LCIF 10
⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Lights! Camera... I've Fallen!
"I Hate You"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"MAKAI!" Katok ni Majz mula sa labas ng kwarto ng pinsan. "Gising na!" Tumalikod na siya ng hindi man lang hinintay ang sagot ng pinsan.
Mabilis siyang nagtungo sa kusina habang pinupusod ang mahabang buhok. Siya ang nakatokang magluluto ng aalmusalin nila ngayong umaga.
Pagkapasok na pagkapasok niya sa kusina ay dumiretso kaagad siya sa refridgirator. Sinipat kung ano ang meron. Matagal siyang nakatayo sa harap nito. Nang makapagdesisyon kung ano ang lulutuin inilabas niya ang mag ito; itlog na maalat, tinapa, kamatis at langgonisa. Dinala niya ito sa lababo para makapag-umpisa nang maghanda.
Natigilan siya ng bahagya ng mapansin ang maliliit na mga mangkok na ginamit nila kagabi. Matagal niya itong pinagmasdan bago hinugasan. Napuno ang isip niya ng aalala ng nangyari kagabi. Iniwan niya si Makai at Lance sa kusina sa kadahilanang hindi niya maintindihan. Lalo tuloy bumigat ang loob niya habang hinuhugasan ang mga mangkok.
Nauna siyang umalis kasi hindi niya kayang tingnan ang sweetness ng dalawa. Paang may namamagitan sa kanila. Naisip niya tuloy si Logan. Paano na lang ito? Paano na lang siya? Nagulat siya sa naisip.
Hindi niya maintindihan kung paanong nasama siya sa trayanggulong Logan-Makai-Lance. Madiin niyang pinikit ang mga mata at ipinilig ang kanyang ulo. Gustong niyang maalis sa balintataw ang isiping yun. Hindi nakakagaan ng araw. Umayos ka, Majz! Pinsan mo yan. Saway niya sa sarili.
Humugot na lang siya ng malalim na paghinga. Kahit naman siguro anong gawin niya ay hindi na niya pwedeng maalis ang eksenang yun sa isip niya na sadyang ipinagtataka niya. Hindi niya maintindihan kung bakit siya apektado sa nakitang ka-sweet-an ng dalawa gayung wala naman siyang dahilan para maapektuhan.
"Baliw ka, Majz!" Pabulong niyang singhal sa sarili. At itinuloy na lang ang ginagawa.
LINGID sa kalaaman ni Majz, may isang paris ng mata na nanunood sa kanya kanina pa.
Naaliw si Lance na makita ang pagbabago-bago ng mga expressions ng mukha ni Majz sa tuwing sisimangot , ngunguso o pagkunot ng noo ntio, tapos ay sasamahan pa ng pagpipilig ng ulo na muntik na niyang ikanatawa ng malakas, mabuti na lang at napigilan pa niya ang sarili.
Hindi pa doon natatapos ang eksenang pinanonood niya, dahil naroong huhugot uli ang dalaga ng malalim na pagbuntong-hinga na parang bang may napakabigat itong dinadala. Nangingiti si Lance habang pinanonood si Majz.
Hindi maintindihan ni Lance kung bakit maaga siyang nagising. Ang alam niya lang ay narinig niya ang agos ng tubig sa gripo mula sa katabing banyo kaya otomatik na dumilat ang kanyang mga mata at hindi na siya makabalik pa sa pagtulog.
Alam niyang gising na gising na rin ang kanyang kakapit-kwarto. Nakiramdam siya sa pagkilos ng kung sino mang nasa karatig-kwarto hanggang sa marinig niya ang maingat na pagbukas at pagsara ng pinto nito. Ilang sandali pa ay narinig niya ang pagkatok at pagtawag nito kay Makai.
Hindi niya alam kung magkatabing kwarto ang magpinsan, basta ang alam niya lang ay apat lang sila sa bahay na ito; si T'yang Bebeng na nasa ikalawang palapag ng bahay, si Makai sa katapat niyang kwarto at si Majz... ewan niyal ang.
Pero kung si Majz nga kumakatok sa katapat na kwarto, isa lang ang ibig sabihin, si Majz ang nasa katabi niyang kwarto. Doon niya lang naalala ang sabi ni T'yang Bebeng sa kanya noon, "Ugaliing isara ang pinto ng banyo niya dahil may kakapit-kwarto na siya."
Mabilis siyang tumayo at pumasok sa banyo, nakiramdam sa kilos sa kabilang kwarto, nang marinig niyang lumabas ang kung sino man yun ay mabilis siyang nagsipilyo. Inayos ang sarili at lumabas na kaagad sa banyo.
Maingat siyang lumapit sa pintuan para pakinggan kung sino ang kakapit-kwarto niya. Malinaw niyang narinig ang boses ni Majz na kumakatok sa kabila kaya bahagya niyang binuksan ang pinto para makita kung ang dalaga nga.
Malakas na tinambol ng kung ano ang dibdib niya nang makita ang dalaga. Napasapo siya sa kanyang dibdib at bahagyang napaatras nang mapagtanto niyang minsan na rin niya itong naramdaman.
"Damn! Ano ba nag nangyayari sa akin? Ganitong-ganito din ito noon." Bulong niyang sabi sa sarili.
Nabalik siya mula sa pagmumuni-muni at paghabi ng kanyang damdamin nang makita niyang umalis na ito. Mabilis ngunit maingat niya itong sinundan hanggang sa umabot siya sa pinto ng kusina.
Matagal niyang pinagmasdan ang dalaga kahit likuran lang nito ang nakikita niya nung umpisa hanggang sa natapos itong maghugas at hinarap na ang pagluluto.
"Sino yang sinisilip mo diyan?" Tanong ng boses mula sa kanyang likuran na nagpagulat sa kanya. Napatalon din siya ng bahagya.
"T'yang Bebeng naman eh." Napapahiya niyang reklamo. Tahimik na napahagikhik ang matanda dahil sa pamumula ng mukha niya.
"Bakit kasi hindi ka pumasok at doon mo siya pakatitigan?" Panunuksong mungkahi ni T'yang Bebeng sa kanya. Mas lalong nag-init ang mukha niya pati tenga. Napakamot na lang ng batok si Lance.
"Nakakahiya po kasi eh." Hindi lang pagngiti ang ginawa ni T'yang Bebeng, nagtaas-baba pa ang kilay nito.
Hindi alam ni T'yang Bebeng ang iisipin sa tagpong nadatnan. Natutuwa ito dahil sa interes na pinakikita ng gwapong boarder sa pamangkin pero natatakot din ito kahit papaano dahil galing ito sa mayamang angkan.
"Maraming manliligaw yang si Maria Jaise sa amin at alam kong marami rin ang magkakagusto riyan dito sa Maynila." Nilingon niya ang matanda. Sinisiguro niya na siya pa rin ang kausap nito. "Wag mo akong titigan ng ganyan, Muriel." Dugtong ni T'yang Bebeng. Nilampasan siya nito. Napakamot na naman siya ng batok.
At least ngayon kung papasok man siya ng kusina ay hindi na magiging dyahe dahil hindi lang silang dalawa ni Majz, kasama nila si T'yang Bebeng. Gusto niyang sipain ang sarili dahil sa nararamdamang dagang naghahabulan sa dibdib niya. Bakit? Nagtataka niyang tanong sa sarili.
"Good morning." Anunsyo niya sa malumanay na tono. Nabigla pa siya nang lumingon si Majz sa kanya.
Nagtama ang kanilang mga mata ngunit mabilis ding nagbawi ng tingin ang dalaga. Biglang kumabog ang dibdib niya. Naiinis na siya sa sarili kasi para na siyang tanga. Tanga lang, Lance? Kastigo niya sa sarili.
"Ano pa ang tinatayo-tayo mo diyan?" Tanong ni Majz sa kanya na nagpataas ng kilay niya ng palihim, hindi niya alam kung pataray ang pagkakasabi nito o talagang mataray lang ang dating nito sa kanya.
"Muriel, hijo, dito ka na maupo." Itinuro ni T'yang Bebeng ang upuan sa harap nito. "Oh, Makai, mabuti at gising ka na rin. Dito ka na sa tabi ko umupo." Dugtong pa nito. Napansin niya ang mabilis na paglingon ni Majz.
"T'yang..." Sambit ni Majz na hindi naman na itinuloy. Gusto niya sanang magprotesta ngunit pinigil na lang ang sarili.
Humugot ito ng malalim na paghinga at laglag balikat na hinarap ang pagkuha ng thermos at mga tasa.
Tumayo na rin siya para kumuha ng pinggan, kutsara at tinidor. Kumuha naman ng isang pitsel ng malamig na tubig mula sa fridge si Makai habang si T'yang Bebeng ay busy paglalagay ng place mats sa lamesa.
Nang matapos na mailagay ni Majz ang pagkain sa lamesa ay tahimik na silang nagsiupo. Ang plano niya kaninang tumayo siya at uunahan niya si Makai na umupo sa tabi ni T'yang Bebeng ngunit hindi yun nangyari. Kaya ang siste ay nasa upuan pa rin siyang pinaupuan ng T'yang Bebeng niya sa kanya.
"Muriel, pakikuha nga ako ng maliit na platito para mapaglagyan ko nitong pinakurat." Utos nito sa kanya.
Kung ibang tao lang si T'yang Bebeng ay maaaring nasigawan na niya ito. Hindi siya sanay na inuutusan ng iba maliban sa mga magulang at mga apuhan niya... ngunit si T'yang Bebeng ito. Hindi niya kayang gawin yun sa babae.
Hindi naman sa ayaw niyang makatabi si Majz, hindi nga lang siya komportable kasi parang ayaw siya nitong makatabi. Napahugot na lang siya ng malalim na paghinga at walang imik na kumuha ng platito.
Sa kanyang pagtalikod pabalik sa cupboard na lagayan ng plato ay nahagip niya ang titig ni Majz sa kanya. Hindi siya sigurado kung galit ba yun o inis lang. Mabilis din naman kasi nitong binawi ang tingin at hinarap na ang pag-upo sa upuang kaharap ni Makai.
"Anong oras kayo uuwi ngayon?" Tanong ni T'yang Bebeng sa tatlo.
"Maaga akong makakauwi mamaya, T'yang. Meeting lang naman sa apparel ang pupuntahan ko." Mabilis na sagot ni Makai.
"Baka gabihin po ako o baka doon na ako matulog dahil may editing pa kami ni Kuya Celso at Kuya Ray." Sagot Majz na hindi man lang nag-angat ng tingin. Gusto niyang mailing, pinigil na lang ang sarili.
Alam naman kasi niya na wala itong gagawing iba kundi i-review na lang ang edit video ng tvc kasama ng kliyente tapos ay scheduling na para sa susunod na buwan.
"Akala ko ba magkasama kayo sa project na yan?" Tanong ng matanda. Nakinig na lang siya.
"Magkasama pa rin po, kaya lang may tatapusin pa po ako." Sagot ni Makai. Nakita niya ang pag-aalangan sa mukha ni Makai.
"Meeting lang naman po yun, T'yang. Siya po ang direktor kaya siya ang dapat na a-attend doon." Salo naman ni Majz. Nakikinig lang siya sa palitan ng usapan ng mga ito.
"Eh kung ganun pala ay tawagan mo ako mamaya kung makakauwi ka para alam ko kung dadamihan ko ang lulutuin o hindi." Pahayag ni T'yang Bebeng. Tahimik lang siya at naghihintay ng isasagot ng magpinsan.
"Opo, T'yang." Simpleng sagot ni Madz at tumahimik na uling kumain.
"Ikaw, Muriel?" Baling nito sa kanya. Tinitigan niya si T'yang Bebeng. Hindi alam kung ano ang sasabihin dahil wlaa siyang ibang gagawin maliban sa opisina.
Gusto niyang dito muli mag-istambay kasama ng tatlong babae, gusto din niyang mag-offer na siya na ang magsusundo kay Madz para makauwi kaya lang alam naman niyang tatanggihan lang siya nito.
"Hindi ko pa po alam, T'yang. Baka po umuwi ako sa bahay ko para makamusta na sila Mang Jose." Sagot niya. "Susubukan ko pong magtanong kina Daddy baka may balita na po kay Logan." Hindi naman siya nagsisinungaling sa unang sinabi kaya siguro okay na rin, pero yung idinugtong niya ay hindi.
Ang totoo ay hati ang isip at puso niya sa pag-alis. Masyadong siyang nawiwili sa bahay na ito. Wiling-wili na siya noon pa man na silang dalawa ni T'yang Bebeng pero mas lalo na ngayon na nandito ang mga pamangkin nito.
Si Majz lang ang kinawiwilihan mo, Lance, dinamay mo pa si T'yang Bebeng at Makai. Pang-aasar niya sa sarili.
Tahimik na nilang tinuloy ang almusal. Nang matapos na si Majz ay tumayo na sabay bitbit ng sariling pinagkainan, hinugasan ang mga ginamit at nagmamadaling lumabas ng kusina. Wala siyang nagawa kundi panoorin lang ito.
"Maria Jaise!" Tawag ng tiyahin dito. Napahinto ito at bahagyang lumingon.
"T'yang?" Sagot ni Majz. Tumaas ang kilay nito. Narinig niya ang pagbungisngis ni Makai. Nilingon niya ito at nailing na lang sa nakita.
"May humahabol ba sa iyo, pamangkin ko?" Sita ng T'yang Bebeng kay Madz.
Humugot muna ito ng malalim na paghinga bago laglag balikat na humarap sa tiyahin. Titig na titig lang siya sa dalaga.
"Pasensiya na, T'yang, tanghali na kasi eh. Baka abutin ako ng trapik." Nakakita ng rason si Lance para maisingit ang gustong gawin dito.
"Kung okay lang sa iyo, T'yang ihahatid ko na lang sila. Paparating na po si Mang Jose para ihatid yung sasakyan ko sa akin." Mabilis niyang paliwanag. "Idadaan ko na lang po silang dalawa bago ako tumuloy sa amin." Dugtong pa niya. Naisip niya na mas mabuting sa tiyahin ng dalawa sabihin ang gusto niyang iparating kay Madz.
"Mabuti pa nga at nang hindi ito nagmamadali na parang hinahabol ng isang batalyon na ipis." Bumusangot si Majz, bumungisngis nang may kalakasan naman si Makai. Napayuko na lang si Lance para itago ang hindi mapigil na ngiti, ayaw niyang makita yun ni Majz.
"Okay po, T'yang." Malunay na sagot ni Majz ngunit pansin mo ang pigil na inis.
Pasimple niyang sinulyapan si Majz. Nakita ni Lance ang nanggigigil na tingin na ibinato ni Majz kay Makai na kahit hindi niya ito tingnan ay naririnig niya ang pagtawa nito.
Gusto niyang sawayin si Makai, pero imbis na pagsabihan ay nahawakan niya ito sa kamay. Natigilang si Makai, ganun din siya. Mabilis niyang nilingon si Madz. Nahagip niya ang pag-irap nito sabay alis. Mabilis namang sumunod si Makai sa nainis na pinsan.
Tumayo siya para habulin ito pero hindi siya nagtuloy. Pinigil niya ang sariling gawin yun dahil una, wala siyang karapatang gawin yun. Pangalawa, alam niyang out of line ang ginawa niya. Pangatlo, ano naman ang pwede niyang irason at bakit? Baka mamaya hindi pala inis sa kanya kundi kay Makai at nag-assume lang siya, ayaw niyang mapahiya.
"Muriel, wag mo nang habulin ang may toyo at baka maisangkap ka pa sa adobo." Saway ni T'yang Bebeng. Bumalik siya ng upo, napangiti siya sa sinabi nito.
"T'yang..." Tawag pansin niya sa matanda. Humarap naman ito sa kanya. Kalmado at maaliwalas ang mukha ng babae.
"Ano yun?" Tanong naman nito.
"Ayos lang po ba yung dalawang yun?" Nag-aalala niyang tanong. Hindi niya maiwasang isipin na napikon si Majz.
"Aayos din yang dalawang yan. Dati na nilang ginagawa yan. Tampo-bati, away-bati, hindi magkikibuan na inaabot ng ilang araw, minsan linggo, pero bigla na lang nakikita na naming maayos na sila. nagkukulitan at nagtatawanan." Kwento niyo. Nag-umpisa na iyong magligpit ng pinagkainan nila kaya tumayo na rin siya at tumulong sa babae.
"Parang katulad din pala naming magkakapatid. Magkakainisan, Magkakapikunan, halos magpatayan then after all that, we get along again." Nakita niyang ngumiti ang babae. "Bakit po?" Tanong niya dito.
"Ayos na sana at tuloy-tuloy na ang pananagalog mo tapos bigla kang babanat ng english." Natatawang saad nito. Napapakamot tuloy ng siya sentido.
"T'yang naman eh. Komportable lang ako sa iyo." Nailing si T'yang Bebeng.
"Ako nga tigilan mo!" Singhal nito. "Umusad ko na doon sa kwarto mo at maghanda ka na rin at baka abutin pa kayo ng trapik." Saad nito. "Ako na ang magtatapos nito.
Sumunod naman kaagad si Lance. Nagpasalamat siya kay T'yang Bebeng at nagpaalam na rin. Mabilis siyang nagbihis para maihatid si Majz at Makai.
"SAAN kita ihahatid, McNight?" Tanong niya dito nang nasa kalsada na sila. Sinipat niya ito sa rearview
"Makai na lang at diyan na lang sa Coffee Bean malapit sa V.A.C." Mabilis na sagot ni Makai. Nakatutok ang mga mata sa cellphone.
Naiinis man siya dahil simula pa kagabi ay hindi siya pinapansin nito. Pero hindi naman siya binabastos. Kapag kinakausap niya ito ay sumasagot din naman kaagad. Yun nga lang, para siyang nakikipag-usap sa pader sa lamig at flat na tono.
Akala niya kapag nasabi na niya dito ang totoo ay magiging maayos na ang pakikitungo nito sa kanya kahit na papaano at luluwag na ang tensyon sa pagitan nila. Mukha yatang nagkamali siya.
Hinigpitan niya ang kapit sa manibela na para bang dito siya kumukuha ng lakas para makapagpigil na wag makapagsalita ng hindi maganda o makapanumbat. Makapanumbat ng ano?
Kung importante nga si Makai para sa kapatid niya katulad ng sabi-sabi sa agency, kailangang maayos niya itong mapakisamahan lalo pa't hindi nila alam kung nasaan si Logan at hindi rin nila alam kung maayos lang ba ito.
Malakas ang kutob niya na hindi lang matalik na magkaibigan ang kapatid at ang director, may malalim na relasyon ang dalawa. Logan, you are a dead meat when I get a hold of you, damn ass!
Napakatahimik naman ni Majz na nakaupo sa likuran ni Makai at sa labas ng sasakyan ito nakatingin. Ilang beses na niya itong hinihintay na tumingin ng diretso sa harap ngunit hindi man lang nito ginawa.
Nadidismaya siya para sa sarili. Wala na siyang ginawa na tama sa paningin ng dalaga. Bakit ba gusto mong good shot ka palagi, Lance? Tanong ng mapanukso niyang sarili.
"Dito mo na lang ako ibaba. Kaya ko na ang sarili ko." Walang ganang sabi nito. Halos wala pa nga sila sa mall kung saan yung coffee place na sabi nito. Wala siyang nagawa kundi ang humugot ng malalim na paghinga.
Nag-unti-unti siyang umipud papunta sa gilid ng kalsada para maiparada ito. Maayos niyang naipara sa gilid ang kotse. Hindi pa man ay mabilis pa sa tilaok ng manok sa alas tres ng umaga ang pagbaba ni Makai. Hindi man lang ito lumingon o nagpasalamat man lang sa kanya. Okay na rin naman siguro yun kasi hindi rin naman ito nagpaalam sa pinsan.
Naiiling siya at bahagyang natawa. Naalala niya ang Ate Brynn niya at ang Kuya Ethan niya noong mga wala pang asawa ang mga ito.
Ganyan kung magkatampuhan ang dalawa pero hindi rin nagtatagal, pareho ding hindi makatiis. Yun nga lang mas unang sumusuko ang Kuya Ethan niya. Sino kaya sa dalawang ito ang unang susuko? Tanong niya sa sarili.
"Jaise." Tawag pansin niya kay Majz. Mabilis itong napatingin sa kanya. May bahid ng gulat at pagtataka ang anyo nito ngunit may lambot din. "Could you sit here in the front?" May pag-aalangan niyang tanong.
"Bakit?" Tanong nito. Napalunok siya sa tapang ng pagkakasalita nito.
"Uhmm... I... I don't want to l-look like a chauffeur?" Patanong niya sagot. Nag-aalala siya na mamali sa pagsagot at pumara na lang ito ng ibang masasakyan.
"Oh. Okay." Sagot nito. Mabilis na kinalap ang dala-dalahan para lumipat sa harap.
"Hayaan mo na ang gamit mo diyan likuran. Kunin mo na lang pagbaba mo mamaya sa agency." Malumanay niyang sabi dito. Tumango lang si Majz sa kanya at lumabas na ng kotse niya.
Kinuha niya ang pagkakataon na lumabas si Majz para humugot ng hangin at maragsa itong ibinuga. Gusto niyang alisin ang bikig na nakaharang sa lalamunan at dibdib niya. Gusto niyang lumuwag ang paghinga niya.
Inulit niya ng isa pang beses. Mabilis lang ginawa bago pa tuluyang nabuksan ni Majz ang front-passenger side door ng kanyang 2016 Vios.
Nakapasok na si Majz at umupo na. Mabilis siyang kumilos para tulungan ito sa seat belt ngunit mas mabilis yata si Majz sa kanya. Nakapag-seat belt kaagad ito. Nailing na lang siya. You've been shaking your head a lot lately, Lancelot. Puna niya sa sarili.
"I got it, salamat." Flat at walang-buhay na sabi ni Majz pero nahihimigan ni Lance ang lambing ng dating nito sa kanya. Parang lambing na katulad ng Mommy at Ate Brynn niya kapag nasa mood ito. You're crazy to compare her to your mom and sister! Singhal niya sa sarili.
Tahimik na silang bumyahe, tahimik. Ilang kanto pa at naabot na nila ang agency. Mabilis siyang bumaba at umikot para pagbuksan si Majz. Laking tuwa niya ng maabutan niya itong nasa loob pa ng kotse. Napansin niya ang pagbuga nito ng hangin. Nangunot man ang noo niya ay ipinagkibit-balikat na lang niya.
Pinagbuksan niya ng pinto ang dalaga, binuksan niya rin ang pinto sa likod at kinuha ang gamit nito. Buo na ang plano niya, ihahatid niya si Majz hanggang sa loob ng opisina ng Tita Ella niya o di naman kaya ay kung saan ito pupunta sa loob building.
"Sir Lan— Mr. Scott. Ako na po ang magdadala niyan... please." Pakiusap nito. Gusto man niyang humindi ay wala naman siyang magawa at karapatan lalo pa't makatitig sa kanya ang nagsusumamong mata nito. Ibinigay niya kay Majz ang backpack nito at isang binder.
"Jaise, susunduin kita mamaya." Napatitig si Majz sa kanya. Hindi niya alam ang iniisip nito o nararamdaman dahil blangkong-blangko ang expression nito.
"Bakit?" Biglang tanong nito pagkatapos may kahabaang katahimikan.
"Because..." Hindi niya alam ang sasabihin. "Because I want to." Dugtong niya. Umaasang papayag ito.
"Please, don't." Maliwanag yun sa pandinig niya pero bakit parang bigla siyang namingi. Bago pa man siya nakabawi ay nagsimula na itong lumayo sa kanya.
"Why, Jaise?" Nasasaktan niyang pahabol na tanong.
Lumingon naman agad ito sa kanya. Umaasa siyang nagbago na ito ng isip ngunit bigo siya nang marinig niya ang sagot nito.
"You're not Lance, remember?" Paalala ni Majz sa kanya. "They know you as Logan." Dugtong nito sabay talikod at pumasok na sa loob ng gate ng property. Laglag ang kanyang balikat na bumalik sa loob ng sasakyan.
"I hate you, Logan."
--------------
End of LCIF 10: I Hate You
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.
💖 ~ Ms J ~ 💖
07.09.19
Lights! Camera... I've Fallen!
©All Rights Reserved
March 15, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro