Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LCIF 16: Habilin





"Nangliligaw ka ba sa kapatid ko?" TSirektang tanong ni Manuel nang hindi man lang kumukurap. Parang sinipa sa dibdib ni Lance sa yindi ng sikdo nito.

"Kuya!" Saway ni Majz. "Outreach program ang pinunta nila dito hindi panliligaw at tsaka hindi nanligaw sa akin yan." Singhal ni Majz. Napangiti si Lance sa nakitang kapilyuhanng sumilay sa mga mata ng sinasabing kapatid ni Majz. Napailing siya.

"Hindi pa po ako nanliligaw. Magpapaalam pa lang po at kung papayagan n'yo ako, manliligaw po ako sa paraang gusto n'yo." Matapat, seryoso at puno ng determinasyong saad ni Lance, sa mata ni Majz nakatingin si Lance,ñ at hindi niya mabawi.

"Yown oh!" Napasabat si Jose na kanina pa pala nananahimik sa gilid. "Sa wakas nasabi rin. Sir Aaron, Sir David, sa baba na po ako. Sa van na lang po ako maghihintay." Malapad ang ngiting pamamaalam nito. Tango na lang ang isinagot ng mga amo sa kanya.

"Eh paano kung hindi ako pumayag?" Mabilis na nilingon ng lahat si Sepring.

"Ay naku, Mang Sepring, anak ng milyonaryo na po yang lumalapit sa anak n'yo, magpapakapihikan pa ba kayo?" Naaburido si Sepring sa tinuran ng matabil at walang modong bibig ng baklaing mayor nila.

"Mawalang galang na nga po, Mayor. Hindi porke't kayo ang mayor ng bayan natin ay may karapatang ka nang sumagot o sumali sa usapang pangpamilya. Pamilya ko ito, at kung ano ang magiging desisyon ko, wala ka na doon." Maanghang na turan ni Sepring habang titig na titig sa mayor nila. Tatayo na sana si Lance para harapin ang lalaki ngunit naunahan siya ng isang boses.

"Mayor Manalang. I don't know you pero kung makikisali kayo sa usapang pangpamilya, pwede sigurong umuwi na muna kayo. I will send someone to fetch you if we will need you." Mas matalas na turan ni Martin. "Sa pamamahay na ito simula ng mamatay ang Papa, boses ko na ang naging batas dito. Kaya bago pa kami mawalan ng respeto sa inyo, sa harap ng ating bisita, I suggest you go home." Dugtong ng isang Ricaforte.

Namumula ang mukha ng mayor na tumayo. Halata ang pagkapahiya sa mukha nito. Mabilis itong nawala sa pintuan ng mansyon ng mga Ricaforte.

"Paumanhin po sa inasal ng mayor namin." Paghingi ni Bebeng ng paumanhin sa mga bisita.

"It's alright." Nakangiting sagot ni Aaron.

"Ano po ba talaga ang ipinunta n'yo dito? Yang panliligaw ng apo n'yo o yang sinasabi n'yong outreach?" Mataray na tanong ni Doray.

"Pumunta po kami dito kahit pagabi na dahil gusto naming malaman kung ayos lang ba sa inyo na doon kami muling tumuloy sa bahay na tinuluyan namin noon?" Magalang na turuan ni David.

"Naalala pa ho ninyo ang bahay na tinuluyan n'yo noon?" Magalang na tanong ni Makai.

"Oo naman. Yun yung bahay doon sa sentro. It was that house by the clearing." Nakangiting sagot ni David kay Makai.

"Mr. Villasis, Mr. Scott, yung bahay po na tinuluyan ninyo noon, may mga apat na taon na pong hindi na nakatayo. Yun po yung lumang bahay ng mga magulang namin. Pero kung gusto po ninyo, pwede naman po doon sa bahay ng aking kapatid na si Doray." Mabilis na nilingon ni Doray ang Kuya nito ngunit hindi man lang ito binalingan ng pansin ni Sepring. "Malapit lang po yun sa covered court na dati nang pinagdausan ng medical mission." Dugtong ni Sepring.

"Maraming salamat po, Mang Sepring." Nakangiting pasasalamat ni Aaron. "Aaron na lang ang itawag n'yo sa akin at David naman sa kanya. Nakakaasiwa kasi kung mister ang itatawag n'yo sa amin." Tumango lang si Sepring.

"Sepring na lang po." Pakilala ng ama ni Majz. "Tungkol naman diyan sa panliligaw na yan, pag-uusapan po muna namin ." Seryosong saad ni Sepring na nakakatingin kay Lance.

SI LANCE naman ay kampanteng nakatingin din lang sa Tatay ni Majz. Wala siyang nakikitang dahilan para ma-intimidate sa Tatay ng dalaga. Wala ring dahilan para mang-intimidate ito maliban sa anak niyang si Majz, at naiintindihan ni Lance yun. Magiging ganun din naman siya sa mga magiging mangliligaw ni Sage dahil naging ganun din sila noon sa Kuya Aldrich nila, ang asawa ni Brynn.

Ini-expect nga niya na magiging mas istrikto ito dahil nag-iisang anak na babae at parang kay Majz lang umiikot ang buhay ng ama at Kuya nito. Kuya. Lihim siyang natawa dahil sa naisip na Kuya pala ni Majz yung lalaking pinagselosan niya. Ang gago ko lang. Dagdag pangungutya ng sariling kaisipan sa kanya.

Nangliligaw ka ba sa kapatid ko?

Nangliligaw ka ba sa kapatid ko?

Nangliligaw ka ba sa kapatid ko?

Paulit-ulit na umaalingawngaw sa utak ni Lance ang tanong ni Manuel. Hindi yung parteng nanliligaw kundi yung parte na sinabi niya na kapatid ko. Para siyang tangang nagpapaka-stress sa kakaisip ng mga bagay na hindi naman pala dapat piangtutuunan ng pansin. Kasi kung inalam mo muna sana, eh di hindi ka na nahulog pa sa ospital. Gusto niyang sapakin ang sarili dahil sa panunumbat ng kanyang utak. Tinutudyo siya nito. Kung hindi lang sasabihing baliw siya ay baka kanina pa niya sinapak ang sarili para matahimik na ito. Baliw!

Napapailing siyang lihim dahil sa isiping baka nga ay nababaliw na siya. Pwede bang sabihin na nababaliw na siya sa pag-ibig?

Too early to fall in love that deep. Susog ng kabilang parte.

That deep mo yang mukha mo. Love at first sight nga, di ba? Tukso ng kabila. Damn! Nababalis na nga siya.

"Tungkol naman diyan sa panliligaw na yan, pag-uusapan namin." Yan ang mga salitang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Inihanda ang sarili sa isasagot. Naghintay siyang magsalita ang kanyang mga Lolo ngunit nagtinginan lang ang mga ito.

"Wag po kayong mag-alala, sir. Hindi po ako nagmamadali." Malinaw niyang sabi.

Nakita niya ang pagtango ni T'yang Bebeng. Muntik siyang matawa ngunit maagap na pinigil ang sarili. Ayaw niyang isipin ng ama at kapatid ni Majz na nagbibiro siya.

Gusto niyang isipin at malaman ng pamilya na Majz na kahit sa batang edad niya ay kaya niyang maging seryoso. Gusto niyang maintindihan nila na totoo siyang nagmamahal sa anak nila, na totoo ang layunin niya sa dalaga.

"Mabuti naman kung ganun. 20 pa lang si Maria Jaise. Hindi pa siya handa para umibig at maloko." Diretsong turan ni Sepring.

"Kuya Sepring, manliligaw pa lang." Maagap na saad ni Bebeng. Nilingon ito ni Sepring at tinapunan ng matalim na tingin, tinawanan lang ito ni Bebeng. "Para kang si Mang Ador noong araw." Natatawang pagpapaalala ni Bebeng.

"Hindi sa umaayon ako ha, Kuya, patay na si Tatang. Tapos na ang panahon ni Maria Clara, sana naman ay wag kang tutulad sa kanila. Kita mo ang nangyari sa amin ni Bebeng." Pagsalo din ni Doray mahina man ang pagkakasabi nito ay hindi pa rin nakawala sa talas ng pandinig ni Lance.

"Wag po kayong mag-alala, Ms. Samonte. Handa po akong manligaw kay Jaise sa paraang gusto n'yo." Matapat niyang sagot.

"Kung gayon, tingnan natin ang kaya mo, bata." Pagtatapos ni Sepring sa usapan. Naintindihan ni Lance ang gusto nitong iparating kaya iniba na niya ang usapan.

"May isa pa po kaming pakay." Saad niya. Napataas naman ng tingin ang lahat sa kanya. Nagkatinginan ang mga ito.

"Akala ko ba yun lang pakay n'yo?" Sabat ni Manuel.

"We came here with two things on our mind; the medical mission like the one we used to do years ago--" Sa lahat pa man din ng ayaw niya ay yung pinuputol ang sinasabi niya ngunit hindi niya pwedeng gawin yun dahil wala siya sa opisina niya, hindi siya ang boss kundi ang mga Lolo niya.

"At nakompleto na ninyo ang pakay n'yo." Mahinahon ngunit puno ng pagtitimpi ng sabi ng Manuel. "Mr. Lance, probinsyano lang kami pero hindi kami mga bobo. Marunong kaming bumilang." Maangas na maangas nitong dugtong. Pinisil ni Majz ang braso ng kapatid. Nagmamagaling na naman ito katulad ng dati.

Nakita ni Lance ang pagkainis sa parehong mata ni Majz at Makai, ganun din kay T'yang Bebeng at T'yang Doray. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. Sa kapatid yata ako mahihirapan hindi sa ama eh.

"Tama. We came for two reasons; one, the medical mission... then two, the essay contest for the school. Talking about the courtship is not even on the agenda. Wala sa plano ko ang magpaalam ngayon tungkol sa panliligaw. " Kalmado niyang saad. Natahimik si Manuel. Naisip siguro nito na napaka-assuming niya.

"Bakit? Akala ko ba isa yan sa dahilan n'yo?" Seryosong sabat ni Sepring. Matiim itong nakatitig kay Lance. Nailing siyang may bahagyang ngiti sa labi.

"Mr. Samonte, gusto ko ho ang anak n'yo, in fact, mahal ko na nga yata siya, pero hindi ito po ang tamang panahon para unahin ko ang sarili kong kagustuhan kesa hiling ng mga Lolo ko na asikasuhin ang medical mission na naiwan ni Logan dahil sa kanyang pagkawala. Hindi ho ako pinalaking ganyan ng mga magulang ko. At kung darating man ang panahon na liligawan ko si Jaise, kayo po muna ang unang makakaalam bago siya." Seryoso at taos sa pusong saad ni Lance. Kita sa mga mata ni Sepring ang paghanga sa batang milyonaryo.

"Kung ganun, umpisahan na natin ang pagpaplano ng medical mission. Maraming maliliit na baranggay dito sa San Nicolas na medyo hirap na makakuha ng tamang tulong dahil bago makarating sa kanila ang supply na mga gamot sa health center, nauuna ang mga malalaking baranggay. Kakailanganin natin ang approval ni Mayor." Malumanay na saad ni Sepring.

"Kami na ho ang bahala sa kampo ni Mayor total magmumula naman po ang permiso mula sa department of health. Ayaw lang naming mahaluan ng pamumulitika at sa mga ali-aligid na katulad nila sa medical mission na ito dahil pribadong sektor po kami at hindi po namin hahangarin na gamitin ito para sa pansariling ambisyon ng mga yun." Seryoso at halatang iritado si Aaron sa Mayor ng San Nicolas.

"Kung ganun ay magkakasundo-sundo tayo." Nakangiting saad ni Martin.

"Ewan ko ba sa mag-aamang yan, walang project na natapos." Naiiling na komento ni Doray. Naiiling-iling pa ito. Simula nang mapalitan si Mayor Capuli, wala nang nangyaring maganda sa bayan nila. Kung hindi lang talaga kailangang bumitaw ni Mayor Capuli dahil sa karamdaman ay hindi mauupo sa pwesto ang matandang Manalang na dating vice mayor ni Mayor Capuli.

Marami pang napag-usapan ang mga Scott at Samonte kasama si Martin Ricaforte. Nagkasundo ang tatlong pamilya sa kung ano ang dapat na gawin at kung kelan gagawin ang medical mission at kung sino ang pupunta sa high school ng San Nicolas. Napagkasunduang sa mansyon ni Martin manunuluyan ang mga ito at sa bahay ni Sepring ang mga medical staffs at sa bahay naman ni Doray ang volunteers.

Si Bebeng at Martin ang pupunta sa high school dahil pareho silang dating guro na nagturo sa paaralang yun at sasamahan sila ni Majz bilang grand prize winner at Lance bilang sponsor. Habang si Doray, Sepring, Manuel at Makai naman ang sa medical mission sa kagustuhan nila Aaron Scott at David Villasis na sila ang maging coordinator.

Naging mas magiliw ang magbalae kay Makai hindi lang dahil sa ito ang huling naging malapit kay Logan bago ito nawala kundi dahil sa natutuwa sila sa personality ng dalaga. Natutuwa naman ang mga tiyahin at tiyuhin sa importansiyang pinakikita ng mga ito sa pamangkin. Maging si Majs ay maligaya para dito.

Kung saan-saan na nakarating ang kanilang kwentuhan hanggang sa umabot ng hapon. Ilang sandali na lang ay maggagabi na.

NASA malaking salas ng mga Ricaforte ang mga apuhan ni Lance, si Lance at si Makai na nagkukwentuhan habang nasa maliit na salas naman sila Bebeng, Doray at Sepring. Nakaupo naman si Manuel at Majz sa di kalayuan sa mga ito. Sa likuran nila ay ang pasilyo patungo sa isang banyo at ang dulo ay papasok sa kusina.

Wala si Martin ngayon dahil inasikaso nito ang ipinahahanda kay Lagring ang pagkain ng lahat dahil dito na maghahapunan ang mga bisita nila at dito rin sila sa mansyon ng mga Ricaforte magpapalipas ng gabi.

"Bebeng, Doray, panahon na siguro para sabihin n'yo kay Maria Kaila ang totoo." Muntik nang mapalingon si Majz sa nag-uusap na ama at tiyahin. Nagkatinginan sila ni Manuel.

"Sa palagay mo ba Kuya, matatanggap ni Makai ang totoo?" Nag-aalalang tanong ni Doray.

"Dapat naman kasi noon pa natin sinabi ang totoo sa batang yan eh." Mahihimigan mo ang pagkainis sa boses ni Sepring.

"Kuya, hindi naman natin masisisi si Doray na hindi sinabi kay Makai ang totoo dahil yun ang habilin ni Aning." Malungkot na saad ni Bebeng.

"Habilin ni Aning? Eh paano naman ang damdamin at iisipin nung bata?"








--------------
End of LCIF 16: Habilin

Thank you for reading.the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
08.03.19

Lights! Camera! I've Fallin...
©All Rights Reserved
March 15, 2016

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro