LCIF 18: Ampon
"MANUEL, akala mo ba hindi ko natatandaan ang ginawa mo sa nakaraan?" Napatigil si Manuel at Doray sa paglakad. "Ganyang-ganyan din ang ginawa mo sa binatilyong kasama nila noon sa medical mission apat na taon na ang nakaraan. Sinadya mong pagmukhaing magnobyo kayo ng kapatid mo nang malaman mo na may gusto ito kay Maria Jaise. Apat na taon sa high school ang kapatid mo na hindi man lang nakaranas na maligawan ng kahit na sino dito sa atin dahil hinaharang at tinatakot mo." Nagulat si Manuel sa isiniwalat ng ama. Namutla siya dahil doon. Hindi niya akalaing alam pala ng ama niya ang ginagawa niya.
"Manuel, wag kang tumulad sa Tatang na binabastos at binabaston ang lahat ng lalapit at mangliligaw sa aming tatlo noon ng mga T'yang mo." Pagpapaalala ni Doray sa binatang pamabgkin. "Yang ginawa mo ay isa bagay na hindi ginawa ng tatay mo sa amin, pero eto ka at ginagawa mo kay Maria Jaise pagkatapos ngayon ay nagbabalak kang itanan si Korina? Mag-isip ka nga, Manuel." Seryoso at mataray na saad ni Doray. Napabuga ng hangin si Manuel.
"Akala mo ba hindi ko alam na siya rin yung binatilyong yun? Alam kong siya kasi alam kung hindi ang mga ka-triplets niya yun dahil yung maloko at isnabero ay kasa-kasama ng mga apuhan nilang babae habang yang isang yan ay tahimik at palaging nakaupo sa pinakadulo ng lahat ng mga volunteers at pinanonood ang kapatid mong tumutulong habang may hawak na libro.
"Tay, ayaw ko lang naman na matulad si Majz at Makai sa T'yang Aning na tinakbuhan ng mayamang nobyo pagkatapos na buntisin." Bulalas niya. Mabuti na lang at nasa kumidor na ang lahat maliban sa kanilang tatlo. Nabatukan siya ni Doray.
"Mag-ingat ka sa pananalita mo, Manuel. Hindi mo alam ang buong istorya kaya wag kang basta-basta na lang bubulalas ng ganyan." Matalim na saad ni Doray. Galit ang mga mata nito. Napalunok si Manuel sa talim at maapoy na titig ng tiyahin.
"Hindi binuntis at tinakasan ang T'yang Aning mo." Panimula si Sepring. "Ang T'yang mo ang tumakas dahil hindi niya magawa ang gusto niyang gawin habang buntis pa siya kay Makai. Ginawa niyang masama sa tingin ng tao dito sa bayan natin ang tatay ni Makai kasama na ang sarili niya para makuha niya ang simpatiya ni Tatang. Asawa ng T'yang Aning mo si Nathaniel. Walang disgrasyada sa mga kapatid ko." Namumula ang mga mata ni Sepring sa galit at sa nagbabadyang luha na gustong tumakas.
Taon na rin ang binilang nilang magkapatid na kinikimkim ang lahat; ang mga masasakit na salita at pasaring ng mga taga-San Nicolas, ang panlalait ng iba sa kapatid niya at sa pamangkin niya, ang paglaki ni Makai na tampulan ng mga masasamang kwento at salita, ang pagtawag ng kung ano-anong pangalan at ang pagbababa ng pagkatao ni Makai. Lahat ng iyun ay tiniis niya hanggang sa pagpanaw ni Aning. Pero ngayon, tama na.
"Simula ngayon, Manuel, pakikiharapan mo ng maayos ang manliligaw ng kapatid mo dahil kung hindi, ako mismo ang makakalaban mo!" Impit na singhal ng tiyahin niya sa kanya. Tinalikuran na sila ni Doray. Nauna na itong pumasok sa kumidor.
Nanlumo naman si Manuel. Hindi naman niya gustong ganun ang gawin. Natatakot lang siya na baka maloko ang kapatid kaya ingat na ingat siya dito. Ipinangako niya yun sa Nanay nila.
"Alam kong nangako ka sa Nanay mo, pero sana maging patas ka dahil naging patas din sa akin ang Lolo Ador mo noong nanliligaw pa ako sa Nanay mo. Ang Lolo Manolo mo lang naman ang takot na malapitan ng kahit na sino lalaki ang mga T'yang mo." Saad ng ama niya. Humugot siya ng malalim na paghinga aypt mahinang bumuga ng hangin.
"Bakit nga po ba, Tay?" Tanong niya. Ngayon lang siya naging curious sa kwento ng Lolo Manolo niya.
"Takot kasi ang Tatang na baka gawin sa mga anak niya ang ginawa niya sa Inang. Ayaw sa kanya ng Lolo Elesio noon kaya itinanan niya ang Inang. Matagal na panahon bago napatawad ni Lolo ang Tatang kung hindi pa nag-agaw buhay si Aning noong dalawang taong gulang ito ay hindi pa patatawarin ng Lolo ang Tatang. Kaya si Aning ang paborito niya dahil ang T'yang Aning mo ang naging daan para magkaayos silang magbiyenan." Salaysay nito.
"Mabuti naman at nakapag-asawa ang T'yang." Nawala na sa isip ng mag-ama ang hapunan, na may naghihintay sa kanilang mga tao.
"Hindi alam ng Tatang na may nobyo sa Maynila si Aning. Tanging kami lang na magkakapatid ang nakakaalam dahil nga takot sa Tatang. Ang hindi namin alam ay nagpakasal na pala ang T'yang mo bago pa nakatapos sa pag-aaral. Nagtuturo ang T'yang Bebeng mo noon sa high school, kakatanggap pa lang sa kanya. Si Doray naman ay sa munisipyo nagtatrabaho at ako naman ay asawa na ang nanay mo at sa bangko naman ako sa bayan nagtatrabaho. Umuwi yan dito na buntis at sinabi niya sa Tatang na tinakbuhan siya ni Nathaniel. Nagalit ang Tatang at pinahanap ito, doon namin nalaman na mag-asawa na pala sila. Magagalit na sana ang Tatang pero ginamitan siya ni Aning ng pagiging bunso." Kwento nito. Mas lalong naging kyuryoso si Manuel sa kwento ng buhay ng T'yang niya.
"Ano po ang ginawa ng T'yang?" Umupo si Sepring sa pinakamalapit na upuan at doon umupo. Mahaba-habang kwentuhan ito. Umupo rin sa maliit na lamesita si Manuel paharap sa ama.
"Sinabi ni Aning sa Tatang na sinasaktan daw siya ni Nathaniel at hindi daw siya nito pinapayagang lumabas ng bahay kaya daw siya tumakas. Sabi ni Aning, natatakot daw siyang na mapahamak si Tatang kaya siya nakapagsinungaling. Ang sabi pa niya ay pinilit lang daw siya ni Nathaniel na magpakasal at labag na labag daw yun sa gusto niya. Marami pang sinabing kasinungalingan ang T'yang Aning mo. Ang huli nitong sinabi ay mayaman daw kasi ang pamilya nito kaya kahit magdemanda pa raw kami nila Tatang ay matatalo lang din dahil gagamitan kami ng yaman at koneksyon ng pamilya nito." Ganado ring magkwento si Sepring. Pakiramdam kasi nito na sa haba ng panahon ay mailalabas na rin niya ang bigat sa dibdib.
"Ano po ang nangyari?" Tanong muli ni Manuel.
"Eh di hinayaan na ni Tatang. Pinagbigyan ang gusto ng bunso niya. Pero kami nila Bebeng at Doray ay hindi naniniwala." Patuloy ni Sepring.
"Ano po ang ginawa n'yo?" Tanong ni Manuel. Kita sa mata nito ang kasabikang malaman ang tunay na kwento.
"Nagkaisa kaming tatlo na luluwas ng Maynila na hindi alam ng Tatang. Kami ng Nanay mo ay iniwan ka kay Tatay Ador noon sa kabilang ibayo. Pinuntahan namin si Nathaniel doon sa address na nakita namin sa isa sa mga sulat ng T'yang mo noon kay Doray. Naabutan naming may mga pulis sa bahay nila. Nakilala niya kami kaagad." Salaysay nito. Lingid sa kaalaman ng mag-ama ay nakikinig pala si Majz dahil pinatatawag ang dalawa para kumain na.
"Bakit may mga pulis?" Napakunot ang noo ni Manuel.
"Ay naku, Manuel. Ang T'yang Aning mo ay artistahin. Alam mo bang gusto nun maging artista kaya sa Maynila nagpumilit na mag-aral?" Nangingiting saad ni Sepring. "Nagpadala ng sulat ang T'yang mo na kinuha daw ito ng tatlong kalalakihan, parang kidnap na may ransom note baga. Nag-aalala si Nathaniel dahil buntis nga asawa kay Maria Kaila. Akala niya kaya kami dumating ay dahil nabalitaan namin. Pinaupo namin siya at pinaalis na muna ang mga pulis at saka nag-usap-usap. Doon na namin nalaman ang totoo." Patuloy nitong salaysay.
"Anong totoo, Tay?" Tanong Majz na nagpalingin sa dalawa. "Bilis Tay, kwento na. Pinapatawag na kayo eh." Dugtong pa niya. Umupo sa tabi ni Manuel si Majz.
"Ang katotohanang gusto niyang tumungo sa America ngunit hindi siya pinabibyahe ng doktor dahil malaki na ang tiyan niya. Nagalit siya kay Nathaniel dahil sumasang-ayon daw ito sa doktor na hindi naman daw nito alam ang nararamdaman ng katawan niya. Maayos naman daw ang pakiramdam niya kaya ayos lang na bumiyahe siya. Makulit din kasi ang mga biyenan ni Aning. Sila rin naman kasi ang pumipilit sa T'yang mo na doon na sa America manganak. Nagalit siya kay Nathaniel kaya niya nilayasan ang asawa. Hanggang sa nakasanayan na lang niya na malayo dito. Ginamit pa ni Aning ang pagiging uto-uto ni Tatang." Pagtatapos ni Sepring. Napakamot si Manuel sa ulo.
"Ay grabe naman pala ang Tyang Aning. Pasaway din pala. Kaya di na ako magtataka kung bakit ganyan din si Makai minsan." Natatawang saad ni Majz.
"Wag na muna ninyong sabihin ang nalalaman n'yo sa kwentong Aning at Nathaniel." Pakiusap ng ama. "Hanapan natin ng tamang panahon para sabihin ito sa kanya." Tumango naamn ang magkaptid bilan* pagsang-ayon sa pakiusap ni Sepring.
"Bunso, sorry sa pagiging maangas ko diyan sa tisoy mong manliligaw ha." Pabirong sinuntok ni Manuel ang tuhod ng kapatid. Ngumiti lang naman si Majz sa kanya.
"Okay lang yun, Kuya. Alam ko naman na pinuprotektahan mo lang ako, pero sana bawas-bawasan ng kaunti. Ang OA ng dating eh. Feeling asawa ka." Tudyo naman ni Majz sa kapatid. Natawa tuloy si Sepring. Hinila ang anak pakandong sa kanya.
"Eeeiii... wag ka nga, Maria Jaise, alam mo namang nangako ako sa Nanay na iingatan at aalagaan kita di ba." Napapakamot sa batok niyang sabi. Humagikhik lang si Majz.
Alam naman ni Manuel na sumobra siya, kaya lang, hindi niya lang talaga maisaisip na ganito kabilis dumating yung panahon na talagang may magpupursige sa kapatid at parang nakikisali pa yata ang tadhana dahil pinagsama pa sila sa isang trabaho at ang mismong binatilyong taga-Manila pa rin pala ang makakasalubong ng kapatid. Napapailing na lang siya.
"Tara na, Tay, baka may sumundo uli sa atin." Bigkas ni Majz. Hindi nga ito nagkamali.
"Mang Sepring! Pinatatawag po kayo ni T'yang Bebeng." Si Lance. Bahagyang napaatras si Majz na napansin naman ng kapatid. "Sabi po niya, sabihin ko daw po sa inyo..." Parang nag-aalanganin pa siyang sabihin dahil sa takot o hiya.
"Wag pahintayin ang biyaya dahil baka ito ay magtampo at umalis." Nakisabay ang magkapatid sa kanya. Nagkatinginan silang tatlo at malakas na nagtawanan.
Dahil doon ay nabuwag ang mataas na pader na itimayo ni Manuel sa pagitan nilang tatlo, si Lance bilang sa kabila at sila ni Majz sa kabila. Natuwa naman si Sepring dahil kahit mayaman ang binata ay kaya nitong maging mahirap. Maayos ang pagpapalaki ng mga magulang sa binatang ito. Saad ng humahangang isip ni Sepring.
"Tara na at baka pagbuhulin ko pa kayong tatlo." Natatawa niyang saad.
Napansin ni Majz na nagpatiuna na ang kapatid at inalalayan ang ama. Bahagya silang naiwan ni Lance. Ngumiti ito sa kanya ng nilingon niya ito. Wrong, Maria Jaise. Wrong. Sigaw ng isip niya.
"Yang tiyahin n'yong yan. Nag-recruit pa ng bagong alagad." Natatawa at naiiling na sambit ni Sepring.
"Eh, Tay. Mag-recruit din kayo. I-recruit n'yo yung anak ni Sir Martin." Sabi ni Majz at bumungisngis pa.
"Eh kung hatawin kita sa harap ng manliligaw mo?" Mapangasar na sambit ni Sepring sa bunso nila.
Nawalang bigla ang ngiti na kanina lang ay nasa labi ni Majz. Bahagyang natawa si Lance. Narinig ni Majz yun kaya pinukol niya ito ng matalim na tingin. Walang sali-salitang itinaas ni Lance ang dalawang kamay bilang pagsuko. Natawa si Manuel.
"Wala pa man, under ka na ni Majz." Sambit nitong natatawa.
"Eh paanong hindi ako susuko? Tingnan mo nga kung paano tumingin." Reklamo nito. Nilingon naman kunwari ni Manuel ang kapatid. Mas lalo itong tumawa.
"Ang pangit mo, Majz." Saab ng Kuya niya. "Ano ang nagustuhan mo diyan para ligawan mo?" Baling nito kay Lance. Mas lalo tuloy iyong ikinasimangot ni Majz. Mas gusto niya pa yung kaninang protective bother mode ang Kuya niya, pero ngayon ayaw na niya dito dahil inilalaglag na siya.
"Ewan ko sa inyong dalawa. Diyan na nga kayo!" Singhal niya kay Lance at Manuel. Nilampasan niya ang tatlo at mabilis na humarap sa mga ito at dumila pa. Mas lalong lumakas ang tawa ni Manuel at Sepring.
"Oh God, she's beautiful." Wala sa loob niyang nasabi. Napatda na lamang siya nang nakaharap na pala sa kanya ang Tatay at kapatid ni Majz.
"Wala, Manuel. Patay na ang manok ng T'yang Bebeng mo. Hulog na hulog na." Naiiling na sabi ni Sepring.
"Oo nga, Tay." Sagot naman ni Manuel. "Sorry, bro. Rest in peace na diyan sa puso mo. Ingat baka hindi ka niya masalo." Tinapik-tapik pa ni Manuel ang dibdib ni Lance kung nasaan ang puso nito. Damn! Ang tanging nasabi ni Lance sa kanyang isip.
NAGTULOY-TULOY na ang hapunan at walang patutunguhang kwentuhan at tawanan sa loob ng kumidor ng mga Ricaforte. Bagay na matagal nang hindi nangyayari sa tahanan na ito. Masaya si Sepring dahil nailabas na niya sa kanyang dibdib ang lahat ng alam niya tungkol sa totoong nangyari sa pamilya ni Makai. Masaya si Bebeng dahil bumalik sa si Martin kanya at masaya rin si Martin dahil sa wakas, mabubuo na nila ni Bebeng ang mga puso nila at mapagbubuklod pa.
Naiplano na sa susunod na anim buwan ay gaganapin na ang medical mission at ang essay writing contest na ang magiging premyo ay scholarship sa kolehiyo para sa mananalo. Umaasa si Lance na sa pagkakataong yun ay nakabalik na o nakita na ang nawawalang kapatid.
Natutuwa ang magbalaeng Aaron at David na kahit na simple lamang ang pamumuhay lamg meron sila Majz at Makai ay sa mabuting pamilya nanggaling ang mga ito. Hindi nila hinihiling na makahanap ito ng sing-yaman nila dahil mas importante pa rin para sa kanila ang dignidad at paninindigan sa buhay. Masaya silang magaling kumilatis ang mga apo.
Masaya silang nagkukwentuhan ng mga gawain ng mga kabataan nung mga bata pa ang mga ito. Syempre, bida si Makai at si Majz, ganun din si Lance at Logan kahit hindi nila kasama ang binata. Makikitaan ng kislap ng tuwa ang mga mata ni Lance ngunit nandun din ang lungkot at pangamba para sa nawawalang kapatid.
"Dasal lang katapat niyan, hijo. Pasasaan ba at makakauwi din yang kapatid mo sa inyo. Ipagdasal nating lahat na walang masamang nangyari dito." Saad ni Doray na kanina pa umuobserba sa binata na kahit na may ngiti ito sa labi ay malungkot naman ang mga mata nito.
"Maria Kaila, hayaan mo at makikita din si Logan. Wag kang bibitaw sa panalangin." Paalala ni Bebeng.
"Opo, T'yang. Palagi ko naman pong ipinagdadasal yun eh." Matapat niyang sagot.
"Salamat, Maria Kaila." Madamdaming sabi ni Aaron.
"Kudang-kudang man at pilyo ang apo kung yun, pero tunay naman kung magmahal." Sabi naman ni David.
"Knowing my brother and all the stupid things he has done, there's one thing I know for sure that he won't do." Matiim ang titig ni Lance kay Makai. "He will not hurt you." Deklarasyong tumagos sa puso ni Makai at Majz. Napaubo si Majz dahil doon. Seryoso niyang inabutan ng isang basong tubig.
"Ganyan ka ba palagi kaseryoso?" Tanong ni Manuel. Tumingin si Lance dito at tumingin sa mga apuhan niya tapos ay pamilya ni Majz.
"Ang totoo niyan, sa kanilang tatlo, si Lance ang pinakatahimik. Kahit saan pa kami pumunta noon at maging sa ngayon ay ganyan yan, mag-oobserba lang yan. Titingin-tingin sa paligid. Kinakalkula niya ang bawat kilos ng mga tao. Muntik nga yang magpari noon eh." Kwento ni Aaron. Napayuko si Lance. Yun ang ayaw niyang ikwento kahit kanino dahil mauungkat ang dahilan kung bakit.
"Magpapari? Itong gwapong batang ito, magpapari? Bakit?" Tanong ni Martin. Tumingin si Lance sa mga Lolo niya. Nagmamakaawang wag nang ikwento. Siguro hindi naranasan ng mga Lolo niya ang tinatawag na makuha ka sa tingin, kaya nagtuloy-tuloy na ang mga ito sa pagkwento.
"Nabigo ang bata niyang puso noon. At yun din ang dahilan kung bakit mas tumutok siya sa pag-aaral para makatapos kaagad, hanggang sa masumpungan niya ang bibliya. Natigil siya sa pagsama sa amin sa mga medical mission, di ba, balae?" Hinarap ni David si Aaron.
"Oo nga, balae. Sa pagkakatanda ko, itong bayan ng San Nicolas ang huling bayan na sinamahan niya noon. Ang sabi ni Leland nung nasa ospital tayo, tagarito daw yung dalagitang yun." Sambot naman ni Aaron. Madiin na napapikit si Lance, may konting pitik sa puso niya at parang biglang nagrgodon de bartolina ito. Simple niyang sinapo ang puso niya.
Napaubo si Manuel sa sinabi ng Lolo ni Lance. Inabutan naman ng tubig ni Sepring ang anak nang hindi ito nililingon.
"Tapos, anong nangyari?" Patay-maling tanong ni Sepring. Nagkibit-balikat ang parehong Lolo ni Lance.
"Hindi na namin alam. Simula noon ay isinubsob na niya ang sarili sa pag-aaral at hindi na tumingin sa kahit na sinong babae, di ba, apo?" Hindi alam ni Lance kung ano ang isasagot sa Lolo Pops niya.
"Pops, I just didn't have time to look around." Sagot niyang paiwas. Sa buong hapunan ay nananahimik si Mang Jose na nakikinig lang ganun din si Lagring, Atong at Iska na kasabay nilang kumain ay sumagot na rin. Laglag kung laglag.
"Didint hab taym? Ang sabihin mo, ayaw mo talagang maghanap dahil siya pa rin ang gusto mo at itinitbok niyang aritmiyang piso mo. Yun nga lang nabago ang lahat dahil kay Ms U." Taas-baba pa ang kilay ni Mang Jose habang sinasabi ang Ms U na kay Majz nakatinigin.
"Paano kung makita mo yun dito sa San Nicolas? Aayawan mo na ba ang pamangkin ko?" Mataray na tanong ni Doray. Tinatantiya si Lance. Sasagot na sana ito ngunit naunahan ito ni Sepring.
"Doray, hindi mangyayari yan." Sabat ni Sepring.
"Paano mo namang nasabi yan, Kuya?" Tanong ni Bebeng. Pero bago pa makasagot si Sepring ay may nagsalita na sa likod nila.
"Nay, pinatatawag n'yo raw po ako?" Tanong ng isang malambing na tinig. Napatuwid ng upo si Manuel. Lahat ng mata ay nasa kanya salitan sa taong nasa likod niya.
"Korina, umupo ka dito." Itinuro ni Martin ang bakanteng upuan na kaliwa ni Manuel.
"Wag na po, Sir Martin. Pinagmamadali po ako ng Tatay na umuwi. Kailangan ko pa po kasing pag-initan ng tubig na ipapaligo si Beatriz." Marahas na lumingon si Manuel.
"Bakit? Hindi ba siya marunong mag-init ng sariling niyang pampaligo?" Marahas na tanong ni Manuel.
"Noel..." Nataranta si Korina. Kita ni Majz kung paanong naging malikot ang mga mata nito.
"Koina, siga na. Maupo ka na." Malumanay sa saad ng ina.
"Nay, pasensiya na po, sabi po kasi ng Tatay kapag hindi daw ako nakabalik sa loob ng trenta minutos, ipapadala daw niya ako sa mga kapatid niya sa Mindoro." Naluluha nitong saad. Naaawa naman si Lagring sa anak. Tumayo si Manuel at inakap ang kasintahan.
"Martin, gumawa ka ng paraan." Pakiusap ni Bebeng sa lalaki. Naaawa sila sa dalaga.
"Lagring, dalhin mo si Korina sa isa sa mga kwarto sa taas. Iska, Atong, wala kayong alam. Aalis tayo ngayong gabi papuntang Maynila." Matigas na saad ni Martin. "Umaabuso na yang asawa mo, Milagros." Dugtong pa nitong nagtatagis ang mga bagang. Parang nakuha naman ni David ang nangyayari.
"Kung mamarapatin n'yo, ami na ang magdadala sa kanya sa Maynila. Nasa baba ang van namin at walang may mag-iisip na kami ang kasama niya." Pagpepresinta nito. Nagkatinginan ang mga ito.
"May susi ako sa bahay ni T'yang Bebeng, doon na muna siya." Sumagot na rin si Lance. Nakita niya ang pag-aalangan sa mga mata ni Lagring.
"Magpaiwan ka na lang dito, Kuya. Kami na ni Makai ang sasama sa kanila." Sabat ni Majz. Naaawa siya sa kasintahan ng kanyang kapatid. Kung malupit ang Lolo niya noon ay mas malupit si Mang Tomas.
"Mabuti pa nga Lagring. Ipasama mo na yang panganay mo sa magpinsang ito nang hindi na inaalila nung ampon mo." Dahil sa galit ay nasabi ni Iska ang hindi na dapat pang masasabi.
"Ampon?!"
--------------
End of LCIF 18: Ampon
Thank you for reading.the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.
💖 ~ Ms J ~ 💖
08.05.19
Lights! Camera! I've Fallin...
©All Rights Reserved
March 15, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro