Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

31 Hamon


"I am your benefactor."

Nahigit ko ang hininga.

Otomatikong naidilat ko ang mga mata sa likod ng mga eye patches ko.

"A-aray...!" mahina kong naidaing.

"Lai... what's wrong?"

Binitawan niya ang kamay ko para haplusin ako sa mukha.

Di ko napigilan ang mapapitlag sa paglalapat ng balat namin.

"D-don't touch your eyes, Mahal," ang nasabi na lang niy matapos ang saglit na natigilan sa naging reaksyon ko.

Mahigpit niyang ginagap muli ang palad ko bago ko pa mahawakang ang eye patches.

"B-bitawan mo 'ko," ang sabi ko.

"I can't. Ang tagal kong hinintay ito, Lai. Ang makapag-usap tayo. I bet you are, too."

Malaking katotohanan ang mga sinabi niya. Pero may parte sa akin na tila ayaw na rin marinig pa kung anuman yun.

Sumasagitsit sa utak ko ang bilin ni Raphael. At ang matinding panggigipuspos na nasa tinig nito nang huli niyang pagtuntong sa amin.

Nalilito ako.

"I know what I did to you on... on our... on that day, Lai... it's unforgivable. It was a mistake. A big one."

Nag-umpisang manginig ang mga daliri ko. Naramdaman ni Jus kaya hinilot niya nang marahan at magaan ang palad ko.

Ang isang kamay ko'y naitakip sa bibig matapos na pasimpleng kapain ang pisnging inakalang kong may luhang tumulo. Wala naman kasi hinigop lang ng gauze eye patch.

"The young Marquez and Santiago generation were planning to merge at that time. When Atty. Marquez asked me to go meet R-rebecca twice on his behalf..." huminga siya nang malalim. "I thought it would be good if I try to somewhat spy the Santiago for Marquez. I could feel it. Parang may mali sa plano nila or something."

Napabaling ako kay Justin.

Merge?

Walang nabanggit na ganun sa akin si Raphael kahit minsan.

"I was just blinded by... I don't know. Maybe my ego that I found one thing na mas lamang ako kay Atty. Marquez.That... " hingang-malalim uli siya. "Someone like Rebecca said she liked be more than my... ex-boss."

Nagngalit ang bagang ko.

"But... it turned out, I was baited. And I... I took it. With hesitation. I was thinking of you on those occasions ... I was crossing the line to infidelity. But it was not meant to be serious."

Napahikbi ako, "Karamihan sa unang pagsubok sa pagtataksil, yan ang excuse, Jus. No strings attached."

"Lai..."

"One night stand na naging dalawa... tatlo hanggang hindi na mabilang. Kaya karamihan din, nagbubunga ng bata sa sinapupunan."

"Lai... about the baby... I... I'm not sure—"

"Huwag ako, Jus! Kahit hindi mo siya nabuntis at natuloy man tayong nakasal. Malaman ko man o hindi, you still cheated!" halos pasigaw na yun.

Bigla akong nag-snap sa tinutungo ng mga salita niya. Kakaamin niya lang na hindi lang isang beses niya sinipingan si Rebecca nang panahong kami pa. Tapos ngayong nasa kritikal ang asawa ay tatalikuran nito ang anak?

"At ano uli?! Bait? Pinainan ka? Hindi ko alam na ganun nap ala katas ang estado mo noon sa Marquez kasi sa tuwing magkausap tayo, parang pasan moa ng problema ng buong mundo primera ay nang dahil sa akin! At sino ang pain? Someone like Rebecca Santiago?! Kaya ba kinagat mo kasi hindi pa ako sapat para sa iyo?! Ang pagmamahal ko sa iyo, ha, Justin?! O talagang nilamon ka na ng ambisyon mong umangat? At sa hindi ko maintindihang dahilan, si Raphael ang naging batayan mo ng tagumpay. O dala pa rin yan ng frustration ng nanay mo na ipinasa sa iyo kaya ganyan ka mag-isip, ha?!"

"Hindi yan totoo, Lai. It was... my reason was you. Don't ... don't shout. Please, listen to me!"

"Ako? Ginagago mo ba ako, Justin?! Hindi ko hiningi noon ang malampasan mo si Raphael dahil hindi ko naman siya kilala noon!"

"H-hindi... hindi yun ang ibig kong—"

Pareho kaming natigilan dahil sa boses ni Elsa na nakikipagtalo sa labas ng hospital room. Kasunod ang pagbukas ng pinto at mga yabag nang hindi bababa sa tatlo o apat na tao papasok.

"Atty. Navarro, I'm afraid you need to leave for now," anang tinig ng isang may edad na babae. "The commotion is stressing the patient, also disturbing the others in the nearby rooms."

"Laila, ayos ka lang?" singit ni Elsa na agad nasa tabi ko.

Tumango ako sa pagitan ng pigil na iyak.

"Lai, Mahal... please," tinig na nakikiusap ni Justin.

Hindi ko siya pinansin, "Elsa, g-gusto ko na umuwi."

"You signed the medical papers, Lai. Hindi ka maaring lumabas in one week or until your doctor says so," salo ni Justin.

"Uhm... Doc?" anang babae sa doktor.

"I'm afraid what Atty. Navarro said is true," sagot ng doktor.

"E-elsa...?" muli kong tawag sa tangi kong kakampi sa silid na ito ngayon.

"Uhm... shit..." mahinang nasabi ng babae.

"S-si Raphael. Elsa, tawagan m—"

"Lai, stop it, please! There was never a proposal. I won't believe any of it."

"Hinubad ko lang dahil—"

"You won't end up as my beneficiary if you were engaged to him, Lai."

"H-hindi ya—"

"Or you broke up. You no longer wear his ring... because eversince, he is never the marrying type."

"Elsa, si Rob. Pakitawagan si Rob," ang tangi kong nasabi hawak ang babae sa bisig.

"Laila, please," pakiusap uli ni Justin. "Kailangan nating mag-usap dalawa! Ito na ang pagkakataon natin!"

"UUWI NA AKO!" hiyaw ko na.

"YOU CAN'T! YOU SIGNED A CONTRACT! MY CONTRACT!"

"ATTY. NAVARRO!" tumaas na rin ang boses ng doktor sa pag-awat sa lalaki. "Please, this is a hsopital!"

Natigilan ako.

"A-ano'ng... ano'ng kontrata? E-elsa?"

"Kontrata?" naguluhan rin ang babae.

"Maybe you should come back another day, Atty. Navarro," sabi ng doktor. "Ako na ang magpapaliwanag kay Ms. Centeno."

Narinig ko ang ilang mabigat na bunting-hininga ni Justin bago,"Alright."

Tapos ay ang marahang mga yabag palapit sa kabilang gilid ng hospital bed.

"Aba't—" asar na sabi ni Elsa.

Kahit ako ay napapiksi.

"I'll be back, mahal," ang bulong ng lalaki matapos mag-iwan ng magaan na halik sa noo ko. "Goodnight and rest. I'm sorry for stressing you out. But I'll be back. I want to make sure na sa pagkakataong ito, matupad ang pangako ko sa iyo at kay Tatay Ben na mabalik ang paningin mo."

"Gago ka ah!"

"Please!" awat muli ng doktor na sa pagkakataong ito ay kay Elsa.

Kasabay ng mga papalayong yabag ay ang pagkawala ng amoy ng pabango ni Justin sa paligid. Tapos ay ang tunog ng pintuang bumukas at sumara.

Tumikhim ang doktor, "Ms. Centeno..."

"Ano'ng kontrata ang sinasabi ninyo, Doc?" agad na tanong ni Elsa.

"First off, I'm not your doctor."

"Ha?!" sabay pa naming pagkagulat ni Elsa.

"I'm the communications head for this Christmas grant. I facilitate the communications between the beneficiary, benefactor and the foundation whether the benefactor wanted to stay anonymous or not. Anyway, the contract was the grant itself. As mentioned earlier, it was stipulated there that you are to stay in this hospital for a week unless your ophthalmologist, assigned by us, recommends otherwise."

"Ang sabi ng dati kong optha, overnight lang ay maari na akong umuwi. Optional yung tatlong araw na unang plano ni... uhm... namin."

"Unfortunately, hindi ka sa kanya nagpa-opera. Walang masama sa gustong mangyari ng benefactor mo. He only wanted to make sure that you are taken care of post-operation. Ipinaliwanag ang terms and conditions sa iyo, hindi ba? It was clearly stated sa grant na masusunod ang benefactor at ang foundation dahil kami ang malalagay sa alanganin kung magkakaroon ng kumplikasyon ang transplant mo. You applied for the grant and signed it voluntarily. Thus we have to enforce what is set forth in it."

"Kung... babayaran na lang ang ginastos?" si Elsa.

Nagkaroon ng tila dismaya sa boses ng facilitator, "No grant accepts payment. Isa pa, may pambayad kayo yet you applied for the grant? Seriously? If that is the case, don't you think your slot counld had been given to someone else more deserving?"

"Uhm," halatang napahiya si Elsa. Ganun din naman ako. "Tanong lang naman."

"Alright," tumikhim ang facilitator. "By the way, the next time your benefactor visits, please talk to each other calmly."

"N-next time?"

"Teka muna," apela naman ni Elsa.

"He is allowed and has the right to visit you, Ms. Centeno. Pero sa nangyari kanina, hindi na siguro hahayaan ang hiling ni Atty. Navarro na palabasin ang kasama mo. But then again, no raising of voices."

"S-salamat po," ang tangi ko na lang naisagot.

Ilang minuto kaming walang imikan ni Elsa paglabas ng facilitator.

"Pasensya na," basag ko sa katahimikan.

"Sa ano?"

"H-hindi ko alam na ... na ganito pala ang pinasok kong grant."

Huminga ito ng malalim at naglakad palayo sa hospital bed ko. Narinig ko ang pagbukas ng parang ref. May kinuha doon.

"Elsa..."

"Oh?"

"Ano'ng room accommodation ko dito?"

"Junior executive suite. May mini-kitchen, dining, cabinet, CR at dalawang sofa couches. Iba pa ang higaan ng bantay. Mahina ang limang libo isang araw na room rate nito."

Napaisip ako.




"I want to make sure na sa pagkakataong ito, matupad ang pangako ko sa iyo at kay Tatay Ben na mabalik ang paningin mo."




Hindi ko malaman kung matutuwa o hindi sa sinabing yun ni Jus. Gusto ko tuloy mapangiwi sa kasabihang: Better late than never.

Sa isang bahagi ko, parang mas gusto ko pa ang "better never than late".

Ang bigat kasi ng kapalit noon ...at sa pinupunto ng mga aksyon niya ngayon.

Noon, sobrang sakit na iniwan niya ako sa araw mismo ng kasal namin. Ngayon ay babalik siya dahil nasa bingit ng kamatayan ang dahilan nang pag-iwan niya sa akin.

Di ako masisisi na ganun pa rin ang estado ko : option, noon at ngayon.

Iniwan, at babalikan kasi, wala eh. Mamamatay na yung asawa. Kahit ako naman talaga ang una.

Nakakababa ng pagkatao. Lalo pa sa kundisyon ko ngayong baon ako sa utang na loob kung kani-kanino at walang maipagmamalaki.

Pero nagmamalaki ka sa taong walang ginawang masama sa iyo?

Sumbat ng isang parte ng utak ko.

Napasapo na lang ako sa noo nang maisip si Raphael.

"Ayos ka lang?" tanong ni Elsa.

"Uhm... itatawag mo ba kay Rob ito?"

"Oo."

"Uhm... kay... kay Ra—Atty. Marquez?"

Saglit na di ito kumibo.

"Elsa?"

Nagbuntung-hininga ito, "Hindi."

"B-bakit?"

"Nung umalis siya last time, sinabing ideretso na kay Rob ang anumang concern tungkol sa iyo. Boss ko na raw ang bahala."

Hindi ako nakatulog nang maayos nang gabing yun dahil dun. Dagdag pa ang aprehensyon na anumang oras ay babalik si Jus.

"Your eyes are not healing well according to expectation. Have you been sleeping properly?" tanong ng substitute-optha na tumitingin sa akin.

Nakabakasyon na kasi para sa Christmas break ang nag-opera sa akin.

Pangatlong araw ko na yun sa ospital.

"Medyo ano lang ho... uhm... excited," ang sagot ko.

Sagot na di kapani-paniwala dahil kulang sa sigla ang tono ko.

"Reresetahan kita ng ointment. The nurse will be here to make sure it is administered on time. If the redness persists, I'm afraid I cannot recommend your request for early discharge. Baka nga i-extend ko pa ang confinement mo as per your benefactor's instruction."

Nagbilin ang doktor na huwag kong pagurin ang mata sa pagpipilit na makakita agad nang malinaw. Normal lang daw na malabo pa rin.

"It may take weeks or months to get a clear sight like you had before. In some cases, years. For now, do not strain your eyes. Bukas, dadalhin ko na ang prescription eye glasses mo. Kailangan mo yung suutin palagi para proteksyon sa unwanted foreign objects at iko-control nun ang ilaw na dapat lang para sa mata mo."

"Pupuwede na ba akong makabasa kapag suot yun, Doc?"

"No, but it will help you to see clearer than what you have now."

Kaya pinipilit kong makatulog para maipahinga ang mga mata ko.

"Kumusta na?" si Gina nang dalawin ako kinabukasan.

"Uhm... eto. Hindi ko alam kung magiging masaya o hindi."

Napatingin ako sa palad kong pinisil niya.

"Bagay sa iyo ang salamin mo," pagbibigay niya ng compliment sa akin.

Matipid akong napangiti. Hindi niya pa rin ginagatungan ang pagsisintimyento ko.

Hindi pa rin siya nagbabago. Gaya nang,

"Mahilig ka pa rin sa cutix na brown," komento ko.

Mas nakikita ko na ang kulay sa paligid na dati ay puti, itim at gray lang. Pero malabo pa rin. Para akong nakalubog sa malinaw tubig. Di katulad noon na kulay katas ng kanal.

Mahina siyang natawa, "Alam mo namang pa-effect ko yan para magmukhang mahaba ang mga daliri ko. Di ako kasing gifted mo, friend."

Sabay kaming napalingon sa inaanak ko na isinama niya sa pagdalaw sa akin. Nanood ito sa cable channel at sumasabay sa pagsayaw sa isang music video.

"Gusto ko nang makita ang inaanak ko, Gi. Check ko kung mas kamukha mo rin."

Natawa uli siya, "Parang ayaw mong kami ang magkamukha ah."

Saglit lang ako natawa, tapos ay nagseryoso uli. "Pati ikaw, si Tatay. Gusto kong makita... at sana, ang makapagtrabaho uli."

"Hintay ka lang, Lai. Lilinaw din lahat pagdaan ng mga araw. Ito na yung first step, nagawa mo na."

Napakagat-labi ako.

"Huwag mo nang isipin na si Justin ang benefactor mo. Hindi mo yan utang na loob sa kanya. Obligasyon niyang ibalik ang paningin mo at noon pa dapat."

Di ako kumibo.

"Unless, hindi lang yun ang ipinagmumukmok mo ngayon, Lai."

Lalo akong walang masabi.

"Kung pupunta uli siya dito, payo ko lang, huwag mo nang i-entertain ang panunuyo niya. May asawa siyang nakikipaglaban sa kamatayan. Kahit pa yung babae mismo ang umagaw, asawa pa rin yun. May anak sila. At siguradong hindi basta mananahimik ang mga magulang nung babae. Maimpluwensya silang pamilya."

"Eh... bakit malakas ang loob ni Jus na... na ganito siya sa akin ngayon?"

"Hindi ko gusto ang tanong mo, Lai."

Nawalan ako nang masasabi.

"Isipin mo rin si Tatay Ben. Alam nating pareho na galit na galit yun kay Jus at pamilya nito. Hindi sa kinukunsinti kitang magtanim ng galit, pero... Lai... naiintindihan mo ba ako?"

Marahan akong tumango.

"Gi...?"

"Oh?"

"Uhm... k-kumontak ba uli sa iyo si Ra-Atty. Marquez?"

Nagbuntung-hininga siya, "Hindi. Pero si Mr. Agoncillo, oo."

"Bakit daw?"

"Ipinaalam na ... ire-relieve na yung mga nagbabantay sa amin. Sabi raw kasi ni Atty. Marquez, wala na naman daw nakikitang dahilan para harangin ang paglapit sa amin ni Jus."

"Ah... ganun ba?" mahina kong nasabi.

"Oo."

"Pinuntahan ka ba uli ni Jus?" tanong ko.

"Hindi naman na."

Sa narinig ay nabawasan ang pag-aalala at guilt sa akin.

"Lai, may sinabi ba si Jus kung kalian uli pupunta dito."

Umiling ako. Hindi pa uli bumabalik ang lalaki. Kaya nga restless ako kahit sa pagtulog.

Bago magpaalam ay pilit nitong binabayaran sa akin ang inutang nung nakaraang pahiramin ko siya na naging dahilan nang una naming iringan ni Elsa.

"Next time na, Gi. Baka kailangan mo pa. May tago pa akong pera."

"Naku ka, Laila. Alam mo ang ugali ko pagdating sa utang," ang natatawang sabi.

Wala naman akong nagawa nang ibigay niya yun sa bantay ko.

Huling gabi ko sa ospital ay wala pa ring Justin na nagparamdam.

Magkahalong relief at disappointment ang nararamandam.

Relief kasi, naninikip ang dibdib ko kapag mag-uusap kami at mauungkat ang nakaraan namin.

Disappoinment dahil... ayun nga.

May haging nang katotohanan ang paalala sa akin ni Gina. Naroon ang pinipigilang pag-asam sa akin na ...

Napabuga ako ng hangin.

Mali ito.

May asawa na siya. At nakikipaglaban sa cancer.

Isa pa, kung nagawa noon ni Justin napaasahin ako, magagawa niya uli.

Pinaglalaruan niya lang ang damdamin ko.

O baka nag-improve na ang kundisyon ni Rebecca.

Isa pa, malamang na gusto niya lang pagaanin ang sariling kunsensiya. Pagaanin sa paraang ibalik sa akin ang paningin ko.

Kasi maliban sa siya ang dahilan kaya ako nabulag ay nagbitaw na siya ng salita noon sa amin ni Tatay na ibabalik niya.

Natagalan noon dahil sa kakulangan ng pera.

At ngayon siya nagkaroon ng pagkakataon dahil malaki na financial source niya tapos ay sinamantala na may sakit ang asawa kaya hindi siya mababantayan sa gusto niyang gawin.

Pero, isa ang siguradong naramdaman ko nang may kumatok.

Pumalya sa pagtibok ang puso nang ilang segundo.

Lalo pa at walang bahid na galit sa boses ni Elsa na,

"Lai, may bisita ka."

Lalaki.

Ganitong mas malinaw na ang nakikitang kong silhuweta, alam kong hindi ito si Justin. Kilala ko ang tindig at bulto niya.

Dumagundong ang dibdib ko.

Siya ba ito? Si Raphael?

Pasimple akong huminga nang malalim. Kaso ay nangingibabaw ang amoy ng Lysol na ginamit kaninang hapon ng hospital housekeeping.

"S-sino?"

"Musta na, Lai?" baritonong sagot.

Napangiti ako, "Jon?"

Mahina itong tumawa, "Buti kilala mo pa rin ang boses ko."

Napalapit siyang mabilis sa akin nang umamba akong bababa sa hospital bed

"Huy, kalma!" natatawang sabi. "Stay ka na lang sa kama mo."

"Wala naman akong dextrose," sabi ko kaya di na niya ako naawat.

Hindi ko pinansin ang pagtikhim ni Elsa nang yakapin ko ang lalaki.

"Musta na? Parang namayat ka ah," sabi ko pagbitaw kay Jon sabay pinisil-pisil ko ng braso at balikat nito.

"Muscles yan," magkahalong biro at pagyayabang na sabi. "Pinataba mo kasi ako dati sa poder mo."

Di ko napigilang itanong tuloy, "Bakit ka narito? Magpapataba ka na ba uli?"

"Pinapabalik mo na ba ako?"

"Uhm..." nag-alangan ako.

Gusto ko, oo. Pero, may punto noon si Ralph na maaaring babae ang kailangang mag-aasiste sa akin.

Isa pa, baka sumama ang loob ni Elsa. Kahit papaano ay nagkaayos na kami. Sila ni Gina ang moral support ko mula nang mag-apply ako sa grant hanggang ngayon narito pa ako.

May tumikhim.

Nagulat ako dahil lalaki yun. Galing sa direksyon ng pintuan. Napalingon ako.

May dalawang bulto doon.

"Nakasabay ko sina Rob at Ralph," pabulong na imporma ni Jon. "Nauna lang ako dahil may itinanong pa sila nurse station."

Di ko maiwasang tapunan ito nang matalim na tingin.

Mahina itong natawa.

"Laila?" humakbang ang tumawag sa pangalan ko.

Si Rob yun. Kilala ko ang boses nito.

Pero sa halip ay mas sinundan ko ng tingin ang kasama niya na humakbang papunta sa visitor couch at naupo doon.

Tumikhim uli ang lalaki.

Napapahiyang napatingin na ako sa kanya.

"Uhm... b-buti nakadalaw ka...kayo," ang tangi kong nasabi. "Hindi ko inaasahan. Walang nabanggit si Elsa."

"Well, nagbilin ako na huwag nang ipaalam sa iyo. Sosorpresahin lang kita."

Hindi ko alam kung ang sorpresang yun ay kung si Jon o si Ralph.

"Actually, galing kami sa Eye Bank Foundation to check about your case."

"Case ko? B-bakit?"

"See if there's any irregularity sa grant mo. Like your benefactor."

Saglit akong napatingin uli sa lalaking nakaupo sa couch. Umaasang may sasabihin siya. Siya ang abogado dito.

Pero wala.

"So far, there's none," si Rob.

"P-pasensya na, Rob. Hindi ko talaga alam," ang tanging lumabas sa bibig ko.

"It's alright. Ang importante, ligtas ka."

"Ahm... bakit kasama ninyo ito?" turo ko kay Jon.

"Kababalik niya lang from his last assignment. Nalaman niyang naoperahan ka at gustong dumalaw. Isinabay ko na pagpunta dito."

"Bakit parang ayaw mo akong makita?" pabirong reklamo ni Jon.

Natawa ako.

"Sira. Di ko lang inasahan. Tsaka, hindi pa ako nakakakita talaga."

Yun ang naging daan na napunta ang usapan tungkol sa operasyon ko.

"Kuha ako nung dala ninyong food," si Elsa sa kalagitnaan ng usapan. "Gusto n'yo rin?"

"Sure," sagot ni Rob. "Dun tayo sa couch."

"Kargahin kita papunta dun?" si Jon, pabiro.

May tumikhim.

Hindi si Rob o Elsa.

"Sira," sabi ko sa lalaki. "Kaya ko na. Ilang hakbang lang naman."

Lihim akong natuwa nang malaman na fruit pastry ang dala nilang pasalubong. Nagkaroon ako nang bahagyang pag-asam uli.

"Naalala ko na yan ang paborito mo kaya binili ko sa bakeshop sa ibaba," si Jon.

Akala ko pa naman...

"No, thanks. I'm full."

Dumoble yata ang pagtibok ng puso ko nang sa wakas ay magsalita si Ralph na katapat ko lang. Tinanggihan nito ang alok ni Elsa.

Nabanggit rin ni Rob na umaayos na ang kundisyon ng kalusugan ni Tatay. Lamang, may maintenance na siya tapos ay yung ilang buwan na gamutan para sa tuberculosis.

"Kumusta yung kaso?" tanong ko, in the hopes na sasali sa usapan si Ralph.

"Ralph?" untag ni Rob sa kaibigan.

Naaninag ko ang paggalaw ng balikat nito at inilahad ang mga palad.

"W-wala?" tanong ko diretso sa kanya. "Paanong wala?"

"I'd rather not discuss it with you, Ms. Centeno."

May kumudlit sa dibdib ko.

Ms. Centeno. Hindi Lai... or Laila.

"B-bakit? Tatay ko ang pinag-uusapan dito."

Tila nawawalang pasensiya itong nagbuntung-hininga, "Rob, can you please tell her?"

Tumikhim si Rob," Ah, Laila...para sa ... Ralph, ikaw na. Ikaw ang abogado ni Mang Ben."

"Tss."

"Bakit nga?" ulit ko.

"Because you are in communication with the lawyer of the opposing party," flat niyang sagot.

"Teka lang. Kahit itanong ninyo kay Elsa, wala akong ideya na ang benefactor—"

"I am not talking about that, Ms. Centeno."

"Huh?"

"Phone communication."

"Saan mo—"

"Nabasa ko ang text niya sa iyo. Na ikaw mismo ang tumawag sa kanya. A different number. Not his registered number. I guess it was prepaid."

Napatanga ako sa kanya.

"Ralph..." may pagsaway sa tinig ni Rob.

"She ought to know, Rob. Para hindi na siya mahirapang itago. Wala na namang pumipigil sa kanya. It's on her kung may masasabi siya sa kabilang kampo na makakasama sa kaso ng tatay niya. Yun lang ang concern ko ngayon kaya ayokong magsalita."

"S-sandali. Hindi ko ilalagay si Tat—"

"The mere fact that you attempted to call him, you already did, Ms. Centeno."

"Hindi mo naiintindihan, Ral—Atty. Marquez."

"Hindi ko talaga maintidihan at maiintindihan yun kahit kalian," nagkaroon ng bigat ang tono niya. "Nobody even knows here how you got his number."

"Paano nga ba, Lai?" singit ni Elsa.

Hindi ako makapagsalita. Nahihiya ako sa babae. Ilang beses niyang isinumbat sa akin ang ganito sa pagtatalo namin dati. Ngayong maayos na kami ay nauungkat na naman.

"I guess, we should not pressure her on this," salo ni Rob.

"Oo nga," si Jon.

"Sure, di rin naman ako interesadong malaman," si Ralph.

"Oh well..." pabale-walang sabi ni Elsa.

Ang awkward ng mga sumunod na sandali.

Mabuti ay pumasok isang nurse.

"Ma'am, time for your eye drops and antibiotics po," ang abiso.

"I think we should be going," tumayo na si Rob.

Kaya ganun na rin kami.

"Ano'ng oras ang discharge mo bukas?" si Jon.

"Oo, umaga before ten. Pupunta ang optha ko para sa huling check sa mata ko. Tsaka mga reseta. At susunod na schedule ko sa clinic niya. Bakit mo naitanong?"

"Punta uli ako bukas."

"Ma'am, higa na po kayo," tawag nung nurse. "Para sa eye drops."

"Sandali lang," binalingan ko uli si Jon. Saktong dumaan sa tabi niya si Ralph.

"Ahm, babalik ka na ba sa akin—"

"Why should I?" sabat ng abogado. "Did you change your mind?"

Napatikhim sina Rob, Jon at Elsa.

Napahiya ako, kahit pa patungkol yun kay,

"...Jon?"

Narinig ko ang impit na pagtawa ng dati kong bantay.

"Oh fuck!" mahinang mura ng abogado tapos ay mabilis na naglakad palabas.

Kasunod nang padabog niyang pagsasara sa pinto ay ang mahinang tawanan nang tatlo naiwan.

Pero hindi nun napigilan ang pag-iinit ng mukha ko.

"Alright," salo ni Rob sa sitwasyon pero natatawa pa rin. "Pag-usapan ninyong tatlo. May susunod na assignment in two weeks si Jon. Elsa was requesting for a vacation. I have to go after my friend. Evidently, nagta-tantrums."

Umalis na ito.

"Hindi pa ba bakasyon sa bahay nina Laila, Elsa?" si Jon.

"May lalakarin ako. Kailangan ko at least tatlong araw hanggang isang linggo."

"Kailan ba?"

"Eh ikaw ba?"

"Pinapauwi ako nina Mama. Mamamanhikan bukas ng gabi yung boyfriend nung bunso namin."

"Disiotso lang yun, di ba?"

"Buntis eh. Subukan nung mokong nay un na takbuhan si Mimi. Ibabaon ko siya ng buhay sa sariling bakuran nila sa bisperas ng Pasko."

"Sama ako ng bente dyan," natatawang sabi ni Elsa.

Gusto kong mahindik sa usapan nila.

Nagkasundo ang dalawa na pagbalik ni Jon sa ikaapat na araw ang palitan nila, at isang linggong bakasyon ang babae.

Kinabukasan ay bumalik nga ang lalaki gaya ng sabi niya para sumama maghatid sa akin pauwi.

"Your eyes' recovery is slow, Ms. Centeno," sabi ng optha. "But I will discharge you today. Although, stay home in bed for two more days. You need to lie on your back as much as possible. This can help hold the transplant in the correct place."

Kaya hindi kami natuloy kay Tatay.

"Sakto lang na sa Pasko, pwedeng-pwede ka nang dumalaw kay Mang Ben," pang-aalo ni Jon.

Siya ang nagboluntaryong magmaneho ng van namin.

"Bullet-proof?"

"Oo," sagot ni Elsa.

"Bakit?"

Sinabi ng babae.

"Ano?!" gulat na gulat si Jon."Nahanap na kung sino?"

"H-hindi eh. Ano, wala raw lead," sagot ko.

Yun ang naging usapan namin pag-uwi pati ang mga pinaghihinalaan. Gaya nang inaalis sa listahan si Justin at kung bakit.

"Upakan ko yun kapag pumunta dun na ako ang bantay mo, Lai."

"May briefing ka muna sa agency o kaya rekta galing kay Rob."

"Bakit?"

"May mga nabago."

May hatid na tuwa sa akin ang sinabi ni Jon. Para ko itong kuya. Kinasasabikang kapatid na wala ako.

Pero nag-aalala rin.

Kasi mahal mo pa rin? Tudyo ng utak ko.

Ayokong may magkakasakitan. Lalo pa sa bakuran namin. Siyempre, may kasama ring bodyguard si Justin.

Salag ko sa sariling isip.

At tila nakinig naman sa akin ang pagkakataon... medyo.

Dahil dumating nga si Justin kinabukasan.

Siguradong isa ito sa binanggit na pagbabago ni Elsa kay Jon. Kasi ay pinapasok ito ng babae, hindi nga lang kasama yung bodyguard. Tapos ay bumalik pa sa tindahan ang bantay ko.

"Ano yan?" tanong ko nang may ilapag sa center table sa sala kung saan kami magkatapat ng inuupuan.

"Favorite mo. Dimsum."

Natigilan ako dahil umalingawngaw sa tenga ko ang mga salita noon ni Raphael.




"Some habits have to change especially if they bring bad memories."

"...I've researched why you said you do not like lilies and tulips. And I also found out that dimsum isn't your personal favorite initially, right?"

"Eat, Laila. That's what you really like – cakes, pastries and berries."




"Ikaw ang may paborito niyan. Hindi ako."

Ewan ko pero kusang lumabas yun sa bibig ko.

Natahimik ang lalaki.

"I guess, I'm right," pag-iiba niya matapos ang ilang segundo.

"S-saan?"

"That guy is just a user to get back at me and the Santiagos."

"Ha?"

"Ikaw at ang kaso ni Tatay Ben. "

"Bakit, Jus? Ano ba'ng tingin mo sa ginagawa mo? Tumingin ka muna kaya sa salamin."

"Mahal, what I'm trying to point out is he's done controlling you. Halata naman. Unlike the last time, your lady guard almost killed me at the gate. Ngayon, walang kibong pinapasok ako."

"Pwede ba, tigilan mo ako kaka-Ingles, Justin? Nakakairita eh."

"I've been like this even before."

"Hindi. Nagsimula kang maging ganyan nung tubuan ka ng pagiging ambisyoso."

"Mahal naman... that ambition was driven by a dream meant for us."

"For us? Bakit, meron bang 'us'? Iniwan mo nga ako sa altar! Dahil sa ambisyon mo. Tapos sasabihin mo, 'for us'?"

"L-lai... mahal—"

"At tigilan mo ako sa 'mahal-mahal' mo ha! May asawa ka. May anak kayo. Porke ba ikaw ang sumagot sa pagpapaopera ko, akala mo eh papayag na akong maging kabit mo? Saan ka kumukuha ng kapal ng mukha ganyang alam ng lahat kung bakit ako nabualg?!"

"Lai, may problema ba?" si Elsa, nasa may pinto na.

Bigla kong kinalma ang sarili. Sa karanasan ko sa babae, marahas ito kung kinakailangan para protektahan ako. Kaya,

"H-hindi. Medyo nagkakadiskusyon lang."

"Sige. Dito lang ako sa labad ng tindahan," may laman na sabi bago umalis uli.

"Tss," si Justin.

"Ano ang ipinarito mo, Justin?"

"Alam mo kung ano, Lai."

"Saan mo kinuha ang ideya na may babalikan ka pa, Jus? Itinapon mo akong parang basura noon. Ngayon gagawin mo pa akong kabit?"

"I'll be free soon, Lai."

Pagak akong natawa.

"Kasi mamamatay na ang asawa mo? Lalo mong pinabababa ang tingin ko sa iyo, pati sa sarili ko. Alam mo ba yun? Baka gusto mo namang mahabag sa akin kahit kaunti."

"Paano ba kita mapapaniwala sa akin, Lai?" frustrated niyang tanong.

"Kung mapapawalang-sala si Tatay, Jus."

"Lai... you know I can't do that. It's the judge to decide depending on how the hearing will go."

"Then i-drop mo ang charges."

"I am not the complainant. Please naman, Lai!"

Tinitigan ko siya. Pilit na inaaninaw ang mukha. Gustong matunaw sa pagmamakaawa nitong pakinggan siya.

Pero sumalit sa akin ang mga payo ni Gina.... ang panggagalaiti ni Raphael kapag si Justin ang topic namin.

Si Raphael.

Hindi kayang bitawan ni Justin ang obsesyon niyang makalaban at matalo si Raphael sa tagisan sa court battle.

"Sige, kung bibitawan mo ang pagiging abogado ng mga Barcelon, Jus," ang hamon ko.

Hindi kumibo ang lalaki. Tapos ay marahas na bumuntung-hininga.

Sinasabi ko na ba!

"If that's what will take to make you believe me... then consider it done."

Ako naman ang natigilan.

===================================

Don't forget to comment and vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b6lhu