Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

CHAPTER 9



GUSTO KONG kutusan ang sarili ko dahil sa mga pinagsasabi ko kay Arius kagabi. Hindi ko man sigurado kung naniwala siya pero sinabi ko pa rin sakaniya ang lihim na wala pa akong ibang pinagsasabihan ni-isa.


Nasapo ko nalang ang ulo ko habang nakaupo sa sariling kama. Pagkatapos ko kasi sabihin kay Arius ang mga nakita ko kagabi ay siyang dating ni Dan. Nag-aya na itong umuwi ngunit imbis na sumabay ako sakanila ng kapatid niya ay nagpaalam akong may daraanan pa.


Napabuntong hininga ako at hinagilap ang cellphone ko. Mas mabuti siguro kung dadalawin ko nalang si Luam sakanila. Tutal sabado naman at walang pasok.


Dahil iilan lang naman ang number na nakasave sa contacts ko ay mabilis ko ring nahanap ang pangalan niya. Tinawagan ko siya habang inaayos ang bedsheet ng kama.


Limang ring pa ang kinailangan bago niya ito tuluyang masagot.


"Faithrill, napatawag ka?"


Imbis na sagutin ang tanong niya ay tinanong ko rin siya. "Bakit absent ka kahapon? Last day na nga ng intrams nag-absent ka pa."


Pinagpatong-patong ko ang maliliit na unan bago naupo sa dulo ng kama.


"Mas gusto kong bantayan si Mommy, wala kasi siyang kasama pagkatapos ay nilalagnat pa." sagot nito, rinig ko pa ang pagbuntong hininga niya mula sa kabilang linya.


"Gano'n ba? Hanggang ngayon dadalawa kayo diyan ni Tita?" naglakad ako palapit sa closet ko para makapamili ng damit.


"Yup, gusto mong pumunta?"


Nanahimik ako at kunwaring nag-iisip kahit kanina ko pang binabalak na pumunta sa bahay nila.


"Oo sana, kung ayaw mo pake ko? 'Di mo naman bahay 'yan." biro ko para kahit papaano ay mapatawa siya.


Alam ko kasi kung gaano siya nag-aalala sa tuwing nagkakasakit ang Mommy niya kaya kahit papaano gusto ko siyang mapangiti.


Narinig ko ang mahinang pagtawa niya mula sa kabilang linya. "Desisyon ka ah."


Tinawanan ko lang siya at nagpaalam na para makaligo at makagbihis. Kumuha lang ako ng Black croptop polo paired with high waist maong shorts na pinaresan ko ng brown boots.


I look in the mirror only to see my reflection. Nang mapansin ko ang pamumutla ng labi ko ay dinampian ko ito ng liptint, inilugay ko naman ang mahaba at kulot kong buhok since basa pa naman ito.


"There, like it." bulong ko matapos makita ang aking kabuoan sa salamin.


Naiinspire talaga ako kung minsan sa style ng mga korean sa tuwing mananamit, ang gaganda kasi kung minsan ay hindi sobrang iikli ng damit nila pero ang lakas ng dating.


Hindi na ako nag-aksayang mag-taxi dahil ilang kanto lang naman ang layo ng condo ko sa bahay nila Luam. Inililibot ko ang aking paningin habang naglalakad.


Nasa tapat pa lang ako ng gate nila Luam ay natanaw ko na ang tatlong alagang aso nila. Kaagad nagsikawagan ang mga buntot nito nang makita ako.


Pinindot ko ang doorbell nila. Ilang sandali lang ay lumabas si Luam at pinagbuksan ako ng gate.


"Naks, may korean sa harap ko oh dapat na ba akong magpa-authograph? Kasi fan na fan po talaga kita."


"Hala, here my ballpen ako bigyan kita authograph idol para makatulog ka na."


Sabay kaming natawa dahil sa pinagsasabi naming dalawa. Iginaya niya ako papasok sa bahay nila matapos sawayin ang mga aso.


"Masyado nang malalaki ang mga anak ko, ang kukulit na rin." sambit niya habang ang mukha ay para bang problemadong-problemado.


Tinapik ko ang balikat niya habang sabay kaming naglakad. "Ayan, mag-anak ka pa." sabi ko at nauna nang maglakad sakaniya.


Nasa likod ko siya habang tuloy-tuloy akong naglalakad papasok sa bahay nila. Saulo ko naman ito dahil minsan na rin akong nakitira dito.


"Kumusta si Tita?" sumabay siya saakin sa paglalakad.


"Ayon kahit papaano umaayos naman na ang pakiramdam niya, masyado kasing na-stress."


"Ikaw ha, pinapa-stress mo si Tita."


"Hoy hindi ako ah! Na-stress siya kasi hindi pa umuuwi si Daddy."


Defensive talaga.


Nang makarating kami sa tapat ng puting pinto ay nilingon ko siya. Tumango siya saakin na tila ba binibigyan akong signal na pumasok na.


"Luam––Faithrill?" kita ko kung paanong lumiwanag ang mukha ni Tita matapos akong makita.


Iniangat niya ang dalawang kamay na tila ba inaanyayahan akong lumapit sakaniya. "Na-miss kita, mabuti at umuwi ka hija?" bakas sakaniyang mga mata ang labis na pagkasabik saakin.


I can feel her warmth when she hugged me. "I missed you too, Tita. Pasensya na po at madalang akong dumalaw, nahihiya po kasi ako." sambit ko at napakamot sa braso.


'Yon naman talaga ang totoo, nahihiya akong makiharap sakanila dahil hanggang ngayo'y hindi ko pa masuklian ang lahat ng tulong na ibinigay nila saakin.


Narinig ko ang mahinang tawa niya. "Ikaw talaga, bakit ka naman mahihiya? Ikaw na nga lang 'tong anak kong babae dahil si Luam imposibleng maging binabae."


"Mom!" reklamo ni Luam dahil sa sinabi ng Ina.


Akala kasi nila noon ay malambot si Luam dahil sa pagkahilig nitong makipagkaibigan sa babae.


"Kaya nga imposible," natatawang sambit ni Tita.


"Ibili mo na ako ng gamot diyan sa kanto, sinisira mo ang bonding namin ng bunso ko." sambit pa ni Tita, napabungisngis ako dahil sa pagkalukot ng mukha ni Luam.


Kahit kasi madalas siyang asarin ng Mommy niya ay ito ang pinaka-close niya.


"Bunso raw, only child niyo 'ko remember?" He said before leaving.


Napailing-iling si Tita. "See? Kaya hindi siya nagkaroon ng kapatid ayaw niya ng may kahati."


"Maybe kasi po na-spoil niyo siya ng too much attention niyo. That's not bad at all." ngumiti ako kay Tita.


"Yeah, we used to baby him even when he's on Elementary. But the truth is my husband don't want to have a second child. Ayaw niya raw kasi na baka balang araw mag-away ang dalawa dahil sa kompanya, that's why I'm so grateful when we found you on cemetry," she caressed my cheeks. "You may not be my child on blood but in my heart? You're my baby girl." mahinahong sambit ni Tita.


Tumawa ako at tumingala upang pigilan ang sariling maluha.


"Iba nalang po ang i-kwento mo Tita, nakakatouch ka po masyado e, baka mamaya maga na ang mata ko pagkauwi ko po." biro ko dahilan upang matwaua siya at umayos ng pagkakaupo sa kama.


Binitiwan na niya rin ang pisngi ko at lumingon sa bintanang hindi kalayuan ang pwesto saamin. "You know what? We planned to buy Luam a car, para sabay na kayong pumapasok o naihahatid ka niya pauwi pero alam mo kung anong sabi niya?"


"Ano po?"


"He prefer commuting with you because he's having fun chitchatting with you. And he doesn't want us to spend too much money on him." napangiti ang ginang habang nakatanaw pa rin sa bintana. "Hindi ko alam kung kanino nagmana ang batang 'yon samantalang noong kabataan ko ay magastos ako." natatawang sambit ni Tita.


Nagkwento pa siya ng mga dating nakagawian ni Luam noong wala pa ako, madalas daw itong magkulong sa kwarto at mag-isang naglalaro. Not until he met me.


Mas naging bibo raw ito at madalas noon ay ako ang kalaro. Natatandaan ko pa na kahit puro manika ang laruang binili saakin ng mga magulang niya ay nakikilaro siya.


Nang makita kong nilalabanan ni Tita ang antok ay sinabihan ko na siyang magpahinga. Piniga ko ng marahan ang towel na nakababad sa planggana na nasa bedside table  bago ito dahan-dahang inilagay sa noo ni Tita.


Minsan ko pang pinagmasdan ang maamo niyang mukha bago tuluyang nilisan ang kwarto nila.


Siguro kung buhay pa ang nanay ko ay magagawa ko rin sakaniya 'tong ganitong bagay. Nagpakawala ako ng buntong hininga at naupo sa sofa matapos makarating sa sala


Naikwento rin kanina ni Tita na kasalukuyang nasa bakasyon ang katulong nila kaya silang dalawa lang ni Luam ang tao rito.


Isinandal ko ang aking likod sa malambot na sofa bago hinagilap ang cellphone ko sa sling bag na dala ko. Nang makita ito ay napagdesisyonan kong mag-online sa fb account ko.


Halos isang linggo na yata akong hindi nag-oonline. My eyes windened on what I just saw, three chats from Arius!


This is the first time that he chatted me. I immediately opened ito but I got dissapointed a little. He already unsent his two message.



Arius:
         Don't blame yourself on what supposed to happen.



I couldn't move any parts of my body but then a familliar voice filled my ear. "You're too affected to his message, I see."


Mabilis kong itinago ang phone ko sa sling bag ko nang hindi narereplyan ang chat ni Arius, masyado akong nagulat sa presensya ni Luam!


"Para ka talagang kabute! Bigla-biglang sumusulpot." I said trying to change the topic.


"Atleast hindi nawawala sa sarili pag may nagchat saakin 'di ba?" mapang-asar na aniya.


Ibinato ko sakaniya ang throw pillow na nasa likod ko. "Hindi naman ako gano'n!"


"Defensive, hindi naman ikaw ang sinasabihan ko!" sambit niya at tumawa, napairap nalang ako dahil sa iniaasta niya.


Kahit kailan talaga 'tong mokong na 'to. "Ewan ko sa'yo."


"Pero 'yung totoo may nagugustuhan kana ba, Fithrill?" nang balingan ko siya ng tingin ay seryoso na siyang naatingin saakin.


Bigla ay hindi ko alam ang isasagot, parang bigla akong napipi dahil sa tanong na kaniyang ibinato.


Nag-umpisang manlamig ang mga kamay ko dahil sa uri ng pagkakatitig niya saakin, animo'y  kinikilatis akong mabuti dahil sa tagal kong sumagot.


Sunod-sunod akong napalunok at hindi pa rin alam ang isasagot. Anong sasabihin ko? Ni hindi ko pa nga sigurado kung gusto ko na nga ba si Arius romantically...


Ibinuka ko ang bibig ko ngunit ni isang salita ay walang lumabas dito. Alam kong nagtataka na siya sa tagal kong sumagot pero pakiramdam ko sa mga oras na 'to ay hindi ko na makontrol ang sarili ko. Maging ako kasi ay napapatanong.



May nagugustuhan na nga ba ako?




•─────✧─────•


[A:N] Short update for now, bawi ako next time. Keep safe!




Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro