Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

6 Guardian

Laila's POV

Ilang ulit akong nag-aalumpihit sa kinauupuan na row bench.

"Jon, ano'ng oras na?"

"Five to nine," ang mahinahon niyang sagot. "Tatawagan ko na."

Medyo nahiya na ako. Pang-ilang ulit ko na kasing tinanong mula kaninang dumating kami sa Pasay. Kasalukuyan kaming nasa loob ng trial court.

Narito na rin si Tatay, at iba pang katulad niya. Lamang ay nasa kabilang panig sila ng court room kasama ang mga prison guards na bantay nila. Ang mga abogado lang nila ang pinayagang lumapit. Ang pamilya ay hindi.

Maaga kaming umalis ni Jon para makumusta ko si Tatay bago ilabas sa city jail at dalhin dito sa Pasay Regional Trial Court. Dinalhan ko na rin kasi siya ng pagkain. Baka matagalan kasi dahil hindi lang naman si Tatay ang may schedule ngayon ng arraignment sa judge na hahawak ng mga kaso.

Di ko maiwasang mainip at masimulang mainis. Dapat ay kanina pa naririto si Atty. Marquez. Nine ang simula. Baka unang tawagin ang pangalan ni Tatay ay wala pa ang abogado niya.

"Hello, Attorney?... Ah okay... Nagtatanong na kasi si... Oo, marami na... Uhm... Dumating na si Atty. Navarro, mga fifteen minutes ago pa..."

Nanigas ako sa pagkakaupo. Hindi ko na naintindihan ang sinasabi ni Jon kay Atty. Marquez, pati ang pagkakaingay sa paligid na likha ng mga naririto ngayon.

Narito na pala si Justine! At wala akong kamalay-malay!

"Ayos ka lang?"

Napapitlag ako sa tanong ni Jon.

"Uhm... O-oo."

Lumala ang pakiramdam ko na di mapakali. Hindi na dahil sa wala pa si Atty. Marquez, kundi dahil nasa iisang lugar lang kami ni Justine. Pinigilan ko ang sarili dahil baka makahalata si Jon. Kaya lang di ko maiwasan ang patuloy na pagkuskos sa mga palad at paglalaro sa mga daliri ko.

Akala ko kasi ay wala pa sila. Ang pamilya ng mga nagdedemanda at ang abogado nila. Wala kasi akong naririnig sa paligid na may patungkol sa kaso ni Tatay.

Unconsciously, palagay ko ay yun ang dahilan kaya lalo akong nabubuwisit kay Atty. Marquez na wala pa hanggang ngayon. Na kailangan ko nang maipapananggalang sa sitwasyon ngayon. Mabuti na lang na kasama ko si Jon. Trabaho man niyang bantayan ako, naroon ang pakiramdam na tila ito isang nakatatandang kapatid na handa akong ipagtanggol sa maaring manakit sa akin. Pisikal man o berbal.

"Jon...?" pabulong kong tawag.

"Oh?"

"S-saan nakapuwesto sin J-justi... Ano, uhm... yung pamilya ng mga nagdemanda kay Tatay?"

"Sa kabilang row ng mga upuan, bandang unahan."

Marahan akong tumango.

"Ayos ka lang ba?"

"B-bakit di mo sinabi sa akin kaninang dumating na sila?"

"Para ano? Wala namang maitutulong sa iyo ang presensya nila. Makakasama pa nga. Kaya nga dito ko pinilig pumuwesto tayo sa bandang likod. Baka may marinig ka na sasabihin nila."

Kaya pala pinigilan niya ang suhestuyon kong sa unahan kami.

"Kung nakikita mo lang ang sarili mo ngayon," ang dugtong.

"Ha?"

"Di ka mapakali dahil wala pa si Atty. Marquez. Oh, heto na pala."

Di man ako nakakakita, lumingon ako dahil sa kabila nang ingay nang pag-uusap ng mga tao dito sa loob, dinig ko ang pagbukas ng pinto. At sa palagay ko ang hinto lang ako ang lumingon dahil may mga tumigil sa pag-uusap.

"Excuse me... excuse..." ang papalapit sa tabi ko na pasintabi ni Atty. Marquez.

Tapos ay tumikhim ito. Uurong sana ako para bigyan siya ng espasyo. Pero naamoy ko ang cologne niya. Nangibabaw ang ang mamahaling scent niyon kumpara sa amoy ng mga nasa paligid naming. Nainis na naman ako nang lihim lalo't alam kong nasa harap ko na ang abogado. Yun ang pabangong ginaya sa kanya ni Justine noon. Di pa rin siya nagpapalit hanggang ngayon. Kaya,

"Jon, urong ka dito," tagtag ko sa manggas ng damt nito. "Diyan mo paupu—"

Di ko na natapos ang sasabihin dahil kaswal na hinawi ni Atty. Marquez ang paa ko at ni Jon tapos ay naupo sa pagitan namin.

"Sorry, I'm late."

Bago pa may makasagot sa amin ay may nagsalita nang malakas, "All rise!"

Natahimik ang lahat tapos ay nag-ingitan ang mga row benches.

Medyo napapitlag ako nang hawakan ni Atty. Marquez ang kamay ko, "Come."

"Ha?"

"We need to stand up. That's the bailiff calling. Andyan na yung judge," ang mahinang sabi alalay ako.

"Oh..."

"...This court is now in session. Judge Reyes is presiding."

Siya rin ang nag-alalay sa akin maupo dahil nabitawan ko ang walking stick pagtayo. Siya rin ang nag-abot nun nang damputin ng katabi kong babae.

Nagsimula ang arraignment pero di pa tinawag ang pangalan ni Tatay.

"Bakit ngayon ka lang?" pabulong pero medyo inis kong tanong. "Paano pa kayo makakapag-usap ni Tatay?"

"Sorry, dumaan pa ako'ng ospital."

"Ha? Bakit?"

"Uhm... just visited Rob's sons. And moral support to my best friend."

Bigla akong nag-alala. Kahit isang beses lang kaming nagkausap ni Mr. Agoncillo, malaking utang na loo bang tinatanaw ko sa kanya. Isa pa, ang alam ko ay sobrang bata pa ng anak nito, base sa kuwento ni Jon. Pero teka...

"Sons? Akala ko isa lang ang anak n'ya?"

"He has two. We just don't talk about the youngest until last May."

"Bakit?"

"It's a long story."

"Ano'ng nangyari sa mga bata?"

"The youngest needed a bone marrow transplant. The eldest son is the donor.  Kanina na-discharge yung panganay. Yet Rob's wife is still mad at him especially that there is still no assurance if the youngest's body will accept or reject the bone marrow. He's feeling down for weeks now. And he's still trying to win Jun back."

"Jun? Yung bata?"

"No, the wife. Juno."

Napatangu-tango ako.

Mabuting kaibigan ang katabi ko. Sa palagay ko ay ganun din naman si Mr. Agoncillo. Yun ngang pangako niya kay Tatay, hindi tinalikuran. Gayung di naman talaga niya kakilala pero sobra-sobra ang tulong na ibinigay. Nasobrahan na pati itong si Atty. Marquez, di na kapani-paniwala ang tulong na binibigay. Maiintindihan ko yung pro-bono client kami. Matalik niyang kaibigan si Mr. Agoncillo. At sobrang mayaman na ang mga Marquez.

Pero yung abala sa sobrang busy niyang schedule? At kailangan ba talagang halos araw-araw siya sa bahay? Mas madalas ay after office hours siya nagpupunta. Hindi man siya nagtatagal, pero yung biyahe, di ba? Minsan, ang dahilan ay may kinita na kung sinong Pontio Pilato na malapit lang sa amin. Bakit kailangang i-check niya ang kalagayan ko gayung kasama ko na si Jon?

Nakakaduda na dahil hindi naman ako ang kliyente niya, kundi si Tatay.

"Paano na mamaya?"ungkat ko.

"Ano'ng mamaya?"

"Sa arraignment. Hindi kayo nakapag-usap ni Tatay kanina."

"Your father and I had plenty of time talking about his case and more."

Napataas ang dalawa kong kilay.

"I pay him a visit twice to thrice a week."

Natahimik ako. Napaisip.

Una, walang binabanggit sa akin si Tatay kapag pinupuntahan ko siya tuwing umaga. Ang lagi lang sinasabi ay mas pagtuunan ko raw ng oras ang paunlarin ang sarili ko ganyang wala siya. Naiyak nga ako nang dugtungan niya na darating ang panahon na sa ayaw at gusto naming mag-ama ay mapaghihiwalay kami ng kamatayan. Kaya marapat lang daw na tutunin ko na ang maging independent dahil hindi habambuhay na may tutulong sa akin. Kaya pinapangako niya ako kahapon na mag-aral na ng braille, at bisitahin na lang siya tuwing Sabado o Linggo. Ipinipilit niya na gamitin ko ang natitira sa iniipon naming para sa cornea transplant ko. Tutal ay wala pang definite timeframe kung kailan makakakuha ng donor, at kung darating ang panahong yun ay siguradong mas mahal na rin ang presyo nang pagpapaopera. Umoo na lang ako para matapos na ang usapan. Baka madulas ako na nagastos ko na halos lahat yun. Palabas lahat ng pera mula nang makulong si Tatay sa dami nang pagkakagastusan. Walang income dahil confiscated nga yung van namin, at di ko naasikaso ang tindahan.

Pangalawang naglalaro sa isip ko ay kung kailangan ba na ganun kadalas ang pag-uusap ng abogado at kliyente niya. Di ko maikumpara noong panahon namin ni Justine. Nitong mga nakaraang taon, mas tumimo sa isip ko na ang mga dahilan noon ni Jus na busy siya sa research, meeting at appointment sa kliyente ay mga palusot lamang para hindi ako mag-isip na hindi na pala work related ang pinagkakaabalahan niya nang mga panahong yun.

Naputol lahat nang isipin ko nang magsalita muli si Atty. Marquez.

"Arraignment won't take that long, anyway. Five to ten minutes tops, including the scheduling of the next hearing or bail contests. Mas matagal pa ang paghihintay. The tedious part would be the research and the actual trial sessions."

Tumango lang ako. Kaya tumahimik din siya. Tapos ay narinig ko nagpipindot ito sa cellphone. Kasunod ay ang tunog ng folder at papel.

"Lai... uhm, Laila..."

"Oh?"

"Sa next hearing, may kasama na akong isang senior at junior associates."

"Ha? M-magkano ang fee?"

"None. I need another counsel and good researcher."

"B-bakit?"

"I specialize in corporate law. I'll get someone in the law firm who's expert in criminal cases."

Napakunut-noo ako, "A-ano'ng ibig mong sabihin? Paano ang tsansa ni Tatay?"

"Hey, chill. Kaya nga ako kukuha nang tutulong sa atin," ang sabi na pinisil pa ako sa kamay.

Tumikhim si Jon, kaya bigla akong na-conscious. Binawi ko ang palad ko sa pagkakakulong sa kamay ni Atty. Marquez.

"Bakit ikaw pa ang humawak ng kaso?"

"I took the job because Rob asked me."

Tumango lang ako nang kaunti.

"H-hindi ba dahil sa... hinamon kita para ...para makatapat si Jus—Atty. Navarro?"

"Yeah, that too."

"I see."

"I will win this not just for me, but for you."

"W-wala naman akong planong gumanti kay Just--"

"Tss," asar niyang reaksyon. "Why? You still have feeling for that assho --"

"Wala akong sinabing ganun!" napataas ang boses ko.

Palagay ko ay naagaw nun ang atensyon ng mga tao na nasa paligid sa amin dahil napatigil ang iba sa pag-uusap. Bigla kong itinikom ang bibig ko.

"You're too defensive, Laila."

"Ayoko dahil wala namang ibang maidudulot yun na mabuti. Lalo na sa akin," sagot ko sa mas mahinang boses pero may diin pa rin.

"Oh, well," tila bored niyang sabi.

Sa inis ko, di ko napigilan muli ang, "Sa palagay ko, mas mabuting yung talagang criminal lawyer ninyo ang pinahawak mo."

"Why, don't you trust me that I can get your father out of this murder and robbery lawsuit?"

Nahimigan ko ang tila pagtatampo sa tono niya sa kawalan ko ng tiwala.

"H-hindi yun ang gusto kong ipahiwatig," bawi ko.

Kahit naman na may tago akong inis dito, malaki pa rin ang pasasalamat ko sa naitulong niya kay Tatay. Ang yabang nga kasi. Dagdag pa na sobrang pakialamero sa buhay ko.

"Your tone is saying so."

"Uhm, ano kasi. Parang masyadong naaabala ang oras mo. Palagi ka sa bahay."

"I told your father I will check on you from time to time."

"Hindi kapani-paniwala na pati yung paglalabas mo nang pera para sa tindahan eh kasali sa sinabi ni Tatay."

"It's a loan. You regularly pay twice a week," pabale-wala niyang sagot.

"Wala pa sa kalingkingan ang naibabalik ko!" nauumpisahan ko na namang mainis. Lamang ay mas conscious na ako ngayon na di makatawag ng atensyon. "Isa pa yang nakakalokong payment terms mo."

"It's just money,"ayun na naman yung tono niyang tila di interesado sa ipinupunto ko. "I have plenty to spare."

Ang yabang talaga!

"Oh sige. Huwag na yung pera mo. Paano yung masasayang na manpower sa lawfirm n'yo kung tatlo kayo? Pwede namang yung criminal lawyer na lang talaga. Siguradong may oba akng hinahawakang kaso na mas malaking kliyente."

"I own it. It'll always be my call."

Sa sinabi niya, natabunan na naman tuloy ng inis yung pagkapahiyang nararamdaman ko. Ang hangin!

"Buhay pa ang Lolo at tatay mo, di ba? So, hindi ikaw ang may-ari," di ko maiwasang barahin ito.

"Oh, I see. So, did that come from your not-so-good ex, huh? And still can't forget whatever he told you?" sarkastiko nitong sagot.

Natameme ako sabay napayuko at nakuyom ang mga palad.

Tumikhim uli si Jon, "Attorney..." may pagpapaala sa tono nito.

Napabuga ng hangin sa bibig ang katabi ko, "I'm ... I'm sorry, Laila. It's just that... never mind. I'm really sorry."

Napakagat-labi ako. May mali rin ako.

"S-sorry din."

"Apology accepted."

Pinigilan ko ang mapapitlag dahil pinisil niya uli ang isang kamay kong malapit sa kanya. Wala na uling nagsalita sa amin ang ilang minuto habang naghihintay. Hanggang sa tumayo si Atty. Marquez. Tinawag na pala ang pangalan ni Tatay.

"Stay here. Babalik ako agad."

Humugong ang bulungan. Naging alumpihit na naman ako. Napansin malamang ni Jon kaya umurong palapit sa akin saka ako inakbayan.

"Kayang-kaya yan ni Atty. Marquez. Siya ang abogado namin sa agency. Relax ka lang," ang mahinang paalala.

Pero hindi yun masyadong nakatulong nang marinig ko ang boses ni Justine na nagpakilala bilang abogado ng mga Barcelon. Nagulat ako na may kasama itong isa pang abogado na counsel naman nang dalawang kaibigan ni Leo Barcelon na nasugatan ni Tatay sa braso.

"I'm Atty. Raphael Marquez representing Mr. Ruben Centeno for defense."

Nagkaroon uli nang hugong ng bulungan. Binasa ang mga kasong isinampa laban kay Tatay.

"My client is entering a not guilty plea, as his actions were for self-defense. And your honor, my client is also requesting for the release of their vehicle from the impound."

"According to the documents submitted, it is one of the evidences," sagot ng judge.

"I already submitted a motion contradicting the claim, you honor," sabi ni Atty. Marquez.

"And we countered it, your honor," tiwalang sabat ni Justine. "The case has only started. An evidence cannot be released for further investigation, if necessary."

Di ko napigilan ang mapakapit sa kamay ni Jon na nasa balikat ko. Tinapik-tapik niya yun. Nangilid ang luha ko. Ito ang senaryo na di kailanman sumagi sa utak ko.





"Gusto kitang mapanood sa unang laban mo sa korte, mahal," proud kong sabi.

"Huwag muna sa una. Baka mapahiya ako sa iyo. Siyempre kinakabahan pa ako nun," bagaman natatawa, nahimigan ko ang kakulangan sa kumpiyansa niya sa sarili.

"Kayang-kaya mo yun," pampalakas ko sa loob niya. "Kita mo nga na pasok ka sa top twenty ng bar passers. Tsaka, kaya nga ako manonood para moral support. At kahit ano pa ang resulta nun, proud ako sa iyo."

"Basta. Isasama lang kita kapag kasing galing na ako ni Atty. Marquez."





Kung napigilan ko noon ang pagsimangot, ngayon ay hindi. Dahil mukhang pinanindigan nang husto ni Justin ang mga aspirasyon niya noon. Pinantayan niya ang otoridad sa boses ni Atty. Marquez.

Napailing pa nga ako. Papaano, ang taong lihim kong pinagbibintangan at kinaiinisan sa pagbabago ni Justine ang nagtatanggol sa amin. At ang taong kasabay kong nangarap para sa kinabukasan ang ang umuusig sa nag-iisang pamilya na meron ako.

Ibang klase magbiro ang tadhana.

"The evidence Atty. Navarro is claiming was not the vehicle itself."

"But it is. Mr. Centeno used it as a get-away car."

"My client did not evade arrest . In fact, he used the van to voluntarily surrender directly to the police. He did that to avoid further violence that may arise from the public."

"The weapon used was from the van, your honor. Said weapon is missing until now."

"My client already made a sworn statement which weapon he used as protection. It got lost at the crime scene yet it matches to the findings as stated in the medico-legal."

"That does not change the fact that the vehicle was present and that the weapon was from it."

"Your honor, the tool box was surrendered, again, voluntarily. It houses the missing weapon," sagot pa rin ni Atty. Marquez. "The van is the source of income of the sole family member who happens to be a PWD. Why hold it when there's nothing inside as evidence?"

"Are you suggesting that the aggrieved party, which is my client, take pity on someone who is not even part of this case, Atty. Marquez?"

Uminit ang mata ko sa sinabi ni Justine. Parang sinampal ako sa kawalan niya ng pakiramdam. Yung kaunting paglingon man lang sa pinagsamahan namin. Na akala mo ay walang siyang mga atraso sa akin.

"Not involved? Wasn't it in your argument accusing my client of robbery to use for his daughter's eye operation? Do you need me to remind you why she is in that condition, Atty. Navarro?"

"What the ..."

Narinig ko ang pagpukpok ng judge sa gavel niya, "Order in the court! This is only an arraignment schedule!"

"But your honor..." kontra pa rin ni Atty. Marquez.

"I will need to read the motions submitted by both parties, and recommendation from the investigating team. Both lawyers, approach the bench with your documents."

Napalitan nang bulungan ang kanina ay pagtatalo nina Atty. Marquez at Justine. Hindi ko na mawawaan ang sinasabi ng judge sa dalawa, at ang mga sagot nila.

"Relax," bulong uli ni Jon na kinuskos ang mga palad ko. "Nanlalamig ka na."

Napabuga ako ng hangin.

Sandali pa ay inanunsiyo na ang schedule unang hearing ni Tatay. Tapos ay tinawag na ang kasunod na ia-arraign. Bumalik sa puwesto namin si Atty. Marquez.

"Jon, here's my car key. Wait for me there."

"Pwede ba akong magpaalam kay Tatay?" singit ko.

"He was already brought to the holding area. Only the lawyers are allowed there. Sige na, Laila, mas kumportable kayo doon," may kung anong laman sa tono niya.

"Halika na, Lai. Ako na sa bag mo," yaya ni Jon.

Lalo akong nagkahinala.

"May problema ba?"

"Wala," ang sabay nilang sagot.

Di na ako kumibo kahit di ako naniniwala sa kanila. Kasi naroon ang pagmamadali sa salita at galaw ni Jon. At di ako nagkamali dahil sa hallway papalabas, may narinig ako mula sa likuran namin.

"His daughter maybe blind but we lost more. Buhay ng anak ko ang nawala. Hindi nila kami madadala sa paawa! That's what he gets for taking my son's life! "

Natensyon ako. Humigpit ang kapit ni Jon sa braso ko. Di ko na napigilan ang mapaluha pagkaupo sa backseat ng kotse ni Atty. Marquez. Hindi ko sanay sa ganito.

"Ayos ka lang?" mahinahong tanong ni Jon.

Umiling lang ako nang umiling habang nakasubsob sa mga palad ko. Narinig ko ang pagsara ng pintuan ng kotse. Hindi pumasok si Jon. Palagay ko ay para bigyan ako ng privacy.

Ilang minuto pa bago pumasok ang dalawang lalaki at sa harap pareho naupo.

"Let's go," ang sabi ng abogado.

Si Jon ang magmamaneho dahil sa bandang kaliwa nanggaling ang boses ni Atty. Marquez.

"P-pwede bang puntahan ko muna si Tatay?"

"No. We'll get our lunch somewhere. Or if you wish, diretso na tayo pauwi para dun na lang tayo kakain."

"Hindi ako gutom."

"Then I am."

"Bakit ba ikaw ang nagdedesisyon para sa akin ha?" maanghang kong sabi.

"Because you are in my car. Because your father asked me to look after you!" may himig na inis nitong sagot. "

"Bababa ako!" maigting sagot sabay kapa sa bukasan ng pinto.

Hindi yun bumigay. Nakalimutan ko. Siguradong mamahaling sasakyan ang kinalululanan namin. May power lock.

"Jon? Bababa ako!"

Sabay na napabuga ng hangin sa bibig ang dalawang lalaki.

"Lai, huwag ka na magpilit," kalmadong sagot ni Jon.

"Yun din ang bilin ni Mang Ben nang mag-usap kami kanina. Ang siguraduhing makakain ka na at makapahinga," si Atty. Marquez. "Please, Laila?"

Di ako kumibo. Pinakita ko ang pagrerebelde sa pagpaling sa may bintana, tiim-bagang at nakakuyom ang mga palad sa kandungan ko. Saka lang umusad ang kotse.

Walang nag-uusap sa amin sa umpisa. Ang naririnig ko lang ay ang tunog nang tila nagte-text sa cellphone. Pero si Atty. Marquez pa rin ang bumasag sa katahimikang yun dahil na-traffic kami.

"Laila..."

Di ako sumagot. Tumikhim siya.

"Wala ka naman sigurong ibang lakad ngayong araw," umpisa niya. "And since I won't be make it to my meeting in time, I'll just skip it."

"Pakialam ko," pabulong lang yun pero narinig niya pala.

"You should. We'll have lunch at my best friend's hotel."

Di ko napigilan, "Sige. Gusto ko ring makausap si Mr. Agoncillo."

"He's not there. Nasa ospital siya. And I'm not referring to him."

"Akala ko ba, siya ang best friend mo?"

"There's three of us best buds. I'm talking about the owner of SchulzAS chain of hotels, resorts and restaurants. I think you've heard about him."

Saglit akong nag-isip, "Freidrich Schulz?"

"Yeah," sagot niya. "Jon, U-turn ka. Balik tayo sa Pasay. Sa Roxas Boulevard."

"Schulz at the Bay ba?" tanong ni Jon.

"Oo."

Inaasahan ko na naman na magkakilala ang mga ito dahil sa sirkulong kinabibilangan pero ang tahimik kong ikinamangha ay ang pagiging matalik nitong kaibigan sa isa sa pinakamayamang businessman sa Pilipinas. Kunsabagay, kilala rin naman ang mga Marquez sa larangan ng abogasya. At base sa kuwento ni Jon, ganun din si Mr. Agoncillo lamang ay hindi maingay.

Kunsabagay, given na yun sa nature ng business nito na security at investigation company. Di ko lang sigurado kung kamag-anak niya ang ilang military officials na minsan ay narinig ko nasa balita.

"Wala akong pambayad sa mamahaling pagkain," kontra ko bagaman alam kong si Atty. Marquez ang bahala roon.

"Don't worry. Rob and I are always free to eat and stay in any SchulzAZ establishment. Including our companions."

Di na uli ako nagsalita hanggang makarating kami sa hotel. Sila na lang ni Jon ang nag-uusap. At matapos mananghalian, may pinuntahan kami na pinag-argumenthuan na naman namin ni Atty. Marquez.

"Ayoko!" mariin kong tanggi.

"Sige na, Lai," pangungumbinsi na rin ni Jon na nakaupo pa rin sa driver's seat.

Hindi ako tuminag sa pagkakaupo sa backseat kahit nakabukas na ang pinto ng kotse sa side ko at nakatayo roon si Atty. Marquez.

"Ano'ng pumasok sa kukote n'yo na gusto kong mag-aral magbasa?"

Napabuntung-hininga ang lalaki, "It's your father. Hindi siya kumbinsido na talagang mag-e-enroll ka ng braille lessons nag pumayag ka sa gusto niya."

"Malayo ito sa amin. Wala akong planong mag-commute araw-araw para lang pumunta rito."

"This is the perfect time for you, Laila. Di ba sinabihan ka ni Mang Ben na huwag na dalasan ang pagbisita sa kanya?"

"Paano mo nalaman yan?"

"He said so."

Napatiim-bagang ako.

"If you enrol here, you have a valid reason to still drop by to visit your father more than once a week. The city jail is just at the other side of this block."

Saglit akong natigilan. Pero bigla kong naalala,

"Wala akong pambayad!"

"Ako na ang bahala. Halika na," hinawakan ako sa braso ni Atty. Marquez.

Hinila ko yun, "Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatan na magdesisyon para sa akin, ha? Si Mr. Agoncillo nga na talagang direkta naming nilapitan ay hindi nakikialam!"

"You primarily asked for a lawyer from Rob , Laila. So, here I am. My best friend thought that your safety can be at risk because of the situation, so there's jon. You declined the househelper and financial assistance he offered. So I thought of loaning you money for your source of income."

"Hindi pa rin yun nagbibigay sa iyo ng karapatan na makialam sa buhay ko! Maliban sa sarili ko, si Tatay lang ang pwedeng magdesisyon para sa akin!"

"Alright.." napabuga ito uli ng hangin sa bibig.

Tapos ay lumayo. Saka ako medyo nakahinga. Kaunti na lang ay puputok na ang ulo ko sa kanya.

Akala ko ay aalis na kami rito sa Philippine School for the Blind dahil bumukas ang pinto ng kotse sa passenger side. Nagkamali ako.

Saglit lang ay narinig ko na ang tunog nang pagbukas nang isang leather bag. Tapos ay tunog naman ng mga papel.

"Here," sabi ni Atty. Marquez, kapagdaka.

"Ha?"

"Oh, I'm sorry. You can't read this document."

"Ano yan?" tanong ko.

"This is a signed consent from your father temporarily authorizing me as your legal guardian until he's out of jail. Rob has no problem with it."

"Ano?! Hindi ko kailangan ng guardian!"

"Yes, you do. You're blind. You can't live all by yourself. In this document, it is stated the criteria of an adult PWD who is qualified to have --"

"Hindi yan totoo! Gawa-gawa mo lang yan!"

"No, I'm not kidding. Jon, here. You can read and confirm it for her."

Halos umusok ang ilong ko sa inis.

"That means I have all the say to make decisions for you whenever I see it fit."

"Impakto ka!"

Napatikhim si Jon matapos ang ilang saglit, "Lai..."

Yun pa lang ang katagang lumabas sa bibig niya, pero sa tono nun, kinukumpirma na ang isang bagay na,

"AYOKO!"

=======================

Don't forget to comment and vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b6lhu