LCIF 21: I Love You
Otor's Nowt: Hello po. First Otor's Nowt sa story na ito. Pasensiya na po at namali po ng pindot kanina, pero okay na po. Pwede na. Kung may mga typo naman po, let me know na rin. Thank you po. Light! Camera! I've Fallen... Chapter 21, pasok! Tingininginingining.
"Siege!" Tawag ni Brielle sa asawa ngunit hindi ito lumingon. Laglag ang balikat na naiinis sa sarili sa hindi mawaring maling nagawa.
"Come on, Mom." Pag-aaya ni Sage sa ina. "Lolo Gramps and Lolo Pops are upstairs waiting for us." Dugtong pa nito.
"Just go ahead. I will wait for your brother and your dad here." Utos niya sa anak. Napangiwi si Sage dahil sa malamig na boses ng ina.
"There you go again, Mom." Sawata nito sa ina. Mababanaag ang inis sa mga mata ng bunsong anak. "You are cold again. I may not understand what you've been feeling but I am seeing the bad result of it. Hindi lang si Kuya Logan ang anak n'yo." Puno ng hinanakit na dugtong ni Sage at mabilis na iniwan ang ina. Laglag ang balikat ni Brielle. Mas naintindihan na niya ang pagkakamali.
"I am really messing this all up big time, didn't I?" Tanong niya sa kaibigan. Tumango naman si Jean. Namula ang mga mata ni Brielle.
"You need to relax yourself and free yourself from worries kahit ngayon lang. Ilang beses na bang umalis si Logan? Di ba bumabalik din naman siya? Duktor ang anak mo, ang attention nun ay nasa medical mission sa mga lugar na hindi naaabot ng hospital kaya ito ang nagdadala ng hospital sa mga ito, baka nag-enjoy lang yun ng husto. Bakit ngayon iba ang reaction mo? Nandiyan pa ang iba mong anak." Wala siyang maisagot sa mga sinabi ni Jean sa kanya dahil totoo naman yun.
"Hindi ko kasi maiwasan eh." Sagot na lang niya.
"Bilang ina, hindi talaga maiiwasan na mag-isip at mag-alala ka sa mga anak mo, pero hindi ibig sabihin na ipo-focus mo ang atensyon sa iisang anak lang dahil maaaring isipin ng iba sa kanila na mas pinapaburan ang isa kesa sa nakararami. Mga bagay na hindi pa naiintindihan ng mga anak mo dahil hindi pa sila magulang. Ang mangyayari niyan ay magkakagulo lang sila. Magkakaroon ng resntment sa sia't isa dahil lalabas na may paborito ang magulang sa mga anak." Mahabang paliwanag ni Jean.
"That's not what I was trying to do." Pag-amin niya.
"Pakaisipin mo na lang, Brielle. Sa triplets mong yan, si Lance ang pinaka kawawa sa lahat. Wala si Logan, sino ang sumalo ng mga naiwan niyang responsibilidad kasama na ang Fortress? Si Lance. Kay Leland, sino ang pabalik-balik sa business nito para magpanggap na siya at umasikaso ng Castles? Si Lance. Sa sariling negosyo at sa responsibilidad nilang tatlo sa Scottsdale Empire at dito sa Towers, sino ang humaharap? Si Lance. Sino ang nababalewala ngayon? Si Lance." Nanikip ang dibdib ni Brielle. Sa sobrang pag-aalala sa anak na nawawala ay nakakalimutan niya ang mga nasa harap niya. "At higit sa lahat, nakikita kong nagtatapang-tapangan lang yang batang yan pero nahihirapan din yan, paano na lang ang puso niya? Paano kung atakihin uli? Isipin mo na lang, hindi niya alam na alam mo na ang sitwasyon ng puso niya." Mahabang paliwanag ni Jean kay Brielle.
Hindi naman niya sadyang maging pro-Logan lang and anti-everyone. Hindi niya sinasadyang maging Nanay para sa isa at maikwasi ang iba. Isa lang ang alam niyang mali, naging kampante siya na miintindihan siya ng ibang mga anak niya dahil Nanay lang siya.
"Am I being unfair to all my children?" Wala sa loob niyang naitanong. "I am just a worried mother." Dugtong pa niya. Naluluha na siya sa naiisip.
"Brielle, I am not saying you are not and I know, it was never in their minds, too. What I was trying to point out is maging balance ka lang, kumbaga sa gitna lang. Take this night for example, narinig mo lang na kasama ni Sir Aaron at Sir David ang sinasabing girlfriend ni Logan, natataranta kang sumugod agad dito, without thinking na totoo nga kayang girlfriend ni Logan yun? Which I am not saying na hindi nga but you still came kahit gabing-gabi na. You did not wait for tomorrow morning. Samantalang yung dalagang kasama ng isa mong binata na ipinakikilala niya mismo sa iyo ay napahiya dahil sa pagbabalewala mo. Halos hindi mo man lang natapunan ng tingin yung babae, ang ganda pa naman at mukhang mabait. Magaling pumili yung binata mo, huh." Pahayag ni Jean. Mas lalo niyang napagtanto ang mali sa nangyari.
"Hindi ko naman sinasadya, Ate Jean. I was just too focus on what dad had said that I want to come and see her for myself, which you are right, I should have just waited till tomorrow. Who would have thought na ngayon din pala dadalhin Lance ang girlfriend para ipakilala." Malungkot niyang saad. Tinapik-tapik ni Jean ang balikat niya.
Sa lahat pa man din ng ayaw ni Brielle ay yung nakakasakit siya ng damdamin ng may damdamin. Ayaw na ayaw niyang namamahiya ng tao o nang-aagrabiyado ng kapwa kahit na ano pa man ang sitwasyon. Tapos eto siya, naipahiya niya ng hindi sinasadya ang kasintahan ng anak.
"I know na hindi mo sinasadya, pero nagawa mo na, tapos na and I don't think he intended to introduce her to you yet. Then there's Sage na parang nababalewala mo na yung bunso mo and Siege." Sambit ni Jean. "And besides, pakiramdam ko hindi pwedeng hindi makakasama ng girlfriend ni Logan ang girlfriend ni Lance kasi ang dinig ko ay magpinsan ang dalawang yun." Dugtong pa niya.
"Great! I hurt too many people tonight." Natutop niya ang noo nang lubusan niyang ma-realized ang mga nangyari. "What have I done, Ate Jean?" Muli ay tinapik ni Jean ang balikat niya.
"You need to relax just a bit. You had stressed yourself way too much that you are not thinking straight, sabi nga nagiging tunneled-vision ka na." Pagpapakalma ni Jean kay Brielle. "Wag kang mag-alala. Maganda at mabait ang mga girlfriends ng mga anak mo. Hindi ka lugi kaya lang hindi mo napansin ang mukha nung isa kanina eh." Parang nanunudyong sabi ni Jean.
"Napansin ko naman siya, maganda at simple lang, pero syempre mas gusto kong makilala yung sinasabing girlfriend ni Logan. Baka mamaya kung sino-sino lang yun." Dugtong niya na parang nagsusumbong kay Jean.
"Sabi mo napansin mo yung dalagang ipinakilala sa iyo ni Lance?" Tanong nito. Tumango siya. "Kung napansin mo talaga ang mukha nun, parang nakita mo na rin ang girlfriend ni Logan." Nakangiti nitong dugtong.
"Kambal ba sila?" Tanong niya. Hindi yata napansin ni Brielle ang sabi ni Jean kanina tungkol sa dalawang dalaga. "Paano mong nalaman? Nakita mo na ba?" Dalawa pang magkasunod na tanong ang ibinato ni Brielle na parang batang paslit. Natawa si Jean.
"Isa-isa lang ang tanong, okay. Mahina ang kalaban." Napanguso si Brielle dahil sa lakas ng tawa ni Jean.
"Pinagtatawanan mo na ako, Ate Jean eh." Mas lalong napalakas ang tawa ni Jean sa pagmamaktol niya. She needed this kind of distraction.
"Hindi kita pinagtatawanan, and to answer your questions. Una hindi sila kambal dahil magpinsan lang sila. Pangalawa at pangatlo, nalaman ko at nakita ko dahil nandito ako nung dumating sila at ako mismo ang naghatid sa kanila ni Sir Aaron sa pent ni Lance... and of course narinig ko. And there's more to it." Paliwanag nito. Napatango-tango na lang siya kaya lang narinig niya yung there's more to it.
"Okay." Suko niyang sagot. "Eh di kung ganun, susundan ko na lang yung mag-ama ko." Aalis na sana siya nang pigilan siya ni Jean.
"No, no. Don't do that. Let Siege handle this dahil mas kalamado yung asawa mong yun kesa sa iyo ngayon. Baka mas lalo lang kayong magkainitan ng anak mo." Pigil ni Jean sa kanya. "Umakyat ka na lang doon sa pent ni Lance. Doon mo na sila hintayin. Ako na ang bahala sa mag-ama mo. Wag ka na munang sumunod doon. Kilalanin mo na yung nobya ni Logan bago harapin yung kay Lance." Utos ng kaibigan na manager ng Scottsdale Towers.
"But..." Hindi na siya pinatapos pa ni Jean.
"No buts. Go." Parang nanay na utos sa kanya ng kaibigan. "I'll make sure na aakyat ang tatlong yan." Wala nang nagawa pa si Brielle kundi ang sundin ang sinabi ng kaibigan. Tumalikod na siya at tinahak ang pasilyo papunta sa west wing elevator.
"JAISE." Masuyong tawag ni Lance sa dalaga. "I'm sorry how my Mom reacted towards you. Hindi naman niya sinasadya yun." Nag-aalala siya dahil baka hindi na naman siya nito kausapin. Maayos na sana kanina eh dahil nagkaroon na siya ng pagkakataong makita ang senyales na inaasam niya, pero mapupurnada pa yata dahil sa stress level ng nanay niya.
"Okay lang yun. Pasensiya ka na rin dahil nag-walk out ako. Hindi ko naman sana gustong gawin yun, kaya lang naiisip ko na baka na-overwhelmed lang ang mommy mo, lalo pa at problema ang dala namin. May problema na nga kayo, dumagdag pa kami." Pahayag niya. Nahihiya siya hindi dahil sa hindi siya napansin, nahihiya siya kasi pwede naman silang tumuloy sa bahay ng tiyahin pero bakit dito pa kasi sila dinala.
Hindi naman siya talagang napahiya, mas lamang yung natakot siya lamig ng pakikitungo nito sa kanya na kahit papaano ay naiintindihan niya, mayaman ang mga ito at hamak na mangingisda/magsasaka lamang ang Tatay niya. Kahit na ano pang pagpapaliwanag ang gawin niya sa sarili, iisa lang nakikita at naririnig niya, ang boses ng T'yang Aning niya.
Ang mayaman ay para sa mayayaman at ang mahirap ay para sa mahihirap.
Ang mayaman ay para sa mayayaman at ang mahirap ay para sa mahihirap.
Ang mayaman ay para sa mayayaman at ang mahirap ay para sa mahihirap.
Ayaw niyang isipin yun dahil kakaiba ang nakikita niya kay T'yang Bebeng at Sir Martin. Mayaman ito at mahirap ang T'yang niya pero talagang binalikan nito ang tiyahin niya kahit na may edad na sila, para tuparin ang matagal nang pangako dito, kaya kahit papaano ay naniniwala na siya true love does exist.
Pero kapag iniisip niya si Makai, ang T'yang Aning niya ang naaalala niya. Ang kwento ni Makai ay parang kwento din lang ng ina. Naiisip tuloy niya na baka kaya nawawala si Logan ay marahil ito ang paraan ng lalaki para makipaghiwalay kay Makai dahil napasubo lang ito sa panliligaw at hindi na nito kayang bawiin pa. After all, sabi nga ng nakararami, pilyo at prankster si Logan. Hindi kaya isa ito sa mga impractical jokes niya.
Tapos ngayon siya. Muntik masilo ng mayaman. Aaminin niya sa sarili, may gusto siya kay Lance. Kaya nga siguro napagselosan niya ang pinsan kamakailan lang, pero hindi na ngayon. Susupilin na lang niya ang nararamdaman. Ngayon pa lang maghahanap na siya ng ibang mapagtatrabahuan o di kaya ay uuwi na lang siya sa San Nicolas para tulungan na lang ama at kapatid at nang tuluyan nang makaiwas kay Lance.
"Jaise? Jaise." Naalimpungatan siya sa paglalakbay ng kanyang diwa nang marinig niya ang pagtawag ni Lance sa kanya.
"Y-yeah?" Nabubulol niyang sagot.
"Ang sabi ko, kung ayaw mong makausap uli ang Mommy ko ay okay lang sa akin. We can skip tonight's and just have another meet and greet with her, but for now, we need to go up and rest. It's late and I know you are really tired." Hinaplos ni Lance ang braso niya. Nakaramdam siya ng kakaibang kilabot na para siyang dinuduyan. Madiin niyang ipinikit ang mata para alisin ang panibagong pakiramdam na pumipilit na magpakilala sa kanya. Ayaw niya itong i-entertain.
"Can I just go home?" Sabi niya. Hindi niya sigurado kung tama ba ang sinasabi niya. Bukas na lang siya magpapaliwanag kanila Makai at Korina.
"No, you're not going home. It's too late. You're tired and I am also tired. Mang Jose already left-" Mahabang paliwanag niya na naputol dahil dumating ang Daddy niya.
"Lance, have her stay at Leland's pent. Pinahanda ko na sa kanila yun." Napaatras si Majz patago sa likod ni Lance. "Don't worry, hija. It's okay. Pasensiya ka na kay Brielle, she's just too worried about Logan that she had forgotten her manners and her other children." Mapagkumbabang saad ni Siege. Napayuko si Majz. Mas lalo siyang napahiya sa sarili niya ngayon.
"O-okay lang po yun, S-sir." Napapailing na lang si Siege na nangingiti.
"Son, take her to the east wing, ako na ang bahala sa Mommy mo." Tumango naman si Lance sabay hawak sa kamay niya. "I'll send Sage para masamahan siya.
"It's okay, Dad. I can take care of her." Saad ni Lance. "Uhm... Dad, this is Maria Jaise. Nililigawan ko." Pakilala niya kay Majz.
"Nililigawan? Akala ko nga girlfriend mo na eh. Kung makalongkis ka parang ayaw mo nang pakawalan pa." Saad nito na may halong panunukso. Natawa din si Majz. "Nice meeting you, Maria Jaise." Bati nito kay Majz sabay abot ng kamay. "I'm Siege Scott by the way. Just call me Tito Siege." Sabay pakilala na rin ng sarili.
"Dad!" Saway ni Lance na hindi nito pinansin.
"Majz na lang po ang itawag n'yo sa akin." Kinuha naman niya ang kamay ni Siege at nakipagkamay sa lalaki. "Nice to meet you po, Si- I mean, Tito Siege." Nahihiya pa niyang sabi.
Natawa na lang si Siege. I like her. I like her a lot. Takbo ng isip niya sabay tapik sa balikat ng anak.
"Let's go inside." Aya nito sa kanila. Kinabig ni Lance si Majz. "Mahahamugan na kayo dito sa labas eh." Saad ni Siege na nagpatango sa dalawa.
"Let's go." Malambing na sabi ni Lance sa kanya. Tinitigan niya ito sa mga mata. Kumindat naman ito sa kanya na ikinapatda niya. Tanging baritonong tawa nito ang narinig niya.
"Ewan ko sa iyo." May kahinaan niyang saad. Nagpatiuna siyang naglakad. Iniwanan niya si Lance. Natawa naman si Siege dahil sa ginawa niya.
"She's a keeper." Saad nito. "Kaya kung ako sa iyo, paspasan mo na yang panliligaw mo at baka may makauna pa sa iyo or worst, matauhan yan na pangit ka pala." Natatawang sabi ni Siege.
"Puro ka naman biro, Dad eh." Napapakamot niya sa batok na sabi. "I think, I'll have a hard time with her." Matapat niyang sagot sa ama. Muling napailing si Siege.
"Kung hindi mo makuha sa santong dasalan, eh dalhin mo sa santong paspasan." Natatawa nitong bulong sa kanya.
"Just like you did to Mom before she could even graduate from college?" Napapailing siya kapag naaalala niya ang kwento ng Mommy at Daddy niya. "No, Dad. I can't do to her what you did to Mom. That is ridiculously perverted." Dugtong niya na lalong nagpalakas ng tawa ni Siege na um-echo pa sa lobby ng hotel. Naglingunan tuloy ang mga panggabing empliyado. Maging si Majz na nakasimangot kanina pa ay napalingon na rin dahil sa pagkagulat. Nginitian niya lang ito na nagpamula ng pisngi nito.
"You picked good." Puri sa kanya ng ama. Mas lalong lumapad ang ngiti niya na nagpalalim pa nang husto ng dimple niya na katulad ng kanyang Daddy.
"Majz, let's go take this path here. This will lead us to the east wing elevator which will take us to Leland's Pent. It's a private lift." Malapad ang ngiti ni Siege. Hinawakan ni Siege ang kamay ni Majz para alalayan. Napangiti si Majz sa ginawa ng Daddy ni Lance, napasimangot naman si Lance. Mas lalo siyang napangiti dahil sa hitsura ng binata.
"I think your wife is looking for you, Dad." Seryosong sabi ni Lance. Gusto pa sanang tumawa ni Siege pero nakita nito ang talim ng tingin ng anak sa kanya. Mabilis ngunit maingat na binitawan ang kamay ni Majz at itinaas ang kamay bilang pagsuko sabay hagalpak. Napailing na lang si Lance, mas lalo pang ngumiti si Majz na nasabayan ng konting hagikhik.
"Whoaw! Easy, boy." Natatawa nitong saad. "Mana ka talaga sa akin." Dugtong nitong pabulong. Napailing na lang si Lance.
"I just wish na totoo yang sinasabi mo, Dad." Sabi niya sa ama. Lumabas na ng elevator si Siege.
"Goodnight, Majz." Paalam nito sa dalaga. Lalapit pa sana ito para akapin si Majz ngunit humarang na si Lance sa harap ni Majz.
"Your wife, remember?" Paalala niya sa ama. Tumawang muli si Siege. "Goodnight, Dad." Saad niyang nakatitig sa ama. Hindi na natigil sa pagtawa si Siege.
"Akala ko kay Leland ako mahihirapan, sa'yo pala!" Malakas na sabi nito bago pa nagsara ang pinto ng elevator cabin.
"Ano yung mahihirapan si Tito?" Tanong ni Majz. Lihim siyang nangiti dahil kampante na ito sa pagtawag ng Tito sa daddy niya.
"It's nothing. Dad is always the jokester." Alibi niya. Tumango na lang si Majz.
Kinabahan si Majz dahil sa paglapit ni Lance sa kanya. Ginagap nito ang kamay niya.
"L-lance..." Nauutal na sambit ni Majz. Ayan na naman ang pakiramdam na kanina lang nagpakilala sa kanya ngunit hindi niya pa rin alam kung paanong pangalanan ito.
Pinananayuan siya ng balahibo na parang natatakot ngunit hindi naman siya talaga takot. Parang hinahalukay ang tiyan niya na parang nasa pinakataas siya ng ferriswheel at akmang pababa ito, kahit wala naman siya doon. Parang binabaligtad ang sikmura niya na para siyang nasusuka na hindi niya mawari. Mga pinagsabay-sabay na kaganapan sa loob ng katawan niya na hindi niya alam kung saang nanggagaling, kung saan siya dadalhin at kung ano ang uunahin niya, ngunit ang lahat ng yun ay maganda sa pakiramdam niya.
"Jaise, what I said earlier stays the same and true. I really do love you. Hindi ko alam kung kelan nag-umpisa pero yun talaga eh." Pagtatapat niya sa dalaga.
"I don't know what to say. Napakabilis naman yata." Hindi niya alam ang kanyang isasagot.
"Hindi naman ako nagmamadali eh. I just wanted you to know what I feel for you. Ayoko nang magsisi na hindi ko kaagad nasabi sa iyo ang nararamdamam ko." Nakangiti nitong sabi kahit na may bahid ng konting lungkot ang mata nito. Labas ang mapuputi nitong ipin at ang nakakalunod na nag-iisang dimple nito. Lord, have mercy.
Nanlambot ang tuhod niya dahil upang muntik na siyang matumba. Mabuti na lang at mabilis si Lance at nakabig siya nito kaagad. Naglapat na naman ang mga katawan nila. Para tuloy siyang napapaihi o naihi na nga yata. Pootek kang lalaki ka! Nagiging bipolar na ang takbo ng utak niya.
"L-lance..." Nakagat na lang niya ang kanyang labi dahil hindi niya mapigil ang nag-uumapaw na kilig at natatakot din siyang baka tuluyan na siyang maihi. Dios mio, otor.
"Jaise, I asked you earlier to stop doing that." Nagtaka siya sa sinabi nito.
"Doing what?" Inosente niyang tanong. "Ano ba ang ginagawa ko?" Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Lance.
"Stop biting your bottom lip." Saad ni Lance sa nagpipigil at halos pabulong na namamaos na boses.
Pinanayuang muli ng balahido si Majz na umabot hanggang batok niya. Maya-maya pa ay bumaba ang kilabot sa sikmura niya papuntang pagitan ng hita niya. Nagulat siya sa naramdaman. Kakaiba ito kesa kanina. Napaihi na yata siya.
"L-lance..." Si Lance naman ay mas lalong nawawala sa sarili at nasasakop na ng makamundong pagnanasa ang kanyang kaisipan.
Kinabig niya si Majz para halikan. Sa sobrang pagpipigil niya sa sarili, ang ginawa ni Lance ay inilapat na lang niya ang labi sa noo ng dalaga at mas hinigpitan na lang ang yakap dito.
"That was the first and last kiss I will take without your permission." Pabulong niyang saad. "I don't want to think that I am taking advantage of you, and because I love you, I will wait when you're ready." Dugtong pa niya.
"I... i..." Ding! Hindi na naituloy ni Majz ang sasabihin dahil bumukas na ang pinto.
"Lance..."
--------------
End of LCIF 21: I love You
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.
💖 ~ Ms J ~ 💖
08.11.19
Lights! Camera! I've Fallin...
©All Rights Reserved
March 15, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro