Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE

EPILOGUE


ARIUS GEDEON



"Alam mo dude masasayang 'yang oras mo kakaisip, go confess to her. If she likes you then it's good, if not then move on."

Napailing-iling nalang ako nang matandaan ang sinabi ni Laire, akala niya yata ay gano'n kadali ang mga sinabi niya.

"Fine, If I saw her right now I'll confess." bulong ko bago tuluyang lumabas mula sa eskwelahang pinapasukan ko.

Nang malapit na ako sa pedestrian lane ay natanaw ko ang isang pamilyar na bulto ng isang babae. It's her, it's Faithrill.

I was about to approach her when a loud sound filled our ear. Gano'n nalang ang panlalaki ng mga mata ko matapos makita ang isang sasakyan na papunta sa direksyon niya.

I run as fast as I could and held her hand in order to pull her away from the pedestrian.

She looks surprised but in other way around, hindi katulad no'ng una ko siyang sinagip dito rin mismo sa pedestrian.

"Are you okay?" I asked while my heart is pounding.

She look straightly into my eyes. Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa mga titig niya kahit ibang-iba na 'yon kumpara sa kung paano niya akong titigan noon.

Para siyang natauhan at mabilis na binawi ang kamay mula sa pagkakahawak ko. "Thank you." sambit niya, kahit ako ay biglang nailang.

"M-Mauna na ako?" hindi pa siguradong aniya.

Hindi ko alam kung tama ba 'tong oras para umamin, pero paano kung hindi na ako magkaroon ng tyansang sabihin man lang ang nararamdaman ko?

Hindi pa man siya nakakahakbang ay nahawakan ko na ang kanang palapulsuhan niya. Awtomatiko siyang napalingon sa'kin nang may nagtatanong na tingin.

Marahas akong nagbuga ng buntong hininga at tumikhim wari mo'y hirap na hirap bigkasin ang gustong sabihin.

"Faithrill," napahinto ako't napahawak sa batok ko.

Shit! Don't act like a fool Arius!

"May sasabihin ka ba? Ano kasi first day of class ngayon baka malate ako..." nag-aalangang aniya.

"I-I... um I didn't know how to express my feelings and right now I feel like confessing it instead," saglit akong nag-iwas ng tingin bago muling tumitig sakaniya.


"Faithrill... I like you."






"YOU DID?!"

"Oo, kailangan bang sumigaw Laire?" inis na sambit ko, kanina pa kasi siya halatang tinutukso ako.

I couldn't recognize myself, I guess I fall deeply with her.

"So what's your plan?" He asked, getting curious.

Nagkibit balikat ako. "Just to confess. I gotta go," tinapik ko ang balikat niya.

Bago pa ako makalabas ng room ay narinig ko ang sigaw niya. "Come on! Atleast just ask her on a date man!"

Napailing nalang ako dahil sa sinabi niya. Sa dami nang iniisip ko ay napag-desisyunan kong pumunta sa park kung saan si Faithrill ang kauna-unahang babaeng dinala ko.

"Heto po ang bayad," bumaba na agad ako ng taxi.

Medyo maaga pa kung kaya wala pa masyadong street foods. Napabuntong hininga ako at dinama ang malamig na hangin habang naglalakad patungo sa playground, bago pa man ako tuluyang makalapit ay bumilis ang tibok ng puso ko matapos masilayan ang kakaiba niyang ganda.

How? How could I fall for someone I just met?

Sinubukan kong maglakad palapit sakaniya nang hindi niya napapansin at mukhang masyado ngang malalim ang kaniyang iniisip para man lang maramdaman ang presensya ko.


"Ano nang gagawin ko?" bulong niya, halatang gulong-gulo na.

"Sa lalim nang iniisip mo mukhang hindi ko mararating kahit ang dulo nito kung subukin ko mang sisirin." biro ko.

Umupo ako sa swing na katabing sakaniya.

"You don't like me, aren't you?" I said, she finally glance at me.

I couldn't help but I can't control the emotions I am feeling right now.

"A-Ano?"

Tipid akong ngumiti. " 'Yung mga mata mo na mismo ang nagsabi saakin." sambit ko.

Mas nangunot ang noo niya habang nakatingin pa rin saakin. I can see that she's undenial.

"Pwede mo bang linawin? Hindi ko maintindihan ang gusto mong sabihin."

"Hindi mo ako gusto, 'yan ang nakikita ko sa mga mata mo. You may look amaze or something when we're together but your eyes... It looks different when you're looking at him." I said proudly, tila ba hindi nasasaktan sa katotohanang iba ang kaniyang gusto.

Napansin ko naman 'yon, noon pa.

She scoffed. "You're kidding me, I don't look in different way." maang niya't nag-iwas ng tingin.

Marahan kong hinawakan ang baba niya upang tuluyan iharap siya saakin. Kitang-kita ko kung paano siyang nagitla nang mapansin ang pagkakalapit ng aming mga mukha.

"Arius!"

"See? You instantly became nervous but when he's with you? You look like you're at ease, so peaceful." sambit ko at binitawan na rin ang kaniyang baba.

"Who's he?" maang niya, para bang hindi kilala ang aking tinutukoy.

"I don't know... Maybe Luam?" I said with a playful smirk on my lips.

She faked a gasp. "You smirked! Oh my gosh what an improvement." pang-aasar niya pa.

Kaagad namang nawala ang aking ngisi. Gumaganti ka Faithrill huh.

Nagawa niya pang tumawa kahit kani-kanina lang ay tila hindi niya alam ang gagawin.

"Pero seryoso hindi mo alam? You look surprise after what I just said."

I  gaped and look at her."You don't know how to confess?" pang-aasar ko pa.

Kusang umangat ang kamay niya  upang hampasin ako nang hindi gano'n kalakas. "Arius! Hindi 'yon gano'n 'no!"

Napailing-iling ako habang marahang tumatawa. "Then what? Bakit parang ikaw mismo hindi napansing higit pa sa pagkakaibigan ang tingin mo sa isa?"

Bumusangot si Faithrill, kala mo'y batang hindi nabilhan ng candy. "Hindi ko rin alam okay? Pati ako naguguluhan. I mean he'd been there since the day I lost everything, so what if I'm just feeling thankful? What if I like him because he's there? What if––"

I cut her off. "Those what if's they're not one hundred percent true. Sa tingin mo ba bakit hindi mo magawang aminin kahit sa sarili mo manlang?"

Napatingin siya sa haring araw na ngayon ay papalubog na.

"Takot...Takot ka sa maaaring maging bunga, hindi ba? But care to think of it, paano mong malalaman ang kasagutan kung hindi mo susubukan?" she didn't answer.

She stayed silent not until she change the topic and ask for help....


*****

"It has been four years since she died aren't you planning on visiting her?" ang tanong na 'yon ng kapatid ko ang siyang nakapagpatigil saakin sa pagtatype sa laptop ko.

Apat na taon na pala, apat na taon na simula nang mapayapang pumanaw si Faithrill pero hanggang ngayon makirot pa rin saaking damdamin.

"Dadalaw ba kayo?" I hesitantly ask Azrail.

Isinara ko ang laptop ko ngunit nanatili ro'n ang paningin ko hanggang sa tuluyan kong narinig ang sagot niya.

"Yup, dadaan lang kami since galing na ro'n sila Rail at Cheydan kahapon."

Humugot ako ng buntong hininga bago bumaling sakaniya, mukhang nagulat pa siya sa pagharap kong ganon. "Magbibihis lang ako, sasama ako."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tumayo na ako upang magtungo sa banyo.

Makaraan ang ilang minuto ay namalayan ko nalang na nasa sasakyan na ako, nakabihis at patungo sa puntod ng babaeng hanggang ngayo'y gusto't mahal ko. Hindi ko alam kung bakit imbis na mawala ay lalo pang lumalim ang nararamdaman ko para sakaniya, pero kahit gano'n ala na akong pake kung wala na siya. Mamahalin ko siya hanggat kaya ko.

"Arius? Are you okay?" mabilis akong napabaling kay Tita, sa Mom ni Cheydan.

Tumango ako at bahagyang ngumiti. "Opo, Tita." doon ko lang din namalayan na nakhainto na pala ang sasakyan namin sa sementeryo.

Bumaba kami nang sasakyan at ako na ang nagpresintang madadala ng mga bulaklak na para kay Faithrll. Kung nandito lang siya siguro mahihiya 'yon dahil sa dami ng bulaklak.

Sumunod lang ako sakanila hanggang sa tuluyan kaming huminto sa isang malinis at magandang lapida. May ilan pang bulaklak na naroon mukhang may bumisita nga kahapon.

Akala ko kapag dinalaw ko ang puntod niya mas gagaan ang pakiramdam ko, hindi pala. Mas bumigat pa ito at napakaraming tanong ang bumabalot saakin.

Kung sinabi ko kala Cheydan ang dahilan ng pagpapanggap namin e di sana maaga naming nalaman ang sakit niya. Sana naagapan pa, sana gumaling pa siya...

Pagkalapag ko ng bulaklak ay mabilis akong tumingala upang pigilan ang nagbabadyang luha.

"Kumusta Faithrill? Alam mo ba andito ngayon si Kuya may dala pa siyang bulalak para sayo oh." sambit ni Azrail habang nakatingin sa lapida ni Faithrill.

Nagsalita rin si Tita na tila ba nasa harap niya lang si Faithrill. Gusto kong subukan pero hindi ko kaya, masyado pang mabigat..

Hindi nga kami masyado nagtagal don at nag-aya na si Tita umuwi. "Mauna na ho kayo, uuwi nalang akong mag-isa." sambit ko at naupo sa tapat ng lapida ni Faithrill.

Alam kong may gusto pa silang sabihin pero tila ba nag-aalangan sila. Naramdaman ko nalang na naglakad na sila paalis.

Nang hindi ko na maramdaman ang presensya nila ay napabuntong hininga ako. Napatitig ako sa napakaganda niyang pangalan na nakaguhit sa lapida.

"Kumusta Faithrill? Long time no see..." pinigilan kong maluha at tumawa na parang sira. "Hindi ka naman siguro galit saakin 'no? Pasensya kana, sa tuwing binabalak kong pumunta rito sobrang bigat hindi ko yata kaya. Maging no'ng lamay at libing mo gustong-gusto kong pumunta." tuluyan akong napahikbi habang nakayuko saaking mga tuhod.

"Sorry..." sunod-sunod na tumulo ang luha mula sa mga mata ko.

"Dapat pinigilan kita sa hiningi mong tulong saakin, dapat mas inudyok nalang kitang kausapin siya e di sana maaga naming nalaman na may sakit ka. E di s-sana buhay ka pa..." napatingala ako at pilit pinigilan ang papalakas na hikbi. "Sorry, sorry Faithrill..." umiyak ako nang umiyak, don ko lang nalabas ang lahat ng bigat sa mismong harap niya.

Sa harap ng puntod ng babaeng mahal ko.

Nang bahagya akong kumalma ay pagak akong natawa, ano ba 'tong sinasabi ko? Wala naman na akong magagawa, tapos na ang lahat...

Tumayo ako at pinilit kong ngumiti sakaniya. "T-Teka lang ha? Magbabanyo ako at baka bahain ka ng luha ko." biro ko bago tuluyang umalis do'n.

Akala ko wala aong banyo na matatagpuan ngunit nang magtanong ako sa guard ay itinuro niya ang daan. Nang matapos ako magbanyo ay naglakad na muli ako pabalik sa puntod ni Faithrill.

Ngunit kaagad rin akong napatigil sa paglalakad ng matanaw ang dalawang bulto ng tao na nakatayo ro'n. Ang lalaking pamilyar na pamilyar saakin at babaeng hindi ko kilala.

"Life's really is full of surprises last time I saw you, you were deeply inlove with her." bulong ko habang matiim na nakatitig kay Luam na ngayon ay tila ba ipinakikilala ang babae kay Faithrill.

"Who would have thought that you can replace her that easily?"

"He never replace her bro," nagulat pa ako ng akbayan ako ni Azrail kahit pa malaki ang agwat ng height namin, mukhang nagpaiwan din siya kay Tita.

"It just happened that he fell inlove, again. Dahil kung totoo mang gano'n niya kadaling nalimutan at pinalitan si Faithrill? Hindi siya magsasayang ng panahon na halos kada linggo ay pupunta rito sa sementeryo, uupo sa tabi ng lapida ni Faithrill at magkukwento ng mga nangyari sa araw niya na tila ba buhay pa ang kausap niya." tinapik-tapik niya ang balikat ko.

Kusang nanlabo ang paningin ko dahil sa luhang nagbabadya nang tumulo. "Maybe she didn't fall for you but look at the brighter side, beside of considering you as her dear friend she also experienced a normal life whenever she's holding your hand." sambit niya pa habang nakatingin din sa gawi nila Luam.

Pranka akong tumawa. May punto siya pero minsan hindi ko mapigilang itanong na, kung naramdaman niya ang tila ba normal na buhay saakin bakit mas ginusto niya pa rin 'yung isa?

"I hope I could just consider her as my friend too nor live without her like how Luam cope with it. But I can't, she's the first girl who surprised me by falling for her deeply," sunod-sunod na tumulo ang luha mula sa mga mata ko.


"And I know she'll be the last..."


Life may seem so challenging, painful, nor sometimes full of suffering but remember those were not last for long. You will always be surprise on what will happen next to your life, so keep on fighting and if you got tired get some rest and fight again.


You're not alone. Just like what Faithrill said, have FAITH on him and be ready on THRILLS that you'll face with the help of our almighty God.



*****


Hello dear Saixies! I hope you like this story, thank you for supporting me from the beginning of my journey up until now that I finally published one of my story which is IT ALL STARTED IN RPW. I'm also planning on publishing this story, LIFE'S SURPRISES.

Always take care and see yah on my next story! Mwah, shout sa babaeng matagal ko ng gusto HAHAHA ginawa raw vlog e, shout out amp.




Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro