15 Perfume
"Ayoko!"
Nagtatalo kami ni Atty. Marquez hanggang sa loob ng kotse niya. Naiwan namin yung Shelly na napatunganga sa sinabi niya. At ang walanghiyang ito, walang ibang sagot sa marami kong tanong sa binitawan niyang salita dun sa babae maliban sa sagot niya sa akin ngayon na ganun pa rin.
"You heard me, Laila. What I've said is what's going to happen."
"Ni hindi mo ako kinunsulta kung gusto ko ba, ha?!" nanggagalaiti ako sa gigil.
"What for? You'll say no like what you're telling me now," cool na cool lang niyang sabi saka ini-start ang kotse.
"Alam mo naman pala. E bakit—"
"That's why I decided for us."
"Ano'ng 'us'. Walang tayo."
Natawa ito, "What made you think there's an 'us', Laila Centeno?"
Natikom ang bibig ko. Para akong sinaksak sa dibdib sa narinig. Napahiya nang husto sa tinuran niya.
"We're in this together because you asked help from my best friend and he called me? And do you remember what you said that day to make sure I dip my hands into your family's mess, Laila?"
Mariin akong napatiim-bagang.
Sa maikling sinabi kong walang ibang intension kundi ang sabihin sa kanya na kausapin muna ako bago magdesisyon sa mga bagay na wala akong interes ay isang katotohanan ang lumabas.
Katotohanang yun din naman ang sinabi ko sa sarili na kung anong meron sa aming dalawa, pero masakit pa rin.
Huminga ako nang malalim para mapigilan ang pagtulo ng luha ko bago, "Oo nga pala. Nakalimutan ko. Pasensiya na."
"L-Lai—"
Inangat ko ang isang kamay para patigilin siyang magsalita pa.
"Tama na, Atty. Marquez. Huwag muna ngayon."
Napabuga niya ng hangin sa bibig, "Alright."
Nang makapagparada na siya sa loob ng gate, agad akong lumabas ng kotse. Tinabig ko ang kamay niyang nagtangkang umalalay sa akin nang mabuksan na ni Elsa ang pinto.
"Kabisado ko ang bahay namin," simple kong sabi.
"Oh, please! Stop being so childish!" paangal na sabi ni Atty. Marquez na humabol sa akin. "Laila, ano ba?!"
Pinalis ko lang uli ang kamay niya sa braso ko.
"Tsk!"
Sunod pa rin siya hanggang sa itaas.
"Lai, naman! Stop it, okay?"
"Hindi na nga ako nagsasalita. Ikaw itong marami pang sinasabi."
"Then why are you acting up?"
"Acting up? Matagal na akong ganito, lalo na sa iyo, di ba?"
"What the – But I thought we're okay now?"
"Kaya nga."
"Eh bakit ka ganyan?"
"Ganyang ano? Lumabas ka nga ng kuwarto ko!"
"Ayan! Ganyan!" medyo tumaas na rin ang boses niya.
Napabuga ako ng hangin sa bibig.
"Wala. Wala. Napagod lang ako," at nagbuntung-hininga uli. "Magpapahinga na ako. Labas ka na."
"We need to talk. I didn't mean to offend you or some—"
"Kailan ba yung anniversary party?" walang emosyon kong tanong.
"Laila, you don't have to come if –"
"Di ba sabi mo ikaw na ang nagdesisyon para sa atin?" pambabara ko sa kanya. "We are in this together, remember? Kasasabi mo lang kanina sa kotse? Yun ang gusto mo, hindi ba? O ayan. Di na kita kokontrahin. You decided for us nga eh, di ba?"
"Laila..."
"Labas!"
Nangalay na ang braso kong nakaturo sa pinto ng kuwarto ko ay walang paggalaw na maririnig sa palagid. Ayun lang ang silhuweta niyang nakatayo sa gitna.
Ako na ang napagod. Pakapa-kapa akong kumuha nang pambahay at tuwalya. Saka bumaba uli para maglinis ng katawan sa banyo.
Nasa baba si Elsa at isang bodyguard ni Atty. Marquez.
"Lai, gusto mo ng kape?" alok ng babae. "Marami itong isinalang ko sa coffee maker."
"May chamomile tea pa ba?" tanong ko.
"Meron pa. Sige. Pagkatapos mo sa banyo, meron na."
"Salamat."
"Me. I want mine black," sabi ni Atty. Marquez na sumunod din sa akin.
Sinadya kong magtagal sa CR. Hindi na nga masyadong mainit yung tea ko kaya mabilis ko lang yung nainom.
"Nasa kuwarto mo na yung braille books," abiso ni Elsa.
"Sino'ng nag-akyat?"
"Si Attorney."
"Umalis na?"
"Kani-kanina pa. Halos isang oras ka sa banyo eh."
Di na ako nagkomento.
"Magbubukas muna ako, Lai. Wala akong magawa. Di ako sanay nang mahabang tulog."
"Ikaw ang bahala."
Tulungan ko o hindi, madalas namang mabilis matapos sa gawaing bahay ang babae. Ang free time nito, inuubos sa tindahan habang nagdudutdot sa laptop o cellphone niya.
Gusto ko nang matulog pero hindi ako dalawin ng antok. Umuukilkil sa utak ko ang sinabi ng abogado kaninang nagkasagutan kami.
"What made you think there's an 'us', Laila Centeno?"
Nagpupuyos ang damdamin ko sa panunumbalik ng pagkapahiya sa naibubulas ko sa kanya kaya niya nasabi yun. Bumangon ako at kinapa ang portable stereo sa bedside table. Binuksan ko yun at nagpiipndot para humanap nang FM station. Nag-earphones ako at nakinig ng music. Nagpapakalma ng sama ng loob. Pero makaraan ang maraming minuto at ilang kantang natapos, walang epekto. Bagkus, pag-iyak ang napala ko at baradong ilong. Paano ay may mga kanta doon na nagpapaalala sa akin kay Justin. Mula nang magkakilala kami hanggang sa magkahiwalay.
Padabog akong bumangon uli. Naririndi ako sa mga kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Lumapit ako sa bintana.
Sarado na ang tindahan. Wala akong naaninag na liwanag maliban sa ilaw galing sa poste sa tapat namin.
Marahas akong nagbuga ng hangin sa bibig bago pakapa-kapang tinungo ang study desk.
Kahit bulag, hindi pa rin ako sanay sa puro dilim dahil nakakaaninag pa rin naman ako kaya binuksan ko ang table lamp. Nakita ko agad ang silhuweta nang braille books na binili kanina sa ibabaw ng mesa.
Hindi na yata darating ang panahon na makakakita akong muli. Hanggang ganito na lang. Puro aninag at silhuweta.
Lalo akong na-depress sa naisip. Impit na napahikbi.
Kaya nang mahawakan ko ang naka-paper bag pang bagong braille books, tinabig ko yun nang marahas. Nakalimutan ko na maiistorbo si Elsa na natutulog sa sala sa ibaba.
Heto na nga at may mabilis na mga yabag papaakyat. Napasapo ako sa noo. Nahihiya sa inasal. Siguradong nag-aalala ang babae kung ano ang nangyari sa akin base sa bigat ng mga hakbang nito.
Narinig ko ang pagpihit ng doorknob. Hindi ko pala nai-lock.
Handa na ako sa magiging excuse ko sa babae nang,
"Laila, what's this about?"
Napasinghap ako. At agad bumawi.
"Di ba umalis ka na? Bakit ka pa bumalik?" asik ko.
"Was me going out the reason you're still not done with your tantrums?"
"Hindi ako nagta-tantrums!"
Lalo akong nabuwisit dahil mahina lang siyang tumawa bago humakbang palapit.
"Dun ka sa kuwarto ni Tatay. Di kasama ang kuwarto ko sa inuupahan mo!"
"Hey... hey..." ang sabi na hinawakan ako sa kamay.
Hindi niya yun binitawan kahit anong hila ko. Hanggang hatakin niya ako sa kanya at yakapin.
"I'm sorry, Laila," bulong niya.
Napaiyak na ako sa dibdib niya. Giniya na niya ako papunta sa kama. Kalmado na akong nahiga at ganun siya.
Tinangka niya akong paunanin sa dibdib niya pero tumalikod ako, kipit ang kumot.
Huminga si Atty. Marquez nang malalim.
"Umalis lang ako sandali para may kuning papeles kay Dad sa bahay para diretso na ako sa office bukas."
"Pake ko!" piksi ko uli nung hawakan ako sa braso. "Dun ka sa kuwarto mo."
Buntung-hininga uli siya tapos ay tumihaya.
Ilang minuto bago siya uli magsalita.
"Laila, I didn't mean to hurt you but I don't want you to expect. I was honest with you before. Despite what you've experienced, you still believe in love. But really I don't. Please don't fall for me."
Nakuyom ko ang hawak na kumot.
"Masyado kang asumero," sambot ko para iligtas ang kahihiyan ko.
"Was I?"
"Oo. Nasabi ko lang yun kanina, dahil nagdedesisyon ka na hindi ako kinukunsulta. Wala akong hilig sa mga party."
"Well, your facebook account says otherwise."
"Nakakakita pa ako noon."
"So what if you can't see now? Kasama mo naman ako."
"Hindi na ako kumportable," matabang kong sagot. "Lalo at ikaw ang kasama."
"So you're more comfortable sulking in your room?"
"Oo. Yung tahimik. Walang nanggugulo."
"You indirectly invited me into your life, Laila. And I spell trouble. You must know that. So deal with it."
"Na-gets ko naman. Sabihan mo na lang ako kung kailan yung party-party na sinabi nung Shelly para makapaghanda ako," walang gana kong sabi.
"Don't worry about what to wear. I'll take care of it."
"Oo na. Lumabas ka na," taboy ko uli.
Sa halip na umalis, yumakap mula sa likod ko.
"Dito muna ako. I missed you."
"Miss you, miss you," pabulung-bulong kong sabi. "Dun ka sa Shelly mo."
Bigla itong natawa. "Ow common, Lai!"
"Magpapa-check-up ako bukas. Baka nahawaan mo 'ko ng STD."
"What the hell?!"
"Lumabas ka na!"
"I'm clean!"
"Malay ko ba! Ayoko na sa 'yo!"
"Teka nga muna, Laila—"
"Alis!"
"Nothing happened between Shelly and I!" angal nito.
"Wala akong pake! Hindi ko alam kung sinu-sino sinisipingan mo at kahalikan mo. Kadiri ka! Baka may STD ka!"
"STD?! I always use protection!" depensa niya pa rin.
"Baket? May condom ba para sa bibig? Sa buong katawan? Alam mo ang herpes?!"
"A-ah... eh..."
"Kita mo na! Hindi ka makasagot."
"I mean... what I'm trying to say—"
"Paano akong maniniwala sa iyo? Sa dalawang beses natin, hindi ka gumamit ng condom," sumbat ko.
Natigilan ang lalaki.
"Tsk! Di na ako nadala. Pare-pareho lang kayong mga abogado!"
Doon na ito napikon. Tumayo at lumabas. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kuwarto ni Tatay kung saan siya dapat natutulog.
Tumilaok na ang manok ng kapitbahay namin nang makatulog ako. At tanghali na nagising.
Wala na si Atty. Marquez.
Hindi ko pinahahalata kay Elsa na mainit ang ulo ko sa amo niya. Na nahaluan na naman ng depresyon at pagkahabag sa sarili dahil hindi doon umuwi ang abogado kinagabihan at nang sumunod na dalawang araw pa.
At kung dati ay nakukuntento na akong magmukmok sa bahay, ngayon ay naging mainipin ako.
"Elsa, pasyal tayong mamayang hapon," yaya ko sa kanya nung malapit na kaming matapos mananghalian.
"Itatawag ko kay Attorney pagkatapos nating kumain."
Gusto ko na namang mainis sa babae pero no choice kundi ang maghintay.
Makalipas ang mahigit isang oras, may narinig akong motor na huminto sa tapat tapos ay kumatok si Elsa sa kuwarto ko.
"Pumayag si Attorney. Maghanda ka na."
"Sino yung dumating?"
"Kasama natin."
"B-bakit?"
"Nagtanong ka pa. Alam mo'ng ginawa mo dati sa akin nung huli tayong umalis," ang sagot bago tumalikod.
Napakagat-labi na lang ako tapos ay nagbihis na.
"Saan mo gustong pumunta?" tanong ng babae ilang minuto makalipas nang pagmamaneho niya sa van.
"Ahm... saan ba may malapit na pasyalan dito na hindi mall?"
"Museum, gusto mo?"
Umiling ako, "Dalawin ko si Tatay sandali tapos ikaw na bahala."
Halos isang linggo na kasi nang huli kaming magkita ni Tatay. Naghigpit na talaga sila ni Atty. Marquez sa bilang ng pagdalaw ko kahit pa ang lapit lang ng PNSB sa Pasay City Jail.
"Kumusta na po kayo dito?" ang tanong ko agad kay Tatay pagkaupo niya sa visiting area.
"Maayos naman," tapos ay umubo.
"Parang antagal na niyang ubo niyo, 'Tay. Meron ka na niyan nung huli kong dalaw sa iyo," nag-aalala kong puna. Kinapa ko ang kamay nila at braso. "Teka, parang mainit kayo, ah."
"Galing akong trangkaso, 'nak."
"Kailan pa? Bakit walang sinabi si Atty. Marquez sa 'kin?" nahaluan na ng inis ang pag-aalala ko. "May iniinom ba kayong gamot?"
"Kumpleto ako sa gamot at pagkain," sagot niya na napaubo uli. "Si Ralph ang nagsiguro na meron. Galing siya dito kaninang umaga."
Iniba agad ni Tatay ang usapan sa lagay ko sa bahay.
"A-ayos naman po," medyo nautal ako sa pagsagot.
"Sigurado ka ba, Laila?" may hinalang tanong niya.
"Ano, hindi lang ako talaga pabor sa ano, sa set-up sa bahay ngayon, 'Tay," di ko mapigilang mapaiwas ng tingin sa kanya.
Nagi-guilty ako na gumawa kami ng 'himala' ni Atty. Marquez sa pamamahay pa mismo namin.
"Masasanay rin ako, 'Tay. Uhm, malakas ang tindahan natin ngayon kumpara noon. Mas ano kasi ... mas maraming tinda."
Si Tatay na ang nagkuwento tungkol sa takbo ng kaso niya. Wala masyadong detalye. Basta ang sinugurado niya na maayos ang lagay niya kumpara sa ibang nakakulong dito.
Napu-frustrate ako na ayaw nila ni Atty. Marquez na marami akong alam sa detalye. Hindi ko na kailangang direktang itanong kay Tatay. Alam niya ang tangka kong pakikipagkita kay Justin.
Nakakasama ng loob lang na tila wala silang tiwala sa akin na ilallagay ko ang sariling ama sa kompromiso.
Ang akin lang naman, baka ako ang may makuhang impormasyon na makakatulong kay Tatay, kung saka-sakali.
Yun nga lang ba, Laila?
Sundot ng utak ko.
Ah ewan!
Bago ako umalis, nagbilin si Tatay ng mga bagay na palagi naman niyang sinasabi. Hindi niya akong pinayagang yakapin at halikan siya sa pisngi nang magpaalam ako. Baka raw makahawa siya sa akin.
Nagpalipas ako ng oras at nagpahangin sa amusement park sa likod ng Mall of Asia. Natuwa naman ako na kahit may hinnakit sa akin si Elsa ay binilhan ako nang makakaing hotdog sandwich at bottled juice. Nagsimulang dumami ang tao nang magtatakip-silim na.
Katulad nila ay nanood ako nang isa sa pinakamagandang sunset sa buong mundo dahil nasa parte rin naman yun ng Manila Bay. Gandang hindi ko rin naman masyadong na-appreciate dahil silhuweta lang naman ang kita ko. At naghatid yun ng lungkot sa akin.
Naalala ko noong estudyante pa lang kami ni Justin, dalawang beses naming panonood ng sunset sa bandang breakwater. Wala kasi kaming pera para mag-date. Nagbaon ako ng sandwich at tetrapack juice dahil alam ko namang wala siyang budget. Nung mabitin, bumili nga lang kami ng paborito niyang siomai at gulaman sa isang stall doon.
Pinangako niya sa akin na kapag may trabaho na siya ay kakain kami sa floating restaurant doon. Nasabi ko kasi sa kanya na di ko pa nae-experience na sumakay sa bangka o barko kaya niya nasabi yun. Pangako na napako at pareho na naming nakalimutan. Ngayon ko lang naalala uli.
"Elsa," tawag ko sa babae na nasa kaliwa ko lang. "Gusto kong masubukan yung dinner cruise."
"Puwede naman pero hindi ngayon. Required ang advance booking sa ganyan."
"Ah ganun ba?"
"Kelan mo ba gusto?"
"Ah ... h-hindi. Huwag na," bigla kong bawi.
"Hindi nga. Para mahanginan ka. Parang kulob na kulob ang utak mo eh."
Napanguso ako.
Natawa ang babae ng mahina, "Sasabihan ko si Ralph. Si Attorney Marquez, I mean. Isang tawag lang nun, kahit exclusive pa sa iyo ang isang yate diyan."
"Grabe naman kung ganun."
Tumawa lang uli nang mahina.
"Elsa?"
"Oh?"
"Ralph lang ba talaga tawag mo sa kanya?"
"Bakit, selos ka?"
"Hindi ah!" tigas ng tanggi ko.
Tumawa uli pero maikli lang, "Sa agency kasi, first name basis lang kami. Kahit yung may-ari, Rob lang tawag namin. Minsan boss, lalo na kung may kliyente. Ganun din si Ralph. Suki yang Marquez at mga referrals nila sa amin. Medyo nakakasanayan ko lang na tawaging attorney kasi ganun tawag mo sa kanya. Nahiya naman ako sa 'yo. Di ko nga malaman kung bakit attorney pa rin ang tawag mo dun."
"Tara na," bigla kong yaya pauwi dahil may tinutungo ang mga salita niya.
Medyo mabagal ang daloy ng traffic sa Pasay.
"Elsa, ano yang maliwanag na bandang unahan natin?" tanong ko sa kanya habang nakatanaw sa labas ng van.
"Alin?"
"Yang building na yan," turo ko.
"Hotel casino yan. Bakit?"
"Mahal ba kung diyan tayo kakain sa resto sa loob?"
"Ha?"
"Uhm, wala."
"Narinig kita. Nagulat lang ako sa tanong mo. Sandali."
Naramdaman ko na nagbago siya ng lane namin papunta sa nasabing hotel casino.
"Teka lang, Elsa. Baka kulangin ang dala kong pera," awat ko.
"Ako'ng bahala. Mas importante na interesado ka na lumabas ng bahay. May go signal naman ako kay Ralph na dalhin ka kung saan mo gusto basta may back-up tayong kasama."
Yun lang tapos ay may tinawagan ito. Akala ko ay si Atty. Marquez.
"Hello, Jack?" tapos natawa saglit. "Oo, dito nga. Ang bilis mo mag-locate ah... Ayos naman. Chicken lang. Ito nga, kasama ko. Jack, tanong ko lang yung membership natin dito. Gusto mag-dinner sa hotel dito ng alaga ko ... ah okay, good kaso wala akong issued card dito sa assignment ko ngayon... sige, pakitawag kay Ms. Rika. Ge, salamat. Bye."
"Sino'ng Ms. Rika?"
"Kaibigan ng grupo nina Rob at Ralph. Isa sa mga may-ari nung casino diyan."
"Babae?"
"Miss nga, di ba?"
Napairap ako.
Pagdating sa reception, amoy sosyal talaga yung lugar. Bigla akong na-conscious.
"Uhm, hindi ba awkward suot natin?"
"Smart casual lang sa mga restaurant dito na open sa public. Ganun din sa casino. Halika."
Naupo kami sa malambot na couch sa reception. Makalipas ang ilang minuto, may lumapit sa aming lalaki.
"Excuse me, Ma'm?"
"Yes?" si Elsa.
"Are you from Agoncillo?" medyo mahina ang tanong nay un.
"Oo."
"Here's the platinum card membership sent by Ms. Rika Kobayashi's office."
"Ah, salamat."
"And, you must be Ms. Centeno? Laila Centeno?"
"Ah, oo. B-bakit?"
"Ms. Kobayashi also sent this card extension for you."
"Huh?"
"The principal member is Atty. Raphael Marquez, under platinum as well. Would you want me to give you the details of the privileges, Ma'm?"
"Okay na. Ako na'ng bahala," si Elsa.
Pag-alis nung lalaki, "Elsa... sandali."
"Oh, bakit?"
"Tawagan ko lang si A-atty. Marquez."
Kinuha ko ang cp sa ladies' sling bag ko. Kinapa ang keypad number one at pinindot.
Akala ko ay hindi niya sasagutin dahil panlimang ring na bago ko narinig ang, "Yes, Laila?"
"Uh...may ano. May binigay sa aking extension card..." umpisa ko.
"Oh that? Yeah, you can use it."
"Paano mo nalaman?" nahihiya kasi ako. "Yung Rika ba?"
"Yup. Rika said Rob's agency called in asking to issue a card for a bodyguard I hired. Platinum cards are invitational only and I can easily get that from her in a snap of a finger. Rob's pretty occupied now so she asked me to confirm. When I asked for the name of the bodyguard, Rika said it was Elsa. Naturally, you're with her. So there."
"Uhm, ganun ba? Magkasama kayo?"
Ewan ko kung bakit bigla yung lumabas sa bibig ko. Para kasing napaka-espesyal naman yata nang treatment sa kanya nung Rika. Nakakaduda.
"Who, Rika? Later, I'll see her. We'll be watching a race. Why?"
Napasimangot ako, "W-wala. Ano, pakisabi na lang salamat."
"Why her? I'm paying for that card and any expenses associated to its use."
Napahiya ako sa naisip. Akala ko ay libre ito nung babae.
"Eh, ano, eh di thank you?"
"Sounds like a question to me," may panunudyo niyang sabi.
"Uhm, paano ko ba ito gagamitin?" pag-iiba ko sa usapan.
"Elsa's card will take care of your dinner. If you want to buy anything, use that in any boutique there. You can also play at the casino if you want. But I made instructions on your game credit limit, okay?"
"Ano, baka gabihin na kami nito ng uwi kung mag-iikot pa kami."
"Not a problem. Have some fun."
Busy ang utak ko habang kumakain kami ni Elsa sa palagay ko ay napakamamahaling restaurant sa loob ng hotel and casino.
Akala ko ay galit sa akin si Atty. Marquez kasi nga ay napikon siya nung huli kaming mag-usap. Tapos ay hindi nagpupunta sa bahay. Wala rin akong narinig mula kay Elsa na tumawag ito o kung anupaman.
Ngayon naman ay ang gaan ng mood niya. Parang walang away na nangyari sa amin. Imagine, parang wala lang sa kanya na bayaran ang gagastusin ko ngayon sa mamahaling establisyimentong ito.
Hindi kaya dahil dun sa Rika?
O sadyang ganun lang ang abogado? Yung walang-kwenta sa kanya ang pera at mga babae.
May tagong parte sa akin ang nalungkot.
Wala lang talaga sa kanya ang salitang intimacy, commitment at ... romantic feelings.
Kunsabagay, sa kanya na mismo nanggaling sa hindi siya naniniwala sap ag-ibig. Trauma galing sa nanay niya.
Sa parteng yun, gusto kong maawa sa kanya.
Ako kasi, nasaksihan ko ang masayang pagsasama ng mga magulang ko. Kahit pa maaga kaming inulila ni Nanay, naranasan ko ang maalgaan at mahalin niya nan husto.
Kaya nga malaki ang pananalig ko noon sa pag-ibig. Na dahilan na sakit na sakit ang kalooban ko sa pag-iwan sa akin ni Justin. At bagaman hindi na ako umaasa na mararanasan ko ang pagsasamang kasing tapat nang kay Tatay at Nanay, naniniwala pa rin ako na masaya ang magmahal.
Nag-ikot kami sa mga boutiques sa ground and second floor. Noong una ay wala akong balak gamitin ang extension card ni Atty. Marquez, pero nang mapadaan kami sa isang boutique doon, hindi ko naawat ang tukso.
Isa sa hilig ko ay ang pangongolekta ng pabango. Isa na lang ang natira sa akin dahil nang maghisterikal ako sa silid ko nang araw na dapat ay kasal namin ni Justine, ay nabasag ko ang karamihan sa mga pabango, lotion at kung anu-ano pang nahawakan ko.
Hindi attentive sa akin yung staff ng boutique. Siguro ay dahil sa suot ko. Branded naman pero karaniwang suot ng mga working class. Hindi katulad sa mga mayayaman. Tapos ay bulag pa ako. Baka iniisip nito na hihingi ako ng PWD discount.
Mas pinansin pa nga si Elsa.
"Siya ang asikasuhin ninyo," may kasupladahang sagot ng babae na siguradong ako ang tinitukoy. "Bodyguard lang ako."
Lihim akong natuwa sa tinuran niya. Naramdaman din nito ang simpleng diskriminasyon sa akin. At halatang napahiya ang boutique staff. Saka ako inasikaso.
"Estée Lauder ang hanap ko. Yung Beautiful," sabi ko sa babae.
"Ah, of course, we have."
Siguro ay dala ng pakiramdam na inapi, hiningi ko ang may kalakihang bote niyon. Tapos ay isa pang bote ng Daisy ng Mark Jacobs.
Pagkalabas ng perfume boutique, nagdala sa akin nang kakaibang kumpiyansa sa sarili ang karanasang makabili ng nais ko na hindi nag-aalala sa presyo. Napagtanto ko ang epekto ng pera.
Huwag, Laila. Sa ginagawa mo ay para ka na ring si Justin.
Awat ko sa sarili.
Kaso, itong si Elsa, "Halika, bili ka ng flat shoes mo. Halatang luma ang suot mo."
Tingin ko ay nahalata niyang nasaktan ako sa sinabi niya.
"Laila, wala ka sigurong pakialam dahil hindi mo nakikita, pero baka mamaya, may masuntok na ako dito na makakasalubong natin. At ayokong maulit ang nangyari kanina dun sa bilihan ng pabango. Ang pinasok nating hotel ang isa sa pinakapuntahin ng mga mayayaman."
Kaya heto kami sa pang-apat na shop para kumpletuhin ang pagpapalit ko ng kasuotan mula pang-itaas hanggang talampakan.
"Ang laki na nang na-charge sa card ni Atoorney," bulong ko kay Elsa nung naglalakad na uli kami.
"Barya lang yan sa kanya," kaswal na sagot sa akin.
"Eh kasi..."
"Bagay naman sa iyo ang pinili ko. Hindi k aba kumportable?"
"Uhm, ayos naman. Masarap sa balat yung tela. Tsaka relaxing sa paa yung sapatos. Di katulad nung ibang sapatos na masakit kapag bago."
"Yun naman pala. Tara, casino ka.'
"Hah? Uhm, huwag na."
"Halika na, para ma-experience mo. Kulang ka sa pakikisalamuha sa tao."
Na-realize ko, mabait naman si Elsa. Mabait na istrikto. Lalo kapag may kinalaman sa trabaho niya. Pareho lang sila ni Jon na maalaga. Ang pagkakaiba, magaan kausap yung lalaki. Itng si Elsa, simpleng masungit at diretso magsalita.
Sinamahan niya akong magpapalit ng chips gamit ang extension card na dala ko. Nagulat ako na may two hundred thousand na limit ang meron ako. Parang natatawa pa nga si Elsa nung,
"Ten thousand lang pinapalit mong chips?"
"Eh, nakakahiya."
"Miss, dagdagan mo pa ng forty k," sabi niya sa cashier.
Bad influence din pala itong bodyguard ko.
"Ito ba ang ginagamit sa slot machine?" tanong ko sa babae nung nagsimula kaming mag-ikot.
"Hindi. Pwede mo nang gamiting direkta yung membership card mo sa card reader. Tuturuan kita."
"Eh para saan yung chips?"
Sinabi niya kung saang mga laro ko yun magagamit. First time ko sa casino. Pinli ko ang slot machine tutal wala namang strategy or something dun. Ang alam ko, tataya ka lang, tapos hihilahin yung handle bar.
Hinayaan lang ako ni Elsa. Minsan naririnig ko siyang nagsasalita mag-isa. Malamang yung kasama naming bodyguard gamit yung communication device na parang earphone. Ganun ang nakikita ko sa mga movies.
"Buwisit! Malas talaga!"
Nagulat ako sa babaeng naglalaro sa katabing slot machine. Maliban sa pagalit niya yung sinabi, parang hinampas niya yung machine.
Di ko na pinansin. Malamang talon a ito at wala nang pantaya.
Umingit ang upuan nung babae. Tumikhim si Elsa. Kaya pala ay lumapit ang babae sa akin. Nakinood saglit, tapos ay,
"Ang konserbatibo mo namang tumaya," ang magaan nitong komento.
Kiit-balikat ang sagot ko.
"Why don't you raise your bet?"
"Uhm, di ko naman pera ito. Nakakahiya."
Tumawa ang babae, "The mere fact that person let you use the card, it's all yours. Common, raise it up. Para may thrill."
"Okay na ako dito. Thank you."
May kumalansing sa sahig. Nasagi yata ng babae yung walking stick ko.
"Is this yours?"
"Uhm, oo. Bulag ako."
"Oh, I see. By the way, I'm Wilma."
Natuwa naman ako hindi naging indifferent ang babae sa akin sa sa nalaman niya.
"Laila," pakilala ko pabalik.
Siya na ang gumagap sa palad kong nakipag-kamay.
Nakinood pa uli siya sa akin sa sumunod na limang laro ko.
"Buti ka pa, nanalo," pabirong himutok ng babae. "If you only increased your bet, mas Malaki sana panalo mo."
Kimi lang akong ngumiti.
"Laila," pasimpleng tawag ni Elsa, "Gusto mong lumaro sa iba?"
"Saan ba?"
"Try mo yung Craps game," suhestyon naman ni Wilma.
"Paano yun?"
"Turuan kita," sumigla ang boses ng babae.
"Elsa?" hingi ko ng permiso sa kanya.
"Sige. Nakasunod lang ako."
Si Wilma ang excited talaga. Hindi ko nga maintindihan ang pagtuturo niya sa akin paano laruin yung Craps. Dalawang ulit lang akong nakapag-roll ng dice tapos sa siya na palagi. Ilang beses niya akong ineengganyong tumaya ng malaki lalo na nung manalo ako nang apat na beses pero ayoko talaga.
"Come on. It's beginners luck. Sayang ang opportunity."
Nauumpisahan ko na'ng mairita sa kanya. At nahalata niya yun.
"I think I have to go. It's getting late," paalam niya. "My fiancé may call. Baka tapos na yung pinuntahan niyang drag race."
Tumango lang ako.
Mukhang pareho silang nagsusugal ng boyfriend niya.
"Ano? Ayos ka lang?" mahinag sabi ni Elsa pag-alis ni Wilma.
"Hindi. Kaunti na lang natitira sa pasensiya ko."
Maikling natawa ang babae.
"Wala rin akong naintindihan dun sa paliwanag niya sa rules nitong Craps," himutok ko.
"Gusto mo bang ituro ko sa iyo, o lipat tayo ng game?"
"Turo mo muna," hiling ko.
"Basic lang muna. Beginner ka pa lang eh. Bale seven eleven ang isa pang tawag sa larong ito kasi ..."
Mas naintindihan ko si Elsa. At naglaro uli ako nang ilang round. Hanggang,
"Hey..."
Napalingon ako sa may-ari ng palad na dumapo sa bewang ko.
"I heard you've got some winnings," simpleng komento ni Atty. Marquez.
"Hindi masyado. Uhm... Di ko pa rin nababawi yung nagastos ko sa card mo."
Tumawa siya nang mahina, "Kaya ka ba nag-casino para makabawi?"
"H-hindi naman."
"Good. Because the mentality of 'makabawi' is what makes a person addicted to betting. Don't think about the money you spent. Di ko naman pinababayaran sa iyo. I'll roll the dice when it's your turn. Then bet all your remaining chips. Win or lose, we go, okay?"
"Sige."
At nung hawak na niya yung dice, "Common, blow it. For goodluck."
Natatawang pinagbigyan ko.
Saglit lang at napahiyaw ang mga tao pati si Atty. Marquez.
"I told you. That's for goodluck."
Nanalo ako!
Pero ibinalik ko sa kanya yung extension card kahit sinabi niyang itago ko na lang.
"Ayokong malulong sa ganyan. For experience lang ang sa akin."
"Alright. But can we grab some food?"
Doon na rin kami sa hotel nay un kumain uli.
Yung naglalaro sa utak ko, di ko napigilang itanong, "Nagsusugal ka ba talaga? Ibig ko bang sabihin, tulad nito sa casino?"
"Ocassionally. Depende sa kliyente."
"Ah... katulad sa karera na pinuntahan mo? Kabayo ba yun?"
"Oh, no," natawa ito. "It's a street race. Drag race actually."
Naalala ko si Wilma at bigla akong napaisip, "Illegal yan ah. Abogado ka pa naman."
Tumawa lang ito nang maikli, "It's not for gambling. Nanood lang ako. I mean, moral support."
"Kanino?"
"Kay Rob."
"Huh?"
"He raced against his wife to settle their marriage disagreement."
"Ano?"
"It's a long story. But they're okay now. You done?"
"Oo."
"Dito na tayo matulog."
"Dito sa resto?"
"We'll check in upstairs, silly."
Natigilan ako.
"Don't worry. I'm too tired to whatever you're thinking."
Lihim akong napahiya.
"Isa pa, diyan lang sa kabilang hotel yung company anniversary na pupuntahan natin bukas?"
"Bukas na? Wala akong dalang damit?"
"I'll take care of it."
Tapat sa binitawang salita, natulog lang ang lalaki buong gabi. Lamang magkatabi kami sa iisang kama. Agad din akong nahimbing dahil sa lamig nang aircon at lambot ng kama. Nakatulong din ang init nang yakap sa akin ng abogado.
Sabay kaming nag-agahan nang magpa-room service siya.
"I'll be back later after office hours to pick you up. Stroll around again if you want. I'll give your extension card to Elsa in case you need to use it. But be here in your room at three in the afternoon."
"Bakit?"
"Someone will prep you up for the party tonight."
Di ako nakakilos nang magaan niya akong yakapin uli tapos at halikan sa noo, "Bye."
Ni hindi ako nakasagot hanggang makaalis siya.
Bumalik na lang ako sa pagtulog. Tanghali na ako nagising kaya nagpa-room service na lang ako ng pagkain. Tinawagan ko si Elsa para samahan ako sa kuwarto at sabayan akong kumain.
"Saan ka natulog?"
"Dito rin sa hotel. May in-issue sa aking platinum card, di ba? Relyebo kami nung kasama natin sa pagbabantay diyan sa inyo sa labas."
"Eh yung bodyguard ni Attorney?"
"Ganun din."
Nagbabad ako sa bathtub pagkatapos. Saktong nakapahinga na ako uli nang dumating ang apat na babae.
"Ralph said to pamper you for the party, dah-ling," maarteng sabi nung parang supervisor sa apat.
Binigyan ako ng full body and face massage. Parang ayoko na ngang um-attend sa party para ideretso yun ng tulog.
Tapos ay may mga damit at sapatos na ipinasukat sa akin hanggang makapili yung babae para sa akin.
Saka isinalang sa footspa with manicure and pedicure.
"Not too much make-up and complicated hair setting," ang sabi nung supervisor sa nag-aayos sa akin. "Ayaw ni Ralph at di babagay kay Ms. Laila. Just keep her look fresh."
Hindi ko man nakikita, ang ganda-ganda ng pakiramdam ko sa sarili pagkatapos.
May mahinang pumasok sa pinto at alam ko kaagad kung sino yun base sa yabag.
"Beautiful," ang komplimento ni Atty. Marquez.
Na-conscious tuloy ako.
"Of course! It's my work, Raphael," proud na sabi nung supervisor. "By the way, there's your new suit."
Nagpaalam na ang mga ito. Sumabay na si Elsa paglabas nila.
"I'll just get a quick shower," abiso ng lalaki sa akin.
Gusto kong mainggit sa mga lalaki dahil wala pa yatang kalahating oras ay nakabihis na ito.
"Ano'ng ginagawa mo?"
Binuksan kasi niya ang paper bag na sa palagay ko ay yung binili ko kahapon.
"I'm looking for the perfume you purchased. You're not wearing any. Oh, here it is."
Nakarinig ako nang dalwang magkahiwalay na wisik.
"Here," lumapit siya sa akin. "This smell suits you tonight."
May kakaibang init at kilabot na gumapang sa akin nang lagyan niya ako nun sa likod ng dalawa kong tenga, bahagya sa dibdib at mga pulsuhan.
"Just a little at the right places," pabulong na sabi. "Let's go?"
"S-sige. Yung ano ko... yung..."
"No walking stick for you tonight, sweetheart. I'm with you. Don't let go of my arm until I settle you to your seat later."
Hindi naman ako pinabayaan ng abogado pagdating sa anniversary gathering na yun.
Dati na akong nakadalo sa ganitong pagsasalo. Sa trabaho at sa alumni party nina Justin nang araw na maaksidente kami. Pero hindi ko maiwasan ang bahagyang pangingimi.
Kumpara sa dati, di hamak na nasa ibang lebel ang antas na kinaroroonan ko ngayon. At idagdag pa na ako lang yata ang nariritong may kapansanan.
"I'll join you, guys, after we're done here," sabi niya sa lalaking lumapit.
"Sige na," susog ko kay Atty. Marquez. "May importante yata kayong pag-uusapan."
"When you're finished with your food."
"Okay lang ako."
"You don't know if you have food on your face, Lai."
Di na ako kumibo. Kasi nga dalawang beses na niyang pinunsan ng table napkin ang gilid ng labi at baba ko.
"Hey, slowly," ang magaan niyang sita nang mapansing minadali ko ang pagkain. "The night is long. Relax."
"Eh kasi—"
"Enjoy your food, as I enjoy mine, okay?"
Nang umiinom na ako ng juice, "You sure you don't want to accompany me to my colleagues?"
"Ayos lang ako dito. Basta balik ka lang kapag tapos na kayo."
"Of course."
Nakarinig ako nang maikling tawa at hagikhikan mula sa mga katabing mesa dahil hinalikan na nito ang likod ng palad ko bago lumayo.
Nahiya tuloy ako.
Mga ilang minuto ang lumipas at may mga kaswal na bumati sa akin. Saglit lang naman. Mga pinakilala kanina ni Atty. Marquez pagdating namin.
Medyo naa-out of place na ang pakiramdam ko.
Sana ay hindi na lang ako pumayag kanina na pinag-off ng abogado si Elsa kaninang pag-alis namin sa hotel. Katwiran kasi ni Atty. Marquez ay magkasama naman kami buong gabi hanggang bukas dahil Sabado naman. At tatlo ang bodyguards niya. Kaya umayon ako. Wala pang off ang babae mula nang ma-assign sa akin.
May kausap o kasama sana ako ganyang ayokong maging sagabal kay Atty. Marquez. Alam ko na ang mga ganitong okasyon ang pagkakataong makakuha ng mga dagdag na koneksyon o kliyente.
Pinagkasya ko na lang ang sarili sa pakikinig sa live band na tumutugtog ng slow classic music. Hanggang,
"May I have dance with Atty. Marquez' lovely date?"
Nabosesan ko ang may edad na lalaki. Pinakilalla ito kanina sa akin. Katabing mesa lang namin kaya hindi na ako nagdalawang-isip dahil ang misis nito ay inudyukan akong pagbigyan ito.
Magaan naman itong nakipaghuntahan sa akin.
Matapat kong sinabi na nagkakilala kami ni Atty. Marquez dahil kay Mr. Agoncillo. Hindi na ako nagdagdag pa.
"Naaksidente po, kaya ako nabulag."
"Any chance of getting your sight again?"
"Meron naman po. Medyo mahirap lang po makakuha ng cornea donor sa Pilipinas."
"I bet you had a work before."
"Senior CPA, sir," at sinabi ko ang pangalan ng dati kong kumpanya.
"Really? You must be good if youworked there."
"Yes, she was."
Tumigil yata ang paligid nang marinig ko ang boses nang sumingit sa usapan naming yun.
"May I snatch your partner, Don Mariano?"
"Oh sure, but how about Atty. Marquez?"
"He'll be fine with it. He's a good sport anyway."
Wala na akong magawa nang ibigay ni Don Mariano ang kamay sa lalaki. Nang ilagay nito ang kamay ko sa balikat niya at bahagyang lumanghap,
"You still are a lover of expensive perfumes, Lai. Anyway, how have you been?" ang tanong niya na may pailalim na ibig sabihin.
"J-jus..."
Di ko malaman kung magsisisi ba ako o hindi na dumalo ako rito ngayong gabi.
=====================
Sa mga nakabasa ng series ko, does the name Wilma ring a bell?
=====================
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro