.

Nang maipanganak na si Makai ay natigil na ito sa pagpapaduktor at pag-inom ng gamot kaya yung huli nilang pagkikita ay... yung nga, huli na. Pagpapaduktor at pagpapagamot nito ang pinagmulan ng away na yun. Unti-unti na sana niyang napapapayag ang asawa pero siguro tama nga ang sabi ng karamihan. Itinakda silang magkita pero hindi sila itinadhana. Ang pait.

"Tay, pwede po bang sa labas na muna ako?" Tanong ni Majz na hihikbi-hikbi.

"Saan ka pa pupunta, gabing-gabi na." Seryoso man itong nagsalita pero hindi naman galit.

"Hindi po kami aalis, Tay. Diyan lang po kami sa labas ng gate uupo at magpapahangin." Nawawalan na siya ng pasensiya. Ayaw niyang muling marinig ang dinanas ng ina bago ito mamatay.

"Tay, pagbigyan n'yo na po kami." Seryosong sabat ni Manuel na hindi sa ama nakatingin kundi sa sahig. Humugot ng malalim na paghinga si Sepring.

"Pagbigyan mo na. Kuya. Tama na, mahihirapan lamang sila." Umiiyak na pakiusap ni Bebeng sa kapatid. Laglag ang balikat na tumango ito. Naintindihan naman ni Sepring ang mga anak.

Mabilis pa sa alas kwatrong hinila ni Majz si Lance palabas ng kusina. Halos matalisod ito sa pagsunod sa kasintahan. Binitawan ni Majz ang kamay ni Lance at pumunta ito sa kwarto niya. Kinuha niya ang kanyang maliit na backpack kung saan nakalagay ang kanyang wallet, cellphone at susi ng bahay. Paglabas niya ay nasa salas na rin ang Kuya Manuel at Ate Korina niya.

"Aalis ako, Kuya. Wag mo akong pigilan." Matapang niyang saad. "Okay lang ako." Hindi na sumagot si Manuel. Kilala siya nitong maunawain at madaling makainitindi ng mga bagay-bagay pero ngayon lang siya humilinh ng ganito.

"Lance. Paki ingatan ng kapatid ko." Baling nito sa binata. Ngumiti naman si Lance.

"I will, you don't have to ask." Sagot nito kay Manuel. Tumango naman ito.

"Saan kayo pupunta niyan?" Tanong ni Korina.

"I'll probably take her back to The Towers, mas safe doon para sa kanya at pihadong nandun pa sila Mommy at Daddy." Sagot ni Lance. Pero iba ang nasa isip ni Majz, may iba siyang plano.

"Okay. Pakitawagan na lang kami kung anu't- ano man." Sabi ni Manuel. Wala naman na siyang magagawa pa dahil alam niyang buo na ang pasya ng kapatid at ngayon niya lang nakitang itong naapektuhan ng usapang nakaraan.

"Bye, Kuya." Paalam ni Majz. Humalik ito sa pisngi ng kapatid nang hindi na nililingon si Korina at Lance.

Nauna na siyang lumabas ng bahay bago pa sila malabasan ng ama at pigilan. Hindi niya kakayaning tumanggi sa ama. Mabilis siyang napapiksi ng biglang hablutin ang kamay niya. Nilingon niya kung sino iyun, si Lance lang pala.

"Will you relax and calm down." Saad nito sa mababa at malumanay na salita. Kinabig siya ni Lance yakap kaya napasubsob siya sa dibdib nito.

"Why? I have to leave." Sabi niya sa dibdib ni Lance I have to go somewhere. I can't stay here." Napapiling na lang si Lance.

"I know, Babe. I know. But you have to slow down." Saad nitong sabay turo sa baba. Ilang pulgada na lang pala at mahuhulog na siya sa bukas na manhole sa gilid ng kalsada sa tapat ng bahay ni Bebeng. "Nagiging careless ka pala kapag disoriented at galit. I'll make a mental note na wag kang gagalitin in the future dahil baka mawala ka na lang bigla sa paningin ko." Muli itong tumingin sa manhole sa tabi ni Majz nang nakangisi, hindi ngiti undi ngisi. Tinirikan niya ito ng mga mata dahil sa pagpilit na magpatawa ang korni naman ng dating.

"He-he-he. Keep your day job, Mr. Scott. Hindi bagay sa iyo ang maging komedyante. Hindi ka ang Jowapao" Ganti niya dito. Tumawa lang si Lance at kinabig uli siya nito at hinalikan sa noo.

"Where do you want to go?" Tanong nito sa kanya. Ngumiti lamang siya dito at hinila na palapit sa kotse niya.

"Keep driving." Utos niya dito pagkaupong-upo nito sa kotse. Pinaandar ni Lance ang kotse kahit hindi niya alam kung saan sila pupunta.

Nakailang liko at diretso sila bago nila natumbok ang McArthur Highway. Ngumiti siya, parang alam na niya kasi kung saan sila pupunta ngayong gabi. Nilingon niya si Majz. Napangiti siya nang makitang tulog na ito. Kaya binabay na lang niya ang kalsadang alam niya kung saan yun patungo. Nang dahil sa traffic kahit gabi na ay naisip niyang babayin ang palabas ng McArthur Highway.

Tamang-tamang nasa Karuhatan na sila, malapit lang yun sa NLEX segment, kaya yun ang binaybay niya. Alam na niya patungong San Nicolas galing doon. Tsaka na niya gigisingin ang dalagakapag nakarating na sila sa bungad ng bayan.

Sa humigit kumulang na dalawang oras na biyahe nila, nagkaroon siya ng pagkakataon na makapag-isip ng tungkol sa mga nangyari.

Bago pa siya mapasok sa pagmomodelo ay ayos lang buhay niya. Kahit na hectic ito dahil sa pagtetraining na maging CEO ng pangatlong bahagi ng Scottsdale Empire ay tahimik ang kanyang buhay niya. Kahit papaano ay nakakapagparty siya, Isang araw, bigla na lang nawala ang kanyang kapatid niyang si Logan. Lahat ng nakasanayan niya ay nagbago.

Simula ng mawala ang kapatid na si Logan nakilala niya si Makai na girlfriend pala nito, sumunod naman ay nakilala niya ang pinsan nitong si Majz, ang pamilya nito, ang pamilya niya, tapos ngayon ang magiging boss nila sa loob ng dalawang buwan at may dala ding pasabog. Hindi man siya direktang kasali sa trabaho nila Majz dahil sa modelling side lang naman siya ay paniguradong sasama naman siya dito kasi yun ang gusto niya at siya ang boyfriend ni Majz kaya dapat lang na siya ang maghahatid at magsusundo dito.

Nangingiti siyang isipin na pinagkakatiwalaan na siya ng kapatid ni Majz, ganun ang Tatay at ni T'yang Bebeng. Kasintahan man niya ngayon si Majz ay hindi pa rin mababago ang plano at pangako niya dito na liligawan pa rin niya ito. Ipaparamdam niya sa dalaga at ipapakita niya sa pamilya ni Majz na tapat siya sa layunin niya dito kahit noong bata pa siya.

Nakaliko na sila sa mismong bayan ng San Nicolas. Natatandaan niya ito. Malapit lang dito ang mansyon ng mga Ricaforte. Nilingon niya ang dalaga, tulog pa rin ito at sabog ang buhok. Napangiti siya dahil hindi man lang nakabawas sa ganda nitong taglay kung ano man ang anyo nito ngayon, mas lalo pa nga yatang gumanda si Majz sa paningin niya eh.

Iniliko niya sa bungad ng malaking gate ang kotse, at dahil hindi pa naman gaanong malalim ang gabi ay sinubukan niyang manggising ng tao pero biglang nagbago ang isip niya. Hindi siya kilala ng tauhan ng hacienda. Aatras na sana siya ng magising si Majz.

"Nasaan na tayo?" Tanong nito na parang lasing pa. Napailing siya.

"Sa San Nicolas. Di ba, dito mo gustong pumunta?" nakangiti siya sa dalaga. Mukha nga yatang antok pa kasi nag-isip pa muna ito.

"Ay tama." Saad nitong at nagpalingon-lingon. Sinisipat sa kung nasaan sila.

"Nasa harap tayo ng mansyon ni T'yong Martin." Sabi niya sa dalaga. Tumango naman ito.

"Umatras ka, balik ka sa main road. Pagdating mo sa ikatlong kanto, kumaliwa ka. Baybayin mo ang kalsada hanggang doon sa dulo na wala nang poste ng ilaw. May malaking gate na kahoy doon. Iliko mo doon. Tapos i-park mo itong kotse mo sa kabilang bahagi ng hilira ng mga rosas." Napatingin si Lance kay Majz. Sa labas ito nakatingin, nagmamasid sa dilim ng paligid, hindi niya alam kung may nakikita ba ang dalaga.

"Jaise." Tawag niya sa dalaga. Hindi pa rin siya umaalis sa harap ng bahay ng mansyon ng mga Ricaforte.

"Yeah?" Lingon nito sa kanya, sabay balik ng tingin sa labas.

"Is everything okay?" Tanong niya dito. Sumandal ito at tumingala.

"Ewan ko. Napa-paranoid lang siguro ako." Matapat nitong sagot. Napabuntong-hininga na lang si Majz.

"Paranoid for what?" Tanong niya dito. Bahagya siyang pumihit at hinarap ang dalaga.

"I don't know." Sagot naman nito na parang nalilito.

"Anong I don't know?" Tanong niya uli. "Come on, tell me. Jaise, I want to help you, I trully do. Pero hindi ko magagawa yun kung hindi mo sasabihin sa akin kung ano yang bumabagabag sa iyo." Ginagap nito ang kamay niya.

Sasagot na sana siya nang may kumatok sa bintana. Napaigtad sa gulat at takot si Majz. Mabilis nitong tiningnan kung sino yun. Madilim sa labas. Wala silang makita. Wala silang maaninag. Kung kelan naman kasi may paganito pang pangyayari tsaka pa walang tao sa kabilang bahagi ng gate at wala ring ilaw ang poste.

Napaigtad uli sila dahil muling pagkatok sa bintana nila. Alam niyan nahihintakutan na ang dalaga dahil napalapit ito sa kanya. Kung wala lang ang center console ng kotse ay baka nakasiksik na sa tabi niya ang dalaga o hindi naman kaya ay nakakandong na ito sa kanya.

Napakapit si Majz sa kanya ng mapagtanto ng dalaga kung sino ang tao sa labas.

"Lance, si Mang Tomas."








--------------
End of LCIF 28: Relax

Thank you for reading.the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
08.28.19

Lights! Camera! I've Fallin…
©All Rights Reserved
March 15, 2016

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro