Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LCIF 22: Bahala Na










"Lance..." Naitulak ni Majz si Lance. Nagulat siya sa biglang nagsalita sa nakabukas na lift.

"Mom." Malamig na bungad ni Lance. Muli nitong kinabig palapit si Majz sa kanya habang sa ina ang mata. "What are you doing in the east wing?" Malamig niyang tanong sa ina.

"I came to check on Leland's Pent. Pinaayos ko sa Tita Jean mo and your Tita Gigi will be here tomorrow to assist you all." Naiiling na lang si Lance.

"If this is your way of saying sorry, it's not working, Mom." Malungkot niyang saad. "I love you, Mom, but I need a little space." Yung lang sinabi ni Lance. Hinalikan ang ina sa noo at nilampasan ito na hila-hila si Majz.

Ganyan naman siya palagi kahit masama ang loob sa ina. Hindi pa rin nakakalimutang si Brielle ang mommy niya, masama man ang loob o galit siya may halik at akap pa ring kasama. Ramdam at kita ni Majz sa mga mata ni Lance ang pagmamahal sa ina ngunit kita rin ang sama ng loob.

"Mar-" Sinubukan ni Briell tawagin si Majz kahit Maria lang ang natandaan nito sa pangalan ng dalaga ngunit maagap na lumingon si Lance para pigilan ang ina.

"Don't, Mom. Don't force yourself to call her by her name because we both know that you didn't even remember the rest of it." Nakita ni Lance ang Daddy niya na papalapit sa kanila. "Go home, Mom. Take a rest. Jaise needs it, too." Imbis na pumasok sa penthouse ni Leland ay lumiko siya kabilang pasilyo papunta sa kanyang pent kung nasaan si Makai at Korina.

"Let's go, honey. Hayaan mo munang magpahinga ang mga bata." Narinig pa niyang saad ng Daddy niya. Pagkatapos ay narinig na niya ang pagbukas at pagsara ng pinto.

"Lance, mukha yatang ayaw ng Mommy mo na dito kami ng pinsan ko magpalipas ng gabi." Humugot ng malalim na paghinga si Lance bago siya tumigil sa paglakad.

"It's not up to her, Jaise." Mataman niyang tinitigan si Majz sa mata. Kita niya ang pag-aalinlangan sa mga ito. "Let's discuss this tomorrow. Pagod ka na, pagod na rin ako. It's almost midnight, baka hinahanap na tayo ni Kaila." Napakurap si Majz sa pangalang ginamit ni Lance para sa pinsan. Pumikit siya at yumuko.

"Tara." Malungkot niyang saad. Kung nakikita niya lang sana ang ngiti sa mga labi ni Lance paniguradong maiinis sa ibang dahilan.

"Are you jealous?" Pabulong na saad ni Lance. Naramdaman niya ang mainit ns hininga nito sa gilid ng tenga. Ayan na naman ang pakiramdam na kamakailan lang ay nagpakilala sa kanya at ngayon nga ay ayaw na siyang tantanan. Kinakabahan siya para sa sarili dahil hindi niya alam kung ano ito. Bago ito sa kanya. Natatakot siya na baka hindi niya makayanang dalhin ng maayos ang bagong pakiramdam na ito.

"N-no." Walang tiwala sa sariling sagot niya. Kinabig na lang siya ni Lance at hinalikan sa gilid ng ulo.

"Ang cute mo, alam mo ba yun?" May himig panunuksong sabi ni Lance. Inirapan niya ito.

"Ikaw ha, namimihasa ka na ng pang-iinis at kahahalik sa akin, hindi naman kita boyfriend." Wala pa rin sa loob na sabi niya. Huli na para mabawi ang sinasabi na akala ay nasa isip niya.

"Eh di sagutin mo na ako para hindi na awkward na hinahalikan kita ng ganito." Isang mabilis na pagkabig ang muli niyang naramdaman at isang matunog na halik ang iginawad nito sa pisngi niya. Pinamulahan siya ng mukha. Dios mio, buhay oa ba ako?

"Eww! Gross!" Sigaw ng isang tinig na nanggaling sa kabubukas lang na pinto. "Kuya Lance, get a room!" Dugtong pa nito.

"Shut up, Sage." Singhal niya sa kapatid. "Go with Dad and go to sleep." Dugtong pa niya na binalewala nito.

"Hi, Ate Majz, I'm Sage." Pakilala sa sarili. "Wag kang pauuto diyan kay Kuya Lance. Dimple lang ang meron yan." Dugtong nitong sabay takbo sa pasilyong pinaggalingan nila ni Lance.

"Go to sleep, Sage. You have school tomorrow." Utos sa kapatid. Dumila ito at umirap. Natawa naman siya. Naisip niya siguro nga stress lang mommy ni Lance kaya siguro ganun. Mabait naman ang daddy ng binata at ang kapatid na bunso ng mga ito.

"How old is she?" Tanong niya. Lahing matatangakad siguro ang magkakapatid.

"She's hoing to be 10." Nagulat siya sa sagot ni Lance. Akala niya teenager na ito.

"Wow." Ang tangi niyang nasabi.

Kakabigin na sana ni Lance ang pinto nang bigla na lang itong humarap sa kanya.

"Jaise, kung sakaling may ikagagalit o ikasasama ka ng loob sa future, please do not run off like that again. I get too worried." Pahayag ni Lance. Hinaplos ng binata ang kanyang pisngi.

Napabuntong hininga naman siya dahil alam niyang mali ang kanyang ginawa. Una, hindi niya kabisado ang lugar. Pangalawa, naging overly sensitive lang siya ng wala naman talagang dapat na ikaka-sensitive. Pangatlo, sino siya para mag-react ng ganun, eh maliit na bagay lang naman yun at mukhang siya pa ang nagpalala.

"I'm sorry, too. I think I was just too tired, sleepy and still overwhelmed reaumanhin. "I'll be okay tomorrow." Dugtong pa niya. Ngumiti naman ang binata sa kanya na nagpabalik ng ngayon ay pamilyar na damdamin.

Nawiwili na ang sistema niya sa kakaranas ng ganitong klase ng hindi niya maintindihan na pakiramdam. Hinawakan niya ang kamay ni Lance na humahaplos sa pisngi niya.

"Pwede bang humingi ng pabor?" Pinilit niyang titigan ang mata ng binata. Nalulunod siya, oo, pero pipilitin niyang makaahon bago pa siya matuluyang lu ubog.

"Sure, anything." Mabilis na sagot ni Lance. Muli siyang bumunot ng malalim ng paghinga bago nagsalita.

"Pwede ba muna akong mag-isip tungkol doon sa sinasabing mong ano..." Hindi niya alam kung paanong sasabihin ang gusto niyang sabihin na hindi na niya kailangan pang sambitin ang I love you na sinabi ni Lance.

"Yung ano? Yung sinabi kong mahal kita?" Sambit nito. Nakahinga siya ng maluwag.

Napapansin niya ang pagiging sensitive ni Lance sa damdamin niya at masyado itong in-tuned sa takbo ng isip niya. Napahugot siya ng malalim na paghinga.

"Don't worry about it." Nakangiting saad ni Lance. "Sinabi ko naman sa iyo kanina, hindi ako nagmamadali. I just wanted you to know how I feel. I was going to ask you take me now but all I want you to do is for you to think it over. Gusto kong pag-isipan mo kung may pag-asa ba ako o wala, kung karapat-dapat ba ako sa iyo o hindi... kung mahal mo na rin ako" Dugtong ni Lance. Natunaw ang puso ni Majz sa katapatang nararamdaman sa mga salita ng binata. Tanga na lang siya kung babalewalain niya ito.

"Salamat." Muling ngumiti si Lance sa kanya at hinalikan siya nito sa noo. Napanatag ang loob niya at hinayaan niyang yakapin siya ng binata. Kumalma na ang puso niya sa ginawa ni Lance. Napangiti siya dahil ngayon sigurado na siya sa laman ng puso niya. In time, Lance, in time.

"Let's go inside bago magpadala ng rescue team sila Lolo." Saad ni Lance habang yakap pa rin siya nito. Para naman siyang nanlumo, dahil doon lihim siyang nailing sa takbo ng isip.

Tahimik na binuksan ni Lance ang pinto at sinalubong sila ng tingin ng dalawang apuhan na nakalagay ang hintuturo sa labi ng mga ito na sinasabing wag maingay.

"Majz, ang tagal n'yo. Saan pa ba kayo nagpunta?" Nag-aalalang tanong ni Makai. Pabulong itong nagsalita.

"Pasensiya na, Kai. Nasalubong namin ang parents ni Lance sa baba." Simple niyang sagot. Tumango-tango na lang si Makai ngunit nakita niya ang kaba at alinlangan sa mga mata ni Makai.

"Nasaan na sila?" Mahinang tanong ni David.

"They'll be staying in Leland's pent." Maikling sagot ni Lance pero halatang wala sa mood pag-usapang ang mga magulang.

"Kaya pala nandito si Sage kanina." Sabat naman ni Aaron.

"Bakit ba hindi sinabi ng batang yun na Mommy niya kasama niya? Akala ko tuloy si Quinn ang nagdala sa kanya dito." Nakakunot ang noong sambit ni David.

"She came with Mom and Dad." Sagot ni Lance. "I think there will be a mandatory breakfast tomorrow." Naiiling na saad ni Lance. Nagtaas ng kilay ang parehong apuhan. May gustong alamin ngunit hindi na nang-usisa pa.

"Na-meet mo na ang parents nila?" Wala sa loob na tanong ni Makai. Napalingon si Majz kay Lance na parang nagtatanong. Nagkibit-balikat lang si Lance.

"Yeah. Kanina sa baba." Maikli niyang sagot si Makai. Tumaas ang kilay nito. Nakita yun ni Majz kahit na sinadya niyang iwasan ang tingin nito sa pamamagitan ng kunwaring pagsilip sa phone niya.

"Majz." Tawag nito sa kanya. "Yung totoo." Maikli nitong pag-usisa.

"Makai, wala. Nagkakilala lang kami sa baba, nag-usap sila ng Daddy niya." Turo ni Majz kay Lance. "Pagkatapos umalis na rin sila. Naiwan kaming dalawa sa lobby dahil nag-usap pa kami ni Lance." Pinilit ni Majz na tumitig ng diretso kay Makai nang hindi kumukurap o nililikot ang mata.

"Anong pinag-usapan n'yo?" Tanong ni Makai na nagpipigil ng ngiti atkay Lance nakatingin.

"Makai, personal na yun. Hindi mo na kailangan pang malaman." Namumula ang pisngi niya. Natawa naman si Makai.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko kundi si Lance." Panunukso ni Makai na may halong katotohanan.

"Well, there's nothing really much to tell. Have breakfast tomorrow with them tapos bahala na bukas kung ano ang iba pang mapag-usapan after ng breakfast." Sagot ni Lance. Nilibot ang tingin sa buong penthouse na parang may hinahanap. "Nasaan si Korina?" Tanong niya.

"Ayun. Nakatulog na." Itinuro ni Makai ang isa sa tatlong maliit na kwarto sa loob ng penthouse. "Napahaba ang usapan nila ni Kuya Manuel, nagkaiyakan pa. Sa susunod na linggo pa luluwas ang Kuya pero bukas ng gabi ang uwi ni T'yang kasama ang T'yong Martin." Kwento ni Makai. Napausal ng simpleng thank you si Majz kay Lance dahil sa pag-iiba ng usapan.

"Nakausap ko rin si Sepring, nagpasalamat siya at nakiusap na kung pwede ay dumito na muna daw kayo dahil nagwawala daw si Tomas. Nagpadala ng pulis sa mansyon nila Martin para matulungan siyang halughugin ang buong mansyon pati na sa bahay n'yo." Salaysay ni David, nag-igtingan ang bagang nito.

"Isinama pa ni Tomas yung Mayor n'yo para daw ilabas ni Martin si Korina." Salo ni Aaron. "Gumawa pa talaga ng eksena ang lalaking yun." Dugtong pa nito. Halata ang galit.

"Hala. Paano yan? Anong nangyari? Sandali tawagan ko si Tatay." Natatarantang sabi ni Majz. Napatitig lang si Makai sa kanya na natatawa.

"Maria Jaise." Tawag pansin nito. Hindi kumibo si Majz. Busy siya sa pagkalikot ng kanyang cellphone.

"Bakit ayaw sumagot ni Kuya?" Tanong niya na walang tinutukoy kung sino sa apat ang kausap.

"Maria Jaise!" May kalakasang tawag ni Makai.

"Bakit ba ayaw sumagot ni Tatay?" Mangingiyak na ito.

"Maria Jaise!" Mas lalong napalakas ang tawag ni Makai sa kanya.

"Sssshhhh!" Sabay na saway ni Aaron at David. Napatingin siya sa tatlong kaharap at sa isang nasa gilid niya. Naka-peace sign at nakangisi si Makai na akala mo ay nakagawa ng mali.

"Wag kayong maingay. Tulog na si Korina sa isang kwarto." Paalala ni David.

"Si Makai kasi eh kung makasigaw parang taga-bundok." Saad ni Majz na nakanguso. Natawa naman si David at Aaron dahil natural na natural ang kilos ng dalawang magpinsan sa harap nila.

"Anong ako? Eh ikaw nga itong hindi maihiwalay yang pagmumukha sa cellphone eh. Halos magkapalit na nga kayo ng mukha eh." Natatawang saad ni Makai.

Itinaas pa nito ang paa sa sofa at patagilid na hinarap siya. Nandun pa rin ang nakakalokang ngiti sa mga labi nito. Mas lalo tuloy siyang nainis at napasimangot. Nakagat ni Lance ang looban ng pisngi niya dahil sa pagpipigil ng panggigigil. Humugot siya ng malalalim na paghinga at bahagyang lumayo kay Madz para umupo sa dulo ng mahabang sofa.

"Ano ba kasi at tinatawag mo ako? Alam mo naman na sinusubukan kong tawagan si Tatay." Dugtong pa ni Majz na halata mo talagang pikon na pikon na.

"Tinatawag kita para sabihin sa iyo na sinabi ni T'yong na papatayin niya ang phone ni Kuya Manuel para walang tawag na papasok at lalabas, dahil ayaw daw ni Aling Laging na malaman ni Mang Tomas na kasama natin si Ate Korina." Pahayag ni Makai.

Laglag ang balikat ni Majz na ibinulsa ang phone at pabagsak na mupo sa sofa. Humalukipkip pa ito dahil sa naiinis at hindi nakausap ang tatay nito kaya hindi niya napansin na halos sa kandungan na ni Lance siya bumagsak, nakaiwas lang ito ng bahagya.

"Ako na ang tatawag sa Tatay mo bukas pagkatapos natin mag-almusal para makausap mo siya. At least, Scottsdale Empire ang lalabas na tawag. Sa ngayon, matulog na muna tayo." Malumanay na saad ni David.

"Tatlo ang kwarto rito, ukupado na ni Korina yung isa. You can use any of the two left. Makai, siguro mas mabuting samahan mo na lang si Korina sa kwarto niya, there are two beds in that room and Majz you can use one of those. All rooms have restrooms kaya hindi mo na kailangan pang lumabas." Segunda ni Aaron. Tumango lang si Makai at Majz.

"Bukas ng umaga ay nandito na si Quinn, Brynn at Maelee para magdala ng masusuot n'yo. May mga fresh sets ng PJ na dala si Quinn kanina at nasa loob na ng bawat closet ng mga kwarto, pumili na lang kayo." Salo ni David.

"Maiwan na namin kayo. I am tired and ready to hit the sack." Saad ni Aaron. "Come on, Balae. We are not getting any younger. Puyat is not good for us." Dugtong pa nito na sinadyang kopyahin ang mga teenager. Natawa tuloy ng sabay si Makai at Majz. Napangiti si Lance dahil normal na normal nang kumilos ang dalawa sa harap ng mga Lolo niya. Sana ay ganun din bukas sa harap ng pamilya niya.

"Okay, hija. Give Lolo Pops and Lolo Grams a goodnight kisses and hugs." Alok ni David. Mabilis namang tumayo sila Majz at Makai at nagkanya-kanyang akap sa dalawang matanda tapos ay nagpalitan na sila ng inakap.

"Goodnight, Lolos." Sabay na wika ng dalawa.

"Goodnight!" Sabay namang ganti ng dalawang apuhan.

"Lance, ikaw na ang bahala sa kanila." Bilin ni David bago pa lumabas ng pinto.

"Lance, behave." Yan naman ang bilin ni Aaron. "We are just next door." Dugtong pa nito.

"We got it." Sagot ni Lance.

"Salamat po, Lolo." Sambot naman ni Majz.

"See you tomorrow morning, Gramps and Pops." Paaalan ni Lance. Natawa ang dalawang matanda bago pa tuluyang sinara ang pinto.

Panandalian silang natahimik. Nakikiramdam sila sa isa't isa.

"Majz, ano sa palagay mo ang mangyayari? Bakit dito tayo dinala nila Lolo sa Scottsdale Towers?" Wala sa loob na tanong ni Makai. Humugot ng malalim na paghinga si Majz bago nagsalita.

"The way I see it, iniiwas nila Lolo na mapahamak ang T'yang Bebeng lalo na ang Kuya Manuel kaya dito tayo pinadiretso." Panimula ni Majz. "Nakakalungkot na sa ganito humantong ang love story nila Kuya pero sa nakikita ko, dapat noon pa ikinasal yang dalawang yan eh." Dugtong pa nito. Mataman lamang na nakikinig si Lance at tahimik na nakaupo sa tabi ni Majz.

"Grabe. Ganito pala ang nagtatanan? Ang hirap huh." Bulalas ni Makai sabay tayo. "Matutulog na ako." Deklarasyon niya.

"Iiwan mo na ako?" Tanong ni Majz.

"Loka-loka! Ayan lang ang kwarto oh. Wag OA, Maria Jaise." Saad nitong tatawa-tawa. "Goodnight na. Matulog na rin kayo." Dugtong pa nito. Tumango lang silang dalawa.

Umalis na si Makai na gegewang-gewang na parang lasing. Halata mo na talagang antok at pagod na. Naiwan silang dalawa na tahimik.

Kinabig ni Lance si Majz at muling hinalikan sa gilid ng ulo.

"Magpalit ka na ng PJ, tapos balik ka dito. Nasa kusina lang ako." Malambing na utos ni Lance. Tumango siya at tumayo na.

Nang makaalis na ang dalaga ay pumasok na siya ng mini kitchen ng penthouse niya. Naghanda siya ng dalawang ice cream bowl, isa para sa kanya at isa para kay Majz. Maya-maya lang ay lumabas na ng kwarto si Majz, nakasuot ito ng long sleeves pajama top at shorts. Nakalugay ang buhok at maaliwalas na ang mukha nito.

Muntik niyang takbuhin at yakaping muli ang dalaga ngunit sinuway ang sarili. Down, boy. You will scare her. Saway niya sa sarili.

"Here." Simple niyang sabi sabay abot ng isang ice cream bowl. Ayaw na muna niyang magsalita dahil pakiramdam niya ay pipiyok siya o di naman kaya ay siilin niya na lang ito ng halik. Masyado na siyang nawiwili at naadik sa dalaga.

"Thank you." Malambing sagot ni Majz. Ipinilig ni Lance ang kanyang ulo. Konting-konti na lang ay bibigay na siya. Paniguradong makakasuhan siya ng harassment at abuse... abuso sa paghalik at harassment sa labi ng dalaga. Damn, I'm addicted to her.

"Majz, I am really serious when I ask you to stop doing what you're doing." Napatanga si Majz sa kanya. Hindi nito maintindihan kung ang ibig sabihin ng binata.

"Huh?" Lito at hindi alam ang isasagot kay Lance. Tumawa siya at sumubo ng maliit na bahagi ng ice cream na nasa kutsarita niya.

"I find you irresistible and desirable. Anything you do or say in a malambing way makes my whole systems go haywire, which means, not only I am in love with you, I am also desiring you." Hindi niya sinasadyang umungol nang pagaralgal. Nandilat ang mga mata ni Majz. Hindi naman nakitaan ng takot o pag-aalangan, pagtataka lang ang nakikita dito ang apoy na makita sa mga mata niya. In a way, alam niya na pareho sila, hindi nga lang alam ni Majz kung ano ang nararamdmaan niya.

"I... I don't know what to say." Sagot ni Majz.

Inilapag ni Lance ang bowl niya sa ibabaw ng counter at hinarap ng malapitan si Majz. Binuhat niya si Majz at iniupo sa counter. Itinukod ang parehong kamay sa magkabila ni Majz na parang ikinukulong niya ito at nakipagtitigan sa dalaga.

Walang salita na nagmumula sa kanilang mga bibig ngunit ang kanilang mga mata ay nag-uusap. Malayo na ang narating ng kwentuhang mata nila. Unti-unti ay lumapit si Lance sa dalaga. Pigil hininga naman si Majz, puno ng antisipasyon. Natatarantang nae-excite na hindi mawari. Kinikilig na parang inaapoy silang pareho.

Nang malapit na malapit na ang mga labi nila sa isa't isa, bigla na lang sinubuan ni Majz ng isang kutsaritang ice cream si Lance. Walang nagawa ang binata kundi tanggapin iyon. Bagay na kanina pa niya hinihintay. At least, nalamigan siya at naibalik sa katinuan ang utak niya. That's what you get, addict. Nangingiti niyang singhal sa sarili.

"Lance naman eh. Nakakarami ka na ha." Pagmamaktol ni Majz. "Lahat na lang ng ginagawa ko nakikita mo. Wag mo na kasi akong pansinin para di ka na matukso." Natawa si Lance sa sinabi ni Majz. Hindi ba niya iniisip na hindi mo kayang gawin yun? Sabi ng isang panig ng utak niya.

"How would I do that?" Tanong niya sa dalaga. Ibinaba ni Majz ang bowl ng ice cream sa counter.

"I don't know." Sagot nitong nakatitig sa kanya.

"Hindi ko alam gawin yun, kasi lahat ng ginagawa mo at ang expression na nagagawa ng mukha mo ay nakakakuha ng pansin ko. Kahit na pumikit pa ako, ikaw pa rin ang nakikita ko." Saad niyang papalapit ng papalapit ang mukha niya sa dalaga.

"Bakit ba kasi nakikita mo ang lahat ng ginagawa ko?" Tanong pa rin ni Majz.

"Hindi ko alam. Basta ang alam ko, marinig ko lang ang boses mo, kahit nasa malayo ka pa, hindi pwedeng hindi kita titingnan o lilingunin. Maramdaman ko lang ang presensiya mo, nagiging alerto na ako. I can not get you out of my mind even if I tried to. Siguro kahit ma-amnesia ako, ikaw pa rin ang magiging laman ng isip ko, makakalimutan ko ang lahat pero ikaw hindi dahil alam kong ipapaalala ka sa akin ng puso ko." Pakiramdam ni Majz ay sumabog na ang puso niya sa mga pinagsasabi ni Lance. Kitang-kita sa mata nito ang katotohanan sa sinasabi ng binata.

Hindi tuloy alam ni Majz kung ano ang isasagot sa sinabi ni Lance. Mukhang mahihirapan siyang pag-isipan muna ang inaalok nitong panliligaw, baka nga bago sumikat ang umaga ay sagutin na niya ng wala sa oras ang binata.

"Lance, wag mo naman akong pahirapan." Pakiusap ni Majz sa kanya. Lumamlam ang mga mata niya. Gusto niyang iparamdam ang pag-unawa at pagmamahal sa dalaga sa pamamagitan ng kanyan gmga mata. Bigla ay niyakap siya nito at ito na rin mismo ang unang humalik sa labi niya. She's something else, I love it. Takbo ng nabigla niyang isip.

Nagulat man si Lance sa ginawa ni Majz, napuno naman ng tuwa ang kanyang puso. At least, ngayon alam niya na may pag-asa siya para sa dalaga.

Binuhat niya si Majz habang patuloy pa rin ang paghalik nila sa isa't isa. Pumulupot naman ang makikinis na mga binti ng dalaga sa bewang niya. Sinamatala niya yun at naglakad patungong kwarto niya.

Bahala na si Ironman. Takbo ng isip ni Lance.

Bahala na si Pikachu. Sigaw ng isip ni Majz.

















--------------
End of LCIF 22: Bahala Na

Thank you for reading.the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
08.16.19

Lights! Camera! I've Fallin...
©All Rights Reserved
March 15, 2016

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro