Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

30 Undo

Laila's POV

"G-gusto ko kasing... gusto ko kasing ..." napapangiwi ako sa sobrang pagpipigil na hindi maiyak, pero wala. Kusang tumulo ang mga luha ko. "I-ikaw ang... ang una kong makikita sa p-pagbalik ng paningin ko."

Bwisit! Bwisit!

Wala sa hinagap ko na masasabi ko ang totoong nasasaloob ko. Hindi kasi matanggap ng pagkatao ko...

Ungrateful bitch.

Ganun pala ang tingin niya sa akin.

Naiintindihan ko yung ungrateful. Hindi naman niya alam kung bakit ayokong magpaopera na wala siya.

Pero yung bitch?

Bago pa tumulo ang mas maraming luha ko ay pahiga na akong tumalikod kay Raphael.

"Lai..."

"U-umalis ka na."

"W-wait, Lai. I'm ... I'm sor—"

Pumiksi ako nang hawakan niya ako sa balikat.

"Umalis ka na!" may diin at mas malakas kong sabi. "At huwag ka nang babalik. Hindi ka naman welcome dito, in the first place. Ipinilit mo lang ang pag-upa dito!"

"Just a second, lady!" may bahid asar na sagot niya na rin.

"Totoo naman, hindi ba? Kinundisyon moa ng utak naming mag-ama na hindi naming kayang mabuhay kung wala ang tulong mo!"

"I did not!"

"Sinungaling!"

"I am not!"

"Umalis ka na! Dalhin mo lahat ng gamit mo! Pati si Elsa, bitbitin mo na!"

"Putang-ina!"

Nabigla ako sa malutong na pagmumura ng lalaki. Ngayon ko lang siya narinig na ganoon. Ang pagmumura nito ay palaging English.

At napaigtad paupo muli sa kama dahil sa malakas na lagabog, kasunod ang tunog ng mga nahulog na kung mga ano sa study desk. May nabasag pa.

Naaninagan ko ang nakatayong bulto ni Raphael. Nakayuko ito habang nakatukod ang isang kamay sa study desk. Ang isang kamay ay parang nakasabunot sa sariling buhok.

"Ewan ko... hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo, Laila," tila nahahapong sabi niya. "Nauubusan ako ng ideya kung paano kita makikitang totoong masaya."

Wala akong maisagot pabalik sa kanya.

Bigla akong nakaramdam ng guilt. Tumimo sa puso ko hindi lang ang sinabi niya, kundi ang tonong gamit niya.

Dama ko ang hinanakit at frustration na nakapaloob dun.

Napakagat na lang ako sa labi.

Gusto kong bawiin ang mga nasabi. Pero...

"Alright..." at narinig ko ang pagbuntung-hininga niya. "If ... if that's what you—"

Natigilan siya. Ako naman ay napalingon sa may pinto.

Paano ay may mga yabag na papaakyat sa hagdan.

Base sa bigat ng mga yabag, si Elsa yun.

Ayan nga at kumakatok na.

"Ralph... Laila..." may bahagyang pagmamadali sa tinig ng babae.

Binuksan ng lalaki ang pinto.

"Ano yung—Oh...!"

Siguro ay nakita niya ang mga kalat sa sahig.

"Laila... ayos ka lang?"

Kahit inis ako sa babae, na-touch naman ako sa pag-aalala niya sa akin. Na kahit pa ang nagpapasweldo sa kanya ang kaargumento ko ay ako pa rin ang inuunang alalahanin nito.

"O-oo."

"Sigurado ka?"

Narinig ko ang iritableng pagbuntung-hininga ni Raphael.

Tumango ako, "Uhm, okay lang ako, Elsa."

"Gabi na. Bukas n'yo na yan ituloy," paalala ng babae.

"Sabihin mo kina Pong, ilabas uli yung sasakyan."

"Ha?" si Elsa.

Napayuko ako. Nakuyom ang mga palad padakot sa kubre-kama.

"Bababa na rin ako. May aayusin lang ako sandali," walang emosyong sabi ni Raphael.

Saglit na di kumibo si Elsa bago, "Tss. Sige."

Tapos ay mga yabag pababa.

Pagkasara niya sa pinto,

"Raphae—"

"Huwag ka munang bumaba ng kama, Laila," putol niya sa sasabihin ko.

"Pero—"

"I said stay on the bed! And not another word from you, please!"

Hindi na ako nakagalaw. Kahit pa nang buksan niya ang cabinet para kunin ang travelling bag at ilagay doon ang mga damit niya.

Gusto mang bawiin ang nabitawang mga salita, pinanindigan ko na lang. Tutal ay hindi niya ko binigyang pagkakatong humingi ng paumanhin.

Isa pa, napahiya na rin ako kay Elsa. At siguradong alam na rin ng mga bodyguards si Raphael.

Bahagya uli akong napaigtad nang may kalakasang isara ng lalaki ang pinto ng cabinet kasunod ang pabagsak na paglapag niya sa travelling bag.

Pigil na pigil ko ang pagkawala ng hikbi sa lalamunan ko. Pirmi lang akong nakayuko. Panay tahimik na pagpunas sa luha.

Nang marinig ko ang pagsara ng zipper ng bag, para ako ang nasa loob niyon na nawalan ng oksihena.

Marahas siyang napabuga ng hangin, "Aakyat si Elsa rito para linisin ang mga kalat sa sahig."

Wala akong sagot. Agkakatunog ang pag-iiyak ko. Ni hindi ko nga halos gawin ang pagsinghot. Basang-basa na ang gilid ng kumot ko sa luha at sipon.

"Ako lang ang nag-request na babae ang bantay mo pero si Rob ang naglagay sa kanya rito. Kaya hindi ko magagawa ang gusto mo na bitbitin ko si Elsa. Pero, sasabihin ko kay Rob ang gusto mo. Sa Lunes ang balik niya sa opisina."

Baradung-barado na ang ilong ko. Kaya ibinuka ko ang bibig para makahinga kaso may hikbing lumabas doon.

Agad kung tinakpan ng kamay ang bibig ko.

Naramdaman ko ang paglundo ng kama. Naupo si Raphael sa gilid niyo.

Nagkaroon ako nang kaunting pag-asa na masabing binabawi ko na ang pagpapaalis sa kanya pero,

"Tama ka nga siguro. Ipinilit ko ang halos lahat ganyang ang hinihingi lang na tulong ninyo ni Mang Ben ay abogado. I went too far. Too far that I no longer know where I am. Laila, hindi ko na alam kung saan pa ako lulugar sa iyo."

Napahikbi uli ako. Hindi ko na kasi napigilan. Ang sakit ng dating sa akin ng mga sinabi niya. Hindi ko alam kung dahil ramdam ko ang bigat ng kalooban niya. Na nasaktan siya sa pagtataboy ko sa kanya. O kung dahil aalis na talaga siya. O kung guilty lang talaga ako. O dahil isa yung pagsampal sa akin ng katotohanang mahirap talaga akong pakisamahan.

Naalala ko, may pagkakahawig sa isang matinding pag-aaway namin noon ni Justin ilang buwan matapos akong mabulag.




"Sa akin nakadepende si Nanay at mga kapatid ko. Lai, intindihin mo naman ang sitwasyon ko. Sa dami ng financial obligations ko, hindi pwedeng nandito ako kung kelan mo gusto."

"Eh ikaw ang dapat sumama sa akin para sa check-up ko, Jus. Alam mong kulang yung ang ipon namin ni Tatay at napagbentahan sa isang van pambayad sa hospital bills ko. Pero may balance pa rin. Ano ang sasabihin ko sa doctor ko eh ikaw ang nakapirma sa promisory notes dun?"

"Kaya nga eh. Ubos na ang leave credits ko. Kung a-absent ako sa trabaho tuwing check-up mo o kung episodes ka ng emotional meltdowns mo, lalo akong walang maibabayad sa lahat."

"Emotional meltdown? Bakit nga ba ako nagkakaganito? Kasalanan ko ba na nabulag ako, Jus?"

"Kaya nga ginagawan ko ng paraan lahat. May pinag-aralan ka naman, bakit ang hirap mong makaintindi? Hindi ka naman dating ganyan."

"Hindi talaga. Kasi dati, nakakakita ako!"

"Alam kong kasalanan ko. But please, rubbing it in is not helping."

"Not helping? Hindi ba kita tinulungan noong panahong nakakapagtrabaho pa ako, Jus?"

Naaninagan ko na napasabunot ito sa sarili habang nakayuko at nakatukod ang mga siko sa tuhod.

"Mahal kita, Lai... pero natuturete na ako sa lahat."

"Nag-aaway ba kayo?" si Tatay.

Hindi naming napansin na nasa may pintuan na. Nagbabantay kasi siya sa tindahan.

Tumikhim si Jus, tapos ay tumayo, "H-hindi po, 'Tay. Ahm... uuwi na po ako."

"Paano ang check-up niya bukas?"

Saglit na di nakakibo ang lalaki, "S-sunduin ko si Lai, bukas. 'Tay. Huwag po kayong mag-alala. Gagawan ko ng paraan para maibalik sa dati ang lahat."




Ang tunog nang pagbukas ng pinto ng kuwarto ko ang tila nagpagising sa akin.

"Raphael... t-teka—"

"You know what, Lai. I am not really fit to understand women, much more of being in a relationship with one. Look at us. I tried. I tried hard. For the first time, I gave it a thought. A chance na baka pwede. Pero, ito pa nga lang tayo...tsk!" Napabuga uli siya ng hangin sa bibig at mahina pero madiing, "Putang ina talaga!"

Napasubsob na ako sa mga palad ko at umiyak na sa harap niya.

"Huwag mo nang problemahin yung mga binabayaran mo sa akin. Hindi ko naman talaga yun kinuha. Dinedeposito lang ni Elsa sa bank account ni Mang Ben. Nasa iyo ang ATM niya. I don't need it. Pakiusap ko lang, huwag kang maging sentimental at itapon yung mga binili kong gamit. Kapalit yun nung mga luma ninyo na pinamigay ko. That's on me. Obligasyon kong palitan."

"P-pero—"

"No, buts. I will try my best to undo those I changed in your life. Then just go on with whatever you want, Laila. If that's what will make you happy. I'll be happy. "

Pagkasara ng pinto, nahiga na ako at nagtalukbong. Saka nagngunguyngoy hanggang marinig ang pagsara ng gate namin at pag-alis ng sasakyan ni Raphael.

Wala na akong pakialam kahit bumukas uli ang pinto ko at marinig ang pagkalansing ng mga basag na bubog.

Nanatili si Elsa sa silid ko para magligpit ng mga kalat.

"Laila..."

Di ako sumagot.

"Kung gusto mong bumalik sa kuwarto mo, pwede na. Pinaalis na ni Ralph ang kandado. Uhm, pero depende raw kung tatawag si Rob. Bahala na raw boss ko kung ano ang mapag-uusapan ninyo. "

Saka bumaba ang babae.

Napakatahimik sa bahay namin kinabukasan. Wala akong ganang mag-braille. Bumalaik na ako sa silid ko at nagkulong doon gaya ng nakasanayan. Nilunod ang sarili sa pakikinig ng music sa gamit ang phone na bigay ni Raphael. May Spotify yun. Account niya na ni-log-in sa phone ko. Bihira naman daw niyang gamitin. Ewan ko kung hanggang kailan ko magagamit ito. Gaya nang hindi ko alam kung hanggang kailan magtatagal ang postpaid plan nitong phone.

Bandang hapon,

"Lai, may bisita ka," imporma ni Elsa na kumatok. "Si Gina."

Magkahalong tuwa at panlulumo ang naramdaman ko.

Tuwa kasi sobrang miss ko na ang bestfriend ko.

Panlulumo kasi kabaligtaran sa binitawang salita noon ni Justin, heto na ang 'undo' na sinabi kagabi ni Raphael.

Inaninag ko ang hawak na cellphone.

Kukunin niya rin kaya ito?

Malungkot akong ngumiti sa sarili.

"Paakyatin mo na lang. Bukas naman ang pinto ko."

Sandali lang, pumasok na si Gina.

"Kumusta ka na, Lai? Ano'ng nangyari? Bakit tumawag si Atty. Marquez at sinabing puwede na akong— Oy, teka!"

Napabulalas agad ako ng iyak.

Mabilis siyang lumapit at naupo sa kama. Niyakap ako.

Para akong batang nagsumbong kay Gina. Hinayaan niya akong magkuwento. Sinabi ko ang lahat. Lahat-lahat. Nakinig siya.

Sa wakas... nakaramdam ako na may kakampi. Dati at hanggang ngayon ay kakampi.

"Lai..." untag niya nang humupa na ang emosyon ko.

"Oh?"

"Paano kung...kung magkatotoo yung sinabi mong... yung naisip mo na gusto mong magkaanak. Kung magbuntis ka?"

"Siyempre, blessing ang baby. Kukunin kitang ninang," malamya kong biro.

Mahina siyang natawa, "Natural. Magtatampo ako kung hindi. Ang akin lang, paano mo bubuhayin ang bata?"

Nagkibit-balikat lang ako, "Ewan ko. Bahala na."

"Paanong ewan? Ipapaalam mo ba sa tatay?"

"Saka ko na yun iispin kapag andyan na."

"Si Justin? Ano ang plano mo?"

Kibit-balikat lang uli ako,"Gusto ko lang namang... marinig ang side niya. Yung dahilan niya kung bakit niya nagawang iwan ako sa ganoong kahihiyan."

"Mali sana ako sa nakikita sa iyo, Lai."

"Ha?"

"Umaasa ka pa rin."

"May... may asawa na siya."

"Na nasa bingit ng kamatayan. Sa kanya na mismo galing."

Umiling lang ako. Na kahit sa sarili, hindi ko alam ang ibig sabihin nang pag-iling kong yun.

"Paano kung... magkatotoo nga na maging malaya si Justin at balikan ka tulad nang sinabi niya sa text. Pero may laman na ang tiyan mo tapos... ayaw niya sa bata. Ano ang gagawin mo?"

"Baka umuwi ako sa Siargao."

"Hindi ka kilala dun. O sa tamang salita, di kayo kinikilala ng mga kamag-anak ninyo. Tsaka paano si Tatay Ben?"

Napakagat ako sa labi.

Tiyak na magagalit si Tatay kapag nalaman niyang nakikipag-usap ako kay Justin. Paano pa kung yung intension ng lalaki na bumalik sa ain?

Magagalit din kung malalamang buntis ako. Lalo kung obligahin niya si Raphael na pakasalan ako tapos ay tanggihan. Eh wala yun sa bokabularyo ng lalaki. Siguradong makakaapekto sa kalusugan ni Tatay. At bibitaw yun sa tulong ni Mr. Agoncillo. Alam naming matalik na magkaibigan ang dalawa. Mawawalan siya ng abogado.

Ngayon ko na-realize ang mga kagagahan ko.

Napaiyak uli ako.

"Basta," hinagod ni Gina ang likod ko. "Kapag nangyari na ang mga tinanong o sa iyo, sabihan mo ako sa mga plano mo. Tutulungan kita sa abot ng makakaya ko. Okay?"

Hindi ako nagdalawang salita sa kaibigan ko nang alukin ko siyang dito maghapunan. Naglambing na ipagluto ko siya. Pinagbigyan ko si Gina. Pinanood niya lang ako.

"Oh, ako na lang ang magluluto," si Elsa na pumasok galing sa tindahan.

"Kaya na yan ni Lai," sagot ni Gina.

"Baka mahiwa niyang kamay niya eh. "

"Di yan. Sanay si Lai. Kahit tulog, kaya niyang magluto ng afritada."

Parang nag-isip pa si Elsa bago,"Okay. Kayo'ng bahala."

Ang sarap sa pakiramdam nun para sa akin. Yung pakiramdam na may silbi sa tingin ng ibang tao.

Tumulo ang isang luha sa mata ko. Agad kong pinunasan yun at itinuloy ang paghihiwa ng patatas. Siguradong nakita yun ni Gina pero wala siyang ibang sinabi. Basta tuloy lang siya sa pagkukuwento sa panganay niya na inaanak ko.

Hindi sumabay kumain sa amin si Elsa. Katwiran nito ay ngayon lang uli kami nagkita at nagkausap na magkaibigan. Sa amin na raw ang oras na yun.

Pasado alas nueve na nga nagpaalam si Gina. Sinulit ang pagpunta niya yun na pinayagan naman ng asawa. Pero parang kulang pa rin. Nangingilid luha nga ako nung ihatid ko siya sa may gate.

"Lai, para kang sira," natatawa niyang sabi pagkabeso namin. "Pwede ka namang dumalaw na sa bahay o ako kapag weekend o holiday. Basta inform mo ako a day before para masabihan kita kung sakaling may lakad kaming mag-anak."

Parang mas malungkot ang pakiramdam ko pag-alis ni Gina.

Alam mo yung pakiramdam na pinatikim ka nang sandaling saya. Tapos pagdating ng gabi, isasampal sa iyo ang katotohanang mag-isa ka lang sa buhay.

Kinabukasan, dumating ang tutor ko ng braille. Nahalata nito na wala ako sa mood mag-aral kaya eksakto sa oras ay nagpaalam na. Madalas kasi ay nag-e-extend ito ng mga ten to fifteen minutes. Marami kasi akong tanong.

Nagsabi ako kay Elsa na gusto kong bumisita kay Tatay kinabukasan.

"Tumawag si Rob kanina pero andito pa tutor mo. Tatawag daw uli sa iyo mamaya. May meeting lang," sa halip ay sagot ng babae.

Gabi na nakatawag ang lalaki.

"So, nagkausap kami ni Ralph late last night. Care to tell kung bakit nagre-request ka na alisin na si Elsa sa iyo? Nag-away ba kayo?"

"H-hindi naman recently. Ano, medyo hindi lang pagkakaintindihan."

"Uhm... parang hindi 'medyo' ang pakiramdam ko eh. Mainit ang ulo nung kausap ko. And you sound different than usual."

"Wala akong maalalang pinagtalunan naming bago. Ayos naman kami ni Elsa nitong mga nakaraang araw."

"Si Ralph ang tinitukoy ko, Ms. Centeno."

Hindi ako nakakibo.

Narinig ko ang mahina nitong pagtawa, "Anyway, about your request to visit your father, sure. Bukas pwede naman. Kung makukumbinsi mo si Mang Ben sa harapin ka."

Nalungkot ako sa narinig. Pero naging daan para itanong ko,"Uhm, Mr. Agoncillo...?"

"Yes?"

"My update ba sa hospital arrest request para kay Tatay?"

Tumikhim ito, "Hindi itinawag ni Ralph sa iyo?"

"A-ang ano?"

"Napayagan na ang out-patient consultation ni Mang Bensa pulmonologist at endocrinologist. Then gagawin na rin ang mga lab test and other necessary work up. Wednesday ang schedule. Ralph was able to obtain approval that we will choose the hospital and doctor provided we will pay for it."

Nahihiya ako sa kausap. Kahit may iringan kami ng kaibigan niya, hayan at ginagawan pa rin nila ng paraan ang madala sa maayos na ospital si Tatay.

"P-pwede ba akong sumama?"

"I'm afraid not, Ms. Centeno. No civilian is allowed to approach or even talk to a detainee when outside the prison. Yung escort na prison guard, lawyer niya at medical staff lang during a check-up."

"A-ah... ganun ba?" halos pabulong ko na lang na nasabi.

"I don't want to give you false hopes but we are looking at an optimistic result sa check-up nya sa Wednesday. Well, not really sure kung optimistic ba talaga ang tamang term."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Na hindi na siya hahayaang lumabas without being confined because..." nagbuntung-hininga ito. "...I made a short visit to Mang Ben late this morning. Any doctor would order so once they see your father."

Nainintindihan ko ang ibig niyang ipahiwatig. Binaha ako ng pag-aalala.

"Kaya nga sabi ko kanina, hindi ka haharapin ng tatay mo. He doesn't want you to worry."

Nag-init ang mga mata ko.

"Kung... kung mako-confine si Tatay, pwede na akong dumalaw?"

"Of course, but on a limited time and specific day or days only."

"Okay na yun. Basta mapapaigi ang kalusugan niya."

Nagpasalamat uli ako sa lalaki at nagpaalam na. Lamang bago nito putulin ang tawag,

"Ahm, Laila...is it okay I call you that?"

"O-oo naman."

"Okay. Good. Call me Rob as well. We're too formal," mahina itong tumawa.

"May iba ka pa bang sasabihin?" ungkat ko.

"Sinabi na namin sa iyo ni Ralph ang mga maaaring maging resulta ng kaso ni Mang Ben, hindi ba?"

"Oo. Dropped na yung robbery."

"Yes, but I'm referring to the frustrated murder and the murder cases na naiwan."

"Self-defense ang ilalaban ni Raph—ni Atty. Marquez."

"We are doing our best to find good witnesses and evidence, Laila. Pero kung wala talaga, kahit maibaba sa homicide at physical injury."

"O-oo," malungkot kong sagot. "Nabanggit na ni R-Atty. Marquez noong una pa kay Tatay. Naroon ako."

"Okay, good."

"Bakit mo naungkat, Mr. Ago—Rob?"

"Well, corporate law ang specialty ni Ralph. Kaya pinag-aaralang mabuti ng kaibigan ko sa tulong ng team niya ang kaso ni Mang Ben. So what I'm trying to say is... kung may nagpapaaburido sa utak nang isang tao, makakaapekto yun."

"H-hindi ko maintindihan, Rob."

"Mag-usap kayo ni Ralph. Ayusin ninyong dalawa ang ... uhm... kung anuman man yang pinag-awayan ninyo."

"Ah... eh..."

"I've seen him pissed, angry... whatever. Pero iba yung nakita ko sa kanya kaninang magpunta kami kay Mang Ben."

"Bakit ako agad ang kino-conclude mo?"

"Diyan siya sa iyo galing kagabi nung tawagan niya ako."

Namanhid yata ang mukha ko sa hiya.

Huminga ito uli nang malalim. "This is the first time I saw my friend cared for a woman like him to you. Which Reid and I find it a good sign dahil wala yun sa bokabularyo ni Ralph. A good sign at a brink of fading. As his best friends, we are sad about it. That's what I really wanted to say."

Wala na akong ibang nasabi pa hanggang magpaalam si Rob. Actually, naiwan akong nag-iisip.




"You know what, Lai. I am not really fit to understand women, much more of being in a relationship with one. Look at us. I tried. I tried hard. For the first time, I gave it a thought. A chance na baka pwede. Pero, ito pa nga lang tayo...tsk!"




Lutang tuloy ako kinabukasan at nang sumunod na araw.

"Lai..." si Elsa, kumakatok sa silid ko.

Wala pang limang minuto na umalis ang braille tutor ko.

"Pasok," walang gana kong sagot.

Nanatili lang akong nakahiga patihaya sa kama.

Ilang segundo na nang makapasok siya pero hindi nagsasalita ang babae. Kaya,

"Bakit?" tanong ko na di pa rin gumagalaw sa pagkakahiga.

Nagbuntung-hininga ang babae,"Ako dapat ang nagtatanong niyan sa iyo."

"Na ano?"

"Wala pang kalahating oras yung tutor mo, umalis na. Pinauwi mo na raw."

"Nag-iwan naman siya ng worksheets ko."

"Masama ba ang pakiramdam mo?"

Walang magandang nangyayari sa buhay ko. Ang gusto kong isagot. Pero nanatiling tikom ang ang bibig ko.

Baka may sabihin ito na ako na naman ang malalagay sa pangit na puwesto sa mga nagaganap. Lalo lang sasama ang loob ko. Tama na muna. Ayoko munang mag-isip. Kahit nga ang gumalaw, wala akong gana. Kailangan kong ipahinga ang utak ko.

Gusto ko lang matulog nang matulog. Yung tahimik lang. Ang naa-appreciate ko lang ngayon, yung pagtilaok ng manok sa kalapit na bahay. Palatandaan ko ng oras. Na alam kong buhay pa ako.

Kasi kaunti na lang, malapit ko nang hilingin na hindi na ako magising. Iniisip ko lang si Tatay.

Si Tatay!

Hindi pa nagbabalita si Rob sa check-up ni Tatay sa ospital ngayong araw.

"Elsa, may balita na ba kay Tatay?" sa halip ay tanong ko.

"Wala pa. Mag-aalas tres pa lang. Baka mamaya. Siguradong ipapaalam sa iyo ni Ralph or Rob yun."

Napangiwi ako nang marinig ang pangalan ng abogado.

"Elsa?"

"Oh?"

"Ano'ng sabi ni... uhm... ng agency ninyo sa status mo dito sa bahay?"

Saglit na di nagsalita ang babae, "Ayun, dito pa rin. Pero hayaan na raw kitang gawin ang gusto mo basta hindi makokompromiso ang kaligtasan mo."

"Ah... okay..." halos pabulong kong sabi.

"Bakit pakalat-kalat ito sa desk mo?"

"Alin?"

"Itong ... itong singsing mo. Mahal ito ah."

Umantak lalo ang pakiramdam ko. Hinubad ko yun kahapon at inilapag doon. Matapos yun nang tangkain kong tawagan si Raphael.

Nung una, ring lang nang ring.

Nagpalipas ako ng isang oras, ay tinawagan ko uli. Pangalawang ring, ang kasunod ay busy tone na.

Cancelled call.

Napabuntung-hininga ako sa naalala.

"Pakikuha na lang."

"Saan ko ilalagay?"

"Pakibalik kay Atty. Marquez. O kaya, sa iyo na lang."

"Alam mo ba ang presyo nito, Laila?"

"Wala akong pake. Hindi ko naman yan hiningi. Wala yang silbi."

Ewan ko kung ang pait ng tunog nang pagkakasabi ko nun. Kasi sa isip ko, parang ako yung singsing. Pero wala naman akong silbi. Kaya kahit iwan lang kung saan-saan, okay lang.

Tulad ng ginawa ni Justine noon... tapos ngayon si Ra—tsk!

Sa mata lang ni Tatay at Gina ako mahalaga talaga.

"Hindi ka kumain ng tanghalian. Walang bawas yung itinabi kong pagkain mo," sa halip ay sabi nito.

"Wala akong gana. Uhm, hindi naman ako gutom. Bababa na lang ako mamaya."

Lamang, hindi na ako binalikan ng gana kumain. Nang mga sumunod na araw, pinipilit ko na lang ang sarili na kumain. Maliban sa inaatake ako pananakit ng tyan at nangangatog ako sa kakulangan ng sustansiya, ay kailangan ko ng lakas.

Kinumpirma ni Rob na naka-confine na si Tatay.

Isang balita na nagpasigla sa akin kahit papano.

"Laila, anak, parang nangayayat ka," puna ni Tatay matapos naming pag-usapan ang lagay ng kalusugan niya.

Gagap ko ang palad niya. Gusto kong maghimagsik. Yun ang kamay niyang nakaposas pa rin. Nakaratay na nga at lahat, kailangan pa rin ba nito?

"Medyo ano lang,'Tay..."

Wala akong maisip na maidahilan.

"Dahil ba yan sa nabinbin mong operasyon sa mata?" sabi niya.

"Uhm, hindi naman masyado, 'Tay."

"Huwag mo nang ikasama ng loob, Lai. Humingi naman siya ng paumanhin sa akin. Palagay ko naman ay pati sa iyo. Gusto raw niyang naroroon siya kapag naoperahan ka, kaso ay may emergency daw siya."

Hindi ko alam na ganun ang sinabi niya kay Tatay. Na siya mismo ang nagpa-cancel.

"Sabi ni Ralph, tuloy naman. Naghihintay lang uli."

Napaangat ako ng ulo sa narinig.

Akala ko ay wala nang operasyong magaganap.



I will try my best to undo those I changed in your life.



Hindi ko makakalimutan ang iniwan niyang mga salita bago umalis at di na muli nagparamdam pa. Kahit kay Elsa ay walang komunikasyon, sabi na rin ng babae. Lampas isang linggo na.

Mukhang napipilitan na lang ang lalaki dahil nakapagbitaw ng salita sa harap ko at ni Tatay.

"'Tay...?"

"Hmm?"

"Kung... kung i-follow up ko na lang kaya yung grant ko sa Eyebank Foundation?"

"Bakit? Mas madali nga kung –"

"Nakakahiya na kasi, 'Tay. Ayokong saktan ang damdamin ninyo, pero ... kasi, 'Tay...lahat na lang ay iniasa na lang natin kay R—Mr. Agoncillo at Atty. Marquez. Ang utang na loob ni Mr. Agoncillo ay sa inyo. Hindi ako kasali dun, 'Tay. Ang akin lang, meron naman tayong grant. At may kita na uli ang tindahan. Aktibo pa rin naman ang prangkisa ng van natin. Ipapabyahe ko uli."

Ilang saglit na natahimik si Tatay. Nag-iisip ito.

"Tay... sige na. Bigyan ninyo ako ng pagkakataon na magtiwala uli sa sarili ko na may kaya akong gawin. Pamasko mon a sa akin, 'Tay. Ilang linggo na lang naman."

Narinig ko ang pagbuntung-hininga niya,"Sigurado ka ba na kaya mo?"

"Uhm... mahirap, 'Tay. Pero kakayanin ko."

"Sige, ikaw ang bahala. Akon a ang magsasabi kay Ralph."

Kumpara ng mga nakaraang araw, mas magaan ang pakiramdam ko paglabas ng hospital roon ni Tatay.

Nagkaroon ako nang dahilan para magpursige.

"Mukhang maganda ang pinag-usapan ninyong mag-ama," magaan na komento ni Elsa nung nagmamaneho na ito pauwi.

Hindi siya nakapasok sa silid ni Tatay. Pamilya lang ang maaring dumalaw at sandali pa.

Pahapyaw akong nagkuwento sa babae. Hindi ko lang napigilan. Kasi makaraan ang ilang panahon, nakaramdam uli ako ng excitement.

"Uhm... good news nga yan," sang-ayon ng babae. "So, aalis uli tayo sa mga susunod na araw?"

Matipid akong napangiti. Indirectly, isa yung pag-amn ng babae na nabo-bore ito sa bahay.

"Oo. Ah, Elsa?"

"Oh?"

"Pwede ka bang maglagay ng karatula sa may gate na naghahanap tayo ng driver?"

"Uhm, paano kung kailangan natin ang sasakyan na service mo?"

"Limang araw lang ang biyahe. Kung may lakad, lilimitahan ko lang sa dalawang araw sa isang linggo."

"Kakailanganin mo ang sasakyan habang nag-aayos ng grant mo. Kapag naoperahan at nakauwi ka na, Lai."

"Okay."

For the first time, pag-uwi ay,

"Ikaw na ang magluto ng hapunan natin, Lai. Magbubukas na ako ng tindahan. Sayang ang benta. Kailangan mo yun."

"Sige."

Doon nagsimulang bumalik ang muling pag-uusap namin ng babae. Naging maaliwalas ang atmospera sa bahay. Dama ko ang suporta niya sa pag-aasikaso sa grant ko nang mga sumunod na araw.

"Sana maisama ako sa batch ng grantee para sa Christmas mission ng Foundation next week."

Nalaman ko kasi na ang mission nitong December ay libre talaga.

"Sana nga. Magandang Pamasko yun," sang-ayon ni Elsa.

At ang pakikiramay niya nang matanggap namin ang balita,

"Puno na ang slots for the Chrsitmas mission, Ms. Centeno. Last month pa. Meron naman sa February, yung sa grant mo talaga na discounted at instalment ang pagbabayad."

Matamlay ako sa biyahe namin pauwi.

"Hayaan mo na, Lai. Mabilis lang ang dalwang buwan. Sure ball naman na yung sa grant mo."

Hindi gaanong nakatulong ang pagpapalubag-loob sa akin ng bodyguard ko dahil pagkauwi ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Rob.

"Laila, nag-improve sa kundisyon ni Mang Ben sa loob ng halos dalawang linggo niyang confinement. And, uhm... nagbaba ng order ang korte. Ibabalik na siya sa city jail dahil kaya na raw uling i-handle ng prison infirmary ang sakit niya."

Wala naman akong magagawa maliban sa magpasalamat sa lalaki. Napakalaking bagay na sa akin ang malamang nakabawi na ang katawan ni Tatay sa pagkakasakit.

Kaunti lang ang naitulong niyon sa frustration ko sa inaasahang maooperahan ako ngayong buwan ng Kapaskuhan.

High expectations are really painful when it fails. Sa kahit anong aspeto.

Hindi na ako natuto.

Nagkulong muli ako sa kuwarto ko. Bumababa lang ako kapag kakain para may kasabay si Elsa. Pinahinto ko na rin ang braille tutorials ko. Katwiran ko kay Rob ay naka-schedule na akong magpaopera sa February.

"Sayang yung bayad sa tutor. Makakakita na naman ako. Magpa-practice na lang ako lagi para hindi ko makakalimutan. Sayang rin kasi yung skills."

"Are you sure?"

"Oo naman. Maraming salamat."

"Hindi pa rin kayo nag-uusap?"

Alam ko ang tinutukoy niya.

"Uhm... Okay lang naman ako. Ito nga, kinakaya kong asikasuhin ang para sa operasyon ko."

"He doesn't seem okay, though."

Hindi ako naniniwala. Naalala ko pa ang kuwento ni Raphael na hindi lang ang daddy at lolo niya ang itinutulak siyang magkapamilya. Ganun din ang matatalik niyang kaibigan.

Kaya ganito ang mga sinasabi ni Rob sa akin.

Hindi ko na lang sinabi sa lalaki na nagtangka na akong makipag-usap sa kaibigan niya pero ayaw nito.

Tama na ang sakit na nasa dibdib ko ngayon. Kung anuman ang nararamdaman ko para kay Raphael, ayoko nang palalimin.

Masakit ang umasa sa isang bagay na tulad ng paningin ko ngayon ay napakalabo. Yung namagitan sa amin, gaya lang sa nakikita kong silhuweta. Hindi solido.

Malungkot lang ako tapos siya ay kailangan nang may mapaglalabasan ng init ng katawan.

Tama lang yung naiisip ko dati. Pareho naman kaming nakinabang sa isa't-isa at consenting adults kami.

"Uhm, kailan daw ang balik ni Tatay sa Pasay City Jail?" pag-iiba ko.

"Bukas ng umaga."

"Sige, dadalaw ako sa isang araw."

Pagdalaw na hindi ko nagawa dahil nakatanggap ako ng tawag sa Eye Bank Foundation at pinapupunta ako doon.

"We have a new benefactor for the upcoming eye transplant Christmas mission. Ikaw ang napili niya."

"Po?!" muntik akong mapatayo mula sa kinauupuan.

"Yes, Ms. Centeno. The benefactor will also shoulder the medicine, days na kailangan kang mag-stay sa hospital dahil nga special case ang sa mata mo. Same thing as the succeeding check-ups mo sa optha."

Naluluha na ako,"S-sino po yung benefactor? Gusto kong magpasalamat."

"Usually, anonymous ang mga benefactors. Nasa sa kanila kung magpapakilala sila sa beneficiaries. Ipapaabot namin ang pasasalamat mo, Ms. Centeno. Sa ngayon, may schedule check-up ka sa optha na mag-oopera sa iyo. She needs a thorough eye exam on you. May basic lab tests ka ring kailangang tapusin ngayong araw."

Ganun na nga ang ginawa ko kasama si Elsa. Kahit ito ay excited.

"Lai, naka-hospital gown ka kapag naka-confine. Hindi kailangan magdala ng damit pamalit araw-araw," natatawa niyang sabi nung naghahanda kami ng gamit pagkauwi.

Sa isang araw na kasi ang operasyon ko. Sa unang batch pa ako naisama ng mga beneficiaries ng Christmas mission na yun.

Pina-schedule agad dahil magbabakasyon ang optha ko para sa Christmas break. Total ay maayos ang resulta ng mga lab results ko at eye exam,

Kinabukasan ay binisita ko na si Tatay at masayang nagkuwento.

"Aba, e di mabuti. Magandang balita nga yan," ang sabi sa pigil na basag na boses.

"Sasama si Gina bukas pero uuwi rin sa gabi. Pero okay lang. Pamilyado siya. Tsaka andyan naman si Elsa."

"Sana ay naroon ako, anak."

"Okay lang po, 'Tay. Ikaw agad ang pupuntahan ko, kapag labas ko sa ospital."

"Aabutin pa raw ng linggo o buwan bago bumalik sa dati ang paningin mo."

"Malabo pa rin pero hindi katulad ngayon, 'Tay. Makikita pa rin kita."

"Kailan ba iyon para masabihan ko si Ralph. Para makita mo rin siya, Lai."

Natahimik ako.

"Bakit, anak? May problema ba?"

"W-wala naman po. Ano lang... pwedeng ikaw na lang muna? Gusto kong masolo ang oras mo nang araw na yun."

"Ah e sige. Kahit naman ako ay gusto yun."

Maagang dumating sa bahay ang best friend ko. At mahina siyang natawa nung nasa biyahe na kami ay hawakan niya ako sa kamay.

"Lai, nanlalamig ka.DApat ay excited ka nga."

"Kinakabahan ako, Gi. Naalala ko nung maospital ako dahil sa aksidente."

At dahil lumala ang pagkatensyon ko,

"Corneal transplant patients are normally awake during the operation. But seems like we have not anticipated that an unconscious trauma will surface. Are you sure you want to do this today, Ms. Centeno?" tanong ng optha.

"O-opo."

Nagbuntung-hininga ang doctor, "Alright, gagawin na lang na tulog ka. Kakausapin ko lang ang anaesthesiologist mo pati ang foundation."

Na-delay lang ng kalahating oras ang operation ko.

Pinisil ni Gina at Elsa ang palad ko bago ako ipasok sa OR.

Hindi ko alam kung gaano katagal yung prodedure at gaano katagal akong tulog. Basta nagising ako na medyo giniginaw. Ramdam ko na rin na may kaunting hapdi ang mga mata kong may takip pa.

Pero mas nangibabaw sa sensasyon ko na kabila ng lamig ng paligid ay mainit ang isa kong palad.

Kumabog ang dibdib ko.

Pamilyar sa akin ang kamay nay un kahit hindi gumagalaw.

Hinila ko ang palad ko pero mukhang alam na ng taong ito na gising na ako. Hinigpitan niya ng kapit doon.

"Lai... mahal..."

"Nasa'n si Elsa?"

"Pinalabas."

"Pinalabas? Bakit? Siya ang bantay ko. Hindi—"

"I requested it."

"Ha? Paano'ng--- Bakit ka naririto?"

Hinila kong muli ang kamay ko pero hindi parin niya pinakawalan yun.

"Mahal... I... I know, this is way too late. But... but I hope... I hope you like my Christmas gift for you."

"Ha?"

"I am your benefactor."

============================

It's a dead give away. Sino ba ang tumatawag kay Laila ng 'Mahal'?

Don't forget to comment and vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b6lhu