34 Tatay
Huminga ako nang malalim bago bumaba ng kotse.
"Susunod agad ako sa inyo," imporma ni Gil na siyang nagmaneho para sa akin.
Bahagyang akong tumango. Nakaabang na naman sina Pong para samahan ako papasok.
Nasa gitna ako nang pagre-review ng isang kaso na hinahawakan ng isang team ko sa office ay napasugod ako dito sa Pasay City Jail.
I received a message that Laila's father wanted to change his lawyer.
Worse, nakarating ito kay Daddy.
Ipinatawag ako sa opisina niya kanina.
"Leave everything you are doing now. Clean this mess you created, Raphael. This is a shame on our law firm."
"I will fix it, Dad. I'm ... I'm sorry."
"You should be. Papa is furious."
Kalmado man ay dama ko ang disappointment sa kanya.
A disappointment that weighs more than what happened when Navarro turned his back on us.
I lowered my gaze with clenched jaws, and balled fists.
"I'll call him."
"No need. He's calling now," then I heard a bleep. Dad put the call on speaker phone."Pa, he's here."
Naihilamos ko ang palad sa mukha.
I heard my grandfather cleared his throat on the other line, "Raphael?"
"Si, Abuelo."
(Yes, Grandfather.)
"Sabes que el bufete de abogados es el legado de Márquez, ¿verdad?"
(You know that the law firm is the Marquez legacy, right?)
"Si."
(Yes.)
"Y tu eres un marquez."
(And you are a Marquez.)
"Si, Abuelo," mababang boses kong sagot.
Gaya ni Daddy, kalmado man ay alam kong dismayado si Lolo. Hindi lang talaga nila ugaling magtaas ng boses sa akin. But I know when they are mad and disappointed. One of the signs, they talk to me in Spanish.
And I know when to tone down, and be meek.
It's totally my fault anyway.
Unlike the incident with Navarro before which was I trusted the wrong person, this time, the situation we have now is all my doings.
"Entonces, ¿qué planeas hacer para solucionar este problema?"
(Then what do you plan to do to fix this?)
"Iré a hablar con Senior Ben justo después de esta conversación."
(I will go talk to Mang Ben right after this conversation.)
"¿Para qué?"
(For what?)
"Para decirle que no puede encontrar a alguien mejor que yo para defenderlo."
(To tell him that he can't find someone better than me to defend him.)
"¿Entonces crees que es así como puedes solucionar este problema?" sumingit si Daddy.
(So you think that is how you can mend this issue?)
"Sí, porque todos queremos preservar la dignidad del despacho de abogados."
(Yes, because we all want to preserve the dignity of the lawfirm.)
"IDIOTA!" sabay nilang sabi.
(Idiot!)
Nawalan ako ng kibo dahil sa dalawang bagay.
Una, nagulat ako sa pagtaas ng boses nila at sinabihan nang ganun. Ngayon lang ito nangyari.
Pangalawa, nalito ako. Ano ba ang gusto nilang gawin ko?
"¿Tenemos que ir todos a hablar con el padre?" si Lolo uli.
(Do we all need to go and talk to the father?)
"¿Por qué todos nosotros?" taka kong tanong.
(Why all of us?)
"Para convencerlo de que esté de acuerdo con el matrimonio," si Daddy.
(To convince him to agree with the marriage.)
Kaya nga nagpamaneho ako kay Gil imbes na nakasunod lang itong nakamotor gaya ni Pong at Ray.
Hindi kasi ako maka-focus.
Lalo pa sa naging usapan namin nina Dad at Lolo.
"Sigues teniendo suerte de que el padre no le haya dicho nada por qué quería relevarlo como su abogado," si Daddy. "Puede ser suspendido. Lo peor, inhabilitado."
(You are still lucky that the father did not say anything why he wanted to relieve you as his lawyer. You can be suspended. Worst, disbarred.)
Di na naman ako makasagot. Totoo naman kasi.
"Le daremos dos semanas para que el Senior Ben esté de acuerdo." si Lolo.
(We will give you two weeks to make Senior Ben agree.)
"¿Es una amenaza para repudiarme, abuelo?" nagsimulan kong makaramdam ng disgusto. "No estoy asustado."
(Is that a threat to disown me, Grandfather? I'm not scared.)
"Sabemos. Tienes tu propio dinero. Y no te negaremos."
(We know. You have your own money. And we will not disown you.)
"Entonces, ¿de qué se trata ese ultimátum?"
(Then what is that ultimatum about?)
"Entonces tu abuelo y yo lo haremos a tu manera. Creo que no quieres eso, ¿verdad, hijo?" si Daddy ang sumagot.
(Then your Grandfather and I will do it our way. I believe you don't want that, right, son?)
"Aw, come on!" reklamo ko.
"Hablamos en serio, Raphael. ¡Ha pasado una semana desde que hiciste tu truco! ¿Qué diría tu abuela si todavía estuviera con nosotros? ¡Ella diría y lo haría peor!"
(We are serious, Raphael. It's been a week since you did your stunt! What would your grandmother say if she's still with us? She'd say and do worse!)
"Alright, alright! I'll do it! Just stay out of my tail!"
At nagdadabog akong lumabas sa opisina ni Daddy.
Yun naman talaga ang plano ko. Ayoko lang na pinapangunahan ako nina Dad at Lolo. Kahit pa ng mga kaibigan ko.
It's embarrassing.
Embarrassing? Tudyo ng utak ko.
Yes, goddamit!
I'm a grown up, well-established man to be pushed around about... about... shit!
Nag-boomerang na nga ang binitawan kong salita kay Laila para gipitin siya.
Sinabi ko lang naman sa kanya yung tungkol sa pamamanhikan since nagbanggit nga si Dad nung mag-usap kami sa kitchen.
Heto na nga at nagkakatotoo na.
Ang masaklap, lalong nagalit ang babae.
"Malaki. Dahil nagtatanong na sila kung kailan kami mamamanhikan."
"A-ano?!"
"Yes! You heard me. Pine-pressure na nila ako na—"
"So, yun pala yun? Dahil sa tatay at lolo mo kaya ka gumawa ng eskandalo at nagkakasira kaming mag-ama—"
"N-no. I mean—"
"Kasasabi mo lang!"
"Ano ba'ng masama sa gusto nila, ha,Laila?" naumpisahan ko na ring mainis. "Tama lang naman na—"
"Ano'ng masama at tama, ha? Shot gun wedding ang gusto ninyong mag-anak!"
"Then shot gun wedding it is! Godammit, Laila! Ano pa ba'ng ayaw mo sa akin?!"
"Ang ayoko? Dahil wala kang pagkakaiba kau Justin! Magpapakasal para sa ulterior motive!"
"Don't you dare compare me to that asshole!"
"Bakit ang hindi? Nagpaksal siya kay Rebecca dahil sa pera! Ikaw naman, susundin mo ang tatay at lolo mo, malamang dahil sa mana!"
"Hindi yan totoo! I have my own!"
"Kung hindi yun, then dahil gusto mong makaganti kay Justin! At ako ang ginagamit mo!"
Natigilan ako.
She smirked, "Sinasabi ko na."
"Mali ka nang iniisi—"
"Lai...Ralph..." si Elsa, nasa itaas na ng hagdan. "Tama na yan. Dinig na dinig kayo sa ibaba."
Tapos ay binuksan nito ang ilaw sa maliit na sala ng second floor. Nakasara rin kasi ang bintana at kurtina doon.
Naitakip muli ni Laila ang palad sa mata sabay nang pabulong na daing.
At hindi nakaligtas yun sa amin ni Elsa.
"Lai, ang mata mo," sabay pa naming sabi.
I only though her eyes were swollen from crying because it is still a bit dim. And she turned her back from the window.
But with the lights, we saw it in a split second.
Pulang-pula ang mata ni Laila. Na tila ba puputok ang mga ugat doon. Even her eyelids are sore.
"Let's go," sabi ko kina Pong at Ray.
Naiwan sila sa labas ng visiting area habang naghihintay ako sa ama ni Laila na sinundo ng jail guard.
Di ko napigilan ang kabang naramdaman nang magtama ang mata naming nang matandang lalaki na sa pagkakataong ito ay hindi inalisan ng posas.
"Bakit ka naririto?" ang tanong niya sa malagom na boses. "Hindi na kita abogado. Nagkausap na kaming umaga ni Mr. Agoncillo."
Ni hindi nga naupo sa katapat kong bench sa kabilang panig ng mesa.
Napayuko ako, "Alam ko po."
Kaninang paalis ako sa law firm ay tumawag na si Rob sa akin.
"I know," sabi ko. "Kakalabas ko pa lang sa office ni Dad."
"You got to attend a 'homily' in the middle of a workday?"
"Uhuh."
Mahina itong natawa,"So, paano yan? Ano'ng gagawin mo?"
"Papunta ako dun para kausapin si Ta—Mang Ben."
"Pinapakawalan na rin niya ako sa pangako ko sa kanya," sabi ni Rob.
"Ano?!"
"Yeah. Papaayagan na raw niya si Laila na ibenta o paupahan yung bahay nila. Gaya nang dating gusto ng anak niya."
"Shit!"
"Yun naman pala," tapos ay tumalikod na ang ama ni Laila.
"Kung ayaw na ninyo sa akin bilang abogado ninyo, kayo po ang bahala. Pero kailangan ako ng anak ninyo."
Lumingon siya sa akin, "Hindi na namin kailangan ang tulong ninyo ni Mr. Agoncillo. Malinaw ang usapan namin kanina."
"Alam ko rin po."
Humarap muli ang matanda sa akin, "Ah... nagkausap na kayo. Kunsabagay ay inaasahan ko na yan. Ngayon, alam mo nang payag na akong makulong habambuhay, tutal ay papayagan ko na si Laila sa kung ano ang gusto niyang mangyari sa bahay namin."
Huminga ako nang malalim, "Pakakasalan ko ang anak ninyo, 'Tay."
"Ayaw niya."
"Kaya nga po nakikupag-usap ako sa inyo ngayon, 'Tay."
Sarkastiko siyang ngumiti,"Yaring-yari na sa loob mong magiging manugang kita, Attorney. Sino'ng nagbigay sa iyo ng ideya na tutulungan kita sa anak ko? Eh ayaw ko nga sa abogado para sa anak ko."
I looked at him straight in the eye, "Kung bibitawan ko ba ang lisensiya ko bilang abogado...?"
Biglang nagseryoso ang mukha nito, "Gagawin mo?"
"Bakit ang hindi?"
Saglit siyang tumahimik na tila tinitimbang ang sagot ko. Tapos ay marahang umiling at umakmang tatalikod uli.
"Kakailanganing operahan uli si Laila, 'Tay. Hindi ako papayag na si Navarro na naman ang sasagot. Siguradong ayaw rin ninyo."
Doon ko nakuha ang buong atensyon nito.
"Ano'ng ibig mong sabihin? May nangyari kay Laila?" ang sabi na naupo na sa katapat kong upuan.
Ikinuwento ko ang pagpunta ko sa kanila para kausaping muli ang anak. At ang pagpilit namin ni Elsa na dalhin siya sa optha.
"She was given first aid treatment. Temporary lang daw yun. Bagong operasyon ang kailangan. Ayaw ni Laila, 'Tay."
"Maaari siya magpalista at maghintay uli sa Eye Bank Foundation."
"Sa pribado ko siya paooperahan. Kahit sa Amerika pa."
"Sa yaman ng pamilya mo, barya lang ang pagpapaopera sa anak ko. Bakit kailangan mo pang ipilit ang pagpapakasal?"
"Hindi ko maintindihan. Kayo lang ang nakilala kong ama na ayaw ipakasal ang anak niya gayong may nangyari—"
"Sa palagay mo ba ay naniniwala akong wala nangyari noon kay Laila at sa hayop na si Justin?"
I was caught off guard. Di agad ako nakasagot.
"Hindi lang pagkabirhen ng babae ang sukatan ng dignidad, Attorney. At isa pa, hindi rin naman ako naniniwala na anak ko pa lang ang nagawan mo nang ganun. Wala akong makitang dahilan para magkumahog sa kasal na binabanggit mo."
"Nasabi ko nap o nung nakaraaan. Maaring dala ni Laila ang anak ko. Isang Marquez."
"Magiging mabuting ina si Laila. Sigurado ako."
"Hindi niya magagampanan yun kung bulag pa rin siya."
Tumalim ang mata nito sa akin, "Obligasyon mong suportahan—"
"Kukunin ko... naming pamilya ang bata kay Laila. Dadalhin ko sa korte. Na wala siyang kakayahang pinansiyal at emosyonal para magpalaki ng bata. At... at maaring sa ibang bansa na siya lumaki. Malayo sa inyo."
Bumakas ang galit sa mukha niya.
"Ayokong umabot pa sa ganun, kaya nga ito na. Ako na ang humihingi ng kasal. Nakikusap na ako. Ayokong lumaki ang anak ko na kulang sa magulang. It's ... it's hard... and painful. I know. Because I grew up in one," my voice croak then my eyes got hot.
Bahagya akong yumuko at pinisil ang pagitan ng mata para pigilan ang mag-angat ng luha doon.
Hindi sia nagsalita. Kaya nagpatuloy ako.
I took a file from my leather briefcase and put it on the table in front of him. It has almost the same content that Dad showed me in our kitchen on the night of New Year.
"Ano ito?" tanong niya sa mababang tinig.
"Huwag sana ninyong mamasamain. Wala akong ibang intensyon sa ginawa kong ito. Hindi ito para sabihing nagkulang kayo bilang ama. Sa nakikita ko, sobra-sobra ang pagmamahal ninyo kay Laila. At gaya nun, nais ko lang iparating sa inyo na gagawin ko ang lahat para kay Laila... sa anak ninyo. At sa magiging pamilya namin."
Saglit pa lang niyang binabasa, "Kailan pa ito ibinenta? Isa sa pinagpipilian ni Laila ang umuwi sa probinsya. Paano pa siya'ng—"
I turned the page to which I want him to see, "Pupwede siyang umuwi kahit kailan niya gusto, 'Tay. Sa ngayon, may temporary cottage na doon, with kitchen and CR."
May itinuro ako sa pahinang yun, "Kahit ikaw... kapag... kapag nakalabas ka na rito. By that time, maayos na ang bahay na—"
Napaangat ako ng tingin sa ama ni Laila nang marinig o ang paghinga niya nang malalim.
Makaraan ang kalahati pang oras ay mas magaan ang loob na lumabas ako ng Pasay City Jail.
"Balik na sa lawfirm?" tanong ni Gil pagkaupo ko sa backseat ng kotse.
Gustung-gusto kong pumunta ngayon sa bahay ng mga Centeno pero ayokong pangunahan si Tatay Ben.
Tatay Ben.
Tss.
But a smile formed on my lips. Napapailing pa nga sa sarili.
And that smile... made a sound. A short chuckle. I dunno, I just couldn't help it.
"Ralph?" untag ni Gil.
"Oh! Uhm, yeah..."medyo napapahiya kong sagot.
I think he saw me.
As we start departing, I pulled out my phone from my pocket, and turned it on.
Pinatay ko kanina dahil ayokong maistorbo sa pakikipag-usap sa ama ni Laila.
I intend to call Rob, and tell him not to pull out Elsa yet.
I have a missed call.
Napakunut-noo ako.
It's an international number. Looks familiar though. I set it aside for the meantime. Mas importante ang pakay ko kay Rob.
"Oh, musta? Parang ang tagal na ah!" bungad niya.
"Gago," natatawa kong sabi. "Kanina lang tayo nag-usap."
He laughed, "By the tone of your voice, and this pretty short gap, I bet ...."
"Yeah..." medyo nahihiya kong sagot. "You got it right."
Di man niya ituloy, alam ko na ang ibig niyang ipakahulugan.
"So I'm back to my promise."
"No, Rob. It's on me. Elsa stays until I say so. Ako na ang magbabayad sa rendered services ng agency mo patungkol sa mag-ama. Nag-usap na kami ni Tatay."
"Wow! Tatay!"
"Fuck off, Agoncillo!"
Humagalpak ito ng tawa, "Reid would love to hear this! Wait, I'll conference him."
"Tangna!" malutong kong mura.
Then a bleep.
Pero, natatawa ako. Ewan ko.
After some second or so,
"Hello?"
"Reid, my man!" si Rob.
"Hey, 'zup? Is this important?"
Wala naman kasi talaga sa tono ni Rob na emergeny or urgent ang itinatawag.
"Hindi pa business hours ngayon sa Germany, Schulz. Don't be a grump," tatawa-tawang sagot ng asawa ni Juno.
Nahahawa na ito sa asawa niyang baliw.
"Pero malapit na. I'm on my way to the bathroom to poop and shower then hit the road for a meeting with my brothers, jerk. Besides, we just talked about twenty minutes ago."
"Sandali lang ito. Five minutes, tops. And it has something to do about 'that' convo twenty minutes ago."
Napataas ang kilay ko sa narinig.
"Excuse, were you talking about me?" singit ko na.
""Oh, hey Ralph. Didn't know this is a conference call."
"Hey yer face, Schulz," sarkastiko kong sagot. "Pag-untugin ko kayo ni Agoncillo eh!"
They just chuckled. A chuckle ended up in laughter because Rob,
"I told you, Reid. Tatawag agad sa akin yan matapos niyang makipag-usap sa Tatay Ben niya."
"Whoaaa! Tatay?!"
"Yup, I heard him refer the Centeno old man as Tatay."
"Really, Ralph?!"
"Assholes!" I muttered.
"So spill it, lover boy," tukso ni Rob.
"Gago ka, Rob!" naiinis ko nang sabi.
"Uy, napipikon," sabay pa uling tukso nung dalawa.
"Kuwento na. Damn, I will be late, sure bet," natatawang susog ni Reid.
So I did.
I have no one to tell, anyway. These two jerks are like the brothers I do not have.
"It's still frustrating, you know," I said afterwards.
"But still a good news compared the previous days, right?" si Reid. "If Lila sells the house, at least, your ex-apprentice would not know where she will move."
"He can hire someone to find out," si Rob.
"Uh, yeah," parang tanga rin itong si Reid.
Mukhang inaantok pa ang utak.
But deep inside, I am in the middle of wanting and not to have the house sold.
I know the father and daughter cherish the house because of the mother's memory. Yet, there were also sad and painful memories in that house. Like her death, Laila getting blind, Navarro and what happened to Tatay Ben.
I told those to my bestbuds.
"The father wants to move on. I guess the daughter wants to forget. Best is to give them both a clean slate," Andie's husband said.
"Palagay ko, yun ang nakikita ni Mang Ben kaya ganun ang sinabi sa iyo," si Rob.
Napangiti ako, "Yeah, I guess both of you are right."
"Then do not let go of the opportunity," sabay pa nilang sabi.
I sighed. Mas magaan na lalo ang pakiramdam ko. Mas reinforced ang mga plano ko.
Kahit napipikon ako kanina sa dalawang ito, I still call them my blessings.
"Thanks, you jerks."
Bago kami magpaalam sa isa't-isa, we agreed for a night's out once Reid is back the coming weekend.
Pagdating sa office, I called Aris.
"Hey, need you to construct something for me," sabi ko.
"Commercial or residential?"
"The latter."
"Okay. Let's set up the meeting with Jeff's team."
"Alright. I'll have my secretary call yours para sa schedules natin."
"Sure bet."
"Uhm... how's Mike?" tanong ko.
I heard his sad sigh, "Not good. Hindi niya makumbinsi si Kennie na lumabas sa kumbento. "
"Damn."
"He's still pursuing her. There's still more than two weeks before their wedding date."
Ayokong matulad sa dalawa.
I won't let it. By hook or by crook.
If Laila does not want to be tamed, then I am setting up my 'trap' for her making sure she does not have anywhere to go but to my direction. And once she does, I won't let her out of my grasp.
First, I will not stop her sell their house, just what Tatay Ben said.
I agree with Reid and Rob.
Move on. Forget. Clean slate.
Then I will be the one to fill up that clean and empty slate.
"How about you?" I asked Andie's guy bestfriend.
"Here busy. Wala nga kasi lagi si Mike eh. And... why the sudden interest in our personal life, huh? You having the same issues?"
"Tss. Never mind I ask."
"Now, that answer makes me connect some dots here. You want to discuss with us about building a house. Hmm... yeah. I am sure you finally are caught in the web like us. Totoo nga yung narinig ko dun sa birthday ni Rika two days ago. "
"Tss. Bye!"
Bago pa tuluyang maputol ang tawag ay narinig ko pa si Aris, "Guilty as charged," tapos ay mahinang tumawa.
Mariin kong naihilamos ang palad sa mukha.
I wanted to pursue Laila quietly as much as possible. But what the heck!
My family and close friends are gossiping about it!
I mean, wala naman akong balak ilihim. Sooner or later it will be out in the open. Especially with my status and the family name I am carrying.
It's... it's just that I feel embarrassed.
Not about Laila being blind or her father.
I am well-known not to chase women. Kahit si Rebecca, I did not.
Even when the news spread about her and Navarro, I kept my cool. Anyone who asked how I felt, I only shrugged my shoulders as my answer.
The only reasons I got mad were the betrayal and deceit.
And I was vocal that I have no intention of getting hitched. Anak, oo pa. Pero asawa?
But here I am now.
Mabuti at medyo maraming gagawin sa lawfirm.
Isa na doon ang pakikipag-meeting kina Atty. De Mesa at and team namin na humawak sa Barcellon-Centeno case.
"Yes, that's what the client wants," sabi ko.
"It's kind of... well, disheartening? Not sure if that's the right word, Ralph," si Atty. De Mesa. "I always wanted to be in the court against the Santiago."
"Uhm... don't feel that way. Medyo nagkaroon kami ng gusot. But I'm fixing it."
"You mean, kukumbinsihin mo uli si Mr. Centeno, Attorney?" tanong nang isa sa researchers.
"Not yet. Medyo may conflict."
"What conflict?"
"Let's not dwell in that, team. What I need you to do is continue with the case. We will support the PAO lawyer who will handle the case. I'll see if we can reclaim the case."
Before office hours were over, tumawag si Daddy at pinapupunta ako sa opisina niya.
I controlled not to be irritated. Malamang ay kukulitin ako nito tungkol kay Laila. At hindi malayong iko-conference na naman si Lolo sa phone.
But my expectation failed me.
Mukhang iba ang pakay ni Daddy. His face was impassive when he looked up at me from reading some papers in a folder file on his desk.
"What's up, Dad?"
Inabot niya lang ang binabasa, "Read."
I just did without uttering a word.
It's something to put attention to kapag ganyan si Daddy. Pareho sila ni Lolo.
And I was right.
"What do you think, son?"
"We're lucky."
"How?"
"He betrayed us first and didn't stay long. That he chose a different place to grow to be the biggest snake I know of. Anyway, why do you have this, Dad?"
"An executive from the Santiago firm requested a meeting with me two days ago."
"Why?"
"He wanted to transfer here. Actually, there's three of them. He represents their group."
"Because of this, right?" I asked but knowing I will get a confirmation.
And Dad nodded. "They know our rule. That's the reason for the closed door meeting. So what do you think?"
"Alam ba ni Lolo?"
"Yes, and he said to ask you. We want to know your insight. A time will come that your decision about our law firm will matter the most."
I rested my head on the couch in his office for a few seconds "I need to confirm the information in this file. And more. Can I keep this?"
"That's your copy."
"Alright," then I stood and headed to the door.
"And Ralph?"
"Yes, Dad?" nilingon ko siya.
"Whispers are slowly spreading. This has something to do with a blind woman."
I nodded to him slowly, with my clenched jaw.
"Do you need us, me and your abuelo?"
Umiling lang ako tapos ay lumabas na.
Ang plano ko ay umuwi na pagkatapos makipag-usap kay Dad, but I went back to my office.
I need some silence to cool my head off.
Ni hindi ko na nga nasagot ang pagpapaalam ng secretary ko na uuwi na siya pagdaan ko sa table niya.
The instant I closed the door, I grabbed the ethnic ceramic bowl full potpourri laying on the low desk by the door. I smashed it on the wall imagining it is Navarro's head.
Fuck that moron!
He's exposing Laila to humiliation. Worse, danger.
I slump on my office couch calming myself. Saka ko tinawagan si Rob.
"Hey, dork," bati ko pagsagot niya ng phone. "I have a file here I need you to sort out."
"Urgent?"
"Yeah."
"Okay, I'll send someone to pick it up. Sa office ka pa rin, right?"
"Uhuh. Ako na lang pupunta sa inyo."
I need to talk to someone. I need my friend now.
"Sure, I'll be home in half an hour or so. You can have dinner with us. Then we talk afterwards," ang sabi.
Not sure if it was a good decision to have dinner with the Agoncillo family. Not because it was a bit noisy. Thunder was having tanrums na gustong si Rob lang ang magpapakain sa kanya. Tapos ay ang daldal ni Robin na halos lumabas na sa bibig niya ang kinakain. Kaya si Juno, saway nang saway.
Actually, it was because I felt a bit envious.
Lumaki ako na tahimik kami sa hapag. Maliban sa ako lang ang bata mansyon, kung mag-uusap ay kalmado ang boses nina Lolo, Lola at Daddy.
Lalo pang naging tahimik ang oras ng pagkain ko sa mansyon when Lola passed away. Siya ang madalas mag-umpisa ng usapan sa hapag. And she always made it a point that we are complete during dinner.
Ngayon, bihira kong makasabay sina Lolo at Daddy kumain. The three of us are busy. Isa pa ay hindi na ako araw-araw umuwi sa bahay.
Siguro, kung magkakaanak ako, maglalagi na uli si Lolo sa mansyon, kesa sa farm sa Abra.
"Ano'ng iniisip n'yan, Maw? Bakit nakangiti mag-isa yang kaibigan mo?"
Para akong naalimpungatan sa tinig ni Juno.
Nakatingin silang mag-asawa sa akin.
"Care to share?" Si Rob.
"Nah, may naalala lang ako," I said.
Di ko na pinatulan ang panunukso sa tingin nila.
After dinner, umakyat na si Juno matapos ibilin ang mga anak sa mga yaya.
"Sobrang antukin," natatawang sabi ni Rob. "Alam mo na, buntis. Anyway..."
Saka ko ibinigay sa kanya ang file, "I need to know more how Navarro got to have the control of fifty-one percent shares of the Santiago law firm."
Over a bottle of whiskey, we had our friendly chat. I opted not to talk about Laila. Sa boy's night out na lang namin. Anyway, Reid will be back the day after tomorrow.
Past nine, nagpaalam na ako.
I had challenges falling to sleep that night. So I had a light headache in the morning.
I don't know, but something's bothering me.
Late in the afternoon, I think I got the answer why I felt that way. Tumawag si Elsa.
"Palagay ko, bumalik na sa dati ang paningin ni Laila, Ralph?"
"Nakakakita na siya?" gulat kong tanong.
"Tss. Hindi. Yung dati na anino na lang. Parang... parang mas lumala nga yata."
"What?!"
"Ayaw niyang pumunta sa optha. Pero, lumalabas na sa kuwarto gaya noon. Tsaka, hindi na ganun kapula at maga ang mata."
After office hours, I decided to go visit Laila.
Pagliko pa lang sa street kung saan ang bahay ng mga Centeno,
"Ralph..." si Gil na nagmamaneho para sa akin.
I saw why he called my attention.
There are two vehicles parked outside the gate.
Wala kaming choice kundi ang huminto at bumaba sa tapat ng kapitbahay.
"Ask permission from the neighbor," bilin ko kay Ray na pababa ng motor niya.
Nauna na kami nina Pong at Gil.
"Kanina pa ba?" tanong ko kay Elsa nang buksan ang gate.
"More or less, ten minutes."
Tumango na lang ako. I stepped inside.
Malapit sa pinto ng bahay,
"Where will you go if you sell this house, mahal?" si Navarro na nakaupo sa sofa.
Hindi sumagot si Laila na tuloy sa 'panonood' sa TV.
"What are you doing here?" singit ko pagpasok sa loob.
Sabay silang napalingon sa gawi ko.
"Ikaw? Bakit ka rin naririto?" maangas niyang sagot. "Last I heard, you no longer represent Tatay Ben."
Nanliit ang mga mata ko.
Tatay Ben.
The audacity!
"Legal guardian ko pa rin yata sya," Laila said in an attempt to control the tension between Navarro and me.
But what she said made me held my breath.
"Legal guardian? Yata?" si Navarro. "Why are you not sure about it?"
Nalito si Laila.
My chest pounded.
Shit!
"S-si Tatay ang nakakaalam—"
"I didn't come here for that. It's personal, and it's none of your fucking business," salo ko.
But Navarro did not pay attention to me.
"Lai, mahal, bakit si Tatay Ben ang nakakaalam? Ikaw lang o utos ng korte ang pwedeng mag-consent kung sino o kung kailangan mo ng legal guardian."
"Ano?!" Laila said surprised.
Then her gaze went to my direction.
Despite the mild redness in her eyes, I can read the shifting of emotions there.
Confusion. Realization.
Then transitioned to pain and anger.
Fuck!
Fuck you, Navarro!
==============================
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro