LCIF 23: The Goddess
TANGHALI na nang magising si Majz. Mainit na ang sikat ng araw na nanggagaling sa floor to ceiling na bintana na natatakpan ng manipis na puting kurtina. Matagal siyang nakatitig sa kisame. Inaalala kung nasaan siya dahil alam niyang hindi niya ito kwarto.
Mabilis siyang napabalikwas para suriin ang sarili. Naalala niyang magkasama sila ni Lance kagabi sa kamang ito. Nilingon niya ang espasyo sa tabi niya. Halatang may natulog dito ngunit walang ibang tao kundi siya lang.
Itinuloy niya ang pagsuri sa sarili. May damit pa siya, yun ang suot niya kagabi. Suot pa rin niya ang shorts na nakita niya sa closet. Pinakiramdaman ang sarili kahit hindi niya alam kung ano ang dapat pakiramdaman ayun sa mga kwento sa pocketbook at Wattpad na nababasa niya. Ang sabi ay magkakaroon daw ng kakaibang mararamdaman sa pagitan ng hita. Pinakiramdaman niya yun, parang wala namang kakaiba, walang sakit, kirot o ano pa man na hindi niya talaga alam kung ano.
Tumayo siya at pumunta ng banyo ngunit pinto ng kwarto ang napagbuksan niya kaya isinara niyang muli iyon ng mabilis. Lumingon siya paharap sa kama at pinagmasdan maigi ang loob nito. Hindi ito ang kwartong pinasok niya kagabi para maglinis ng katawan at magbihis.
Napasapo sa kanyang noo. Naalala niya na ng lubusan ang nangyari kagabi. We made out. Shit! Pagpapanic ng isip niya.
Bigla ay nakaramdam siya ng hiya. Hindi siya pinalaki ng mga magulang niya para umakto ng ganito na parang mauubusan ng lalaki. Naiinis siya sa sarili dahil ang bilis niyang bumigay. Ano na lang ang iisipin ni Lance sa kanya, easy to get?
Nanlumo siyang napaupo sa sahig at napasandal na lang sa pintuan. Naiiyak siya sa inis dahil sa nagawa. Napaka-easy to get niya. Nandidiri siya sa sarili, probinsiyana pa man din siyang naturingan tapos kung kumilos siya ay parang taga-bundok na uhaw sa lalaki.
May mahihinang katok siyang narinig ngunit hindi niya pinansin. Mas nakatuon ang pansin niya sa galit sa sarili. Nagulat na lang siya nang biglang bumukas ang pinto at mahina itong itinulak.
"Jaise? What are doing down there?" Bungad ng nag-aalalang boses ni Lance. Mabilis siyang napatingin dito. "W-why are you crying?" Kung kanina ay nag-aalala lang, ngayon naman ay natataranta ito.
Hindi siya kumibo. Ano ang sasabihin niya? Ano ang irason niya kung bakit siya nakasalampak sa sahig at nag-e-emote? Paano niyang ipapaliwanag ang sarili? Sasabihin ba niya na nagpapaka-OA siya dahil sa naging resulta ng kanyang kapusukan? Dios mio, millennial na at halikan lang naman yun. Sumbat ng utak niya sa kanya.
"Jaise, did something happen?" Lumuhod si Lance sa harapan niya. Bahagya siya nitong kinabig patayo. Kahit na nanglalambot ang mga tuhod niya ay tumayo siya.
"Please, baby, talk to me." Pagmamakaawa nito. Tiningnan niya si Lance. Inaarok kung ano ang nasa isip niya, kung ano ang iniisip nito tungkol sa kanya, sa kanila.
Umiling siya. Hindi siya makapaniwalang andoon pa rin sa mga mata ni Lance ang pagmamahal sa kanya.
"Hindi ba nagbago ang tingin mo sa akin?" Wala sa loob niyang tanong habang titig na titig pa rin siya sa binata.
"Ano ba yang pinagsasabi mo? Nagbago ang tingin how?" Tanong ni Lance habang inaalalayan siya nitong umupo sa dulo ng kama.
Nakaputing long sleeves cotton shirt si Lance at makapal ng naka-white denim fabric shorts din na halos umabot sa tuhod nito. Mas lalong umangat ang kagwuhan ni Lance dahil sa mukhang bagong paligo din ito. Pero siya? Eto, mukhang tangang nag-eemo. Bakit? Para saan? Para sa bagay na siya lang siguro ang nag-iisip.
Ikaw ba naman ang ma-shelter ng kapatid mong lalaki hindi ka kaya magsinter nang ganito? Hindi naman sa sinisisi niya ang Kuya niya, nagpapasalamat nga siya dahil iningatan siya nito habang lumalaki sila, pero natatakot siya ngayon dahil baka lahat ng aral na ibinigay sa kanya ng mga magulang at tiyahin ay mawala na lang bigla dahil sa parang hindi niya alam umiwas. Nadadala siya, natatangay.
"Lance, I-I'm sorry. Uuwi na lang ako." Paalam niya.
Gusto niyang sapakin ang sarili dahil imbes na magpaliwanag kung bakit siya ngumangawa ay mas minabuti pa niyang umiwas, tumakbo at wag harapin ang sariling kahihiyan, kung meron ngang dapat ikahiya.
"Nami-miss mo ba ang pamilya mo?" Tanong nito. Tumango siya para hindi na magsalita dahil ayaw niyang pumiyok. "Well, that's good. Parating na sila T'yang Bebeng at Tito Martin. Dito na lang daw sila tutuloy." Napaangat ang tingin niya dito. Kumurap-kurap ang mga mata niya at pilit na iniiwas ang tingin dahil nahihiya siya dito.
"I... uhm... siguro ano... uhm... babalik na lang ako mamaya." Bahagya siyang itinulak ni Lance para mapagmasdan ng maayos.
"Maria Jaise Samonte, sit down. We need to talk." Lihim siyang napabuntong hininga. Pabagsak siyang umupo sa dulo ng kama nang may kalayuan sa binata. Nakayuko at hindi makatingin ng diretso.
"Ano ba ang pag-uusapan natin?" Pinilit niyang pinalamig ang kanyang boses na parang balewala lang sa kanya ang presensiya ni Lance, pero ang totoo ay abot-abot ang kaba niya at nanginginig ang pagkatao niya sa loob. Maingat na umupo si Lance sa tabi niya. Nakahinga siya ng maluwang nang maglagay ng espasyo ang binata sa pagitan nila.
"About last night..." Sinansala niya kaagad ang sasabihin niyo.
"Don't worry about it. Balewala lang yun." Napapikit siya ng madiin sa sinabi. Labas ilong pero sana ay maging tunog determinado ang sinabi niya. Maragsang buntong hininga ang narinig niya mula kay Lance.
"Wow, Jaise." Sambit nito at mabilis na napatayo. Nagpalakad-lakad at Napahilamos ng mukha, iritado at pikon. "Balewala?! Ibinigay ko ang buo kong isip at puso kagabi sa iyo kahit natatakot akong baka isumpa mo ako, kulang na nga lang ibigay ko na rin pati sarili ko, tapos sasabihin mo balewala lang?" Napakurap siya. Laglag ang pangang nakatitig kay Lance. Sino ba ang babae sa kanila?
Di ba dapat sa kanya manggagaling ang mga linyahang yun? Bakit ang binata ang humihirit ng mga paganung salita? Napatitig siya mata ng binata. Kitang-kita niya ang sakit at pait sa mga ito.
"L-lance..." Hindi niya matuloy ang sasabihin. Parang may humarang na kung ano sa lalamunan niya.
"Jaise, look. I know it was all so fast, pero sana naman give me a chance to prove myself to you." Panimula nito. "I'm sorry kung hindi ko mapigilan ang sarili ko na halikan ka, na akapin ka, na titigan ka at ang bawat kilos mo. Jaise, you already are in my system, hindi na mawawala yun. Parang hangin ka na hindi pwedeng mawala sa akin dahil feeling ko hindi ako makakahinga, feeling ko ay mamatay ako kapag wala ka sa paningin ko, sa paligid ko." mas lalong nalaglag ang panga niya sa mga sinabi ni Lance. Ang alam niya ang tatay niya lang ang may ganitong pa-cheesy na kwento.
"Lance..." Pinigil siya ni Lance na magsalita gamit ang hintuturo nitong itinapat sa labi niya. Para namang may tumutusok na maliliit na boltahe ng kuryente sa mga labi niya. Kinilig siya.
"Let me finish." Saad nito. Muntik siyang matawa. Kita dito ang pigil na inis at pagkapikon. "Yung tungkol kagabi, I'm sorry kung iniisip mong I took advantage of you. Hindi ko lang talaga napigil ang sarili ko, but don't worry, wala akong planong kunin ang bagay na hindi pa dapat. I can wait till you are ready, till we are ready. I will wait till Tatay Sepring give us his blessings." Napanganga siya sa tinuran nito. "Although, I've been ready for a while." Pabulong nitong dugtong.
"Grabe ka , Lance." Ang tangi niyang nasambit.
"What? It's the truth. I have my own business that is doing well. I am earning my own money since I was 16. I have saved all that I earned. I have my own house built not far from here. I am getting paid working with Scottsdale Empire, and honestly, I can get married today, wherever and whenever you wanted it to be at may matitira pa hanggang sa magtapos ng college ang lima nating mga anak. And the best part of it is may matitira pa para madala kita sa mga annual or semi-annual trips natin." Saad ni Lance. Hinihintay niyang makaramdam ng yabang mula dito pero hindi man lang umabot doon, bagkus ay humanga pa siya dito.
"Kumikita ka na since 16?" Tumango naman si Lance na nakakunot ang noo. Nawala ang kanilang pinag-uusapan, nawala rin ang pagkailang. "Mabuti ka pa. Ako noong 16 ako, wala akong ginawa kundi harapin ang libro, mag-research para sa essay at term paper projects ko. Review dito, review doon. Tapos pupunta sa bagsakan ng isda o di naman kaya ay sa anihan ng palay hanggang abutin ng gabi." Napatibi siya sa sinabi.
"Jaise, please." Pagmamakaawa ni Lance habang umiiling.
Napatingin siya binata ng nakatagilid ang ulo niya. Iniisip kung ano na naman ang pinagmamakaawa nito gayung nagkukwentuhan lang naman sila. Nasapo niya ang possibleng direksyon ng mata ni Lance, ang labi niya.
"Sorry." Pilit niyang pinakakalma ang sarili dahil katulad ng binata, naadik na rin siya sa mga halik nito.
"Jaise, will you please tell me what is bothering you that made you cry?" Akala niya ay nakalimutan na nito ang naabutan kanina. Akala niya ay nakalimutan na nito ang pinag-uusapan nila. "I need the truth, please. At least, you owe me that." Natawa siya sa tinuran nito.
"I owe you talaga? Grabe ka." Saad niyang natatawa pa rin, pilit na tawa. Ngumiti lang si Lance. Huminga muna siya ng malalim na parang pinupuno ng bagong hangin ang baga bago malumanay at banayad na bumuga ng hangin. "Naiinis kasi ako sa sarili ko dahil hinayaan kong madala ako ng pangyayari kagabi. Iniisip ko tuloy na napaka-cheap ko dahil hinayaan kitang gawin natin yun kagabi." Ngumiti si Lance ngunit tahimik lang itong nakikinig.
"Naisip ko kasi na sa isang probinsiyanang katulad ko, parang ang bilis ko yatang bumigay. Yun bang parang hindi ako napangaralan ng mga magulang ko, parang hindi ako tinuruan kung paanong kumilos ng tama. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi man lang ako nagpakipot." Natigil si Majz sa pagsasalita dahil narinig niya ang mahina ngunit baritonong paghalakhak ni Lance.
Napatingin siya dito. Pinulot niya ang unan na nasa gilid niya at inihampas ito sa binata. Sinangga naman kaagad ng binata ang unan.
"Pang-asar ka eh!" Singhal niya dito. "Nag-e-emote yung tao dito eh ikaw naman diyan tinatawanan mo pa." Ngumuso siya. Kinabig siya ni Lance palapit dito at hinalikan sa noo. Kasyang-kasya siya matigas nitong dibdib.
"Bakit ka magagalit at bakit ka mahihiya?" Tanong nitong may kinang sa mga mata. Ngayon niya na-realize na napaka-expressive pala ng mga mata nito. Shoot! Ang gwapo ng kumag.
"Eeeiii!! Kasi naman eh. Hindi pa nga tayo tapos may mga ganun nang ganap." Wala sa loob niyang nasabi. Huli na para bawiin yun. "I'm sorry." Simple niyang dugtong.
"I know, I'm sorry, too." Sagot naman ni Lance. "Well, here's an idea. Bakit hindi na lang natin totohanin? Bakit hindi na lang maging tayo?" Napanganga siya sa idea nito.
"Seriously?! Para-paraan lang eh no." Sambit niya sabay hampas sa dibdib nito. Natawa din si Lance at ginagap ang kamay niya. Dinala ito sa labi nito at banayad na hinalikan. Ang sweet ng gagong ito, kainis!
"So, what do you say?" Tanong nito na may kasama pang kindat. Sumikdo tuloy ang puso niya.
"Di ba nakakahiya na parang ang bilis lang?" Gusto niyang titigan ang mga mata ni Lance pero pinipigilan lang niya ang sarili, kaya natutuwa siya dahil may konsiderasyon ang binata sa feelings niya.
"Ano naman ang nakakahiya doon, unless ako ang ikinahihiya mo." Saad ni Lance. Napaatras ng bahagya ang katawan niya mula sa bisig ng binata ay wala sa oras na napatingin dito.
"Eh kasi, parang ang easy to get ko naman." Nagmamaktol niyang sabi. Natawa ng bahagyang binata. Iigkas pa sana ang kamay niya ngunit pinigil nito ang kamay niya na hawak-hawak pa rin nito.
"Saan namang banda ang easy to get doon? Dahil nagpahalik ka sa konting ligaw lang? Kung ligaw ang gusto mo, liligawan pa rin kita. Mananawa ka sa panliligaw ko." Saad nito sabay kabig uli sa kanya. Nagpaka-relax na lang siya.
Ano ba ang pwede niyang gawin? Gusto naman niya ang binata at wala namang dahilan para patagalin pa niya ang pagsagot dito.
Sa loob ng maikling panahon na kasa-kasama ang binata ay parang nakilala na niya ang ito ng husto. Wala itong kiyeme sa katawan, mayaman nga pero parang hindi naman mayaman umasal. Pati nga sa pananamit nito ay hindi halatang designer clothes kasi hindi ito madalas magdamit ng ganun, dahil kadalasan nitong suot ay yung damit na bigay ng mga ini-endorse nito. Ano pa nga ba? Bakit nga ba?
"Ayoko kasing isipin nila Tatay na ganun mo ako kabilis mapasagot. Ayokong maiba ang tingin nila Tatay sa iyo at sa akin na rin." Paliwanag niya. Tumango-tango naman si Lance.
"Eh di ganito na lang ang gawin natin kung yan talaga ang inaalala mo, ayoko rin namang ma-bad shot kay Tatay. Hayaan mong ligawan kita hanggang sa magsawa ka, pero girlfriend na kita simula ngayon." Biglaan siyang napahiwalay sa binata.
Pinakatitigan niya ang mukha ng binata, inaarok kung biro ba ang sinabi nito o seryoso. "Stop sizing me up. I'm serious, Jaise." Dugtong nito nang makitang naniningkit ang mga mata niya sa pagtitig dito.
"Ang kampante mo kamo." Saad niya sabay iwas ng tingin. Natutunaw na kasi siya sa tinging ibinigay ni Lance sa kanya.
Ayaw niyang mag-assume pero feeling niya siya na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa dahil sa makalaglag-panty na mga titig nito sa kanya.
"Dahil ikaw naman talaga ang pinakamagandang babae na nakita ko sa buong buhay ko, pangalawa sa Mommy ko syempre, but that's beside the point. Baka nga nalampasan mo na ang ganda ng Mommy ko." Parang natunaw ang puso niya, nawala ang pagpahiya.
"Umayos ka, Scott! Narinig mo pa yun?!" Singhal niya dito. Pilit niyang pinagtatakpan ang kilig na gustong lumabas kanina pa. At pilit din niyang iniisip kong paano nitong nalaman ang iniisip niya.
"Sa susunod kasi, kung mag-iisip ka, wag mong sasabihin ng may kalakasan." Bulong nito sa kanya. Napatuwid siya ng upo. "You are thinking out loud." Dugtong nito sabay halik sa labi niya. Mabilis lang yun pero ang kuryenteng dulot nito sa kanya ay grabe. Natahimik na siyang sumandal uli sa dibdib nito.
HINDI malaman ni Lance kung ano ang gagawin niya sa dalagang nakasandal sa kanya. Ayaw na niya itong pakawalan. Kung pwede ngang pakasalan na niya ito ngayon din mismo ay kanyang gagawin para tapos na ang paghihirap niya at para makasama na rin niya ito sa araw-araw. Pero hindi pwede dahil may mga pangarap pa ang dalaga.
"Alam mo, magbihis ka na kasi magla-lunch tayo sa baba. Parating na sila T'yang." Utos niya dito. Tumango lang si Majz pero hindi naman tuminag. Napangiti siya ng lihim.
"Kailangan ba talagang sa baba pa tayo magla-lunch? Di ba pwedeng dito na lang? May dining area naman ang penthouse mo." Parang bata itong nagrereklamo. Napatawa siya ng bahagya.
"You don't only look cute, you sound cute, too." Usal niya. Nakaramdam na lang siya ng maliit na kurot sa bewang sa bandang likod niya. "Aray naman, babe." Sambit niya na natatawa.
"Babe ka diyan. I-babe mo yang mukha mo!" Singhal nitong paalis sa tabi niya, kaya kinabig niya ito para pigilan.
"No. You stay." Saad niya. Nagpaunlak naman ito.
Oh God, why did you create her this way? She's too beautiful for me. Piping dasal ng kanyang isipan.
Kung bakit nga naman sa isang Maria Jaise na ubod ng ganda pa siya nahulog, na-in love. Marami naman diyang magaganda din naman na pupwedeng maging kaparis ng isang katulad niyang ordinaryong mukha, pero bakit ang isang diyosa pa na nagmula sa San Nicolas ang itinibok ng puso niya.
Maamo ang mukha ni Majz at napakainosente nitong tingnan. Malalantik ang mga pilikmata nitong bumagay sa hugis ng mga mata nitong mapangusap. Mapupula ang may kapintugan nitong mga labi na napakasarap nga namang halikan. Akala niya noon ay hanggang tingin na lang siya sa mukha nito at higit sa lahat, sa mga labi nito, pero ngayon eto na nga at natikman na niya, nakakaadik pala talaga.
Napakaswerte ng isang Lance Muriel Scott dahil ang isang Maria Jaise Samonte ang magiging girlfriend niya. Sana nga lang ay pumayag ito. Alam niyang unorthodox ang ginagawa niyang panliligaw pero ito lang ang alam niyang pinakamabilis na paraan para mapasagot niya ito bago pa siya maunahan ng iba. Kinabahan kasi siya sa sinabi ni T'yang Doray na anak ng dating mayor na nanligaw sa dalaga.
Ngayon nakita na niyang muli ang dalagang sinisinta mula noong siya'y bata pa ay hindi na takaga niya ito pakakawalan, lalo pa't si Majz din pala yun.
Akalain mo nga naman, sa tinagal-tagal ng panahon, magkikita pa rin pala silang muli, at ang nakakabilib pa sa tadhana ay ang babaeng minahal niya noon at ang babaeng minamahal niya ngayon ay iisa lang. You are one lucky bastard, Lance. Don't blow this up. Pangaral niya sa sarili.
"Lance." Tawag pansin nito sa kanya.
"Hmm..." Sagot niyang nakapikit. Para siyang nananaginip pa rin dahil sa malayong takbo ng kanyang isip.
"Lance, may kumakatok." Napadilat siya ng mata. Nakiramdam, nakinig. Mahina nga lang pero meron ngang kumakatok.
"Go to the bathroom. There's a towel there, underwear and new pack of toothbrush and your clothes are hung up in the back of the door." Utos niya sa dalaga. Mabilis naman itong kumilos at sa isang iglap, nawala ang diyosa sa harap niya.
"Damn! She's gorgeous!" Pabulong niya saad. Nanghihinayang na wala na ang init ng katawan nito sa braso niya.
Tumayo siya humugot ng malalim na hininga at maragsang ibinuga ito. Lumapit na siya pinto at pinagbuksan ang taong kumakatok dito.
"McNight." Bati niya dito.
"Anong ginagawa n'yo? Nasaan si Majz?" Bakit ang tagal n'yong lumabas?" Itinulak niyo ang pinto at sunod-sunod na tanong ang ibinato nito sa kanya. Napataas ang kilay niya.
"Hmn... wag malisyosa. Nasa banyo siya at naliligo. Hinihintay ko siyang matapos." Sagot niya dito. Seryoso ang mukha niya. Tumango-tango naman si Makai.
"Pwedeng maghintay dito kasama mo?" Tanong nito na puno ng panunukso.
"Oo naman, bakit hindi." Mabilis niyang sagot. "Have a seat." Turo niya loveseat sa kabilang bahagi. Lumapit naman doon si Makai at prenteng umupo. Lumapit naman siya sa closet at pumasok doon.
Ilang minuto din siyang nagtagal sa loob ng walk in closet para magbihis. Kumuha lang siya ng simpleng tattered jeans at isang puting cotton shirt. Isinuot ang puting sapatos at ilang sandali pa ay tapos na siya.
Lumabas siya ng closet. Nagulat pa siya nang makita si Majz na nakabihis na rin. Napatulala na lang siya sa ayos at ganda nito.
"She is a goddess, alright."
--------------
End of LCIF 23: The Goddess
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.
💖 ~ Ms J ~ 💖
08.19.19
Lights! Camera! I've Fallin…
©All Rights Reserved
March 15, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro