Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

36 Trap

Sorry sa mahabang paghihintay, mga chichi. Sobrang busy na talaga sa work. Kaya lalong huwag umasa sa mga edits.

===============================

Papiksi kong inalis ang malamig na kamay ni Atty. Marquez nang maramdaman ko ang palad niya sa braso ko.

"Lai, common," mahinahon at pang-aamo ng abogado sa akin.

"Huwag mo akong hawakan," mahina pero gigil kong sagot.

"Matagal na yun. Hindi mo na kailangang ikagalit."

"E bakit ka pumasok pa rito? Ano, para magpaliwanag?" sikmat ko.

"Because... you're acting like that."

"Huwag mo akong ini-Ingles!"

Narinig ko ang mahaba niyang pagbuntung-hininga.

"Lumabas ka nga ng kuwarto ko."

Pero imbes na gawin yun, naramdaman ko ang paglundo ng gilid ng kama ko.




"'Nay, halika na," ang biglang yaya ni Jen sa ina.

Bakit may nahimigan akong pag-aalala sa tono n'ya?

"Well, it appears you both know me," ang sabi ni Atty. Marquez. "I wonder..."

Napabaling uli ako sa abogado. May katotohanan ang sinabi niya sa mag-ina kung pagbabasehan ang reaksyon ng dalawa.

"Anyway, kayo ang dapat naming tanungin. What the hell are you doing here?"

"Galing ka sa itaas...ibig sabihin..." anang nanay ni Justin na di pansin ang sinabi ng abogado.

"So what kung galing ako sa itaas? I live here. With her. Well, temporarily."

"Imposible..." sabay na sabi na pabulong ng mag-ina.

"Bakit imposible? You know the house is for sale, right?"

"Hindi yun ang ibig kong sabihin," ang himig-nababaghang ina ni Justin. Kaya talagang malinaw na ang ipinupunto niya na naintindihan na ni Atty. Marquez.

"Aah, yung nakatira kami sa iisang bahay ba? Why not? We'll be getting married soon. And this house is for sale because she'll move in to my place. Way bigger than here."

Aapela sana ako sa sinabi ng lalaki pero,

"Hah! Kaya pala..." may pauyam na sabi ni Aling Rita.

Napakunot-noo na ako sa binigkas nito lalo pa at,

"'Nay, ano ba?" si Jen uli. "Tara na."

Naaninagan ko na hinihila nito ang ina.

"What do you mean, 'kaya pala'?" halatang naiirita na rin si Atty. Marquez.

"Kaya pala pabalik-balik ang anak ko rito. Sinadya mo ito, ano, Laila? Kayong dalawa? Bakit hindi ninyo patahimikin ang anak ko sa asawa niya, ha?!"

"A-ano'ng—" taka kong sabi.

"Alam mong maghahabol ang anak ko sa iyo dahil dito," naaninagan ko ang pagturo niya kay Atty. Marquez.

"Ha?!" sabay pa naming bigkas ng abogado.

"Mataas ang ego ng anak ko. Ginagantihan mo siya sa dati niyang boss. At ikaw," baling nito sa lalaki. "dahil si Justin ko ang pinakasalan ni Rebecca kaya binabalingan mo ngayon—"

"Oh shut up!"

"A-ano?!" ako naman ang bumaling sa lalaki. "H-hindi ko maintindihan..."

"L-lai... heart..."

"Hindi mo alam?" tila di makapaniwalang sabat ni Jen.

"A-ang alin?"

"Hah! Itong lalaking ito ang karelasyon dati ni Rebecca," pauyam uli nang may edad na babae. "Hindi ko alam kung ano ang nakita sa iyo ng panganay ko. Tanga-tanga at utuuto ka ngang tunay."

"GET OUT!"

Ang pagsigaw na yun ng abogado ang tila nagpagising sa akin sa sobrang pagkagulat sa nalaman.

"S-sumama ka pag-alis nila, Atty. Marquez. Tigilan na ninyo akong lahat," ang iniwan kong mga salita bago tumalikod.

"Lai!" hinagip ng lalaki ang braso ko pagdaan ko sa tabi niya. "Wait!"

"ALIS!" gigil kong sabi sa kanya. "Magsama-sama kayong lahat!"

Nabitawan niya ako pagpiglas ko sabay tulak sa kanya. Sinamantala ko na yun para umakyat. Tumama pa nga ang lulod ko sa baitang ng hagdan pero hindi ko na pinansin.

Mas may masakit sa dibdib at utak ko ang tila nagpapablangko sa akin ngayon.

Narinig ko ang boses ni Elsa na pinaaalis ang nanay at kapatid ni Jus, kasabay ng mga hakbang na sumunod sa akin.




Kanina pa iyon. Gabi na ngayon.

Nagtangka siyang magpaliwanag pero pinagsarhan ko siya ng pinto. Pinabubuksan niya kay Elsa ang kuwarto ko pero tumanggi ang babae.




"Labas ako sa personal niyang isyu, Ralph. Maghintay kang magbukas siya," ang narinig kong sabi ng babae mula sa kabilang panig ng pinto ko.

Lihim kong pinasasalamatan ang babae sa isip ko. Pero parang medyo natigilan sa huli ninyang tinuran sa abogado. "Yan ay kung sinsero ka kung bakit ka nagpapabalik-balik dito."

May hindi maipaliwanag na pagkadismaya sa akin nang walang marinig na tugon mula sa lalaki. Basta narinig ko ang mga hakbang papalayo sa tapat ng kuwarto ko, at ang pagbukas-pagsara namam sa dating silid ni Tatay.




Nakapasok lang siya ngayon dahil kailangan kong manubig. Eh iisa lang banyo namin. Wala akong pagpipilian kundi ang bumaba.

Nagbuntung-hininga uli ito, "Kain na tayo, Lai. Ano'ng oras na oh."

"Di ako gutom. Labas na!"

"Dito lang ako," tila pagod na sagot.

Kasunod ay naramdaman ko ang paghiga nito sa kama ko.

Nagpupuyos na hinatak ko ang kumot na nahigaan niya. Patalikod akong nahiga sa kanya na nakatalukbong.

Tiniis ko ang kalam ng sikmura. Nakaidlip na nga ako.

Nagising ako sa ingay na di ko agad mawawaan. Naitakip ko pa ang kamay sa mata dahil bukas pa rin ang fluorescent light sa kisame. Masyadong sensitibo na ang mata ko sa liwanag.

Napalingon ako sa katabi sabay balikwas. Siya pala yun. Umuungol sa pagkakatulog.

Hinawakan ko siya sa braso para gisingin. Pero binaha ng pag-aalala ang dibdib ko. Malamig ang hipo sa balat niya pero nanginginig.

Pinagapang ko ang pagdama sa kanya paakyat sa leeg.

"Shit...!" pabulong kong nasabi.

Yung kumot na gamit ko, isinukob ko na sa amin pareho, tapos at niyakap ko siya mula sa likod. Ang isa kong kamay, kinapa ang cellphone na nasa ilalim ng unan ko.

"Oh, bakit?" si Elsa.

Nagtaka ako kasi inaasahan kong maaabala ko ang pagtulog nito pero tila gising na gising pa ang babae.

"Uhm, a-anong oras na ba?" halos pabulong kong tanong.

"Pasado alas-onse ng gabi. Kakain ka na ba? Teka, ano yun?"

Narinig niya ang abogado.

"Uh, pwede ka bang umakyat dito? Dala ka ng palanggana na may malamig na tubig."

"Bakit? Si Ralph ba?"

"O-oo, inaapoy ng lagnat. Nagdedeliryo na yata."

"Tsk!"

Nawala na siya sa linya.

Narinig ko ang boses ni Elsa pati bodyguards ni Atty. Marquez mula sa sala. Tapos ay mga yabag paakyat.

Naalarma ako kaya tinangka kong kumalas sa pagkakayakap sa abogado para maupo kahit sa kama na lang muna.

Pero kinipit ng lalaki ang braso ko na nakapalibot sa dibdib niya na inilusot ko sa ilalim ng kilikili niya.

"S-stay... please..." ang paos at garalgal na pakiusap.

"Eh..."

"P-please..."

"K-kasi, paakyat na sila, Atty. Mar—"

"Raphael," pagtatama niya. "At wala akong pakialam."

Ayun at lalong kinipit ang braso ko at kumot sa aming dalawa. Tapos ay umubo nang sunud-sunod.

"Lai?" si Elsa.

Naiwan palang hindi naka-lock ang pinto ko. Ang siste, tatlong tao ang naaaninagan kong nakatayo sa may pinto ng kuwarto at paanan ng kama ko.

"Diyos ko! Nakakahiya!" ang pabulong kong nasabi.

"Get out..." ang malamya at paos na sabi ng katabi ko.

"Ha?" nagulat yung mga bagong dating.

Tumikhim ang abogado,"Huwag kayo rito. Nagpapahinga kami. Naiilang si Lai."

MARYOSEP!

Hiyang-hiya na talaga ako. Paano, halatang ako ang nakayakap sa kanya kahit pa nakakumot kami. At ang masaklap, halos padagan ang kalahating katawan ko sa kanya.

"Si Laila ang nagpaakyat sa akin, Ralph. Uuyy!"

Kahit ako ay natangay sa biglang pag-upo ng abogado. At nagsuka.

"R-raphael," nag-aalala kong tawag sa kanya habang hinihimas siya sa likod.

"Yan na nga ba'ng sinasabi ko eh," si Elsa. "Nabinat na."

"A-ano ba'ng nangyari kasi?"

"Tinanong mo pa?" kaswal lang naman na balik sa akin ni Elsa.

"Bakit ako?"

"Ayaw kumain. Sabay daw kayo. E siyempre, di nakainom ng gamot. Pareho kayong matigas ang ulo, sa totoo lang."

Napabaling ako sa lalaki na habol ang hininga. Di ko malaman ang iisipin.

May tumikhim, "Ralph, palagay ko, kailangan mo na talagang magpa-doktor."

Isa yun sa mga bodyguards niya. Kung di ako nagkakamali, si Pong.

Ang nakuha naming sagot.. nahiga muli ang abogado.

Nag-alala ako. Ramdam ko ang panginginig niya.

"Raphael..."

"J-just let me sleep, please," ang pabulong na sabi tapos ay tinagtag ako sa kamay, "Higa ka na rin. I need your warmth."

Naghahalo na ang pag-aalala at hiya sa akin.

"Pakilinis muna ng suka, Gil," si Elsa. "May mga basahan sa kabinet dun sa ilalim ng lababo."

Tapos ay mga hakbang pababa sa hagdan.

Humakbang si Elsa papalapit sa kama tapos ay bahagyang dumukwang sa akin. At bumulong,

"Lai, kumbinsihin mo yang magpa-check-up. Hindi na maayos itsura, kung nakikita mo lang."

"Nagdala na rin ako ng tubig inumin," si Gil. Nakabalik agad ito. "Tsaka plangganita."

Inilagay niya yun sa kamay.

"Uhm, Raphael," marahan kong inuga sa balikat, "Magmumog ka saglit. Tapos inom ka."

Mabilis namang siyang sumunod.

Si Gil, inilapag yung plangganita sa sahig tapos ay nanatiling naka-squat sa gilid ng kama. Nililinis na yata ang isinuka ng abogado.

Kinalabit ako ni Elsa. Nakuha ko agad ang ibig niyang sabihin. Kaya,

"Raphael..." baling ko sa lalaki, sabay na marahang pinaraan ang palad ko sa likod niya, "Pa-check-up ka na."

Walang sagot. Gaya na tila tumigil ang lahat ng tunog sa loob ng silid.

Halatang naghihintay sina Elsa sa sasabihin ng amo nila.

Ako ang hindi makahinga sa nakakabinging katahimikan. Ipinalibot ko na ang braso ko sa balikat niya at ipinatong ang baba ko doon. Tapos ay nilambingan ang boses ko,

"Sige na, please. Di na maganda ang nangyayari sa iyo. Nag-aalala na 'ko."

"Sasama ka?"

"Huh? Uhm, para ano? Wala naman akong—"

"Then it's a no."

"S-sige na. Uhm, basta, kapag ano, stable na kundisyon mo, uuwi na ako."

Nagbuntung-hininga siya, "Alright."

Parang yun lang rin ang hinihintay ng mga kasama namin sa kuwarto dahil,

"Ilalabas ko yung sasakyan," ang sabi ng isa sa kanila.

Nakisuyo na rin ako kay Elsa na kuhanan nang malinis na T-shirt si Raphael.

"Jacket na rin kung mayroon," dagdag ko pa.

"Nah, wala akong dala," pauna na ng lalaki.

Kaya yung isang shawl ko na lang ang pinakuha.

"Purple? Really, Lai?" may tonong pagrereklamo ng lalaki.

"May sakit ka na. Wag na maarte. Wala akong jacket na kasya sa iyo. Di ko alam kung saang box nakalagay yung kay Tatay, eh tinambak ninyo sa likod," ang sagot na natanggap niya sa akin.

"Tss. Sama ka, ha?" matamlay na paniniguro nito sa akin.

"Hmp! Ewan ko sa'yo!" mahina kong ingos.

Nagpaiwan si Elsa. Katwiran niya'y tatlo naman ang bodyguards na kasama namin.

"Basta, huwag mong kalimutan ang oras ng mga ito," ang mahigpit na bilin. "Makisuyo ka na lang sa mga nurses doon. Magpapatak ka sa mata. Andyan rin ang oral meds," ang bilin niya na inilagay sa palad ko ang pouch ng mga gamot ko sa mata.

"Sama ka na lang," ang sabi ko.

"Oo, magsasara lang ako dito. Ako na ang bahalang alamin kung nasaan kayo. Teka, yung walking stick mo nga pala."

Wala na akong nagawa.

Kakapasok pa lang namin sa sasakyan, "Saang ospital ka namin dadalhin?" ang tanong ko nang makaupo kami sa backseat.

"Pong, the usual," ang maikling sabi ni Raphael sa nagmamaneho, sa halip.

"Oo, sinabi na ni Gil ang bilin mo," ang sagot ni Pong.

Di na ako nagtanong. Parang hirap na magsalita ang abogado. Isa pa, alam na naman pala ng mga bodyguards nila. Sa estado sa buhay ng mga Marquez, siguradong may partikular silang ospital na pinupuntahan at may family physician.

"L-lai..."

"Oh?"

"Move closer to me, please."

Naramdaman ko na umunan siya sa hita ko. Tapos ay kinuha ang kamay ko at ipinatong sa pisngi niya ang palad ko.

Naroon pa rin ang pangingining niya.

Tuluyan ko na munang isinantabi ang mga issues na gusto kong ikompronta sa lalaki.

Una, yung pagkausap niya kay Tatay noong Bagong Taon. Pangalawa, ang kasinungalingan tungkol sa pagiging legal guardian niya sa akin na di ko pa sigurado kung kakuntsaba si Tatay. At ang sinabi kanina ng nanay ni Justin tungkol kay Rebecca.

Saka na muna. Kapag magaling na ang lalaki. Kahit papaano, may pinagsamahan kami.

Pinagsamahan talaga? Mukhang hindi naman kayo nasa past tense. Parang may future pa nga – tukso ng utak ko.

Napasimangot ako sa sarili na dagli ring nawala dahil may mainit na labi ang dumampi sa palad ko. Tapos ay ikiniskis uli sa pisngi niya.

Napabuntunghininga na lang ako... at tipid na napangiti.

Gamit ang malaya kong kamay, ilang ulit kong pinaraan ang mga daliri ko sa buhok niya. Sa pahilot na paraan. Paulit-ulit. Hanggang magpantay ang paghinga niya.

Tantiya ko, mahigit-kumulang kaming nasa biyahe nang huminto kami sa palagay ko ay gate. Nagmenor kasi kami, tapos may naaninagan akong umangat sa harap ng sinasakyan namin. Inaasahan kong maaninagan ang maliwanag na paligid pero wala. Malamlam ang paligid tapos ay ang pagbiyahe muli namin imbes na ang kapirasong distansya sa emergency room entrance.

"Nasaan tayo?" tanong ko kay Pong sa mababang tinig.

"Corinthian Gardens, Ms. Laila."

"Ha? B-bakit dito? Kailangang ma-check ng doctor si Raphael."

"Papunta sa mansion ang family doctor ng mga Marquez. Naitawag na kanina bago tayo umalis sa inyo."

Saka nag-sink in sa akin.

Papunta kami sa mansion ng mga Marquez!

"Nabanggit namin sa iyo nito lang. Ayaw ni Ralph sa ospital. Kaya sa iyo umuwi para magpaalaga."

Napangiwi ako.

Dumagundong ang dibdib ko nung makaraan ang ilang minuto ay magmenor si Pong tapos ay bumusina. Saglit kaming huminto kasunod ang tunog ng bumukas na malaking gate. Parang tatlong minuto pa yata ang inaandar naming bago tuluyang huminto.

"R-raphael..." bahagya ko siyang inalog para gisingin.

Umungot lang siya.

Bumukas ang pinto ng sasakyan namin sa magkabilang sides makaraan ang ilang minuto pang pag-andar namin mula sa gate.

"Baba ka na Ms. Laila. Kami na ang bahala kay Ralph," si Gil yun.

Inalalayan naman ako ni Pong palabas ng kotse. Iba ang amoy sa paligid. Mas presko ang hangin bagaman nasa Metro Manila pa rin kami. Tiyak na malaki talaga ang bakuran na pinasok namin.

At may bango akong naamoy. Galing sa mga halaman.

Huminga ako ng malalim para langhapin yun.

May pagkasabik na gumapang sa akin. Ang amoy ng probinsiya.

Siargao!

Yun agad ang pumasok sa isip ko at ang usapan namin ni Tatay.

"Dito tayo," sabi naman ni Pong sabay giya sa akin kung saan lalakad. "Hetong walking stick mo."

Napalingon ako sa pinaggalingang sasakyan dahil sa pag-ungot ni Raphael.

"L-lai...? Nasaan si Laila?"

"Nakababa na," sagot ni Gil. "Halika. Alalayan kita papasok sa mansyon."

Pero parang walang pakialam ang abogado sa sinabi ng bodyguard niya kasi,

"Lai...? Laila...!" ang may kalakasang tawag.

Bahagyang umalog ang kotse tapos ay may naaninagan na akong papalabas sa backseat, tapos ay may silhuweta na umalalay rito.

Sabay pa yata kaming napabuntung-hininga ni Pong.

"Puntahan mo na. Baka mabinat lalo,"may patuksong sabi pa.

Pakapa-kapa kong tinungo ang kabilang side ng sasakyan. May palad na sumalubong nang paggagap sa kamay ko.

"Halika na..." mahina niyang sabi.

Tinanggihan niya ang pag-alalay ng mga bodyguards niya kaya ako ang inalalayan nang isa dahil medyo mahapay ang paglakad ng abogado.

"Don't touch her," ang saway ni Raphael. "We can manage."

May mga tumikhim sa paligid. Gusto kong lumubog sa hiya.

Parang nasa prusisyon kami sa paglalakad. Hindi lang dahil may kabagalan kaysa normal na lakad, kundi parang ang haba bago kami nakarating sa maindoor.

"Ay, Dios mio..." narinig ko mula sa palagay ko ay ang maindoor. Boses may edad na babae yun.

"Lai... be careful," sabi naman ni Raphael. "Hagdan na."

Alam ko naman. Nakapa ng walking stick ko.

"Huwag mo na ako intindihin. Hindi na matatag ang laakd mo," saway ko sa abogado dahil inalalayan pa ako paakyat." Pong... Gil... Pakiuna na si R-raphael."

"Damn it!" pabulong na mura nito. "Hindi mo kabisado ang—"

"Raphael!" tumaas na ang boses ko sa inis. "Isa pa!"

Natahimik ang paligid. Tapos ay may mga tumikhim.

Sinamantala ko yun para balingan muli ang mga bodyguards niya, "Pong... sige na. Pakiuna siya."

Naaninagan ko ang pagkilos ng mga kasama namin. Tapos ay may lumapit galing sa maindoor.

"Tita Fe, pakisuyo si Laila, please," ang sabi ni Raphael.

Ayun na nga at sa akin bumaling ang may kapayatang silhuweta ng babae, "Uhm... iha, halika."

"Dumating na ba si Dr. Alonzo?"

"On the way pa lang, hijo," sagot ng babae."Padidiretsuhin ko na sa kuwarto mo."

"Alright."

"Saang guest room—"

"She'll stay with me in my room."

"T-teka—" apela ko rin.

"Tita Fe, she's Laila. I bet you know who she is."

Halatang nabigla ang babae sa narinig. Base yun sa pagkatensyon ng braso niyang hawak ko bilang gabay.

Ako naman ay napaisip.

Ano ang ibig sabihin ni Raphael sa sinabi?

At bakit Tita Fe? Akala ko ay solong anak ang ama ni Raphael. Parang malabo namang sa side ng ina gayong hiwalay nga ang mga magulang ng abogado. Kasi hindi man direktang binanggit, ang pagkakaintidi ko sa kuwento niya, pinutol na nila ang komunikasyon sa nanay niya.

"Oh, siya ba?" may lambot na sa tinig ng babae."Kaya ka pala may suot kang ganyang salamin kahit gabi na."

Lahat kami ay natigilan dahil sa tunog ng sasakyang paparating mula sa pinaggalingan naming direksyon.

"Si Dr. Alonzo na, malamang," ang bigkas nung Tita Fe. "Halika na kayo. Sa loob na tayo maghintay. "

Tama lang na may gabay ako. Maliligaw ako kung mag-isa lang na magbabaybay sa mansyon ng mga Marquez.

Sana ay makasunod agad si Elsa rito.

Hindi ako kumportable sa hindi ko malamang dahilan. Parang may nakamasid lagi sa akin kahit si Raphael ang sentro ng pag-aasikaso ng lahat ngayon sa silid niya. May kasama ring med tech yung doktor.

Naiwan ako noon sa sala. Walang nagawaang lalaki nang sabihin ng doktor na baka viral ang sakit niya at mahawa ako.

"Mam..."

Napapitlag ako sa bahagyang pagkagulat. Hindi dinig ang yabag dahil makapal ang carpeted floor.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng tila may edad na rin na boses.

"Ipinapahatid po kayo ni Madam Fe sa isang guestroom. Para makapagpahinga na raw kayo."

Saka naman tumunog ang pagkalam ng tiyan ko.

"Ahm... ipaghahain ko na muna kayo, Ma'm."

Nahihiya man ay walang imik akong nagpagabay rito papunta sa dining room daw. Sa tantiya ko ay apat o limang beses na laki ng floor area ng bahay namin ang ihinakbang ko bago,

"Upo muna kayo, Ma'm. Babalik ako agad. Huwag na kayo lumakad-lakad. Baka mapatid kayo sa carpet," ang paalala nito dahil marmol na yata ang tinatapakan namin mga ilang hakbang na ang nakakaraan.

Marahang tango at mahinang pasasalamat ang sagot ko sa pinagpapalagay ko nang isa sa mga katulong ng mga Marquez.

Base sa mahinang echo sa pagsara ng pinto at mga hakbang ng babae, malaki talaga ang kinaroroonan ko.

Malaki para sa iilang nananahan rito.

Actually, sobra-sobrang malaki para sa apat na tao. Ah, mali. Tatlo lang pala dahil mas madalas yata yung lolo ni Raphael sa farm nila sa kung saang probinsiya.

Bigla akong nakaramdam ng pang-unawa at bahagyang awa kay Raphael. Kaya siguro mas pinili nitong sa amin umuwi ganyang may sakit.

Kasi, kahit hamak na maliit ang bahay namin kumpara sa mansyon nila, mas may nakikita siyang tao sa amin.

Feeling ko, kapag may mga batang naglaro ng taguan dito ay may posibilidad na aabutin ng gabi o kinabukasan bago maka-pung ang taya.

Saglit akong napakunot-noo. Parang may naririnig akong boses sa direksiyong pinuntahan nung babaeng nagdala sa akin dito. Parang ... may pinagsasabihan or something.

Maya-maya ay heto na uli yung katulong.

"Uhm... ano, Ma'm, pasensiya na po sa ano..." may pagpapaumanhing sabi bago my inilapag na pinggang mahigit sa isa. "Tulungan ko po kayong kumain. Kailangan po ba kayong subuan?"

"H-hindi. Ano, pakisabi na lang kung saan napuwesto yung kanin at ulam."

May nagbago sa tono nito. Siya yata yung pinagalitan.

Ang tanong, sino ang nagsermon sa kanya... at bakit?

Tanong na nawala sa isip ko na kasi pagkasubo ko sa pagkain.Hindi ganun ang tipo na inaasahan ko na ihahain sa akin. Napaka-common sa household na gaya ng sa mga Marquez.

Ginisang Bagiuo beans at pritong skinless longanisa. At hindi man lang ininit.

Parang tirang ulam na iniwan sa mesa para sa aabutin muli ng gutom sa gabi. Ganun ang dating sa akin.

"Ahm... matagal ka na ba rito?" bukas ko ng usapan pagkalunok ng pagkain.

"O-opo. Maglilimang taon na."

"Ah, I see," tumikhim ako. "Yung Tita Fe ni Raphael, matagal na rin dito?"

"Ah... eh..."

Nahalata ko ang pag-aalangan sa babae.

"Sige, kahit huwag mo na sagutin ang tanong ko. . Ano nga pala ang pangalan mo?"

"Lena, Ma'm."

Tinuloy ko na lang ang pagkain.

"Ma'm, pagpasensiyahan mo na iyang inihain ko. Pero sana, huwag mo na lang mababanggit kay Sir Ralph."

"Huh?"

"Ano po kasi... uhm... sa amin po talagang ulam iyan."

"Ayos lang naman. Kumakain naman ako ng ganito," pang-aalo ko sa kanya. "Huwag kang mag-alala. Wala akong pagsasabihan."

Saktong katatapos ko lang kumain nang marinig ko ang mga boses nung doctor at Tita Fe. Galing sila sa second floor ng bahay.

Sinamahan ako ni Lena pabalik sa sala. Hindi ko sila inabutan.

"Ah, hija," sabi nung Tita Fe nung balikan kami sa sala. "The doctor said you cannot stay in Ralph's room until we are sure what he is sick about."

Gusto ko nang umuwi, kaso maliban sa wala pa si Elsa ay,

"Pinababa ako ni Ralph. Nagbilin siya na sa guestroom ka na muna, Ms. Laila," ang sabi ni Pong. "Doon sa katabi ng sa kanya."

Alam kong madaling-araw na pero hindi ako dalawin ng antok.

Nakampante lang ako nung dumating na ng asi Elsa. Pumayag siya sa pakiusap ko na tabihan ako matulog.

"Bakit? Nag-aalala ka ke Ralph?" may bahid na tukso yun nung nakahiga na sa tabi ko.

Napabuntung-hininga ako, "H-hindi lang yun."

"Maayos akong nagsara sa inyo. Huwag mong isipin na yun."

"E-ewan ko, Elsa. Parang di ako kumportable dito."

"Masasanay ka rin."

"Huh?"

Mahina siyang natawa.

"Tss. Walang biro, Elsa."

"Wala naman yung Lolo at tatay ni Ralph. Nasa Abra nga raw sabi nina Pong nung nasa bahay pa tayo."

"A-alam ko naman. Basta. Di ko malaman kung dahil nalulunod ako sa laki nitong bahay, o kahit nitong kuwarto. Ang sigurado, hindi ako mapakali na kung ano."

Ilang segundong di nagsalita ang babae, May nangyari ba bago ako dumating, Lai?"

"W-wala naman," at dahil may pagkaalarma na sa boses ng babae, "Ano, lilipas din siguro ito. Uuwi na naman tayo bukas."

Medyo tanghali na ako nagising. Kung hindi pa nag-vibrate ang cellphone ko sa ilalim ng unan na gamit ko.

"H-hello?"

"Mahal, where are you?"

Dala ng puyat, hindi agad nag-register sa akin ang narinig, "Ha? Sino 'to?"

"I-it's Jus, Mahal..."

"O-oh..." napasapo ako sa noo.

"Ahm... nagpunta ako kaninang umaga sa inyo bago pumasok sa lawfirm. Pero sarado."

Naphilot ako sa noo,"Bakit?"

"I want to—uhm, hihingi ako ng sorry sa nangyari noong huling ano... uhm... but I stand to what I said. That bastard is making a fool of you!"

"Wow...!" malamya pero sarkastiko kong sagot. "Look who's talking."

Natigilan saglt ang lalaki, "Lai...mahal naman. I already explained to you. At... at meron pang iba na dapat mong malam—"

"Hindi mo na kailangang pumunta sa 'min, Jus," putol ko sa kanya tapos ay pinatay ko na rin ang tawag.

Nag-vibrate uli yun, pero isiniksik ko na lang uli sa ilalim ng unan.

Hinagilap ko ang maliit na bag na dala ni Elsa na pinaglagyan ng pamalit namin ng damit. Siya namang katok ng bantay ko,

"Oh, buti gising ka na. Hinahanap ka ni Ralph. Ayaw kumain hangga't di daw kayo sabay."

Napanguso ako sa pagiging childish ng lalaki, "Sandali. Maliligo lang ako saglit."

"Tss."

Pero naghintay pa rin naman siya. Siya rin kasi ang magpapatak ng gamot sa mata ko. Magkasama kami papunta sa kuwarto ni Raphael.

"Ano'ng sakit niya, Doc?" tanong nung Tita Fe.

Nariginig kong tanong pagbungad namin ni Elsa sa may pinto.

"Just like what I suspected. It's dengue. Here are the results of his blood works," tapos ay ang tunog ng papel. "Also, see these rashes under his arms?"

Tumikhim si Elsa.

"Oh, hey..." medyo paos na pansin ni Raphael. "'Heart, come here. It's safe. Hindi contagious ang sakit ko."

Tinulungan ako ni Elsa na mabilis na makarating at makaupo sa gilid ng kama ng abogado.

Nagtanong ang doktor sa mga pinunathan ng abogado. Kung kailan. Bago ito umalis ay kinabitan ng bagong dextrose si Raphael.

Kahit anong pilit ay hindi siya nakumbinsi ng doktor na sa ospital na magpa-confine.

"Alright. Just make sure you follow my prescription and drink plenty of fluids," at gaya nang napag-usapan, inulit nito kung kalian kailangang itakbo na sa ospital si Raphael. "Babalik ako bukas to check on you."

"I just need to rest," makulit na depensa pa rin ng abogado.

"Yes, and no, Ralph," ani Dr. Alonzo. "Para sigurado, have the whole mansion fumigated."

"Yeah, I will. Anyway, bukas, pwedeng tanggalin na ang dextrose ko."

"Depends on your condition. Kaya magpahinga ka. By the way," bumaling ang doktor sa akin,"I just noticed. Maybe you would like to have your eyes check by a specilist, Ms....?"

"Uhm... Laila." Medyo nahihiya kong sagot.

"She will," salo ni Raphael. "I won't allow her with those eyes walking the isle."

Huminto yata ang pintig ng puso ko.

"Huh?"

Hindi lang iisa ang nag-react ng ganun sa mga kasama namin sa kuwartong yun.

"Yes, she's the future Mrs. Raphael Marquez."

Nanlaki yata ang mata ko sa narinig.

"Bueno, kalian pwedeng makausap si Mr. Centeno?" tanong na galing sa may pinto.

"Dad! Lolo! I thought you will be in Abra until next week?" gulat na tanong ni Raphael.

Dad...Lolo?

Biglang dumaan sa alala ko ang isa naming pagtatalo.




"...Daddy and Lolo are old school."

"Paki ko!"

"Malaki. Dahil nagtatanong na sila kung kailan kami mamamanhikan."




Gustong lumuwa na talaga ng mata ko.

Pakiramdam ko, tumapak ako sa isang trap.

Trap na wala akong kamalay-malay na iniumang ni Raphael. Na sinamantala na may sakit siya para hindi ako basta makakatanggi.

=====================================

Do not forget to comment and vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b6lhu