Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LCIF 24: Diyosa





"She is gorgeous, alright." Pabulong na saad ni Lance na halos walang boses na lumabas sa bibig niya.

Simple lang ang dating nito at simple din lang yung damit na napili niya mula sa catalogue ng hotel boutique nila pero iba ang dating nang lumapat na ito sa katawan ni Majz. Isang simpleng puting sleeveless blouse na may sash na nasilbing ruffles na nagmula sa kaliwang bahagi ng balikat nito at nakalalay lang dulo ng sash sa iba ng kanang balikat nito na malapit sa dibdib na nagbigay ng kakaibang ganda sa blouse. Tapos naka-simpleng tight fitted jeans lang at suot ang tan colored flats nito.

"Lance, baka pwedeng isara mo na yang bibig mo. Baka kasi mapasukan ng langaw." Pabulong na pambubuska ni Makai sa kanya. Wala siyang magawa eh talaga nga namang nakakabighani ang ganda ng dalaga. Kakaiba.

"You. Are. So. Beautiful." Paisa-isa niyang saad. Pinamulahan ng pisngi si Majz na mas lalong nagpatingkad ng ganda nito. "Napaka-simpleng damit pero napaganda ng nakapagandang babae sa balat ng lupa." Dugtong pa niya na parang nawawala na siya sa sarili na mas lalong nagpapula sa pisngi ni Majz. Napahagikhik na lang si Makai.

"Ah, hello! Lance to earth! Wag masyadong lakasan ang bulong." Paggising ni Makai sa kanya. "Naghihintay na ang mga Lolo sa baba. Parating na daw ang T'yong at T'yang." Parang binuhusan ng tubig si Lance at Majz. Bigla silang natauhan.

"Kai! Andiyan ka pala." Gulat na sambit ni Majz. Parang ngayon nga lang nito nakita si Makai.

"You didn't see her sitting there?" Turo ni Lance sa loveseat sa kabilang bahagi ng kama. Umiling si Majz. Napangiti sa sarili dahil maging siya ay hindi niya napansing nakalapit na kaagad si Makai sa kanila. "Well, we got to go." Dugtong na lang ni Lance para maitago ang bahagyang pagkapahiya. Wala na kasi siyang ibang masabi dahil mas okupado ng magandang diyosa ang utak niya.

"Lance, nasa labas ang Mommy at Daddy mo kasama yung bunso n'yo kaya pumasok na ako dito dahil nakita kitang pumasok dito kanina. Umalis na kasi sila Lolo kasama si Ate Korina." Saad ni Makai. "Nagpaiwan ako nung makita kong parating ang mga parents mo." Dugtong pa nito. Naunawaan naman ni Lance ang ibig nitong sabihin.

"Go ahead. I'll be behind you." Saad niya at hinalikan si Majz sa noo. Napangiti naman si Makai sa nakita.

"Susunod ka ha?" Tumalon ang puso ni Lance sa lambing ng boses ni Majz kaya mas lumapit pa siya dito at walang sabi-sabing siniil ito ng halik sa labi. Napasapo si Makai ng bibig at impit na napatili.

"We need to go bago pa sila ang pumasok dito. Sinabi ko lang na naliligo lang si Majz at nagbibihis." Ubod lapad na ngiti nito. Tumango naman si Lance.

"Go. Mauna na kayo. I'll see you in a minute." Utos ni Lance sa dalawa. Hinalikan niya muna sa noo si Majz bago pa siya tumalikod. Pumasok siyang muli sa closet niya ng hindi na nilingon pa si Majz at Makai. Hindi tuloy niya nakita ang panunukso ni Makai kay Majz na mas lalong namumula. Kung lumingon muna sana siya, maaaring nakita niya ang malagkit na tingin sa kanya ni Majz.

Nang nasa loob na siya ng closet a hinawi niya ang mga kanyang mga damit na naka-hanger sa kaliwang bahagi nito. Puro three-piece suit and tie lang ang mga makasabit doon. Ilang sandali pa ay may pinindot siya sa dingding at bumukas ito. Muling inayos ang mga damit na naka-hanger bago pa pumasok doon.

Nang makalabas siya ay inayos muna ang sarili sa harap ng salamin sa loob din ng closet sa kabilang panig lamang ng pintong nilabasan niya. Ito ay ang kwartong sana ay gagamitin ni Majz kagabi ngunit doon na nga niya sa kanyang kwarto dinala ang dalaga, at nang makatulog na ito ay lumipat siya sa kwartong ito at dito na natulog.

Pagkatapos masigurong maayos na siya ay lumabas na ng closet at dumiretso sa pinto. Sinalubong ang mga magulang na naghihintay sa kanila sa salas.

Nagulat pa sila Majz at Makai nang makita siyang kaharap na sa mga magulang, mabuti naman at hindi na rin lang nagpahalata pa ang mga dalaga. Nginitian na lang niya ang mga ito.

"Hello, son." Makahulugang bati ng ama sa kanya. May hinuha na ito sa maaaring naganap kagabi dahil dati niya itong kwarto at alam niya kung ano ang meron doon.

"Hi, Dad. Hi, Mom." Sabay lapit sa mga ito. Inakap ang ama at ina. Hinalikan sa noo si Brielee at nakipag-fist bump kay Siege. "This is Maria Jaise Samonte, my soon to be girlfriend and this is Maria Kaila Samonte, her cousin, Logan's girlfriend." Pormal niyang pakilala sa dalawa.

"Good morning po." Bati ni Makai. Unang nilapitan ni Brielle si Makai at inakap ito ng matagal. Lumambot ang mga mata ni Majz at hindi rin nakaligtas yun kay Lance. Tama nga si Majz, lahat ng ginagawa niya ay nakikita ang napapansin ni Lance, maliban na lang siguro yung kanina, but who knows.

"Hello, hija." Bati nito na may matamis at tunay ng ngiti sa labi. Sunod na hinarap ay si Majz.

Naalerto si Lance dahil seryoso ang mukha ni Brielle na nakakatitig kay Majz. Lalapit na sana siya ngunit pinigilan siya ni siege sa pamamagitan ng tingin. Pinagmasdan na lang niya ang mga ito.

"Maria Jaise, I apologize for my behavior last night. I was not myself lately kaya pasensiya ka na,I know there is no excuse for it. Masyado lang kasi akong nag-aalala kay Logan." Ngumiti si Brielle ng ubod ng tamis kay Majz. Para namang natunaw ang takot na kanina lang ay nakita niya sa mga mata ng dalaga.

"No worries po, Ma'am. I understand." Napataas ang kilay ng Mommy niya na hindi nakaligtas sa kanya dahil sa napakapormal ngunit malambing na sagot ni Majz dito. Lihim siyang nangiti. Go for it, babe.

"Tita. just call me Tita Brielle." Sansala ni Brielle kay Majz. "Both of you, please call me Tita." Pag-ulit niya.

"Okay po. T-tita." Malumanay na sagot ni Majz. Nakikinig lamang si Makai pero nakikita ni Lance na nag-oobserba ito. Naguguluhan kung sa mga sinabi ni Brielle.

"Papa was right, you are very gorgeous, both of you are." Hinaplos ni Brielle ang parehong pisngi ng dalawang dalaga ngunit mas nagtagal siya ng pagkakatitig kay Majz. "Ang gagaling pumili ng mga anak ko." Napangiti si Lance sa tinuran ng ina. Nawala ang lahat ng tampo niya dito ngunit magmamasid pa rin siya.

"Thanks, Mom." Simple niyang sagot habang si Majz at Makai ay parang nalunok ang dila. Tahimik lang din na nakamasid si Siege at Sage.

"Hon, why don't we go downstairs nang makakain na tayo. I know, these two ladies here are hungry kaya doon na tayo sa baba magkwentuhan." Pag-aya ni Siege sa kanila. "And besides Papa and Dad are waiting. Mom and Mama are there, too." Dugtong ni Siege na nakangiti ng ubod tamis sa kanila, labas ang dimple nito.

Naramdaman ni Lance ang mahigpit na pagkapit ni Majz sa braso niya. Di na lang niya masyadong pinansin ang higpit ng kapit nito sa kanya dahil mas nakatuon ang pansin niya sa maaaring gawin o sasabihin ng Mommy niya sa dalaga. Last night was enough.

Alam niyang mabait ang Mommy niya pero iba pa rin syempre kapag may ibang babae nang involve sa mga anak nitong lalaki. It's the world's common knowledge. "No woman is better for their sons. Although naging mainit ang pagtanggap ng Mommy niya sa Ate Maelee nila noon, mas okay pa rin kung maging maingat at mapagmasid siya.

Noon, may mga gabi kasing naririnig niyang kinakausap ng Mommy nila ang Kuya Ethan nila tungkol sa hipag, wala namang masama pero nandun pa rin yung pangamba na baka hindi talaga magustuhan ng Mommy niya si Majz at yun ang paniguradong sisira sa relasyon nilang mag-ina dahil hindi na niya pakakawalan pa si Majz. Sisiguruhin niyang itatali niya sa kanya si Majz kahit magalit at isumpa pa siya ng buong angkan ng Scott at Samonte.

"Let's go." Saad niya. Kinabig ang kamay ni Majz at inalalayan na rin si Makai papunta sa pinto.

Nakita pa niya ang pag-iling ng Daddy niya at pagbulong nito sa Mommy na nagpahagikhik dito. "Possessive much." Napailing na rin siya.

Tahimik nilang tinahak ang pasilyo papuntang elevator.

"Maria Kaila, hija, halika rito." Malamyos na tawag ni Siege sa dalaga. "Hayaan mo yang dalawang yan gumawa ng sarili nilang mundo." Natatawa nitong dugtong.

"Dad, will you cut it out?! Hindi ka nakakatuwa." Saway niya sa ama.

"Siege!" Saway ni Brielle sa asawang nagkukulit na naman. Humagikhik lang si Sage na nakakapit sa braso ng ama.

"Lance..." Pigil ni Majz sa binata. Napahirit ng tawa si Makai. Nilingon ito ni Majz na naninigkit ang mga mata. Nagtaas ng kamay si makai bilang pagsuko ngunit nakangiti pa rin.

"Siege, stop embarrassing her and your son, too. Mamaya hindi na niyan dalhin si Maria Jaise sa atin." Patuloy na pagsaway ni Brielle sa asawa. Lihim na natuwa si Lance. Isa lang ang ibig sabihin ng pagtatanggol ng Mommy niya kay Majz, gusto ng ina ang dalaga.

"Okay lang po, Tito. Sasabay na lang po ako Majz." Saad ni Makai. "Tara, Majz, baka dumating na si T'yang Bebeng at T'yong Martin. Makibalita tayo sa kanila tungkol kay T'yong at Kuya Manuel." Pag-aya nito sa pinsan. Kapit-bisig na naglakad si Majz at Makai papasok sa elevator. Sumunod na rin siya sa dalawa. Tahimik na ring sumunod si Siege, Brielle at Sage.

"I'm sorry, Majz." Paghingi ni Siege ng paumanhin. "I am just happy na nakilala ko kayong magpinsan." Dugtong pa nito.

"It's okay, Tito. Hindi lang siguro ako sanay." Magalang at matapat na sagot ni Majz. Ngumiti ang lalaki sa kanya, gumanti din siya ng ngiti.

Nagbibiruan din ang pamilya nila at mas malakas pa nga silang mang-alaska ni Makai kesa sa Kuya Manuel nila, pero syempre iba pa rin yung kaharap mo ay ibang tao na ngayon mo lang nakilala. Siguro in time. Sabi ng isip niya.

"I understand." Maikling sagot ni Siege. "Can we start all over again?" Malambing na tanong nito. Tumango sila ni Makai.

"Kaya pala malambing din si Logan, may pinagmanahan pala." Bubulong-bulong na saad ni Makai sa likuran nila. Ngumiti si Majz.

"Yes, Tito, Tita, we can start all over." Malapad na ngumiti si Siege at Brielle sa isinagot niya.

Bago pa man sila mapag-umpisang magpakilalang muli sa isa't isa ay bumukas na ang elevator, nasa lobby na sila. Lihim na lang na nakangiti si Majz.

"Ano ang nangyari at ang tagal n'yo?" Salubong ni Aaron sa kanila. Sasagot na sana si Majz pero hinarang siya ni Lance.

"Sorry, Lolo Gramps. Natagalan po ako sa pagbibihis." Ngumiti lang ang Lolo nito. "Tara na at malapit na nilang i-serve ang lunch natin. Nandiyan na din ang tiyahin niyo Majz." Parang nabuhayan siya ng dugo nang marinig na nandiyan na nga ang tiyahin.

"Excuse us po." Paalam niya. Hinila niya na si Makai dahil ang totoo ay naninikip ang dibdib niya. Kung kagabi ay hindi siya makahinga sa sobrang lamig ng Mommy ni Lance sa kanya, ngayon naman ay para siya nalulunod sa sobrang init ng pagtanggap nito sa kanya. Parang mga bipolar lang, from one extreme to another. Napangiti siya sa sariling isip.

"Hoy, Maria Jaise! Magdahan-dahan ka nga!" May kalakasang saway ni Makai kay Majz. nilingon niya ito.

"Eh di bilisan mo! Ang bagal!" Singhal niya dito na parang walang pakialam sa reklamo ng pinsan.

"Grabe ka kamo. Nagmamadali ka talagang makawala sa kanila 'no." Puna nito na may halong pang-aasar. Nilingon niya si Makai.

"Palibhasa kasi wala ka kagabi nang balewalain ako ng nanay ni Lance, dahil yung girlfirend lang ni Logan ang gusto nitong makita. I know she said sorry, but the thought of her being cold to me and she ignored me even after Lance introduced me to her ay hindi pa rin nawawala sa isip ko. First impression last for a while and I feel awkward around them, Makai." Mahaba niyang paliwanag. Bigla uling hinila si Makai nang makitang papalapit na si Lance at ang pamilya nito.

Wala nang nagawa pa si Makai kundi ang sumunod na lang sa gustong gawin ng pinsan. Parang hinahabol ng multo si Majz, iisa lang ang nasa isip niya, ang makarating sa resto at malayo kay Lance kahit ilang minuto lang.

Natigil siya ng bahagya nang maalala niyang hindi nga pala niya alam kung saan sila pupunta, mabuti na lang nakita niya yung manager NB na si Jean na nakilala niya kagabi. May kasama itong isa pang babae na kapareho din ng uniform nito.

"Excuse me po." Panimula niya. Kumaway pa siya dito. Ngumiti ito nang makita siya.

"Hi, Majz. Nandiyan na pala kayo. Kanina pa kayo hinihintay nila Señor." Sambit nito.

Nasaan po sila?" Tanong niya. Napansin siguro nito ang pagmamadali niya kaya bahagya siya nitong hinila.

"Gigi, sumama ka sa amin. Ipapakilala kita sa mga girlfriend ng mga alaga mo." Saad nito. Pinamulahan siya ng pisngi. Sumunod din yung tinawag na Gigi.

Apat silang naglakad patungo sa private arwa ng mga Scotts at importanteng bisita ng mga ito, sa garden.

"Bakit ba kayo nagmamadali?" Tanong ni Jean.

"Gusto lang po naming makita kaagad ang T'yang namin, Tita Jean." Sagot ni Majz.

"Kilala mo siya, Majz?" Tanong ni Makai. Tumango naman siya. Normal lang naman ang lakad nila pero mas nauuna sila ng konti sa kanila Lance.

"Ay, Tita Jean. Siya nga pala ang pinsan ko, si Maria Kaila. Makai kung tawagin namin. Kai, siya naman si Tita Jean. Long time friend na siya ng mga Scott at isa din siya sa mga managers ng Towers." Namangha si Jean sa talas ng memorya ni Majz kahit na kagabi lang sila nagkakilala.

"You remembered." Maikli nitong sagot na puno ng paghanga. Ngumiti si Makai.

"Kaya nga po siya ang Valedictorian namin sa high school at mataas din ang honors niya sa college." Mapagmalaking sabi ni Makai.

"Makai, ano ba nakakahiya." Saway niya sa pinsan.

"Be proud, hija." Saad ni Gigi. Ngumiti na lang siya.

"Hello. Makai. I will just call you Makai, ang cute eh. Parang Macaria Sakay." Saad nito na nagpatawa ng malakas kay Majz. Nag-echo sa hallway ang boses niya ngunit wala siyang pakialam. Kailangan niya ito para kumalma bago niya makita ang tiyahin.

"Huy, Maria Jaise, makatawa ka naman labas pati utak mo." Saway ni Makai sa pinsan. Natawa rin si Jean at Gigi.

"Anyway guys, siya nga pala ang isa sa kaibigan namin. Call her Tita Gigi. Siya ang palaging naghahabol sa tatlo noong maliliit pa ang mga ito at diyan palagi sa private garden na malapit sa pool." Pakilala niya sa kasama.

"Nice meeting you ladies." Bati nito sa kanila. Napapagitnaan sila ng dalawang manager. "Kagagandang mga bata ito, Besh Jean. Hindi ito mga tao eh, mga diyosa yata ang mga ito. Kagagaling pumili ng mga alaga ko." May pagmamalaking saad ni Gigi. Kiming ngumiti sila Majz at Makai.

"Sinabi mo pa, Besh. kaya hindi na ako magtataka kung maghahalo ang balat sa tinalupan kapag may lumapit na iba sa mga ito." Natawang saad ni Jean.

"Bakit naman po?" Inosenteng tanong ni Majz.

"Bakit? Dahil paniguradong maghuhuramintado si LM at LA." Sabi ni Gigi na natatawa pa.

"Teka mga Titas." Sansala ni Makai. "Bakit naman po manghuhuramintado yung dalawa? Mga basag-ulo ba sila?" Tanong nitong naguguluhan. Ngumiti ang dalawang manager.

"Ang gaganda n'yo kasi. Kung hindi n'yo pa napapansin, gusto kayong ipasok sa bulsa ng mga yan. Possessive sila, mga Ineng." Sagot ni Gigi. Nagkatinginan sila Majz at Makai.

"Ganun ba si Logan sa iyo?" Tanong n Majz. Napaisip si Makai.

"Parang ganun nga, kasi nung mag-umpisa nang manligaw si Logan sa akin halos ayaw niyang may tumitingin sa akin kaya palagi siyang nasa harapan ko. Tapos nung sinagot ko na siya bago pa siya mawala, halos ayaw niyang umuwi noon. Pinagtulakan ko na lang siya kasi nga birthday ng Ate at Kuya niya. Gusto niya akong isama pero hindi ako makaalis dahil deadline kinabukasan nung commercial na ginawa namin" Mahabang salaysay ni Makai.

"Oh, kita mo na. Umpisa pa lang yan." Natatawang sabi ni Gigi. "May kasunod pa yan." Dugtong pa nito

"Pero mga mapagmahal at malambing yang mga yan. Mana kasi yan sa Daddy nila na sobrang clingy sa Mommy nila." Sabat naman ni Jean. Napatango-tango na lang silang dalawa. Napansin nga ni Majz na ganun ang daddy ni Lance. Palaging malagkit ang tingin sa asawa.

"Kaya pala ganun din si Lance, malambing at masyadong clingy." Wala sa loob na sabi ni Majz.

"Kita ko nga yun clinginess niya." Taas-baba ang kilay na saad ni Makai. Nilingon niya ito ay nakita ang ginagawa ng pinsan.

"Ako nga Macaria tigilan mo ha!" Singhal niya sa pinsan na nagpatawa dito at sa dalawa pa nilang kasama, ang Tita Gigi at Tita Jean ng triplets.

"Ano ang pinagtatawanan n'yo?!"







--------------
End of LCIF 24: Diyosa

Thank you for reading.the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
08.21.19

Lights! Camera! I've Fallin…
©All Rights Reserved
March 15, 2016

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro