Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LCIF 13: Let's Go





"Hello?" Matamlay at patanong na sagot ni Lance sa telepono.

"Hey, what's with the sad voice?" Tanong din ang isinagot ng kabilang linya.

"What do you want, David?" Matabang niyang salubong dito.

"Hey, what's with the David? What's going on?" Tanong nito.

Humugot ng matalim na paghinga si Lance dahil pakiramdam niya ay hindi siya makahinga at eto pa ang kapatid, madaling-araw kung mangbwisit.

"This is nothing." Sagot niya at dahan-dahang bumangon. Umupo siya sa kama pagsandal sa headboard. Nasa bahay siya ni T'yang Bebeng. "Why did you call? Didn't you know it's a wee hour right now here?" Dugtong niya. Antok na siya pero hindi pa rin siya makatulog sa kakaisip kay Logan, kung ano na ang nangyari dito... kay Majz at sa tagpong nakita niya sa bahay ng mga ito kanina.

"Oh, don't be such a grump. You are acting like a wuzz." Natatawang saad nito.

"Leland David, cut to the chase, will you? What do you want? It's 1:30 in the morning for crying out loud." Naiinis na naman siya.

Ganitong hindi siya makatulog at nai-stress na naman siya sa mga pangyayari sa kanya ay baka hindi kayanin ng gamot na iniinom ang paninikip ng dibdib niya.

"I'm sorry." Paghingi ng paumanhin ng kapatid. "Is your chest hurting again? Have you gone to the cardiologist lately?" Ramdam niya ang pag-aalala sa boses ni Leland at sa mga tanong nito.

"Nothing serious, really. The medicine is taking care of it." Narinig ni Lance ang pagbunot ng malalim na paghinga ni Leland.

"Okay, if you says so... but still, you need to see her." Pagpupumilit nito.

"What do you want, Agent Scott?" Tanong niya sa seryosong tono. Napahagik-hik naman si Leland.

"Whatever, Grump. Anyway, I called to let you know, I found someone that is good in satellite surveillance. He is doing a case of a drug syndicate and who's also a kidnap for ransom gang based here in the US but is now hiding somewhere in the Philippines. He ask me to meet up with him tomorrow at his office to discuss Logan's disappearance. He will try to locate his vehicle through a live satellite view. Don't tell our parents yet. I was just giving you a heads up." Napapatango-tango siya sa ibinabalita ng kapatid na akala mo ay nakikita siya nito.

"That's good news, right?" Paniniguro niya. Ayaw niyang mag-assume, puno na siya nito. Kota na siya.

"Yes, it is. Pero ayoko pa munang ipaalam kanila Mommy at Daddy ang tungkol dito dahil kakausapin ko pa lang naman. I just wanted to keep you posted, para malaman mong hindi ako tumutigil dito." Naiintindihan niya ang sinasabi ni Leland. "Goodnight, bro." Paalam nito. Natawa siya.

"It's good morning, moron." Sagot naman niya. Natawa tuloy si Leland sa kabilang linya.

"Yeah. You're right, Grump. It is morning already." Sagot pa nito. "Don't forget to see your cardiologist. I'm serious." Bilin nito. Mapait na napangiti si Lance.

Nagpaalaman na silang magkapatid. Sandamamak na bilin ang iniwan ni Leland na puro pagpapaduktor at gamot ang nasabi nito. Ni hindi nito tinanong kung kamusta ang negosyo nito kahit alam naman niyang hands on din si Leland kahit na malayo ito. The perk of having an uncle who s hood in computers.

May parte sa puso niya ang natutuwa sa pagtawag ni Leland ngunit may parte pa rin na nalulungkot. Nalulungkot siya dahil parehong wala sa tabi niya ang mga kapatid. Ipinanalangin niya kanina na sana ay makita na si Logan dahil ang totoo, habang tumatagal na hindi nila ito nakikita ay lalo siyang kinakabahan, natatakot at nawawalan ng pag-asang makita pa itong buhay.

Nung kaninang umalis si Mang Jose, napagtanto niya ang kakulangan ng sarili niya at si Logan ang unang pumasok sa isip niya. Bigla ay parang kinabog ang dibdib dahil isang hindi magandang pangitaing pumasok sa balintataw niya.

Kaninang nakaidlip siya kahit sandali lamang ay napanaginipan niya ang pagkakaaksidente ng kapatid sa isang lugar na malayo sa kabihasnan. Nahulog daw ito gilid ng bangin at sumalpok sa malaking puno sa baba at sumabog ito. Doon siya nagising.

Naiinis siya dahil sumasabay pa itong puso niya. Hindi niya tuloy alam kung yung sakit nga ba niya ang nagpapakirot nito, ang pangitain bang yun tungkol sa kapatid o yung nakita niya kanina sa bahay nila Majz. Bumangon siya para kumuha ng tubig at nang makainom na rin ng gamot. Aagapan na niya ito kahit ano pa ang maging dahilan.

Nakita niya sa lamesa ang sulat na nakapaskil sa pintuan kanina. Mapakla siyang ngumiti. Hinarap ang fridge at kinuha ang maliit na pitsel ng tubig at kumuha na rin ng baso sa katabi nitong counter at inilapag iyon sa lamesa bago nagsalin ng tubig.

Matapos uminom ng gamot ay dinampot niya ang papel sa lamesa at binuklat ito at muling binasa ang liham ni T'yang Bebeng.

Muriel,

     Mawawala kami ng ilang araw dahil uuwi kami ng San Nicolas. Na-miss yata ni Maria Jaise ang Tatay niya at ang Kuya Manuel niya.

     May pagkain diyan sa fridge na pwedeng lutuin. Alam kong marunong kang magluto para sa sarili mo. Lunes pa ng hapon ang balik namin.

     Wag mong masyadong kapanabikan si Maria Jaise. 😉

     Alam mo na kung nasaan ang susi. Gumawa ka na rin ng kopya. Wag kang mag-alala, may mga kasama na ako kaya ayos lang na may sarili ka nang susi.

     T'yang Bebeng.

Kahit na anong pilit niyang isip ay iisa lang ang isinisigaw ng sulat ni T'yang Bebeng, may kapatid na lalaki si Majz. I hope he was a brother. Piping dalangin ng kanyang isip.

Ibinagsak niya ang papel kasama ng palad na nakagawa ng ingay sa kusina. Nabubuwisit na siya sa sarili at hindi siya papayag sa pangalawang pagkakataon ay maging gago at duwag siya. Not this time, Lance. Mahigpit niyang sikmat sa sarili.

Tiningnan niya ang kanyang relo, alas dos y media ng umaga. Sigurado gising na ang Lolo Gramps niya.

"Lance?" Mabilis na sagot ng kabilang linya.

"Lolo Gramps? Is Lola Grams with you?" Nag-aalangan niyang tanong.

"She's asleep. Do you need anything?" Alanganin man siyang sumagot sa tanong ng Lolo Gramps Niya, kailangan niya lang talagang bawasan ang dinadala sa dibdib.

Bumuga siya ng hangin na hindi niya lam na matagal niya palang pinipigilan.

"Are you alright, son?" Nag-aalala nitong tanong. Tanong na nagpalambot ng puso ni Lance at tuluyang bumuwag sa harang na binuo niya. Masaganang tumulo ang kanyang mga luha.

"No, Gramps. I'm not okay. I think." Matapat ngunit naguguluhan niyang pag-amin.

"Spill it." Utos ng Lolo Gramps niya. Mula sa kabilang linya ay narinig niya ang mahihinang yabag nito patungo sa kung saan malayo sa Lola Grams niya.

"I don't know which one I need to say first. So many things are going on at one time and I don't think I can handle it anymore." Salaysay niya sa pagitan ng mga paghikbi. "First, Logan being Logan, which making me feel something is not right, then our businesses and jobs, then there's this..." Huminto siya panandalian dahil talagang masikip na ang dibdib niya.

Sumandal sa sandalan at tumingala. Dahan-dahan huminga, bumuga, huminga, bumuga. Paulit-ulit niya iyong ginawa na sinabayan niya ng paunti-unting pag-inom ng tubig. Hinayaan lang siya ng Lolo Gramps.

Kadalasan, kapag nangyayari ito sa kanya ay nadadala niya sa gamot, tubig at breathing exercise na itinuro sa kanya ng kanyang cardiologist. Pero ngayong gabi ay kakaiba. Hindi man lang lumuwag kahit konti.

"Lance, if you can not breath easily, I will call Jose and have him take you to the nearest urgent care. I'll meet you both there." Malumanay na utos ng kanyang Lolo Gramps.

"Yes, Gramps." Mabilis niyang sagot. Hindi na siya nagmatigas pa dahil iba na ang nararamdaman niya. Parang katulad lang nung una nilang nadiskubrihan na mahina ang puso niya.

Nagbaba na siya ng tawag at inihanda ang sarili sa labas ng bahay ni Bebeng. Tinawagan niya si Jose at mabilis naman itong sumagot.

"Mang Jose, pwedeng pakisamahan ako sa urgent care?" Mahina ang boses niyang saad.

"Parating na ako, Sir Lance. Tinawagan na ako ni Sir Aaron." Nakangiti siya. Kahit kelan talaga maaasahan ang Lolo Gramps niya.

"Salamat, Mang Jose." Sambit niya. Pagkatapos ay narinig ang pagkaputol ng linya.

Isinusi na niya ang bahay ni T'yang Bebeng. Lumabas na siya ng gate nito ay umupo sa bench sa labas ng gate matapos niyang ikandado uli ito at ibinulsa na ang susi. Wala pang dalawang minuto siyang nakakaupo ay dumating na rin si Mang Jose.

"Halika na, Sir Lance." Mabuway siyang tumayo. Mabilis namang lumabas ng kotse ang lalaki nang makita niya ang pamumutla ng batang amo. Iniupo niya ito sa front seat at inihiga ang sandalan.

Pagkatapos masigurong nakaayos na ang seatbelt ni Lance ay umikot na ito at nag-drive na papuntang Metropolitan. Ayaw pa sana niya dahil nasa St. Luke's ang cardiologist niya pero hindi rin naman siya mananalo dahil yun ang utos ng Lolo Gramps niya kay Mang Jose. Kailangan niya ang paunang lunas o first aid.

Tumahimik na lamang siya at pilit na kinaklaro ang utak sa iba't ibang isipin para hindi siya ma-stress. Masyading active ang neurons niya sa utak kaya tumataas din ang adrenaline na siyang nagiging dahilan ng pag-react ng puso niya sa maling paraan.

Nakarating na sila sa ospital. Nagulat pa siya at nandun na ang kanyang Lolo Gramps at ang driver nito.

"Jose, kamusta?" Narinig niyang tanong nito sa kanyang driver. Nag-uumpisa nang manlabo ang paningin niya na pinipilit niyang wag mangyari.

"Ayan po, Sir. Nung isang linggo ko pa po napapansin yang pagiging ganyan niya. Salamat po at kayo na ang nag-utos sa batang yan." Gusto man niyang magprotesta sa pagsusumbong ng driver sa apuhan ay hindi na niya ginawa dahil hindi naman na niya kaya.

Ang sumunod niyang alam ay nasa loob na siya ng ECG department at kinakabitan na ng mga electrodes at oxygen para matulungan siya sa paghinga. Nasilip niyang mababa ang reading ng oxygen level niya kaya ini-relax na lang ang katawan para makapag-circulate ang ikinabit sa kanyang oxygen. Hindi ka pwedeng atakahin ngayon, Lance. Paalala niya sa sarili.

Nakikita at naririnig niya ang lahat ng nangyayari sa paligid. Alam niyang kinuhanan siya ng BP at ng blood samples. Alam niya kung para saan yun, para sa cardiac enzyme. Naiinis siya sa sarili dahil hinahayaan niyang maging ganito siya.

Alam niyang hindi siya pwedeng masyadong nag-iisip at namumroblema dahil nagdudulot yun ng stress sa kanya, tapos hindi siya mapagkakatulog, tataas na naman blood pressure niya at dahil diyan taas din ang heart rate niya, nagiging anxious siya. Hindi magandang kombinasyon ang anxiety at mataas na heart rate sanhi ng adrenaline rush sa kanyang kondisyon, Afib or Atrial fibrilation o mas kilala sa tawag na heart arrythmia ang magiging resulta.

ALAS otso na ng umaga ng magising si Lance. Nasa tabi niya ang kanyang Lolo Gramps at si Mang Jose. Nakangiting pareho ang dalawang nakatatandang lalaki sa kanya.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Aaron sa kanya.

"I'm feeling a little okay. I had a little sleep. I don't feel light headed anymore and my heart don't feel like it is skipping a beat." Napangitng lalo ang apuhan niya sa kanyang sinabi.

"Naku! Ikaw na bata ka. Pinakaba mo kami si Sir Aaron kanina. Akala namin ay matutuloy na sa pag-atake yan sensitibo mong puso." Napahilamos ng kamay si Mang Jose mukha nito.

Kita mo ang pagkapagal at puyat sa mga mata ng dalawang lalaki ngunit may kislap ng tuwa dahil maayos na siya.

"Bumalik na rin sa normal yang kulay ng balat mo at ng labi mo. Hindi na ito nangingitim di tulad kanina." Kwento ni Aaron.

"Lolo Gramps, thank you for not telling Mom and Dad about this." Naiiling si Aaron sa sinabi ng apo.

"Well, today, tomorrow, next week, next month, one way or the other you will eventually tell your parents about your condition before you drop dead, or me and your Lolo Pops will be dead, too." Pahayag ng kanyang Lolo Gramps. Hindi ito galit pero nandun yung matatag na paalala.

"I will Lolo, ayoko lang makisabay sa gulo ni Logan." Mapagpakumababa niyang sagot.

"Iyang kapatid mo ding yan, alam naman niya ang kondisyon mo, pero parang walang pakundangan kung magpasaway. Parang aso na walang may-ari kung maglagalag." Naghihimutok na sambit ni Mang Jose. "Napakabait lang kasi ng mga magulang n'yo kaya hindi yan napapalo eh." Wala sa loob na naibulalas ni Mang Jose. Natawa na lang si Aaron dahil may katutuhanan naman ang sinabi ng driver ng apo.

Natahimik silang bahagya. Napansin yata ni Aaron ang biglang pananahimik ng apo kaya tinanong niya ito.

"May problema 'no?" Tanong nito. Nilingon niya ng apuhan. "Okay, go." Utos nito. Bumunot muna ng malalim na paghinga si Lance at pinakiramdaman ang sarili bago siya nagsalita. Nang maapuhap niya na parang okay siya tsaka pa siya nagsalita. Ibubuhos niya ang lahat ngayon dahil ayaw na niyang maulit uli ang nangyari kagabi.

"Naidlip ako sa salas habang nanunood ng TV. Napanaginipian ko si Logan. Ilang araw ko na rin kasing nararamdaman na parang may hindi tama." Panimula niya. Mataman lamang na nakinig ang dalawa sa kanya.

"In my dream, Logan was driving on this isolated road by the side of the mountain. It was somewhat windy and rainy. He made that last turn going down hill when he lost control of his car. It fell in the raven next to it then he hit a tree on it way down then an explosion." Kwento niya. "The next thing I saw in my dreams, he got ejected out of it." Dugtong niya na nagpahikbi sa kanya.

Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya. Parang naninikip na naman ang dibdib niya kaya maagap siyang inabutan ng baso na may tubig ni Mang Jose.

"Little sips, Lance." Paalala ni Aaron sa kanya. Tumango lang siya bilang sagot.

"Tapos, anong nangyari?" Excited na tanong ni Mang Jose.

"Wala. Nagising na ako eh, tapos tumawag si Leland kaya hindi na ako nakabalik ng tulog." Nakatitig lang sa kanya ang apuhan niya at napansin niya yun.

"There's more, right?" Tanong nito. Kilala talaga sila ng apuhan.

Bago pa man siya makapagsalita ay bumukas na ang pinto na ikinapatda nila. Si David Villasis ang pumasok.

"Anong nangyari sa apo kong pogi?" Masaya nitong bulalas. Nakangiti man makikitaan mo pa rin ito ng pag-aalala na idinaan na lang sa bahagyang pagbibiro. "Maghanap ka na kasi ng mag-aalalaga diyan sa puso para hindi ka na lumalanding sa ganitong lugar. Alam mo naman na alergic kami ng Lolo Gramps mo sa ganito." Naalala niya ang kwento ng mga magulang noong kabataan pa ng mga ito.

"Meron na po yatang nagpapatibok ng puso niyan kaya siya nagkakaganyan." Matabil na kwento ni Mang Jose. Nilingon niya ito at tinapunan ng matalim na tingin.

"Oh, really." Sambit ni David.

"And who's this lucky girl?" Tanong naman ni Aaron.

Napahugot na naman siya ng malalim na paghinga. Napapadalas na itong pagbubuntong hininga niya. Para na tuloy siyang isang matandang nagpag-iwanan ng panahon at mahal sa buhay.

"Her name is Maria Jaise Samonte and she's from San Nicolas." Sagot niya. Kung Mommy pa niya ang magtatanong ay baka mag-deny pa siya, pero dahil ang mga Lolo Gramps at Lolo Pops niya ito at hindi niya gagawin yun. Yun naman ang dahilan kung bakit tinawagan niya ito kagabi.

"San Nicolas..." Pag-ulit ni David na parang may pilit na hinahanap sa alaala niya. "Isn't that where we spent those summers long ago for that charity event? Yung pagpapagawa ng building doon?" Saad ni David. Napahipo si Aaron sa kanyang baba na para ding inaapuhap sa kanyang alaala ang lugar na yun. Pamilyar sa kanilang pareho.

"Teka, yan ba yung bayan kung saan yung high school nila ang nanalo sa essay writing contest na sponsored ng Scottsdale Empire? The prize was an additional building for the technology learning center? Yung dinalhan natin ng twenty computers, three printers, office furnitures and office supplies?" Sunod-sunod na tanong ni Aaron.

"Yes, Lolos. The one and the same." Sagot niya.

"Teka, Samonte ba ika mo?" Tanong ni David.

"Opo." Isang salitang sagot niya.

"David, di ba Samonte yung Apelyido nung nanalo ng essay?" Tanong ni Aaron sa balae nito.

"Ang pagkakatanda ko ay dalawa ang nanalo, parehong Samonte pa." Sagot ni David.

May katandaan na ang mga Lolo niya pero matatalas pa rin ang mga alaala nito. Ni hindi nga niya natandaan ang pangalan nung nanalo eh.

"Ilang linggo rin tayong tumitigil doon." Pagbabalik-tanaw ni David.

"Ang natatandaan ko pa ay palagi itong sumasama sa atin noon up until one summer, he stop coming and that's when his heart problem started. Remember that, Kumpadre?" Nakisabay na rin sa pagbabalik tanaw si Aaron sa balae nito.

"Kamag-anak kaya nung nanalo yang ginugusto mong babae, Lance?" Tanong ni David. Nagkibit-balikat siya.

"Kamusta na kaya yun? Masarap bisitahin ang lugar na yun." Parang nangangarap sa saad ni Aaron.

"Well, there's one way to find out." Biglang bulalas ng Lolo Pops niya.

"Let me call Quinn. She should know all the details about that at ipapa-contact ko na rin sa kanya ang Mayor ng bayan na yan." Excited na sabi ni Aaron.

"Ay, tamang-tama yan, mga Sir." Sabat ni Mang Jose. Sabay na napalingon ang tatlo sa kanya. "Nasa San Nicolas po ngayon yung binibining yun." Nakangising dugtong nito. Gustong puminitin ni Lance ang halos butas-butas na mukha ng driver niya, napakadaldal.

"Let's go then." Sabay pang sambit ng apuhan niya. Parang hindi siya nakahiga sa hospital at walang nakakabit na mga aparato sa katawan niya. Naka-oxygen pa nga siya eh.

"Now?" Tanong niya na pinagtawan lang ng dalawang apuhan.

Hindi pa niya naikukwento sa dalawang apuhan ang itinawag ni Leland sa kanya.










--------------
End of LCIF 13: Let's Go

Thank you for reading.the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
07.30.19

Lights! Camera! I've Fallin...
©All Rights Reserved
March 15, 2016

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro