2 Pagkakataon
4,700+ words UD. Wala pang tulog, walang edit-edit! LOLZ!
====================
"Uhm, good morning, A-atty. Marquez," sa halip ay pormal kong sagot.
Mas pinili ko ang ganung sagot sa kabila nang friendly approach niya. Di ko kasi malaman kung mao-offend ako dahil parang di ito seryoso sa pakay namin, o sadyang nayayabangan ako. Marahil dala pa nang dating impresyon ko sa kanya, o dahil kilala niya si Justin, o nang dahil sa mapait kong karanasan ay mabigat na ang loob ko sa mga abogado.
"Still snob like before," wika niya.
Pinigilan ko ang mapasimangot kasi umabot sa tenga ko ang mahina niyang tawa. Parang nadiskumiyado ako na seseryosohin nito ang kaso ng tatay ko. Baka napilitan lang tanggapin dahil kaibigang matalik ang nagrekomenda.
Tumikhim ang staff ni Mr. Agoncillo, "Nagbilin si Rob na pakinggan ko ang usapan ninyo."
"Why is that? What happened to the lawyer-client priviledge?"
"Ako ang close-in bodyguard ni Ms. Centeno. Kailangan kong malaman ang buong istorya ng kaso ng tatay niya."
"Ha?!"
"Ano?"
"What?!"
Magkasabay naming pagkagulat nina Gina at Atty. Marquez.
"T-teka, hindi ako ... uhm, wala kaming ganyang napag-usapan ni Mr. Agoncillo," naguguluhan kog sabi.
"Sumusunod lang ako sa utos ng boss ko, Ma'm. Mag-isa kala ng daw sa bahay, sabi mo."
"Kaya ko naman. Sanay ako kumilos mag-isa sa amin."
"Sa amin ka na lang kasi muna, Lai," singit ni Gina. "Sarado rin naman ang tindahan ninyo kapag wala si Tatay Ben."
Di ako maka-oo. Maliban sa ayokong maging pabigat sa kaibigan ko, iisa lang nag kuwarto sa bahay nila. Saat lang sa kanilag mag-asawa at dalawang anak.
Tila nabasa niya ang nasa isip ko, "Hindi ka magiging pabigat, Lai. Tutulungan ka nga ni Mr. Agoncillo na makuha sa pagkaka-impound ang van ninyo. E di pwede uling ipapasada."
Nagtatalo ang loob ko.
"B-baka matagalan kasi, Gina."
"You don't trust my friend and my office's capacity, do you, Ms. Centeno" singit ni Atty. Marquez.
"H-hindi po sa ganun, Attorney. Ano kasi—"
"Stop with the po, okay?"
"Uhm..." frustrated kong naiparaan ang palad sa noo. "Minamaneho ni Tatay yung UV Express naming nung ano... nung m-mapatay niya yung lalaking ano."
"But as per Rob, the crime happened outside the vehicle, right?"
"Hindi kriminal ang tatay ko!" umangat agad ang boses ko.
"I never said that. I was pertaining to what happened," kalmadong balik ni Atty. Marquez.
"Lai, kalma ka lang," bulong ni Gina na pinisil ako sa braso.
Ilang beses akong huminga sa bibig.
"Are you single?"
Nagulat man sa tanong ng abogado, nairita ako, "Mag-isa nga kaya kailangan daw samahan, di ninyo narinig? Masyado naman yatang personal ang—"
"Lai..." awat ni Gina.
Tumikhim yung tao ng Agoncillo, "Oo, bakit?"
Napahiya ako. Di pala ako ang kausap.
"Any girlfriend who may get mad if...you stay at the Centenos?"
"Teka, hindi ako pumayag diyan!" kontra ko uli.
Pero walang pumansin sa akin, "Wala. Strict ang parents ko."
Natawa silang tatlo. Ako, hindi.
"Baka naman bantay-salakay ka, gaya ng boss mo?" si Atty. Marquez.
"Trabaho lang, walang personalan, attorney. Sa tipo ng trabaho ko sa Agoncillo, I can't afford to have a family."
"Binabarat ka ni Rob?" natatawang sagot ng abogado.
"Hindi yun. Ayokong malayo nang matagal sa pamilya dahil sa trabaho."
"Kunsabagay. You, guys, can get woman anytime you want."
"Ikaw ba hindi?" ganting-biro nito.
Masyadong off ang usapan nila para sa akin. Isa pa, hindi tsismisan ang ipinunta ko rito kaya,
"Lai!" si Gina.
Tumayo na kasi ako.
"Halika na. Mali tayo nang pinuntahan para humingi ng tulong."
"Wait, I'm sorry," sabi ni Atty. Marquez. "I was knowing the person bound to guard my client."
"Uulitin ko, Attorney. Wala sa usapan yung bodyguard na sinasabi n'yo. Tatay ko ang dahilan kaya kami narito. Isa pa, ni hindi ko nga alam ang pangalan nitong..." hindi ako sigurado kung tama pa ang pagkakaturo ko sa direksyong inaakala kong kinapupuwestuhan ng tao ni Mr. Agoncillo. "Nitong nagmaneho para sa amin. Basta pinasakay na lang kami at inihatid mula sa opsina ni Mr. Agoncillo."
Alam ko naming humihingi lang kami ng pabor, pero nababastusan ako sa usapan nila. At napaka-insensibo gayung desperado na ako. Kung hindi naman ako bulag, hindi ako uli tutuntong dito.
O baka, hindi ako iniwan ni Justin. Ang lalaki ang abogado ni Tatay ngayon.
Napailing ako sa naisip. Mali pang iniisip ang bagay na yun.
"Ah, pasensiya na, Ma'm. Ako nga pala si Jon. Jon Bautista."
"Maupo ka nga muna uli, Lai," tinagtag ni Gina nag braso ko.
"I'm sorry again, Ms. Centeno. Again, I was trying to know Jon here because his a guy and you're—"
"Ano ba'ng paki mo sa buhay ko?!" tumaas na naman ang boses ko.
"Lai, ano ba?" pabulong na pigil uli ni Gina.
"The moment you asked help from my bestfriend and he to me, yes, may pakialam na ako," cool na sagot ng lalaki. "That goes to say, you allowed us, Rob and I, to look after your welfare."
"Ang kaso ni Tatay ang dapat nating pinag-usapan."
"I already got the bird's eyeview of his case."
"Paano'ng—"
"I phoned Rob again while you were on your way here. And made some more calls. Like talking to the PAO lawyer who's currently handling your father's case. Well, if you call that proper handling, though."
Dun na ako naupo. Sa tono ng saita nito, tila alam ko na pareho kami nang iniisip kung bakit naghahanap ako ngayon nang pribadong abogado.
"Ang a-advice nung lawyer, mag-plead ng guilty si Tatay," nanginig agad ang tinig ko. "W-wala raw kaming ebidensiya sa depensang—"
"Save your tears and breath, Ms. Centeno. I prefer hearing the details from your father. And read all the legal papers initially presented to the fiscal's office."
May punto man siya, nakaramdam pa rin ako nang pagkapahiya sa pag-dismiss n'ya sa iba ko pang sasabihin.
Isang bagay na ngayon ko lang napansin. Naging ganito rin si Justin sa akin noong nagtatrabaho na siya dito. Naging paulit-ulit yun nang bago at matapos ang biglaang pagmamadali ng lalaki na magpakasal kami.
"Jus, tumawag ako kanina sa Eye Bank Founda--"
"Lai, pwedeng sa ibang araw natin pag-usapan?"
"Ah... kasi, Jus, sabi nung nakausap ko, mas mapapadali raw ang makakuha ng donor kung--"
"Stressed out ako sa dalawang kaso na hawak ko, Lai. Sana maintindihan mo. Hindi ko naman tatakbuhan ang responsibilidad ko sa iyo."
"Wala naman akong sinabing ganun, Jus. Sayang lang kasi yung mga araw na--"
"I don't have enough money to fund your operation now. Maraming gastos sa bahay. Nagpa-renovate ng bahay si Nanay. Si Jen, nag-enrol ng crash course ng bar tending dahil gusto niya raw magbarko. Huwag muna ngayon, please!"
"H-hindi naman agad-agad. Kung tayo raw ang hahanap-- "
"I don't have time. Wala na nga ako halos maitulog."
Naumpisahan kong mapikon, "Sino ba kasi ang may sabi sa iyong magpuyat at magpakamatay sa kakatrabaho?"
"I'm doing this you us, Lai! Can't you understand?"
"Para sa atin? Wala ka na ngang oras puntahan ako, ultimo ang tumawag. Ako na ang tumatawag sa iyo!"
"Then don't call me!"
"Dapat hindi mo na lang ako isinama sa party ng org mo para nakakakita pa ako ngayon!"
"Ano ito, Lalila? Sumbatan tayo?"
Natahimik ako. Dama ko ang guilt at paghihinanakit sa kalooban ni Justin.
"If... if you can't appreciate my efforts para iangat ang sarili ko para sa atin... ang patawarin ang sarili ko dahil sa nangyari sa iyo, this relationship will eventually not going to work anymore, Lai."
"J-jus... I'm... I'm sorry..." napaiyak na ako. "H-hindi ko naman intensyon na manumbat. Nafu-frustrate kasi ako na nagiging pabigat ako sa inyo ni Tatay. Kung... kung nakakakita na ako, makakabalik ako sa trab--"
"Tandaan mo, Lai. Ibabalik ko sa iyo ang paningin mo."
Dial tone na ang kasunod.
May kaba akong naramdaman sa huli niyang sinabi. Isinantabi ko na lang. Pangalawang araw, ako pa rin ang unang nag-text para mag-sorry uli. Naisip ko, mali ko naman talaga. Dapat ay hindi na ako nagpumilit pa na ipaliwanag sa phone ang nalaman ko sa Eye Bank Foundation of the Philippines.
Ilang beses na kasing pinutol ni Jus ang sasabihin ko, hindi ko pa nakuha yung hint na sobrang pressured ito. Sa trabaho, sa pamilya nila at sa akin.
Nag-reply naman ito at nag-sorry din. Doon ko nalaman na kaya nagpa-renovate ang nanay niya ay para magtayo ng tindahan. Sa suggestion din naman ni Justin. Gusto niyang maiiwanan ng business ang ina at dalawang pang estudanteng kapatid para hindi palaging nakaasa sa kanya. Para kapag kasal na raw kami ay maging independent ang mga ito kahit papaano.
"Lai, ayokong habambuhay na aasa sila sa akin. Siyempre, yung... uhm... sa mata mo, pag-iipunan yan. Yung sa ano... k-kasal natin. Magpupundar tayo ng bahay. Kapag nag-kaanak tayo, lalong magbabago ang priorities ko. Hindi pwedeng palaging magbibigay ako kina Nanay dahil sooner or later, magkakabangga kayo."
Ang mahaba niyang paliwanag nung tawagan niya ako kinagabihan. Nasa Marquez pa rin siya. May nilalamay raw na papeles para sa isang kaso.
Di ko mapigilang mangilid ang luha habang nakangiti. Lalo akong na-guilty sa mga sinabi ko sa kanya nung mag-away kami.
Kaya naglambing ako sa kanya na kung bakante siya sa darating na weekend ay mamasyal kami.
"Nami-miss na kita, mahal," sabi ko pa.
Narinig ko ang malalim niyang pagbuntung-hininga.
"I... I miss you, too, Lai. Pero..."
Di man niya itinuloy ang sasabihin, alam ko na.
"May gagawin ka ba?"
"O-oo. Uhm, how about next weekend?"
"Sige!"
Excited akong nagbilang ng mga araw. Nainip. Pero dalawang araw bago ang usapan namin, kinansela yun ni Jus.
Gusto ko man siyang intindihin, mas nanaig sa akin ang maglabas ng sama ng loob.
"Inilalayo ka sa akin ng trabaho mo, mahal."
"Para sa atin ito, Lai."
"Sana hindi mo kinumpirma nung isang araw. Asang-asa ako."
"B-biglaan kasi, Lai. Kanina ko lang natanggap yung bagong kaso. Big break ito sa akin."
Nagpaliwanag si Justin. Yung anak na Atty. Marquez daw ang personal na kumausap sa kanya na tumulong dito para sa isang malaking kaso. Nakitaan daw siya ng dedikasyon sa trabaho. Kakailanganin daw ng anak ng CEO ang isang associate na lilipad sa Bacolod every now and then dahil may mga kailangang kausapin doon na may kinalaman sa kaso.
"Isa sa mga top lawyers ng Santiago ang makakatapat namin, Lai."
Doon lang ako natahimik at di na nakipagtalo uli.
Kapag ang Santiago Law Firm ang pinag-usapan, alam kong matindi ang magiging labanan. Kaya inintindi ko na lang.
Isang buwan matapos ang pag-uusap naming yun bago kami magkita uli ni Jus. At sa tago kong pagkadismaya, wala siyang naging bukambibig kundi ang kaso na hinahawakan kasama si Atty. Marquez at lalo ang nakatapat na dalawa raw sa top lawyers ng Santiago.
"I felt like a first-timer, Lai," may ningning sa mata niya habang nagkukywento."I can't imagine na sa ilang taon lang na nauna sa aking maging abogado si Atty. Marquez, ganun na siya kagaling. He was ruthless in the battlefield."
"Uhm, salbahe ba talaga?" pakikisakay ko sa kuwento niya.
Natawa pa ito pero naroon ang halong dismaya,"Yeah, I mean, lalo na after the hearing. Pinagalitan ako pagbalik sa office dahil may prinesentang dokumento ang Santiago na hindi ko alam. Andun pa man din ang ilang associates namin."
Nainis ako sa narinig,"Hindi ko talaga gusto ang boss mong yan."
"It was my fault, Lai."
"Paano'ng kasalanan mo? Subsob ka nga sa trabaho."
Saglit siyang natahimik at tumikhim, "Uhm, ano, nawala kasi sa isip ko yung binilin niyang anggulo na yun. I had to take some time to unwind during the last weeken--"
Dahan-dahan akong napalingon sa kanya,"U-unwind? Weekend? Akala k-ko..."
"Uhm... I mean kapag pumupunta ako sa Bacolod. May pagkakataon na sinasaglit ko ang bumisita sa mga ano dun... mga tourist spots at ano, mga resorts."
"G-ganun ba?" mahina kong sabi.
Gusto ko uling maghinanakit, pero inintindi ko na lang. Sa pressure niya sa trabaho, kailangan niyang ng breather. Tutal ay naroroon na naman siya, alangan namang sunduin niya pa ako dito para isama ako mamasyal.
"Lai," ginagap niya ang mga palad ko. "Don't be mad or something. Those... those are work related trips. Ano lang, isiningit ko lang ang ano, pamamasyal. Para ma-relax ang utak ko."
Tumango lang ako. Alam niyang nagtatampo ako kaya,
"Maligo ka, mahal, pasyal tayo. Ipagpapaalam kita kay Tatay Ben."
Para akong bata na binigyan ng cotton candy nang marinig yun. Halos mapunit ang pisngi ko sa ngiti. Lalo pa nang sabihin ni Justin kay Tatay na,
"'Tay, isasama ko po sana si Lai sa Zambales. Bukas na po kami makakauwi ng hapon."
"Ano'ng meron dun? Bakit bukas pa ang uwi?"
"Uhm, babawi lang po ako, 'Tay. Out of town po. Uhm, we'll get there late afternoon or evening if we leave now, kaya bukas nang hapon na kami makakabalik. I'll tour her around Zambales."
Saglit na di umimik si Tatay.
"'Tay...?" ako na ang nag-untag dito.
Tumikhim siya,"Sige, Justin. Pero mag-iingat ka sa pagmamaneho. Baka kung ano na naman --"
"Tatay naman eh!" reklamo ko na.
Kahit sa maliit na pagkakataon, ayokong nang mauungkat ang aksidente namin para makaramdam uli ng guilt si Jus.
"Ang ibig ko lang sabihin, maiuwi ka rito nang walang kulang. At wala ring sobra," kontra ni Tatay. "Justin, kasal muna. Ang usapan natin."
"Opo," maamong pagsang-ayon niya.
Masayang-masaya ako sa biyahe naming yun. Kahit di ko nakikita ang dinadaanan at pinapasyalan namin. Ang beach resort kung saan kami natulog. Ang importante, kasama ko si Jus.
Medyo nadismaya lang ako nang gabi na magkasolo na kami sa cottage room namin.
"Di pwede, Lai. Nagbilin ang tatay mo. Baka magbuntis ka."
Nabaligtad na. Kung dati, siya ang ayaw mag-condom, ako na ang ganun.
"P-pero, Jus..."
"It's not yet the right time, Lai."
Napakagat-labi na lang ako habang hinahalikan niya ako sa leeg.
"What's wrong?" tanong niya matapos naming namnamin ang init nang isa't-isa.
Umiling lang ako.
"Is it the condom still?"
Di ako kumibo.
"Lai, I will marry you, okay? Pregnant or not, we will take our vows together."
Ewan ko, pero parang may bahagi ng isip ko na nagdududa na. Nagiging prominente na ang pagbabago kay Justin.
Ang paraan nang pananalita, ang pabango niya, ang kilos pati ang pananaw. Basta.
Natatakot ako.
"Lai, I promise to bring light back to your eyes. And I will never leave you."
Napangiwi ako sa naalala.
"What's wrong, Ms. Centeno? "
Nagising ako sa pagmumuni-muni. Pero napatiim uli ang labi.
Ito talaga ang sa palagay ko ang iniidolo noon ni Justin.
Walang makakasisi sa akin kung may tago akong inis o galit sa taong ito. Kahit siya pa ang nakatalagang tutulong kay Tatay.
"Uhm, kailan ninyo pupuntahan si Tatay?" sa halip ay tanong ko.
"You don't seem to be listening. I just said we will go there now."
"Pagpasensiyahan n'yo na, Attorney. Marami lang siya talagang pinoproblema ngayon," pasintabi ni Gina.
Di na ako kumibo para itago na rin ang pagkapahiya.
Saka kami lumabas sa opisina niya.
"Cancel my appointments today," narinig kong bilin sa secretary niya. "Re-sched them tomorrow or any day within this week, if my calendar permits it."
"Sir, a certain Ms. Aily, called earlier."
"Tsk," parang nag-isip ito saglit. "If she calls again, don't give my private number. Uhm... here's her business card. Send flowers there. Put a note that I'll visit her tonight. "
Napapailing na lang ako nung alalayan na ako ni Gina papunta sa elevator. Masama talagang impluwensya ang lalaking ito. At pati ako nadamay.
"What was that for?"
Di ko nilingon si Atty. Marquez na sumabay sa amin sa paglakad.
"Ang alin?"
"You were shaking your head."
"May naalala lang ako."
"Your ex?"
Nairita agad ako, "Sakop po ba ng trabaho ninyo ang iniisip ko?"
"Depends. If that is about the trust my client has on me, of course. "
"Tatay ko po ang kliyente n'yo, hindi ako."
"Ikaw ang naririto. Ang lumapit sa kaibigan ko."
"Utos po ng tatay ko. May binitawang pangako sa kanya si Mr. Agoncillo."
"Still, you are your father's... uhm... let's say, emissary."
"Kaya nga natin siya pupuntahan, di po ba? Para personal ninyong makausap."
Mahina itong natawa, "Point taken. But again, stop with the po. Hindi tayo nagkakalayo ng edad."
"Pinalaki po ako na gumalang sa mas matanda sa akin."
"Nah, I'm just about mid-thirties. I think you're in your late twenties. I'm offended," tunog-nakangisi ito.
Napasimangot ako. Talagang ipinagdiinan pa ang edad ko. Di na ako nagsalita. Lalong hahaba ang usapan. Isa pa, pasimple na akong kinalabit ni Gina.
May mga nagkomento na kasi sa mga nakasabay namin sa elevator.
"Di ka pa kasi mag-asawa, Boss Ralph. Para mga anak mo na ang magpo-po sa iyo."
"I'm still enjoying being single," natatawang sagot nito.
"You're not getting any younger, panyero."
"Men do not have a body clock. So long as we can do the thing..."
Tapos ay mahinang tawanan. Nababastusan ako sa kanila.
"Dami mo ngang side-chicks, Attorney. Pipili ka na lang."
"Some other time. Not now. I'm very busy."
"That's why they are called side-chicks. Pag may time lang," natatawang komento ni Jon.
Di ko tuloy napigilan, "So, pakiramdam ninyo, ikinagandang lalaki ninyo ang pagturing nang ganyan sa mga babae na parang laruan? Abogado nga kayo!"
"Huy, Lai!" mahinang awat ni Gina.
Natahimik ang mga naroroon. May mga napatikhim kagaya nina Jon at Atty. Marquez. Wala na tuloy nagsalita pang muli hanggang makababa kami sa ground floor.
May pangalawang kamay na humawak sa braso ko.
"Jon, Ms. Centeno rides with me. Si Gina na lang ang ipagmaneho mo," ang sabi.
"P-pero..." kontra ko.
"I think I have some questions for you. "
"Akala ko ba mas gusto mong personal na makausap si Tatay?"
"It's not about your father's case, Ms. Centeno. Medyo personal lang. I prefer to ask you alone, no sidekicks."
"Bestfriend ko si Gina. Wala akong inililihim sa kanya."
"Alright," binitawan nito ang braso ko. "I'll tell Rob to find another lawyer for your father in some other firms."
Napasinghap ako.
"Lai, sige na. Ayos lang ako," singit ni Gina.
Mariin kong napaglapat ang mga bagang ko. Wala akong magawa.
Naiwan akong nakatayo sa pick-up and drop off bay sa tapat ng building na yun dahil nawala na sa tabi ko si Gina at Jon. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kotse.
"Come, this way," untag ni Atty. Marquez sa braso ko.
Walang imik akong humakbang kung saan niya ako iginiya. Medyo nagulat pa ako na ipinatong niya ang isang palad sa ulo ko nang paupo na ako sa loob ng kotse niya.
"Careful, baka mauntog ka," ang sabi.
Naalala ko na naman tuloy si Justin. Gaunu din siya sa akin dati. Lalo na nang maisara ang kotse. Pareho sila ng scent ng car freshener. Sa totoo lang, kahit ang pabango nagkapareho sila one-time. Binalik lang ni Jus yung dati dahil hiniling ko sa kanya.
"Mahal, nagbago ka ng perfume?"
"Uhm, oo. Bakit?"
"Mas gusto ko yung dati mo."
"Mabango naman ito ah."
"Parang ibang tao na ang kasama ko eh."
Mahina siyang natawa," Ako pa rin ito, Lai."
Saglit akong natahimik. Ito na siguro ang pagkakataon para sabihin ko sa kanya ang obserbasyon ko.
"Mahal, kasi...parang nag-iiba ka na."
"Huh?!"
"Ano... basta."
"What do you mean?"
"Ano, katulad niyan. Di ka naman mahilig mag-English. Pero ngayon, kahit ako o si Tatay ang kausap--"
"Change is good, Lai."
"Hindi lahat nang pagbabago ay okay, Jus. M-minsan, pinapakaba mo ako s--"
"Okay, okay!" may inis niyang sabi. "I'll use my old cologne again. Happy now?"
Nagkaroon kami nang tahimik na di pagkakaunawaan nang gabing yun. Nagpaalam siya sa amin ni Tatay na uuwi na pero hindi kami gaanong nagkaayos.
Makaraan ang dalawang linggo na dumalaw uli siya sa bahay at yayain akong magsimba,
"Jus..." tawag ko sa atensyon niya habang nagmamaneho.
"Uhm...?"
"Ano, sorry nung nakaraan."
"About...?"
Tumikhim ako, "Yung perfume mo. Ano, okay lang naman na magpalit ka. Naisip ko kasi nitong mga nakaraang araw na kailangang ibagay mo ang sarili mo sa environment mo."
"What do you mean?"
"Sabi mo nga change is good."
Di siya nagkomento kaya,
"Naisip ko, kaya ka gumagamit nang mamahaling pabango kasi mayayaman ang kadalasan ninyong mga kliyente. Eh yung paborito mong pabango, ano, very common sa mga ano ba...uhm... middle class o kagaya natin."
"It's okay, Lai. Ayokong mag-iisip ka nang kung anu-ano."
Di na rin ako nakipagtalo pa. Baka masira na naman ang araw namin ganitong bihira na nga kaming magkita. Isa pa, hindi ko nagugustuhan ang pakiramdaman na hinihila ko siya para umangat.
"Sorry about earlier. My bad," hinging paumanhin ni Atty. Marquez pagpasok niya sa driver's side. "I should have filtered my words when there are ladies around."
"May babae o wala, hindi tamang pag-usapan o pag-isipan nang ganun ang mga katulad namin. Wala ka bang nanay o kapatid na babae?" inis kong sabi habang inaayos ang walking stick sa tabi ko.
"I said I'm sorry. I'll watch my mouth from now on, okay?"
Walang-kibo kong kinapa ang seatbelt.
"Let me," alok niya.
"Ako na. Kaya ko," may bahid asar ko pa ring sabi.
Pero di ito nakinig kaya langhap-langhap ko ang pabango niya nang abutin ang seatbelt sa kanang bahagi ng ulunan ko. Halos nakadikit ang dibdib niya sa akin. Ayokong maamoy dahil naalala ko si Jus at ang isa sa pagtatalo namin. Itinakip ko ang isang palad sa ilong at bibig ko.
Naramdaman ko na natigilan ito, "Why? Do I smell bad?"
Nainis na naman ako, "pwedeng pakitapos na nang gagawin mo?"
"Oh, yeah. Sorry."
Nagmadali na nga ang lalaki pero inungkat uli ang,
"Mabaho ba ako?" tapos ay suminghut-singhot pa. Inamoy malamang ang sarili. "Hindi naman ah. I haven't sweat yet for the day since aircon naman sa office."
"Di ko gusto ang amoy ng pabango mo," flat kong sagot.
"Girls love my perfume."
"Di ako kasali dun."
Mahina lang itong tumawa, "What a snob," tapos ay pinaandar na ang kotse niya.
Makaraan ang ilang minuto, saka ko naalala.
"Ahm, Attorney, baka mapalayo tayo. Di ko pa nasasabi kung saan si Tat--"
"We've been on the road for some minutes now without me asking for directions, so what do you think?"
Otomatikong napairap ako.
Mahina na naman itong tumawa, "Ang cute mo inisin, d'you know that?"
Nanunudyo ito pero mainit talaga ang hininga ko sa isang ito.
"But I am to ask you something else, though," nahimigan ko ang pagseseryoso nito.
Medyo nakaramdam ako nang pagkailang. Sabi kasi ay personal ang itatanong niya. At may hinala ako kung ano yun. Naghintay ako kasi mukhang bumubwelo pa ito.
"Didn't you ask Atty. Navarro to help you out?"
Ayan na nga ba.
"Ano ba sa palagay mo, Atty. Marquez? Imposibleng hindi alam sa opisina ninyo ang nangyari sa amin," balik ko sa kanya na magkahalong sarkasmo at pait.
"So I guess you didn't know that he never came back to work after that birthday leave when you went to our office, and we first met."
Napalingon ako sa direksyon niya, bagsak ang panga.
"Ano?!" halos di yun lumabas sa bibig ko.
Ang akala ko ay may inimbita noon si Jus na mga kasamahan sa Marquez. Pero kung ganun nga ang ginawa nito, saan galing yung perang ni-loan niya para sa kasal namin?
"M-may iniwan bang utang sa kumpanya n'yo si Ju--"
"Nope. Not loan. Di rin naman nagdispalko ng pera. But he left a big mess."
"Ano'ng--""
"Nah, don't bother yourself with that. You have nothing to do with it."
Pero naku-curious talaga ako.
"Atty. Marquez...?"
"Hhmm...?"
"A-anong plano mong gawin k-kung magkita kayo ni Ju-Atty. Navarro?"
Saglit itong tila nag-isip bago, "I dunno. He's been dodging me despite that I knew he finds me as his biggest challenge. "
Napalingon uli ako sa kanya. Kahit halos silhuweta niya lang ang nakikita ko, naroon sa sulok ng isip ko na ninanais na makita ang totoong reaksyon niya. Kasi alam niya pala.
At nagulat pa ako sa sunod niyang sinabi, "By the way you react, I think you are aware."
Muntik kong sabihin na kulang na sabihing iniidolo siya ni Jus dahil parang gusto mismo nang dati kong nobyo na maging si Atty. Marquez mismo. Isang realisasyon na nagkaroon ako ngayon.
"He has a big potential that was why I asked my father's approval before na si Atty. Navarro ang maging partner ko sa Almonte Group of Companies versus Montemayor Corporation. Tsk."
Halata ang panghihinayang sa boses niya. At nagkaroon ako ng duda kung dahil sa pagkawala ni Justin sa kanila , o sa mismong kaso kasi,
" I wanted to mold him. I had this vision na darating ang panahon, magiging isa siya sa magaling na pundasyon ng Marquez. But he was so impatient. Making him vulnerable to tempta-- uhm... corruption. I can't consider that our firm won that case because we were left hanging by your ex."
Napatikhim ako.
"I'm sorry, I didn't mean to uhm..."
"Hindi, ayos lang. Sanay na ako."
"I don't think so."
Napasimangot ako tapos tumawa ito nang mahina uli.
"Luckily, we were able to salvage the case. Break even ang nangyari. But still, I think yun ang pinakapanalong mararating ng kalaban namin dahil talo talaga sila. It's just that.... tsk," napabuntung-hininga ito. "Anyway, I'm actually looking forward to meeting him in the court, since he left our firm and transferred to Santiago."
Nanigas ang leeg ko para hindi muli mapabaling sa direksyon niya.
Hindi ko alam na doon lumipat si Jus. Sinara ko ang tenga sa lahat ng impormasyon tungkol sa kanya mula nang iwan niya ako sa altar.
Hindi ko nga malaman kung dapat ko bang ikatuwa o ikasama ng loob na hindi man lang nagtangkang magpaliwanag o mag-sorry ni Jus o kahit na sino sa pamilya niya sa nangyari. Sa nakaraang tatlong taon, wala. Hindi naman kami lumipat ng bahay. At sa mga nakaraang taon, hindi ako lumayo. Naging kanlungan, o sa tamang salita, ikinulong ko ang sarili sa bahay namin, partikular sa kuwarto ko. Dumating nga ako sa puntong nagulat dahil may bago kaming kapitbahay, may itinayong bagong apartment sa kanto sa amin at yung ilang medium establishments.
Nang kausapin ko si Jus para humingi ng tulong, kinapalan ko na lang nang husto ang mukha ko. O kung ako ba ang dapat tawaging makapal ang mukha sa kabila nang ako ang iniwan.
At sa paghaharap naming yun ni Jus, isa ang napagtanto ko.
Ako ang kadenang humawak sa kanya para umunlad. Base kasi kay Gina na kasama kong nagpunta sa kanila, hanggang third floor na ang bahay nilang dati ay bungalow type lang. May dalawang sasakyan-- isang kotse at closed pick-up. At yung tindahang para sa nanay niya, isang mini-grocery na. Lahat nang iyun, nakamit niya sa maikling panahon.
Ang pagpunta naming yun ay magkahalong kaunting pasasalamat at malaking sama ng loob.
Kaunting pasasalamat dahil pinakiharapan naman ako ng nanay ni Jus nang maayos. Sa sobrang ayos, ay nakakainsulto na. Walang bahid na paghingi ng paumanhin sa kahihiyang inabot ko sa ginawa ng anak niya. Na parang isang dating kakilala lang na pinapasok sa bahay nila. Mabuti na lang at di na ito nagsalita patungkol sa nakaraan. Na kung ano na ang narating nilang pag-unlad. Pero halatang nais agad kaming paalisin dahil marami raw aasikasuhin sa mini-grocery.
Inalok lang kami ng maiinom at saglit na pinaghintay. Pagkatapos ay tinawagan si Jus. Malaki naman ang hinala ko na hindi na roon nakatira ang lalaki dahil siguradong may sarili na itong pamilya ngayon. Kaya nga kay Nanay Rita ako unang lumapit para hindi masyadong masamain nang napangasawa ni Jus ang pagsisimula ko ng komunikasyon.
Kaya lamang, umalis kami ni Gina kina Nanay Rita na parang kami pa ang nagkaroon ng utang na loob dahil pumayag si Justin na magkita kami sa isang restaurant para mag-usap.
Ipinagpasalamat ko na lang na nagpa-reserve ang lalaki sa isang cloesed-door dining room. Dahil,
"Lai... I'm s-sorry for--"
Napaiyak agad ako pagkarinig noon. Agad kong iniangat ang isa kong palad para patigilin siya sa iba pang sasabihin.
Humigpit ang kapit ni Gina sa braso ko. Nagpipigil ang kaibigan ko ng galit. Hindi nga lamang makapagsalita nang masama dahil kami ang hihingi ng pabor.
"H-huwag na nating ungkatin, Justin. Ilang taon na ang lumipas," sabi ko sa paputul-putol na salita dahil ang hirap magsalita gayung gustong sumambulat nang lahat ng emosyon sa akin. "H-hindi ako humingi ng o-oras mo p-para sa akin. Para... para kay T-tatay ang ipinunt--"
"I-I know, L-lai..."
"H-ha?"
"Alam ko ang kaso ni ... ng tatay mo."
Pinigil ko ang mapahikbi. Ni hindi niya tinawag si Tatay gaya nang dati.
"T-tutulunga--"
"I-I can't, Lai..."
Mahigpit kong naikuyom ang mga palad.
"Pagkakataon mo na, Atty. Marquez..."
"Huh? Why is that?"
"Si Atty. Navarro ang abogado nang mayamang pamilyang nagdidiin kay Tatay na iakyat na murder ang kaso," at kumawala ang isang luha na pinipigilan ko.
"That fucking bastard!"
==============
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro