PROLOGUE
WARNING!
1. MABAGAL MAG-UPDATE ANG AUTHOR DAHIL WALANG LOAD.
2. NAG-IISIP NG MAGANDANG SCENE NA MAAARING MAKAPAGPAKILIG O MAGBIGAY NG KAKAIBANG EMOSYON SAINYO.
3. 'YUNG AUTHOR WALANG JOWA! (That's the truth. Hoyyy ano na? 2022 na🙂)
PROLOGUE
"Believe me! Mommy, i don't wanna lose the both of you." a little girl keep on begging to her parents.
Walang magawa ang mga magulang ng bata kung 'di ang halikan lamang ito sa ulo. Kailangan nilang magtrabaho at iwan muna sa loob ng maghapon ang anak sa lola nito.
But their child keep on telling them on what she just 'saw' by holding her father's palm.
"We'll be safe honey..." her father assured her with a bright small.
"Umalis na kayo, nag-iinarte lamang ang anak niyo lalo na at alam niyang wala siyang kakampi oras na mapagalitan ko."
"Ma, lambingin niyo rin ho kasi minsan at nang magkasundo kayo."
Wala nang nagawa ang paslit ng tuluyan nang umalis ang kaniyang mga magulang. Sa murang edad pa lamang ay may mga nakikita siyang hindi maintindihang imahe sa tuwing mahahawakan ang palad ng kahit na sino.
She's sure on what she just saw at her father's palm. Accident that will lead them to death.
"Dada! Mommy!"
*****
"Tell him to take back his words and, a-and make me have a normal life." nangatal sa paghikbi ang mga labi ko.
Nag-iwas siya niya nang tingin tila ba hindi alam ang sasabihin.
"I can't."
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay napuno nang kung anong emosyon ang dibdib ko dahilan upang malakas kong hawiin ang mga bagay na nasa sidetable ng kama ko. Gumawa 'yon nang malakas na ingay dahil sa pagkabasag ng flower vase at iba pang gamit.
"Tell him to take it back!" I don't know what I'm doing but I kept on screaming while crying.
"What the––Faithrill!" he hugged me from the back making me stop from what I'm doing.
"Tell him to take it back..." pabulong kong usal habang patuloy sa paghikbi.
Luam hug me even tighter. "Shhh calm down Faithrill..." he hummed.
Nang unti-unti na akong kumalma ay iniharap niya ako sakaniya, he smiled at me and fix the hair that covering my face.
"Luam––" my words were cut off by someone.
Pwersahan nila akong binuhat patungo sa aking kama. Nang muling lumapit ang isang nurse ay kaagad kong iniiwas ang kamay ko, natatakot na baka makita ang hinaharap ng taong nasa harapan ko.
"Sandali! Mas tinatakot niyo siya, ano ba! Bitawan mo ako!" rinig kong sigaw ni Luam.
Ngunit hindi ko na kaagad naiiwas ang isang kamay ko nang hulihin niya ito upang ayusin ang dextrose ko. Mabilis at tila ba isang pelikula ang nakita ko, ang buhay ng nurse hanggang sa kung paano rin siyang mawawala sa mundo.
Winasiwas ko ang kamay niya habang nanginginig ang buong katawan ko. " 'Wag kang lalapit!" I keep on screaming.
"Nurse please, let me calm her first!" halos pasigaw nang sabi ni Luam hawak-hawak na rin siya ngayon ng dalawang nurse dahilan upang hindi niya ako malapitan.
"Maam kailangan ko pa hong ayusin ang dextrose sa kamay mo.." mahinahong aniya ngunit mas nagpadagdag 'yon sa takot na aking nadarama.
"No! S-Stop right there!" ihinagis ko ang bawat bagay na mahahawakan ko kasama na ro'n ang unan na kanina lang ay nasa kama ko.
Ayoko... Ayokong makita ang kapalaran ng kahit na sino. Kung dati ay ang hinaharap lang nila kapag nakasama nila ako ang nakikita o ngayo'y hindi na. Tila ba nag-improve pa ang kakayahan ko at maging ang mismong kamatayan nila ay kitang-kita ko na.
Puno ng luha ang buong mukha ko nang mapalingon ako kay Luam, nagawa niya pang ngumiti saakin habang nagpupumiglas sa mga nurse tila ba pinalalakas ang aking loob.
Tuluyan na akong walang nagawa nang dalawang nurse na ang humawak saakin upang turukan ako ng kung ano mang gamot.
Bago pa man ako lamunin ng antok ay narinig ko pa ang kahuli-hulihang sinambit ni Luam.
"Teka lang! Bitawan niyo siya, nakiki-usap ako 'wag niyo nang dagdagan ang hirap na nararamdaman ng mahal ko..."
•─────✧─────•
Faithrill Quindez (Feyt-rill Kin-dez)
Arius Gedeon (A-ri-us Ge-de-yon)
Luam Zulema (Lu-wem Ze-lema)
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro