38 Rosemary
Aba, only 1.5 months gap! And a 4.7K words UD.
Improving? Deh, naka-long weekend lang ako. Pero sobrang busy pa rin! Hahaha!
Wala nang edit-edit, as usual! Di pa ako nakakatulog. Galit na PK. May pasok pa ako. LOLZ!
Kakalokah talaga kapag nasa mood mag-UD.
============================
For the nth time, I paced back and forth my room. Napaupo ako sa gilid ng kama at napasapo sa ulo.
"Shit! Shit!" mahina kong bulong.
Napasabunot na nga ako sa buhok sa sobrang gulo ng utak ko.
"WHAT?!"
"S-sí, Ralph. James es tuyo," then she sniffed.
(Yes, Ralph. James is yours.)
"Esta es una mala broma, Señora Santiago. No es gracioso. Mantenme fuera de tus problemas familiares. Adiós!" inis kong sabi at tinapos na ang pag-uusap na yun.
(This is a bad joke, Mrs. Santiago. It's not funny. Keep me out of your family issues. Bye!)
Paanong mangyayari ang sinabi niya? It was only for a night.
Yeah, but did it twice with her and you did not use protection on the second round. Sundot nang isang parte ng utak ko.
I withdrew because I had no intention of getting Rebecca pregnant at that time. I was not yet ready to be a father then. The marriage I was negotiated to her and Bran long ago was only to merge our families and cut the feud.
Yun naman depensa ng kabilang parte.
But damn!
Only morons believe that withdrawal is always a hundred percent effective.
Kaya lang, wala naman akong naisip na kung ano gaya ng duda na baka akin yung bata nang malaman kong buntis si Rebecca noon at si Navarro nga ang itinurong ama. Reason for their scandalous shotgun wedding which resulted for the asshole leaving Laila at the altar.
Galit ang naramdaman ko noon dahil sa pantatraydor at panloloko sa akin ni Navarro at magkapatid na Santiago. Tapos ay pagkaawa sa bulag na babaeng naiwang umiiyak sa simbahan.
Yun lang ang naaala kong naramdaman noon.
Napapitlag ako dahil nag-ring uli ang cellphone ko. Lalong kumunot ang noo ko.
It's Rebecca's mother again. She's being persistent.
Maybe desperate?
Doubt and confusion are starting to eat me up.
I had no plans but my subconscious made it automatic. I tapped the answer button.
Hindi ako nagsalita pero nakinig.
Mukhang nag-alangan nang ilang saglit ang ina ni Rebecca.
"R-ralph...?"
Napabuga ako nga hangin. Sinadya kong iparinig sa kanya.
"Madam Santiago, mahirap talagang paniwalaan ang sinasabi ninyo. Bakit si Navarro ang pinikot ng anak ninyo sa mismon kasal ng son-in-law ninyo sa ibang babae?"
"Parehong babae na plano mong pakasalan hindi ba, hijo? Ginagantihan mo ba si Rebecca? O si Justin?"
"What the he—" nagpakatimpi ako. Gusto kong malaman, "Saan ninyo nakuha ang mga pinagsasabi ninyo ngayon?"
"I did not mean to pry, hijo. I'm so sorry. That's the only reason I can see. Sa kabila ng pagbabawal namin sa plano ninyo noon, alam ko ang mga nangyari sa inyo ng anak ko. Kaya hindi mo maaaring itanggi ang bata, Ralph." Tapos ay tumikhim. "Por favor, visita a mi hija. Por nosotros sus padres... por su hijo..."
(Please, visit my daughter. For us her parents... for your son...)
"I-I can't. No, madam," tanggi ko uli.
May batang umiyak sa background.
"Please hold on."
Saglit na nawala ang babae sa linya. Pinatahan ang bata na tinawag niyang James.
Wala. Wala talaga akong maramdamang kung ano.
Not sure if I should attribute it to my deep-seated aversion towards Navarro and the Santiagos.
My grandma instilled in me to respect the old especially the ladies, so I waited for her to come back to the phone.
"H-hello, Ralph...?"
"I really have to go. Please do not bother me aga—"
"Por favor. Try to talk to Justin. He's going to unplug my daughter without waiting for us."
"I-it's his right to decide on that," di ko alam kung bakit parang bigla akong nag-alangan sa sinabi ko.
"Gumising na si Rebecca last week. Her condition was improving. But she went back to sleep since three days ago. B-baka... baka gumising si Rebecca kapag narinig ang boses mo, Ralph."
She's just desperate indeed.
"Your daughter and I... we were never in love. It was all for our law firms, and to stop our family feud. So do not expect the Sleeping Beauty story here, Madam. In the first place, I do not feel anything for your daughter. Although I do not wish her any harm, it was easy for me to accept her condition. You should too."
"Hindi mo ba... hindi mo ba gustong alamin mismo kay Rebecca o Justin ang totoo tungkol kay James, Ralph?"
Wala agad akong naisagot doon.
"I want you to be our lawyer to fight for my daughter's life against her husband. And I want to protect my grandson and take back our law firm. If you help us, you're dream to end our feud will come true. Dahil ang lahat nang maiiwan namin at Rebecca, kay James mapupunta. You will be his guardian and trustee. As his father –"
"Hold it right there, Mrs. Santiago. Are you bribing me?" natatawa kong tanong.
Ang dami na niyang sinabing gustong mangyari. Pareho sila ni Rebecca. Mag-ina nga sila.
"No, I am a mother. I want to see my daughter alive at least one last time. Hindi ko na nagawang makita si Bran dahil minadali rin ni Justin ang pag-cremate sa panganay ko. And secure my grandson's future. We will be there in a week. I am just waiting for a medical clearance for my husband's travel requirement."
Naalala ko ang dokumentong ipinakita sa akin ni Daddy na galing sa tatlong senior executives ng Santiago na gustong lumipat sa amin.
Tila walang alam ang matandang Santiago sa estedo ng law firm nila. Na halos wala na silang habol. Na kay Navarro na halos ang controlling powers ng shares nila being Rebecca's husband, at the same time, her will executor. And trustee ng anak... uhm... anak nila.
O maaring alam na nito kaya sa akin ngayon tumatakbo. Gamit ang bata.
Ngayon nila nararamdaman ang lason nilunok nila sa katauhan ni Navarro.
"My family is living a comfortable life. Actually, more than yours. And stop insisting that I am the father. There is no proof. And for starters, si Navarro ang itinuro ng anak ninyo na tatay, hindi ba? At ayan, kasal sila, ilang taon na."
"We have our reasons!"
Medyo nagulat ako sa outburst ng babae. And the emotion behind her tone
What she said next somewhat rattled me.
"If you won't, I will tell your father and Señor Marquez who is James to you."
"Is that a threat?!"
"Tonight. Go there tonight, please. According to my source, Justine will unplug her if she does not wake up."
The next thing I heard was the deadline. Napatingin ako sa screen ng phone ko. Di ako sigurado kung ilang minuto kong tinimbang ang itinakbo ng usapang namin. Pati ang maaaring maging epekto nun sa akin. Ang maaring mangyari kapag tinitoo ng ina ni Rebecca ang sinabi.
I do not want to disappoint my two old men... again. Sensitibo sa kanila ang isyu sa mga Santiago.
Fuck!
I dialed Pong's number, "Lalabas tayo."
"Ngayon?"
"Oo."
"Mamayang gabi ang dating ng doktor mo pra kumpirmahing wala ka nang dengue."
"Kaya ko na. Sabihan mo sina Gil. Importante ang pupuntahan natin. Medyo..." tumikhim ako,"...sensitibo."
Di na ito nagtanong pa.
Sumaglit ako sa kuwarto nina Dad at Lolo. Both were taking a nap. Kaya nagdesisyon akong mamaya na magpapaliwanag pagbalik. Anyway, the old lady Santiago said she will tell my olds if I do not go to her daughter tonight.
Mas mabuting alamin ko muna ang sitwasyon ni Rebecca. Kung gising ito, susubukang kausapin tungkol sa... kay James.
Kaya lang, paano kung hindi pa rin ito gising, tama ba na si Navarro ang kausapin ko?
Shit!
Malabo kong gawin yun!
Maaring walang alam ang lalaki ay lalong mapahamak ang bata.
So, you are thinking of the possibility that the boy is really yours, huh?- sundot na naman ng utak ko.
Fuck!
I don't know what to think anymore.
Mabilis akong nagpalit ng casual shirt and denim pants. Kumuha rin ako ng jacket. I need to keep myself warm. Mahirap na ang mabinat.
Nasalubong ko sa sala si Tita Fe.
"Oh, saan ang punta mo?"
"Uhm... basta. Babalik ako agad."
"Walang dalawang oras, dadating si Dr. Alonzo."
"Pakitawagan na lang. Uhm, bukas na lang. Or maybe, he does not need to check me again. I'm fine."
Nagkibit-balikat lang ito.
Isang bagay na hindi normal sa kanya. May pagkamausisa ito. At ganitong galing ako sa sakit, wala ang inaasahan kong mga bilin. Mild version ni Lola si Tita Fe.
Pinagwalang-bahala ko na lang.
Mas importante na makarating agad ako sa ospital kung saan naka-confine si Rebecca.
"Teka... di ba doon—"
"Oo, doon nga. Siya ang pupuntahan ko," sansala ko sa panimulang pagtataka ni Pong nang sabihin ko kung saan ang tungo namin.
Itinabi niya ang kotse sa gilid ng main road palabas sa village.
"Ralph, mainit kayong masyado ng asawa nun. I don't recommend na lumapit tayo sa peligro," salungat nito sa akin.
Para hindi na humaba ang usapan, pumayag ako na itawag muna nito kay Rob ang gusto kong mangyari.
"Kakausapin ka raw," ang sabi nang lingunin ako sa backseat.
Then my phone rang,"Rob?"
"Care to tell what's going on?" agad niyang bungad. Asar ito. "Your bodyguards are not there as your mercenaries, you idiot."
Saglit akong napasapo sa noo. Tapos ay sinenyasan si Pong na lumabas muna ng kotse. Saka ko kinuwento ang issue kay Rob.
"That's one shitty mess, man!" ang naging reaksyon nito.
"Bro, I need to know the exact date the boy was born. Can you get that ASAP?"
"Sure. Within the night."
Tapos ay nagbilin ito na may dalawang additional security detail na padidiretsuhin niya sa ospital. Hihintayin namin tawag bago kami tumuloy sa loob ng gusali.
I felt a bit relieved learning na wala doon si Navarro.
Nagpakilala ako bilang lawyer ng mga magulang ni Rebecca. At pinabibisita sa akin ang babae.
Halata ang pagtataka sa mata ng mga nurses. Siguradong alam nila na abogado ang asawa ng pasyente tapos ay heto ako.
O maaaring nakilala nila ako, at ang propesyunal na banggaan ng law firms namin. But whatever they were thinking, ang importante ay pinayagan akong pumasok sa private ICU room ni Rebecca. Ako lang at pinagpalit pa ng sterile gown. Naiwan sa visitors' lounge sina Gil, habang si Pong, nagbantay sa pagliko malapit sa kuwarto ni Rebecca. Bawal ang maraming bisita sa loob sa dalawang dahilan : bilin ng doktor for medical reasons, and of course, bilin ng asawa. Pili lang ang maaring bumisita sa bunso ng mga Santiago.
Kaya bahagyang tanong yun sa isip ko : Bakit ako pinayagang pumasok dito? Or was it because I said I am the parents' lawyer?
When I entered, I immediately felt sad for Rebecca. Her room felt gloomy. And she really looks alone.
Damn her husband!
Kung anuman ang pangit na nararamdaman ko sa babae, natabunan yun ng matinding pagkaawa.
Nabuhayan ako ng loob dahil gumalaw ang mga daliri nito. Nakita rin yun ng nurse na bantay niya. I saw relief in the nurse's face.
Bago ito lumabas para tawagin ang doktor, tinanong ko, "Miss, ilang araw siyang... uhm... ganyan?"
"Nagising siya kaninang umaga pero natulog uli after one hour. Ano lang kasi, sir, uhm... di kami sigurado kung kailan uli gigising si Mrs. Navarro. Uhm, tatawagin ko lang po ang naka-duty na dotor. Pwede po bang, uhm..."
"Sure, go ahead. I'll stay with her."
Sinamantala ko na lumabas ang nurse. Inabot ko ang kamay ng babae ay marahang piisil.
"Becca..." mahina kong tawag. "Can you hear me?"
She groaned a little, then opened her eyes a bit.
"Jus...?" halos hindi yun lumabas sa bibig niya sa sobrang hina at puro hangin.
Binuksan ko ang wall lamp sa ulunan niya. Then gently held her hand again.
"No, Becca. It's me."
"R-ralph...?"
"Yeah," pilit kong pinasigla ang boses. "How are you?"
Parang nahihiya ito na pilit iningat ang isang kamay papunta sa ulo niya. I understood. She has lost her hair.
"Here, let me," I said fixing the crumpled bandana on her head. "Baka malihis ang needle ng dextrose mo."
The more I felt pity for her because I saw tears flood her eyes. Pinipigilan niya lang.
"Hey, okay lang. Huwag kang mahiya sa akin."
"H-hindi yun. Uhm... ang pangit k-ko na. H-hindi ako s-sanay."
I tried to lighten up the mood by joking, "We're not even friends, Becca. I always see you as a wicked witch. Matagal lang tayong magkakilala. So there's no need to worry how you will look sa harap ko, okay?"
Kahit papaano ay natuwa ako nang matipid siyang ngumiti.
"B-buti... naisipan mo a-akong... akong d-dalawin," sabi sa mahangin na boses.
Hinihingal na agad siya.
Na-guilty ako. Ni hindi ko masabi sa kanya na kung hindi pa tumawag ang mommy niya at i-blackmail, wala ako rito ngayon... o kahit sa ibang araw pa.
"Well... uhm... just..."
At hindi ko alam kung tama ba na itanong ko sa kanya ang tungkol sa... kay James. Baka lalo siyang ma-stress. That is the last thing she needs right now.
"...Just visiting. I heard that ... uhm... you were here."
She smiled. A sad one.
"Bakit... ngayon k-ka lang?"
I have no answer so I just shrugged my shoulders.
"R-ralph... a-anong b-balita sa..." She stopped talking, then grimaced. "...a-alam mo ba kung kailan...kailan p-pupunta si M-mom a-at Dad... dito?"
Inayos ko uli ang bandana niya tapos ay marahang hinaplos sa noo, "Soon, I believe. So stay strong. Uhm, maybe... you should rest for a while."
Umiling siya pero nakapikit. Halos pahingal na tila kausap ang sarili, "S-sana k-kasama si J-james pagdalaw."
Heto ang pagkakataon na hinihintay ko. Huminga ako ng malalim para labanan ang pagtatalo sa loob na huwag na sanang tanungin ang babae.
"B-becca...?"
She kept still. Nagdalawang-isip na naman ako.
Shit!
I need to clear things up today. So I can take action the soonest if ...if...
Shit!
"Rebecca?" tawag ko uli na mas malakas sabay pisil sa kamay niya.
"Hmm...?" was her very faint answer.
I whispered, "Your mother ... told me something about your son, James..."
No answer.
"Becca, is it true?"
I felt her squeeze back my hand.
"R-ralph..." she called my name but her eyes remained closed.
There's something in her voice. My heart suddenly doubled its beat.
"I... I made a big...big m-mistake. Sana... sana... I'm so s-sorry..."
What she said was vague. It could mean a lot of things.
"Becca, mistake about what? Sorry saan? Sana ano? Is it...about James?"
Dumilat muli ang babae. Tumitig sa akin. Wala akong makitang emosyon sa mga mata niya maliban sa lungkot at pagod.
Someone cleared his throat.
Napalingon ako.
I thought it was the doctor. But no.
Si Navarro!
What the – !
Otomatikong kinuha ko ang cp sa bulsa ng jacket ko para tingnan kung may tawag galing kina Pong. Two missed calls. I switched my phone to silent before I came inside the room. I forgot to turn on the vibrate mode.
"Are you done talking to my wife?"
I saw him smirked when his eyes went down to Rebecca's hand which I am holding. I held the urge to return the urge to smirk back.
'My wife' my ass!
As if he is a loving husband to the patient.
Wala akong ginagawang masama like I have no malicious intent holding her hand so I didn't just let go of it. I even patted Rebecca's hand then looked back at her. Maybe it was due to mixed pity towards Navarro's wife, and to piss off this asshole, I planted a kiss on Rebecca's forehead before I let go of her hand.
"Get well, Becca. Your son needs a mother."
"Tss," Navarro snickered.
Saktong bumalik na ang private nurse kasama ang doktor.
Tahimik kaming nanood ni Navarro habang chine-check ng medical staff ang asawa niya. Tinanong sito ang pasyente. Pero halos paisa-isang salita lang na mahina at ungol ang sagot mula kay Rebecca. Akala ko ay kung ano na ang nangyari nang hindi na sumasagot ang babae.
"She's resting. She needed that and it is expected," sabi ng doktor.
Saglit itong humito sa sinasabi tapos ay tiningnan ako. I got the question in his eyes.
"The patient's parents ask me to come visit their daughter. They wanted to know her exact condition. I am their legal representative," at nagpakilala.
Nakita ko ang pigil na pagkagulat sa mata ng doktor para mapanatiling propesyonal ang atmospera sa pagitan naming naroroon.
Tinapunan ko nang mabilis na sulyap si Navarro. Nahuli ko ang saglit na pagbagsik ng mukha niya bago niya naitago yun.
"So far, we can say is that her condition is better than before...but... it does not mean she's out of the hook," ang doktor.
"Uhm... what's the percentage that she will...?" hindi ko maituloy ang sasabihin ko.
Baka mababaw lang ang tulog ni Rebecca at marinig.
"There are people who survive many years and even decades with stage 4 breast cancer. But not that many. At the same time, it's important to understand that stage 4 breast cancer isn't curable. The five-year survival rate for stage 4 breast cancer is 22 percent. Median survival is three years," tiningnan niya ang natutulog na pasyente, tapos ay maikling umiling. "But, she... she'll be lucky to get six months. Tell her parents to come the soonest. She may go anytime."
"I thought her condition is better than before?"
"Yes, but it does not mean she is on the road to recovery. Ganun talaga. Sometimes the patient will look or feel better today then get worse after. That quick. I am not talking about cancer relapse, alright? That is different."
Tumangu-tango ako. Then the doctor bid farewell. Kumunot ang noo ko ng sumunod rin palabas ang private nurse na dapat ay manatili rito para bantayan ang [asyente niya.
Wala akong makitang dahilan para manatili pa kahit hindi ako nakakuha ng malinaw na sagot mula kay Rebecca.
But before I can get near the door, Navarro asked,
"Bakit ka nagtatanong kay Rebecca tungkol kay James?"
James... hindi anak namin or anak ko.
When I looked at his face, I didn't like what I read in his expression.
Sinasabi ko na. Magdududa ito.
Shit!
"It's a lawyer-client confidentiality thing which I think you know, right?" sarkastiko kong sabi sa kanya.
"Really?" sarkastiko niya ring balik sa akin.
"Don't you find it odd? The Santiago parents sought my services to represent them. Me, a Marquez?"
"Ironic, right?" sang-ayon niya. "Then you are asking about their only grandson when they have the custody of the child ever since. Alam mo bang ni hndi ko pa nahahawakan o nakikita sa personal ang bata. I wonder why?"
Nagulat ako sa narinig.
He sneered again. "You didn't know, I reckon. Now, I am getting more curious on your interest on the boy."
Child... the boy... shit!
Hindi niya talaga sinasabi na anak niya ang bata.
Was he like this even before, or ngayon lang na marinig ang pakikipag-usap ko sa asawa niya?
"Mas dapat ay isipin mo kung bakit hindi sila kumuha sa sarili nilang law firm... na ikaw naman ang nagpapalakad as a whole," my attempt to segue the topic.
"Alam ko na ang sagot diyan, matagal na. I do not see any reason para pansinin pa. And as of the moment, not your type to give much attention to my wife and her family. Mas nasa akin ang atensyon mo... dahil kay Laila. That's why, your reason to be here that has something to do with my in-laws and James is more intriguing to me."
The safest reply is to shrug my shoulders, "Now I have something to inform my clients."
Lumabas na ako.
Si Pong, nakatayo pa rin sa kanto ng hallway, katapat ang isang bodyguard ni Navarro.
"Lumabas siya at dalawang kasama sa katabing hospital room," ang paliwanag nito nung nasa kotse na kami. "Tinanong ko sa agency. Sa isang empleyado ng Santiago nakapangalan pero walang pasyente sa loob. Pero ang cellphone location ni Navarro, hindi umaalis sa Santiago law firm. Sinubukan kitang tawagan para ipaalam sa iyo na papasok siya, pero hindi ka sumasagot."
"It's alright," ang sinabi ko na lang.
Tinawagan ko si Rob. Sinabi na nasa kanya na ang impormasyon na may kinalaman kay James S. Navarro.
"You free and Reid?" I asked. "Boy's night out tayo."
"Di ako pwedeng magtagal. Alam mo naman si Juno."
Pitong buwan na ang tiyan ng kapatid ni Andromeda. Sobrang moody at palaging pinag-iinitan ang asawa. Dalawang beses na itong nag-spotting kaya tuliro si Agoncillo na hindi mai-stress ang asawa.
"Uuwi rin tayo bago mag-alas-dose, Cinderella," biro ko.
"Wait," ang natatawang sabi.
Saglit lang ay naka-conference na kami. We agreed to meet at a resto-bar na pag-aari ni Sarah at Erol somewhere in Ortigas.
Nagpa-reserve agad ng private room para sa amin si Andie dahil naroon din siya sa ShulzAS main office nang ma-contact namin si Reid.
I still had plenty of time so dumaan ako saglit sa law firm. Binati ako ng mga nakasalubong na mga empleyado at associates namin. Halatang hindi sila sanay na makita akong naka-rugged attire. Inabutan ko ang secretary ko na naghahanda na sa pag-uwi.
"Papasok ka na ba bukas, Attorney?" bakas sa mukha nito na di inaasahan ang pagpunta ko ngayon.
"Not sure. Napadaan lang ako. Anything important?"
Sinabi nito na walang urgent. Pero ipinaalala na hindi pa rin daw pumupunta si Kennie para pirmahan ang revocation ng SPA ni Mike at ang pag-transfer sa law firm bilang mamamahala ng properties ng mga Dayrit.
Nagkausap na kami ni Mike tungkol doon. Nagsabi na kung maaari ay huwag nang ipaalala sa babae ang tungkol doon. Na siya pa rin bahala gaya ng dati.
Alam ko, umaasa pa rin ito na lalabas ng kumbento si Kennie at magkakabalikan sila.
Tumango lang ako, "Yeah, nabasa ko ang email mo about that. Di lang ako maka-reply. They hostaged my laptop and desktop at home."
Mahina siyang natawa, "Kasi naman, Boss, dapat nagpapahinga ka. Kaya nga nagulat ako na narito kayo ngayon.
"Before you go, I need the updated file of Barcelon-Centeno and the progress report of the team assisting in his case."
Di ko na pinansin at bahagyang panunukso sa ekspresyon nito nang ibigay na sa akin ang dokumentong hiningi ko.
Umalis na rin agad ako.
Na-traffic ako kaya naunahan ako ng mga kaibigan ko sa resto-bar.
May inabot sa aking envelop si Rob.
Ang laman noon at isyu ko sa mga Santiago ang naging pag-uusap naming magkakaibigan.
It was almost midnight when we parted ways.
"Ralph, tumawag ang daddy mo. Di ka raw ma-contact."
Tsk, naka-silent pa rin pala ang phone ko.
"Bakit daw?" tanong ko na.
I have no plans of calling my father now. Siguradong tulog na sila ni Lolo.
"Tinatanong kung saan tayo. Sabi ko, nag meet up kayo nina Rob at Mr. Schulz.
Tama ang hinuha ko pagdating sa mansyon. The old farts are already sleeping.
I checked on Laila.
"Huwag ka nang pumasok. Tulog na," si Elsa na pinagbuksan lang ako ng pinto.
"What's the attitude for?" mahina kong sita dahil nakasimangot ito.
"Tss. Sige na. Inaatok na rin ako. Baka magising pa itong alaga ko," taboy lang sa akin.
I immediately went up to my room.
Nagpalit agad ako ng damit at naupo sa gilid ng kama. Binuklat ko uli ang laman ng envelop na binigay sa akin ni Rob.
Gaya ng payo nina Rob at Reid, kailangang kong siguraduhin kung kailan nga ba may nangyari sa amin ng bunso ng mga Santiago. Kung bibilangin ang buwan sa pagkakaalala ko, maaaring anak ko nga ang bata kung full term ito.
Naalala ko ang sinabi ni Navarro sa akin noong Bagong Taon na magpang-abot kami sa gate ng mga Centeno: "Are you pertaining to someone we used to screw before but only in different days?"
May pictures ang bata sa documents na galing kay Rob. Kuha mula sa social media account ni Rebecca. But the boy was still an infant in the photos. Wala siyang recent pictures so it's difficult to say if he looked like me or Navarro.
I do not understand why the Santiagos are somewhat hiding the child.
Kinuha ko rin ang opinyon nina Reid at Rob, bakit hindi sa akin sinabi ni Rebecca, at si Navarro ang itinuro? Now here comes her mother reaching out to me.
Halos pareho lang kami ng iniisip. Like Reid reiterated, I have to be careful because it only means Navarro is very clever and shrewd that he was able to drive his mother-in-law in that state of desperation.
Because I agree with Navarro, it is ironic that the Santiago mother asked me to represent them. That is a desperate move.
Napaangat ako ng ulo mula sa pagkakasabunot sa buhok ko.
Umilaw ang phone ko na nakapatong sa bedside table. Someone's calling me at this hour. Si Rob ang unang pumasok sa isip ko. Could be another important info regarding the Santiagos.
I stood up.
Napailing ako. It's Rosemary Santiago again.
"Thank you, Ralph," she said when I answered it. "I was told you went there."
Sinabi ko na hindi niya kailangang mag-alala tungkol kay Rebecca. Na hindi mangyayari bukas ang ikinatatakot niya dahil nakalaya na sa comatose ang babae.
At tulad ng sinabi ng doktor, sinabi ko sa kanya na kailangan na nilang umuwi sa pinakamadaling panahon. Ipinaalam ko ang tunay na kundisyon ni Rebecca.
Narinig ko ang mahina nitong pag-iyak.
"Madam, I'd like to see James via video call now," after giving her a couple of minutes to gather herself.
"Uhm... wala sila rito ng nanny. They went to a public park with playground nearby."
"But I heard a boy just now," napakunot-noo ako.
"My husband and I are out for his check-up, Ralph. I, uhm... I will let you see James later. I will call you."
"Oh, alright."
I was hoping she'd call me after an hour or two. Pero nakatulugan ko ang paghihintay. Hindi ko na nga nabasa ang file ni Mang Ben na kinuha ko kanina sa office. Maliban sa medyo kalat-kalat talaga ang utak ko.
Dahil napuyat, medyo late ako nagising. Kung hindi pa ako kinatok ng isa sa mga katulong.
"Sir, kailangan na raw po ninyong kumain sabi ni Madam Fe. Huling araw na po ng inom ninyo ng gamot. Lampas na raw po sa oras," ang sabi.
May dala itong tray ng pagkain ko.
"Ahm, sa baba na ako kakain. Susunod na ako. Si Lolo?"
"Nasa lanai po sa likod. Pati po ang daddy ninyo."
Napaangat ang kilay ko. Hindi pumasok sa law firm si Dad?
Dumaan ako sa kuwarto ni Laila. Wala siya doon. Baka nasa garden. O kasama nina Dad. Nakalimutan sigurong banggitin ng katulong.
Bumaba na ako sa dining. Saktong nakasalubong ko sina Dad na palagay ko ay sa dining din ang tungo.
Wala si Laila sa likod nila, kaya tinanong ko ang katulong na nagdatnan kong nag-aayos ng brunch ko sa dining.
"Ang Ma'm Laila ninyo, kumain na ba?"
May pagtataka sa mukha nito.
"Eh... sir..."
I heard Dad clear his throat then, "She left."
Nilingon ko sila ni Lolo. Parehong seryoso ang mga mukha nila.
"Left? What do you mean? Where?"
Dad shrugged his shoulder, "Umalis. Pauwi sa kanila."
"What?! Why?!"
"Porque eres una vergüenza. ¡Estoy muy decepcionado contigo, Raphael!" si Lolo sa pigil na galit.
(Because you are an embarrasment. I am very disappointed in you, Raphael!)
I was hurt with what my grandfather said kahit pa hindi yun naiintindihan ng katulong at nurse niya.
But my mind is too busy to absorb that feeling. Mas naglalaro sa akin kung bakit umalis si Laila at ano ang dahilan ni Lolo para magbitaw ng ganung salita sa akin.
Ito ang unang pagkakaton.
Did Madam Santiago called them?
Or do they already know since they have separate contract for security details from Agoncillo agency to look after me?
Pero, paanong malalaman ni Laila yun?
Kaya ba mainit ang hininga sa akin ni Elsa kagabi?
"Bakit ninyo siya hinayaang umalis, Dad?"
"She's a guest here, not a prisoner," poker face niyang sagot tapos ay naupo sa puwesto niya sa dining.
I looked at Lolo," ¿Por qué fue mi culpa, abuelo? No entiendo por qué estás tan molesto –"
(Why was it my fault, Grandpa? I don't understand why you are so upset—")
"¿Decepcionado? ¿Qué malestar? ¡Dije que eres una vergüenza, estúpido!" tumaas na ang boses ng matanda.
(Upset? What upset? I said you are an embarrasment, you stupid boy!)
"Ralph, stop!" saway ni Daddy.
Natahimik ako. Ganyang galit ang matanda, baka tumaas ng presyon nito.
"Sabihin mo sa kanya kung ano ang nangyari kahapon," utos ni Daddy sa isang katulong.
Nag-alumpihit ito, "Uhm, Sir... d-di po ba ano... inutos ninyong ayusin ang balcón uhm, kagabi.."
Yun pa lang ang nasasabi niya, nanlaki na ang mata ko.
"...sabi po ninyo na doon kayo maghahapunan ni Ma'm Laila."
"Both your dinner were served there. Pinapunta namin si Laila doon at iniwan. Naghintay siya sa iyo."
"Nos dijiste que le propondrás matrimonio, tonto!" galit na singit ni Lolo.
(You told us you will propose to her, you oaf!)
Naihilamos ko ang mga palad sa mukha.
Fuck! I forgot about it.
But... but...
"I told Tita Fe that I will be out. Nasalubong ko siya papalabas."
"Ang sabi niya, saglit ka lang. Yun daw ang sabi mo. So all we thought you were going to buy flowers fo Laila," si Daddy.
Si Lolo, nakatungo. Pailing-iling.
"Ano'ng oras siya umalis?" tanong ko sa katulong. at umakmang pumihit na para umakyat at magbihis.
I have to take Laila back to the mansion.
"Bago pa po magliwanag. Uhm, bago po mag- alas singko, sir."
"Hindi namin maisip kung anong importanteng dahilan para lumabas ka. Para makipagkita sa mga kaibigan mo, Raphael. Y olvídate de tu propuesta a Laila," mababang tono na sabi ni Daddy.
(And forget about your proposal to Laila.)
Hindi ako nakakibo. Pinag-iisipan ko kung sasabihin ko ba. Baka lalong ikagalit ni Lolo.
"So, we asked Rob."
My heart missed a beat with the next words my grandfather said which made me immediately think the reason they let Laila go.
"Ya hablamos con Rosemary."
(We already spoke with Rosemary.)
==========================
Do not forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro