Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

CHAPTER 7




I DIDN'T imagine that he can say those words to me. I thought he's quiet and kind.


Siguro nga nakulitan siya masyado sa chat ko, pero sana sinabi nalang niya sa chat na tigilan ko siya 'di ba? Hindi 'yung harap-harapan niyang ipinararating saakin na para bang sukang-suka siya mabasa pa lang ang mensahe ko sakaniya.


Napabuntong hininga ako at pilit inaayos ang sarili. Halos setyembre na nang magka-intrams kami rito. Ngayon ay bantay ako sa booth ng strand namin.


"Faithrill, ako na 'yung humihingi ng tawad sa mga nasabi ng Kuya ko sa'yo." napakurap-kurap ako habang nakatingin kay Dan.


Mukhang narinig niya ang usapan namin ni Arius. I force myself to smile and tapped her shoulder.


"Ayos lang, 'wag mo nang alalahanin 'yon. Magfocus nalang tayo rito ang ganda pa naman ng plano mo para sa booth natin."


Siya kasi ang nagsuggest na theater ang booth na gawin at kada araw ay may play na ipinapakita ang kahalagahan ng maaaring maging trabaho naming mga HUMMS student.


It always have a great twist that can make the audience laugh nor cry.


"Pero ikaw ang sumulat sa ilang play natin kaya mas maganda ang ginawa mo." aniya at naupo sa tabi ko.


Ngumiti lang ako sakaniya at pinagsiklop ang parehong kamay. Inaamin kong hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Arius, masyadong masakit na tila ba nag-iwan na 'yon ng marka saaking isipan.


I heard her sigh. "Alam mo... hindi naman dating ganyan si Kuya." napatigil ako sa pag-iisip nang magsalita siya.


Nakatingin siya sa malayo habang tila ba may inaalala. "He used to be a talkative type of person. Tipong kapag magkasama kayo kahit anong topic ibibigay niya may mapag-usapan lang kayo," lumingon siya saakin at bahagyang ngumiti bakas ang panghihinayang at lungkot sakaniyang mga mata dahil sa pinagdaanan ng kapatid.


Napayuko ako at nagpatuloy sa pakikinig. "Not until his first love came, but I think her second ex-girlfriend was the worst." bumuntong hininga siya at nilaro ang dulo ng notebook na nasa harapan niya.


"Hindi ko sa'yo maikwento ng buo lalo na at hindi rin naman nagkukwento saakin si Kuya. Lahat ng sinabi ko sa'yo ay base lang saaking nakita no'ng mga panahong lugmok siya." maya-maya ay aniya.


Hindi na ako nakasagot pa ng may isang istudyante na dumating at gustong manood sa play namin.


"Pang-ilang tao po?" magalang na tanong ko habang iniaabot ang nagsisilbing ticket namin para hindi basta-bastang makapasok ang kung sino-sino.


"Oviously, tatlo." umikot pa ang bilugan nitong mga mata bago hinablot sa kamay ko ang ticket.


Mabuti nalang talaga ay sa dulo lang ng ticket ako nakahawak kung hindi ay baka nabasa ko pa ang hinaharap ng malditang 'yon.


"Sino ba 'yon?" naibulong ko sa sarili matapos makapasok ng mga ito.


"Si Kriel pati mga kaibigan niya. Nanalo sa isang quizbee kaya ayan feeling reyna." bulong naman saakin ni Dan.


"Kung gano'n parang masyado naman yatang mataas ang tingin niya sa sarili niya."


"Troo, kaya nga laking pasasalamat ko na ABM student siya dahil kung nagkataong kaklase ko siya? I swear mababalitaan mong napaaway na ako." natatawang sabi ni Dan, mukhang may hidwaan na namamagitan sakanila noong Kriel.


Mukha naman kasi talagang bossy.

Nasa kalagitnaan pa lang ang play namin nang makarinig kami ng malalakas na sigawan sa loob. Kaagad kaming nagkatinginan bago sabay na tumango sa isa't-isa.


Nang akmang papasok na kami ay siyang labas naman ni Kriel at ng mga kaibigan niya na pilit inaawat ng mga kaklase namin.


"This booth sucks! Can you please stop having a play?!" sigaw nito sa mismong mukha namin.


"Teka, ano bang nangyari?" tanong ko sa isang kaklase namin.


Ngunit imbis na siya ang sumagot ay bumaling ang tingin saakin ng babaeng namumula ang mukha dahil sa galit.


"You know what? Kaya wala masyadong nanonood ng play niyo, kasi boring! Wala man lang bang romance?" umirap pa ang babae sa hangin.


Ano bang tingin niya sa booth namin sinehan? E, 'di sana siya ang gumanap do'n at magpalabas ng romance!


"Pardon?" pumunta sa harap ko si Dan at seryosong tinitigan si Kriel.


"I said---"


"Excuse me? May I remind you that this is a booth, not a cinema. So if you're asking for a romance play?" ngumiti ako sakaniya ng malapad. "Bakit hindi ikaw ang umarte ro'n? I-video mo nalang ang sarili mo bago niyo panoorin ng mga kaibigan mo."


Her face was fumming mad while looking at me sharply. Bahagyang humarap saakin si Dan upang itago ang tawa dahil sa pambabara ko sa babae.


"You bitc--" before she could come near me a familliar voice stopped her.


"Kriel!" Rail immediately stand by our side.


"What the hell are you doing? This is the reason why I keep on telling your parents to transfer you to a new school." ngayon ko lang nakitang ganito kaseryoso si Rail habang kausap si Kriel.


Mukhang may magkakilala ang dalawa kaya ganito nalang kung umakto si Rail.


"Argh! This is so annoying!" she burst and walk away with her friends.


Humarap saamin si Rail na may nag-aalalang ekspresyon sa mukha. "Ayos lang ba kayo?" He sighed. "I wish she's not my cousin." sinuklay niya ang buhok gamit ang kamay dahil sa sobrang prustasyong nararamdaman.


My mouth parted when I heard what he just said. They're cousin?! I can't believe it.


"Magpinsan talaga kayo?" gulat na tanong ko.


Si Dan naman ang natawa dahil sa reaksyon ko. "Yup, at palaging si Rail ang taga hingi ng tawad sa tuwing may nakakaaway 'yung isa para lang hindi ito matanggal sa school."


"Oh please, 'wag na nating pag-usapan. Ililibre ko nalang kayo ng streetfood diyan sa labas, G kayo?"


Muli ay nagkatinginan kami ni Dan, alam naming pareho na hindi pa tapos ang oras namin sa pagbabantay.


Napatango-tango saamin si Rail nang tila ba mabasa ang iniisip namin. "Ah, alam ko na. Teka sandali." walang alinlangan itong nilapitan ang mga kaklase namin at tila ba tinuturo pa kami ni Dan .


"Wala talagang hiya 'tong si Rail." napakamot nalang sa pisngi si Dan dahil sa pinaggagawa ni Rail.


Nakangiting lumapit saamin si Rail matapos makipag-usap sa mga kaklase namin. "Let's go, hiningian ko kayo ng thirty minutes break. At dahil diyan 'di ko na kayo ililibre." nakangising aniya.


Sabay kaming napa-angal ni Dan dahil sa sinabi nito. "Rail!"


Tinawanan lang kami nito at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng University.


"Subukan niya lang 'wag tayo ilibre, ipapasunog ko talaga ang kwarto niya!" parinig ni Dan habang papalapit na kami sa labas ng University. Mabuti nalang at Intrams kaya open gate.


"Oh, mamili na kayo tapos bayaran niyo ha."


Inabot ko ang ulo ni Rail kahit na mas matangkad ito saakin. "Hoy! Biro lang, ito na nga ililibre na!" atungal niya matapos kong hawakan ang buhok niya.


Ayaw na ayaw talaga niya sa tuwing nagugulo ang buhok niya. Akala mo bagong rebond kung makaayos e.


Tinawanan lang kami ni Dan na ngayon ay nagsisimula nang kumuha ng mga pagkain. Grabe ang natatandaan ko noon ay si Luam lagi ang kasama ko mamili ng mga ganitong street foods. At kapag masyadong maraming taong namimili ay pinipilit ko pa siya noong sa iba nalang mamili.


"Kumuha kana, sige mamaya maglalabasan na ang mga istudyante maubusan ka pa." sambit ni Rail matapos tapikin ang aking balikat.


Gumaya na rin ako kay Dan at nagsimulang kumuha ng Fishball, kikiam, at eggball. Hindi ko pa man nalalagyan ng sauce ang baso ko nang dumating si Luam.


"Kaya pala nawala ka ha, akala ko ba ako ang ililibre mo!" sambit nito at binatukan pa si Rail.


"Gumastos ka aba, baka magkabalbas na ang pera sa wallet mo." sagot ng isa habang hinihimas ang ulo.


Natawa ako dahil sa sinabi ni Rail. Kung ako ay laging nililibre ni Luam simula noon siya naman ay palaging nagpapalibre sa nagiging kaibigan niya.


"Madamot," bulong ni Luam at namili nalang ng sakaniya.


Halatang nagbibiruan lang naman ang dalawa dahil matapos makabili ay sabay-sabay kaming tumabi upang hindi makaharang sa mga taong gustong bumili.


"Alam niyo ba na may pambansang buraot ang pilipinas?" ngumunguyang sambit ni Rail.


Nagsalubong ang kilay ni Dan. "Mayro'n ba no'n? Wala naman akong nabasa sa libro ah."


Umiling-iling si Rail na tila ba na-dissapoint sa sinabi ni Dan. "Wala sa libro," pabulong na ani nito, nagpalingon-lingot pa siya na tila ba naniniguro kung may ibang tao. "Minsan kasa-kasama lang natin." dagdag nito dahilan upang malakas siyang dagukan ni Luam.


Nagkatinginan kami ni Dan at sabay na natawa. Abnormal talaga 'tong mga kasama namin.


"Hindi ako buraot!"


"Wala naman akong sinabing pangalan! Defensive, napaghahalataan ka Luam."


Napabungisngis nalang ako dahil sa asaran ng dalawa. "Kumain na nga lang––" natigil ako sa pagsasalita matapos mag-angat ng tingin.


Aksidenteng nadapuan ng aking mga mata ang lalaking parang kahapon lang ay walang emosyong nakatingin saakin, samantalang ngayon ay nakangiti habang nakikipag-usap sa kung sino.


Kaagad akong nag-iwas ng tingin at humingang malalim. Medyo nanikip din ang aking dibdib dahil sa nakita kaya mas pinili ko nalang manahimik.


Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang braso saaking balikat, hinigit ako nito papalapit dahilan upang hindi ako makapagsalita at mapatitig lang sakaniyang mukha.


Ngumiti siya ng bahagya na siyang mas ikinatitig ko. Bakit palagi siyang dumarating sa tuwing nakakaramdam ako ng sakit?


"Uy! Kayo ha, akala ko ba friends lang?"


Mabilis akong napalayo kay Luam nang marinig ang mapang-asar na boses ni Rail, ang issue talaga.


"Sira, inusog ko lang siya mainit kasi baka umitim si Faithrill at pumangit." tinawanan lang nila Dan ang palusot niya.


Muli akong napasulyap sa direkksyon kung saan ko nakita sila Arius kanina. Napangiti nalang o ng mapait sa sarili ko ng hindi na siya makita.


Kailan ko kaya siya makikitang ngumiti ng gano'n saakin?




IT WAS  already the last day of our Intrams. Lahat tuloy ng istudyante ay todo na kung makaayos sa kaniya-kaniyang booth.


Maging kami ay nag-add ng ilang play na hindi man konektado sa strand namin ay sinisigurado naming may mapupulot na aral ang sino mang manonood nito.


"Nakita mo na ba?"


Lalong bumusangot si Dan matapos kong magtanong. "Hindi pa, baka naiwan ko sa bahay or sa locker. Urgh! Kasi naman saan ko ba nailagay!" nagpapadyak siya sa inis habang pilit inaalala kung saan nailagay ng props na gagamitin namin.


Sakaniya kasi in-assign ang props dahil magaling siyang pumili habang ako at ang ibang mga kaklase namin ay pinasulat ng maikling play kamakailan at pagpipilian, hopefully mapili ang saakin.


"Kumalma ka, kapag mas nag-panic ka hindi ka makakapag-isip ng maayos. Titignan ko na rin  locker mo." hinimas-himas ko ang kaniyang balikat upang matulungan siya sa pagkalma.


Tumango siya at kaagad na iniabot saakin ang susi ng locker niya. Nagmamadali akong lumabas ngunit kasabay nang pagbukas ko ng pinto ay siyang gulat ko dahil may tao.


Muntik pa akong matalisod mabuti na lamang at naibalanse ko pa ang aking katawan. Bumati ako sa lalaki kahit pa para akong kinakapos ng hininga matapos siyang makilala.


"Hi."

"Hey."


Napakunot ang noo ko nang i-angat niya ang isang kamay at iniabot saakin ang isang medyo kalakihang paper bag.


"Here, pakibigay kay Dan."


Kahit ramdam ko ang lamig sakaniyang tono ay ngumiti ako sakaniya ng bahagya.


"Thanks." nag-aalangan ako kung hahayaan ko ba siyang umalis o aanyayahang manood sa play namin?


Before he could turn his back on me I just found myself asking him.


"Would you like to watch?"





•─────✧─────•


Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro