Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LCIF 27: Ama









"Kamusta ka na, Kuya Sepring?" Nakangiting bati ng bagong panauhin.

"Tito Niel?" Sambit ng tatlo; si Lance, Majz at Makai.

"Hello, Majz, McNgiht and Lance." Bati nitong nakangiti.

"Magkakilala kayo, Tay?" Tanong ni Majz. Nagulat silang pareho ni Makai

"Oo. Bakit? Kilala n'yo rin ba siya?" Tanong nito sa anak. Tumango si Majz.

"Opo. Kliyente po namin sila, di ba, Kai?" Baling nito sa pinsan. Naguguluhang tumango si Makai.

"Tito Niel, ano po ang ginagawa n'yo dito? Martes pa ang meeting natin." Naguguluhang saad ni Makai.

"Did I miss a call from Tita Ella?" Tanong din ni lance. Dinukot nito ang cellphone mula sa bulsa at binistahan. "I have no miss calls from her." Dugtong nito. Umiling lang si Niel.

"I didn't come here for our meeting, nagpunta ako dito dahil gusto ko sanang maka-usap si Benita para makausap ka, Kuya Sepring." Nagkatinginan silang lahat kay Niel.

"Teka, bakit Kuya ang tawag mo sa Tatay. At bakit..." Naputol pa ang ibang sasabihin ni Majz nang makita ang expression sa parehog mata ng Tatay niya at ang tinatawag nilang Tito Niel. "Oh my God, Tay." Tumango lang si Sepring. Siya namang baba ni Bebeng mula sa second floor ng bahay nito.

"Nathaniel Mundoñedo? Ikaw ba yan?" Tanong nito. Tumango lang ang lalaki at mabilis pa sa alas kwatrong dinamba ni Bebeng ng yapos si Niel. Napasimngot naman si Martin "Nabuhay ka! Kelan ka pa bumalik? Dios Mio, ang tagal mong magtampo!" Dugtong ni Bebeng. Tahimik lamang ang lahat. Nakabalik na sa sala si Manuel at Korina, nakikiramdam.

"Kamusta na, Ate Bebeng?" Tanong nito na nakaani ng malakas na hampas sa balikat. "Aray. Malakas ka pa ring humampas." Saad nito na. Hinihimas-himas nito ang brasong napuruhan mula sa malabakal na kamay ni Bebeng,

"Siraulo! Maka-ate ito parang napakalaki ng tanda ko sa kanya!" Singhal ni Bebeng na natatawa. Tumawa na rin ang bisita nila at si Sepring habang si Martin ay abot-lupa ang haba ng nguso sa pagsimangot. Nangiti si Majz.

"Maupo ka, Nathaniel." Utos ni Sepring. "Kayong lahat, maghanap kayo ng mauupuan at mahabang usapan ito." Napabuntong hininga na lang si Sepring. Ano ba naman ito, sunud-sunod na pasabog ng nangyayari, Diyos ko. Pwede bang bukas naman yung iba? Piping dalangin ni Sepring.

"Sa hapag-kainan na tayo magkwentuhan ng magkalaman ang tiyan natin habang nagkukwentuhan." Paanyaya ni Bebeng. "Nathaniel, ito nga pala si Martin, ang asawa ko." Ang ganda ng ngiti ni Bebeng ng ipakilala si Martin sa panauhin nila.

"Nagkatuluyan kayo?" Nangingislap ang mga mata nitong tanong. Tumango si Bebeng at inakap ang asawa. Hinalikan naman ito ni Martin sa gilid ng ulo.

"Ewwww!" Sabay na sigaw ni Majz, Makai at Manuel. Nagtawanan ang lahat.

"Heh! Tumahimik nga kayong tatlo! Kung hindi ko pa alam!" Singhal nito na may kahulugan. Natahimik ang tatlo na pinamumulahan ng magkabilang pisngi abot pa sa tenga kaya mabilis na nagsitalikod patungong kusina. Sumunod naman si Korina.

Natatawa si Sepring at Martin sa asaran ng magtiyahin. Nakitawa na rin si Lance at Niel.

"Ganyan ba talaga sila palagi?" Tanong ni Niel. Tumango si Sepring at Bebeng.

"Magkasanggang dikit ang tatlong yan sa kakulitan. Halos hindi mapaghiwalay, pero pare-pareho ding pikon." Turan ni Sepring na ikinarptawa ni Niel.

"Ang laki na niya." Saad nito na parang nahihipnotismo.

"Sino?" Tanong ni Martin.

"Siya." Turo nito kay Majz. Napatawa si Martin.

"Si Maria Jaise yan. Anak yan ni Kuya Sepring at Ate Soling."

"Hindi siya. Yung isa." Saad naman ni Niel na hindi nilingon si Martin dahil nasa kusina ang mata nito kung saan nito nakikita Makai.

"Si Maria Kaila? Oo. Siya na nga." Sagot ni Bebeng. Hindi pa rin inaalis ni Niel ang mga mata sa dalaga.

"Excuse me po." Paalam ni Lance sa mga ito. "Makikiraan lang po, susunod na po ako sa kusina para makatulong." Tumango si Sepring. Tinapik nito ang binata sa balikat at sumunod na sa kusina. Nang mawala si Lance ay binalingan ni Sepring si Niel.

"Nathaniel, ang kailangan namin sa iyo ay lawak ng pag-iisip at maluwag na pagtanggap sa kung ano ang katatakbuhan ng usapan." Babala ni Sepring sa lalaki.

"Alam ko naman yun, Kuya. Humihingi din ako ng patawad dahil ngayon lang ako nakabalik." Panimula nito.

"Hayaan mo na yun, ang importante ay nandito ka nang muli." Pagpapalubag ng Sepring sa loob ni Niel.

"Bakit nga ba hindi ka nakabalik, Nathaniel?" Tanong ni Bebeng. Nagkanya-kanya ng upo ang mga ito.

"Teka sandali, sino ba itong si Nathaniel?" Tanong ni Martin. "Siya ba ang..." Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil mabilis na itong sinagot ni Bebeng.

"Si Nathaniel ay ang asawa ni Aning. Yung ikinuwento namin sa iyo, siya ang Tatay ni Maria Kaila." Napatango-tango na lang si Martin. Naalala na niya ang kwento ni Sepring at Doray sa kanya sa mansyon bago pa sila tumulak pabalik dito.

"Siya yung isa sa gustong tagain ni Tatang noon?" Naalala niyang itanong. Namamanghang hindi mo mawari. "Ibig sabihin hindi lang kaming dalawa ni Romano ang gustong ilibing ng buhay ng tatay n'yo noong nabubuhay pa ito? Siya pala yung pangatlo." Dutong nito. Napakamot sa batok si Niel. Narinig niya ang kwentong ito mula kay Lagring dahil ito ang kanilang tulay ni Bebeng.

"Guilty as charged." Sagot naman nitong nakangiti man ay nababanaag mo ang tunay lungkot sa mga mata.

"Hindi pa alam ni Makai na buhay ka. Hindi pa alam ni Makai ang totoong nangyari sa inyo ng Nanay niya noon. Masama ang mga kwentong naikwento sa kanya ng Tatay at ni Aning na rin." Pahapyaw na salaysay ni Sepring.

"Sasabihin pa lang sana namin sa kanya pagbalik namin dito galing ng San Nicolas, kaya lang wala pa kaming makitang pagkakataon dahil nagkasunod-sunod ang mga pangyayari." Dugtong ni Bebeng.

"Nangako kasi kami kay Aning na hindi kami magkukwento." Sambot ni Sepring. "Pero panahon na talaga ang nagsasabi." Dugtong pa nito.

"Ang tagal kong nawala. Ang daming taon ang nasayang sa paghihintay sa wala. Akala ko kasi tatawagan ako ni Aning para makasunod sila sa akin." Humugot ng malalim na paghinga si Niel. "Ang sabi niya kasi sa akin nung minsan niyang pinakita sa akin si Kaila, pahuhipain niya lang daw ang sama ng loob niya at ang galit ni Tatang sa akin at tatawagan na lang niya ako para ipaayos sa abogado namin ang mga papeles nila para makasunod na sila sa akin sa Singapore. Nalipat na lang kami ng Hongkong galing America ay hindi pa rin siya nakakatawag. Alam n'yo ba na hindi pa rin ako nagpapalit ng phone number kasi baka bigla niyang maisip na tumawag sa akin? Namatay na lang sila Mama at Papa na hindi man lang nila muling nakita si Kaila." Naluluha nitong salaysay. Naantig naman ang mga puso ng lahat.

"Hindi mo ba talaga sinubok na umuwi at harapin si Aning?" Tanong ni Martin.

"Kada-dalawang buwan ako kung umuwi dito noon. Nakikipagkita ako sa kanya. Noong una ay ayos pa pero nung katagalan na sinabihan niya akong hindi na siya darating pa sa tagpuan namin pero nagbakasakali pa rin ako. Ilang beses din yun pero hindi na nga siya sumipot. Kaya napilitan akong pumunta sa San Nicolas pero iba ang sumalubong sa akin noon. Hinarang ako ng tatlong kalalakihan sa bungad ng bayan bago makarating sa malaking bahay, ginulpi nila ako at pinagbantaan na kung babalik pa ako sa San Nicolas ay uuwi ako sa amin na pantay ang paa at wala nang buhay." Naiiyak niyang kwento.

"Hindi ako makatayo noon. Masakit ang buo kong katawan. Natatandaan ko pang mga dalawa o tatlong beses akong nawalan ng malay dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking kaliwang tagiliran at kanang binti." Itinuro ni Niel ang kaliwang bahagi ng torso at ang binti nito. "Sinuwerte naman na nadaanan ako ng mag-asawa mangangalakal na taga-Sta. Maria. Sakay ng kariton, tinulungan nila akong dalhin sa ospital. Hindi ako iniwan nung mag-asawa hanggang sa umuwi si Papa dito para asikasuhin ang pagpapaopera sa ilang mga butong nabale at nabasag sa akin. Halos limang buwan ako sa ospital dito sa Pilipinas hanggang sa inilipad ako ni Papa sa America." Patuloy niyang kwento. Wala siyang itatago.

"Bakit hindi ka tumawag sa akin. Alam mo naman kung saan ako nagtuturo noon di ba?" Naiiyak na saad ni Bebeng. Nagkibit-balikat lang ito at nagpatuloy nas a kwento.

"Isang taon pa akong nahiga pa sa ospital dahil sa iilang pang reconstractive surgery. Putok ang kilay ko, kailangang i-laser surgery ang mga mata ko dahil sa mga namuong dugo, basag ang ilong ko at tanggal din ang ilang ipin ko. Dagdag pa ang apat na taong hindi ako nakakalakad. Galit na galit si Papa. Gusto niyang pumunta sa San Nicolas para ipadampot si Tatang Manolo at Aning para ipakulong pero pinakiusapan kong wag na, na hindi naman si tatay ang may gawa." Humugot muna ito ng malalalim na paghinga. Ang hindi ko alam, nagpa-imbestiga pala si Papa at napag-alaman nga niyang si Tatang ang may pakana." Bagsak ang balikat nitong kwento. Nagngangalit ang mga mata at nagtatagis ang mga bagang ni Sepring.

'Hindi ko akalain na kakayanin pala ni Tatang ang gumawa ng ganun mapagbigyan lang ang kapritso ni Aning. Kung alam ko lang, eh di sana ako na ang nagdala kay Makai sa iyo." Saad nito sa pagitan ng pagtagis ng mga bagang.

"Napakasama pala ang ginawa ni Aning. Biruin mong naawa pa ako sa bunso natin, yun pala siya ang may kagagawan ng lahat ng paghihirap niya at ng anak niya... lalong-lalo na ng anak niya. Napakawalang hiya talaga ng babaeng yan. Ang sarap kurutin sa singit hanggang sa malapnos ang balat." Pati na rin si Bebeng ay nanggagalaiti na. Bahagya silang natahimik, nakiramdam kung nasa malapait ang kabataan.

Kahit naman na ganun ang ginawa ni Aning ay hindi pa rin nila kayang lapastanganin ang alaala ng yumao nilang kapatid. Matagal na itong namayapa si Aning. Hindi man maganda ang sinapit nito at nangdamay pa ng iba ay hindi pa rin nila maiaalis sa kanilang mga sarili na kapatid pa rin nila ito.

"Kamusta na si Aning?" Tanong ni Niel nang nakakuha uli ng lakas na magtanong. Nagkatinginan si Sepring at Bebeng, hindi alam kung paanong ikukuwento dito ang nangyari kay Aning na hindi na mauungkat pa ang sakit ng kahapon.



"TAY, nakahanda na po ang hapag-kainan." Biglang sulpot ni Majz sa pintuan. Sabay-sabay silang napalingon. Saved by the bell.

"Sige, Maria Jaise, susunod na kami." Sagot ng ama sa kanya. Alam niyang may malalim na pinag-usapan ang mga ito dahil halos pabulong lang mga boses nito na narinig din naman nila ni Lance ang iba.

Tahimik na bumalik sila ni Lance sa kusina, nakasunod naman ang mga nakatatanda sa kanila.

"Magsiupo na tayo nang makapagsimula na ng kwentuhan. Panahon na para maayos ang mga nasira noon." Matalinhagang pahayag ni Sepring.

"Lance Maria Jaise, Maria Kaila at Manuel dito kayong umupo na tatlo at ikaw Korina ay dito na." Turo ni Sepring sa apat na upuang magkakatabi sa iisang bahagi ng pabilog na lamesa. Malaki naman ang lamesa ni Bebeng, lalo pa at naia-adjust ito. Kasya ang sampu. "Nathaniel, dito ka na sa tabi ko. Martin diyan ka na sa tabi ng asawa mo." Turo ni Sepring kabilang parte ng lamesa. May isang bakanteng upuan na natira.

Nagdasal na muna sila at si Lance angboluntaryong mamuno. Nang matapos ay nagsimula na sila kumain. Simpleng kwentuhan at tanungan. Walang may nagsisimula ng maselan na usapan. Alam ni Majz na kanina pa gustong magtanong ni Makai, ngunit alam din niyang nag-aala itong magtanong dahil baka mapahiya lang.

Nagtataka si Makai bakit kilala ng T'yang Bebeng at T'yong Sepring niya ang kliyente nila. Bakit parang close ito sa kanila at bakit Kuya ang tawag nito. Pinagmamasdan niya ang bawat isa na nasa hapag-kainan. Walang may gustong tumingin sa kanya. Kaya hindi nakatiis kaya nagtanong.

"T'yong, bakit po ninyo kilala si Tito Niel?" Simple niyang tanong. Napatuwid ng upo si Niel, napahugot ng malalim na paghinga si Sepring, ganun din si Bebeng. Nakaalerto naman si Majz at Manuel, ganun din si Lance, maliban kay Korina na hindi alam ang nangyayari. Tahimik lamang si Martin.

"Dati namin siyang kaibigan." Sagot ni Bebeng.

"Makai, una sa lahat, gusto naming intindihin mo ang mga sasabihin at ikukwento namin sa iyo, ganun din ang hiling namin sa inyo Manuel, Majz, Lance at Korina. Kailangan namin ang unawa at tulong n'yo." Panimula ni Sepring.

"Maria Kaila, naalala mo ba yung mga kwento sa iyo ng Lolo Manolo mo noon na kinukontra ng Lola Fering mo?" Panimula ni Bebeng. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Makai mula sa tiyuhin papunta sa tiyahin.

"Ano ang natatandaan mo sa kwento ni Tatang?" Tanong ni Sepring.

"Marami pong naikwento ang Lolo sa akin na nahuhulog po sa pagtatalo nila ni Lola tapos iiyak na po ang Nanay." Sagot naman nito.

"Yung kwentong tungkol sa Tatay mo." Maikling sabi ni Bebeng. Nagdilim ang tingin ni Makai. Iba ang pakiramdam niya.

"Ang sabi po ng Lolo, masamang tao daw po ang Tatay ko. Iniwan daw si Nanay matapos na mabuntis. Ang sabi pa niya, pinagbantaan daw ang pamilya natin ng pamilya ng tatay ko dahil sa paghahabol ni Nanay. Ayaw daw po kasing panagutan ng Tatay ko si Nanay." Saad nitong puno ng galit. Mahigpit ang kapit nito sa baso.

"Ano naman ang sabi ni Inang?" Tanong ni Sepring. Gauto nito muna kasing masiguro ang mga alam ni Makai.

"Ang sabi ni Lola, hindi daw po totoo yun. Sabi niya sa Lolo na wag daw ako turuan ng kasinungalingan, hindi daw po yun tama. Pero T'yong, ganun din po ang kwento ni Nanay. Kaya po naniniwala ako kay lolo pero syempre binabalewala ko kasi nga alam ko namang hindi rin naman magsisinungaling si Lola sa akin." Sagot ni Makai.

"Ano ang kwento ni Doray." Muling tanong ni Sepring.

"Hintayin ko daw pong dumating ang panahon na malaman ko ang totoo. Wag daw akong magtatanim ng galit sa ama ko hangga't hindi ko pa raw naririnig ko ang lahat. Ang iba daw po ay kathang-isip lang daw po dahil sa galit sa sarili. Hindi ko po alalm kong kaninong kathang-isip" Salaysay niya. "Sabi ni T'yang Doray, sa bawat kwento daw po ay may dalawang bahagi ng totoo, ang totoo ni Nanay at ang totoo ng Tatay ko. Tapos may ibinigay sa akin na address si T'yang." Dugtong niya.

"Mabuti naman kung ganun." Umayos ng upo si Sepring. Itinani ang plato sa kaliwa at inilapag ang kamay na nakasalikop sa ibabaw ng lamesa sa harap niya. "Makinig kang mabuti sa kwentong maririnig mo." Dugtong nito.

Nagsimulang magkwento si Sepring ng alam niya pangyayati sa buhay ng kapatid na manaka-bpnakang sinasalo ni Bebeng. Inimpisahan ng mga ito sa pagkakalaam na ikinasal na si Anita sa Manila sa isang lalaking nakilala sa uniberaidad na pinapasukan. Ikinasal ito bago nakapagtapos ng pag-aaral. Maayos naman daw ang naging buhay may asawa ni Aning hanggang sa umabot sa puntong umuwi ito na galit na galit.

"Bakit naman po nagalit ang Nanay? Nagloko ba ang Tatay ko?" Nalilito g tanong ni Makai. Nalilito siya pero gusto niyang malaman ang totoo.

"Tay, kailangan bang ngayon natin pag-usapan yan?" Tanong ni Manuel na kay Niel ang mga mata nito.

"Ayos lang, Manuel. Matagal nang kaibigan ng pamilya si Nathaniel. Alam niya ang mga nangyari sa nakaraan." Malumanay na sagot ni Sepring sa anak. Tumango na lang si Manuel. Nagtuloy na sa kwento ang ama.

"Hindi nagloko ang Tatay mo, Makai. Noong una yan din ang paniniwala naming lahat dahil yan ang pagkakalahad ni Aning ng mga Tatang." Sagot ni Sepring. "Makai, gusto kong maintindihan mo na ang Nanay mo ay may pagkaartista, mas gusto niyang umaayon sa kanya ang takbo ng istorya at kung hindi niya magustuhan ang pinatutunguhan nito ay magkakagulong tunay. Lahat ng sabihin at pag-iinarte ni Aning ay kinukonsinti ng Tatang kahit na labag iyon sa Inang dahil si Aning ang dahilan kung bakit natanggap ni Lolo ng buo ang Tatang para sa Inang. May multo karga si Tatang sa balikat niya dahil nga sa itinanan niya ang Inang noon at hindi inuwi hangga't hindi nabubuntis at ako nga ang unang naging anak tapos si Bebeng. Bumalik ng San Nicolas ang Tatang at Inang nung buntis sa ito kay Doray. Nagbabakasali na matanggap na sila ni Lolo pero matigas ito, hindi pa rin tinanggap si Tatang, pero hindi rin naman kami pinagmalupitan ni Lolo, kabaligtaran nga sa amin ang pakikitungo siya sa Tatang. Nang maipanganak na ng Inang si Aning, napag-alaman naming mahina ang puso nito at ilang beses na naospital. Sinisi ni Lola si Lolo dahil sa tigas ng puso, yung puso nama daw ni Aning ang nananagot. Iniisip kasi ni Lola na parusa ng Diyos kay Lolo ang nagyari kay Aning. Yan ang dahilan kong bakit naging paborito ni Tatang si Aning. Ito kasi ang naging daan para mapatawad at lubusan na siyang matanggap ng biyenan niya, ni Lolo." Mahabang salaysay ni Sepring. Mataman namang nakikinig ang lahat ng nasa hapag-kainan.

"Spoiled brat pala si Nanay." Mapait ang ngiti ni Makai. "Pero bakit po ganun ang kwento ng Nanay? At kahit na ganun pa katigas ang ulo at puso niya, sana man lang ay gumawa pa rin ng paraan ang Tatay ko. Siguro nga ay wala rin naman siyang pakialam." Pinaghalong galit at taon-taong naipong sama ng loob ang maririnig sa boses nito. Tahimik lang si Niel.

"Gumawa nga ng paraan ang Tatay mo." Makahulugang tinitigan ni Sepring at Bebeng si Niel. "Nakikipagkita siya sa Nanay mo kada ikalawang buwan. Totoo yun, lumuluwas pa-Maynila si Aning noon kada-dalawang buwan. Kung saan siya pumupunta ay hindi na namin alam nila Doray, basta sinasabi niyang pupunta kay Bebeng. Mahalaga sa akin noon na palaguhin ang kabuhayang naibenta ng mga Ricaforte sa amin noon." Pahayag ni Sepring.

"Kada ikalawang buwan nga kung pumunta si Aning sa akin noon. Iniiwan ka pa nga niya ng mga ilang oras dahil may nilalakad daw siya ngunit hindi naman niya sinasabi kung ano, may kasambahay pa ako noon kaya walang problema dahil may magbabantay kay Makai. Nung huli, nalaman ko na lang na nakikipagkita pala siya sa ama mo." Nag-angat ng tingin si Makai.

"Nakikipagkita siya kay Tatay?" Napamulagat si Makai. Tumango naman si Bebeng.

"Oo. Pero nung sinabi na niya sa akin yun, yun na daw ang huli nilang pagkikita. Napagdesisyunan niyang ilayo ka na ng lubusan sa ama mo. Hindi ko maintindihan si Aning. Una, sinasabi niyang nagsisisi siyang nagtampo siya sa Tatay mo ng walang mabigat na dahilan, tapos bigla na lang magbabago ang isip niya. Pilit namin siyang pinakikiusapan na kahit na ako na lang o si Diray ang magdala sa iyo para makipagkita sa Tatay mo para magkakilala kayo dahil lumalaki ka na, pero matigas talaga si Aning." Ikinuwento na nga ni Bebeng ang dahilan ng pagtatampo ni Aning sa ama niya.

Salitan na nagkwento si Sepring at Bebeng ng nakaraan at manaka-naka namang sumasali si Martin, ayun na rin sa kwento ni Doray.

"Nagpilit na pumunta ang Tatay mo sa San Nicolas. Nalaman ng Tatang, pinatambangan siya sa bukana ng bayan at pinagulpi. Halos mawalan ng buhay ang ama mo. Maswerteng nakita ito ng ibang tao at dinala sa ospital." Panimula ni Sepring sa kwento ni Niel.

"Halos dalawang taon na nagtigil sa iba't ibang hospital ang Tatay mo para sa reconstructive surgeries na kailangan gawin dahil sa mga nabasag at nabaling buto, putok naugat sa mata at tanggal na mga ipin." Panimula ni Niel habang tinutukoy ang sarili na ibang tao. "Apat na taon bago uli siya nakalakad. Nang gumaling na siya at makalad ng walang gamit ng saklay o tungkod ay hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na makabalik dito sa Pilipinas dahil nagkasakit na ang Lola mo, matanda na rin ang Lolo mo at hindi na kaya pang alagaan ang Lola mo. Hindi na nag-asawa pa ng iba ang Daddy mo dahil kasal pa rin siya kay Anita." Humugot ito ng malalim na paghinga. Nag-isip kung itutuloy bang sabihin ang mga susunod na salita. 

"Hindi ko kayang palitan ang Nanay mo." Nagulat si Makai sa huling sinabi ni Niel. Nilingon ang tiyuhin, tiyahin at mga pinsan. Lahat sila ay nakangiti sa kanya at marahang tumatango.

"Ano naman po ang koneksyon ni Tito Niel sa lahat ng ito? Bakit siya nandito?" Direkta niyang tanong ayon na rin sa duda niya at s sinabi nito. "At bakit sinasabi niyang hindi niya kayang palitan si Nanay?" Halata naman na ang katotohanan sa mga palitan ng salita ng mga nakatatanda sa kanya pero hirap siyang tanggapin yun.

"Makai, makinig kang mabuti." Saad ni Bebeng. Hinawakan ni Majz ang kaliwa niyang kamay at inakbayan naman siya ng Kuya Manuel niya. Pakiramdm niya ay ikinukulong siy ng mga ito para hindi makatakas.

"Siya si Nathaniel Mundoñedo. Makai, siya ang tatay mo."











--------------
End of LCIF 27: Ama

Thank you for reading.the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
08.25.19

Lights! Camera! I've Fallin...
©All Rights Reserved
March 15, 2016

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro